Nakatadhanang Pag-ibig sa Pagbabagong Identidad ng CEO
Language: fil
/0/70451/coverbig.jpg?v=5fe18e731938484d83dac96e802834f2)
Upang matupad ang huling hiling ng kanyang lolo, pinasok ni Stella ang isang madaliang kasal sa isang ordinaryong lalaki na hindi pa niya nakikilala. Gayunpaman, kahit na pagkatapos na maging mag-asawa sa papel, ang bawat isa ay humantong sa magkahiwalay na buhay, halos hindi nagkrus ang landas. Makalipas ang isang taon, bumalik si Stella sa Seamarsh Lunsod, umaasa na sa wakas ay makilala niya ang kanyang misteryosong asawa. Sa kanyang pagkamangha, pinadalhan siya nito ng isang text message, sa hindi inaasahang pagkakataon na nagsusumamo para sa isang diborsyo nang hindi pa siya…
Available chapters
Chapter 1
Sa waiting area ng Seamarsh airport, nakatayo si Stella Anderson dala-dalang malaking maleta.
Muli niyang tinignan ang oras sa kanyang relo. Halos tatlumpung minuto na siyang naghihintay mula noong lumapag ang kanyang eroplano, ngunit wala pa rin ang kanyang asawa, na pinakasalan niya isang taon na ang nakalipas.
Habang pinapaypayan niya ang sarili gamit ang kanyang kamay, bahagyang kumunot ang kanyang noo. Unti-unting nabubuo sa isip niya ang hindi magandang impresyon ng taong hindi pa niya nakikilala.
Ito na sana ang kanilang unang pagtatagpo. Bakit kaya siya na-late ng ganito?
Nakatingin siya sa mga taong patuloy na dumadating at umaalis, at di niya maiwasang balikan ang alaala ng biglaan nilang kasal.
Naganap iyon isang taon na ang nakalilipas, sa panahong malubha ang kalagayan ng kanyang lolo.
Nasa ibang bansa noon si Stella, at agad siyang umuwi upang makasama ang kanyang lolo. Sa mga sandaling iyon, hiniling ng kanyang lolo na makita siyang ikinakasal sa lalong madaling panahon.
Nais sanang tumutol ni Stella. Ngunit, tuwing naaalala niya kung paano siya kinupkop at pinalaki ng kanyang lolo mula sa ampunan, hindi niya kayang talikuran ang hiling nito.
Dahil dito, nagpasya siyang magpakasal sa lalaking pinili ng kanyang lolo, isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita.
Sa araw ng kanilang kasal, hindi sumipot ang nobyo. Isang kinatawan ang dumalo upang asikasuhin ang pagpaparehistro ng kanilang kasal.
Hanggang ngayon, hindi pa rin lubos na kilala ni Stella ang kanyang asawa. Ang tanging alam niya lang ay ang pangalan ng kasintahang lalaki at siya ay isang negosyante.
Patuloy pa rin ang pag-aalinlangan ni Stella kung tama ba ang desisyon niyang ito. Hanggang ngayon, wala pang ipinapakitang dahilan ang kanyang tinatawag na asawa upang magustuhan niya ito.
Muli niyang tinignan ang kanyang relo; tila ika-sandaang beses na niyang ginawa iyon. Sampung minuto pa ang lumipas.
Napabuntong-hininga si Stella dahil sa inis. Habang papalapit na sana siya sa kanyang telepono upang tawagan ang kanyang lolo, isang nakabibinging tunog ang pumutol sa katahimikan at nagpatili sa kanyang mga tainga.
Biglaang humarurot at tumigil sa kanyang harapan ang isang silver na Aston Martin. Bumaba ang bintana sa driver's seat.
Napaatras si Stella, nang makita niya ang isang pamilyar na mukha, at di niya napigilang itanong, "Bakit ka nandito?"
Ang taong nasa likuran ng manibela ang huling inaasahan niyang makikita—si Oliver Palmer, ang kanyang pinsan.
"Aray! Ang sakit!" Pahawak-hawak sa kanyang dibdib, kunwari'y nasasaktan si Oliver. Lumabas siya sa sasakyan na nakasimangot. "Mahalaga ang iyong pagbalik, matagal na rin tayong di nagkita. Dahil pinsan mo ko, syempre pumunta ako rito para salubungin ka. Pero bakit ganyan ka sa akin? Hindi tama yan!"
Walang gulat o pagkabigong nadama si Stella dahil halatang peke ang kanyang pagarte.
Napairap nalang siya at mas piniling manahimik.
"Tara na, Stella. Sigurado akong pagod at gutom ka na. Libre ko na ang tanghalian mo." Habang kinukuha ang kanyang maleta gamit ang isang kamay, inilagay ni Oliver ang kabilang kamay sa balikat ni Stella at marahang itinulak siya patungo sa kotse.
"Teka lang! Hindi ako makakaalis kasama ka." Agad na pinigilan ni Stella ang kanyang pinsan.
"Bakit?" Huminto si Oliver. Napangisi si Oliver nang bigla siyang magkaroon ng ideya. "Tungkol ba ito sa iyong asawa? Inaasahan mo pa bang darating siya?"
Natahimik si Stella, ngunit malinaw ang pagkadismaya sa kanyang mukha.
Napangisi si Oliver. "Huwag mo na siyang antayin. Diba't ni minsan hindi ka niya kinontak mula nung ikinasal kayo? Ano pa bang pahiwatig ang gusto mo?"
Hindi nakapagsalita si Stella.
"Kung talagang balak ka niyang sunduin, dapat nandito na siya bago pa ko dumating. Paano ka pa magtitiwala sa isang taong ni minsan hindi ka pinahalagahan?" Dagdag pa ni Oliver, mas lalo pang nangungutya.
Nang naisip niya ito ng mabuti, matapang na sumagot si Stella, "Pero sabi ni Lolo, susunduin ako ni Maverick."
Inisip niya na tinupad ni Maverick ang kanyang pangako, lalo na't ipinangako niya ito sa kanyang lolo.
Hinawakan ni Oliver ang kanyang ilong at napa-buntong hininga. "Gustuhin mo man siya hintayin, di mo kailangan magtiis sa ilalim ng araw. Pumasok ka sa kotse. Mainit ang panahon."
Habang nagtatalo silang dalawa, isang matangkad na lalaki ang unti-unting naglakad papalapit sa kanila.
Kausap ni Matthew Clark ang kanyang lola sa telepono, at sinabi, "Nasa airport na ko. Uminom ka na ng gamot mo."
Sa kabilang dulo ng linya, isang malambing na boses ng babae ang sumagot, "Huwag mong kalimutan, nakasuot ng pulang damit si Ella ngayon. Mahaba at kulot ang kanyang buhok, at itim ang maleta niya..."
"Nakita ko na siya, Lola. Ngayon, mangyaring huwag mag-alala" Malinaw ang pagkairita sa mukha ni Matthew, habang pinagmamasdan niya ang dalawa sa malayo.
Nakita niya ang isang babae na tumutugma sa detalyeng ibinigay ng kanyang lola, kabilang ang kulay ng maleta nito.
Ngunit, nakita niyang sumakay ang babae sa kotse ng isang lalaki, na magalang na binuksan para sa kanya ang pinto.
Biglaang naging seryoso ang tono ni Matthew. "Alis na ako, Lola. Mag-usap nalang tayo mamaya."
Nagdilim ang ekspresyon ni Matthew, at naging seryoso ang kanyang mga mata.
Matapos ibaba ang tawag, umikot siya at lumakad paalis.
Pagbalik sa kanyang kotse, mas mahigpit niyang hinawakan ang manibela habang pinagmamasdan ang babae at ang lalaki sa sports car.
Inabot ng lalaki sa babae ang isang bote ng tubig, at habang umiinom ito, malambing niyang hinaplos ang kanyang buhok. Bagama't hindi makita ni Matthew ang mukha ng babae, hindi na ito mahalaga sa kanya ngayon.
Sumiklab ang kanyang damdamin.
Natawa siya sa kanyang sarili.
Bakit pa nga ba siya nagulat? Dapat matagal na niyang alam ito.
Isang taon nang wala sa lungsod ang babae tinatawag niyang asawa simula noong ikasal sila. Hindi pa sila nagkakaharap o nagkausap man lang sa telepono. Hindi na nakakagulat kung may iba na siyang karelasyon.
Napapikit si Matthew, nagtikom ang kanyang labi. Kinuha niya ang kanyang telepono at mabilis na nag-type ng mensahe.
Matapos niyang i-send ang mensahe, agad niyang pinaandar ang sasakyan at dali-daling umalis sa lugar.
————
Nang hapon ding iyon, bihis na bihis si Stella sa simpleng ngunit elegante niyang light-colored business suit at nagtungo sa Prosperity Group.
Kilala ang Prosperity Group bilang isa sa mga nangungunang kompanya sa Seamarsh, at ang mga empleyado nito ay itinuturing na mga elite ng lungsod.
Nang pumasok si Stella sa kahanga-hangang gusaling opisina ng grupo, ang kanyang kahanga-hangang resume ay nagbukas ng pinto para sa kanya bilang isang senior PR professional na direktang magtatrabaho sa ilalim ng CEO na si Matthew.
Si Luna James, ang direktor ng PR department, ay personal na nagdala kay Stella para makaharap si Matthew.
Walang ideya si Stella na ang CEO na kanyang pinapasukan ay walang iba kundi ang kanyang asawang si Maverick.
Si Matthew, na hindi madaling magtiwala sa iba, ay gumamit ng kanyang totoong pangalan, Maverick Clark, noong sila ay ikinasal. Tanging ang pinakamalapit sa kanya lang ang nakakaalam ng pangalang ito.

Chapter 2
Sumakay sina Stella at Luna ng elevator papunta sa pinakamataas na palapag.
Habang nasa daan, puno ng sigla si Luna. Patuloy niyang ikinukwento kay Stella ang tungkol sa kumpanya. "Buong palapag ang sakop ng opisina ng CEO. Bawal ang karamihan ng empleyado doon. Tanging mga direktang nag-uulat sa kanya o may mahalagang pakay ang pinapayagang pumasok doon."
Tahimik na nakinig si Stella.
Nais niyang malaman ang lahat tungkol sa kanyang bagong boss, kaya mahalaga sa kanya ang impormasyong ito.
Biglang tumigil si Luna sa pagsasalita. Pagkatapos ay lumingon siya kay Stella at nagtanong, "Nabalitaan ko na nagtatrabaho ka noon sa isang branch ng Prosperity Group sa ibang bansa. Bakit ka napunta dito sa headquarters? Nakilala mo na ba dati si Ginoong Clark?"
Kita sa mga mata ni Luna ang interes. Halatang-halata na gusto niyang makuha ang impormasyong ito para sa tsismis.
Walang naging empleyado sa Prosperity Group na hindi dumaan sa interview. Sa totoo lang, mas mahaba pa nga ang proseso ng pagiging empleyado dito kumpara sa iba.
Si Stella ang kauna-unahang tao na sumisira sa precedent.
May mga usap-usapan sa pagitan ng ibang empleyado na hindi pangkaraniwang tao si Stella. Dahil dito, naging interesado si Luna na malaman kung bakit personal na inatasan ng CEO ang paglipat ni Stella.
Karamihan sa mga nag-apply para sa posisyong ito ay hindi nakapasa sa proseso ng pagpapasa ng resume. Ito ay dahil si Matthew ay may mahigpit na mga kinakailangan.
Sa sandaling iyon, napakunot ang noo ni Stella sa tanong ni Luna. Hindi niya gusto ang mga taong nakikialam sa personal na buhay ng iba.
Tinitigan niya ang ID badge ni Luna at sinabi, "Sa pagkakaalam ko, ang mga professional sa PR ay kinakailangang may mataas na EQ. Kadalasan, nakatutok lang sila sa kanilang trabaho."
Sinabi lang niya na lumampas sa linya si Luna at kinutya siya sa pagiging unprofessional.
Pagkatapos magsalita ni Stella, agad huminto ang elevator sa pinakataas na palapag.
Lumabas si Stella nang hindi man lang nilingon ang kasama niya.
Nagdilim ang ekspresyon ni Luna.
Habang pinipigil ang galit, masama niyang tinitigan ang likuran ni Stella habang lumalabas ito.
Ano ba ang inakala ng bagong dating na ito sa kanyang sarili? Paanong nakakapagsalita siya ng ganon?
Magkasamang naghintay ang dalawa sa labas ng opisina.
Tinignan ni Luna ang kanyang relo at lumipat sa isang sulok para tumawag. Pagbalik niya, sinabi niya kay Stella, "Paparating pa lang si Ginoong Clark. Kailangan pa nating maghintay ng ilang sandali."
Tumango si Stella.
Ilang sandaling katahimikan ang lumipas. Bigla, bago muling nagsalita si Luna, "Interesado ka bang malaman kung bakit late si Ginoong Clark?"
Dahil sa galit niya kay Stella, determinado si Luna na ituwid ang sitwasyon. Binalak niyang ilagay si Stella sa mas mababang posisyon kaysa sa kanya.
Hindi na naging interesado si Stella sa anumang ginawa ng kanyang boss sa labas ng trabaho. Kaya naman, mahinahon lamang siyang sumagot.
Hindi pinansin ni Luna ang pahiwatig at iritableng sinabi, "Alam mo, kararating lang ng asawa ni Ginoong Clark kanina." Itinigil niya ang lahat ng kanyang trabaho ngayon para sunduin lang siya sa airport. Napaka-sweet niyang asawa, hindi ba?"
Ipinatong ni Luna ang kanyang mga braso sa dibdib, may bahid ng panghihinayang at paghanga. "Nakakapanghinayang talaga na maaga siyang ikinasal. Swerte talaga ang asawa niya. Ano kayang klaseng babae siya?"
Biglang naalala ni Stella ang nangyari sa kanya kanina dahil sa mga salitang ito.
Tila may mga babaeng pinagpala sa pagkakaroon ng mabubuting asawa. Mukhang higit na maayos ang boss niyang si Mathew kumpara kay Maverick.
Matapos ang halos isang oras na paghihintay sa airport, isang maiksing text mula kay Maverick ang natanggap niya na nagsasabing hindi ito makakarating dahil siya ay abala.
Ano bang klase ng dahilan iyon! May mas abala pa ba kaysa sa CEO ng Prosperity Group?
Tumunog bigla ang elevator.
Agad na inayos ni Luna ang kanyang damit at sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri. Ngumiti siya bago hatakin si Stella papalapit.
Unti-unting nagbukas ang pinto ng elevator.
Isang lalaking naka-business suit ang naglakad palapit sa kanila habang nakasuksok ang kamay sa bulsa.
Mahahaba ang mga binti niya, na nagpagaan sa kanya na maglakad nang malalaking hakbang. Makitid ang kanyang baywang samantalang malapad ang balikat, at ang kanyang mukha ay matalas at maskulado na parang modelo.
Sinukat ni Stella ang tangkad niya—tiyak na lampas anim na talampakan.
May dalang aura ng karangyaan at kapangyarihan ang kanyang presensya. Hindi naialis ni Stella ang kanyang mga mata sa pagkakatitig sa kanya.
"Magandang araw, Ginoong Clark". Ang boses ni Luna ay nakagambala sa pag-uusisa ni Stella.
Nagpakilala si Stella nang may paggalang. "Kamusta, Ginoong Clark. Ako po ang bagong PR professional na galing sa ating sangay sa ibang bansa. Si Stella Anderson ako."
Nang marinig ni Matthew ang pangalang iyon, agad na lumitaw ang pagkagulat sa kanyang mukha.
Tila may pamilyaridad siya sa pangalan, ngunit hindi niya maisip kung saan ito unang narinig.
Nakakunot ang noo niya sa pagtataka habang pinroseso niya ang impormasyon. Matapos mag-isip sandali, tinuro niya ang pinto patungo sa kanyang opisina. "Tara sa loob ng opisina ko para mag-usap."
Agad namang pumasok si Matthew sa loob ng kanyang opisina.
Walang pag-aatubiling sumunod si Stella.
——
Habang nakaupo sa kanyang mesa, agad na inisa-isa ni Matthew ang mga dokumento sa harap niya.
Sinadya niyang piliin si Stella bilang kanyang personal na PR officer dahil sa mga tagumpay na naipakita niya sa sangay ng kumpanya noong nakaraang taon. Nakasaad sa mga record na malaki ang naitulong niya para iligtas ang kumpanya sa ilang kritikal na sitwasyon na maaaring sumira sa kanilang reputasyon.
Higit pa rito...
Muling binuklat ni Matthew ang huling pahina ng kanyang resume, at bahagyang lumalim ang kanyang titig.
"Marunong ka bang magdisenyo?" Tanong niya, na nagpabasag sa katahimikan ng opisina.
Hindi inaasahan ni Stella ang tanong na ito. Matapos mapawi ang gulat, dahan-dahan siyang tumango. "Medyo lang."
Tumitig si Matthew sa kalmado niyang mukha, pagkatapos ay nagpatuloy siya sa pag-usisa, "Bilang isang PR professional, ano ang kinalaman ng disenyo sa iyong larangan? Bakit mo naisipang isama ang mga disenyo sa iyong resume?"
Pinaghandaan ni Stella ang tanong na ito.
Inayos niya ang kanyang pagkakaupo at buong tiwalang sinagot, "Nagsumikap ang Prosperity Group na mamuno sa fashion industry." Bilang bahagi ng PR, responsibilidad ko ang pagpapalaganap ng brand image. Kaya naman, mahalaga ang mga disenyo na aking ginawa."
Napaisip si Matthew at tumango.
Isinara niya ang file at hinagis ito sa isang tabi ng kanyang mesa. Lumingon siya kay Luna at nag-utos, "Asikasuhin mo ang mga kailangan niya. Bigyan mo rin siya ng mga gagawin."
Nagulat si Luna.
Iyon na lang ba ang sasabihin ni Matthew?
Bagama't hindi siya lubos na masaya, magalang pa rin ang sagot ni Luna, "Opo, Ginoong Clark."
Malalim ang buntong-hininga ni Stella habang palabas siya ng opisina.
Iniunat niya ang kanyang mga kamay at basang-basa ng pawis ang kanyang mga palad.
Habang inaalala niya ang malamig at seryosong mukha ng CEO, muling sumikip ang dibdib ni Stella sa kaba. Napagtanto niya na mas mahirap palang magtrabaho sa ilalim niya kaysa sa inaasahan niya.

Chapter 3
Sinamahan ni Luna si Stella sa departamento ng ugnayang pampubliko.
Pagkatapos ay ipinakilala niya si Stella sa iba pang mga empleyado ng departamento.
"Mga kasama, makinig kayo", sabi ni Luna, na tumayo at humarap sa mga empleyado.
"Ito si Stella Anderson. Siya ang bagong miyembro ng inyong departamento. Gabayan ninyo siya at turuan ng mga dapat gawin," dagdag niya habang ipinapakilala si Stella sa mga empleyado.
Isang matamis na ngiti ang sumilay sa mapupulang mga labi ni Stella habang siya ay nagbigay ng isang magalang na pagbati sa mga bagong kasamahan. "Ikinagagalak kong makilala kayong lahat. Isang karangalan na maging bahagi ng departamentong ito. Umaasa akong magiging maayos ang ating samahan. Sana ay gabayan at turuan ninyo ako. Alam kong marami pa akong dapat matutunan."
Nagulat ang lahat, hindi inaasahang makuha kaagad ni Stella ang posisyon sa departamneto nila.
Ang ilan sa kanila ay hindi maiwasang magduda kung paano at bakit siya agad na napili para sa posisyon, lalo na at hindi pa nila siya gaanong kilala. Hindi nila maiwasang magbulungan sa isa't isa.
"Siya ba yung PR officer na inilipat dito para maging personal assistant ni Ginoong Clark? Maganda na maganda siya. Pero hindi ako sigurado kung siya ba yung tipo na magandang may utak o puro ganda lang."
"Ano ka ba? Hindi mo ba alam na mahusay kumilatis ng totoong talento sa Ginoong Clark? At ang pinipili niya lang ay ang pinakamagaling. Sigurado akong may angking husay at talino itong Stella na ito."
"Hay, naiinggit ako sa kanya. Makakatrabaho niya ng malapitan si Ginoong Clark. Ano ang suwerte babae siya!"
Lahat ng bulung-bulungan ay hindi nakaligtas sa pandinig ni Stella.
Gayunpaman, ngiti lamang ang iginanti niya sa kanilang lahat. Walang salitang lumabas sa kanyang mga labi.
Sa kabilang banda, mas namula ang mukha ni Luna.
Napatingin siya sa direksyon ni Stella at hindi naiwasang mapasimangot.
Mas lalo lamang pinatindi ng mga narinig niyang bulung-bulungan ang yamot na kanina pa niya nararamdaman.
Alam sa buong kompanya kung paano pinapadaan ni Matthew sa butas ng karayom ang mga potensyal na empleyado.
Pero kanina, hindi siya makapaniwala sa nasaksihan. Napakagiliw at napakabait ni Matthew kay Stella. Isang ugali na bihirang-bihira nitong ipakita sa kahit kanino.
Tiningnan ni Luna si Stella mula ulo hanggang paa, bahagyang umaarko ang isang kilay.
Sigurado siyang ang bagong dating na ito ay wala lang talino.
Sa inis, nangako siyang pahirapan si Stella.
Agad na gumana ang katusuhan ni Luna. Maraming masamang ideya ang pumasok sa isip niya. Mga paraan upang gawing miserable ang buhay ni Stella sa departamento.
Bilang panimula, ibinigay niya kay Stella ang pinakamahirap na gawain.
"Heto, tingnan mo ang mga ito. Ito ang una mong gawain ayon sa utos ni Ginoong Clark. Sa kasalukuyan, huling bahagi na ng mga proyekto ang tinatrabaho ng mga kasamahan mo sa departamento. Ang tanging natitirang gawain ay ang pagpili ng musika para sa anibersaryo ng kompanya." Paliwanag ni Luna sa natural na tono habang hawak ang mga kinakailangang dokumento. "Ang trabaho mo ay makipag-ugnayan sa kabilang panig at tiyakin na makumpirma agad ang kakailanganing musika," dagdag paliwanag pa niya.
Napatingin si Stella kay Luna, ang noo'y nakakunot. "Mayroon pa ba akong dapat malaman?"
Hindi maiwasang mapaisip ni Stella. Sa kanyang paningin, ang pagpili ng musikang gagamitin para sa anibersaryo ng kumpanya ay tila isang maliit na bahagi lamang ng malaking proseso ng paghahanda para sa isang kaganapan. Parang hindi siya makapaniwala na hindi pa ito nagagawa.
Determinado si Luna na pahirapan si Stella, kaya't hindi na siya nag-abalang magbigay ng dagdag na paliwanag tungkol sa sitwasyon. Basta na lang niyang itinapon ang mga dokumento sa harapan ni Stella at sinabing, "Darating na ang kliyente maya-maya. Malalaman mo ang mga buong detalye kapag nagharap na kayo."
Pagkasabi nito, tumalikod na siya at bumalik sa kanyang mesa.
Hindi na nagtanong pa si Stella. Napakibit-balikat na lamang siya habang binabasa ang mga dokumento.
Para makahanap ng kaunting katahimikan, pumasok siya sa silid pagpupulong habang binubuklat ang dokumento.
Pagkasara na pagkasara ng pinto, nagsimula na namang mag-usap-usap sa opisina.
"Walang pag-asa ang bagong dating na ito. Napakahirap pa namang pakisamahan ni Henry. Hindi ito madaling makatrabaho. Hindi lang siya mapili, pervert din siya. Isipin ko lang ang maaari niyang gawin kay Stella, tumatayo na ang mga balahibo ko."
"Hay naku, sinabi mo pa. Pareho tayo ng nararamdaman. Sabagay, nais ko siyang suwertehin."
——
Sa silid-pulong, pinag-aralan ni Stella ang lahat ng dapat malaman tungkol sa gawain at sa kliyenteng makikilala niya.
Pagpapakita ng data, ang kliyente ay isang pyanista na nagngangalang Henry Scott.
Interesado ang pamunuan ng kumpanya na gamitin ang kanyang piyesa ng piyano sa ika-30 anibersaryo na malapit nang maganap. Sa di-malamang dahilan, hindi pa rin sila nagkakasundo.
Saktong natapos niyang basahin ang huling pahina nang biglang bumukas ang pinto ng silid-pulungan.
Pumasok ang isang lalaki na nakasuot ng maong at kaswal na kamiseta na may nakatuping manggas
Kagyat na tumayo si Stella at sinalubong ng ngiti ang lalaki. "Kumusta, Ginoong Scott. Ikinagagalak kitang makilala. Salamat sa pagpunta. Ako si Stella Anderson. Makikipagtulungan ako sa paggamit ng iyong piyesa sa aming nalalapit na anibersaryo. Maupo na tayo?"
"Sige," sang-ayon ni Henry at kaagad na hinila ang upuan sa tabi ni Stella.
Pinagkrus ni Henry ang kanyang mga braso sa dibdib, sumandal sa upuan, at tumitig kay Stella na tila sinusuri ang bawat galaw nito.
Sadyang iniwasan ni Stella na magtama ang kanilang paningin.
Nang muli siyang umupo, bahagya niyang inilayo ang kanyang upuan mula kay Henry. Pagkatapos, nagsimula siya sa isang propesyonal na tono. "Hanggang ngayon, hindi pa namin nakukuha ang iyong pahintulot na magamit namin ang iyong piyesa sa aming anibersaryo. Wala pang napagkasunduang kontrata. Maaari ko bang malaman ang dahilan? Kung mayroon kang alinlangan tungkol sa inaalok naming kasunduan, sabihin mo lang. Tinitiyak ko sa iyo na papayagan ka naming masiyahan hangga't ito ay nasa aming kakayahan."
Tahimik lang na nakikinig si Henry. Pero ang mga mata nito ay naglalakbay sa kabuuan ni Stella.
Nang mapansin ito, isang malamig na babala ang gumapang sa gulugod ni Stella.
Hindi siya kumportable sa matamang titig ni Henry, ngunit pinilit niyang manatiling kalmado at nakangiti. Sa kabila ng kakaibang pakiramdam na bumalot sa kanya, nanatili siyang propesyonal.
"Alam kong kasalukuyan kang naghahanda para sa isang pambansang paglibot. Ipinapangako ko na hindi ito makakaapekto sa iyong mga paghahanda. Sa halip, maglalaan kami ng oras sa araw ng aming piging upang makatulong sa promosyon ng iyong paglilibot. Ano sa palagay mo?"
Hinaplos ni Henry ang kanyang baba na tila nag-iisip. Pagkatapos ay sinabing, "Hindi ko ikakaila na napakaganda ng iyong alok."
Tiningnan siya ni Henry ng patagilid at ngumiti, tila may nais ipahiwatig sa likod ng kanyang mga mata.
Pinilit ni Stella ang sarili na hindi na iyon pansinin. Iniabot niya dito ang inihandang kontrata.
"Heto ang kontratang inihanda namin. Pakibasa muna ng maigi. Kung may problema ka sa anumang bahagi, sabihin mo lang. Ipapabago ko ito kaagad."
Subalit hindi kinuha ni Henry ang dokumento. Sa halip, sumandal siya sa upuan at inilagay ang mga kamay sa likod ng kanyang ulo.
"Masyadong matrabaho ang pagbabasa."
Napangiwi si Henry ng makita kung gaano kakapal ang kontrata.
"Ayokong pagurin ang sarili ko sa pagbabasa lang."
Biglang nag-alangan si Stella sa narinig.
Bago pa siya makapagsalita, nagpatuloy si Henry, "Paano kaya kung lumapit ka at ikaw na ang magbasa para sa akin?"
Ang mga mata ni Henry ay kumikinang sa interes habang nakatitig kay Stella.
Itinikom ni Stella ang kanyang mga labi at huminga nang malalim.
Matapos magtrabaho sa industriya ng PR sa loob ng maraming taon, nakatagpo siya ng iba't ibang uri ng kliyente na may mga kakaibang kahilingan.
Kaya para sa kanya, hindi kalabisan ang kahilingan ng kliyente na basahin niya ng malakas ang kontrata para rito.
Dahil dito, kinuha niya ang kontrata sa mesa at lumapit ng kaunti kay Henry, sinisigurong nasa ligtas na distansya pa rin siya mula rito. Bahagya siyang tumikhim at sinimulan ang pagbabasa, pinanatiling mahinahon at propesyonal ang tono.
Kahit nakatutok ang mga mata ni Stella sa dokumento, ramdam na ramdam niya ang mapanuring tingin ni Henry. Tila ba sinusuyod nito ang buo niyang katawan.
Nagdulot ito sa kanya ng kakaibang pakiramdam, halong tensyon at pagka-awkward.
Gayunpaman, inayos ni Stella ang pagkakaupo at sinikap na ituon ang atensyon sa binabasa.
Subalit maya-maya, biglang dumukwang ng husto si Henry.
Kusang umiwas si Stella.
Isang mapanuksong ngisi ang gumuhit sa mga labi ni Henry. Tila nasisiyahang lalo pa itong lumapit kay Stella.
"Napakaganda ng kuwintas na suot mo. Bagay na bagay ito sa kumikinang mong kutis."
Habang nagsasalita si Henry ay iniunat ang kanyang kamay patungo sa leeg ni Stella na tila ba gusto niya itong hawakan.
Kinailangan ni Stella ng matinding pagpipigil para hindi mahampas ang kamay ng lalaki. Ramdam na ramdam niya ang galit na bumangon mula sa kanyang kalooban. Lalo siyang naiinis sa hindi inaasahang kilos nito at sa patuloy na pagtatangkang magbigay ng hindi komportableng presensya. Kumilos siya upang makalayo, sumandal sa upuan at tinitigan ito ng matalim.
"Kung nagustuhan mo ang kwintas na ito, tutulungan kitang magkapag-order. Ipapadala ko na lang sa kompanya mo pagkatapos nating mag-usap. Maaari na ba akong magpatuloy sa agenda?"
Nanatili sa ere ang kamay ni Henry. Ngumisi ito ng nakakaloko. "Akala ko pa naman gusto ng Prosperity Group na makipagtulungan sa akin. Nagkamali pala ako. Masyado akong abalang tao, kaya hindi ko dapat inaaksaya ang mahalagang oras ko sa pakikipag-usap sa mga hindi tapat na tao."
Nagtaas ng kilay si Henry at tinitigan si Stella ng may halong pagbabanta.
Sa sandaling ito, biglang bumukas ang pinto.
"Kanselado na ang kooperasyon."
Pumasok si Matthew sa silid, ang kanyang mukha ay hindi nagpakita ng anumang emosyon. Tumayo siya sa tabi ni Stella at humarap kay Henry, ang kanyang postura ay matikas at hindi matitinag.