Browse stories

Nakatali ng Pag-ibig:Pagpapakasal sa Aking Asawa ng wheelchair

Language: fil

“Kailangan mo ng nobya, kailangan ko ng nobyo. Bakit hindi tayo magpakasal?” Parehong inabandona sa altar, nagpasya si Elyse na itali ang may kapansanang estranghero mula sa katabing venue. Nakakaawa ang kanyang estado,nangako siyang sisirain siya kapag ikinasal na sila. Hindi niya alam na isa pala itong makapangyarihang tycoon. Inisip ni Jayden na pinakasalan lang siya ni Elyse para sa kanyang pera, at binalak na hiwalayan siya kapag wala na itong silbi sa kanya. Ngunit pagkatapos niyang maging asawa, nahaharap siya sa isang bagong dilemma. “Paulit-ulit siyang humihingi ng diborsyo, pero…

Available chapters

  1. Chapter 1
  2. Chapter 2
  3. Chapter 3

Chapter 1

"Saan ka pupunta?"

Sa kasal, tarantang hinawakan ni Elyse Lloyd ang kamay ni Theo Ward para pigilan itong umalis, puno ng pagmamakaawa ang mga mata nito.

Puno ang lugar ng pamilya at mga kaibigan ng bawat panig, nakaupo at naghihintay. Tinanong ng opisyal si Theo kung gusto niyang pakasalan si Elyse. Sa halip na sumagot, binalewala niya ang opisyal, sinagot ang kanyang telepono, at biglang nagtangkang umalis.

"Alam ni Kaelyn ang tungkol sa ating kasal, at ngayon nagbabanta siyang tumalon mula sa isang gusali. Alam mo ang kanyang depresyon, hindi ba? "Kailangan niya ako," paliwanag ni Theo, at saka padabog na itinulak si Elyse sa gilid.

Nagkaroon ng pilipit si Elyse sa paa nung tinulak siya. Nang bumagsak siya sa sahig, nakaabot ang kamay niya at sinusubukang pigilan siya.

"Kasal natin ngayon! Anong gagawin ko kung iiwan mo ako? Niloko ka na dati ni Kaelyn Bennett. Sobrang sakit nang ginawa niya sayo-bakit kailangan mo pa syang makita ngayon?"

Lumamig ang titig ni Theo. "Wala ka sa posisyon para husgahan ang nangyari sa amin ni Kaelyn. Kahit may mali man siyang nagawa o sakit na idinulot, hinding hindi ka magiging siya."

Sumakit ang puso ni Elyse. Napagtanto niyang hindi kailanman nakalimutan ni Theo si Kaelyn. Para sa kanya, hindi kailanman magiging kasing halaga si Elyse kumpara kay Kaelyn.

"Ano ang nagawa ko para masaktan ng ganito? Bakit mo ako tratuhin ng ganito? Pakiusap, maghintay ka lang hanggang matapos ang kasal. Malapit na tayo sa bahagi ng pagpapalitan ng singsing. Pwede ka nang umalis pagkatapos nun."

Iniwasan ni Theo ang kanyang kamay at nagsalita nang may pagkasuklam, "Mas iniintindi mo pa ang kasal mo kaysa sa buhay ng isang tao. Ang tigas ng puso mo. I-reschedule na lang natin ang kasal."

Walang lingon sa kanyang maputlang mukha, umalis nalang siya bigla sa altar, hindi pinapansin ang mga naguguluhang tingin ng mga bisita.

Nang umalis ang groom, nagkagulo ang mga tao.

"Wag mo akong iwan, Theo! Ano ang gagawin ko kapag iniwan mo ako?" Napasigaw si Elyse, kaawa-awang nakaupo sa sahig. Nanginig siya habang tumutulo ang luha, at nasisira pa unti-unti ang kanyang makeup.

Ang lalaking minahal niya ng tatlong taon, walang pakundangan sa kanyang dangal, ay pumili ng ibang babae nang di man lang inisip ang kanilang espesyal na araw. Kinain siya ng pagaalala tungkol kay Kaelyn, ngunit tila walang pakialam sa kahihiyan na nararamdaman niya na maiwan sa altar.

Sa paligid niya, hindi mabilang na mga matang hinuhusgahan siya, ang ilan ay nagtatawanan, ang iba'y naaawa, at ang ilan pa'y nagtatamasa sa nangyari. Hindi kailanman nakaranas si Elyse ng ganoong klaseng pasakit!

Lumapit ang kanyang ama, si Lanny Lloyd. Umaasa siyang makahanap ng kaaliwan, ngunit sa halip, sinumbatan siya nito ng matalim na mga salita, "Walang lalakeng tumatagal sayo. Walang silbi!" Matapos siyang pagalitan, umalis ito kasama ang kanyang asawa na si Glenda Lloyd, hindi man lang lumingon pabalik.

Lumabas mula sa karamihan ang kanyang kapatid na si Mabel Lloyd na may ngiting pailalim. "Nakakahiya, Elyse. Tumakbo ang iyong nobyo, at ngayon ikaw ay isang kahihiyan. Ikinakahiya kita. Isipin mo, ano ang nararamdaman nina Mama at Papa." Pagkasabi niyon, siya ay bumaling at umalis.

Isa-isang umalis ang lahat ng miyembro ng pamilya ni Elyse, at naiwan siyang mag-isa. Sa simula, naramdaman ng mga magulang ni Theo ang pagkakasala, ngunit nang masaksihan ang reaksyon ng kanyang pamilya, naglaho lahat ng bakas ng pagkakasala.

"Pati sarili niyang magulang di siya sinuportahan. Muhkang di lahat to kasalanan ni Theo."

"Oo, kung siya ay mabuting kasintahan, bakit siya iiwan ng kanyang kasintahan?"

"Nagloko ba siya? Ano pa ba ang magtutulak sa isang lalaki na umalis ng biglaan?"

Ang mga bulong ng kritisismo mula sa mga panauhing nakapaligid ay lumakas at naging mas mapanghusga.

Biglang may mga ingay sa malapit.

Paglingon, nakita ni Elyse ang isang lalaking nakasuot ng suit, mag-isang nakaupo sa wheelchair. Mukhang balisang nagtanong ang opisyal, "Nasaan ang babaeng ikakasal sayo?".

Pinunasan ni Elyse ang kanyang mga luha at lumapit sa isang dumaraang staff at nagtanong, "Yung lalaki na yun sa wheelchair, diba ikakasal din siya? Nasaan yung babae?"

Tumingin sakanya ang isang tauhan at sinabi, "Di siya nagpakita. Balita ko di daw natanggap ng asawa niya ang kapansanan niya."

"Tapos inantay niya ng ilang oras?"

Tumango ang staff.

Nakatalikod kay Elyse ang lalaki sa wheelchair at medyo malayo yung lalaki sakanya, kaya hindi niya makita yung muhka, pero alam niya ang pakiramdam ng mapagiwanan.

Pareho silang mga kaluluwang kaawa-awa, iniwan.

Pagkatapos pagisipan mabuti, may ideya na biglang sumulyap sa utak ni Elyse.

Minahal niya si Theo sa loob ng tatlong taon, ngunit pinagtaksilan siya nito. Bakit kailangan niya pang maging tapat sakanya? At dun niya naisip na di niya siya kailangan.

Nang siya ay tumayo, natigil ang bulungan at panlalait ng mga bisita. Lahat sila ay nakatingin sa kanya habang itinaas niya ang laylayan ng kanyang damit at buong kumpiyansang naglakad patungo sa lalaking nasa wheelchair.

Ang tanawin ng isang babaeng ikakasal sa puting damit na lumalapit ay nagdulot ng pagkabigla sa mga bisita ng lalaki.

Narinig ang kaluskos ng kanyang damit, unti-unting inikot ng lalaki ang kanyang wheelchair.

Napahinto si Elyse at tinitigan ang makisig na lalaking nasa harapan niya, may kislap ng pagkabigla sa kanyang mga mata.

Iniabot niya ang kanyang kamay at sinabi, "Kumusta, narinig kong kailangan mo ng mapapangasawa.

Iniwan ako sa altar ng lalaking papakasalan ko dapat.

Pano kung tayo nalang magpakasal?"

Chapter 2

"Ang pangalan ko ay Elyse Lloyd. "Kung okay lang sa'yo, pwede tayong magpakasal ngayon," buong kumpiyansang suhestiyon niya.

Nabigla lahat sa matapang niyang salita, kung kaya't ilan sa mga naroon ay kumuha ng litrato gamit ng kanilang telepono.

"Miss Lloyd, sigurado ka ba?" "Dahil sa aking kapansanan, baka hindi ko maibigay ang kinabukasan na iyong inaasahan," tapat na tugon ng lalaki. Hindi nito itinatago ang kanyang kalagayan, at mahinahong hinikayat siyang pag-isipang mabuti.

"Napagdesisyonan ko na," sagot ni Elyse na may katatagan.

"Ako si Jayden," pakilala niya sa sarili.

Nakita ni Jayden Owen ang kanyang determinasyon kaya hinawakan niya ang kamay nito at ibinahagi ang kanyang pangamba. "Natatakot ako na baka pagsisihan mo ang naging desisyon mo."

Pinili ni Elyse na huwag ng sumagot. May tiwala siya sa desisyon niya. Noong una, nagtuon lamang siya sa pakikipagkasal kay Theo na hindi kailanman ibinalik ang kanyang pagmamahal. Ngayon, tila wala na siyang pake kung sino pakakasalan niya.

Matapos maisagawa ang mga pormalidad ng kasal sa City Hall, opisyal nang naging mag-asawa sina Elyse at Jayden.

Ngayon na may katibayan na ng kasal, naramdaman ni Elyse ang malalim na ginhawa.

Nasaktan siya sa ginawa ni Theo at deteminadong di na siya babalik sakanya.

Para naman sa kanyang ama, dahil hindi na siya magpapakasal sa pamilya Ward, may iba pa siyang anak na dapat isipin.

Naiitindihan niya ung kapatid niyang si Mabel. Bilang isang taong sakim sa pera, paano mapipigilan ni Mabel ang tukso na maging asawa ni Theo at maging bahagi ng pamilyang Ward?

Kaya naman ang pagpapakasal kay Jayden ay naging perpektong pagtakas ni Elyse mula sa kontrol ng kanyang pamilya. Wala na siyang balak pang bumalik sa kanilang tahanan.

Habang tinititigan niyang mabuti ang sertipiko ng kasal ay nagtanong si Jayden, "Anong nasa isip mo? Pinagsisisihan mo na ba ang iyong desisyon na magpakasal sa isang taong may kapansanan?"

Umiling si Elyse, hawak ang wheelchair at sumagot, "Pakiramdam ko magandang desisyon to."

Ngumiti nang bahagya si Jayden ngunit ang kanyang mga mata ay nagpakita ng bahid ng pag-aalinlangan at kawalan ng tiwala.

Paano magugustuhan ng sinumang babae na magpakasal sa isang lalaking may kapansanan? Iniisip niya na baka nagkukunwari lamang siya—isang pagpapanggap na posibleng hindi magtatagal.

Kailangan niya ng asawa para hindi na siya pansinin ng kanyang pamilya at makapag pokus sa mga kailangan niyang gawin. Sa ganun napaisip din siya na alamin kung anong gustong gawin ni Elyse.

Tinulungan ni Elyse si Jayden na makapasok sa kotse at magkasama silang nagmaneho papunta sa kanyang bahay.

Yung bahay ni Jayden ay marangya, kumpleto sa hardin at swimming pool, at may mga tauhan kabilang ang isang butler na naka-tuxedo at mga kasambahay na naka-uniporme.

Nang tumapak si Elyse sa malambot na carpet ng lana, saka niya lubos na napagtanto na hindi pangkaraniwan ang kanyang napakasalan.

Ang butler na si Driscoll Lee ay lumapit sa kanila ng magalang at nagtanong, "Ginoong Owen, ito ba ang iyong kasintahan?"

Habang pinagmamasdan ang marangyang bahay at naalala ang buong pangalan ng kanyang bagong asawa, biglang nayanig si Elyse ng di-inaasahang pagkabigla.

Ang pamilya Owen ay ang pinakamakapangyarihang pamilya sa bayan at si Jayden Owen ay lalo pang kilala sa kanyang mga kapanahon dahil sa kanyang husay sa negosyo at natatanging talento. Isa siya sa pinakamayayamang tao sa lugar. Subalit, matapos ang isang aksidente sa kotse isang taon na ang nakalilipas na nagdulot ng kapansanan sa kanyang mga binti nawala si Jayden sa mata ng publiko at ang kanyang mga nakaraang tagumpay ay tila nakalimutan na.

Kaya, nangangahulugan ba ito na napangasawa niya ang maalamat na si Jayden Owen?

Naalala ni Elyse ang mga balitang narinig niya tungkol sa naudlot na engagement ni Jayden sa isang babae mula sa pamilya Foster. Ang babaeng nawala sa mismong araw ng kanilang kasal ay dapat sana ang mula sa pamilyang Foster.

Nang marinig ni Elyse ang buong pangalan ni Jayden sa City Hall, hindi niya ito masyadong binigyan ng pansin. Kung nalaman niya sana ang tungkol sa kanyang pinagmulan nang mas maaga, baka hindi sana siya nagkaroon ng lakas ng loob na talakayin ang kasal sa kanya.

Napansin ni Jayden ang pagkabigla at pagkataranta sa kanyang mukha ngunit pinili niyang manahimik. Nagtataka pa rin siya kung talagang hindi siya nakilala. Alam ng halos lahat ang kapansanan niya.

"Ito si Elyse Lloyd, ang aking asawa. Simula ngayon, siya na ang magiging maybahay dito". matatag na ipinakilala ni Jayden.

"Tumakas si Joanna Foster sa araw ng aming kasal dahil ayaw niyang magpakasal sa isang lalaking may kapansanan," diretsahan niyang idinagdag.

"Si Joanna Foster ay nawala sa araw ng kasal?" Hindi makapaniwalang sabi ni Driscoll. Ang pamilya Foster ay sabik na ituloy ang alyansa sa pamilya Owen sa pamamagitan ng kasal na nagtulak kay Jayden na pakasalan si Joanna.

Sa mismong araw ng kasal gayunpaman, biglang nawala ang papakasalan niya na babae. Hindi ba't ito ay tila sinadyang insulto para pahiyain si Jayden?

Nakaramdam si Driscoll ng simpatya para sa kanya at nagbiro ng onti para gumaan yung pakiramdam, "Sir, baka mas mabuti nang di siya nagpakita. Mukhang nahanap mo na ang tamang tao para sayo."

Para kay Elyse, hindi hadlang ang kapansanan ni Jayden. Papakasalan niya pa rin siya. Maayos na rason din naman yun.

Chapter 3

Tinitigan ni Elyse ang mga binti ni Jayden at nakaramdam ito ng awa para sa kanya. Minsan na siyang nasa rurok ng tagumpay ngunit ngayon ay tila napakahina niya. Dahil lamang sa kanyang kapansanan iniwan siya ng kanyang mapapangasawa sa altar nang walang respeto. Malamang na higit pa ang kanyang nararamdamang pagkawasak kaysa kay Elyse noong kasal.

Lumapit si Elyse kay Jayden, hinawakan ang kanyang kamay at sinserong sinabi, "Huwag kang mag-alala, mag-asawa na tayo ngayon. Ako ang gagabay sayo sa ating buong buhay."

Naging matigas ang ekspresyon ni Jayden. Totoo kaya ang sinasabi niya na aalagaan siya nito habambuhay? Pinagdududahan ni Jayden ang sinseridad ni Elyse, iniisip na baka nagpapanggap lamang siya ng pagkalinga.

Nang di umiimik, ipinasok ni Jayden ang kanyang wheelchair sa silid-aralan sa unang palapag.

"Patawad," ani Driscoll nang may pag-aalala. "Mula nang maaksidente siya ay lagi nang mainit ulo niya."

"Okay lang. Naiintindihan ko," sagot ni Elyse, di niya to binigyan pansin at itinaas niya lamang ang kanyang kamay. Kahit sino man mapunta sa sitwasyon niya ay magbabago.

Sumunod si Elyse kay Driscoll paakyat sa isang kwarto sa ikalawang palapag.

——

"Sir."

Sa study room, nakatayo ang isang kalbong lalaki na nagngangalang Vinny Bailey. Nakasuot siya ng masikip na itim na kamiseta na binibigyang-diin ang kanyang maskuladong katawan.

Magalang na sinindihan ni Vinny ang lighter at nagyosi para kay Jayden.

"Nasa ibang bansa na si Joanna. Ang pamilya Foster ay desperadong nag-iisip ng solusyon.

Kinuha nila sa akin ang tatlumpung milyon at limang malalaking proyekto. Tas gaganituhin lang nila ako?"

Nagpagpag ng usok si Jayden at malamig na nagsalita. "Kung hindi ko sila tuturuan ng leksyon, iisipin ng iba na madali akong apihin. Kailangang matuto ang pamilya Foster ng ilang bagay."

"Gusto mo bang ibalik namin si Joanna?" tanong ni Vinny habang tumatango. "Para naman sa asawa mo, gusto mo pakilala natin siya sa mga iba nating kaibigan?"

"Hindi na kailangan."

Habang nginunguya ang tabako sa kanyang bibig, kinuha ni Jayden ang isang dokumento mula sa mesa at naglakad papunta sa bintana.

Nakatabi ang wheelchair sa gilid ng kwarto, habang siya ay kumikilos ng walang kahirap-hirap.

Ang dokumentong ito ay naglalaman ng detalyadong buhay ni Elyse mula sa kanyang pagkabata hanggang sa kanyang buhay sa kolehiyo, kasama ang kanyang nakaraang pagmamahalan kay Theo.

Kalmado niyang binuklat ang mga pahina at sinabi, "Isa siyang ordinaryong babae. Pinakasalan niya ako para sa pera.

Noong una, ipinaalam ng mga Owens na naghahanap lamang sila ng mapapangasawa ni Jayden upang magkaroon ng tagapagmana.

Matapos ang anunsyo, walang mayamang pamilya ang nagnais ipa-asawa ang kanilang anak na babae sa kanya maliban sa mga Foster na yumaman sa pamamagitan ng pagpapakasal ng kanilang mga anak.

Malinaw ang motibo ng mga Foster—ipagpalit ang kanilang anak na babae para sa yaman at pera.

Walang ibang nakikitang dahilan si Vinny para magpakasal si Elyse kay Jayden kundi para sa kanyang pera.

Subalit, may isa pang twist sa kuwento. "Dapat ikakasal siya kay Theo Ward."

"Ward?. Ang tanyag na pamilyang Ward?" Itinaas ni Jayden ang isang kilay.

"Oo. Ngunit tinakbuhan siya nung papakasalan niyang nang tumawag yung dating nobya niya."

Huminto si Vinny bago nag-isip. "Maaaring pinakasalan ka niya para inisin si Theo Ward."

Tumigil si Jayden sa pagtingin-tingin sa mga dokumento at tiningnan si Vinny na may bahagyang pagkairita. "Masyado mong pinadali. Sa pag papakasal saakin mas meron siyang makukuha. Ayun ang tunay na dahilan kung bakit niya ako pinakasalan sa kabila ng aking kapansanan."

Para kay Jayden, hindi pa rin talaga pinapakita ni Elyse ang kanyang tunay na intensyon. Ngunit hindi niya binigyan pansin yung interes niya sa pera.

Kailangan niya ng asawa upang mapatahimik ang kanyang pamilya. Kung nagpakasal siya sakanya para may makuha siya, edi mas madali niyang magagawa mag diborse.

——

Habang nakaupo si Elyse sa gilid ng kama, nag-scroll siya kanyang telepono at napansin ang mga trending na hashtags.

#BridegroomRanAwayForHisEx

#BrideMarriesStrangerToAngerHerRanawayGroom

Kaswal niyang binasa ang mga komento. Itinuturing ng publiko na hindi kapani-paniwala ang buong sitwasyon at hindi makatwiran ang mga kilos ng parehong partido. At dahil dun, naging usap-usapan ang pangalan ni Elyse.

May mga ilan na nakadiskubre na isa siyang biyolinista sa isang orkestra. May na ungkat pa silang bidyo ng paglalaro niya.

Habang nanonood si Elyse ng mga video, bigla siyang tinawagan ni Theo. "Nasaan ka Elyse? Magkita tayo at mag-usap."