Ang Bossy kong Esposo na CEO
Language: fil
/0/73843/coverbig.jpg?v=8be2da136c9442f59d012dc8e8744b28)
Ang pagpapakasal ni Rosalynn kay Brian ay hindi ang inaasahan niya. Halos hindi umuwi ang asawa niyang si Brian. Iniwasan niya ito na parang salot. Ang masama pa, palagi siyang nasa balita para sa pakikipag-date sa maraming celebrity. Nagtiyaga si Rosalynn hanggang sa hindi na niya kinaya. Tumayo siya at umalis pagkatapos mag-file ng diborsyo. Nagbago ang lahat makalipas ang mga araw. Nagkaroon ng interes si Brian sa isang taga-disenyo na nagtrabaho nang hindi nagpapakilala sa kanyang kumpanya. Mula sa kanyang profile, masasabi niya na siya ay napakatalino at nakasisilaw. Huminto siya para…
Available chapters
Chapter 1
Sa isang tahimik na gabi ng tag-init sa Wragos, nakaupo si Rosalynn Fuller sa sofa sa bahay niya habang nagbabasa ng balita sa kanyang cellphone.
"Si Brian Hughes, CEO ng Hughes Group, ay dumalo sa isang event kasama ang sikat na aktres na si Eleanor Hilton. Pagkatapos, nagtungo sila sa isang hotel at magkasama buong gabi. May mga intimate na larawan ng dalawa..."
Trending agad ang balitang ito at kumalat sa internet na parang nagbabagang balita.
Inayos ni Rosalynn ang salamin niya, titig na titig sa malabong litrato na kasama sa artikulo, walang kahit anong reaksyon ang mukha niya.
Kahit medyo malabo, malinaw pa rin ang hugis ng lalaking nakikipaghalikan sa babae sa may bintana.
Walang iba ang lalaking ito kundi si Brian Hughes, asawa niya at tagapagmana ng pinakamayaman at pinakamakapangyarihang pamilya sa siyudad.
Kontrolado ni Brian ang ekonomiya ng buong lungsod, kaya hindi basta-basta ang impluwensya niya.
Katawa-tawa mang isipin, ni minsan ay hindi pa tumapak si Brian sa bahay nila mula noong ikinasal sila dalawang taon na ang nakalipas.
Sa katunayan, hindi man lang ito sumipot nang irehistro ang kasal nila, at abogado lamang nito ang humarap para sa kanya.
Alam ni Rosalynn mula't mula pa lang na ayaw ni Brian sa kasal nila.
Ang nag-iisang dahilan kaya pumayag si Brian ay ang lola nitong si Debora Hughes.
Noon kasi, nailigtas ng lolo ni Rosalynn si Debora, at nang magtanong ito kung paano niya masusuklian ang kabutihan, hiniling nitong ipakasal ang apo niyang si Brian sa apo nitong si Rosalynn.
Sa umpisa, umasa rin si Rosalynn na magiging maayos ang buhay may-asawa niya.
Pero nitong huling dalawang taon, puro mga artista lang ang ka-date ni Brian, sapat para basagin ang anumang ilusyon niya tungkol sa kanilang relasyon.
Napakagat-labi si Rosalynn matapos basahin ang balita, at agad niyang tinawagan si Brian mula sa kanyang contacts.
Unang beses pa lang niyang tatawagan si Brian.
Agad namang sinagot ang tawag.
"Hello, si Rosalynn ito."
"Rosalynn? Sinong Rosalynn?" Malalim at malamig ang boses ni Brian. pero kahit ganoon ang kaniyang tono, masarap itong pakinggan.
Ngunit ang kanyang mga sinasabi ay ibang usapan na talaga. Napangisi siya habang mahigpit na hawak ang cellphone niya.
Hindi man lang naalala ni Brian ang pangalan ng asawa niya.
"Ako ang asawa mo— sa papel nga lang."
"Ah. Anong kailangan mo?"
Lalong naging malamig ang tono ni Brian.
"Gusto kong makipag-divorce," diretsong sabi ni Rosalynn habang mariing inaayos ang salamin niya.
Sandaling nanahimik si Brian bago sumagot.
"Sigurado ka na ba?" sa wakas ay nagtanong si Brian.
"Oo naman."
"Ano ang gusto mo bilang sustento? Sabihin mo lang."
"Hindi ko kailangan ng pera mo. Isa pa, wala akong pakialam sa pera mo. At ayaw ko ring makihati sa lalaking maraming babae. Naihanda ko na ang divorce agreement at napirmahan ko na. Wala akong kukuning kahit ano."
Sunod-sunod ang salita ni Rosalynn, hindi man lang huminga hanggang sa matapos. Agad niyang ibinaba ang tawag matapos sabihin ang gusto niya.
Legal man silang mag-asawa, ngunit para na silang hindi magkakilala.
Dahil ang kasal lang sa papel ang nagtatali sa kanila, maaaring wakasan na ito. Mula ngayon, wala na silang ugnayan sa isa't isa.
Mabigat ang hakbang na umakyat si Rosalynn sa itaas at hinubad ang kanyang salamin, ipinakita ang kanyang makinis at mamulamulang pisngi at maamong mukha.
Inimpake niya ang kanyang mga gamit sa isang maleta at dumaan sa sala. Inilagay niya ang kasunduan sa diborsiyo sa coffee table, saka lumabas ng villa nang hindi na lumingon pa.
Sa opisina ng CEO ng Hughes Group, nagliliwanag ang silid sa ilaw na dilaw.
Nakaupo si Brian sa likod ng mesa, nakasuot ng simpleng puting kamiseta at itim na pantalong pinasadya.
Nakatitig siya sa kanyang telepono, ang kanyang mga labi ay kumukurba sa pagkasuklam.
Sa wakas, hindi na matiis ng kanyang tinatawag na asawa ang insulto ng kanyang kawalan at siya na mismo ang nagmungkahi ng diborsiyo.
May kumatok sa pinto, at pumasok ang kanyang assistant, si Edwin Byrd.
"Mr. Hughes, malapit na ang oras ng iyong appointment kay Mr. Foster."
Tumango si Brian at tumayo, kinuha ang kanyang suit jacket mula sa likod ng kanyang upuan.
"Edwin, tanggalin mo lahat ng trending topics sa internet na may kinalaman sa akin. At pakisabi sa abogado ko na kunin ang kasunduan sa diborsiyo na iniwan ng asawa ko sa villa."
Biglang nagliwanag ang mukha ni Edwin dahil sa mga utos ng kanyang boss.
Higit kanino man, alam ni Edwin na kailanman ay hindi talaga nakipag-date si Brian sa kahit na anong babae sa lahat ng panahong ito. Sadyang ginawa ang lahat ng eskandalo upang sirain ang reputasyon niya at pilitin ang kanyang asawa na humingi ng diborsiyo. Mukhang sa wakas ay naabot na niya ang kanyang layunin.
Samantala, sumakay si Rosalynn ng taxi papunta sa apartment na binili niya para sa sarili niya.
Matatagpuan ito sa isang pangunahing lugar sa downtown, at ang kanyang unit ay may tatlong silid-tulugan at dalawang sala.
Ang lugar ay puno na ng kagamitan, at ang gusali mismo ay nilagyan ng pinaka-advanced na sistema ng seguridad.
Inilagay ni Rosalynn ang kanyang maleta at lumakad papunta sa mga French windows. Tumingin siya sa labas, ang mga kalye sa ibaba ay kumikislap sa mga ilaw ng siyudad. Kinuha niya ang telepono at tinawagan ang matalik niyang kaibigan.
"Karina, magdi-divorce na ako."
"Ano? Totoo ba iyan, Rosalynn? Sa wakas! Magandang balita 'yan! Single ka na ulit, congratulations! Dapat lumabas tayo at ipagdiwang ang iyong bagong kalayaan!"
"Sige."

Chapter 2
Makalipas ang kalahating oras, nasa loob na ng Royarid Club si Rosalynn.
Kilalang-kilala ang lugar bilang pinaka-sikat na club sa buong Wragos, tambayan ng mga mayayaman at impluwensyal.
Nakakabingi ang tugtog sa unang palapag, at puno ng mga taong todo-sayaw sa ilalim ng nakakasilaw na ilaw.
Dumiretso si Rosalynn sa second floor, umaalingawngaw ang tunog ng kanyang heels sa sahig. Lumapit siya sa mesang tanaw ang dance floor at marahang tinapik ang babaeng nakaupo roon.
"Karina."
Si Karina Glyn iyon, matalik niyang kaibigan, maganda, charming, at laging nakakatuwang kasama.
"Nandito ka na, girl! Halika nga, kiss muna kita!"
sabay yakap at halik ni Karina sa pisngi ni Rosalynn.
Natawa si Rosalynn bago niya bahagyang itinulak ang kaibigan at nagsalin ng alak para sa sarili.
"Naku, tanga talaga 'yang asawa mo! Bakit ka ba naman niya dededmahin at ipagpapalit sa mga babaeng mukhang pare-pareho ang hitsura?" reklamo ni Karina habang nag-toast sila.
Ngumiti lang si Rosalynn matapos tumikim ng alak at sumagot, "Tanga talaga siya."
Siguradong ang tingin sa kanya ni Brian ay isang ignorante at walang-kaalam-alam na babae lang.
Hindi nito alam kung ano ang pinalampas nito.
"Humph! Hayaan mo na ang mokong na iyon! Hindi ka naman mauubusan ng fans," biro ni Karina sabay yakap ulit kay Rosalynn. "Divorced ka na nga, pero hindi ka pa rin nakaranas ng lalaki. Pag nalaman yan ng iba, pagtatawanan ka nila. Suwerte mo at marami akong kilalang mga gwapo! Anong tipo mo sa lalaki? Ipapakilala kita mamaya."
Napanganga si Rosalynn sa sinabi ng kaibigan.
Bakit ba masyadong interesado si Karina sa love life niya?
"Pasensya na, hindi ako interesado. Career muna ang pagtutuunan ko ng pansin ngayon. Tara, inom na lang tayo at magsaya lang ngayong gabi."
"Sige na nga, ikaw bahala. Uso naman ngayon ang career woman. Huwag kang mag-alala, magdadamayan tayo hanggang tumanda tayo."
"Huwag mo akong idamay diyan! Ayoko sa mga future lovers mo!"
Sabay na nagtawanan ang magkaibigan.
Lumipas ang mahigit isang oras na puno ng kwentuhan at inuman hanggang sa pareho silang malasing.
Pilit niyaya ni Karina si Rosalynn sa dance floor, pero gusto munang pumunta ni Rosalynn sa CR kaya pinauna na lang niya ang kaibigan.
Sa kasamaang palad, sira pala ang banyo sa ikalawang palapag. Napilitan si Rosalynn na umakyat sa ikatlong palapag para maghanap ng ibang restroom.
Pribadong mga silid lang ang nasa ikatlong palapag, na eksklusibong ginagamit ng VIP clients.
Kitang-kita ang mas marangyang disenyo dito, at dahil makapal ang carpet, tahimik ang bawat hakbang ni Rosalynn.
Dahil sa alak, unti-unting nahilo si Rosalynn hanggang sa lumabo na ang paningin niya. Nawalan siya ng balanse at dahan-dahang natumba ng patagilid.
Natulak niya ang pinto ng isang pribadong silid dahil sa bigat niya at tuluyang bumukas ito. Natumba siya papasok sa kuwarto.
Pagpasok niya ay madilim sa loob, tahimik, at tanging pagbagsak ng tubig ang naririnig mula sa kwarto.
Bahagyang natauhan si Rosalynn, kaya tinangka niyang bumangon para lumabas ulit.
Biglang bumukas ang pinto ng kwarto at may lalaking lumabas. Hinila siya nito mula sa likod at isinandal sa pader.
"Sino ka? Sinong nag-utos sa 'yo na gawin ito sa akin? galit nitong sabi, pero bakas ang pagpipigil sa boses.
Biglang luminaw ang isip ni Rosalynn dahil sa gulat nang maramdaman niya ang malamig na pader.
Si Brian pala ito!
"Wala akong ginagawang masama!"
"Kung wala, bakit nandito ka sa kuwarto ko?"
Mabigat ang paghinga ni Brian habang pinipigilan ang emosyon.
"Nagkamali lang ako ng pasok. Bitawan mo nga ako—Hmm..."
Hindi na nakapag-react pa si Rosalynn nang bigla siyang hinalikan ni Brian. Nanlaki ang mga mata niya sa sobrang gulat. Pilit niyang itinulak si Brian at pumiglas nang malakas mula sa pagkakayakap nito.
"Tulungan mo ako ngayon, isang beses lang. Sinisigurado ko sayong babayaran kita."
Unti-unting tumigil si Rosalynn sa paglaban sa kanya.
Sa lahat ng malupit na biro sa mundo, hindi niya inakalang makakasama niya sa pagtulog si Brian sa araw ding iyon na nagkasundo silang mag-divorce.
Nagising si Rosalynn na masakit ang buong katawan. Inaasahan na niya ito, dahil sa magulo at baliw na gabing pinagdaanan niya.
Bahagyang umalon ang kurtina habang humihip ang malumanay na simoy ng hangin mula sa bintana. Isang manipis na sinag ng maagang liwanag ng umaga ang tumagos sa kuwarto at dumapo sa mukha ni Brian na natutulog. Napakagwapo at payapa niyang tingnan sa ganitong ayos.
Tinitigan siya ni Rosalynn ng dalawang segundo bago siya dahan-dahang bumangon sa kama, paminsang napapangiwi habang bumabalik ang pakiramdam sa kanyang mga kalamnan.
Nakipagtalik siya sa lalaki ilang oras lang matapos niyang hingan ng diborsyo.
Dahil sa ugali ni Brian, tiyak na iisipin niyang bahagi ito ng isang plano para siya ay manatiling nakatali sa kanya.
Hindi niya magagawa ang isang bagay na karumal-dumal, at ayaw niyang isipin ni Brian na siya ay ganito.
Kagat-labi sa sakit, mabilis na isinuot muli ni Rosalynn ang kanyang damit, at tahimik na lumabas ng kuwarto.
Ilang sandali pa, bumukas ang pinto ng kwarto sa tapat ng koridor.

Chapter 3
Tumingin si Eleanor Hilton sa pasilyo na may malungkot na ekspresyon, saka hinigpitan ang pagkakasuot ng kanyang coat habang mabilis na lumabas ng kuwarto.
Upang masiguro ang kanyang parte sa isang paparating na palabas, dinala siya ng kanyang ahente para maghapunan kasama ang ilang bigating tao sa industriya ng entertainment.
Sa isang iglap habang kumakain, nagsimula siyang makaramdam ng hilo.
At nang siya ay magising, natagpuan niya ang sarili sa kama ng direktor.
Nanginginig siya sa galit habang iniisip ang buong pangyayari. Naging pabaya siya at nahulog sa isa sa pinakamapanganib na bitag sa industriya.
Pumikit si Eleanor at huminga ng malalim. Nakahanap siya ng kaunting ginhawa na malaman niya na ito ay isang karaniwang senaryo sa mundo ng show business.
Kung gusto niyang maging lead role, kailangan niyang lunukin ang kanyang dignidad at tiisin ang kahihiyan.
Sa kaloob-looban, magulo pa rin ang damdamin ni Eleanor. Pinahirapan siya ng direktor magdamag, at masakit ang buo niyang katawan. Tulad ng inaasahan, ilang segundo pa lang ay nawalan siya ng balanse at hindi nakahawak sa kahit ano bago mahuli ang lahat.
Bang! Bumangga siya sa pinto ng kuwarto sa tapat ng sa direktor.
Huminga ng malalim si Eleanor para magpalakas at dahan-dahang tumayo. Inayos niya ang kanyang damit hangga't maaari, at paalis na sana siya nang biglang bumukas ang mismong pintong kanyang nabangga.
Nakatayo doon si Brian, suot lamang ang isang malambot at puting bathrobe. Kumislap ang malamig niyang mga mata.
Napalundag ang puso ni Eleanor sa talim ng kanyang titig, at sa hindi maipaliwanag na dahilan, nakaramdam siya ng kaunting pagkakonsensya.
"Magandang umaga, Mr. Hughes."
Wala pang isang linggo mula nang kumalat ang balita tungkol sa kanila ni Brian sa buong Internet.
Sandamakmak ang haka-haka tungkol sa kanilang relasyon, na ang pangkalahatang opinyon ay siya ang bagong nobya ni Brian.
Ngunit alam ni Eleanor na ito ay dahil sa kanyang ahente, na masigasig na naglalabas ng pekeng balita sa mga tabloid upang itaas ang kanyang popularidad.
Sa totoo lang, palagi nang malamig at distante si Brian sa kanya.
Ngunit sa hindi malamang dahilan, hindi siya gumawa ng hakbang para maglabas ng opisyal na pahayag upang linawin ang mga tsismis.
"Nasa kuwarto ko ba ikaw kagabi?"
Tinitigan ni Brian ang babaeng nasa harapan niya. Nagdilim ang kanyang mga mata habang lumilipat ang tingin sa mga chikinini sa leeg niya.
Sa katunayan, gising na siya bago pa umalis ang babae sa kanyang kama.
Ngunit napakabilis at determinado ng kanyang mga kilos na halos hindi siya nahabol ni Brian para alamin ang kanyang intensyon, lalo na ang pigilan siya.
Nang bumalik sa katinuan si Brian, wala na siya. Ngayon, walang ibang tao sa koridor maliban sa aktres na ito.
Siya nga kaya ito?
Nakatayo lang si Eleanor sa kanyang kinatatayuan. Kumurap siya habang tinititigan ang guwapong mukha ni Brian, mabilis na nag-iisip.
Marahil may kasama si Brian kagabi, ngunit hindi niya alam kung sino ito.
"Ako..."
"Bumalik ka muna sa loob."
Binalikan ni Brian ang malinaw na batik ng dugo sa kanyang mga kumot, at hininaan niya ang kanyang tono.
Halos tumalon sa tuwa si Eleanor ngunit pinigilan niya ang kanyang tunay na damdamin at mahiyain siyang sumunod sa kanya papasok sa kuwarto.
"Kagabi, sinabi mo na napunta ka sa maling kuwarto."
Umupo si Brian sa sofa at sumusulyap ng tingin kay Eleanor.
Medyo malabo ang kanyang alaala ng nakaraang gabi, ngunit ang malinaw niyang naaalala ay birhen ang babae.
Kung hindi siya ang nagdroga sa kanya, ibig sabihin, kasing biktima rin siya sa setup tulad niya.
"Tama iyon. May appointment ako kay Direktor John Cohen para sa isang audition. Aksidente lang talaga na napunta ako sa iyong kuwarto."
Yumuko na lamang si Eleanor para itago ang kanyang kasabikan.
Tumahimik si Brian bago nagtanong, "Anong klase ng kabayaran ang gusto mo?"
Biglang itinaas ni Eleanor ang kanyang ulo. "Hindi, salamat. Pareho na tayong nasa tamang edad. Hindi ko balak dibdibin ang pangyayari kagabi."
Si Brian ay isa sa pinakamakapangyarihang tao sa lungsod.
Siya ang tipo ng tao na makakakuha ng anumang gusto niya.
Para sa isang tulad niya, na walang dudang nakasama na ang maraming babae, may halaga ba talaga ang isang gabi kasama ang isang estranghero?
Kung hihingi siya ng anumang uri ng kabayaran, malamang ay mababawasan ang pagtingin niya sa kanya.
"Ikaw ay mula sa Starine Entertainment, tama ba? Paano naman ito? Aayusin ko na mabigyan ka ng pinakamahusay na mga koneksyon at pinaka-promising na mga proyekto. Gagawin kitang A-list na celebrity sa loob ng isang taon." Alok ni Brian nang walang pag-aalinlangan.
Sa pagkakataong ito, hindi na nakapagtago si Eleanor ng pagkasabik sa kanyang mga mata.
Ngunit nanatili pa rin siyang kalmado. "Salamat po, sir."
"Puwede ka nang umalis."
Nanatili siyang kalmado sa buong oras na iyon. Hindi maiwasan ni Brian na hangaan siya dahil doon.
"Naiintindihan ko."
Pinagdikit ni Eleanor ang kanyang mga labi upang pigilan ang sarili na mapangiti ng todo. Tumalikod siya at pumunta sa may pinto.
"Sandali!" tawag ni Brian sa kanya, at halos hindi na makahinga si Eleanor.
Dahan-dahan siyang humarap at nakita niyang hawak ni Brian ang isang magandang pendant na jade. Natagpuan niya ito sa sahig kanina, sa kabilang panig ng kama.
"Iyo ba ito?"