Umibig Muli Sa Aking Bilyonaryo
Language: fil
/0/72994/coverbig.jpg?v=dd066043be1142e484c42070a2e3843a)
"Si Rena ay nasangkot sa isang malaking pagbaril nang siya ay lasing isang gabi. Kailangan niya ang tulong ni Waylen habang naaakit siya sa kagandahan nito sa kabataan. Dahil dito, ang dapat ay isang one-night stand ay umusad sa isang seryosong bagay. Maayos ang lahat hanggang sa natuklasan ni Rena na ang puso ni Waylen ay pag-aari ng ibang babae. Nang bumalik ang kanyang unang pag-ibig, tumigil siya sa pag-uwi, iniwan si Rena na mag-isa sa maraming gabi. Tiniis niya ito hanggang sa makatanggap siya ng tseke at farewell note isang araw. Taliwas sa inaasahan ni Waylen na magiging reaksyon…
Available chapters
Chapter 1
Sa isang madilim na kwarto ng hotel...
Marubdob na hinalikan ni Rena Gordon ang gwapong estranghero.
Ngayong gabi, inanunsyo ng kanyang dating kasintahan na si Harold Moore ang kanyang engagement—at hindi sa kanya kundi sa ibang babae. Dahil sa sakit at galit, nagpakalasing si Rena sa isang bar. Sa ilalim ng impluwensya ng alak at sa pang-akit ng estrangherong lalaki, kusang-loob siyang sumama rito.
Ngayong si Harold ay magpapakasal na sa isang mayamang babae kahit pa apat na taon ang kanilang relasyon, bakit hindi rin siya magpaka-saya kahit isang beses, hindi ba?
Habang hinihila ng lalaki ang kanyang damit, biglang napasandal si Rena sa balikat nito at napaungol, "Harold!"
Biglang huminto ang lalaki, at ang kapaligirang puno ng pagnanasa ay agad naglaho.
Sa sumunod na sandali, binuksan ang mga ilaw.
Napapikit si Rena sa liwanag, pero nang masanay na ang kanyang mga mata, malinaw niyang nakita ang mukha ng lalaki.
Siya si Waylen Fowler—ang pinakamahusay at pinakakinatatakutang abogado sa bansa, isang halimaw sa mundo ng batas. Bukod sa kanyang impluwensya sa korte, isa rin siyang perpektong halimbawa ng isang makapangyarihang negosyante at abogado na may hindi mabilang na ari-arian.
Pero ang pinakamahalaga, siya ang magiging bayaw ni Harold, ang lalaking nagtaksil sa kanya.
Biglang nawala ang kalasingan ni Rena.
Pumikit siya at huminga ng malalim. Muntikan na siyang makipagtalik sa kapatid ng karibal niya sa pag-ibig!
Binitiwan siya ni Waylen.
Nakasandal sa dingding, nagsindi siya ng sigarilyo. Matapos ang isang mahabang hithit, tinitigan niya si Rena at ngumiti nang may biro. "Napaka-interesante mo, Miss Gordon."
Habang tinataktak ang abo ng sigarilyo, ngumiti siya nang bahagya. "Ano bang iniisip mo kanina habang hinahalikan mo ako? Gusto mo bang makipagtalik sa akin upang pagselosin si Harold?"
Malinaw na nakilala rin siya ni Waylen ngayon.
Hindi na maaaring magkunwari si Rena na hindi niya kilala ang lalaking ito.
Pagkatapos ng lahat, kilalang-kilala si Waylen. Hindi lang niya siya nakilala agad kanina dahil sa kalasingan.
Alam niyang hindi niya kayang galitin ang isang bigating taong tulad niya, kaya yumuko siya at humngi ng paumanhin. "Pasensya na po, Mr. Fowler. Masyado lang naparami ang inom ko."
Sa kabutihang palad, hindi siya pinahirapan ni Waylen. Nang maubos niya ang sigarilyo, itinapon nito ang kanyang coat kay Rena. "Isuot mo 'yan. Ihahatid na kita pauwi."
Mahinang nagpasalamat si Rena sa kanya.
Sa loob ng Bentley ni Waylen, walang nagsalita sa kanilang dalawa habang binabagtas ang daan. Paminsan-minsan, pasimpleng sinisilip siya ni Rena.
May matatalas at perpektong hugis ang kanyang mga mata, ilong, at panga—isang lalaking mukhang inukit ng isang bihasang iskultor. Ang kanyang suot na damit ay hindi halatang may brand, ngunit halata sa bawat tahi at tela na ito ay may marangyang istilo.
Iniisip ni Rena na napakaraming babae ang pumipila para makasama ang lalaking ito.
Makalipas ang ilang minuto, huminto si Waylen sa harap ng kanilang destinasyon. Bahagya niyang iniatras ang ulo niya at tinitigan ang kanyang mga payat at tuwid na mga binti sa loob ng ilang segundo bago sa wakas ay inabot sa kanya ang kanyang business card.
Hindi mahirap hulaan kung ano ang ibig sabihin nito.
Pero nagulat siya na gusto pa rin niyang matulog kasama siya pagkaraang malaman kung sino talaga siya.
Bagama't siya ay kaakit-akit at marahil mahusay sa kama, nag-alangan si Rena. Hindi magandang ideya na masangkot sa isang bigating taong gaya niya. Kaya't sinabi niya, "Mr. Fowler, siguro mas mabuti pang huwag na tayong mag-usap pa."
Nagkibit-balikat si Waylen.
Totoong maganda si Rena, pero hindi niya ipipilit ang sarili niya kung wala siyang interes.
Kaya itinago niya muli ang business card sa bulsa niya at sinabing, "Bagay sa iyo ang pagiging konserbatibo."
Medyo nahiya si Rena, ngunit bago pa siya makasagot, bumaba na si Waylen ng sasakyan at binuksan ang pinto para sa kanya, parang isang tunay na ginoo. Naisip niyang baka panaginip lang ang lahat at wala talagang nangyari sa pagitan nila sa silid ng hotel ngayong gabi.
Pagkababa niya, dahan-dahang umalis ang sasakyan.
Isang malamig na hangin ang dumampi sa kanya, dahilan upang siya'y mapanginig. Doon niya naalala na nakalimutan niyang ibalik ang coat nito.
Habang nag-aalinlangan kung hahabulin niya ang lalaki, biglang tumunog ang kanyang telepono.
Pagtingin sa caller ID, ang kanyang madrastang si Eloise ang tumatawag. Sa kabilang linya, narinig niya ang nag-aalalang boses nito. "Rena, umuwi ka na agad! May masamang nangyari!"
Sinubukan niyang magtanong, ngunit hindi magawang ipaliwanag ni Eloise sa telepono at mariing nakiusap na bumalik siya sa bahay sa lalong madaling panahon.

Chapter 2
Pagkapasok ni Rena sa bahay, nadatnan niya si Eloise na nakaupo sa sofa, tila wala sa sarili.
Namumula ang kanyang mga mata, halatang galing sa pag-iyak.
Balisang luminga-linga si Rena bago nagtanong, "Ano'ng nangyari, Eloise? Nasaan si Papa?"
Si Eloise ay pangalawang asawa ng ama ni Rena.
Sa pagbanggit pa lang nito sa asawa, tuluyang bumagsak ang kanyang emosyon.
"Napakawalang-hiya ni Harold! Noong nalugmok ng ilang taon ang Moore Group, hindi mo siya iniwan. Pero ngayong nakabawi na ang Moore Group, hindi ka lang niya itinapon, kundi gusto pa niyang ipakulong ang ama mo! Ngayon, nasa detention center na siya dahil sa traydor na lalaking 'yon!"
Nanatiling tahimik si Rena saglit bago bumuntong-hininga. "Kakausapin ko muna si Harold."
Bagamat natapos na ang kanilang relasyon, matagal din silang nagsama. Naniniwala siya na hindi magiging gano'n kalupit si Harold.
Kinuha niya ang telepono at tinawagan ito. Hindi nagtagal, nag-connect ang tawag.
Nagmakaawa si Rena, "Harold, tapos na tayo. Pakiusap, huwag mong idamay ang ama ko sa galit mo."
Gayunman, malamig lang na napangisi si Harold.
"Kailangang may managot para sa mga pagkalugi."
Gusto pa sanang magmakaawa ni Rena, pero nauna nang magsalita si Harold.
"May isa pang paraan para malutas ito..." Malamig ang boses nito, pero may halong kasamaan. "Hangga't handa kang maging kerida ko sa loob ng limang taon, palalayain ko ang ama mo."
Napanganga si Rena.
Hindi niya akalaing maaari palang maging ganito kakapal ang mukha ng ex niya. Gusto nitong makuha pareho ang negosyo at ang katawan niya!
Gigil na gigil si Rena. "Harold, kasuka-suka ka!"
Nanunuya si Harold na nagsabi, "Matagal mo nang alam kung anong klase akong tao, hindi ba?"
Nagngingitngit ang ngipin ni Rena at pasinghal na sinabi, "Hinding-hindi mo ako magiging kabit! Hinding hindi!"
Walang pakialam na ngumisi si Harold. "Kung gano'n, siguraduhin mong makakahanap ka ng pinakamagaling na abogado para sa ama mo. Dahil sa laki ng halaga, malamang isang dekada siyang makukulong."
Nagngitngit si Rena. "Kukunin ko ng pinakamagaling na abogado sa buong bansa!"
Tumawa si Harold, punong-puno ng panunuya. "Si Waylen? Nakalimutan mo na ba? Magiging bayaw ko siya sa hinaharap. Sa tingin mo ba, tutulungan ka niya?"
Hinigpit ni Rena ang kanyang kamao nang todo, namuti ang kanyang kasukasuan. Hindi siya makasagot.
Malamig na bumigkas si Harold, halatang natutuwa sa sitwasyon. "Rena, hihintayin kitang magmakaawa sa akin."
Hindi na sumagot si Rena at agad na binaba ang tawag, sobra siyang galit para patuloy na pakinggan ang mga walang kwentang sinasabi ng lalaki.
Narinig ni Eloise ang buong usapan. Galit itong nagmumura. "Hayop siya! Huwag kang mag-alala, Rena. Hinding-hindi namin hahayaang saktan ka niya!"
Ngunit sa kabila ng kanyang galit, naluha ulit si Eloise. "Pero tama si Harold. Si Mr. Fowler ay magiging bayaw niya. Bakit niya tayo tutulungan? Rena, mayroon pa sigurong ibang paraan..."
Yumuko si Rena.
Ilang saglit pa, bumuntong-hininga siya at marahang sinabi, "Nakilala ko si Mr. Fowler minsan. Susubukan ko siyang kausapin."
Napatingin si Eloise sa kanya nang may pag-aalinlangan. Siya ay isang partikular na mapanuring babae.
Noon lamang niya napansin na amoy alak si Rena. Nang makita rin niya ang coat ng isang lalaki na nakasampay sa balikat nito, tila nahulaan na niya ang nangyari.
Pero hindi na niya tinanong si Rena.
*
Hindi madali para kay Rena na makita uli si Waylen.
Sa lobby ng Sterling Law Firm, magalang na tinaggihan ng receptionist si Rena. "Pasensya na, miss, pero hindi kayo puwedeng umakyat nang walang appointment."
Napakagat-labi si Rena. Dapat pala kinuha niya ang business card ng lalaking iyon kagabi.
"Kailan ang pinakaunang available na schedule niya?" tanong niya.
Tiningnan ng receptionist ang system. "Pagkalipas ng kalahating buwan."
Bumagsak ang puso ni Rena sa kanyang sikmura.
Pagkatapos noon, bumukas ang pinto ng elevator at lumabas ang isang lalaki at isang babae.
Ang lalaki'y si Waylen!
Nakasuot siya ng custom na itim na suit, mukhang kabilang siya sa nangungunang 1% ng lipunan.
Samantala, ang babae ay hindi kilala ni Rena. Mukha siyang nasa tatlumpung taong gulang at sobrang seksi.
Nagtagpo ang tingin ni Waylen at Rena, pero parang hindi siya nito kilala. Tahimik lang nitong inihatid ang kliyente palabas ng pinto.
Nakipagkamay siya sa babae at nagpaalam.
Sabi ng babae na may lambing, "Kung hindi dahil sa iyo, Mr. Fowler, wala akong makukuhang kahit isang sentimo mula sa dating asawa ko! Wala kang ideya kung gaano siya kadamot sa akin pagkatapos niyang magkaroon ng kerida..."
Bahagyang ngumiti si Waylen. "Trabaho lang."
Sinipat siya ng babae mula ulo hanggang paa bago nagtanong, "Mr. Fowler, gusto mo bang sumama sa akin para uminom ngayong gabi?"
Napatingin si Rena sa magandang babae. Walang ordinaryong lalaki ang makakatanggi sa gaya niya.
Pero si Waylen ay hindi basta-bastang lalaki.
Tumingin siya sa relo at bahagyang ngumiti. Sayang naman, pero may lakad ako ngayong gabi."
Hindi tanga ang babae. Alam niyang hindi siya interesado sa kanya at sadyang magalang lang para hindi siya diretsong bastusin.
Ngumiti ito at nagpaalam bago sumakay sa kotse.
Nang makaalis ang babae, lumapit si Waylen sa front desk at tinanong si Rena, "Nagbago na ba ang isip mo?"

Chapter 3
Biglang nanigas si Rena.
Hindi niya alam kung paano haharapin si Waylen kaya't nahihiya niyang iniabot ang paper bag. "Ibabalik ko lang ang coat mo," paliwanag niya.
Tumango si Waylen at kinuha ang paper bag.
Bahagya siyang tumango nang pormal. "Salamat sa abala." Walang anumang dagdag na salita, dire-diretso siyang naglakad papunta sa elevator.
Nagising si Rena mula sa kanyang pagkatulala at nagmamadaling humabol sa kanya. "Mr. Fowler, may gusto sana akong..."
Pagkapindot ni Waylen sa button, bumukas ang pinto ng elevator. Hindi na nagdalawang-isip si Rena at pumasok din.
Napakunot-noo si Waylen at tiningnan siya nang may pagtataka.
Inayos niya ang kanyang damit bago malamig na nagsalita, "Hindi ko tatanggapin ang kaso mo."
Natahimik si Rena.
Mukhang alam na ni Waylen ang tungkol sa kaso ng kanyang ama!
Napayuko siya at mahinang nagtanong, "Si Harold ba ang nag-utos sa 'yo na huwag tanggapin ang kaso ko?"
Bahagyang ngumiti si Waylen na may halong panunuya habang nakatingin sa repleksyon ni Rena sa salamin. "Hindi siya gano'n kaimpluwensya. Miss Gordon, mas gusto kong panatilihing hiwalay ang personal na buhay at trabaho."
Naintindihan ni Rena ang gusto niyang ipahiwatig. Kung nanaisin niyang makipagtalik kay Waylen, hindi ito tatanggi. Ngunit kung lalapit siya sa kanya para sa anumang may kinalaman sa trabaho, wala siyang dapat asahan.
Namula ang kanyang tenga sa hiya.
Ngunit hindi naman siya pinilit ni Waylen na gawin ang anumang bagay.
Bagaman maganda siya, hindi iyon sapat para isakripisyo ni Waylen ang kanyang mga prinsipyo. Bukod pa rito, wala siyang interes na makipaglandian na tirik ang araw.
Di nagtagal, huminto ang elevator sa ika-dalawampu't walong palapag.
Naghihintay sa pintuan ng elevator ang sekretarya ni Waylen. Nagulat ito nang makita si Rena, pero dahil matagal na niyang kilala ang amo, hindi na siya nag-usisa pa. "Mr. Fowler, nandito na po ang kliyente ninyo," magalang niyang sabi.
Inihagis ni Waylen ang papel na bag sa kanyang sekretarya at sinabi, "Ipadala mo ito sa dry cleaners."
Tumango ang sekretarya at umalis.
Yumuko si Waylen at sinimulang paglaruan ang kanyang telepono. Hindi man lang siya tumingin kay Rena nang magsalita, "Humanap ka na lang ng ibang abogado. At hindi mo dapat ibenta ang iyong katawan para sa mga pabor. Nakakadiri."
Dire-diretso siyang lumabas bago pa tuluyang magsara ang pinto ng elevator.
Nagngitngit si Rena.
Napaka-impokrito!
Sa bahay, lalo pang nabahala si Eloise. Dahil sa matinding pressure, nagpasya si Rena na makipagkita sa matalik niyang kaibigan mula sa kolehiyo, si Vera Byrd.
Ikinasal si Vera sa isang mayamang lalaki mula sa Duefron matapos ang graduation. Malawak ang koneksyon ng kanyang asawa.
Dahil wala nang ibang matakbuhan, lumapit si Rena kay Vera para humingi ng tulong.
Nagkita sila sa isang café, at walang paliguy-ligoy na ikinuwento ni Rena ang lahat ng nangyari sa kanyang kaibigan.
Galit na galit si Vera kay Harold. Matapos niyang ibuhos ang inis, nag-isip siya saglit at nagtanong, "Teka, totoo bang nag-check-in kayo ni Waylen sa hotel?"
Namula si Rena at hindi alam kung paano sasagot. Hinawakan na lang niya ang tasa ng kape at marahang hinalo ang laman nito.
Napangisi si Vera at bumulong, "Rena, hindi ka talaga ordinaryo! Kahit mga artista hirap makuha ang atensyon ni Waylen. Wala nga halos tsismis tungkol sa kanya dahil sobrang 'banal' niya."
Mapait na ngumiti si Rena at binago ang paksa. "Sa totoo lang, wala akong choice kundi lumapit sa'yo, Vera."
May malawak na kapangyarihan at prestihiyoso si Waylen sa mataas na lipunan. Madaling maiinsulto ni Vera si Waylen kung susubukan niyang tulungan si Rena.
Pero matalik na kaibigan niya si Rena. Gamit ang koneksyon, nalaman ni Vera ang schedule ni Waylen.
*
Sabado, alas tres ng hapon. May laro ng golf si Waylen sa isang country club.
Pumunta si Rena sa country club kasama sina Vera at ang asawa nito sa itinakdang oras. Ngunit laking gulat niya nang makita roon si Harold.
Napanganga siya sa hindi inaasahang sitwasyon.
Napansin ito ni Vera at agad na siniko ang asawa. "Bakit hindi mo sinabi na nandito rin si Harold? Paano ngayon hihingi ng tulong si Rena kay Waylen?"
Nagulat ang asawa ni Vera at dali-daling nag-sorry kay Rena. "Pasensya na, Rena! Hindi ko talaga alam!"
Bago pa makapagdesisyon si Rena kung aalis na lang ba siya, napansin na siya ni Waylen.
Naka-suot siya ng puting kasuotang pang-golf, mukha siyang mayaman at makisig. Napakatangkad niya kaya siya ay namumukod-tangi sa karamihan.
Kagaya din sa law firm, nagkunwari si Waylen na hindi niya kilala si Rena. Sa halip, binati niya ang asawa ni Vera.
Dahil dito, natuwa ang asawa ni Vera at nakipagkamay.
Matapos noon, saka lang dumapo ang tingin ni Waylen kay Rena.
Maputi at makinis ang balat ni Rena. Pinili niya ang suot niyang damit para ipakita ang magandang hubog ng kanyang katawan.
Ang kanyang hapit na puting T-shirt ay nagbigay sa kanya ng preskong itsura, habang ang kanyang kulay abong shorts ay nagbigay-diin sa kanyang mahahabang hita.
Ang kaniyang mahabang alon-alon na kayumangging buhok ay nakapusod nang maayos, na nagdagdag ng alindog sa kanyang hitsura.
Pasimpleng tumingin si Waylen sa kaniyang mahahaba at balingkinitang binti bago malamig na nagtanong, "At ikaw ay...?"