Browse stories

The Good Wife

Language: fil

Unbeknownst to Athena, despite being a good wife she was still able to fool him and repeatedly crush her heart with his spouse The two met at the Aeronautics School both College students. It started as a dog and a cat, with not a day without a fight. Akiro also couldn't understand why the girl was like that, every time she was seen. It's like a dragon that will blow fire anytime. But for others, the girl is very charming. Like the protagonists in the movie, Akiro proposed to the girl,, but it was really elusive. Akiro did everything, and soon they also became friends and that's…

Available chapters

  1. Chapter 1
  2. Chapter 2
  3. Chapter 3

Chapter 1

...ATHENA...

"Bakit nga ba nangyari ang lahat ng iyon?” mga kataungang gumugulo sa ka'nyang sarili.

“ Ubos n ubos na ako, tao lang din ako napapagod din. Pero patuloy na lalaban para sa buhay kong sinira mo," ani nito.

Yan ang mga katagang nagpabalik tanaw saka'nya. Sobrang pasakit ang ibinigay ng dating asawa, sakabila ng kabutihan nya nagawa pa rin syang lokohin nito. Halos nakalimutan niya ng mahalin ang ka'nyang sarili.

Ngayon na sa Baguio siya at nagtatago, dahil 'di niya matanggap ang ginawa ng ka'nyang asawa sa pagsasama nila..

Way back College days ng magkakilala kami ng bweset kong asawa, at pinapanalangin ko na sana 'di na lang kami nagka kilala, at 'di sana nya nawasak ang puso ko ng paulit-ulit.

"Bakit ka ba ng babangga?” tanong ni Athena, na nairita sa pagdampi ng balat nila sa isa't-isa.

"Hindi naman kita binangga." sagot nito.

"P-paanong 'di binangga, nakita mo na ngang papadating ako, paharang harang ka" nakabusangot ko.

"Ok! Miss, sorry. I didn't mean to bump you” ani nito.

"Fine! Hindi kong hindi, maang mangan ka pa” pagtataray ko, dahil nakakainis naman talaga.

Likas sa'kin na mag sungit dahil probinsyana at lumaki pa mga lolang conservative.
Maayos naman ang buhay ko sa Manila nakatira  isang apartment ako nakatira art malapit lamang 'to saaking paaralan. Masipag rin akong mag aral,  kaya 'di naman kataka-taka na lagi akong nangunguna sa aming klase.

Ngunit ng dumating ang isa kong mag-aral na si Bella ang transferee sa school namin at talanga may ibubuga din siya kong patalinuhan at ganda ang pag- uusapan talagang panlaban din ito.

Medyo asar lang ako kasi lantaran kong mang harutan ang dalawa, eh! ano naman ang pakialam ko sakanila. Nakaka dismasya lang kasi na babae siya at 'di magandang magpakita ng motive sa isang lalaki. Nandyan na susundan niya pa ito hanggang gymnasium. Halata namang choosy ang lalaki at ayaw nito sa'kanya. Mukhang 'di nya din type ang mga ganyang babae at balita pa nya focus ito sa pag-aaral, dahil isang taon na lamang ay ga-graduate 'to..

Narinig nyang nagtatalo ito at 'di nya sadyang marinig ang usapang ng mga 'to..

"Ano ba Bella, para kang asong  sunod ng sunod saakin” naiiritang sabi ni Akiro.

"Alam mo naman na gusto kita, bakit ka ba pakipot" sabi naman ni Bella na kampanteng magugustuhan nga sya.

"Huh!? ako pakipot, your not my type that's why" saad nito, na kitang kita sa mga mata na badtrip na.

Bella started to cry when she heard about Akiro's confession.

Hindi kasi matanggap nito na sa angkin ni'yang ganda wala man lang interes ang lalaki dito.

"Magiging akin ka din, mark my word.” pangakong  sabi nito sa sarili sabay talikod.

Salamat naman, makakaalis na din ako sa pinagtataguan ko. Bakit may ga'nyang eksena kasi sila..

Mabilis na lumipas ang mga araw tapos na ang pasukan at bakasyon na naman. Excited ako, dahil uuwe mulib ako sa bayan namin, namimiss ko na rin si lola.

Kinagabihan nakapag empake na ko, para kinabukasan maayos na ang lahat.

Pagsapit ng umaga ready na si Athena para sa kaniyang bakasyon.
Habang sakay siya ng van papuntang Baguio, excited ang dalaga dahil magkikita na din sila ng kaniyang lola.
Lumaki sa lola si Athena kaya may pagka conservative talaga siya. Sa pananamit at lalo sa pananalita. Wala pa siyang nagiging nobyo, dahil sobrang istrikta ng kaniyang lola.
Biyuda na ito at bata pa siya ng namatay ang kaniyang lolo at hindi na muling nag-asawa pa ang kaniyang lola. Para dito iingatan na lang niya ang ala-ala ng yumaong asawa. Wala na siyang ibang mamahalin pa kundi ito lamang.
After 6 hours nakarating siya ng Baguio. Naglakad siya papunta sa bahay ng kaniyang lola. Kumatok muna siya at mga ilang minuto lang bumukas ang pintuan.
Nagulat ang kaniyang lola, dahil hindi man lang siya nagpasabi na uuwe siya ng Baguio. Galak na galak ang kaniyang lola. Napayakap ito sakaniya. Kinamusta niya ang byahe ng apo.

"Kamusta naman ang naging byahe mo apo?" tanong ng matanda.

"Ayos naman po lola” sagot naman ni Athena.

"Halika apo, saluhan mo ako.” sabi nito.

"Sige po lola, ako'y gutom na gutom na po" ang wika nito sabay baba ng mga bagahe.

Sabay na nanghalian ang mag-lola. Masayang nagtatawanan dahil madaming baong kuwento ang dalaga.
Nang matapos na silang kumain nagpaalam na si Athena saka'yang lola na magpapahinga muna saglit.

Samantalang sa Manila naman kausap ni Akiro ang kaniyang mommy via videocall. Malayo ang pamilya ni Akiro saka'nya. Matagal ng rin citizen ang mga ito sa ibang bansa.

Si Akiro lang naman ang mapilit na mag stay sa Manila. Gusto niya kasi iyong malaya siya kaya napili niyang mag paiwan dito.

"Hello! mommy, how are you,?" asking Akiro to her mom.

"I'm good son, how about you? when do you want to visit us here,?” her mom said.

"Maybe soon mom. By the way I have to go. I love you and I miss you" he said and end of the videocall.

Nagpaalam na nga si Akiro saka'nyang mahal na ina. Nalungkot na naman si Akiro. Gustuhin man niyang sumunod sa pamilya kaso nag-aalangan siya sa magiging buhay niya doon.

Mabilis lang ang bakasyon. Balik na ulit si Athena sa Manila. Second year college na ang dalaga. Almost 2 years na lang magtatapos na din siya.

On the other hand Akiro is a Fourth year college student this school year. Malapit na siyang makatapos.
Isa siya sa mga nangunguna sa klase. Sabi nga ng iba he is a teacher's pet. Wala naman pakialam ang lalaki dito.

Dahil alam niya at kilala niya ang kaniyang sarili.
Akiro is a smart guy. Nagtapos lang naman siya noong elementary na valedictorian. Bukod sa ka gwapuhan may ibubuga talaga ito. Kaya niyang makipagsabayan sa iba.

At school busy ang lahat dahil magkakaroon ng prom ball. Excited na si Bella dahil alam niya siya ang pipiliin ni Akiro na maging date. Gayon na lang ang panlulumo niya ng hindi siya ang pinili nito.

Nasa gymnasium sila at kitang kita ng lahat ang effort ni para saakin.

‘BE MY PROM DATE! PLEASE SAY YES’

Ayan ang nakalagay sa bawat cardboard na hawak ng ibang estudyante.

Gulat na gulat naman siya sa ginawa ni Akiro. Ayaw na ayaw niya sa lalaki dahil nga sa pagiging presko nito. Madami din siyang balita tungkol dito na hindi kaaya aya sakaniyang pandinig. Ayaw at takot siyang mapabilang sa collection nito.

Lumapit naman si Akiro sakaniya na may dalang bungkos nq mga bulaklak at isang human size teddy bear na mas malaki pa saka'nya. Hindi sana niya tatanggapin ang alok nito, kaso nga lang ayaw naman niyang ipahiya ang binata.
Hiyawan naman ang maririnig sa loob ng gymnasium. Kilig na kilig ang mga estudyante sa nakikita.

Kabaliktaran naman ito ni Bella.
Tila hindi maipinta ang kaniyang mukha na lukot na lukot at nakataas pa ang kilay nito.
Hindi niya natagalan ang eksenang nakikita kaya minabuti niyang umalis na lang.
Masayang masaya si Akiro dahil sa wakas tinanggap ng dalaga ang alok niya. Next week pa naman ang prom ball, pero tila gusto niya ng hilahin ang bawat araw.
Matagal na niyang ini stalk ang dalaga. Suplada nga lang kasi ito at akala mo dragona. Laging nakataas ang kilay nito kapag siya ang nakikita at kabaliktaran naman sa iba. Animo'y isa itong anghel na bumaba sa langit.
Hindi niya mawari bakit ganon na lang ang inis ng dalaga sakaniya. As far as he knows wala naman siyang natatandaan na may ginawa siyang mali dito.
Matagal na niyang pinaparinggan ang dalaga. Ngunit hindi man lang tumatalab ang karisma niya dito. Madaming nagkakagusto sakaniya, pero ang dalaga ang kaisa-isang may ayaw sakaniya.
Ganon siya ka popular sa school, pero tila hindi man lang siya nag eexist sa buhay ng dalaga. Napakaganda nito lalo na kapag naka ngiti at sumasabay pa ang dalawang malalim na biloy nito sa mukha.

Chapter 2

...AKIRO...


Naalala pa ni Akiro ng unang beses niya itong nakita. Gandang ganda siya sa dalaga, napakasimple lang naman ng ayos niya wala man lang kolorete sa mukha, pero daig niya pa ang mga modelo sa showbiz.

Ayon nga lang napaka suplada at akala mo laging may dalaw. Dragona nga ang bansag niya dito. Akala mo kasi laging bubuga ng apoy kapag sila ay nagkakasalubong.

Ang bilis ng mga araw, ikalawang linggo na. Ngayon ang araw ng prom ball nila. Ngunit 'di man lang kumikilos si Athena. Kong siya lang talaga ang masusunod ayaw niyang dumalo.

Naiilang siya dahil para sakaniya hindi siya kabilang sa mga gano'ng okasyon.
Mag aalas otso na at hindi pa din siya nag-aayos. Hanggang sa bigla na lang syang nakarinig ng busina ng isang sasakyan sa tapat ng kan'yang apartment. Sumilip muna siya sa bintana at gayon na lamang ang gulat niya ng makita kong sino ang na sa labas.

Ang gwapo ng binata. Biglang namula ang pisngi ni Athena. Hindi niya mawari ang ka'nyan nararamdaman ng masilayan ang binata.

Dali-dali siya naligo at nag-ayos. Hinanap niya ang gown niyang tinahi pa ng kaniyang lola.Hapit na hapit saka'nyang katawan ang gown. Magaling pa din ang kaniyang lola, kahit na ito'y may edad na. Gamay pa din nito ang makina at nakakagawa pa din ng magagandang gown.

Samantalang sa labas naman halos kalahating oras ng nag-aantay si Akiro. Hindi niya alam kong sisiputin pa ba siya ng dalaga.

Paalis na sana siya ng bumukas ang gate. Laking gulat niya ng makita si Athena. Kong maganda na dati ito kahit simple lang ayos at mas lalo pa itong gumanda ng naayusan.

"Hoy! Bakit ganiyan ang tingin mo?” tanong ni Athena na nagtataka sa reaksyon ng mukha ko.

"Ah! eh, wala hindi ko alam na mas maganda ka pa pala kapag naayusan. Shall we go?" pag aaya ko, baka kasi ano pang masabi ko.

Inalalayan ko sya at lulan na kami ngayon ng sasakyan. Kita ko naman sa review mirror na 'di sya mapalagay. Nahihiya siya sa pag nakaw tingin ko saka'nya.. Bigla ko tuloy siyang natanong.

"Are you okay Athena,?” tanong ko para mawala ang agam-agam nya.

"Yah!" She simply nod her head and saying that..

Pasado alas nuebe na ng kami ay nakarating sa school. Madami dami na din ang mga tao at nagkakasayahan na. Bumaba ako ng sasakyan para alalayan si Athena sa pagbaba.

Naglakad kami ng sabay. Na center of attraction tuloy sa pagdating. Kitang-kita ko naman na nahihiya sya kya bigla na lng syang yumuko, mukhang hindi sya sana sa mga gan'tong okasyon..

Hinatid na siya ng binata sa kaniyang table at pumunta na din ito sa kabilang table. Maingay na ang paligid dahil na din sa music na pinapatugtog ng DJ.

Lumapit ako saka'nya at inaaya ko na din syang sumaya.

"Shall we dance,?" wika ko, sabay lahad ng aking mga kamay.

Maswerte inabot naman agad niya ang kan'yang mga kamay. Dinala ko siya sa gitna ng gymnasium. Nagsimula na kaming sumayaw. Napaka ganda ng musika at ramdam ko ang bilis at kaba ng puso nya.

Samantalang 'di naman nila namamalayan na umiikot na ang spot light para sa magiging Prom King & Queen of the night.

Sweet na sweet ang dalawa habang nag-uusap at hindi man lang nila namamalayan na sakanila tumigil ang spot light. Nagpalakpakan ang lahat ng mga tao. Maya-maya pa nilapitan na sila ng dalawang estudyante at sinusuotan na sila ng crown at cape.

Nag salita ang MC ladies and gentleman may I now present you our King & Queen for tonight. Nagpalakpalakan muli ang mga taong naroroon.

Bigla na lang nag play ang kantang King & Queen ni David Pomeranz. Kaya lahat ng estudyante ay kilig na kilig sa dalawa.

Nang mapagod kaming mag-sayaw, pina akyat na kami ng stage at naroron na ang trono namin, para kaming mga King & Queen tonight. Habang kami ay nakaupo na, sinamantala kong kausapin sya may tinatagong kakulitan rin naman pala sya at tawan-tawa sa mga binanato kong jokes. Kaya sabay na lang kaming nag tawanan at 'di rin kasi kami ready at makapaniwala na kami ang tatanghalin ngayong gabi.

Samantalang nasa gilid naman si Bella at nagpupuyos sa galit. Hindi na naman niya matanggap na sa muling pagkakataon ay mauungusan na naman siya ng dalaga.

Natapos ang gabi ng masayang masaya si Athena. Hinatid na din siya ng binata sa apartment at nagpaalam na din ito sakaniya.
Hindi namamalayan ni Athena ang paglipas ng mga araw. Para sakaniya masaya siya dahil malapit ng magtapos ang kaibigan. Hanggang doon muna sila , dahil nangako si Athena saka'nyang lola na bago mag nobyo ay magtatapos muna siya ng kolehiyo.
Naiintindihan naman ni Akiro ang gusto ng dalaga. Handa naman itong mag antay para sa matamis na oo ng dalaga. Napaisip si Athena na mali ang pagkakakilala niya noon dito.
Hindi pala talaga babaero ang lalaki. Mabait at maalaga si Akiro. Gusto niya ang pagiging maginoo nito at marespeto sa lahat ng gusto niya.
Dumating na nga ang araw ng pagtatapos nito, siyempre present ang dalaga. Dahil nag request ang binata na siya ang mag sabit ng medalya dito, dahil malayo ang pamilya ni Akiro. Humanga naman ang dalaga sa angkin galing ng lalaki. Nagtapos lang naman ito ng suma cumlaude at hakot awards pa.
Nagpasiya silang mag celebrate at kumain sa labas. Pumunta sila ng Mall at humanap ng restaurant. Habang kumakain sila hindi maiwasang humanga talaga ng dalaga sa kaniyang kaharap. Kahit gwapo at matalino ito napakasimple pa din.
Suwerte ang magiging nobya nito o asawa. Lihim naman na kinilig ang dalaga sa sinabi.

Napansin ko naman ang pag smile nya, and out if nowhere I simply ask her.

"Bakit ka naman nakangiti,?" tanong ko dito, medyo weird kasi sya.

"Nothing,” tipid na reply nito.

I'm not convince, so to make sure everything is ok. I ask her once.

"Are you sure,?" balik na tanong ko saka'nya at nanimbang kong totoo amg sinasabi nya.

"Yah! May naisip lang ako," sabi nito at nakampante na rin ako.

Nang matapos silang kumain, nag aya naman si Akiro manuod ng movie. Pumayag naman ang dalaga dahil maaga-aga pa naman. Gusto din niyang masulit ang araw na kasama ang lalaki dahil balita niya uuwe muna ito sa pamilya. Nalulungkot man ang dalaga pero wala siyang magagawa para pigilan ito dahil wala naman namamagitan sakanila.

Sa loob ng cinema. Hindi naman mapigilan mapaluha ni Athena sa napapanuod. Ang eksena kasi may dalawang mag kasintahan at nagpapaalam ang lalaki sa dalaga. Nakaka relate siya dito kasi ilang araw na lang magkakahiwalay na sila ng landas.

Napansin ko naman ang luha sa mga mata ni Athena. Medyo na bother ako kaya nag tanong ako..

"Is there any problem,?" tanong ko. I feel that she's not comfortable with me.

"W-wala naman," tipid na reply nito.
I'm not satisfied her answer, so I ask her twice this time I comfort her.

"Are you sure,?" Oh! Baka naman nadadala ka lang sa eksena. Don't worry mabilis lang naman ang oras at araw babalik din agad ako” sabi ko, pang pawala ng lungkot nya. Nag didiwang naman ang puso ko ng malaman na mamimiss nya rin ako.

Natapos ang palabas na magka hawak ang kamay nilang dalawa. Kulang na lang ang matamis na oo ni Athena, dahil sa inaakto nila para na din silang magkasintahan.

Chapter 3

...ATHENA...


Mabilis na lumipas ang mga araw, ngayon na ang flight ni Akiro. Present ulit ako request nyang ako ang maghatid sa'kanya sa airport. Ayoko sana kasi baka maiyak lang ako, kaso wala siyang choice dahil kailangan na rin nitong umuwe sa'kanyang pamilya.

Out of nowhere bigla nya akong niyakap, ramdam ko ang pag bilis na aking puso at bago pa kami mag iyakan minabuti kong magpaalam sa'kanya. And the next thing he did, he stolen a kiss on my cheeks. Mabilisang dampi ng labi at tumalikod na ito at naglakad palayo. I'm stun and still shock. My heart still beating faster and faster..

Lingid sa kaalaman kasi ng binata ay mahal na din siya ng dalaga, kaso nga lang hindi niya muna masagot ang binata sa ngayon , dahil sa pangako niya saka'nyang lola at ayaw niyang suwayin ang bilin nito dahil sobrang mahal na mahal niya ito.


Umuwe ako apartment na malungkot. Wala kong gana ng araw na 'yon. Naninibago ako at nasanay sa pressence nya. Hanggang sa nakatulugan ko na ang labis na pag-iyak.


Kinabukasan nagising ako sa ingay ng ringtone ng cellphone ko. Wala naman akong paki kong sinong poncio pilato at tumawatawag. Dahil masama ang pakiramdam ko at ayaw ko munang bumangon. Naka ilang ring lang 'to at tumigil na din. I feel sleepy, kaya minabuti kong matulog muli to regain my strength. Feeling ko I lost my energy, mag damag ba naman akong umiyak. Nakakainis lang 'di ko alam bakit ako nagkaka gan'to, daig ko pa 'yong mga LDR (Long Distance Relationship) couple. Mga napapanuod ko sa t.v kalag aalis ang isa sa bida. Haixt.

Naalimpungatan siya ng makitang pasado ala singko na at wala pa siyang tanghalian. Dali- dali siyang bumangon at naghilamos. Pag sipat niya sa kaniyang wall clock. Gayon na lamang ang gulat niya ng makita na ang daming misscall ng kaibigan.

Laking pang hihinayang ko na 'di ko man lang naabutan ang mga calls nya. Nag bukas na lang ako ng ebook at nag log in ng aking account at nag simulang mag type ng messages na iiwan ko para sa'kanya.

On the other hand. Akiro waiting to her. Nakailang calls na siya, pero hindi man lang sinasagot ng dalaga.

Nagtatampo pa din siguro ang kaibigan, sa isip niya. Nahiga siya at kinuha ang tablet niya at nag log in sa ebook at laking tuwa niya na mabasa ang messages ng kaibigan. Dali-dali naman siyang bumangon at nag-reply dito.

"I'm good. I miss you Athena." basa ko sa laman ng messages nito. Halos mapatalon ako sa saya sa'aking nabasa.

I miss you too Akiro. I hope bumilis na ang mga araw at bumalik ka na dito.
Naluluha ako habang tina type ko ang messages na para sa'kanya. Mukhang ramdam niya ang pangungulila ko.

Don't be sad Athena. Maybe soon nandyan na din ako. Stay safe and take care.

Nag send naman ito ng kiss emoticon.
Label na lang talaga ang kulang sa dalawa. Hindi naman mapilit ni Akiro ang kaibigan. Kahit gustuhin man niyang maging nobya na ito nirerespeto pa din niya ang hiling ng kaibigan.

Nang makapag usap ng maayos nagpaalam na din sila sa isa't-isa.
Naluha na naman ang dalaga.

Haixt! Bakit ba kasi ang tagal ng oras. Gusto ko na lamang matulog ng matulog para naman bumilis man lang sa isip ko.

Dumating ang araw ng pasukan. Hanggang nakasanayan na din ni Athena na wala ang presensiya ng kaibigan. Tuloy pa din naman ang kanilang komunikasyon.

Dahil sa pagiging matamlay ko at walang gana sa pag-aaral nauungusan na ako ng classmates ko. Wala naman akong pakialam dito. Basta para saakin makatapos lang ako at magkaroon ng diploma ay ayos na. Magiging masaya na din ang lola para saakin.

Napansin naman ng professor ko ang pagiging matamlay ko ng mga ilang araw. Pinatawag niya ako sa office at kinausap.

"Ano ba nangyayari sayo Athena,?" tanong nito habang nakaupo sa swivel chair at nakatingin saakin ng seryoso.

"A-ah! wala po maam," tipid kong sagot, dahil ayoko pang humaba ang discussion namin dito. Mukhang hindi na convince ito sa sagot ko kaya may sunod pa syang katanungan.

"Are you sure,?" tanong niya muli saakin. Para hindi na rin siya mag tanong I simply replied her that "Yes! Maam".
She's been worries about my grades and I really appreciate it.

She said nagbabaan ang mga grades mo, naungusan ka ni Bella. Sayang ang nasimulan mo. May problema ka ba,?" nagtatakang tanong niya saakin.

"W-wala po talaga maam. Baka magaling lang talaga si Bella kumpara saakin,” sagot ko at sinabayan ng ngiti tanda na ok lang saakin, ano bang magagawa ko kong naungusan ako. Besides I'm not competing any one.

"Oh! siya kong yan na ang desisyon mo, hindi na kita pipilitin. Nang hihinayang lamang ako sa nasimulan mo,” sabi nito.

"Ayos lang po ako maam. Kong si Bella ang magiging suma- cumlaude, masaya po ako sakaniya dahil deserve niya po yan maam," mahabang litanya ko at sabay paalam sakanya. Ayaw ko ng tumagal sa loob, baka kong ano pang isipin ng maka kita.

Hindi namamalayan ni Athena ang bawat mga araw. Nakalimutan niyang sunduin si Akiro sa airport. Dahil super hectic ang schedule niya dahil may thesis nang pina pagawa ang professor nila and eto punong abala siya dahil siya ang naatasang bilang leader ng kanilang grupo. As if naman tumulong 'yong ka-group niya, bakit kasi sa dinami-rami ng classmate niya 'yong kinaiinisan pa niya ang naging ka group niya. Wala naman kasing ginawa 'yon puro papogi at online games ang alam. Sumasakit lang ang ulo niya pag iisipin pa 'to..

Busy ako kaka gawa ng thesis namin ng bigla akong makarinig na ring ng doorbell. Wala naman akong inaasahang bisita ngayon. Sumilip ako sa bintanan at bigka akong napaluha sa nakita. Nasa harapan lang naman ng bahay ko si Akiro . I can't explain my feeling right now. Sa tagal ng wala siya, super namimiss ko na ang bonding namin.

Lumabas ako at ng bahay at madali kong binuksan ang gate at nagulat ako pag yaka niya at sinuklian ko rin naman ito ng mahigpit na yakap. Bigla na lang itong nag salita.

"Hmm! Hindi mo man lang ako sinundo sa airport," pagtatampo na sabi ni Akiro.

"Ah! pasensiya na sobrang hectic ang schedule ko." pag hingi ko naman ng despensa para mawala na din ang tampo nya saakin. Ang hindi ko inaasahan ang sunod niyang sinabi.

"Hmmm! siguro may iba ka na at nagagawa mo ng kalimutan ako," pagtatampo pa din na sabi ni Akiro.

Syempre, I denied it kasi wala namang iba.

"Hindi naman sa ganon, talagang busy lang ako patawad na,” sabi ko at nag cross my heart pa ako, tanda na totoo ang sinasabi ko. Mukha naman na convince ko sya, ngunit hindi ako naging ready sa sunod na sinabi niya.

"Kiss muna," sabi ni Akiro. Paulit-ulit na pumasok sa isip niya.

Out of nowhere nagulat naman ako sa sinabi nito. Hindi ko alam kong gagawin ko ba ang hiling nito. Napabuntung hininga na lang ako. I simply kiss him, ayon lang naman sana kaso ang mokong biglang pinalalim ang halik na binigay ko. Natigil lang kami ng nakarinig ng kahol ng aso. Gosh! nakakahiya bigla akong namula, dahil nadarang ako sa halik niya. Nagtatakbong pumasok ako sa loob ng apartment at super hiyang hiya ako sa nangyari at wala pa akong mukhang ihaharap dito.

Samantalang naiwan naman si Akiro sa labas ng gate at naglakad para sundan na din ang kaibigan.

Sa loob ng apartment kulay kamatis pa din si Akira.

"H-hindi ko dapat ginawa iyon." kinakausap ang kaniyang sarili.

Biglang sulpot naman ni Akiro sa harap ng kaibigan sa gulat nito bigla niya na lang nasambit.

"Ay! bakla." hindi niya natapos ang sasabihin.

"Sinong bakla,?" tanong nito, sabay sabing "halikan kaya kita diyan ng malaman mo sino ang bakla,” naiinis na sabi ni Akiro.

"Baklang kabayo kasi 'yon,” paliwanag ko at baka totohanin na naman nito ang sinabi.

"Bakit ka ba sulpot ng sulpot ha." pagtataray ko, nagulat kasi ako sa biglang pag pasok niya. Hindi pa nga ako nakaka get over kanina, gusto na naman niya akong halikan..

"Iniwan mo lang naman ako sa labas ng gate,” nakasimangot na sabi nito saakin, tila 'di maipinta ang itsura.

"Eh! bakit mo ba kasi ako hinalikan,?" tanong ko, at nag aantay ng maayos niyang sagot.

"W-wala gusto ko lang." pang aasar ni Akiro. "Nagustuhan mo ba,?" tanong nito.

"Mag tigil ka Akiro. Umuwe ka na nga nakakainis ka talaga." pagpapalayas ko sa'kanya, nakakainis kasi mga pinagsasahi niya.

"Ang sama mo naman, hindi mo na nga ako sinundo sa airport tapos papalayasin mo pa ako." pagtatampo nito saakin, sabay nalungkot ang mukha.

Haixt! heto na naman ako at ang lintik na puso ko. Bakit nga ba ang bilis kong mahabag sa'kanya. Para mawala ang tampo nya niyaya ko na lang syang kumain. Nag baked kasi ako ng lasagna kanina Nakita ko naman nag ningning ang kaniyang maliit na mga mata.