Browse stories

My Boyfriend's Secret Lover

Language: fil

An uncommon love triangle story that involves two heartthrob men and one nobody girl.      Celine Santos is just a simple girl living her simple life. Until one day, her life started to change when she became the girl of the campus heartthrob, Marc Robert Lim. Because of that, Martha Diaz, a pretty, rich but wicked girl who loves Marc since then, hated her so much and ruined their romance. Charles Sevilla, the campus crush of his both old and new school came into the scene and brought a huge impact on their relationship.      Is it really possible that the person ruined your first…

Available chapters

  1. Chapter 1
  2. Chapter 2
  3. Chapter 3

Chapter 1

Chapter 1 : First Impressions

 
Celine’s Point Of View

 
Yumuko o tumingin palayo. Mula kanina ay iyan ang ginagawa ko habang binabaybay ang daan patungo sa aming classroom. Ang dami na naman kasing mga matang nakasubaybay sa akin at mga bulungang hindi na ‘ata talaga matatapos pa.

Hinayaan ko na lang at nagpatuloy ako sa paglalakad. Oo nga pala, ako si Celine Santos, 20 years old, fourth year student sa Doña Ariela Highschool, isang private school. Hindi kami mayaman at ang tanging dahilan lang kung bakit nakapasok ako rito ay ang scholarship ko. Valedictorian ako since elementary hanggang high school at na-maintain ko naman iyon hanggang ngayon kaya nandito pa rin ako.

Sabi nila kapag matalino ka sa school, tanga ka pagdating sa pag-ibig at mukhang napatunayan ko naman iyon. Kung may rankings lang sa pagiging engot sa pag-ibig, paniguradong mangunguna ako. Tulad ngayon!

     “B-babe! Hi,” nauutal na sabi ng boyfriend ko nang makita niya ako.

     Alanganin akong ngumiti at nagsalita.

     “Hi,” tugon ko sabay iwas ng tingin.

     “Loves— I mean, Marc. Alis na ako. See you later,” sabi ng babaeng kahawak-kamay niya kanina at naglakad na.

     Kumindat pa ‘yong babae at ito namang si Marc, ‘di mapigilan ang sarili na mapangiti. 

     Nang tuluyan ng makaalis iyong babae, humarap sa akin si Marc.

     “Oh Celine, bakit nandito ka? Wala ka bang pasok?” tanong sa akin ni Marc Robert Lim, ang heartthrob kong boyfriend.

     Parang walang nangyare, ‘di ba?

     “Mayroon. Sige pasok na ako,” sabi ko sabay talikod sa kaniya. 

     Paalis na sana ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Humarap ako sa kaniya. 

     “Babe, nagseselos ka ba?” tanong niya sabay halik sa kamay ko.

     “No, I’m not. Kailangan ko lang talagang pumasok. Baka ma-late ako eh,” sagot ko.

     Ewan ko ba! Bakit hindi ko man lang makuhang magalit sa kanya? ‘Tsaka seryoso? Nagtanong pa siya! Siyempre nagseselos ako! Girlfriend niya ako ‘no! Naiiyak tuloy ako.

     “Good. Hatid na kita sa room niyo,” sabi niya pagkatapos ay binuhat ‘yong mga gamit ko. Gentleman naman siya. Sa puso ko lang naman, doon lang siya hindi gentle.

     Habang naglalakad kami, hawak niya ‘yong kamay ko. Naalala ko tuloy iyong nakita ko kanina! ‘Di ako maka-move on! Naiiyak na talaga ako.

     “Marc, punta lang ako ng CR,” paalam ko sa kaniya.

     “Okay, sure. Dalhin ko na ‘to sa room niyo then diretso na ako sa klase namin, okay? Bye babe, ingat ka,” sabi niya pagkatapos ay hinalikan ako sa pisngi at naglakad na.

     Ako naman ay nagmamadaling pumunta ng CR habang pinagtitinginan na naman ng mga students. Well, sanay na ako. Marami akong kaibigan dito, pero mas maraming kaaway. Hindi naman talagang kaaway. Marami lang talaga sila na ayaw sa akin.

     Two main reasons why. Una, dahil mahirap lang ako at ‘di ako kasing-yaman ng mga students dito. Pangalawa, dahil sa hot, rich, heartthrob and famous kong boyfriend. Bakit? Obviously, ayaw nila ako para sa kaniya dahil hindi raw kami magka-level at hindi kami bagay.

     Dahil doon, halos lahat ng tao dito kilala ako at kilala ko. Kilala ko, pati mga babae ni Marc. 

    Ano ba iyan! Naalala ko na naman!

    “Tanga-tanga mo, Celine!” Nagtakip ako ng mukha dahil tutulo na talaga ‘yong luha ko.

    “A-aray!” Napasigaw na lang ko nang bumagsak ako. May nakabangga ata ako.

      Naramdaman ko na tumulo na ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan kahit pa nakahandusay pa rin ako sa sahig.

    “Miss, I’m sorry. Hindi ko sinasadya,” sabi sa akin ng lalaki na nakabangga ko na wow! Sobrang guwapo!

     “Are you okay?” tanong niya.

     Nakatulala lang ako sa kaniya.

     “Miss?” Kumaway siya sa akin.

     “Ha?” nasabi ko. Medyo tulala pa rin ako eh. Natawa siya at OMG! Ang cute ng dimples niya!

     “Sabi ko, ‘are you okay?’” ulit niya pagkatapos niyang matawa nang kaunti.

     “Ahhh, yeah! I’m okay,” sabi ko sabay kamot ng ulo. Kahiya-hiya ka, Celine!

     “Sure ka ba? Umiiyak ka eh,” panigurado niya.

     Oo nga pala! Nagpunas ako ng luha pagkatapos ay ngumiti sa kaniya.

     “Oo ayos lang ako. Wala ‘to. Hindi ‘to dahil sa bangga,” natatawang sabi ko.

    “Ahhh, gano’n ba. Sorry nga pala, ‘di ko sinasadya,” paumanhin niya.

     “Okay lang talaga,” nakangiti kong tugon.

     He smiled then helped me get up. Oo, nakipagkuwentuhan ako sa kaniya habang nakasubsob pa rin ako.

    So, tinulungan niya akong tumayo. Hinawakan niya iyong kamay ko! Ang lambot at laki ng kamay niya!

     Ano ka ba Celine? May boyfriend ka! Mali iyan! Kahit hindi loyal sa’yo ‘yong boyfriend mo, dapat maging loyal ka sa kaniya!

      “Sorry talaga,” pag-uulit niya at ngumiti na parang nahihiya.

     “Asus, ayos lang iyon. Anyway, bago ka ba rito?” tanong ko para naman mawala na iyong nararamdaman niyang guilt.

     “Yup. I’m from Doña Aparacion High before. I’m Charles Sevilla,” sabi niya sabay lahad ng kamay niya. We shook hands.

    “Oh I see. Kaya pala you’re not familiar. I’m Celine Santos,” pagpapakilala ko.

     “Wait… What? Celine Santos?” dahan-dahan niyang inilayo ang kamay niya habang kunot-noong nakatingin sa akin.

    “Yup. Why? What’s wrong?” tanong ko.

    “Oh… N-nothing. It just sounds familiar,” alanganin siyang ngumiti.

     “Ahhh, baka nabasa mo sa mga papers sa labas or narinig mo sa mga tsismis ng ilang students,” natatawa kong sabi at ngumiti sa kaniya.

     “Well, I think so.” Tumango-tango siya pero seryoso pa rin ang mukha niya, “By the way, I need to go. It’s nice meeting you, Celine.”

     “Yeah, sure. Aalis na rin ako, bye!” Ngumiti ako sa kanya. Tipid din naman siyang ngumiti pabalik at naglakad na palayo.

     Sinulyapan ko siya. Ang tangkad!

     “Siya siguro iyong usap-usapan kanina na tinatawag nilang bagong heartthrob. Well cute siya, pero mas guwapo pa rin ang Marc ko!” sabi ko sa sarili ko.

     Napatingin ako sa orasan sa dingding. Wft! Ano ba ‘to? Nakipagdaldalan pa ako oras na pala! ‘Di na ako p’wedeng pumunta ng CR pero at least nakalimutan ko pansamantala iyong nakita ko between my boyfriend and that flirt, pretty, rich girl, Martha Diaz.

     Nagmadali na lang akong pumasok ng room. Halos kauupo ko pa lang nang magsalita na ang aming guro.

     “Good morning,” pagbati ni Mr. Albert, our adviser and PE teacher.

     Oo nga pala, all girls kami rito sa room. Separate buildings kase ‘yong boys sa girls.

     We greeted him back.

    “Tutal first day pa lang naman, I’m giving you my time. Kayo na lang bahala kung ano ang gusto niyong gawin. Just keep quiet and don’t break the rules. I need to attend an important meeting din kase. Si Miss Santos muna ang bahala sa inyo. Is that okay, Miss Santos?” tanong sa akin ni Mr. Albert.

    “Yes, sir,” I answered.

    Tumango siya pagkatapos ay umalis na. ‘Di naman ako mahihirapang i-handle ‘tong mga classmates ko. Bukod sa all girls, disiplinado at matatalino sila so alam na nila kung ano ‘yong tama at mali. Besides, lahat naman sila friends ko. No’ng una kasama sila sa mga nang-aaway sa akin pero nang tumagal na, peace na! Pero dito lang peace, kase sa ibang room palaging war! Lagi akong may death threat.

    “Pst! Hoy Celine!” magandang bati sa akin ni Shaira. Shaira Morales, my chubby, madaldal but totoo kong best friend.

     “Why?” tanong ko.

     “Anong why-why? Bakit dineadma mo lang ‘yong nakita mong ‘holding hands scene’ between your hot, heartthrob boyfriend and that flirt girl?” tanong niya.

    “Kanino mo—” Pinutol niya ako sa pagsasalita.

     “It doesn’t matter. Answer me!” giit niya.

     “Okay. Pero wait lang ha?” tugon ko pagkatapos ay tumayo sa harapan.

     “Good morning! Libangin niyo muna ‘yong mga sarili ninyo. But take note, no gadgets allowed. You can borrow those books on the table if you want, just make sure that you will take care of them and ibabalik ninyo sila nang maayos. You can talk to each other din but in a low voice only. Low voice, Shaira.” I announced.

     Tumango naman sila. Bumalik na ako sa upuan.

     “Wow! Na-touch naman ako. Talagang special mention ako, ‘no?” panunumbat ni Shaira.

     “Low voice,” sita ko sa kaniya.

     “Okay! But going back to the topic, bakit dineadma mo lang?” tanong niya.

     “What do you want me to do ba?”

     “Slap Martha!” She winked.

     “Wow! Nice idea! Para ano? Para lusubin ako ng 44 members niya? Plus, kaladkarin ako ng mga supporters ng group nila? Galing!” I told her sarcastically.

     May group kase si Martha— ang HPR Power Girls short term for Hot, Pretty and Rich. Siya ‘yong leader then may 44 members siya coming from different popular and rich families. Iyong mga supporters naman na sinasabi ko ay ‘yong iba pang students dito. Halos 80% ng school, ayaw sa akin at kabilang sila sa mga supporters ng HPR Power Group.

     “Oo nga ‘no! Baka mawalan ako ng best friend kapag gano’n! Baka maaga kang mamatay!” OA na sabi niya.

     I just rolled my eyes.

     “Edi dapat inaway mo na lang si Marc! Girlfriend ka niya! You have the right para magalit sa kaniya lalo na kung niloloko ka niya! Kapag hindi ka nag-react, he will continue doing what he wanted to do kahit pa nasasaktan ka na,” panenermon niya.

     Naging seryoso ‘yong reaksyon ko.

     “You know I can’t do that,” I smiled sadly at yumuko.

     “What? Why? Because you’re afraid of losing him?” sabi niya sabay irap sa akin.

      I sighed then looked at her eyes.

     “Yes.”

     “Oh c’mon, Celine! You’re so pretty, kind, smart and talented! Maraming magkakagusto sa’yo!” usal niya.

     “Mahirap lang ako,” sagot ko.

     “Sus, iyan ba talaga reason mo?” Tinaasan niya ako ng kilay.

     “He is… He’s my first love. He saved me. Siya lang ang nakikita ko. I can’t lose him.”

     Napansin niya ‘ata na naiiyak na ako kaya she sighed then hugged me.

     “Okay, I’m sorry. Let me change the topic…”

     Tumango lang ako.

     “OMG! Celine! May bagong student dito and he’s sooo cute!” excited na sabi niya.

     “Ahhh, yeah. Si Charles Sevilla,” tugon ko.

     “You know him?” gulat na tanong niya.

     “Yeah, I met him a while ago,” kuwento ko.

     “When? Where? Why? How?” OA na tanong niya.

     “Sa faculty, malapit doon sa may CR. Nagkabangga kasi kami,” pagpapatuloy ko.

     “OMG! Really?” bulalas niya.

     “Shhh! Lower your voice. And yup, why?”

     “Hey! That’s what you call ‘destiny’!” sabi niya sabay kiliti sa akin.

     “Tsk, adik! Sa mga books at TV lang ‘yon, not in real life. And FYI po, may boyfriend ako.”

     “Whatever, best friend! Kung ayaw mo sa kaniya, sa akin na lang siya!” nakangiti niyang sabi sabay kindat sa akin.

     Baliw tsk.

Chapter 2

Chapter 2 : Stupidity Sucks

Celine’s POV

    Mabilis lang na natapos ang oras. Recess na agad! Ina-allow kaming lumabas ng building kapag recess. Ito rin ‘yong time ng pagkikita namin ni Marc.

     So heto ako ngayon, naglalakad. Actually, ‘di ko alam kung nasaan si Marc pero kapag may nakita akong pinagkakaguluhan, si Marc na iyon! Pero… dalawa silang pinagkakaguluhan ngayon. Isa sa right, at isa sa left. Sa right muna ako!

     “Excuse me…” sabi ko at pinadaan naman ako. And I’m wrong! Hindi ang boyfriend ko ang nakita ko kun’di si Charles. He saw then smiled at me. I smiled back, nodded then left.

     Nasa kaliwa siya! So pumunta ako sa kabila and boom! Speaking of kaliwa, nangangaliwa na naman siya! May kalandian na naman siya!

     ‘Di ko na talaga ma-take na magbulag-bulagan kaya umalis na lang ako. Pumunta na lang muna ako sa garden at umupo sa harap ng mga bulaklak.

     “Gano’n ba talaga ako katanga?” tanong ko sa mga bulaklak. Of course, hindi ‘yon sasagot.  Kapag sumagot ‘yon baka ma-heart attack pa ako!

     ‘Di ko na napigilan at pumatak na naman ang mga luha ko. Sobra na iyong bigat at confusion.

     Naramdaman kong may umupo sa tabi ko.

     “Are you okay?”

     Pagtingin ko, nakita ko si Charles. Pinunasan ko agad ang mga luha ko pagkatapos ay humarap at ngumiti sa kaniya.

     “Yes, I’m okay!” I smiled.

     He sighed but then smiled.

     “Don’t hesitate to approach me if you need someone to talk to. You can always count on me,” sabi niya pagkatapos ay tinapik ako sa balikat.

     “Thank you,” tugon ko naman at ngumiti. He just smiled then nagpaalam na umalis.

     Ang sweet and ang thoughtful naman ng taong iyon. Buti pa si Charles! Si Marc kaya?

     After kong magdrama, nag-decide na akong pumunta ng canteen. Nakagugutom!

     Pagdating ko roon, agad akong humanap ng bakanteng table at upuan. Kauupo ko lang nang bigla na lang may yumakap sa akin mula sa likod ko.

     “Hi babe, I miss you.”

     Si Marc!

     “Flowers for you,” sabi niya pagkaupo niya sa tabi ko then inabutan niya ako ng isang pink rose. Alam niya kasi na favorite ko iyon at gano'n din iyong binibigay niya sa akin noong nanliligaw pa lang siya.

     Ngumiti naman ako pagkatapos ay kinuha iyong bulaklak.

     “Kumain ka na ba? Nag-order ako ng favorite mo,” saad niya. Tanging pag-iling lang ang naging sagot ko.

     He smiled then then pinched my nose.

     “Thank you pala sa flower,” sabi ko.

     “You’re always welcome, babe,” tugon niya.

     Saglit lang ay dumating na iyong order niya. Hinapag niya sa akin iyong pagkain pagkatapos ay inabot at inilapit lahat ng kailangan ko. Sinusubuan niya pa ako ng pasta. He served me everything and while I’m eating, he’s just staring at me. He’s very caring…

     After we ate, lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

     “Babe, sorry ah? Sa mga bagay na nagawa ko sa’yo. But always remember this, I love you so much. Mahal na mahal kita,” saad niya pagkatapos ay hinalikan ako sa noo. Sinabi niya ‘yon with sincerity and that’s enough for me.

     “I love you too,” sagot ko. Ngumiti siya pagkatapos ay nag-alok na ihatid na ako sa classroom. On our way, nadaanan namin si Charles. He smiled but there’s something wrong. Malungkot siya. Pero bakit naman kaya? May problema ba iyon?

     “Hoy! Tulala ka?” sita sa akin ni Shaira.

     “Wala ‘to,” tugon ko.

     “Okay! Bakit magkasama nga pala kayo?” biglang tanong niya.

     “Nino?”

     “Nakita ko kayo!”

     “Ha? Sino nga?” tanong ko.

     “Ni Marc!”

     “Hay naku! Maka-intriga ka naman akala ko kung sino. Magkasama po kami kasi po boyfriend ko siya,” sagot ko.

     “Pagkatapos ng ginawa niya sa’yo?” She rolled her eyes.

     “Nag-sorry na siya,” pangangatuwiran ko.

     “At pinatawad mo naman?”

     “Yes, why not?”

     Napakamot na lang siya ng ulo at bigla na lang nag-alboroto.

     “Celine naman! Kahit naman minsan lang, tiisin mo siya. Sabihin mo na galit ka sa kaniya. Sinasaktan ka na niya eh! Ginagawa ka na niyang tanga! Do you still remember ‘yong nangyare sa inyo noong Second Anniversary niyo?”

     Bigla na lang nag-flasback sa utak ko.

FLASHBACK

    “Sana magustuhan ni Marc itong gift ko,” sabi ko sa sarili ko.

     Bumili ako ng T-shirt para kay Marc. Second Anniversary kasi namin ngayon.

     Pupunta na dapat ako sa garden kung saan kami magkikita pero napahinto ako sa nakita ko. Martha and Marc are kissing. Martha saw me, but she didn’t even mind me. Ako naman parang ewan lang na umiiyak habang pinapanood sila.

     Hindi ko naiwasang humikbi and because of that, Marc noticed me. He stopped then faced me.

     “Babe, let me explain,” agad na sambit niya.

     “Explain what, Marc? Don’t waste your time for that poor, stupid girl!” inis na sabi ni Martha kay Marc.

     Lumapit sa akin si Martha at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Nakita niya na may hawak akong gift.

     “Ano ‘to?” She smirked then kinuha iyong gift at binuksan.

     “What the fuck! You’re so cheap!” pang-iinsulto niya. Niladlad niya iyong damit at hinawakan lang sa bandang dulo na parang nandidiri, “Mukha bang regalo ‘to? Parang basahan. Ang cheap! Parang ikaw!”

     Hinulog niya sa sahig iyong damit. Napikon na ako kaya ‘di ko napigilan ‘yong sarili ko na sagutin siya.

     “Cheap? Ako? Eh ikaw nga ‘yong cheap eh! Nakikipaglandian ka sa lalaking may girlfriend na! Nakikipaglandian ka sa boyfriend ko kaya ikaw iyong cheap at hindi ako!” sabi ko sa kaniya..

     “How dare you?” Sinampal niya ako bigla. Nakita ‘yon ni Marc pero wala siyang ginawa. Yumuko lang siya. Hinayaan niya lang akong masaktan.

     Umalis na lang ako at tumakbo palayo sa kanila. I’m expecting Marc to follow me but he didn’t. Kaya ang sakit. Sobrang sakit.

     That day, hindi man niya ako binati sa anniversary namin. Ni hindi ko siya nakita sa school. Walang sorry, walang paramdam.

     After one week, pumunta sa bahay si Marc. Saktong nagsasampay ako ng mga damit no’n.

     “Babe…”  pagsisimula niya.

     Napatingin ako sa kaniya. Suot niya ‘yong gift ko na T-shirt.

     Kahit miss na miss ko na siya at natuwa akong makita siya na suot niya iyong regalo ko, pinilit kong tiisin siya.

     “Anong ginagawa mo rito?” tanong ko.

     “I’m so sorry,” malungkot niyang sabi.

     Hinarap ko siya, “Sorry?”

     “Babe, I miss you. I’m so sorry. Please forgive me,” sabi niya tapos niyakap ako.

     Napabuntong-hininga na lang ako pero niyakap ko rin siya pabalik.

     “Here’s a flower for you and here.” Nagtungo siya sa likod ko at may sinuot sa akin na gold necklace na may rose pendant.

     He leaned forward then gave me a back hug.

“I know it’s too late but still, Happy Anniversary, my Celine.”

   Hindi ko napigilang maluha lalo na noong marinig ko iyong kasunod niyang sinabi.

     “I love you,” he whispered.

END OF FLASHBACK

     Ewan ko ba! Kahinaan ko talaga iyong sorry at I love you niya. Hindi ko rin siya matiis nang matagal.

     Naramdaman ko rin na may tumutulong luha sa pisngi ko. Napansin ata ni Shaira na umiiyak ako.

     “Hala, sorry! Pinaiyak na naman kita,” pagpapatahan sa akin ni Shaira.

     “Ayos lang. Totoo naman eh,” sabi ko sabay ngiti.

     She hugged me tight.

     Bakit ba kase ang tanga ko?

Chapter 3

Chapter 3 : The Stealer

Celine’s POV

     Bwisit! Hindi ako nakatulog nang maayos dahil sa kaiisip sa mga nangyari kahapon!

     Dahil doon, maaga akong bumangon at naghanda para pumasok. Pagkatapos ng mga dapat gawin ay bumaba ako ng kusina.

     “Celine, anak. Kumain ka muna,” alok sa akin ni Mama.

     “Opo,” sabi ko tapos umupo.

     “Ate! Mukha kang zombie,” maagang pang-aasar ni James, ang kapatid kong sobrang kulit. Six years old pa lang siya.

     “Ang sama mo!” sabi ko sa kaniya sabay pabirong hampas. Pero totoo iyong sinabi niya. Ang laki at itim ng eyebags ko tapos maga pa mata dahil sa kaiiyak.

     “Ate Zombie kumain ka na nga lang!” saad niya. Aba! Inutusan ako?

     “Opo!” tugon ko naman sa kaniya, “Kulit mo,” bulong ko.

     “Ako makulit? Ikaw nga eh!” sagot niya. Pasaway na bata!

     “Ano ba kayong magkapatid? Tama na ‘yan. Kumain na kayo,” saway sa amin ni Mama. Luckily, ‘pansamantalang’ tumahimik si James.

     “Ate? Sino ba kasing iniisip mo? Si Kuya Marc? Nasaan ba siya? Bakit ‘di na siya pumupunta rito? Busy ba siya? Kailan siya ulit pupunta rito?” sunod-sunod na tanong ni James.

     “Hala, wait! Daming tanong! Pwede isa-isa lang?” sabi ko.

     “Okay. Ate?” tawag niya sa akin. Wow! Inisa-isa nga? Sige, bahala na.

     “Oh?” response ko. Makiki-ride na lang ako.

     “Sino bang iniisip mo?” Iyong playboy kong boyfriend.

     “Sino pa ba?”

     “Si Kuya Marc?”

     “Opo.”

    “Nasaan ba siya?” Baka kasama si Martha.

     “Baka sa bahay nila or sa school.”

     “Bakit hindi na siya pumupunta rito?” Kase may iba na siyang pinupuntahan.

     “Hindi ko rin alam eh.”

     “Busy ba siya?” Oo! Sa pambababae!

     “Ewan, siguro.”

     “Kailan ba siya ulit pupunta rito?” Kapag tapos na siyang mag-enjoy sa pambababae niya.

     “Hindi ko rin alam. Bakit ba ang dami mong tanong?”

     “Bakit ang dami mo ring sagot?”

     Grabe talaga ‘tong batang ‘to. Ang kulit!

     “Tama na ‘yan. Anak, ano ba talagang pinagkakaabalahan niyang si Marc, aber?” pagsingit ni Mama.

     Sabi niya tama na? Ba’t may tanong na naman? Well, ano nga ba? Pambababae!

     “Sa basketball po siguro. Siya po kase iyong captain eh,” pagdadahilan ko na lang.

     “Oh sige, sabi mo yan eh. Sana wala kayong problema,” may laman na sabi ni Mama.

     Sana raw wala kaming problema. Wala nga ba?

     After ng question and answer portion naming mag-iina, kumain na kami at pumasok na ako sa school. Well, malapit lang naman, walking distance lang.

     So heto ako naglalakad… Fuck! Bigla na lang may dumaang mabilis na kotse!

     Napaupo ako bigla. Buti na lang hindi ako nasagasaan dahil kung hindi, pinaglalamayan na ako mamaya.

     Narinig kong bumukas ‘yong pinto ng kotse tapos may parang patakbong papalapit sa akin.

     “Oh my God, BG! Okay ka lang ba?”

     BG? Isa lang ang tumatawag sa akin na BG!

     “Are you okay?” tanong niya ulit tapos inalalayan ako para makatayo.

     “Okay lang po, Momskie,” sagot ko.

     Si Tita Glaiza Rosales pala, Marc’s mother.

     “Sorry talaga. Nagmamadali lang talaga ako. Gusto kasi kitang abutan eh,” paliwanag niya.

     “Okay lang po talaga, Momskie. ‘Di naman po ako nasaktan. Bakit po niyo po ba ako hinahanap? May kailangan po ba kayo?” tanong ko sa kaniya.

     “Buti naman. Well, I just want to ask you kung bakit ‘di ka na pumupunta sa bahay? I miss you so much!” usal niya.

     “I miss you too po. Pasensiya na po, medyo naging busy po kasi sa school. Gumagawa po kasi ako ng mga panibagong rules and regulations.”

     “Siguro may problema kayo ni Marc ‘no?” pang-uusisa niya. Hinawakan niya ang kamay ko, “Sana BG, hindi ka magsawa sa pag-intindi sa kaniya. Mahal mo naman  siya, ‘di ba? And I know na mahal na mahal ka rin niya.”

     Tumango lang ako. Bigla niya akong niyakap.

     “Gusto kita para sa anak ko. Sana talaga ‘di ka magsawa.” She smiled at ngumiti naman ako pabalik.

     “Pasyal ka naman sa bahay,” saad niya.

    “Hmmm, sige po Tita— Momskie. Next time po,” pagpayag ko.

     “Oh sige. Aasahan ko ‘yan ah? Ingat ka,” sabi niya.

     “Yes, Momskie. Kayo rin po.”

     “Osiya sige, alis na ako ah? Ingat,” paalam niya.

     Nang umandar na ang kotse niya, dumiretso na ako sa school.

     Pagpasok ko pa lang sa gate.

     “Nandiyan na pala iyong poor, stupid girl,” entrada ni Martha.

     Lumapit siya sa akin pagkatapos ay ngumiti. Plastik! ‘Di ko na lang siya tiningnan.

     “Kawawa ka naman. Umaasa ka pa rin na mahal ka ni Marc?” sabi niya na may halong pang-iinsulto.

     Hindi ako sumagot at nagpatuloy na lang ako sa paglalakad pero bigla na lang niyang hinila iyong buhok ko.

     “Huwag mo akong tatalikuran kapag kinakausap kita!” matigas na sabi niya habang hawak pa rin ang buhok ko.

     “Ano ba? Bitiwan mo nga ako! Nasasaktan ako!” sabi ko habang sinusubukang alisin ang kamay niya.

     “Itigil niyo nga ‘yan!” biglang sabi ng isang pamilyar na boses. Agad namang nataranta ang mga kasama ni Martha. Pagharap ko kung sino iyong nagsalita, si Charles.

     “Maswerte ka!” sabi sa akin ni Martha.

      Binitiwan ni Martha ang buhok ko at umalis na.

     Habang inaayos ko iyong sarili ko ay lumapit sa akin si Charles.

     “Salamat,” sabi ko.

     “No problem. Are you okay?” tanong niya sabay hawak sa balikat ko.

     “Palagi naman akong okay,” tugon ko at ngumiti sa kanya.

     “I know you’re not but I’m glad to see you smiling.”

     Ngumiti lang ako ulit.

     “Salamat ulit. I need to go. May gagawin pa ako eh,” paalam ko.

     “Sure. Take care!” pahabol niya.