Browse stories

SIMPLY IRREPLACEABLE(Filipino)

Language: fil

Sa isang hindi inaasahang pagkakataon ay nakatagpo ni Jade ang pinaka-nakakainis na lalaki sa balat ng lupa. Si Louis Dela Llana. Solong anak, mayaman, gwapo, a total package Prince Charming gaya ng mga nababasa niya sa mga romance pocketbooks at napapanood sa mga romantic movies. At katulad din ng ibang ipinanganak ng may gintong kutsara sa bibig, sobra itong babaero. Dahil para sa binata ang lahat ng babae ay may expiration date. Good for two months lang. At kahit sobrang lakas nitong mang-asar at ilang beses na siyang naperwisyo, hindi niya napigilan ang sariling lihim itong hangaan.…

Available chapters

  1. Chapter 1
  2. Chapter 2
  3. Chapter 3

Chapter 1

“MASYADO ka naman, lahat nalang yata ng tao ngayon may Facebook. Saka wala ka bang tiwala naman sakin Louis? Biruin mo mula third year high school girlfriend mo na ako, kulang na nga lang satin kasal eh” si Rhiza na nagtatampong pinatay ang laptop nito saka nakasimangot siyang nilingon.
“Hindi naman sa ganoon, kaya lang kasi lately napapansin ko nauubos mo na ang oras mo diyan sa Facebook” nagpapaunawa niyang sabi saka inakbayan ang nobya.
Nangingiti siyang inirapan ng dalaga. “Sus! Ang sabihin mo nag-iisip ka lang ng hindi maganda!”
“Tatlong taon nalang gagraduate na tayo. Then I will marry you” aniyang ginagap ang palad ni Rhiza pagkatapos.
“Agad ba pakakasal tayo? Alam mo kasi parang gusto ko munang pumunta ng America, dun ko gustong tumira.”
“Ayaw mo ba dito sa Mercedes?”
Narinig niyang nangalatak si Rhiza. “Dito na nga ako tumanda eh. Sa States talaga ang gusto ko, para kasing mas maganda ang buhay do'n. Mas sosyal!”
Napabuntong hininga doon si Louis at piniling manahimik nalang. Hindi iilang beses ng sinabi iyon sa kanya ng nobya at iyon ang talagang madalas nilang pagtalunan. And lately, magtatatlong buwan narin mula nang mawili ito sa Facebook ay napuna niyang naging mas persistent si Rhiza sa gusto nito.
“I love you so much Rhiz, say we will end up together no matter what” aniyang niyakap ng mahigpit ang nobya.
Wala siyang narinig na sagot rito. Sa lahat ng naging nobya niya, si Rhiza ang masasabi niyang kaniyang first love, at dito siya unang nangarap. Botong-boto rito ang parents niya, lalo na si Carol na kanyang ina. Kaya naman umaasa siyang sa kabila ng pagbabagong napupuna niya rito ay sila parin ang magkakatuluyan.
One year later
“HINDI natin kailangang maghiwalay, may Skype, may YM and Facebook! Maraming paraan Rhiza” ani Louis sa nagsusumamong tinig.
“Facebook, one year ago sinabi mo sakin na ayaw mo ng Facebook. Saka ayoko ng long distance relationship Louis. Malaya ka, fall in love if you have too. I will always hope the best for you.” hindi niya masabi kung ano ang emosyon ng sinabing iyon ng dalaga pero isa lang ang alam niya. Hindi siya makapaniwalang ang tatlong taon nilang relasyon ay natuldukan na.
“Alam mo namang ito ang gusto ko noon pa. At kapag nakapagtrabaho na ako sa America makukuha ko na lahat ng gusto ko Louis, lahat ng bagay mabibili ko. Saka isa pa hindi ko nakikita ang sarili kong tumatanda dito sa Mercedes” dugtong pa ng dalaga.
Hotel and Restaurant Management ang course ni Rhiza. Ang kaibigang nakilala nito sa Facebook na nagmamay-ari ng isang bagong tayong hotel sa America ang nag-alok ng trabaho at malaking sweldo sa dalaga kaya ito aalis ng Pilipinas.
“No, tell me this isn't happening” aniyang mahigpit itong niyakap. Nasa loob sila noon ng sasakyan niya kaya hindi siya nagdalawang isip na pakawalan ang kanyang emosyon.
If this is the only way to make you stay, magmamakaawa ako. Huwag mo lang akong iwan.
“Mahal kita, pero mas mahal ko ang pangarap ko. At kung palalampasin ko ang pagkakataong ito, masasabi kong napakalaking tanga ko. Kung tayo talaga Louis, we will end up together. Pero please, huwag mo na akong hanapin. Kung gagawa ka lang ng account sa FB or Twitter just to find me, don't bother. Ayokong masaktan ka pa ng sobra. I'm sorry, I have to go” anitong kumalas sa pagkakayakap sa kanya.
Ilang sandali pa wala na si Rhiza sa paningin niya. Kasama nitong naglaho sa loob ng sasakyan niya ang amoy ng pabango nito. Pero hindi ang sakit na nasa dibdib niya.
Sinubukan niyang hanapin si Rhiza sa Facebook ilang buwan matapos itong lumipad patungo ng America. Hindi niya pinakinggan ang sinabi nito noon. Gumawa siya ng account dahil, kahit sabihin pa ng ibang napag-iwanan siya sa uso, wala talaga siyang hilig sa social media. At maswerteng nakita naman niya ang account nito. Bagay na labis niyang pinagsisihan nang mapag-alamang ikinasal na pala ito sa isang negosyanteng Amerikano.
Huli na nang aminin sa kaniya ni Rhiza na niloko siya nito. Na bukod sa kaniya ay nobyo rin nito ang Amerikanong iyon na nakilala nito sa internet na siyang nag-alok din ng trabaho sa dalaga.
What you are and what you have aren’t enough for me. Kaya naghanap ako ng mas nakahihigit sayo. Masaya na ako ngayon, sana tigilan mo na ako. I love my husband so much, ayokong saktan ka ng sobra pero siguro tama lang na malaman mong siya ang totoong dahilan kung bakit ako nag-decide na pumunta dito, only to be with him.
Iyon ang sinabi sa kaniya ni Rhiza nang magkausap sila nito sa Skype ilang araw matapos niya itong i-add as friend sa Facebook. Sobrang sakit ang naramdaman niya nang mga sandaling iyon. Hanggang sa puntong pati buhay niya ay nalagay sa peligro.
“KUMUSTA na ang pakiramdam mo anak?” si Carol nang pasukin siya nito sa loob ng private room sa ospital kung saan siya naka-admit.
Tiningnan lang niya ang ina, pagkatapos ay ngumiti.
“Huwag mo ng uulitin iyon Louis, hindi ko kaya anak. I love you so much, higit kanino man” noon umiiyak siyang niyakap ni Carol.
“I promise Ma, hindi na mauulit ang ganito. Not ever” aniyang hinaplos ang luhaang mukha ng para sa kanya ay nag-iisang babaeng nagmamahal sa kanya ng totoo.
“I'M gonna kiss you in private, is that okay with you?” tanong niya kay Wella, ang kaniyang latest prospect.
He started dating, isang linggo mula nang makalabas siya ng ospital months ago. Pero mas iba sa dating nakagawian niya.
“That's fine with me” sagot ni Wella na nagkibit pa ng balikat.
Noon siya malisyosong ngumiti saka hinila ang dalaga sa mas madilim at tagong bahagi ng SJU.
“I really like you Louis” ang humihingal pang sabi ng babae nang pakawalan niya ang mga labi nito.
“Gusto rin kita, at kung papayag ka, you can be my girl for two months” aniyang nanunukso pang kinagat ang lower lip ng dalaga. “deal?”
Kahit madilim ay nakita niyang tumango ang dalaga. “ Deal” sagot nito.
Natawa siya ng mahina pagkatapos ay muli itong hinalikan.

Chapter 2

“NAKAUSAP ko ang Tita Sandra mo, sabi niya by next month darating siya ng Pilipinas kasama si Lauren.”
Tinapunan lang ng sulyap ni Louis si Carol saka ipinagpatuloy ang pagkain.
“Surely, you will like Lauren” pagpapatuloy nito nang hindi siya kumibo.
“Hindi siya isa sa maraming babaeng pinagusto ninyo sa akin noon hindi ba?” aniyang nangingiting tinapos ang pagkain.
“Kababata mo siya, so sana entertain her well during her stay here” ang kaniya namang ama.
Nagkibit siya ng balikat sa sinabing iyon ni Ramelito saka tumayo at parehong hinalikan ang mga ito bago lumabas ng bahay at sumakay sa kaniyang bagong BMW. Regalo iyon ng parents niya sa kanya dahil consistent Dean's Lister siya last school year.
Nasa byahe na siya nang marinig ang message alert tone ng kaniyang iPhone. Binasa niya ang message saka naiiling na binura.
Si Cindy na kaniyang huling naging nobya for two months. At sa lahat ng babaeng nakarelasyon niya ito lang ang naghabol sa kaniya. Para dito ay sila parin, bagay na nilinaw naman niya sa dalaga ng ilang ulit na ngunit hindi nito pinakikinggan.
Unang araw sa huling taon niya sa kolehiyo, at sa susunod na sem ay magtuturo na siya bilang bahagi ng kaniyang Practice Teaching. Malapit na siyang maging English teacher.
Poultry supplies at iba pang agricultural products gaya ng pataba at iba pang gamot sa pagtatanim ng palay ang negosyo ng parents niya. Sa katanuyan ay mayroon na iyong tig-isang sangay sa tatlong magkakalapit na barangay sa bayan ng Mercedes; ang Sta. Philomena, San Roque at San Jose.
Bukod pa roon ay pag-aari din nila ang malaking ektarya ng palayan sa San Jose. Maging ang itikan nilang siyang number one provider ng mga itlog ng itik na ginagawang itlog na maalat ng mga taga- Mercedes at iba pang kalapit bayan.
Iyon ang dahilan kaya nahirapan siyang kumbinsihin ang mga ito nang kumuha siya ng kursong malayo at hindi related sa business nila. Ang katwiran niya, magagawa naman niyang pag-aralan ang pagpapatakbo ng negosyo nila pagdating ng tamang panahon. Pero sa ngayon gusto muna niyang maranasan ang maging isang guro na siyang pangarap niya noon pa mang bata siya.
“Kung tayo talaga Louis, we will end up together.”
Nang maalala ang sinabing iyon sa kaniya ni Rhiza two years ago ay malungkot siya napailing.
He used to be a very faithful boyfriend. Pero matapos ang masakit na karanasang iyon ay binura na niya sa bokabularyo niya ang salitang ‘faithful’. Nagmistula siyang parang nagbibihis lang kung magpalit ng girlfriends, dahil bawat babaeng nakakarelasyon niya ay good for two months lang. Parang gamot at pagkain, may expiration date.
Base narin kasi sa sarili niyang karanasan, habang tumatagal ang isang relasyon lalong lumalim ang pagmamahalan at higit sa lahat sa bandang huli mas masakit ang hiwalayan. Parang ang nangyari sa kanya nang iwan at lokohin siya ni Rhiza.
Ang gawain niyang iyon ang naging dahilan kung bakit sinimulan siyang ireto ng Mama niya sa kung kanikaninong mga babae. Pero gaya nga ng nakagawian niya, parepareho lang ang mga ito sa kanya. Gaano man kaganda at ka-expensive tingnan isa lang ang itsura kapag hinubaran niya at parepareho lang ding maiingay pagdating sa kama.
The right girl will come, maikli lang ang mga hakbang niya kaya hanggang ngayon ay naghihintay ka parin.
Natawa nalang siya sa isiping iyon saka kinabig ang manibela ng sasakyan niya papasok sa malaking gate ng St. Joseph University.
IYON ang unang araw ni Jade as college student sa St. Joseph University.
Marami namang magaganda at kilala universities sa Pampanga gaya ng Holy Grace University pero mas pinili parin siyang i-enroll ng nanay niya sa SJU. Hindi sila mayaman pero dahil solong anak siya at maayos namang kumikita ang bagong tayong sub construction company ng tatay niyang si Virgilio ay namumuhay sila ng maayos.
Nang maalala ang naging usapan nila ng nanay niya bago siya nag-exam sa SJU ay napangiti siya.
“Gusto kasi ng Lolo at Lola mo na sa Mercedes ka mag-aral. Sa kanila ka ulit titira, kagaya nung nasa abroad kami ng tatay mo. Siguradong matutuwa ang mga iyon, aba eh pagkagraduate mo ng elementary hindi ba noon ka namin kinuha na sa kanila?”
“Pero nay di ba mahal sa SJU? Kaya ba natin do'n kahit sa State U nalang ako baka mahirapan kayo ng tatay pag dun ako pumasok” worried niyang sabi.
Nginitian siya ni Minda dahil sa sinabi niya. “Ikaw talaga anak, sa public school kana nga tumanda eh, at saka kung iyon ang inaalala mo kaya naman namin ng tatay mo. Kaya lang kailangan lang isakrispisyo ang ibang luho gaya ng mga cellphones at iba pang gadgets. Iyong mga importante na muna ang i-priority natin kasi kapag nakatapos kana at nagkaroon ng magandang trabaho mas higit pa sa mga iyon ang mabibili mo.”
Kunsabagay, mukha namang maganda at high class ang St. Joseph University. Malinis ang paligid at berdeng-berde, no wonder green ang kulay ng SJU at obvious iyon sa kulay ng paldang suot niya.
Room E144, Ethics; iyon ang nakasulat sa hawak niyang schedule. Hindi naman mahirap maghanap ng classroom, sa katunayan ay nasa harapan na niya ang kwarto kung saan magsisimula ang kaniyang first subject bilang Freshman, Bachelor of Secondary Education student.
Habang nakaupo sa concrete bench na nasa tapat mismo ng College of Education building ay matiyaga siyang naghintay ng oras, at nang makita niyang pumasok sa loob ng classroom ang isang maganda at mukhang mabait na guro ay tumayo narin siya.
Sa totoo lang dinadaga talaga ang dibdib niya. Mas sanay kasi siyang makihalubilo sa mga simpleng taong katulad lang din niya. Malayo sa mga estudyanteng nakikita niya ngayon. Mukhang may mga kaya sa buhay dahil kita pananamit at kilos ng mga ito.
Pagbungad niya sa classroom ay lalong niragasa ng matinding kaba ang dibdib niya. Lahat ng estudyante ay busy at mukhang matagal ng magkakakilala. Nangunot ang noo niya sa pagtataka.
Hindi kaya mali itong schedule na nasa papel na ito?
Inikot niya ng paningin ang buong silid habang nanatili siyang nakatayo sa may pintuan.
“Excuse me!” ang masungit na tinig na nagmula sa kaniyang likuran.
Noon siya parang natauhan at naupo sa malapit na silya nang bahagya pa siyang natabig ng nagdaang lalaki. Nakasumbrero iyon ng kulay apple green kaya hindi niya nakita ng maayos ang mukha nito. Pero in fairness masarap sa ilong ang pabangong gamit nito.
“Ang yabang naman nu’n” inis niyang bulong saka nginitian ang matabang babaeng katabi niya.
“Hello, I’m Pauline, first year karin?” mabait nitong tanong sa kaniya.
Tumango siya.
“Avon Jade Garcia” nakangiti niyang sagot.
Nang muli niyang sulyapan ang lalaki ay saktong hinubad naman nito ang suot na sumbrero.
“O—M---G!!!!” hindi niya napigilang ibulalas sabay takip sa sariling bibig habang ang mga mata ay nanatiling nakatitig sa mayabang na lalaking makalaglag panty ang kagwapuhan!
“Okay ka lang?” tanong ni Pauline sa kaniya.
Agad na nag-init ang mukha niya doon. Pero wala siyang pakealam, tinanguan lang niya si Pauline saka nangalumbabang pinagmasdan ang lalaki.
Adam Sandler ikaw ba yan?

Chapter 3

Kung may local version ng naturang Hollywood star walang dudang ang lalaking ito na iyon! Kaso masungit eh. Hindi manlang nag-abalang mag-sorry sa kaniya kanina eh samantalang natabig naman siya nito.
Sige pinapatawad na kita sa kasungitan mo kanina, tutal artistahin ka naman. Basta sa susunod huwag mo ng uulitin iyon ha?
Nangingiti pa niyang naisip pagkuwan pagkatapos ay inayos ang pagkakaupo saka itinuon ang atensyon sa gurong nasa harapan. Nang sabihin nitong ipasa nila ang kanilang mga schedule sheet ay ibinigay niya kay Pauline ang kaniya.
Muli niyang palihim na sinulyapan si ‘Adam Sandler’ at kitang-kita niya nang tapunan siya nito ng sulyap pero nakasimangot.
Aba at sinimangutan ako, pasalamat ka crush kita...
“Avon Jade Garcia.”
Agad siyang nagtaas ng kamay at nang senyasan siya ng guro na tumayo ay mabilis siyang sumunod.
“Anong year mo na hija?” tanong nito saka pinaglipat-lipat ang tingin sa hawak na papel at sa kaniya.
“First year po” alam niyang nakatingin sa kaniya ang lalaki at dahil doon ay agad niyang naramdaman ang mabilis na kabog ng kaniyang dibdib.
Maganda ang ideyang magiging kaklase niya ito, kinikilig siya sa isiping iyon. Pero bakit kinakabahan siya? Dahil ba attracted siya dito at halatang walang itong care sa beauty niya? Bakit parang naramdaman niyang lumiit bigla ang classroom kahit wala namang nagbago sa size nito?
“I’m sorry Jade, but I think nagkamali lang ang nagbigay ng schedule mo. I-double check mo na muna ito sa Faculty bago ko pirmahan. This is a fourth year BSED class” anitong iniabot sa kaniya ang papel kaya napilitan siyang tumayo para kunin iyon sa harap.
Sa sulok ng kaniyang mata ay nakita niyang sinusundan siya ng tingin ng lalaki. Pero wala siyang lakas ng loob na salubungin ang mga titig nito. Naglaho lang ang lahat ng kabang nararamdaman niya nang makalabas siya ng classroom kasama si Pauline. At nang idouble check nila sa faculty ang schedule ay napatunayan nilang tama ang hinala ng guro.
Sayang hindi ko man lang nalaman kung ano ang pangalan mo. Pero okay lang, malakas naman ang kutob kong you will be mine! My Prince Charming!
One Month Later
NAGMAMADALI ang mga hakbang ni Jade para sa kaniyang first subject. Inaral kasi niya ng mabuti ang presentation na gagawin para sa araw na iyon kaya late na siyang nakatulog kagabi.
Sa pagmamadali ay hindi niya napuna ang sasakyan sa driveway kung saan siya halos patakbo na naglalakad. At dahil nga nasa likuran niya iyon, napatalon siya sa pagkabigla nang businahan siya ng driver nito.
Tumilapon ang lahat ng dala niyang libro at props para sa presentation niya. Pero wala na siyang panahon para pag-aksayahan ng oras ang driver kaya nagmamadali niyang pinulot ang lahat ng nahulog niyang gamit para makahabol sa kaniyang klase. Ngunit iyon nalang ang pagkagulat niya sa sumunod na nangyari.
“Miss, sa susunod huwag kang tatanga-tanga para di ka nakaka-abala!” ang narinig niya.
Nilingon niya ito, nakita niyang iyon ang driver ng kulay itim na Strada na bumusina ng malakas sa kaniya. Hindi niya nakita ng maayos ang itsura nito dahil may suot itong de-kolor na salamin pero sa hugis ng mukha nito ay napuna niyang parang pamilyar ito sa kaniya.
“Ano natulala ka nanaman diyan! Tumabi ka nga!” malakas nitong muling hiyaw sa kanya.
Noon siya naiiling na tumalikod saka muling naglakad. Inis siya pero wala siyang oras para sa isang damuhong lalaking katulad niyon. Mas importante na maka-abot siya sa kaniyang presentation. Pasasaan ba at tiyak na magkikita rin naman sila, at sa susunod siguradong makakatikim na ito sa kanya. Iyon ay kung hindi niya makalimutan ang itsura nito. Hindi kasi siya matandain sa mukha maliban nalang kung may ibang palatandaan gaya ng nunal o di kaya’y pabango.
Pagkatapos ng klase nila ay agad siyang dumiretso sa library kasama sina Pauline at Rhea. Doon sila madalas maglagi dahil gaya niya mahilig ring magbasa ang dalawa.
“Umiinit talaga ang ulo ko kapag naaalala ko iyong lalaking iyon! Kung sino man siya, humanda siya sa akin kapag nagkita ulit kami!”inis niyang sambit nang maalala ang nangyari sa kaniya kaninang umaga.
“Marami talagang ganoon dito” si Rhea na sinulyapan siya bago itinuloy ang pagbabrowse sa librong nasa harapan nito.
Napasimangot siya sa narinig. “Kaya nga ayokong magkaroon ng boyfriend na mayaman eh! Siguradong lalaitin din ako ng pamilya nito kung sakali” pabiro niyang sagot saka tumayo.
Sa kanilang tatlo ay masasabi niyang siya ang huli kung titingnan ang estado ng pamumuhay. Well, si Rhea. Franchiser ng fastfood ang ama nito, habang Bank Manager naman ang mommy ni Pauline at Civil Engineer ang ama nito.
“Saan ka pupunta?” si Pauline.
“Titingnan ko lang yung Harry Potter 3 kung available na, walang bakanteng computer oh” aniyang inginuso ang anim na computer kung saan pwedeng i-check ang availability ng isang libro.
ILANG sandali narin siya doon nang mapuna ang isang lalaking naghahanap din ng libro. Naka-shades, nakapagtatakang pinayagan ito ng librarian sa ganoon ayos habang nasa loob ng library. Sa isiping iyon ay nagkibit lang siya ng balikat saka ipinagpatuloy ang ginagawa. At nang malanghap niya ang scent ng pabango nito ay mabilis na dumamba ang kaniyang dibdib dahil sa pinaghalo-halong kaba.
Naalala niya si ‘Adam Sandler’ dahil sa pabangong gamit ng lalaki. Isang buwan narin pala mula nang una niyang makita ang binata pero dahil hindi siya mahilig tumambay sa corridor, hindi na niya ito ulit nakita.
Ilang sandali pa at nakita narin niya ang hinahanap. Maluwang ang pagkakangiti niyang umakmang kukunin ang hard copy na librong Harry Potter and the Prisoner of Azkaban nang bigla iyong dakmain ng lalaking kasama niyang naghahanap doon kanina pa.
Mabilis siyang nairita, lalo na nang mapunang parang walang pakealam sa kaniya ang lalaki at parang wala siya doon kung umasta ito.
Antipatiko! Pero in fairness gwapo.
“Teka lang sandali mister, baka gusto mong ibigay sa akin iyang libro dahil ako ang unang nakakita niyan” pagtataray niya sa lalaking nang mga sandaling iyon ay parang namumukhaan na niya kaya minabuti niyang mas pakatitigan pa.
“Marami pa naman diyan miss,” anitong itinuro pa ang ilang kopya ng Harry Potter nang hindi siya tinitingnan, at sa halip ay sinisimulan ng buklatin ang libro na halatang gamit na gamit dahil sa itsura ng cover nito. “may binabalikan lang kasi ako dito.”