TIMELESS ONES
Language: fil
/0/26250/coverbig.jpg?v=bba33781f82049938b414386b129f3ac)
Nagpakasal si Julia kay Jason sa kagustuhan niyang maipagamot ang tiyahing may malubhang karamdaman. Dahil doon ay napilitan siyang talikuran si Fritz. Ang lalaking totoong minamahal niya. Ipinagdasal niya ang muli nilang pagkikita pero dumating iyon sa pagkakataong hindi niya inasahan. At gaya ng dati, binigyan siya ni Fritz ng kanlungan. How could something so wrong be so right? Dahil sa loob ng mahabang panahon, nanatiling nagmamahal ang malaking bahagi ng puso niya sa binata. At doon siya nagiging ganap na masaya. At sa muli nilang pagkikita ng binata, hanggang saan ba ang kaya…
Available chapters
Chapter 1
“WALA yatang partner itong puso ko eh” si Julia saka sinulyapan ang hawak na kartolinang pula na ang hugis ay kalahating puso.
“Meron iyan, imposibleng wala” sagot ni Bessy na seatmate at kaibigan niya.
Nagkibit-balikat si Julia saka nangalumbaba. Segundo lang ang pagitan nang mula sa kanyang likuran ay naramdamang nakatayo ang kung sino. Lumingon siya, si Fritz na nahihiyang ngumiti sa kanya. Hawak nito ang kulay pula ring kahating puso, iniaabot sa kanya, tinanggap niya iyon. Hindi siya nag-e-expect na mabubuo ang isang puso pero nangyari nga. Noon siya sinimulang tuksuhin ni Bessy na hindi naman niya pinansin.
“I-Ikaw ang ka-Valentine ko?” parang hindi makapaniwala niyang bulalas saka tiningala ang kaklaseng nakatayo parin sa kanyang tabi. Sa edad niyang onse, noon lang niya naranasan ang pamulahan. Hindi nagsasalitang tumango si Fritz. Lumapad ang nahihiya parin nitong ngiti saka sumandal sa pader ng kanilang classroom. “o-okay sige, ang sabi ni Ma’am kung sinuman ang maging ka-Valentine pwedeng ilibre. Sige ililibre nalang kita mamayang recess” aniya pa.
Umiling si Fritz saka siya nilapitan. “Ako nalang ang manlilibre sayo. Saka, pwede bang akin nalang iyan?” anitong inginuso ang hawak niyang puso.
“S-sige” ang tanging naisagot niya saka iniabot ang hinihingi ng kaklase.
ONE YEAR LATER
HOY sipon! Napasimangot si Julia nang mabasa ang nakasulat sa itaas na bahagi ng kanyang desk. Sa ilalim ng dalawang salita ay naka-indicate pa kung sino ang salarin. Walang iba kundi si Fritz, Inis niyang nilingon ang maharot na kaklase saka tinitigan ng masama. Nakayuko noon si Fritz pero sa kabila niyon ay nakikita niya ang pagpipigil nitong mapangiti.
Maharot! Salbahe! Sigaw ng isip niya. Hindi naman sila talagang close ni Fritz. Sa katunayan ay wala siyang matandang pagkakataong kinausap siya nito maliban last year nang maging magka-Valentine sila sa isang game na ginawa ng teacher nila. Sa isiping iyon ay malungkot siyang nagbuntong-hininga saka kinuha ang maliit na piraso ng sand paper sa bulsa ng kanyang bag at inis-is ang isinulat ng kaklase sa kanyang sulatan.
“Anong nangyari?” si Bessy na galing naman sa CR.
Umiling siya, ayaw na niyang pag-usapan ang tungkol doon. “Halika na, malayo pa ang lalakarin naatin” nang i-dismissed ng guro ang klase.
NASA likuran siya noon ni Julia. Napangiti siya nang maalala ang reaksyon nito kanina nang mabasa ang isinulat niya sa desk nito. Hindi niya napigilan ang lihim na kiligin.
Crush niya si Julia, iyon ang totoo niyang dahilan. Kaya nahihirapan siyang kausapin ang kaklase ay dahil sa natatakot siyang gawin iyon dahil nga sa lihim niyang paghanga rito. Gustong-gusto niya ang maputi nitong balat at itimang buhok. Ang hindi lang niya maintindihan ay kung bakit ba ginawa siyang maliit ng Diyos? Tama, mas matangkad kasi si Julia sa kanya.
Kapag mas matangkad na ako sayo, kapag engineer na ako, liligawan kita tapos pakakasalan. Iyon ang binitiwan niyang pangako sa sarili niya habang nakasunod ng tingin sa papalayong bulto ni Julia.
SIX YEARS LATER
“KASAMANG darating ng Tita Hilda mo si Jason, hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. Gusto kong siya ang mapangasawa mo, mayaman siya at gwapo. Siguro naman walang dahilan para hindi mo siya magustuhan dahil siya, balita ko eh patay na patay sa’yo” ang tiyahin niyang si Melissa habang kumakain sila ng hapunan.
Hindi siya umimik at nanatiling nakayuko lang sa sariling plato kaya nagpatuloy sa litanya nito ang tiyahin niyang matandang-dalaga. “Panahon naman na sigurong bigyan mo ako ng magandang buhay. Pagod na pagod na ako sa pagtitinda ng kakanin para lang maitaguyod ka. Sana naiintindihan mo akong para lang sa’yo kaya ko ginagawa ang ganito” paliwanag nito sa kanya sa karaniwan nitong malakas na tinig.
“Kaya nga po ako nag-aaral ng mabuti para mabigyan ko kayo ng magandang buhay someday” sagot niya ng halos pabulong.
Noon tila nahahapong ibinaba ni Melissa ang hawak na kubyertos saka siya pinakatitigan. “Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Heto na nga si Jason, mayaman, gwapo, mataas ang pinag-aralan at citizen pa sa Amerika?”
Malungkot siyang nagbuntong-hininga saka hindi na na kumibo. Totoo naman iyon, hirap sila sa buhay at kaya siya nakakapag-aral sa private school ay dahil sa pagiging full-scholar niya. Nasa ikalawang taon na siya sa kurso niyang Business Management.
Kapatid ni Melissa ang nasira niyang ina na si Marissa. Ang sabi ng tiyahin niya, hit and run ang ikinamatay ng kanyang ina wala pa siyang isang taon. Habang ang tatay niya, kahit ang nanay niya ay hindi matukoy kung sino. Dati kasing GRO sa club si Marissa, mas bata ito sa tiyahin niya kaya layaw at hindi sanay sa mabibigat na gawaing bahay.
Sa susunod na buwan na ang dating ni Hilda, ang matalik na kaibigan ng tiyahin niya. Isang nurse sa Amerika si Hilda na nakapag-asawa ng negosyanteng Amerikano. Si Jason ang nag-iisang anak nito na siyang inirereto sa kanya ng tiyahin. Madalas siyang tawagan ni Jason sa cellphone ng tita niya. Friend din niya ito sa Facebook account niya bibihira naman kung mabuksan niya dahil wala naman siyang gadget na pwedeng gamiting pang-internet.
At sa pag-uwi ng mag-ina, alam niyang pirming maninirahan na ang mga ito sa Pilipinas. Habang ang Amerikanong asawa ni Hilda ay maiiwan sa America at siya paring mamamahala ng mga negosyo nito doon. Pwede naman kasing mag-visit nalang sa States ang mag-ina dahil narin sa pagiging citizen ng mga ito doon.
“Siya, matulog kana, ako na rito” pagtataboy sa kanya ng tiyahin.
“Ako na ho, magpahinga na kayo” aniya naman nang marinig ang magkakasunod na pag-ubo nito. “pa-check-up tayo sa center tita? Ilang araw narin ang ubo ninyo” nasa tinig niya ang pag-aalala.
Umiling ito. “Huwag mo akong intindihin. Siya mauuna na ako, i-check mo ang mga pinto” anitong iniwan na siya pagkatapos.
Sinundan niya ng tingin ang tiyahin. Mahal na mahal niya ito, dahilan kaya hindi nagkakapuwang ang anumang galit sa dibdib niya sa kabila ng ginagawa nitong pagrereto sa kanya kay Jason. Hindi rin naman niya ito masisisi dahil sa loob ng eighteen years ay wala itong ginawa kundi ang itaguyod at alagaan siya. Hindi rin niya malilimutan ang ginawang pagtalikod ni Melissa sa dapat sana’y mapapangasawa nito noon dahil sa kanya.

Chapter 2
PRESENT DAY
“HULI na po ito sir” anang boy kay Fritz na ang tinutukoy ay malaking kahon na ang laman ay mga sapatos.
“Sige” aniyang tinanguan lang ito saka na nagdayal sa hawak niyang telepono. Habang pinakikinggan ang pagtunog ng linya, napangiti siya nang mapagmasdan ang two-storey house na ipinatayo niya kung saan overlooking ang Taal Lake. Dalawang linggo narin ang nakalipas mula nang matapos iyon at dahil abala sa trabaho ay hindi niya masyadong naasikaso ang paglilipat.
Sa edad na twenty five, siya ang kasalukuyan at pinakabatang Vice President ng malaking construction company na pinapasukan. Isang taon narin ang nakalipas mula nang tanggapin niya ang posisyong iyon. Nanggaling siya sa isang kilalang kompanya rin sa Maynila. At dahil nga sa mabilis siyang nakagawa ng pangalan sa larangang kanyang pinili ay hindi iilang kompanya narin ang nag-alok sa kanya ng malaking sahod kapalit ang kanyang serbisyo.
Matagal na niyang pangarap ang makabili ng lote sa Tagaytay. At iyon ang isa sa napakaraming dahilan ng pagsisikap niya. Kaya nang ialok sa kanya ang posisyon ng nag-resign na VP ay walang pagdadalawang isip niya iyong tinanggap. Pakunswelo narin dahil hindi time consuming ang pag-uwi at pag-pasok sa trabaho dahil nasa Tagaytay City mismo ang nilipatang trabaho. Hindi iyon malayo sa bahay niya ngayon.
At least when the time comes, wala akong ipinangako sa’yong hindi ko ginawa. Kahit sinasabi nilang maling mabuhay sa nakaraan, I say different. Kasi doon ako naging masaya, at doon ako humuhugot ng pag-asang makakasama rin kita, someday.
Nang walang sumagot sa kabilang linya ay minabuti niyang putulin nalang iyon. Tinatawagan niya ang pmangkin ni Manang Ruping. Ang matandang kasama niya sa bahay. Saka pagkatapos nilapitan ang driver ng closed van na siyang naghatid ng mga gamit niya doon sa Tagaytay.
“Salamat, sa uulitin ho Mang Kanor” aniya sabay abot ng bills rito.
Nakangiting tumango ang may edad ng lalaki. “Oo naman, aba eh napakaganda pala nitong bahay mo. Ibig sabihin ba niyan mag-aasawa kana?” sa huli nitong sinabi ay napalapad ang kanyang ngiti.
Pag-aari ni Mang Kanor ang van na ginamit nito sa paghahakot ng mga gamit niya mula sa inupahan niyang apartment sa Maynila. Bukod doon ay may sarili rin itong taxi. Naging pasahero siya ng matanda noon, nakapalagayan niya ito ng loob. At dahil nga wala pa siyang sariling kotse noon at madalas siyang umuwi ng late dahil sa pag-o-overtime, minabuti niyang kontratahin ang matanda. Doon na nagsimula ang pagiging malapit nila sa isa’t-isa.
“Darating ho tayo diyan Mang Kanor” natatawa niyang sagot. Paano ba niya sasabihing ang babaeng gusto niyang makasama at itira sa bahay na iyon ay pitong taon ng kasal at posibleng may anak narin ngayon?

Chapter 3
SEVEN DAYS LATER
“TAMA na please nasasaktan ako” pagmamakaawa ni Julia sa asawang si Jason na mahigpit ang pagkakasabunot sa mahaba niyang buhok.
“Malandi ka, ni hindi mo ako binigyan ng kahihiyan. Bakit? Dahil ba baog ako? Dahil hindi kita mabigyan ng anak?” sa halip ay iyon ang isinagot nito saka siya kinaladkad papasok ng kabahayan at paakyat sa kanilang silid.
Nahimasmasan ng kaunti ang anit niya nang ibinalya siya ni Jason papasok ng kwarto. Pero malakas siyang napasigaw nang tumama sa tagiliran ng tokador ang kanyang noo. Napahawak siya doon saka nakapa ang tumutulong dugo mula sa sugat.
“W-Wala akong ginagawang masama, kinausap lang niya ako!” dahil sa galit ay malakas niyang sigaw habang iniinda ang sugat sa noo.
“Aba’t de-pu-- kang babae ka, mangangatwiran ka pa!” nang humakbang si Jason ay mabilis siyang naalarma kaya agad siyang kumilos at sinipa ang pagitan ng mga hita ng asawa. Natumba ito at sunod-sunod ang ginawang pagmumura habang namimilipit sa sakit.
Unti-unti na siyang nakakaramdam ng pagkahilo. Pero dahil alam niyang hindi birong gulpi ang aabutin niya kapag hinayaan niyang makalapit sa kanya ang asawa ay tumayo siya saka dinampot ang bag niyang bumalandra kanina sa sahig. Ngunit hindi pa man siya nakakahakbang ay naramdaman na niya ang kamay ni Jason na humawak sa binti niya. Napasigaw siya sa takot kaya nanginginig niyang magkakasunod na inihampas rito ang hawak na bag. Nang makawala ay walang pagdadalawang isip siyang nagtatakbo palabas ng silid.
Iyon ang unang pagkakataong lumaban siya kay Jason at malaki ang posibilidad na mapahamak siya or worst mapatay ng asawa kapag hinayaan niya itong makalapit muli sa kanya. Sa labas ng gate ay mabilis siyang nakapara ng taxi.
“Hija anong nangyari sa iyo?” ang nag-aalalang tanong ng driver nang makita ang ayos niya sabay abot sa kanya ng panyo.
Nahihilo niyang isinandal ang ulo sa headrest ng upuan. “Dalhin po ninyo ako sa ospital please?” iyon lang at naramdaman na niya ang mabilis sa pagtakbo ng sasakyan bago siya tuluyang nawalan ng malay.