Browse stories

HARD AND RUTHLESS (SPARKLING ABS SERIES 1)

Language: fil

Freya Faye Guzman is an Architech working at Kairus Company, a friend of his brother. When her eyes meet his perfectly sculpted body, her wild side begun to emerge. She was hypnotize and fell for his charisma in a hard and ruthless way. At first, everything seems to be so good. Their relationship is way more sweeter and filled with hot and sexual adventure, but one person barging in made a chaos out of their perfect picture relationship. They broke up. They part ways. And meet again. Will they able to fix their relationship that ended years ago, or would they start a new life…

Available chapters

  1. Chapter 1
  2. Chapter 2
  3. Chapter 3

Chapter 1

"Hay nako! Ang usok usok naman dito!" Reklamo ko habang palinga linga ng tingin sa magkabilang sulok ng kalsada.

Kakarating ko lang dito sa manila at didiritso ako sa bahay ng bestfriend ko. Alam mo na, tayong mga mahihirap hindi na aarte kapag inalok ng magandang offer ng kaibigan natin. She was rich... No! Her parent rather.

Napakalot ako sa aking batok habang nagpapadyak padyak. Ang tagal naman ni Pinky, asan na kaya yong bruhildang yon?

Pinagpagan ko ang aking suot na floral dress na sky blue habang nakatingin sa aking relo. Bagong bili pa naman ang hills na ginamit ko ngayon tapos paghihintayin lang ako nang babaeng yon ng ganito katagal? She said she's comming pero asan na siya?

Pinoy na pinoy talaga! Kahit maliligo palang sasabihin nang ON THE NA AKO. Sarap pag-umpugin.

"Best! Hop in!" Muntik na akong mapatalon dahil sa gulat nang biglang sumulpot sa harap ko ang isang Lamborghini na sasakyan. Literal na namilog ang aking bibig dahil sa gulat at excitement.

"Bongga! Sa'yo to best?" Hindi makapaniwala kong tanong. Dinilatan ako ng mata ni Pinky bago sumagot.

"Hindi no! Hiniram ko lang ito sa kaibigan ng pinsan ko. Mamaya na tayo mag chit-chat dahil mahaba ang kailangan nating pag-usapan." She screamed excitedly.

Mabilis kaming nakarating sa mansion nila Pinky at sinalubong naman kami ng mga kasambahay nila upang kunin ang mga gamit ko.

Ang saya palang mamuhay sa ganito karangyang pamilya no? Maganda na nga ang bagay, aircon pa lahat ng kwarto. Hindi kana magugutom at mabibili mo pa lahat ng gusto mong bilhin. There's no need to save dahil alam mong sobra sobra naman ang pera niyo sa bangko. Kaso, hindi kami ganito kayaman. We're not even rich. Simple lang ang buhay namin, si mama ay isang guro sa pampublikong paaralan sa Padada habang si papa naman ay nagtratrabaho sa comelec.

Masaya naman kami kahit paano sa buhay. Kahit lunod kami sa utang ay wala kaming sinusukuan. Mahal na mahal ko sila pariho kaya napagdesisyonan kong dito sa manila nalang humanap ng trabaho. Nandon naman ang kambal kong kapatid na lalaki na si Craige para alagaan sila mama at papa, kaya panatag na ako don. Susunod din naman sila dito.

"Oh, kumusta na sina tita at tito sa probinsiya? Si Criage? Damn! Baka mas lalo nang gumuwapo si baby Craige ko!" Kinikilig na tili ni Pinky.

Nakaupo kami ngayon sa engrandeng hapag nila habang kumakain ng pananghalian.

"Will you shut your mouth, best? Wag kang mag assume sa kapatid ko. Titirahin kalang non tapos boom! Finish na!" Sita ko sa kanya habang sumusubo ng kanin.

Ngumiwi siya sa akin habang nakataas ang kaliwang kilay sa ere.

"Wag mong siraan si Craige sa akin, best. I'm not easily get turn-off." She flipped her hair.

"I'm telling you the truth. Marami na ang lumalapit sa akin habang nagpapatulong na piliting panagutan sila dahil biniyak daw sila ng kapatid ko. Like, duh! Bakit sila nagpabiyak di ba?"

Hindi ko mapigilang alalahanin ang mga araw na yon. My brother is such a Greek god, handsome, masculine and jaw drooping. Kung sakaling hindi ko nga siya kapatid baka naging isa na ako sa mga naghahabol sa kanya.
I can't blame those girl, talagang heartrob ang datingan ni Craige kaya madami naring nasasaktang babae. Marami nang nabibiyak hindi lang puso pati bataan.

"Ang kapal naman ng mga mukha nila. Asa pa sila magiging akin lang si Craige. Desperada na'kong desperada wala akong pakialam!" Uminom siya ng tubig habang naghahabol ng hininga. Ang lakas talaga ng tama ng babaeng to sa kapatid ko.

"Wala kang pinagkaiba sa kanila." Ismid ko. "Humahabol kahit tumatakbo na palayo ang hinahabol. Hindi ba kayo napapagod?"

"Bakit naman ako mapapagod aber? Wait! Kailan ang dating nila dito sa manila?" Kuryuso niyang tanong. Kumislap ang kanyang mga mata habang naghihintay sa sagot ko.

"Next week. Mabuti nalang at napilit ni Craige sina mama at papa. Ang tigas pa naman ng ulo non, ayaw iwanan ang probinsya."

"Nasanay kasi sila don. At tsaka maganda naman ang probinsya, ah. Mas sariwa ang hangin don kung ikokompara dito na polluted na nga ang init init pa." Sabay naming niligpit ang aming pinagkainan at muling nag kwentuhan. "Makikita ko na si Craige!"

I heaved a sigh while looking at Pinky. She sounded so obsess with my brother.

"Sa K.F Construction Company ako magtratrabaho, Pinky. Hindi ba do'n karin?" Tanong ko sa kanya. Mabilis siyang tumango habang napapaisip.

K.F Construction Company was also known as Sandoval's Construction Company, pero mas preferred ng lahat na Sandoval's Construction Company ang itawag dito dahil ito naman talaga ang original na name ng kompanya, napalitan lang no'ng ang anak na ng dating CEO ang namahala.

"Kailan ka nag-apply?" Taka niyang tanong. "Really, doon ka talaga mgatratrabaho?  Baka mamaya tinitrip mo lang ako."

"I'm serious. Nirecommend ako ng isa sa mga Stockholder ng company dahil nakita nila yong design ko. Malaki daw ang maitutulong ko sa kompanya nila." Tugon ko. Ngumisi siya sa akin at sinundot ako.

"Sabi ko sa'yo noon palang, eh! Ayaw mo pang makinig sa akin. Well then, hi my bestfriend Architect!" Nagtawanan kami ni Pinky habang nagkukulitan. We both studied architecture in college back then. Sa tuwing nahihirapan kami sa math, sa halip na sa akin siya mag paturo kay Craige siya lumalapit. At ang kambal ko naman na puno ng kalandian sa katawan nag-eenjoy.
Minsan nga hinahanap niya pa sa akin si Pinky kapag hindi ito bumibisita sa bahay. Lagi ko naman siyang pinapaalalahanan na huwag si Pinky dahil kaibigan ko siya.

I was just protecting my friend from my own brother. Ayaw ko kasing maipit kapag dumating ang  panahong magkalokohan na. Kilala ko si Craige, kaliwa't kanan ang babae niya kaya wala akong tiwala sa kanya na magiging tapat siya kay Pinky at hindi niya ito sasaktan.

"Wait asan na ba yong pinsan mo? Si Tantan?" Kuryuso kong tanong kay Pinky. Kinunutan niya ang ako ng noo habang may pagdududa sa kanyang mata.

Bawal bang hanapin ngayon si Tristan Ace Valdez? Kaibigan ko rin naman yong pinsan niya, ah?

"Bakit mo siya hinahanap, aber?" She asked like she was trying to trap me in her deduction.
Inikotan ko siya ng mata bago nag slice ng steak.

"Malamang matagal ko na kaya siyang hindi nakikita. Ano bang iniisip mo diyan?"

Ngumuso siya sa akin.

"Nasa garden siya sa may pool area. May inaayos lang. Wag kang mahuhulog sa lalaking yon, gagawin kalang niyang toy." Seryoso niyang banta. Well, hindi naman ako madaling mahulog sa lalaki at tsaka matagal ko na siyang hindi nakikita. Naalala ko lang naman siya dahil nabalitaan kong dito sila lumipat nong umalis sila sa probinsiya.

"Not gonna happen." I assured. "I'm here to work and not to find boy to play with fire. I'm tired of that game, leaving them horny at bitin na bitin. Kilala mo naman ako, playgirl ako ngunit hindi ako nahuhulog agad agad. Just a play, best. Kapag nagkainitan na diyan ko na tatakasan." I added, laughing. Inilingan ako ni Pinky at natawa narin.

"Yeah, I remember what happened to Joshua. You seduced him and invited him for steamy sex tapos nong libog na libog na raw siya hindi kana mahagilap." We both burst into laughter. "Ganyan rin ang sumbong sa akin ng iba pa. Mukha sila ang dapat mag-ingat sayo dahil pasasakitin mo lang ang puson nila dahil sa sobrang bitin."

I smirk at her statement.

"Exactly!" I grinned. "Good luck, boys!"

"Ipagdasal mo lang na huwag dumating kaagad ang Prince charming mo. Baka imbes na bitinin mo mag pa buntis kapa." Napangiwi ako dahil sa sinabi niya.

"I'm not desperate, best. I'm not like you." Alma ko sa kanya.

"Let see, best. Darating din yan." She wink.
Thinking about what she said send crept into my system. Sa dami kong pinagtripang lalaki sa buhay ko ay hindi na ako maniniwalang may lalaki pa na para sa akin. Base on my experienced tayo naman kasi ang pumipili ng gusto nating makasama sa buhay, kaya nga ang dami kong naging EX dahil pinili kong sagutin sila at paikutin sa mga kamay ko.

Hindi naman ako proud na marami akong naging EX. Ang importante ay ma-enjoy ko ang pagiging single ko habang hindi pa  dumadating ang lalaking inilaan sa akin ni god--kung meron man.

Kahit mahirap kami kahit papaano ay nakatulong din ang ganda ko, no. Nabaon kami sa utang dahil gusto ng magulang namin na maabot namin ang kursong gusto namin.
I'm so thankful for having a great parent in this lifetime. Lahat na ata ginawa nila para hindi kami mahirapan ni Craige. Kabila kabila ang utang namin mapasaya lang nila kami. Kahit hindi namin hilingin ay kusa nilang binibigay sa amin ang bagay na gusto namin. It's the time to pay, it's payback time. Walang na akong ibang iinisip kung hindi ang magtrabaho upang tuluyan nang maihaon sa hirap ang mama at papa ko.

Luluwas sina mama at papa dito kasama si Craige at titira sila sa isang apartment. Susunod din ako sa kanila kapag nandito na sila, ipinagtubos kasi namin ang bahay namin sa probinsya upang makabayad sa utang namin kaya pinangako ko sa sarili ko na bibilhin ko yon pabalik... Kapag may ipon na ako. Magtutulungan kami ni Craige para don.

"Ligo muna ako nanglalagkit na ako sa sarili ko, eh." Paalam ni Pinky sa akin, tinanguan ko lang siya bilang sagot. Nangmakaalis na si Pinky papunta sa kwarto niya ay lumabas ako pansamantala. Gusto kong maglibot sa mansyon.

Lumabas ako at pumunta sa pool area. Maganda ang paligid ng mansion dahil may mangilan-ngilan silang bulaklak sa gilid at nakakahalina ito sa mga mata.

Gusto ko ring magkaroon ng ganitong bahay.
Namamangha ako habang nakatingin sa malaking pool. Lumapit ako dito bago ko hinubad ang aking suot na sandal. I soaked my feet in the water while staring above. Mabuti nalang at hindi mainit ngayon.

"Freya?" Naagaw ang aking attention nang may marinig akong familiar na boses. Mabilis na gumawi ang aking mga mata kay Tantan na may dalang dalawang malilipit na paso. "Yeah, its you! Long time no see."

Hindi ko mapigilang ma starstruck kay Tantan dahil naka jersy short lang ito. Nakabalandara ang namumutok na muscle at pandesal niya sa harap ko. Ang matigas niyang dibdib ay parang ginagayuma akong hawakan iyon. Fuck--he's so hot.

"Ang hot mo na!" I exclaimed. Natawa siya at kinindatan ako. Binaba niya ang mga pasong dala niya ang sinalubong ako ng yakap. Ugh! I can felt his hot body on me. Grabe nakakaakit naman tong si Tantan ang sarap lapain. "Grabe sarap mong yakapin... Tigas." Pilya kong sabi.
He grinned at me again.

"Sarap mo rin yakapin, Frey. Ang lambot sarap dakmain." He licked his lips seductively. Inikotan ko siya ng mata at tumingin sa dibdib ko.

"Ang manyak mo parin hanggang ngayon." Ismid ko at tinarayan siya.

Hmm... Totoong malaki ang ipiinagbago niya ngayon. Mas lalo siyang naging gwapo at hot.
Pero, hindi ako madadala sa mga ganyan. It's a big no... NO!

"Manyak agad? Pinuri lang naman kita dahil pinuri mo ang hotness ko, tapos manyak agad? Nakakasakit ka ng damdamin." He frowned.

"Tse! Tigilan mo ako!" I hissed. Humagalpak siya ng tawa dahil sa sinabi ko.

"Kidding. So, asan ang pinsan ko?"

"Nasaloob naliligo."

Tumango siya sa akin at muling binuhat ang dalawang paso.

"Oh sige, ayusin ko lang ang mga ito. Mamaya na natin ituloy ang kumustahan." Iwinagayway niya sa ere ang dala niya at umalis na.

Nagpalinga linga ako sa paligid at dumako ang aking paningin sa isang lalaking nakatingin sa akin. Nakasuot lang siya ng sweatpants habang walang pang itaas na suot. Punong puno ng pawis ang kanyang huwad na dibdib at... Abs. Nanuyo ang lalamunan ko habang nakatingin sa perpekto niyang abs, hindi ko mapigilan mapakagat labi. Ang sarap shit!

Bakit ang halay halay ko ngayon? Bakit naman kasi ang gwapo gwapo ng mga lalaki dito. Isa pa itong nakahubad na ito. Nakatulala lang ako sa pandesal niya kasi parang umuusok ito dahil sa sobrang hot.

"Ahem." Napukaw ang aking atensyon nang tumikhim si kuyang gwapo.

Mabilis na nag-init ang magkabila kong psinge. He caught me staring at his abs---damn! Kasalan niya naman yon. Bakit kasi naghuhubad, eh. Babae lang ako at madaling maakit.

"Yes?" Tanong ko. Hindi ako makatingin sa kanya. Ramdam na ramdam ko ang init na kumalat sa buo kong katawan.

"Kairus nga pala. Kairus Fidel Sandoval." He offerer his hands on me.

Natulala pa ako sa kanya nang makita ko ang mukha niya sa malapit. Napalunok ako ng laway. His eyes were brown at mas lalo itong nahahalata dahil sa makapal niyang kilay, mukha siyang masungit dahil nakakunot at magkarugtong ang mga ito. His eye lashes curves beautifully, made every blinks of him stop the word, his pointed nose makes him more handsome. Bumaba ang aking tingin sa nakaawang niyang labi. Hindi ko mapigilang lawayan ang aking labi dahil nakakaakit itong tignan.

Ang sarap halikan. Siguro sobrang lambot nito.
"Nangangalay na ang kamay ko, miss." Napakurapkurap ako. Hiyang hiya akong nag-iwas ng tingin.

Umayos ka nga Freya. Don't let this man affect you this much.

"Freya." Maikli kong pakilala. "Freya Faye Guzman." I added. Nag shake hands kami. Napapikit ako dahil sa kakaibang sensasyong lumatay sa aking ugat nang maglapat ang aming kamay.

"Nice to meet you, Faye." He smiled.

Bumuntong hininga ako at kinalma ang aking sarili.

"Freya nalang."

He chukled and shook his head.

"Faye sounds so beautiful for you." He grinned.
Damn! Ano daw?

"Ahh--ikaw bahala." Naiilang kong sagot. "Sige pasok na ako. Ituloy mo na ang trabaho mo. Sinusweldohan ka dito para maging hardenero hindi para lumandi." Umawang ang kanyang labi dahil sa sinabi ko. Nag dilim ang kanyang tingin ngunit hindi ko na siya hinintay na magsalita, naglakad na ako papasok.

Ramdam na ramdam ko parin  ang bayolenteng pintig ng aking puso. Hinawakan ko ang dibdib ko at mariing pumikit. Lalaki lang siya Freya... Attracted kalang sa kanya.

Ang gwapo naman kasi. Sinong hindi maaakit sa ganon kagwapong lalaki.
Hardenero nga lang.

Tsk! Mas inuna niya pa ang makipaglandian sa akin kaysa sa trabaho.

"Oh, Frey? Papasok kana?" Nakasalubong ko sa daan si Tantan. Tinanguan ko siya.

"Napagod kasi ako. Mamaya nalang ako maliligo..." Kapag wala na yong hardenero niyo.
"OK." He nodded. "Nakilala mo na si Kairus?" Tanong niya.

I was caught on guard when I heard his name again.

"Ahhh--O-Oo." Utal utal kong sagot. Kumunot ang kanyang noo. "Bye! Pupuntahan ko lang si Pinky." Mabilis ko siyang tinalikuran at tuluyan nang pumasok sa loob.

Damn! Anong nangyayari sa akin? Bakit ako nakakaramdam ng ganito? Anong ibig sabihin nito?

Kairus Fidel Sandoval? Ang gwapo ng pangalan parang gentleman na badboy--fvck! Stop it Freya. He's a bastard and a freaking hardenero!

Chapter 2

"HOY BEST! Bilisan mo diyan malapit na tayong ma late!" Malakas na sigaw sa akin  ni Pinky.
Nagmadali ako sa paglalagay ng kolorete sa aking mukha at mabilis na nag spray ng pabango na kung saan-saan nalang natatapon.

"Heto na. Lalabas na!" Nagpapanic kong sigaw.
Diyos ko naman kasi ang tagal kong nakatulog ka gabi. Ginulo kasi nang Kairus Fidel Sandoval na'yon ang isip ko kaya puyat na puyat tuloy ako. I even had a wet dreams of him. God! I can't believe it!

Intense na intense yong panaginip ko. Nasa isang opisina daw kami tapos hinubaran niya nalang ako bigla. Hindi lang yan mga mars, he even sucked me right there between my tight. Ugh! Hindi ko maipaliwanag kung bakit sarap na sarap ako sa eksinang yon.

Namula ang aking mukha nang maalala ko kung gaano ka laki ang kargada nito. Diyosmiyo! Mahabaging! Alisin niyo po sana sa aking isipan ang maduduming bagay na iyon.

I'm not innocent but I'm not a horny woman for heaven sake. Erase! Erase! Erase!

"Bilisan mo diyan! Ang tagal mo malilintikan tayo ng boss natin!" Kinalampag ni Pinky ang pinto ng kwarto kaya mabilis ko itong binuksan.
"Let's go! Don't be such a turle best, baka nagaalburuto na ang boss natin." I yelled at her. Nilakihan niya ako ng mata at malakas na hinila ang aking buhok.

"Ikaw ang mag madaling impokrita ka. Kanina pa ako naghihintay sa sala at inip na inip na si Tristan kakahintay sa atin!"

Oh. My. God! Ihahatid pala kami ni Tantan ngayon? Bakit hindi niya sinabi sana nagmadali ako.
"Tara na! Ang dami mong sinasabi mas lalo tayong matatagalan niya." Hinila ko na siya pababa sa sala.

Pagkababa namin ay naabutan namin si Tantan na nakabusangot habang nakahilig sa sandigan ng sofa. He glance at us with his brow shot up, like as if we are something that irritates him.

"You girls totally ruined my day." He speak out of irritation. Ngumuso ako habang pinanlisikan naman ako ng mata ni Pinky.

"Sorry, cousin. Ito kasing kaibigan ko nagmake up pa. Paki remind na trabaho ang pupuntahan namin at hindi club. Ang iksi kasi ng suot parang luluwa na ang dibdib niya." Parinig sa akin ni pinky. Dinilatan ko siya ng mata at lumapit kay Tantan.

"Am I ugly, Tantan?" I asked, worried.

Naglakbay ang kanyang mga mata sa aking mukha pababa sa aking dibdib. His gaze stuck on my breast so that I covered it immediately using my hands.

"Tsk! You're so pervert, Tantan." I hissed. He chuckled and shook his head.

"You look really pretty, Frey. Ang yayaman niyang dibdib mo ang sarap sarap sunggaban." He grinned. Sabay kaming napangiwi sa kanya ni Pinky. Binatukan ko siya kaya tawa siya ng tawa.

"Bastos mo talaga! Magbibihis nalang ako." Nakanguso kong sabi.

"No need. You really look so gorgeous today. Sa susunod iwasan mo nalang ang pagsuot ng ganyan ka-iksing damit dahil nakakatawag ng pansin sa mga lalaking katulad ko." He smiled.

"Ok," ani ko.

"Duh! Ganyan talaga yan mag damit, cousin. Masanay kana at tatakamin ka lang niyan ngunit hindi ka patitirahin." Malakas na tumawa si Pinky kaya sinapak ko siya.

"The heck is your problem?" I spat at her.

"What do you mean by that, Pinky?" Curiosity filled Tan Tan's eyes.

Umiling ako at hinila na siya pabalas.

"Ingat ka sa kamandag niyan, cousin. Kahit gaano ka playboy hindi ka uubra sa kanya. Eewan kalang niyang bitin." Hindi tumigil si Pinky sa paninira sa akin. Napa-make face nalang ako at tuluyan nang sumakay sa sasaktan ni Tantan.

"Nakakatakot ka palang landiin, Frey. Mabibitin ako sayo." Biro sa akin ni Tantan at bahagya pang natawa. "Buti nalang iba ang tipo ko. Yung parang hindi makabasag pinggan." Humagalpak siya ng tawa.

"Hindi naman yan makabasag pinggan, ah?" Singit ni Pinky. "...kapag tulog." They burst into laughter. Nakabusangot ako habang nakikinig sa kanilang dalawa.

"You look pissed, Frey? Mind telling us?" Pang-iinis ni Tantan sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin at malakas na sinapak.

"Shut up and just drive, Tan Tan. You two are annoying. Mag pinsan nga kayo." I hissed. Sa halip na tumahimik ay nagtawanan pa ang dalawa.

"Halata naman sa ganda ng lahi namin, best. Magaganda at maga-gwapo ang mga Valdez." Kinindatan ako ni Pinky. Ningiwian ko silang pariho at mabilis na tumalima.

"Parihas kayong alien." I put my earphones on my ear and higher its volume. I close my eyes when  Kairus the hardenero face flashed on my mind.

Fuck! Why I can't get over him? H--he's hot, yes, but not to the point na mababaliw ako sa kakaisip sa kanya. Ugh! This is not me! Siguro ginayuma ako ng hardenerong yon.


MABILIS KAMING nakarating sa Sandoval Construction company and it's make my heart beat fast when I go nearer in the very entrance of the building. I gripped Pinky hand and she glance at me.

"Are you feeling nervous my friend?" Natatawa niyang tanong.

"Kinakabahan ako, best. Baka unang araw palang ma evict agad ako." Worries broke into my face. She caress my hand and smile at me annoyingly.

"Goodluck, my friend. Hanggang dito nalang ako. You only have to ride on the elevator and let it send you to the 30th floor. Good luck, best. See you later at lunch." She wink at me at tuluyan na akong iniwan. Tinawag ko pa siya gamit ang nagmamakawa kong boses ngunit kinawayan niya lang ako.

Walang hiyang kaibigan kung kailan ko kailangan tsaka ako iiwan. Mamaya sa akin ang babaeng yon, sisiraan ko siya sa gwapo kong kambal.

Sinunod ko ang sinabi ni Pinky at sumakay ako ng elevator. Hindi naman sa ignorante ako, ah? Pero medyo nahilo talaga ako ng kunti. Hindi kasi ako sanay sa ganito at mukhang dapat ko nang sanayin ang sarili ko.

Bumukas ang elevator sa tamang palapag. Hindi na ako nalito kung saang opisina ako papasok dahil iisang opisina lang naman ang naka-occupy sa floor na ito. Maybe it was for the CEO. I get a deep breath of scented air before finally walking towards the door.

Saglit pa akong huminto sa tapat ng pinto at akmang kakatok na sana nang bigla itong bumukas. The girl on her white long sleeve and black pencil cut was standing in front of me. Her smile is approaching me to speak my business.

"Good morning, ma'am. Ako po pala yong ni reccomend na architect ni Mr. Sandoval." Ngumiti ako sa babae at ngumiti rin ito pabalik sa akin.

"Good morning, by the way my name is Pamela Swing, Mr. Sandoval's secretary." We shake hands and exchange genuine smile. "Pumasok na po kayo, kanina pa kayo hinihintay ni Mr. Sandoval at medyo mainit ang ulo. Don't worry hindi naman siya nananakit just stay calm and know your limit."

"Thank you, ma'am Pamela." I said sincerely. She just nod at me.

Dahan dahan akong pumasok sa opisina ni Mr. Sandoval. Actually, papa ng CEO nang kompanyang to ang nagrecommend sa akin kaya mataas ang kompyansa ko sa sarili na hindi ako magkakaroon ng problema dito.

"What's took you so long, Architect Guzman?" Tanong ng isang baritinong lalaki.

Nag-ugat ang aking paa at hindi ako nakakilos agad.

Ang boses na ito. Don't tell me--fuck! This is not happening. Pumikit ako ng mariin at dahan dahang nagtaas ng tingin sa lalaking preteng naka-upo sa swivel chair. His left brow lifted while looking at me amused.

"G--good morning... Mr. Sandoval." Kinakabahan kong ani.

Siya nga. Siya yung tinawag kong hardenero. Bakit siya nandito? Anong ginagawa niya dito? Kairus Fidel Sandoval, wait---shit! Bakit hindi ko yon napansin. Ugh!

"What's good in the morning, Architect? Aside from another hectic life, what's more good are you pertaining in the morning, hmm?" He asked, sarcastically.

Nanuyo ang aking lalamunan dahil sa sobrang kaba. Shit! Hindi naman siguro niya ako nakikilala hindi ba? Siguro nakalimutan na niya ang nangyari kahapon dahil hindi naman ako ganon ka importante.

"Ang makita ang mga empleyado mong tapat na nagtratrabaho sa'yo, sir." I tried not to stuttered.
Ano bang pinagsasabi ko? Anong connection non sa tanong niya, Freya? Kainis naman, oh! I'm not prepare for this.

Pinaglaruan niya ang kanyang labi gamit ang daliri niya habang mariing nakatingin sa akin. Hindi ko maiwasang mapatulala sa mapupula niyang labi.

He really has the kissable lips. Nakakaakit itong tignan dahil natural ang pula nito. Parang kay lambot ng labi niya nang paglaruan niya ito. Ang sarap sigurong halikan ng lalaking to.

I bit my lips and shook my head.

Utang na loob, Freya! Huwag ka munang lumandi baka masibak ka ora mismo.

"Really? How about seeing you early in the morning, is that a good one?" Muling naging sarkastiko ang kanyang boses. Muli kong kinagat ang aking labi at nagbaba ng tingin. Shit!

"Aah.. Uhmm..." Hindi ko na nadugtungan ang sasabihin ko. Mariin akong pumikit habang nilalaro ang aking daliri.

"Ofcourse, you're gonna be my employee starting today. That's when you're not gonna file your resignation this early." He flicked his tongue at bahagya itong pinatunog.

"Of course not, Mr. Sandoval. It's my pleasure to work under your company, Sir." Pinatamis ko ang aking ngiti habang nakatingin sa kanya. Kinagat niya ang kanyang daliri habang nakatingin diritso sa aking dibdib.

Umusbong ang aking kaba dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan. Parang uminit ang buong opisina nang makita ko ang pag-aalab ng kanyang mata. Uminit ang aking pisnge nang maalala ko ang panaginip ko kagabi.

"Hmm..." Tumango siya nang mapansin niyang nahuli ko kung saan siya nakatingin. "You can go to your team now. My secretary will accompany you to them. Enjoy your day, Architect Guzman." He grinned at me.
Nakahinga ako ng maluwag at ningitian siya ng pilit.

"Thank you, sir." Nakataas parin ang kilay niya sa akin. "Lalabas na po ako." Tumango siya sa akin at pilyong ngumiti.

Hala! Ang hot niya lalo. Please, sir! Wag kang pa-fall. Aalis na sana ako nang bigla niya naman akong tinawag.

"Faye," aniya. Nanlaki ang mata ko sa tinawag niya sa akin. Sandali akong natigilan dahil hindi ko agad na proseso ang narinig ko. "Mind having a lunch with me, later? Let's talk what happened yesterday and the hardenero thingy." Mahina niyang puna.

Parang tinakasan ako ng hininga dahil sa sinabi niya. Naalala niya. Naalala niya ang nangyari kahapon. Patay na! Patay ako nito.

"Y-yes, sir." I stammered.

He chuckled.

"Don't worry, Faye. I'm not gonna punish you for calling me that way. Just accept having lunch with me." Presko niyang sabi. Tumango lang ako sa kanya.
"Yes, sir." Mabilis akong lumabas sa opisina ni Mr. Sandoval habang sapo ang aking dibdib. Mabilis ang tibok ng puso ko at kaagad kong pinakawalan ang hiningang kanina ko pa pinipigilan.

Gosh! Bakit napaka-mapaglaro ng tadhana? Lunch lang naman yon, Freya. Lunch lang wag kang assuming.

But, he called me Faye... Wala pang tumawag sa akin non dahil ang karaniwang tinawag sa akin ng pamilya, kaibigan at mga kaklase ko ay Freya o hindi kaya'y Frey. Siya lang ang tumawag sa akin ng Faye and it sound so good hearing him calling me that way. Parang may kakaiba na hindi ko maipaliwanag.

Kakaiba ang dating sa akin. Parang nakakakiliti sa puso.

W--what? Huwag mong bigyan ng kahulugan ang mga bagay na walang kabuluhan, Freya. Baka ganon lang talaga siya umakto sa kanyang empleyado at likas na'yon sa kanya. Ang kapal din naman ng mukha ko, eh, ano? Kahapon lang hinusgahan ko pa siya na hardenero tapos ngayon titibok ang malandi kong petchay sa karisma niya? No way!

Kulang kalang sa tulog, Freya. Puyat kalang.
Nakapikit ako habang kinakalma ang aking sestima nang biglang may nagsalita sa harap ko kaya muntik na akong mapatalon dahil sa sobrang gulat.

"Nakausap niyo na po si Sir, Ma'am?" Magalang na tanong ni Mrs Pamela. Medyo may katandaan na siya ngunit hindi iyon halata sa kanyang mukha.

"Tapos napo." I answered, respectfully. Mahina siyang natawa sa akin at umiling iling.
"Natural lang yang reaction mo, miss. Sino ba naman ang hindi mababaliw sa kagwapuhan at kakisigan ni Mr. Sandoval, hindi ba? Siguro kong nasa edad ko lang kayo baka ako pa mismo ang manligaw sa kanya."

Ngumiwi ako sa sinabi niya.

"Ahh... Hindi--" She cut me immediately.

"Sabi ko nga natural lang yan, lalo na sa babaeng kagaya mo. Gwapo si Mr. Sandoval at malakas ang dating. Isa sa mga kahinaan nating mga babae." She wink at me. "But, know you boundary. Hindi lahat ng ginugusto natin nakukuha natin. Maganda ka naman at mukhang bagay kayo ni Sir." Humagikhik siya habang nakatingin sa akin. Uminit ang aking pisnge dahil sa sinabi niya.

Talaga? Bagay kami?

"Hindi naman po ako--"

"Tara na ihahatid na kita sa team mo. Sa pagkakaalam ko ay may hinanda ang kasamahan mo para sa'yo. Kaibigan mo pala yon si Pinky? Yong pinsan nang napakagwapong kaibigan ni Sir?"

Si Tan Tan ba tinutukoy niya.

"Opo."

Tumango siya sa akin at hinatid ako sa magiging cubicle ko. Pagpasok palang namin sa palapag na iyon ay mapuno na ng maraming ingay ang buong silid. Lumapit sa akin si Pinky at inakbayan ako. Ipinakilala niya ako sa mga ka-team namin at sandali kaming nagkwentuhan at may pa cake pa sila, pang welcome daw sa akin bago kami bumalik sa kanya kanya naming trabaho

Chapter 3

HINDI AKO mapakali habang pabaling baling ng tingin sa orasan at sa ginagawa ko. It's frustrating to think that I really look forward to have lunch with Mr. Sandoval.


Ang lalaking tinawag kong hardenero.


How stupid of me.


I get my hypoallergenic stainless tumbler beside me and drank on it. It's better to stay hydrated even though you'd pee most of the time. Health care is matter most.


I am designing a condo unit interior right now and it'll be presenting in the board next week. I didn't feel excited for that time, I'm chickening to face the member of the board and present my design. I don't want to be a fun of that day. I need to do my best in able to caught their interest and make them all proud of me.


It's not necessary to make them proud, though. All I have to do is do my presentation better.


Pero pano kapag ibasura nila ang design ko?


It's ok, failures is part of human life. You're not gonna do better in something if you haven't experience failures. It teaches us to do more better and invest more effort and time for the things we love, not just to be able to have something to show but to target something that'll pay your effort afterward.


I understand if my design get rejected. In fact, I'm still learning and making mistakes are pure natural for my fellow beginners.


"Are you done?" Tanong sa akin ni Pinky. Saglit ko siyang nilingon at umiling.


"Almost."


"Let's take our lunch first? It's already 12 pm. Mamaya mo na'yan tapusin pagkatapos nating kumain." Inayos niya ang gamit niya at hinila ako palabas sa cubicle ko.


Nagpumiglas ako sa kanya ngunit hindi niya ako binitawan. Panay ang angal ko sa kanya ngunit hindi niya ako pinakinggan.


Patay! May usapan pala kami ni Mr. Sandoval kanina na sabay kaming magla-lunch ngayon. Pano ako makakasabay sa kanya?  Hindi rin naman ako makahindi sa kaibigan kong ito, kinakaladkad na nga ako, eh.


We are about to enter in the elevator when Mrs Pamela came out on it. Ngumiti siya sa akin at lumapit.


"Pinapatawag ka ni Mr. Sandoval, Architect Guzman." Mahinahon niyang sabi sa akin. Lumingon sa akin si Pinky at bakas sa mukha niya ang pagtataka.


"Bakit siya pinatawag ni Kairus--I mean Mr. Sandoval?" Nagtatakang tanong ni Pinky. Nakalimutan kong kilala niya pala si Mr. Sandoval. Kung hindi ako nagkakamali ay kaibigan ito ni Tan Tan.


"I don't know, Architect Valdez." Nagkibit lang ng balikat si Mrs Pamela.


Kumabog ang aking dibdib dahil sa matinding kaba. Damn! Kailangan ba talaga naming pag-usapan ang pagtawag ko sa kanya ng hardenero dito sa loob ng kompanya? Baka ma issue pa ako na inaakit ko ang CEO ng kompanyang 'to.


Alam kong gwapo si Mr. Sandoval pero hindi ako mangangahas na gawin 'yon. Pero kung may pagkakataon, bakit hindi?


Ang gwapo naman kasi. Ang sarap hawakan ng abs niya, kanin nalang ang kulang mabubusog kana.


"Ok po." Tugon ko kay Mrs Pamela. "Best, pupunta na muna ako sa office ni Mr. Sandoval baka pagalitan pa ako no'n. Kita nalang tayo mamaya." Paalam ko kay Pinky at iniwan na siya don. Narinig ko pa na tinawag niya ako ngunit hindi ko na siya pinansin.


Habang naglalakad ako papasok sa opisina ni Mr. Sandoval ay hindi ko mapigilang mapaisip kung ano ba talaga ang sadya niya sa akin. I mean napakaliit naman na dahilan kung about lang sa nangyari kina Tan Tan ang pag-uusapan namin, kung sakaling about naman do'n siguro hindi na niya ako tinanggap dito kung na offend siya sa akin.


Ano kaya ang gagawin niya sa akin? I mean kami lang dalawa sa loob opisina niya. Unless may iba siyang kasama do'n.


Baka kung anong balak niyang gawin sa akin sa loob ng opisina niya. Alam kong nag-o-over think lang ako pero hindi ko mawaglit ang posibilidad na iyon. Baka gahasain niya ako? Geez! Ok lang naman sa akin kung sa kanya ako magpapadiverginize.


Aarte pa ba ako? Ang gwapo niya kaya at ang yaman pa. Hindi na ako luge.


Syempre joke lang 'yon. Hindi ako desperada no!


Pinihit ko ang door knob at dahan dahan itong binuksan. Kinalma ko ang sarili ko at matuwid na naglakad papunta sa table ni Mr. Sandoval.



"Have a seat, Architect Guzman." Seryoso niyang sabi. Nangatog ang binti ko dahil hindi man lang siya nakangiti sa akin. Nakapoker face lang siya habang nakatingin sa akin.



I nod at him and sit on the chair.



Bakit niya ba ako gustong makasabay kumain? Eh, alam niya namang tinawag ko siyang hardenero. 'Yon nga raw ang purpose nitong lunch date niyo, Freya. Ang gaga mo!



Siguro balak niyang pahirapan ako.


O...


Baka Rape-in niya ako dito, ah? My god! Sa laki ng katawan niya kahit siguro magpumiglas ako ay hindi ako makakawala sa kanya. Magaling kaya siya sa kama? Ang laki kasi ng katawan niya at mukhang kaya niya akong buhatin habang binabayo ng mabilis.

Holy shit! Stop it, Freya! Stop thinking that way! Huwag kang mahalay.


"Thank you, Mr. Sandoval." Plastic ang ngiting ibinigay ko sa kanya. He cleared his troath while pointing the foods on his table.


"Let's eat," aniya. Mahina akong tumango sa kanya. Hindi ko mapigilang mailang dahil sa lagkit ng titig niya sa akin. Parang gusto niya akong lapain. "Did you remember what happened in Tristan's house?"


Kinilabutan ako dahil sa lamig ng boses niya. Parang malaki talaga ang galit niya sa akin.



Bakit ko ba kasi siya pinag-isipan ng gano'n? Bakit hardenero agad ang pumasok sa isip? Alam ko namang nainsulto ko siya no'n kaya nagsisisi na ako.


"H--Huh?" Maang maangan kong tanong.


Mas lalong tumalim ang tingin niya sa akin kaya napalunok ako sa sarili kong laway.



"Stop pretending you did not. Alam mo bang kating kati na akong paalisin ka dito? Pasalamat ka at binigyan kita ng pagkakataon." He hissed. Ngumuso ako sa kanya. Hindi ko magawang sumagot sa kanya. "I want you to act nicely at me. I want you to obey me. Pag sinabi kong gusto kitang makita-- I mean kapag sinabi kong kailangan kita, pumunta ka kaagad dito sa opisina ko. Understood?"


Tumango ako sa kanya. Hindi ko maiwasang magtaka dahil namumula ang kanyang mukha. Galit ba siya?


Nagbaba ako ng tingin at kinagat ang ibabang labi ko. I can't stand with his presence, masyado siyang nakaka-intimidate.


"Opo, Mr. Sandoval."


Muli siyang tumikhim kaya nagtaas ako ng tingin sa kanya. Malambot na ang expression niya kung ikokompara kanina. Para siyang anghel na bumaba sa langit... Ang gwapo!


"Drop the formality when it's only have the two of us."


Huh?



"Pero--"



"Obey me, Faye! I want you to obey me." Malambing niyang saad. Natulala ako habang nakatingin sa kanya. Litong lito at hindi siya maintindihan. Hindi ako nakaimik at wala sa sariling tumango nalang sa kanya. "Good! Let's eat? Masamang pinaghihintay ang pagkain." Nag-iwas siya ng tingin sa akin at inabutan ako ng paper plate.


Hindi ko maintindihan kung bakit ganito umasta si Mr. Sandoval sa akin. He shouldn't treat me like this, knowing that I've done something does not really acceptable to someone like him.



Ayaw kong bigyan ng kahulugan ang pinapakita niya sa aking kabutihan, but in the other side I'm also thinking that this is just for show for his grim revenge. Kung sa iba ay wala lang yong ginawa ko at misunderstanding lang yon, pero sa mayayamang katulad niya ay big deal na'yon.


Ano naman ang gagawin ko? Eh, alangan namang tanggihan ko siya? Pwede naman pero baka kasi personalin niya ako. Napakalaking kawalan sa akin kapag natanggal ako sa trabaho, hindi kasi biro ang laki ng sahod nila dito kasya sa ibang kompanya, doble ang sahod dito sa ibang kompanya.



Kapag dito ako magtatrabaho ay mas madali akong makakaipon at mabawi ang naisangla naming bahay sa probinsya. Mahirap pa namang mamuhay dito sa Manila, lalo na kapag nakaluwas na sina mama, papa at Craige dito.


"Can I ask something, Faye?" Para akong kinilabutan nang marinig ko ang boses ni Mr. Sandoval, hindi dahil malamig at matigas ito kondi dahil sa sobrang lambing nito.


"Opo, Mr. Sandoval." I answered frequently.


I can feel from where I am the heaviness of his sighed.


"Drop the Mr. Sandoval thingy. Kairus nalang ang itawag mo sa akin, pwede ring Kai, o di kaya'y Fidel nalang." Kumibot ang kanyang labi. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. Parang lagi nalang akong natutulala sa tuwing hindi niya ako sinusungitan.


"Ok, Fidel." I tried to smile at him.


Sumilay ang malambing niyang ngiti sa labi bago malakas na tumikmik.


"Fidel is great, when you're the one who says it. Ikaw lang kasi ang tumatawag sa akin niyan." Nakangiti niyang sabi at muling sumeryoso.


Parang nilokob ng kakaibang init ang puso ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko namalayang nakangiti na pala ako sa kanya. Umiling iling ako at sinubukang maging komportable sa harap niya.


Kahit medyo magaan na ang trato niya sa akin ay hindi ko parin maiwasang mailang at maintimidate sa kanya. Ang lakas lakas kasi ng dating niya. Kahit malayo pa siya ay makikilala mo siya dahil sa presensya niya. Idagdag mo pa ang strikto nitong mukha.


Parang pasan-pasan niya ang buong mundo kapag byernes santo ang mukha niya. Ngunit ang gwapo niya parin. Ang hot  parin ng dating niya.


"Ikaw lang din ang tumatawag sa akin ng Faye. Medyo naninibago ako dahil karamihan ay Freya at Frey ang tawag sa akin." Kinagat ko ang aking ibabang labi upang pigilan and pagngiti. "Bakit Faye ang tawag mo sa akin, Fidel?"


He lifted his eyebrows at me.


"I want you to recognize me immediately whenever I call for your name. I want to be special and I don't know why. Gusto kong ako lang ang tumatawag sa'yo non." Mariin niya akong tinignan. Parang tumatagos sa kaluluwa ko ang paraan ng pagtingin niya, nakakapanghina. "Ikaw, bakit Fidel ang tawag mo sa akin?" He grinned.


Kumurap kurap ako sa kanya. Big deal ba yon?


"Eh, ano bang gusto mong itawag ko sa'yo?" Taka kong tanong sa kanya.


He chuckled.


"I want you to call me Fidel. Ang tanong ko ay bakit Fidel ang gusto mong itawag sa akin?" Hindi nawala ang pilyo niyang ngiti sa labi.


Hindi ko alam kung bakit parang umiinit ang pisnge ko. Tumingin ako sa pagkain ko at sumubo ng kanin bago sumagot.


"Hindi naman, pwede naman kitang tawagin kung ano ang gusto ko."


"Yeah, you can also call me baby or babe or either honey." He smirked.


Muntik na akong mabulunan dahil sa sinabi niya. Mabilis akong uminom ng tubig dahil sa sobrang pagkabigla. Pinagtawanan niya ako dahil sa naging reaction ko.


"Palabiro ka pala, Fidel?" Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Hindi ko talaga kayang tagalan ang tingin niya, para akong tinutunaw non.


"I'm not. Seryoso ako sa lahat ng bagay, Faye." Seryoso niyang sagot. Umayos ako ng upo at tinapunan siya ng tingin. "Noon ayaw kong may tumatawag sa akin ng Fidel, para kasing makaluma at nakapa-maginoo'ng pakinggan. Pero ngayon,  simula no'ng marinig kong tinawag mo akong Fidel parang do'n pa gumanda ang pangalang yon sa akin. I'll only allow you to call me Fidel, ikaw lang para second name basis tayo." He was smirking while saying those statement to me.


Hindi ko kayang e proseso ang sinabi niya. Tumango nalang ako at hindi na nagsalita.



I just lost my voice, like how I lost my thoughts, and lost all of the words my head has.


"Try to taste this one."


Napatitig ako sa pagkaing isinubo niya sa akin. Bumilis ang pagtibok ng puso ko dahil sa ginawa niya. Dahan dahan kong binuksan ang aking bibig at kinain ang isinubo niya.


I was chewing the meat he feeds me. Nanlaki ang mata ko nang malasahan ko ang lasa nito. Para siyang sweet and salty na chicken at may sauce din siya na mismong nanggaling sa chicken. Napaka-juicy niya.


"Masarap?" Umaasang tanong niya. Mabilis akong tumango at ngumiti.


"It's delicious, manok to?" Kuryuso kong tanong kahit alam ko na naman.


He shook his head which made my brows completely creased.


"It's turkey." Mahinahon niyang tugon. Nanlaki ang mata ko dahil sa gulat.


Bakit parang manok? Well, mas masarap siya sa manok pero I thought that it's a chicken.


"Weh?"


He chuckled and nod at me.


"Whoah! I thought it's a chicken. I'm surprised!" Mahina akong natawa habang nakatingin sa kanya. Inabutan niya ako ng pineapple juice kaya ininom ko ito, muntik pa akong mabulunan dahil sa paninitig niya.


Bakit ba siya nakatitig sa akin? Pwede naman kong sa pagkain nalang siya tumingin, eh. Nakakailang tuloy.


"Do you really dressed like that?  I mean bagay naman sa'yo pero parang masyadong maikli at kitang kita yong--umm... You're... Breast. Masyadong revealing." Nag-iwas siya ng tingin sa akin.


Kung kanina nako-concious ako dahil sa paninitig niya, ngayon naman ay nako-concious ako dahil sa sinabi niya. Masyado ba talaga akong revealing?  Damn! I really have to shop for more formal dress.


"Ganito kasi lahat ng dressed ko. Sanay narin naman ako." Mahina kong sabi. "Bawal ba?"


Mabilis siyang umiling dahil sa sinabi ko.


"It's alright. It just that I don't want other boys disrespect you the way you dressed up." Kinagat niya ang ibabang labi niya at tsaka ito marahang nilawayan. Napatulala ako mapupula niyang labi. Hindi ko maiwasang mapalunok habang pinapatawan ito ng mainit na tingin. "Hindi kaba binabastos kapag nagsusuot ka ng ganyang damit?"


Sinapo ko ang dibdib ko nang mas lalong lumakas ang pagtibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit, nalilito ako.


"Hey, Faye? Baka matunaw na ang labi ko niyan, ah." He grinned.


Nanlaki ang mata ko at mabilis na nag-iwas ng tingin sa kanya. Hiyang hiya ako dahil sa ginawa kong pagtitig sa labi ko. Nakakaakit kasi itong tignan. Natural ang pula nito at parang napakalambot damahin. Tinawanan niya ako kaya mas lalo lang akong nakaramdam ng hiya.


Bakit kasi natutulala nalang ako sa kanya bigla?


Hindi lang naman siya ang gwapong nakita ko. Actually marami sila pero bakit may kakaiba sa kanya na hindi ko maipaliwanag? He's attractive and charming, hot and jaw dropping, masculine and very manly. All girls will gonna drool over him.


He's a human version of a pretty god. Damn, man!


"Ahh... Minsan. Hindi ko naman maiiwasan na may mambastos sa akin, lalo na't hindi ko kakilala lahat ng tao sa mundo." Ramdam na ramdam ko ang pag-init ng pisnge ko.


"Hmm... Mas lalo kang nakakabaliw tignan kapag ganyan kaikli ang sout mo." Mahina niyang sabi. "You should have wear something more conservative clothes." He smiled.


Umawang ang labi ko dahil sa sinabi niya. Ayaw kong bigyan ng ibang kahulugan ang ibig niyang sabihin, pero hindi ko maiwasan. Nangangapa pa ako sa harap niya sa pwede kong isagot sa kanya.


"Hindi po ba mas maganda yan? You know, maraming magkakagusto sa akin." I tried to joke around.


Dumilim ang kanyang tingin sa akin. Kinabahan ako dahil hindi ko na mabasa ang iniisip niya, it's not that I can read mind. Hindi ko alam kung naiinis ba siya sa sagot ko o nagagalit.


"So sinadya mong magsuot nang ganyan upang magkagusto ako sa'yo?" Malamig niyang tanong. Nanuyo ang lalamunan ko dahil sa sinabi niya.


H--Huh?  Sinabi ko bang ganon?


"D--Does not what I mean, Fidel." Utal kong sagot.


Mas lalong dumilim ang titig niya sa akin at kumunot ang noo.


"Hindi? Pero bakit ganon ang naramdaman ko?" He whispered, dangerously.


Napatanga ako sa kanya habang pinoproseso ang sinabi niya. What does he mean?


"Don't deny it, 'coz that's what I have feel right now. Pafall ka, Faye." Lumambot ang mukha niya. "I wonder if you know how to catch someone who's falling for you."



That phrase totally made me voiceless, it literarily shut my mouth.