Browse stories

Chasing Mr. Billionaire

Language: fil

Mabelle Ghia Vestien is a woman who works really hard for her family. Because of her family she forced her self to work as a maid where she met this cold and heartless billionaire. After months of working for him, she found her self admiring and falling for him. But Morgan Cyler Hodsson didn't have the same feelings as her, he pushes her away and hated her. But Mabelle is willing to take a risk, she will chased the billionaire.

Available chapters

  1. Chapter 1
  2. Chapter 2
  3. Chapter 3

Chapter 1

Napatingin ako sa labas nang marinig ang pagdating ng sasakyan, hindi ko maiwasang mapangiti dahil alam kung siya ang dumating. Kahit ilang oras akong naghintay sa kanya ay sulit pa rin dahil umuwi siya, siguro ay busy lang sa trabaho niya sa companya.

Gusto kung salubongin siya pero mas pinili kung i-handa ang pagkain na nasa lamesa. Sigurado akong nagugutom siya, alas onse na ng gabi kaya malamang ay pagod rin ang isang 'yon.

Akmang kakaway ako ng marinig ang pag bukas ng pintuan pero napahinto ako sa kinatatayuan, nadatnan ko ang sarili kung nagtatago at pasimple siyang sinisilip.

Naulit nanaman, may babae siyang kasama.

Mukhang lasing silang dalawa, gusto kung sugorin ang babae dahil bigla niyang hinalikan si Morgan pero nanatiling nakakuyom ang dalawang kamao ko. Naghihintay ako sa gagawin ni Morgan, pero sa halip na awatin niya ang babae ay mas lalo niya lang dinikit ang katawan nilang dalawa.

Agad kung naramdaman ang pag-init ng mata ko, at makalipas lang ang ilang segundo ay tuloyan na nga akong napaiyak. Nasasaktan ako dahil sa nakikita ko, nasasaktan ako dahil sa ginagawa nila. Pilit kung tinatanong sa sarili ko kung bakit ayaw niya sa 'kin?

Dahil ba hindi ako kagandahan? Dahil ba hindi ako gaanong sexy? Dahil hindi malaki ang hinaharap ko? Dahil hindi malaki ang pwetan ko? Hindi ako attractive? Bakit pag-dating sa akin umaayaw siya? Kung gusto niya akong halikan papayag naman ako! Pero bakit kailangang ganito?

Bakit tinatrato niya akong ganito? Pero pag-dating sa ibang babae ay wala siyang reklamo?

Masakita man ay pinili kung bumalik na lang sa maid's quarter, malas nga lang dahil bigla kung nabitawan ang cellphone ko na siyang naglikha nang ingay. Mariin akong napapikit at parang gusto kung sapukin ang sarili ko ngayon, dali-dali kung pinunasan ang luha sa pisnge ko at kinuha ang cellphone na nasa sahig.

"Stop right there." Malamig na boses mula sa likuran ko ang narinig, dumausdos nanaman ang kaba sa buong sistema ko. Dahan-dahan akong lumingon at yumuko.

"Sir, pasensya na po." Nabigla ako nang hilain ako nito papunta sa harap ng babaeng kasama niya. Gusto ko siyang tanongin kung anong ginagawa niya pero hindi ko magawa, dagdag pa ang masyadong mahigpit niyang pagkakahawak sa akin na halos mamula na ang braso ko.

Pero baliwala ang sakit do'n, mas ramdam ko kasi 'yong sakit sa puso ko. Pain.

"Look, Mabelle." Napalunok ako ng hawiin niya ang buhok na nakaharang sa mukha ko at marahang hinawakan ang bagang ko. "This woman," turo niya sa babaeng kasama niya bago magsalita ulit, "is my girlfriend, so stop chasing me. Do you understand?" para akong tangang nakatulala sa kanya.

Pa ulit-ulit na bumabalik sa akin ang mga salitang binitawan niya, hinarap niya ako sa babaeng 'yon para lang ipamukha sa 'kin na may girlfriend na siya? Mabilis kung hinawakan ang pulsohan niya ng akmang tatalikod siya sa akin.

"Morgan...b-bakit ba ayaw mo sa akin?" para akong bata dahil sa inasal ko. Pero hindi na 'yon importante, gusto ko ng sagot mula sa kanya, sagot kung bakit kahit kailan ay hindi niya ako nagustuhan.

"Do you really need to ask that?" Buong tapang akong tumango, kung masasaktan man ako at iiyak ngayon gabi gusto kung lubusin na.

"Oo, Morgan. Gusto kung malaman, please sabihin mo sa 'kin. Dahil ba hindi ako maganda? Pwes simula ngayong mag aayos na ako! Hindi pa ako sexy? 'Wag kang mag alala magsisimula na akong mag-exercise! Dahil ba hindi ako matalino gaya mo? Pwes magpapa-enroll na ako tapos mag-aaral ako hanggang sa matutunan ko lahat! Sabihin mo lang please..." hindi ko na namalayang tumulo na pala ang luha ko.

Umaasa akong may magbabago sa reaksyon ni Morgan, pero nanatiling walang emosyon ang mukha niya habang nakatingin sa akin. Subra na ba talaga akong tanga dahil sa ginagawa ko? Pero anong magagawa ko? Mahal ko siya e. Mahal na mahal.

"Are you that desperate? Listen carefully Mabelle, kahit meron ka ng mga bagay na binaggit mo, hinding-hindi kita magugustuhan. Do you understand? I hope it's clear now? Hindi kita gusto, at hindi ko na kailangan ng dahilan kung bakit. So back off." Binitawan ko na ng tuloyan ang kamay niya, tinignan ko silang dalawa ng kasama niyang umaakyat papunta sa taas.

Ang sinabi niyang 'yon ay tumatak sa akin. Kahit kailan ay hindi ako magugustuhan ng isang Morgan Hodsson, bakit nga ba ako umasa? Masyadong mataas ang pangarap ko. Gayong ang tanging dahilan lang naman kung bakit ako nandito ay ang pagsilbihan siya, isa lang akong katulong.

Kumpara sa kanya, sa dami-daming babaeng naghahabol sa kanya malabong ako ang magustuhan niya. Ang tanga, Mabelle subrang tanga mo.

"Pagod na rin ako Morgan. Pagod na pagod na ako, subrang pagod na akong mag habol sa 'yo Morgan."


***


Mugto ang mga mata ko nang gumising ako kinabukasan. Ramdam ko pa ang hapdi nito dahil sa subrang pag-iyak ko kagabi. Halos dalawang oras lang din ang tulog ko at pilit pa 'yon, hindi talaga ako dinalaw ng antok. Ang gusto ko lang ay umiyak nang umiyak. Kaya ito ang kinalabasan.

Halos walong buwan na simula nang mag trabaho ako bilang personal na katulong ni Morgan, noong una ay naiinis ako sa kanya. Bukod kasi sa masungit napaka suplado pa, ni minsan ay hindi niya ako tinatrato ng tama. Palagi siyang sumisigaw sa akin kahit malapit lang kaming dalawa.

Palagi siyang high blood, hindi ako nag resign kahit gano'n ang pakikitungo niya sa akin. Sabi ni Aling Dalia kaya gano'n si Morgan--Sir ay dahil stress daw sa companya, kaya tiisin ko nalang daw dahil balang araw magiging maamo daw ito sa akin. Si Aling Dalia 'yong dating katulong ni Sir pero nag resign ito dahil sa subrang katandaan, at siya rin ang nag rekomenda sa aking ng trabahong 'to.

Magkaibigan kasi ang lola ko at si Aling Dalia, kaya no'ng marinig niyang nangangailangan ako ng trabaho ay agad niya akong kinontact. So ayon na nga, ang inakala kung pag-amo ay hindi naman nangyari. Bawat araw ata nadadagdagan ang pagiging masungit niya, kaming dalawa lang nandito sa malaki niyang mansyon.

Iwan ko rin kung bakit siya nag-iisa dito--hindi pala siya nag-iisa kasi andito ako. Pero parang gano'n na rin 'yon, gusto kung i-tanong sa kanya noon kung nasaan ang mga magulang niya, kung may kapatid ba siya, o kamag-anak. But, hindi ko na tinuloy baka lalo lang itong magalit sa akin.

Sa mga nakalipas na buwan ay nasanay ako sa ugali niya, kahit masaktan sa pagiging suplado niya ay tinatawanan ko na lang. Kasabay rin no'n ang pagiging aminado ko, aminado akong may gusto ako sa kanya. At mas lalo ngang lumalim ang nararamdaman ko.

Gusto kung nakikita siya palagi, gusto kung kulitin siya palagi, gusto kung ako ang unang babae na magpapangiti sa kanya. Kasi never ko siyang nakitang ngumiti, poker face siya palagi. Makalipas ang limang buwan ay nagsimula na akong mag habol sa kanya, naging halata ako.

Palagi akong dumidikit at nangungulit, pero lahat ng 'yon? IGNORE. Para akong hangin sa kanya! Ni dapuan ako ng tingin ay hindi niya magawa! Pero dahil marupok ako ay hinayaan ko na lang. Araw-araw nadadagdagan ang nararamdaman ko, to the point na nasasaktan ko na ang sarili ko.

Nang mga sumunod kasing buwan ay nagsimula na siyang magdala ng babae dito, t'wing gabi ay palagi siyang may kasama. At alam ko kung anong nangyayari sa kanila, at alam ko ring pilit niyang pinapamukha sa akin na hindi niya ako gusto. Malakas ang loob ko e kaya pinagpatuloy ko pa rin, pinatuloy ko 'yong paghahabol sa kanya.

Kaso sa nangyari kagabi? Para akong natauhan, masakit pero parang nagising ako sa sarili kung kagagahan. 'Yon ang kauna-unahang beses na pinakilala niyang girlfriend ang babaeng sinasama niya. At kung paano niya pinamukha sa akin na hindi niya ako gusto? Tagos siya hanggang abdomen.

Napailing nalang ako sa kawalan at nagsimulang mag-luto ng breakfast niya. Tama 'yan Mabelle isa kalang katulong, tagasilbi kaya gawin mo ang trabaho mo.

Parang gusto ko tuloy sirain ang araw ni Morgan ngayon, balak ko sanang lagyan ng isang kilong asin ang ginawa kung sinigang pero syempre hindi ko ginawa. Baka mapaalis ako ng wala sa oras, hindi ko pa afford mawalan ng trabaho, dahil kailangan na kailangan namin ng pera.

Kaya magtitiis ako hanggang sa makakaya.

Napaayos ako sa kinatatayoan ko ng marinig ang yapak ng sapatos na paparating sa kusina. Alam kung gising na siya, kung dati ay sinasalubong ko agad siya ngayon ay hindi na. Nanatili akong nakatayo sa pwesto ko at hinintay siyang makarating.

"Morning Sir, eat your breakfast na ho." Nanatili akong nakayuko.

"I'm not going to eat," napangiwi ako, at bakit!? Niluto ko pa naman sana ang paborito niyang ulam.

"Gano'n po ba Sir? So paano po? Itatapon ko na lang po ba 'yong sinigang na niluto-" Hindi ko pa natapos ang sasabihin ko nang makitang nakaupo na siya sa harap ng mesa at kumakain.

Gusto kung matawa gaya ng palagi kung reaksyon, pero naalala kung nasaktan pala ako kagabi kaya no emotion ulit ang mukha ko. Nakatitig lang ako sa kanya habang kumakain siya, napaka comportable niyang tao. Bawat galaw niya napaka-professional. Kaya naman hindi maitatanging maraming nagkakagusto sa kanya.

Marami pa akong katanungan na nabubuo sa isip. Hinihintay ko lang na mag-kwento sa akin si Sir, pero wala naman ata siyang balak mag kwento. Sino ba naman kasi ako para makialam sa buhay niya?

"Staring again? I thought I already told you that I have a girlfriend?" napaiwas ako ng tingin. Oo alam ko, at nakatatak na 'yon sa utak ko.

"Ah, sige po lilinisan ko na lang po ang opisina niyo." Magalang kung tugon, saglit niya pa akong tinaasan ng kilay bago binalik ang atensyon sa kinakain.

"Nga pala Sir, akala ko ba hindi ka kakaain? Bakit malapit nang maubos 'yong sinigang na niluto ko?" Huli na nang ma-realize ko ang sinabi dali-dali akong tumakbo papunta sa taas dahil alam kung magagalit nanaman siya sa sinabi ko. Gustong-gusto ko ring i-tanong sa sarili ko kung saan ako nagkaroon ng lakas para sabihin 'yon.

"Damn!!!!! Mabelle!!!!" Napangisi na lang ako na kaunti nang marinig ang sigaw niya. Nasisiyahan pa rin talaga ako lalo na pag alam kung napipikon ko siya.

Nag-umpisa akong mag linis ng kwarto niya, sa totoo lang ay parang wala na akong kailangang linisan. Maayos naman ang buong kwarto, except nga pala sa kama.

Magulo.

At gustong-gusto kung sirain ang kamang 'to, alam ko kung anong ginawa nila at nagkagulo 'to! Oo nga pala wala akong karapatan, girlfriend niya 'yon! at katulong lang ako.

Saglit akong sumilip sa bintana, at saktong nakita ko siyang naglalakad papunta sa kotse niya. Hindi ko maiwasang malungkot, wala nanaman akong magagawa sa loob ng mansyon niya. Wala siya dito, wala akong makukulit.

Buntonghininga na lang ang pinakawalan ko. Bakit ganito pa rin ang nararamdaman ko? Bakit parang hindi naman nabawasan ang pagmamahal ko sa kanya? Bakit gusto ko pa ring mag habol sa kanya? Kahit alam kung wala akong pag-asa?

Gusto ko siyang ipag-laban.

Pero siya na mismo ang umayaw.

...

Dahil sa bored at wala akong magawa, naisipan ko nalang mag grocery total paubos na rin ang mga pinabili ko noong nakaraang. Nagdadalawang isip pa ako kung aalis ba ako dahil hindi ako nag paalam kay Morgan.

Binalaan niya na ako noon pa, na h'wag akong umalis nang walang paalam. Pero siguro naman wala siyang pakialam sa akin ngayon? Total may girlfriend naman siya, at busy rin. Uuwi rin naman ako pagkatapos.

Halos dalawang linggo din akong hindi nakalabas, iwan ko ba kung bakit hindi ako pinapayagan ni Morgan. Kaunti na lang ay isipin kung may gold siyang tinatago sa mansyon kaya ayaw niyang naiiwan ito na walang nagbabantay.

Mabilis akong nakapara ng taxi nang makalabas ako, mabuti na lang din at hindi gaanong traffic kaya mabilis akong nakarating sa grocery store. Mukang malas nga lang dahil ang daming tao sa loob, pero keri na sigurado namang gagabihin siya ng uwi mamaya .

"Hi? It's you right?" Napalingon ako ng may kumalabit sa akin.

"Oh? Mr. Fc?" nakangiti siya habang nakatingin sa 'kin, kaya ngumiti ako pabalik. Sa pagkakatanda ko ay nagkita na rin kami no'ng nakaraan, dito rin mismo sa grocery story na 'to. At binansagan ko siyang Mr. Fc dahil masyado siyang feeling close no'ng kinausap niya ako noon.

"Glad you remember me!" tumango lang ako.

"Pang-apat na beses na 'to diba? Nagkita nanaman ulit tayo," binasag ko ang katahimikan. Nakapila na ako habang siya naman ang nakasunod sa akin.

"Yeah, I think it's destiny?" napailing ako at pilit na sinasabayan siya sa pagtawa. Masyado din siyang weird e, mukhang may gusto sa akin. Nagmumuka na tuloy akong mayabang. Kaso feel ko din mabait lang talaga siya, medyo pogi rin kasi siya, tapos ang tangkad pa. Imposibleng magustuhan ako.

Assuming ka lang Mirabelle.

"Sus may pa destiny-destiny ka pang nalalaman, siya ng pala. Mukang maliit lang grocery mo ngayon a?" Pag-iiba ko sa usapan palapit at palapit na rin ako sa counter.

"Lumipat na kasi ako ng condo, mag-isa na lang kaya kaunti na lang binibili." Mukang yayamanin din! Akalain mong may condo siya? Tapos siya lang nakatira.

"Gano'n ba? Lonely ka siguro," bigla kung naalala si Sir Morgan. Paano kaya pag umalis na ako? Magiging lonely na siya? Pipigilan niya kaya ako pag nag resign ako?

"Hey, it's your turn." Nabalik ako sa wesyo ng bumulong sa akin si Mr. Fc, nasa harap na pala ako ng cashier mukha pa siyang naiinis habang nakatingin sa akin. Sorry naman, hindi talaga maiwasang maging lutang minsan.

"So paano? mauna na ako ah?" Paalam ko sa kanya, binigyan niya lang ako ng tango at bahagyang ngumiti. Nang tumingin ako sa labas ay madilim na. Kailangan ko nang umuwi, magluluto pa ako nang hapunan niya kahit hindi ako sure kung makakain niya o hindi.

Malamang kasama niya ang girlfriend niya kuno.

20 minutes ang naging byahe ko bago tuloyang makarating. Halos manlaki ang mata ko ng makita ang sasakyan ni Sir Morgan sa labas ng mansyon! Para akong si Flash na kumaripas nang takbo habang akay-akay ang mga pinamili ko.

"Fuck! Damn!"

Nagsimula na akong kabahan nang marinig ang sunod-sunod na sigaw ni Sir! Parang gusto ko na lang mag laho dahil sa kaba. Paano kung tama ako? Paano kung may gold siya sa loob ng mansyon? Tapos biglang nawala o ninakaw dahil umalis ako?

"S-sir Morgan...." Pag-tawag ko sa pangalan niya. Mabilis siyang lumingon sa pwesto ko habang ang muka niya ay parang galit na galit. Tansya ko'y parang gusto niya akong tadtarin sa mga oras na 'to.

Naglakad siya papunta sa pwesto ko habang ako ay pinigilan ang sarili kung huminga, napuno ng kaba ang buong katawan ko na halos hindi na makagalaw.

"Damn! Saan ka nanggaling!? Damn it!" Sasagot na sana ako pero bigla niyang sinuri ang katawan ko. Ang galit niyang mukha ay napalitan nang pag-aalala, dahilan para magtaka ako. "Are you hurt!?" Hindi ako makasagot gusto kung i-tanong kung bakit bigla siyang nagka-gano'n. Pero ultimo bibig ko hindi ko maibuka.

"Fuck! Answer me, Mabelle!" Napaigtad nalang ako sa gulat ng sumigaw siya. Dali-dali akong umiling.

"Nag grocery l-lang ako Sir Morgan," may halong pag papaliwanag sa boses ko. Bahagyang kumalma ang mukha niya at napahilot sa noo.

"Don't do it again! Don't you dare, Mabelle. Kung aalis ka ulit ng walang paalam ay malalagot ka sa 'kin!" Pilit akong tumango at tinanaw siyang maglakad palabas.

"M-morgan!" Pag-tawag ko sa kanya, hindi siya lumingon pero huminto siya at parang naghihintay sa sasabihin ko. "Bakit? Nag aalala ka ba sa 'kin?" Diretsahan kung tanong.

Sa pagkakataong 'to ay lumingon siya.

"Just follow what I said."

Tinalikuran niya ako hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.

Anong nangyari? Bakit pakiramdam ko nag alala siya sa 'kin?

Bakit Morgan? Bakit mo ginugulo ang isip ko?

Chapter 2

Para akong tangang nakatulala lang sa kawalan, pilit kung iniisip ang nangyari kanina. Malalim na rin ang gabi pero hindi pa umuuwi si Morgan, at mukhang hindi nga siya darating, iniwan niya akong naguguluhan dahil sa inasta niya kanina.

Tanga ako pero slight lang, alam kung hindi siya galit dahil iniwan ko ang mansyon. Nagalit siya dahil umalis ako ng walang paalam, sinuri niya ang katawan ko kanina at punong-puno ng pangamba. Kaya paanong hindi ko iisipin ang nangyari?

Parang nabigyan nanaman ako ng pag-asa dahil sa ginawa niya parang gusto ko nanamang mag habol. Pinipigilan ko lang ang sarili ko, pero 'yong nararamdaman ko para sa kanya ay nanatili pa rin.

Malakas na buntonghininga ang pinakawalan ko bago umakyat pumunta sa maid's quarter. Hindi nga ata talaga siya uuwi, nag aalala ako para sa kanya, nagtataka ako kung saan kaya siya naglalagi? Saan siya natutulog? Saan siya nagpapalipas ng gabi?

Malamang sa girlfriend niya.

Pinilit ko na lamang ang sariling makatulog kahit pa punong-puno ng pagtataka at katongan ang isip ko.


Nang magising ako kinabukasan ay nadatnan ko si Morgan na kakauwi lang. Magulo ang buhok nito at naka-open ang tatlong butones ng suot niyang pulo, dali-dali akong tumakbo at sinalubong siya ng may pag-aalala sa mukha.

"Sir Morgan! Bakit ngayon ka lang? Saan ka nanggaling?" 'Yan agad ang bungad kung tanong sa kanya. May halong pagka-irita pa siyang tumingin sa 'kin bago umiwas. "Magluluto na po ako ng umagahan niyo para makakain kana." Sumunod ako sa kanya papasok sa loob.

"Don't disturb me, Mabel, magpapahinga ako." May halong pagbabanta sa boses niya. Dahil sa pagtataka ay mabilis akong humarang sa dinadaanan niya kaya napatigil siya sa paglalakad.

"Wala kang trabaho, Sir?"

"Get out of my way! You don't have to ask!" napakagat na lang ako sa pang-ibabang labi ko at mabilis na umalis sa harapan niya. Kahit kailan talaga ay napaka sungit niya. Gusto kung mag tatalon sa saya dahil mukang wala siyang trabaho ngayon!

Ibig sabihin lang ay mananatili siya dito buong araw! Hindi ako nag-iisa at hindi ako mabo-bored. Sana lang talaga'y hindi niya maisip na umalis.

Binilisan ko na ang pagluto ng agahan niya at pagkatapos ay naglaba ng mga damit, marami pa akong ginawa pero nag i-enjoy ako. Ni hindi ko naramdaman ang pagod, ibang-iba sa t'wing nag iisa ako.

Tatlong katok, pero hindi siya sumagot tulog siguro. Alam ko ring ayaw na ayaw niyang iniistorbo siya. Kaya lang kailangan niyang kumain, at alam kung nagugutom na siya ngayon. Hindi rin 'yon makakatiis at kakain. Dahan-dahan kung binuksan ang pinto ng kwarto niya, plano kung iiwan na lang ang tray ng pagkain sa loob.

Para pag gumising siya ay may pagkain ng nakahanda sa kanya. Nang tuloyan ko ng mabuksan ang pinto ay bumungad agad si Sir Morgan sa akin. Nagkalat ang bote ng alak sa sahig habang siya ay nakaupo rin sa sahig at may hawak-hawak pang basong mag lamang alak.

Halos mapaawang ang bibig ko at mabilis na nilapag ang pagkain sa maliit na mesa na nasa loob bago tumakbo papunta sa kanya. Subrang lasing na at halos hindi makatayo.

"Sir Morgan! Anong nangyari!?" Tinulongan ko siyang makaupo sa kama niya. Muntikan pa kaming matumba dahil masyadong malaki ang katawan niya kompara sa akin. "Sir Morgan? Ayos lang po ba kayo?" Amoy na amoy ko ang alak sa kanya.

Parang ilang oras lang ay ang ayos pa niya pero bakit biglang ganito? May problema ba siya? Bakit siya uminom?

"Sir Morgan," hindi ko maiwasang mapatitig sa mukha niya, ngayon ay nakahiga na siya habang sarado ang dalawang mata. Namalayan ko na lang ang sarili kung hinahaplos ang maamo nitong mukha.

Ano kayang problema niya? Subrang bigat ba kaya umabot sa puntong uminom siya ng subra? Tapos umaga pa? Napuno nanaman ng pag-aalala ang buong sistema ko, ang daming tanong sa isip ko na alam kung hindi masasagot.

Kahit ilang buwan na akong nag ta-trabaho sa kanya ay napaka misteryoso niya pa rin para sa 'kin. Kahit kaunting detalye sa sarili o sa pamilya niya ay hindi niya binanggit sa akin, kaya ang hirap. niyang basahin minsan. Iniisip ko kung subrang bigat nga ba ng pinagdadaanan niya kaya pinili niyang mamuhay mag-isa?

Dahil kahit kailan rin ay walang dumadalaw dito, o nangangamusta sa kanya. Kulang na lang ay isipin kung nag iisa na lang siya sa buhay. Baguhan lang ako sa Manila, kaya kahit sabihin ng iba na kilala ang pamilya ni Morgan sa buong manila ay hindi pa rin ako nakakarelate.

Wala pa rin ako alam, dahil gaya ng sabi ko, baguhan lang ako rito. Minsan kumakalap ako ng impormasyon mula sa mga dyaryong nabasa ko, nalamang kung ang yama nga ni Sir Morgan, isa siyang bilyonaryong lalaki na nakapagtayo ng sarili niyang Companya.

Bukod doon ay wala na, walang kahit anong balita tungkol sa pamilya niya.

"Blaire.." Napaigtad ako ng bigla niyang haplosin ang kamay ko, hindi ko pa pala naalis ang pagkakahawak ko sa pisnge niya. Gusto kung agawin ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya pero mas lalong. humigpit ang pagkakahawak niya.

"Sir Morgan bitiw po..." mahinang bulong ko sa kanya, nanatiling nakapikit ang mga mata niya habang pahigpit nang pahigpit ang pagkakahawak  sa akin.

"Please come back...Blaire, please don't leave again." Blaire? Sinong tinutukoy niya? Hindi ako si Blaire, Mabelle ang pangalan ko. Nakaramdam ako ng kaunting kirot sa puso ko, subrang higpit nga ng hawak niya sa akin na halos ayaw niya na akong bitawan pero ibang pangalan naman ang tinatawag niya.

"Hindi ako si Blaire, Sir Morgan." Mariin kung sabi at inagaw ang kamay kung hawak niya. Sa pagkakataong 'to ay dilat na ang pareho niyang mga mata. Diretso siyang nakatingin sa akin, na halos matunaw ako dahil sa titig niya.

Balak kung tumayo pero hindi pa ako nakagalaw ng abutin niya ang pisnge ko, hinaplos niya ito na para bang sabik na sabik. Kitang-kita ko ang lungkot sa mata niya. Para akong nadadala sa bawat titig niya na parang nanlambot ang buong katawan ko.

"Blaire...are you really back? It's you right?" Napangiti ako ng mapait. Sino ba ang Blaire na 'yan? Sino ang ma-swerteng babae na hinahanap ni Morgan ngayon?

Sana nga Morgan ako na lang siya, ako na lang 'yong hinahanap mo. Pero hindi eh! Kasi ako 'to, may sarili akong pangalan. At nasasaktan ako dahil tinatawag mo ako gamit ang pangalan ng ibang babae.

Gusto kung i-sigaw 'yan sa kanya pero hindi ko magawa.

"Hindi ako si Blaire, ako po 'to si Mabelle...Mabelle!" inalis ko ang pagkakahawak niya sa pisnge ko. At mabilis na tumayo, nasaktan nanaman ako, andito nanaman 'yong kirot.

"Mabelle...." napatigil ako ng bigla niyang banggitin ang pangalan ko. Dahan-dahan akong lumingon sa kanya, nakapikit ang mata niya habang ang dalawang kamay ay nakahawak sa noo niya. "Damn that name, Mabelle." Gusto ko siyang sipain ngayon! Sa totoo lang.

"Magpahinga ka na po Sir Morgan." Pinili kung i-kalma ang sarili ko dahil alam kung lasing siya, ayokong pumatol.

"I hate her Blaire, I hate Mabelle." Tahimik akong nakikinig sa kanya, may kung anong nagtulak sa akin para pakinggan ang sasabihin niya. Sa totoo lang ay ito ang kauna-kaunahang bumanggit si Sir ng pangalan ng babae.

"Bakit?" Umasta ako na parang ako ang kausap niya.

"I hate her so much, palagi niyang pinagsisik-sikan ang sarili niya sa 'kin." Napayuko ako at pilit na pinipigilan ang sarili kung umiyak. "I want her to stop, because I can't like her back. But she's annoying, she always chased me. She's like a puppy begging for an attention." Ang sakit naman.

"Do you hate her that much?" Tanong ko ulit, tumango-tango siya na parang bata. "Do you want her to disappear?" Biglang lumabas sa bibig ko ang mga salitang 'yon. Nang ibalik ko ang tingin kay Morgan ay nakatingin na ito sa akin.

"Why? Are going to leave me Mabelle?" Hindi ako makapagsalita, seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa akin. "Do you have plans to leave?" Mariin niyang tanong.

"Sir Morgan..."

"Answer me! Do you want to leave?" Kinuyom ko ang dalawang kamao ko bago tumayo. Papatulan ko siya ngayon, alam kung makakalimutan niya rin 'to dahil lasing siya.

"Hindi! Sa totoo lang ayoko! Pero kung 'yon ang gusto mo ay gagawin ko! Kung talagang ayaw mo sa akin ay hindi ko na mapipilit ang sarili ko! At kahit na masakit sa akin ay aalis ako! Sabihin mo lang Morgan! Aalis ako...sabihin mo lang sa akin." Ngumiti ako ng mapait.

Huli na ng mapagtanto kung tumutulo na pala ang luha ko. Naglakad ako papalabas pero napatigil nanaman ako ng magsalita siya, hindi ako lumingon at nakinig lang sa sinabi niya.

"Don't leave me, Mabelle." Walang emosyon ang boses nito.

"Pero 'yon ang gusto mo diba? You told me to stop, Morgan."

"Yeah...I told you to stop, but don't." Nagtaka akong lumingon sa kanya, ano daw? Hindi ko maintindihan ang sinabi niya.

"Anong--"

"Go Mabelle, chased me again.....don't stop even if I say so, Just continue chasing me, Mabelle."

Hindi ako nakasagot. Nanatili akong nakatingin sa kanya, hindi makapaniwala.

But chasing you is hurting my self too, Morgan.

Chapter 3

MORGAN

"Yeah, I also heard about it." It's Kian talking to Regious, they're my bussiness partner also my friends. Nandito sila sa opisina ko ngayon, and I hate their idea of staying here. But they're both hardheaded.

"Excited to see her again," nabuo ang makabulohang tingin ni Regious sa 'kin. It's look like they're talking about me. Tinaasan ko sila ng kilay at hindi pinahalatang interesado ako sa pinag-uusapan nila.

"H'wag mo sabihing hindi mo alam, Morgan?" They both looking at me this time. Waiting for my answer, mas lalo ko lang tinaas ang kilay ko habang nakatingin rin sa kanila. "It's Blaire! We heard that she's coming back!" I froze when I heard what he say. Napaawang ang bibig ko at hindi makapagsalita.

"It's all over in the internet, paanong hindi mo alam? Maybe tomorrow, next day, or next month, ay nandito na ulit siya sa pilipinas. It was great! After so many years naisipan niya nang bumalik-" I give Regious a glare, that make him stop.

"Get out of my office, both of you. It's already midnight, stop bothering me! Get out!" Tumayo ako at binuksan ang pinto para sa kanilang dalawa. They look at me with a confusing face but I don't say any words.

"Oh...it's already midnight! Hindi ko man lang napansin! By the way, Morgan gusto mo bang sumama sa pag-sundo kay Blair-" I cut him off.

"Kian! Get out before I punch you." May halong pagbabanta sa boses ko. Mabuti na lang at hinila na siya ni Regious palabas, I'm trying to calm my self.

Bumabalik sa isip ko ang narinig ko kanina, I don't know what to feel. It's either i'm happy? or i'm mad? She's coming back..Blaire is coming back, after all those years. I want to ask her directly, why now? Suddenly why? Ngayon pa na unti-unti na akong lumimot.

Damn it.

After she left me alone, after breaking my heart, after what happened, suddenly coming back?

MABELLE

Nandito ulit ako ngayon sa kusina. Nagluluto ako ng hapunan ni Sir Morgan, pagkatapos ng nangyari kanina ay namalayan ko na lang na nakatulog na pala siya. Pagkatapos niya akong sabihan ng salitang hindi ko maintindihan ay tinulogan agad ako.

Sa kabilang banda naman ay, gusto kung maging masaya. Gusto kung bigyan ng pag-asa ang sarili ko, ang sinasabi ng iba pag lasing daw ang isang tao ay hindi nito magagawang mag sinungaling. So ibig-sabihin hindi nag sinungaling si Sir Morgan no'ng sinabi niyang h'wag kung itigil ang paghahabol sa kanya kahit pa sabihan niya akong tumigil?

Ibig bang sabihin no'n binibigyan niya ako ng chance? Kasi ayaw niya akong patigilin e, kaya sigurado akong may dahilan siya kung bakit.

Siguro nga tama si Aling Dalia, malambot si Sir, sa kaloob-looban niya ay malambot siya. Pilit lang siyang nag mamasungit, pero keri ko namana. At mas lalo pa akong na inspire ngayon, oo nga't masakit maghabol sa isang katulad niya pero 'yon rin ang gusto kung gawin.

Kaya anong plano ni Mabelle!? Maghabol!

Siguro papalitang ko na lang pangalan ko, Mabelle De Maghabol.

Napailing na lang ako sa sariling kagagahan, ngayon ay nakangiti nanaman ako habang nagluluto. Kailngan ko nang bilisan, baka bigla na lang sumulpot si Morgan tapos hindi pa handa ang kakainin niya.

Makalipas ang ilang minuto ay narinig ko na nga ang mga yapak niya pababa. Agad ko siyang sinalubong ng may ngiti sa mukha. Nagtataka pa siyang tumingin sa akin, habang kinukusot ang mata niya.

Magulo ang buhok at tanging short lang suot-- Ano!? Short!? Napanganga akong makita siyang walang damit pang itaas. Tumambad sa akin ang brusko niyang katawan at ang walong abs niya!

Parang gusto kung tumakbo papalapit sa kanya at yakapin siya bigla. Pero syempre may kontrol pa rin ako sa sarili ko, baka bigla akong katayin ni Sir Morgan.

"Ehem...Gising ka na po...Nakahanda na ang pagkain, alam kung gutom ka. Bakit ka naman kasi uminom kanina Sir? Subrang aga pa pero nilasing mo agad ang sarili mo." Sinundan ko siya ng tingin, hindi man lang ako sinagot hanggang sa makarating kami sa Dining.

"Did I say something?" Napatigil ako sa tanong niya, hindi niya nga ata talaga naalala ang mga sinabi niya kanina. "I'm asking you, Mabel." Napaayos ako ng tayo bago tumingin sa kanya.

Siguro chance ko na 'to para i-tanong kung sino ang tinutukoy niyang Blaire.

"Ah, opo Sir...Mag tinatawag ka pong pangalan," kunot-noo siyang tumingin sa akin. Nagdadalawang isip pa ata siya kung sasagutin niya ako o hindi.

"I called a name? Who?"

"Blaire. Tinatawag niyo po siya Sir, napagkamalan niyo nga po akong si Blaire, kaya nagtataka ako sir kung sino siya at bakit mo siya tinatawa--"

"Stop." Napatikom ako ng bibig. Malalim ang boses niya at seryosong-seryoso ang mukha, hindi naman siya galit parang naiinis lang. Nagsasabi lang naman ako ng totoo, nahihiya ba siya dahil sa ginawa niya? "Forget what happened earlier. And don't metion that name again."

Pilit akong tumango at hayaan siyang kumain. Napatingin naman ako sa labas ng biglang tumunog ang doorbell, nagkatinginan pa kami ni Sir Morgan bago ako kumaripas ng takbo papalabas para buksan ang gate.

"Hello? Sino po si-"

"Who are you?" Isang matandang babae ang bumungad sa akin. Hindi siya literal na matanda, parang nasa 40's ang edad niya at mukhang galante pa.

"Kayo po sino kayo? At anong pong kailangan niyo?" Balik kung tanong sa kanya. Halatang nainis siya dahil sa sinabi ko, pinandilatan niya ako ng mata kaya pati ako ay nagtaka rin a ginagawa niya.

"How dare you asked me that!? Get out of my way!" Gusto kung takpan ang tenga ko dahil sa lakas ng sigaw niya. "Move! Hindi mo ba ako naririnig!?" Imbes na pakinggan siya ay nanatili ako sa harap ng gate.

"Magpakilala po muna kayo Manang, hindi po basta-bastang tumatanggap si Sir ng bisita pasensya na pero hindi ka makakapasok hanggat hindi mo sinasabi sa akin kung sino ka." Matapang kung sabi sabay taas rin ng kilay ko, pinag krus ko pa ang dalawang braso ko.

"Hah! Ang kapal ng mukha mong harangan ako! At ano 'Manang'!? You!" Muntik na akong matumba ng bigla niya akong tinulak. Gusto kung pigilan siya pero tuloyan na siyang nakapasok at naglakad papasok sa loob. Malalagot nanaman ako kag Sir Morgan nito!

Mahigpit niyang pinagbabawal ang pagpapasok ng ibang tao lalo na pag walang permiso niya! Tanging mga kaibigan niya lang ang hinahayaan niyang makapasok o bumisita dito sa mansyon.

Dali-dali akong sumunod papasok sa loob, nagsimula na rin akong kabahan dahil alam kung mapapagalitan nanaman ako. Sino ba kasi ang babaeng 'yon, imposible namang isa siya sa mga babae ni Sir? Hindi ata kapani-paniwala 'yon!

Halos doble ang edad 'non kay Sir Morgan!

Huli na nang makapasok ako sa loob, magkaharap na silang dalawa. Nakatayo si Sir Morgan mula sa pagkakaupo niya at binaba ang bawak niyang table knife at tinidor. Pinahiran pa nito ang gilid ng labi niya.

"Mabelle." Walang emosyong tawag sa akin ni Sir Morgan. Dahan-dahan akong tumingin sa kanya at saktong nag tama ang tingin namin. "Get me a shirt." Tumango ako at tumakbo papunta sa taas.

Halos mahulog ako sa hagdan dahil nanginginig ang tuhod ko, mabuti na lang at hindi napansin 'yon ni Sir Morgan. Kumuha ako ng damit niya sa kwarto at bumalik sa baba.

"Ito na po, Sir." Inabot ko sa kanga ang t-shirt na kinuha ko sa kwarto.

"Who is she? Your maid?" Nagsalita 'yong babae habang ako ay tahimik na nakikinig sa gilid.

"What are you doing here?....." Pinutol ni Sir ang sasabihin niya. "Mom?"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa narinig ko. Gusto kung sampalin ang sarili ko ngayon, at hinihiling ko na sana panaginip lang ang nangyayari ngayon!

Nanay niya ang nasa harapan niya!? Baka magalit si Sir Morgan sa akin dahil pinigilan kung makapasok ang mommy niya! Hindi ko naman kasi alam at hindi rin agad sinabi ng Mommy niya! Mas lalo lang akong napayuko dahil sa kahihiyan, akmang maglalakad ako paalis ng humarap sa akin ang mommy niya.

"I'm visiting you, Morgan, my son." Diniinan nito ang salitang 'Son' bago tumingin sa akin. "And..I'm asking you anak, is she your maid?" Gumuhit ang ngisi nito sa labi.

"Why are you curious?" Tanong sa kanya ni Sir. Kung mag usap sila ay parang kahapon lang sila nagkita, ni hindi man lang sila nagkamustuhan? O nag yakapan? Para kasing ngayon lang sila nagkita.

"I don't like her! Nakakainis siya! Tinawag niya akong Manang! and even block my way! Ayaw niyang papasukin ako sa bahay ng mismong anak ko!" Patay. Nag sumbong nga!

Humarap ako kay Sir Morgan, naglalakad siya papalapit sa akin!

"A-ah S-sir M-morgan, h-hindi--"

"You really did?" Hindi ko mabasa ang emosyon sa mukha niya, habang papalapit siya sa akin ay palakas rin ng palakas ang kabog ng dibdib ko.

"H-hindi ko p-po k-kasi--" naputol ang sasabihin ko.

"That's good." Ilang ulit akong napakurap.

"P-po?"

Bakit hindi siya galit? Bakit hindi ko makita ang galit sa mukha niya? Imbes na sermonan niya ako ay inakbayan niya ako!

"Good job, Honey."

H-honey!? Ano!?

Pareho kaming napanganga, ako at ang Mommy niya.