Browse stories

The Prank Call to the Mafia Boss

Language: fil

Hindi aakalain ni Mara na ang kaniyang simpleng katuwaan lamang ang siyang magpapabago pala sa kaniyang buhay. Hindi niya lubos aakalain na makikilala ang kakaibang lalaki na si Kayden Hemsworth. Sa kaniyang ginawa ay matatagpuan niya ang lalaking mamahalin niya buong buhay nito. Sa simpleng tawag sa telepono nagbago ang kaniyang buhay. Hinanap at pinanagot hanggang sa sila ay matutong mahalin ang isa't-isa. Sa isang simpleng Prank call ay nakilala niya ang ubod na supladong Mafia Boss ngunit nakakaibig ang pisikal na katangian nito. Kalaunan na-realize niya na dahil sa Prank call with…

Available chapters

  1. Chapter 1
  2. Chapter 2
  3. Chapter 3

Chapter 1

Amara's POV

"Give me a number." Utos ko sa pinsan ko na ngayon ay na sa tabi ko. Na sa isang restaurant kami sa mga oras na ito at kasalukuyang kumakain.

"One." Napaikot ako sa mata ko dahil sa naging tugon ni Clarise sa akin. 

"I said phone number and make sure hindi galing sa contacts mo." Pag-uulit ko kaya napangisi ito.

"Okay," sabi niya at agad sinabi ang numero na agad ko namang dinial.

"Anong gagawin mo diyan?" Tanong niya sa akin kaya nginisihan ko na lang ito. 

"Maglalaro lang ako. Pangtanggal boredom." Sagot ko sa kaniya at pinagpatuloy ang ginagawa.

"Hello!" Galit na boses agad ang bumungad sa akin sa telepono. 

"Ngayon ikaw pa ang may ganang magalit! Matapos mo akong makuha kagabi!?" Nakangising sabi ko sa kabilang linya.

Mabuti na lang parang si the flash ang isip ko. Ang bilis makaisip na kung ano ang gagawin.

"Who the hell are you!?" galit niyang tanong kaya pigil ang tawa ko.

"Iyan problema sa 'yo! Hindi mo na ako kilala matapos mong makuha ang pagkababae ko. Hoy! Binabalaan kita kapag hindi ka makikipagkita sa akin sa park diyan malapit sa 'yo ay ipapahuli kita!" Gusto ko nang matawa nang malakas dahil sa sinasabi ko sa kaniya.

"Is this a prank? Kung prank ito, humanda ka sa akin dahil hahanapin kita! Mas lalo mo lang pinapainit ang ulo ko!" Sabi niya kaya mas lalo pa akong natuwa.

"Iyan diyan ka magaling,  pagkatapos nang lahat ay sasabihan mo ako na umiinit ulo mo samantalang noon, ako pampalamig mo." Hindi ko alam ano sinasabi ko.

"Bullshit! Hindi kita kilala at kapag oras na makilala kita humanda ka sa akin!?" Agad ko namang naibaba ang telepono pagkatapos sabihin niya iyon.

"Takte, hindi ko alam kung paano ako tatawa nang malakas sa kaniya." Sabi ko pero natahimik lang at hindi tumatawa ang pinsan ko.

"Natutuwa ka pa niyan. Si Mr. Hemsworth ang na prank mo!" Nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi niya.

"What? Paano nangyari 'yon?" Kinakabahang tanong ko.

"Dahil iyon ang binigay kong number sa 'yo." Sabi niya sa akin.

"Ano? Si Mr. Hemsworth and binigay mo sa akin na isang Mafia boss!?" Hindi makapaniwalang sabi ko.

"Sorry Insan..."  Tanging nasambit ng pinsan ko kaya napapailing na lang ako.

***

"Ano 'yan?" Ito ang gumising sa akin isang umaga. 

"Mama naman inaantok pa ako, e." kinusot-kusot ko pa ang mata ko at binaliwala ang presensiya ni mama at nahiga ulit. 

"May sunog!" Malakas na sigaw niya na siyang nagpabangon sa akin.

"Nasaan ang sunog!" Parang buong organs ko nagising dahil sa sigaw ni mama. 

"Iyan lang pala magpapagising sa iyo!?" Sabi niya sa akin kaya nag-roll eyes ako. 

"Akala ko pa naman may sunog." Sabi ko kaya piningot ni mama ang tainga ko.

"ARAY KO NAMAN PO." Nahimas ko tuloy ang tainga ko nang wala sa oras.

"Ano 'yan?" Tanong ni Mama na tinuro pa ang diyaryo kaya napa-roll eyes ulit ako. 

"Ang laki mo na mama hindi mo pa alam 'yan. Diyaryo 'yan ma, sa english newspaper..." Hindi ko natapos ang sasabihin nang bigla niya naman akong piningot sa tainga ko.

"Alam kung diyaryo 'yan ang gusto kong malaman ay bakit nandiyan mukha mo." Saad niya kaya napaubo ako.

Agad kong kinuha ang diyaryo at nanlaki ang mata ko nang mabasa ang nakasulat doon.

"T-takte..." Tanging nasabi ko kaya naman agad akong tumakbo papasok ng banyo. 

Kailangan ko nang pumasok para makausap si pinsan. Patay talaga ako nito dahil kalat na kalat na ang balita.

"Teka paano nalaman no'ng Mafiang 'yon na ako ang katawag niya? Dapat ko na talagang kausapin si Clarise." Sabi ko at dali-daling nagbihis.

Mga ilang minuto lang ay natapos na ako sa ginagawa ko. Nilagpasan ko lang si mama at agad nagpara ng taxi. 

Pagdating sa skwelahan ay agad napatingin sa akin ang mga estudyante. Dahil may likas akong confidence sa katawan ay taas noo akong maglakad at binaliwala sila.

"INSAN!" Malakas na sigaw ko ng makita ito. 

"Takte ka, napanood mo na ba ang balita?" Tanong niya kaya napakunot noo ako. 

"Hindi, bakit anong meron?" Tanong ko kaya nag-roll eyes ulit ito.

"Ugh, saan ka ba nagpunta at bakit hindi mo nakita ang balita?" Tanong niya kaya naman ay umikot ulit ang mata ko.

"Sa telebisyon hindi, pero sa diyaryo, oo." Sabi ko sa kaniya.

"Hindi siya 'yon?" Napatigil naman ako nang marinig iyon.

"Hala siya nga."

"Hindi naman kasi nag-iisip at malaking tao pa talaga ang binangga."

"Kung ako sa kaniya ay hindi na ako papasok."

"Minuto na lang ang bibilangin ko at mapapatalsik na siya dito."

"Excuse me po? Puwede pakisara ng bibig niyo? Mukhang nangangamoy alingasaw na." Nakangiti kung sabi kaya napaiwas sila nang tingin sa akin.

"Mga tsismosa kay aga-aga pa." Saad ko at tinignan ng masama ang mga kaklase namin.

"Hayaan mo na, ngayon ang isipin mo ay paano mo haharapin si Mr. Hemsworth." Bigla naman akong napalunok ng maalala ang ginawa ko.

"Kasalanan mo 'yon kasi bakit siya binigay mo sa 'kin." Saad ko sa pinsan.

"Hoy, hindi ba sabi mo hindi sa contacts ko kumuha?" Napakunot noo naman ako sa sinabi niya.

"Kung hindi sa contacts mo, saan mo kinuha ang number aber at paano mo nasabi na kay Mr. Hemsworth 'yon?" Tanong ko kaya napangisi ito. 

"Memorize ko." Sabi niya kaya napaikot na naman ang mata ko dahil doon.

"Kaya naman pala, siguro doon mo kinuha sa notes ng papa mo hindi ba tama ako?" Tanong ko kaya tumango ito sa akin.

"Huli na nang ma-realize ko na sa kanya pala 'yon. Kung hindi ko pa narinig boses niya ay hindi ko malalaman na si Mr. Hemsworth pala iyon." Sabi niya kaya napa-roll eyes ulit ako. Pahamak talaga ang babaeng ito.

"Kasalanan mo iyon kaya ikaw ang humarap sa kaniya." Saad ko kaya natawa ito.

"Nakalimutan mo na ata na mukha mo ang nakalagay doon kaya hindi ako damay at isa pa, ikaw ang tumawag." Sagot naman niya.

"Hindi naman ako takot doon.  Isasabit ko pa siya patiwarik kapag nakita ko siya." Confident na saad ko at bahagyang napaawang ang labi ni Clarise. Bali magkaharap kasi kami sa isa't-isa ngayon.

"Iyang si Mr. Hemsworth, pangit kaya niya tapos balita ko bakla daw siya." Dagdag ko pa. "Lalaki mga type no'n, ayon ang mga naririnig ko." Sabi ko pa na hindi alintana ang gulat sa mukha ni Clarise.

"Mara..." Napataas kilay naman ako dahil natulala lang si Clarise at ngumuso pa para lumingon ako sa likuran ko.

Pagkagulat ang nasa mukha ko nang isang dangkal na lang ang layo namin ng isang lalaki.

"Can you repeat what you said?" Namutla ako nang mapagtanto kung sino ito.

"Multo!" Malakas kong sigaw kaya naman ay napatingin silang lahat sa 'kin.

Chapter 2

Amara's POV

"Amara anong sinasabi mo?" Kinakabahang tanong ni pinsan sa akin.

"Lumipat 'yong estatwa ni Mr.  Hemsworth." 

Pero iyong totoo ang walley ko. Gusto ko lang mawala iyong tense sa dibdib ko kasi naman nakaharap si Mr. Hemsworth sa harap ko at hindi ko alam na matangkad pala ito. At higit sa lahat bata pa siya, feeling ko ka-edad ko lang siya.

"Boss that's her." Biglang sabi ng kasamahan niya kaya napalunok naman ako.

"Ay, may kasama ka pala akala ko mga kahoy lang." Biro ko kaya sinamaan ako ng tingin ng mga ito.

"So ikaw pala iyong babaeng na trace namin.  Ikaw ang prank caller ko." Sabi ni Mr. Hemsworth sa mahinang boses pero may pagkadiin. 

"Hingang malalim Mara, kaya mo ito." Bulong ko sa sarili ko.

"Anong tinutukoy po ninyo?" Maang-maangan kong tanong dito.

"Yes or no lang isasagot mo." Sabi niya kaya nanayo ang balahibo ko. Dahil sa takot at higit sa lahat kinikilig ako deep inside kasi ang guwapo pala nito sa personal.

"Wala bang maybe?" Tanong ko kaya tinaliman niya ako nang tingin.

"Damn it! Will you please shut your mouth!" Galit niyang sabi kaya napaawang ang labi ko.

"Ikaw ba si Amara Delgado?" Tanong niya kaya hindi ako kumibo. 

"Damn it. Answer me with yes or no and please speak now!" Medyo napatalon pa ako nang kaonti dahil sa pasinghal niyang sabi.

"Ang labo mo rin po, sabi mo kanina shut your mouth." Sabi ko kaya naman hinawakan niya ang wrist ko. 

"Stubborn." He murmur. 

"Oo ako si Amara Ignacio Delgado." Sabi ko kaya naman ay mas lalo pa niya ako tignan nang masama.

"Akala mo ba hindi kita mahahanap. Ang tanga mo rin para buksan ang location mo kaya na trace kita at madali lang sa akin ang mahanap pangalan mo." Sigaw nito sa akin.

"Ang galing niyo naman puwede po ba akong magpa-authograph?" Pamimilosopo na tanong ko kaya hinawakan pa niya ang kamay ko.  Napadaing pa ako dahil medyo mahigpit ang pagkakahawak niya.

"Come with me. You should be punish for pranking me!" Sigaw na sabi niya sa akin.

"Teka, Mr. Hemsworth may dumi po kayo sa mukha." Sabi ko kaya naman dali-daling binitawan ni Mr. Hemsworth ang kamay ko. Ito naman ang pagkakataon ko para makatakbo. 

"Damn! Come back in here!" Sigaw nito pero tumakbo na ako paalis.

"Good-bye Mr. Hemsworth, the gay Mafia boss!" Malakas na sigaw ko habang tumatakbo na paalis.

"Kapag naabutan kita humanda ka sa akin babae ka!" Ito ang huli kung narinig na sabi niya kaya naman natawa ako nang malakas.

"Akala niya mahahabol niya ako pero hindi niya ako mahahabol. Pinaglihi kaya ako kay the flash." Parang baliw na sabi ko sa sarili.

"Ang problema ko ay anong sasabihin ko kay mama nito." Napapakamot pa ako sa ulo ko dahil doon. "Babalik na lang ako mamaya sa school, alam ko namang aalis din mga 'yon." Sabi ko pa kaya naman umupo muna ako sa may bench. 

"Hotdog!" Malakas na sigaw ko ng may makita akong food stall.

"Limang stick ng hotdog po." Sabi ko at agad naman akong binigyan. 

Dala-dala ang mga hotdog ay nagdesisyon akong bumalik sa school. Pasimple akong naglakad at palinga-linga pa sa paligid. 

Nagsisimula na kasi ang first period namin. Liliban muna ako at sa likod ako tatambay. I was about to walk my feet away when someone talk behind my back which made me froze.

"And where do you think you're going?" Isang pamilyar na boses ang narinig ko kaya naman ay biglang tumalon ang puso ko dahil sa sobrang kaba.

Nanatili pa rin akong nakatalikod at hindi ko magawang humarap pa. Napahigpit naman ang paghawak ko sa hotdog.

Dahil sa tense ay kinain ko ang isang stick ng hotdog pero hindi kabilang 'yong stick, hotdog lang. Sino bang baliw ang kakain sa stick, psh.

"Humarap ka ngayon din." Utos ng may-ari ng boses sa akin at kung makapag-utos ito ay akala mo naman kung sino.

Familiar iyong boses niya at alam ko kay Mister Hemsworth ito at hindi nga ako nagkamali siya nga ito. Gano'n nalang ang pagkabog ng puso ko nang makita ito.

"Haha... I-ikaw pala iyan." Pinilit ko pang matawa pero mukhang hindi effective dahil masama niya pa rin akong tinignan. Sobrang lakas na nang kabog ng puso ko.

"A-ako nga pala si Amara Ignacio Delgado, call me, Mara po..." Sabi ko sa natatawang reaction. 

"I don't care your name! What I want is your explanation and why the hell you prank me, huh!?" Diin na pagkakasabi niya para mapalunok ako sa kaba.

"T-teka lang po, Mr. Hemsworth huminga po muna kayo nang malalim mukhang napagod po kayo." Sabi ko at ewan ko kung saan kaya ako kumuha nang lakas para maging chill-chill lang samantalang kaharap ko ang na-prank ko and worst, may-ari pa ng school na pinapasukan ko!

"Oo, napagod ako. Napagod ako kahahanap sa 'yo at ngayon na nakita ulit kita ay hindi ka na makakaalis pa mula sa akin." Sabi nito sa akin at literal na napaawang ang labi ko. Kinagat ko pa ang hotdog na hawak habang tinitignan si Mr. Hemsworth na ngayon ay hindi na maipaliwanag ang reaksiyon sa kaniyang mukha.

"It looks like, I am talking to a crazy woman." Saad niya at napahilot pa sa sentido nito.

"Halika! Sumama ka sa akin!" Bigla niyang hinawakan ang wrist ko at saka hinila paalis. Hindi ko na tinangkang tumakbo pa kasi baka mahulog pa ang hotdog ko at isa pa, alam ko naman na hindi niya na ako hahayaang tumakas. Napagod na rin akong kakatakas sa kaniya.

"Hala patay siya, wala na siyang kawala."

"Gaga kasi, hindi inaalam sino binabangga niya." Rinig na rinig ko pa ang Bulungan ng mga kaklase ko.

"Pero ang swerte niya at si Mr. Hemsworth pa rin 'yan ang guwapo."

Napailing nalang ako nang marinig na naman ang mga bulungan nila. Ito guwapo? E bakla nga siya.

"Saan niyo po ako dadalhin?" Tanong ko kay Mr. Hemsworth.

"Sa punishment room." Bigla pa akong napahinto sa paglalakad at walang humpas sa pagkabog ang puso ko dahil sa takot.

Chapter 3

Amara's POV

"What?" Inis niyang tanong sa akin. Bigla naman akong namutla nang malamang sa punishment room pala ang bagsak ko. Ayoko doon at hindi ko alam kung papaano pa ako makakatakas mula sa mga kamay niya.

"Huwag niyo po akong dalhin do'n." Sabi ko na nagpailing dito.

"Sana inalam mo muna 'yan bago mo ako kinalaban. You just mess with the wrong person." Sabi niya ay napalunok ako.

"Hindi ko naman talaga kasi alam na ikaw pala 'yong na prank call ko, e." Napapakamot pa ako sa ulo ko habang sinasabi iyon sa kaniya.

"At ano nga ang sabi mo sa 'kin? Na babae kita? Pinagbibintangan mo pa ako na kinuha ko ang pagkababae mo, like what the fuck!" Napalunok pa ako nang maalala ang eksaktong sinabi ko sa kaniya on phone. Sobrang kabado na ako ntayon.

"At sinabi mo pa sa akin na kapag hindi ako sumipot sa park ay ipapahuli mo ako and damn it, pumunta ako doon!" Napahagalpak ako ng tawa sa huling sinabi niya. Hindi lang ako makapaniwala na pumunta pala siya talaga sa park.

"Really, Mr. Hemsworth nauto kita? May prank bang totoo? Kita mo na? Prank nga lang 'yon. Prank!" Natatawa pa ako habang sinasabi 'yon.

"Pwes sa akin hindi lang 'yon basta prank! At alam mo bang may parusa para doon!" Saad niya kaya natigilan ako sa pagtawa.

"Anong parusa mo?" Tanong ko bigla dito. Nagulat ako nang bigla niyang kagatin ang hawak kung hotdog. Napalunok pa ako namg makita kung paano niya ito kinagat at nginuya.

"Your food tastes good." Sabi niya kaya napanganga pa ako lalo. Kinakabahan ako sa mga sinasabi niya.

"But your lips tastes better..." Sabi niya at gayon nalang ang gulat ko nang sakupin niya ang labi ko.

Literal na nanlaki ang mga mata ko at kasabay no'n ang paggalaw ng mga paa ko.

"What the hell?!" Sabi nito na napahawak pa sa alaga niya.

"Iyan ay para sa pag-prank este, sa paghahalik mo sa akin, bastos ka!?" Sigaw ko sa kaniya. Bigla ba naman siyang nanghahalik at take note, first kiss ko iyon! Kinuha ni Mister Hemsworth and first ko.

Damn.

"Humnda ka talaga sa akin, Amara! Hindi pa tayo tapos at sisingilin talaga kita!?" Sigaw niya kaya agad akong tumakbo paalis.

Iyong plano ko na pumasok sa klase ay hindi ko na natuloy pa dahil umuwi na ako ng bahay pagkatapos nang nangyari kanina. Hanggang ngayon ay naisip ko pa din ang panghahalik na ginawa niya sa akin.

"Hep! lumiban ka ba sa klase?" Tanong ni Mama kaya napa-roll eyes ako.

"Ay hindi ma, nasa paaralan pa ako." Sabi ko kaya naman pinalo niya ako.

"Ayusin mo nga pagsasalita mo, Amara." Sabi niya kaya nagusot mukha ko.

"Mama naman, e Mara nalang kasi." Nakanguso ko pang sabi sa kaniya.

"Aba may angal ka na tawagin kitang Amara?  Ako ang nagpangalan niyan, aber kaya tumahimik ka kung ayaw mong tsinelasin kita diyan." Banta niya kaya napalabi ako.

"Kaya nga... ang pangit nga, e." Bulong ko nalang.

"May sinasabi ka ba, Amara?" Tanong ni Mama kaya umiling ako. 

"I love you, nalang." Nakangiting sabi ko sa kaniya

"Huwag mo akong bolahin dahil may kasalanan ka pa sa 'kin at mag-uusap tayo mamaya pag-uwi mo. Pwes dahil nandito ka na rin hatiran mo ng pagkain ang daddy mo sa pinagtatrabahuhan niya." Sabi ni Mama kaya umaliwalas ang mukha ko. 

Simple lang naman ang buhay namin. Hindi kami mayaman at hindi din naman kami masiyadong mahirap.

"Sige ma, teka saan nga ba siya nagtatrabaho?" Tanong ko dito.

"Sa Hemsworth Enterprise." Sabi ni Mama kaya natigilan ako.

"H-Hemsworth?" Hindi makapaniwalang turan ko. Napakunot naman ng noo si Mama dahil sa sinabi ko.

"Oo, may angal ka?" Agad akong umiling bilang sagot dito.

"Wala, Ma. Nasaan na ang baon ni Papa?" Tanong ko kaya agad niyang binigay sa akin.  Agad akong umalis para pumunta sa kompanya at kinakabahan na ako.

Ilang minuto lang ay nakarating na ako at nasa harap pa lang ako ng kompanya ay nanginginig na ang mga paa ko. 

"Sana hindi kami mag-abot dito." Sabi ko sa sarili saka nagdesisyon na pumasok na sa loob.

Agad akong sumakay sa elevator at laking pasalamat ko na walang tao. Agad ko na sanang isasara ang elevator ng may biglang humabol sa akin.

"Mr. Hemsworth..." I murmur silently. Gano'n nalang kalakas ang kabog ng dib-dib ko dahil sa presensya niya.

Kaya naman agad akong tumalikod para hindi niya ako makita. Pigil hininga pa ang ginawa ko. 

"Hey, Miss." Napatalon pa ako ng kaonti dahil sa biglang pagsalita niya.

"Bakit ka tumatalikod sa 'kin?" Tanong niya kaya kinabahan ako lalo. Patay talaga ako nito kapag nakita niya at makilala.

Marami pa akong atraso sa kaniya. Ba't naman kasi sa dinami-dami ng lugar ay pinagtatagpo pa kami dito.

"Are you one of my employee?" He asked at nagulat nalang ako nang bigla niya akong iharap sa kaniya.

"Kaya naman pala!" Bigla akong napalunok nang makita ang galit niyang expression. "Kaya naman pala ay nakatalikod ka dahil ikaw pala ito, Amara." Sabi niya sa pagkakadiin na salita.

"H-how are you, M-mr. Hemsworth?" Kinababahang tanong ko. 

"Come with me." Saad niya na hinawakan pa ang kamay ko. 

"T-teka may dumi k-ka sa mukha." Sabi ko pero tinignan niya lang ako nang masama.

"Hindi mo na ako maloloko pa." Sabi niya at agad binuksan ang elevator. Marahas niyang hinila ang kamay ko kaya wala na talaga akong kawala pa.

Sa lahat ng mga santo nagsusumamo ako sa inyo. Ako'y ilayo ninyo sa kapahamakan. Sa kamay ng aking nagawan ng kasalanan. Sana'y inyong bigyan nang kaliwanagan ang lalaking ito para ako'y pakawalan.

Tahimik akong nananalangin kasi ngayon nakaramdam na ako nang takot. 

"Mr. Hemsworth, t-teka iihi muna ako." Palusot ko pero binalingan niya lang ako at masamang tinignan. 

"No way out, Amara because you'll going to pay all the sins you've done to me and you think I'm fool? I'll never let you escape from me. No freaking way, Amara." Seryosong sabi niya kaya naman ay kumabog pa lalo ng malakas ang puso ko.

Huwag niya lang akong gagalawin kung ayaw niyang unahan ko siya!