Browse stories

That Runaway Girl (Tagalog)

Language: fil

Truddi, a little pony enthusiast and 'probinsyana' girl. Her simplicity was a mark of her beauty that also attracted a group of syndicate when her relatives used her as repayment to their debts. A runaway and distressed girl but not until she met her Adonis, a real-life demigod in her eyes. Kiel Chase, the Steinfeld King and CEO of Steinfeld Empire. A real-life hunk prince for so many that adored him but a cold-blooded businessman for those who only knew him. He was enraged when his CFO stole a hundred billion in his company that is now in the blink of bankruptcy. With the help of his…

Available chapters

  1. Chapter 1
  2. Chapter 2
  3. Chapter 3

Chapter 1

"Sige, takbo pa! Tumakbo ka lang dahil sa oras na mahuli kita ay hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo!" pagbabanta ng lalaking nakabuntot sa akin ngayon.
"Huhuhu. Mommy." nanginginig ang mga lambing sambit ko. Kahit halos bumigay na ang mga paa ko at manghina na ang mga tuhod ko'y wala pa rin akong tigil sa pagtakbo. Takbo lang ako nang takbo mula sa madilim at masukal na bahagi ng gubat na kinaroroonan ko.
I need to escape! I need to get away from those smelly bastards!
Hindi ko lubos na maisip na ipinangbayad utang ako ng sarili kong mga kamaganak sa sindikatong pinagkakautangan nila. Paano nila iyon nagawa sa sarili nilang pamangkin? Pinagkatiwalaan sila ng mga magulang ko pero kahit pala sarili mong mga kadugo ay magagawa ka pa ring traydurin.
"M-Mommy, d-daddy," pagtawag ko sa mga namayapa kong mga magulang. They died last month in an airplane crush. I'm calling them to protect me from those monsters that has been chasing me for almost an hour. Gusto ko sanang tawagin ang buong gang ng little pony pero hindi ito ang tamang oras para sa kanila. This is a life and death situation and I don't know if I could see the sunrise again.
Napahikbi na lang ako dahil sa matinding takot. Hindi ko alintana ang sugatan kong mga paa at punit-punit kong suot na dulot ng mga matatalas na sangang sumasabit sa akin dahil sa walang humpay na pagtakbo. Mas lalo ko pang binilisan ang paggalaw ko dahil sa mga kaluskos at mga yabag na naririnig ko na papalapit sa akin.
Wala na akong pupweding asahan sa mga oras na 'to kundi ang sarili ko lang. Kung hindi ako gagawa ng paraan para masalba ang sarili ko ay tiyak na impyerno sa kamay ng sindikatong 'yon ang bagsak ko.
Nanlaki ang mga mata ko nang maaninag ko ang kaunting liwanag hindi kalayuan sa kinatatayuan ko. Bukod sa mga ilaw ng flashlight na papalapit sa akin ngayon ay isang dilaw na liwanag ang nagbigay pag-asa sa akin. Kailangan kong makahingi ng tulong sa kung sino man ang tao sa lugar na 'yon. Kaagad ko iyon tinungo at nakita ang maliit na camping site pero wala ako nakitang tao sa paligid.
"Tulong! Please, someone help me!" namamaos kong sigaw. Hindi ko mapigilang mapaiyak nang sa isang iglap ay mawala ang pag-asa ko. Akala ko ay makakaligtas na ako pero nagkamali ako.
Nang muli kong marinig ang yabag ng mga lalaking humahabol sa akin ay aligaga akong nagpalinga-linga para maghanap ng pweding pagtaguan. Nakita ko ang panglimang tent sa tabi ng isang puno kaya naman ito ang napili kong pagtaguan. Saktong pagbukas ko ng zipper ng tent ay bunganga kaagad ng baril ang bumulaga sa mukha ko.
Napasigaw ako sa takot saka napaupo sa lupa dahil sa tuluyang panghihina ng mga binti ko. "Who the hell are you?" tanong ng lalaki sa akin habang nakatutok ang baril n'yang hawak sa akin. Napaatras ako ng bigla s'yang tumayo at humakbang papalapit sa akin.
"I-I need your help. S-Someone's chasing me." I begged in desperation. I don't know where to go and right know he's the only option I've got.
"Nahanap din kita." narinig kong saad ng lalaking nasa likuran ko.
Hindi na ako lumingon at mabilis na gumapang papalapit sa lalaking kaharap ko na may hawak na baril. Nagtago ako sa likod ng mga binti n'ya habang sinisilip ang hindi lalagpas sa sampung mga kalalakihan na nakapalibot sa amin ngayon.
"Hmmm. At sino ka naman?" maangas na tanong nang kalbong lalaking ng ibaling ang tingin n'ya sa lalaking kasama ko.
"You don't wanna know." kalmadong sagot n'ya. Sa sobrang kalmado n'ya ay ako itong natatakot para sa kanya.
"Tsk. Ibigay mo na lang sa amin ang babaing 'yan at sisiguraduhin naming makakaalis ka sa kinatatayuan mo nang walang kahit isang pasa." alok ng lalaki na sa tingin ko ay leader ng grupo. S'ya rin ang nakausap ng tiyuhin ko kanina bago nila ako ipagtulakan sa mga lalaking 'to. Para akong maduming damit na basta-basta na lang itinapon sa mga basurang 'to.
Napadaing ako sa sakit nang hilahin ng lalaki ang braso ko kaya naman wala sa sariling napatayo ako pero kaagad din akong bumagsak sa lupa nang itulak n'ya ako sa harap ng mga sindikato.
"Nooooo!" I screamed in terror. Muli akong gumapang pabalik pero bago pa man ako makalayo ay may humila na sa isang paa ko kaya naman napadapa ako at nagsisigaw sa takot.
"Hahaha! Tama 'yan!" natatawang pahayag ng leader. Kahit nanlalabo ang paningin ko ay nakita ko ang paglapit n'ya sa kinaroroonan ko saka n'ya iniluhod ang isa n'yang tuhod sa harap ko para maabot ako. Napaangat ako ng tingin nang hilahin n'ya ang buhok ko kaya tumapat ang mukha ko sa nakakadiri n'yang mukha.
His breath smells like a rotten dead rat. Does he even know how to use toothbrush?
"Ang baho." sambit ko na lang na nagpakunot ng noo n'ya.
"Ginagago mo ba ako?" inis na tanong n'ya saka n'ya mas lalong hinigpitan ang pagkakasabunot sa akin. "Sinabi ko naman sa'yong tumakbo ka diba? Humanda ka dahil tulad ng ipinangako ko ay hindi mo magugustuhan ang gagawin namin sa'yo." Nakita ko ang pagangat ng gilid ng labi n'ya kaya naman mas lalo akong kinabahan nang maisip ang madumi n'yang binabalak sa akin.
Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ko nang hilahin n'ya ang buhok ko. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ako bumagsak sa mga tuhod ko habang pilit na itinatayo ang sarili ko. Gusto kong bawasan ang sakit na nararamdaman ko kaya naman napapasunod na lang ako sa paghila n'ya kahit pasuray-suray ang mga galaw ko.
"Let go of me! Ang baho-baho mo!" I shouted. I think this is the endgame for me. Mamamatay akong single at hindi nakakakita ng totoong little pony sa tanang buhay ko.
I'm about to gave up when I heard a loud gun shot. Nakita ko ang pagbagsak ng lalaki na may hawak sa akin kaya naman napako ako sa kinatatayuan ko nang makita ang sinapit nito. Someone just died in front of me. Napahakbang ako paatras ng maramdaman ang mainit at malapot na likido sa paa ko.
Isang tao lang ang may hawak ng baril ngayon at 'yon ang lalaking hiningan ko kanina ng tulong. Nakita ko ang pagatras ng mga miyembro ng sindikato habang nakatingin sa taong nasa likuran ko. Bakas sa mga mukha nila ang pagdadal'wang isip kong lalabanan ang armadong lalaki dahil tanging mga dagger at itak lang ang hawak nilang sandata.
Mga low-budget criminals.
Sa huli ay pinili nilang tumakbo at iwan ako. Thank ghadd they are bunch of cowards!
Dahan-dahan akong napalingon sa likuran ko at tinapat ang lalaking hindi ko pa alam ang totoong pakay sa pagbabago n'ya ng isip para iligtas ako. I'm not sure if he's my savior or my next predator.
"T-Thanks." usal ko. Is it the right time to thank him? Now that I see his face clearly I would say that he's a real-life demigod. Who's son this guy might be?
"Are you spying on us? Speak!" sigaw n'ya. Nanlaki ang mata ko nang idikit n'ya sa noo ko ang bunganga ng hawak n'yang baril. Never in my life I imagine myself as a spy. Nagiisa lang ang pangarap ko sa buhay at 'yon ang makakita ng little pony, unicorn at pegasus!
"I-I-I don't k-know what you're talking about." kabadong sagot ko sa kanya. Napahagulgol akong muli nang ikasa n'ya sa harap ng mukha ko ang baril n'ya. Gusto kong makita ulit si mommy and daddy but not right know. Not until I attain all of my dreams and enjoy even half of my life. Masyado pa akong bata para magpaalam sa mundong ibabaw.
"Don't play dumb at me." asik n'ya.
Ayaw n'ya talagang maniwala! Everyone who knew me are aware that I can't lie because I puke whenever I do that. Sabi sa akin ni mom noon na ako na ata ang pinakainosenting dalaga sa bayan namin because of my angelic face and this angel will never ever lie.
"Boss----"
Parehas kaming napalingon ni Adonis dahil sa pagdating ng isang lalaki out of nowhere. I prefer calling this demigod Adonis since it really fits him.
Nagpalipat-lipat ng tingin sa amin ang lalaki hanggang sa tumigil ang tingin n'ya sa akin. "Who is she?" turong tanong n'ya sa akin.
"That's your f*cking job Smith! Did Hamilton hired her to spy on us?" galit na tanong ni Adonis habang itinuturo ako gamit ang baril n'ya.
"I don't think so boss. Ayon sa intel ko ay walang babaing tauhan si Hamilton." sagot sa kanya ng lalaking nagngangalang Smith.
Hindi ko alam kung sino si Hamilton pero sigurado akong wala pa akong na-applayan na trabaho para ma-hired ako ng lalaking pinag-uusapan nila.
"Then who is she? Bakit hinahabol s'ya ng mga tauhan ni Hamilton?"
"I-I'm Truddi Joy Garcia." sagot ko pero mabilis akong napayuko nang samaan ako ng tiningin ni Adonis. Sa sobrang sama ay parang gusto na n'yang taniman ng bala ang bungo ko. "H-Hindi ko po talaga kilala si Hamilton." I need to defend myself. I'm just an innocent little pony enthusiast. Nothing more ,cross my heart. Sumuka man ako ng rainbow ngayon.
"Miss paano ka nga pala napunta sa gubat na 'to? Masyado ang mapanganib para sa'yo na magpagala-gala sa lugar na 'to lalo pa't madilim na." tanong ni Smith.
"I-I was chased." sagot ko habang hinahaplos ang kaliwa kong braso.
Lumaki ako dito kaya alam ko ang ilang pasikot-sikot sa gubat na 'to. My parents owned a land here but after they died my relatives sell it and used the money for their luxuries. Ngayon na nabaon sila sa utang ay ako naman itong ipangbabayad nila.
"Chased by who?"
"I-I don't know." Ang alam ko lang ay grupo sila ng sindikato.
"Just get her out of here!" muling asik ni Adonis bago n'ya kami talikuran ni Smith at maglakad papalayo. Nakahinga ako nang maluwag dahil sa pagalis n'ya. Sa wakas wala na akong ka-face to face na baril.
"Miss ihahatid na kita. Saan ka ba nakatira?"
"N-No. Hindi na ako babalik sa amin. Please let me stay here." pakiusap ko kay Smith. Kapag bumalik pa ako dun ay hindi na ako sigurado sa kahihinatnan ko.
"Sorry miss pero hindi kasi pwede. Kapag lumabas sa tent na 'yan si bossing at nakita n'yang nandito ka pa ay baka parehas tayong malagot."

Chapter 2

"What the F*ck! Smith!" sigaw ni Adonis nang magkasalubong kaming dalawa. Patay na! Nakita ko ang pagigting ng panga n'ya so I assumed that he's mad right now. Really mad! Wala sa sariling napa-sign of the cross na lang ako dahil sa sama ng tingin n'ya sa akin. Hindi ko alam kung sa diyablo o dragon ko s'ya ikukumpara. Nakakatakot kasi talaga s'ya pero kahit ganun ay walang duda na ang gwapo-gwapo n'ya pa rin.
"Y-Yes b-bossing?" Halos magkandarapa sa paglabas si Smith sa tent n'ya. Makikitang antok na antok pa s'ya dahil hindi n'ya pa tuluyang mabuksan ang mga mata n'ya.
"I told you to get her out of here! Bakit nandito pa rin s'ya?!" asik n'ya kay Smith kaya naman hindi ko mapigilang maawa rito.
"W-Whattttt? N-Nandito ka pa rin?! Gosh!" I tried my best to give Smith a sign to shut up. Gusto kong tawagin ang pangalan ng mga little pony, pegasus at unicorn na kilala ko para ipasipa si Smith. He is a worst lair than me! Hindi s'ya marunong umarte.
Kagabi nang pakiusapan ko si Smith na 'wag muna akong iuwi. Sinabi ko sa kanya ang kwento ng buhay ko at mukha namang nadala s'ya 'ron kaya pumayag s'yang manatili ako sa kondisyon na hindi dapat ako makita ng boss n'ya pero sa kasamaang palad ay morning person pala 'tong si Adonis kaya heto at nagkabukingan na nga.
"W-Wait! W-Walang kasalanan si Smith. After he brought me home ay bumalik ako rito sa takot na baka balikan ako ng mga lalaking humahabol sa akin. Don't be mad at him. It's all my fault." palusot ko pero wala pang limang segundo ng sumuka ako sa harap ni Adonis. Nakita ko ang nanglalagkit n'yang mga paa dahil sa ginawa ko.
It was unintentional. I swear!
"Ang pinaka ayaw ko sa lahat ay 'yong mga sinungaling!" bulyaw n'ya. Unti-unti akong napaangat ng tingin nang marinig ang pagkasa ng baril ni Adonis.
Nalintikan na!
"I-I'm sorry." ngawa ko dahil sa takot. Kaagad ko s'yang yinakap para hindi n'ya ako barilin.
"Damn it! Get of me!" inis na saad n'ya habang ipinagtutulakan ako palayo. Hinawakan n'ya ako sa magkabilang balikat pero hindi talaga ako nagpatalo sa kanya. Kapag humiwalay ako ay siguradong babarilin n'ya ako.
Wait. Pwede n'ya rin akong barilin kahit nakayakap ako sa kanya pero kung sa pagsuka ko pa lang ay diring-diri na s'ya ay paano pa kaya kapag kumalat na ang mga dugo ko sa katawan n'ya? Siguradong ayaw n'ya rin 'yon mangyari.
"Please don't kill me!" pagmamakaawa ko. "H-Hindi pa ako nagkaka-boyfriend. Hindi ko pa nae-experience makipag-kiss at h-higit sa lahat ay hindi pa ako nakakakita nang totoong little pony sa 20 years of existence ko sa mundong 'to. Huhuhu! I don't want to die." dugtong ko pa.
"W-What?" Naguguluhang tanong n'ya sa akin kaya naman iniangat ko ang tingin sa kanya nang hindi inaalis ang pagkakayakap sa katawan n'ya.
"I'm to young to die! Ang dami ko pang bucket lists na hindi na chi-check-an." nakangusong sagot ko habang pilit na sinisinghot ang sipon ko na nagbabadyang tumulo palabas sa ilong ko.
"Bwahahahahaahahaha!" isang malakas na halakhak ang umagaw sa atensyon naming pareho ni Adonis. Walang iba kundi si Smith. Kulang na lang ay mapunit ang labi n'ya sa kakatawa.
Anong nangyari sa kanya?
"Gusto mo makakita ng little pony? Yung may rainbow ba na buhok?" tanong n'ya habang pinupunasan ang nangingilid n'yang luha dahil sa pagtawa.
Biglang nagliwanag ang mga mata ko ng marinig ang rainbow-haired pony na tinutukoy n'ya. "May alam ka ba kung saan ako makakakita ng litle pony na may rainbow na buhok?" excited na tanong ko sa kanya na mas lalong nagpalakas ng tawa n'ya. "W-What?" kunot noong tanong ko.
Gusto kong sipain si Smith. Imbis na kasi sagutin ang tanong ko ay tawa lang s'ya ng tawa.
Anong mali sa tanong ko?
"Pathetic." narinig kong bulong ni Adonis. "Get off me." utos n'ya nang ibaba ang tingin sa akin.
"J-Just p-promise me that you won't shoot me."

"Oo na!" inis na sagot n'ya.
"Pinky swear?" Itinapat ko sa mukha n'ya ang pinky finger ko pero imbis na makipag-pinky swear sa akin ay kinuha n'ya ang natitra kong kamay na nakakapit sa likuran n'ya at inalis iyon. Akala ko ay babarilin n'ya na ako pero humakbang s'ya palayo sa akin at lumapit kay Smith.
"B-Bossing," utal na usal ni Smith na halatang takot na takot kay Adonis.
"Get her out of here or else I'll do it myself by shooting the two of you to death."
"Y-Yes boss!" mabilis na sagot ni Smith saka bumaling sa akin. "Okay miss little pony. Ihahatid na kita sa inyo."
Kapag nagpumilit pa akong manatili ay baka nga seryosohin na ni Adonis ang pagpatay sa aming dalawa. Ayoko namang idamay si Smith kaya naman susunod na lang ako sa gusto n'ya. Aalis ako pero hindi ako babalik ng bahay.
Bagsak ang mga balikat kong naglakad papalayo sa camping site. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pagbaba ko ng bundok.
"Wag ka nang malungkot pony girl. Mas makakabuti ng umalis ka ng mas maaga bago pa magsimulang maging impyerno ang lugar na 'yon." pahayag ni Smith.
"What do you mean? Paanong magiging impyerno 'ron 'e ang ganda-ganda kaya sa taas." giit ko. Nasa pinakatuktok ang camping site kaya naman maganda talaga ang tanawin sa pinagpwestuhan nila.
"Secret." usal ni Smith. “Haist. Ang inosente mo masyado.” dugtong n’ya pa.
"Smith, limang malalaking tent ang nakatayo sa camping site pero bakit dalawa lang kayo ni Adonis na nandun? May iba pa ba kayong mga kasamahan?" tanong ko. Nakakapagtaka lang kasi. Sa isang tent ay pweding magkasya ang limang tao pero bukod sa kanilang dalawa ay wala na akong nakitang iba pang tao.
"Teka, sinong Adonis? Si bossing ba ang tinutukoy mo?" natatawang tanong n'ya kaya naman nahihiyang napatango na lang ako.
"Kiel ang pangalan ng boss ko at hindi Adonis. Hahahaha! Kapag narinig ka ni boss ay baka masakal ka nun nang wala sa oras. Bwahahaha."
"Kiel," usal ko. His name sounds familiar. Saan ko nga ba narinig ang pangalang 'yon?
"By the way, nice observation, Miss pony. Actually, may iba pa kaming mga kasama ni bossing."
"Nasaan sila?"

"Working." tipid na sagot ni Smith habang abot tenga ang ngiti sa labi n'ya. He's weird.
"Wait. Anong trabaho?" tanong ko habang hinahabol s'ya dahil sa malalaki n'yang paghakbang pero kaagad akong napadaing nang matapilok ako at tumama ang noo ko sa matigas na likod ni Smith. "Aray," daing ko habang hinihimas ang noo ko.
"Miss pony," tawag sa akin ni Smith. "Run," dugtong pa n'ya na ikinakunot ko ng noo.
"Huh? Bakit?" tanong ko kaya naman kaagad ko s'yang sinilip bago sundan ang kanina n'ya pa tinititigan.
Nanlaki ang mga ko nang makita ang ilang mga kalalakihan na nakaitim at nakaharang sa daraanan namin. Kung tama ang estimate ko ay hindi lalagpas sa labing lima ang mga lalaking kaharap namin ngayon. Nakita kong may hawak na baril ang ilan sa kanila habang ang iba naman ay may bitbit na staff at itak.
Pamilyar sa akin ang mukha ng ibang mga lalaki. Sila rin ang humabol sa akin kagabi at ang pinagkaiba lang ngayon ay mga bagong ligo na sila.
Pareho kaming napataas ng mga kamay ni Smith nang itutok sa amin ng isang lalaki ang baril n'ya.
"You want me to run? Paano kung pinaulanan nila ako nang bala?" inis kong bulong kay Smith.
"I will shield you with my body." confident n'yang sagot sa akin na ikinaikot ko na lang mata. Mas malaki pa ang tiwala ko na may darating na pony rescue sa akin kesa sa mga sinabi n'ya.
"You can't do that."
"Hoy! Anong binubulong-bulong n'yo jan?!" sita sa amin ng lalaki.
Nagulat ako ang bigla na lang sikmuraan ng isang lalaki si Smith gamit ang mahaba n'yang baril. Napaluhod sa lupa si Smith habang paulit-ulit na nagmumura. Napatakip ako ng bibig ko sa sobrang gulat dahil sa ginawang 'yon ng lalaki. Nang maalala ko ang nasaksihan ko kagabi na pagkamatay ng lider sa harap ko ay doon na ako muling napahikbi. Iyon din ang dahilan kung bakit hindi ako nakatulog kagabi.
Ayoko nang maulit 'yon. Baka tuluyan nang bumigay ang puso ko sa kaba at atakihin na lang ako kahit wala naman akong sakit sa puso.
"Miss pony," tawag sa akin ni Smith. Hinawakan n'ya ang braso ko at hinila ako papaupo malapit sa kanya.
"A-Ayos ka lang b-ba?" pumipiyok na tanong ko sa kanya.
"Oo. Sanay na ako sa sakit ng katawan." natatawang pahayag ni Smith pero halata sa mukha n'yang tinitiis n'ya lang ang sakit.
"Nasaan na ang boss mo? Nandoon pa rin ba s'ya sa taguan n'yo?" tanong ng lalaking may spike hair style. Nakita ko ang pagsenyas nito sa iba n'yang kasamahan. Pitong lalaki ang umabante papunta sa daang tinahak namin kanina ni Smith. Papunta 'yon sa lugar na kinaroroonan ni Kiel.
"Kung sineswerte ka nga naman. Nandito rin ang ipinangbayad utang ng mga Garcia." napasigaw ako sa takot nang hablutin ng lalaki ang braso ko pero bago pa man ako makalapit sa kanya ay hinawakan din ni Smith ang kabila kong braso kaya naman para silang nagta-tag of war at ako ang lubid.
"Wag!" sigaw ko nang lapitan ng apat na lalaki si Smith at pagbubugbugin. Hinila naman ako ng lalaking nakahawak sa braso ko papunta sa madamong lugar bago n'ya ako itulak dahilan para mapasalampak ako sa lupa.
Tumayo ang mga balahibo ko sa katawan ng makita ang nakakapangilabot n'yang ngisi sa labi. "Hubad!" utos n'ya. Imbis na sundin ang iniuutos n'ya ay mahigpit kong hinahawakan ang damit ko saka umatras papalayo sa kanya. Mas gugustuhin ko pang mamatay na lang kesa lapastanganin n'ya ang katawan ko.
Nagsisigaw ako sa matinding takot at sakit nang hilahin n'ya ang buhok ko. Pilit kong hinahampas papalayo sa akin ang isa n'yang kamay ng hawakan n'ya ang bandang kwelyo ko bago walang hirap 'yon na punitin. Sa ginawa n'yang 'yon ay halos tumambad sa harap n'ya ang dibdib ko. Dahil sa pagpupumiglas ko ay tumama ang kamay ko sa mukha n'ya na ikinagalit n'ya.
Halos umikot ang paningin ko nang makatanggap ako nang isang malakas na sampal mula sa kanya. My parents never lay their hands on me but his guy almost drag my consciousness with his slap.
"Truddi! Run!" sigaw ni Smith na nagpabalik sa katinuan ko. Nakita kong may hawak s'yang baril habang nakatutok 'yon sa lalaking kaharap ko. "Run!" sigaw n'yang muli kaya naman wala sa sariling napatakbo ako papalayo sa kanila bago marinig ang sunod-sunod na putok ng baril mula sa kinaroroonan nila.
Napatigil ako sa pagtakbo at nilingon si Smith pero halos takasan ako nang lakas nang makita ang nakahandusay n'yang katawan. Nakita kong pinaputukan muli ng lalaki ang katawan ni Smith bago ibaling ang tingin sa direksyon ko.
Muli akong napatakbo dahil sa pagpapaulan ng bala sa direksyon ko. Nanlalabo ang mga mata ko dahil sa mga luhang kumakawala sa mga mata ko.
Patay na s’ya. Kapag tumigil ako sa pagtakbo at nahuling muli nang lalaking 'yon ay masasayang lang ang sakripisyo ni Smith.

Chapter 3

Itinali ko ang mahaba kong buhok saka paulit-ulit na pinunasan ang basa kong mukha dahil sa patuloy na pagbagsak ng mga luha ko. Muli kong inihakbang ang mga paa ko pero dahil sa matinding takot na bumalot ngayon sa akin ay nanatili ako sa kinatatayuan ko. Kailangan kong puntahan si Kiel. Alam ko ang mas mabilis na daan dito kaya may posibilidad na mauna akong makarating sa kinaroroonan n'ya pero gustuhin ko mang tumakbo ay ayaw naman ng mga paa kong gumalaw.
Kanina naman ay mabilis akong nakatakas sa demonyo na nakabuntot sa akin pero bakit ngayon ay ayaw ng gumana ng mga binti at paa ko. Dahil sa inis ay pinaghahampas ko ang hita ko. Kapag hindi ko nagawang balaan si Kiel ay siguradong matutulad din s'ya kay Smith at ayokong mangyari 'yon.
Ngayong wala na si Smith ay pakiramdam ko'y sa akin na nakasalalay ang buhay ng boss n'ya. Bilang kabayaran sa ginawa n'ya ay kailangan kong mailigtas mula sa mga demonyong 'yon si Kiel.
Sa akin nag-ugat ang lahat ng 'to kaya naman kailangang may gawin ako.
"You can do this." bulong ko sa sarili ko. Ipinikit ko ng ilang segundo ang mga mata ko bago bumuga at lumanghap ng panibagong hangin. Nang maramdaman ko ang paggaan ng mga binti ko ay doon na ako nagsimulang tumakbo ulit pero wala pang sampung hakbang ng bumulaga sa harap si Kiel.
"Kiel," gulat na usal ko sa pangalan n'ya.
Gusto kong kantahin ang paborito kong little pony song dahil sa tuwa ng makita si Kiel pero hindi ito ang tamang oras at tamang lugar para gawin 'yon.
"Nasaan si Smith?" seryoso n'yang tanong kaya naman naramdaman ko na naman ang pamamasa ng mga mata ko. Ilang balde na kaya ng luha ang inilabas ko sa araw na 'to? Isa pang beses na umiyak ako ay siguradong mawawalan na ako ng tubig sa katawan.
"I-I-I'm sorry. K-Kasalanan ko. H-He saved me."
"Where is he?" muling tanong n'ya.
"H-He's dead." Sinubukan kong huwag umiyak sa harap n'ya pero hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at tuluyan ng napahikbi.
Wala akong nakitang bakas nang lungkot sa mukha ni Kiel. Kalmado pa rin ang mukha n'ya at walang emosyon pero nang ibaba ko sa mga kamay n'ya ang tingin ko ay doon ko na nakita ang mahigpit na pagkuyom ng mga kamao n'ya.
"Hamilton," narinig kong bulong n'ya. "Tumakbo ka na palayo rito kung ayaw mong madamay sa gulong 'to." pagtataboy n'ya sa akin.
"Boss," tawag ng isang lalaki. Nakasuot ito ng bullet proof vest habang may mahabang baril na nakasabit sa katawan n'ya. Sumunod ang ilang pang mga kalalakihan na sa tingin ko ay nasa higit sa sampu ang bilang. "Kumikilos na sila. Hindi ko alam kung paano nila nalaman na nandito tayo pe---." pahayag ng lalaking may pilat sa kanang baba nito.
"Get ready." utos ni Kiel nang hindi man lang pinapatapos sa pagsasalita ang lalaki.
Ito na ba ang sinasabi ni Smith na magigng impyerno ang lugar na 'to? Hindi lang 'to tungkol sa akin. May kinalaman din ang trabaho ni Kiel sa kung sino man ang tinutukoy n'yang Hamilton na pinagkakautangan rin ng pamilya ko.
Naramdaman ko ang pagpatong ng kung ano sa ulo ko. It was a jacket. Nilampasan na ako ni Kiel kaya naman hindi ko na nagawang magpasalamat sa pa kanya.
6 MONTHS LATER
"Thank you po." nakangiting saad ko nang iabot sa akin ng landlady ang susi sa bago kung apartment.
Hindi ko na matandaan kung pangilan ko ng apartment 'to sa loob ng anim na buwan. My situation is exhausting for me. Kapag isang beses pa na may nakahanap sa akin sa kabilang panig ng mundong 'to ay sa kalsada na lang ako titira. Well, at least kasama ko si Sunny. She will accompany me.
Inilibot ko sa studio type apartment ang tingin ko. Wala man lang libring bed frame. Nahiga ako sa sahig habang yakap ang little pony stuff toy ko na si Sunny. Gusto ko sanang lagyan ng decoration ang buong kwarto na may theme na little pony kaya lang ay baka masayang na naman ang pagod at pera ko kapag may nakahanap sa aking tauhan ni Hamilton.
I just want to live in peace. Hindi ko alam kung magkano ang utang ng relatives ko sa sindikatong 'yon para hindi nila ako tigilan. Ano bang mapapala nila sa akin? Kapag ba ibenenta nila ang mga lamang loob ko ay bayad na ba ang pamilya ko?
I don't want to live in fear anymore. I don't want to runaway. I want to settle down and live a happy life like my parents wanted me too. Ipinatong ko sa mga mata ko ang braso ko saka sinimulang matulog pero imbis na dalawin ng antok ay masasamang alaala ang nakita sa pagpikit ko.
"Sunny, I think it's time for me to find a job." pagkausap ko sa stuff toy na yakap ko.
***
Another sunny day arrive at the City. "Mamamatay na ata ako." bulong ko sa sarili ko habang naglalakad sa abalang kalsada na binabaybay ko. One and a half hour of slept. Panibagong record na naman para sa akin. Last time ay halos dal'wang oras akong nakakatulog at hindi na lumalagpas doon pero ngayon ay paikli na nang paikli ang buhay ko.
"I need coffee. A lot of coffee." bulong ko ulit.
Kumislap ang mga mata ko nang makita ang kakaibang cafe na nadaanan ko. Bagay na bagay ang pangalan sa architectural design nito, 'Fairy's Cabin '.
"Good Morning," matamlay na bati sa akin ng babae nasa counter.
Sa ngayon ay ako palang ang customer sa loob. It's already 9 in the morning but no customer except for myself. Mukhang hindi sikat ang cafe na 'to pero bakit kaya? Tinungo ko ang counter at nakita ang masasarap na desert na naka-display rito. Hindi ko pa natitikman pero sarap na sarap na ako.
"Hi," walang kabuhay-buhay na bati sa akin ng babae kanina. 'Hester’ - basa ko sa suot n'yang name plate. Wala rin ibang employee so I assumed that she's the owner of the cafe.
"H-Hi," nakangiting bati ko sa kanya. "Brew coffee please and hmmm ano po 'yung pinakamurang cake ninyo?" tanong ko. Nagtitipid ako.
"Cheesecake and ube cake." sagot sa akin ni Hester.
"One slice of cheesecake please." I politely said.
"Okay. You can take a seat while you wait. Meron din kaming mga magazine and books that you can borrow while you're here." pahayag n'ya.
For an owner of a cafe, she's kinda unique. She does not sound mean at all it just that she sounded so boring. Wala akong nakikitang rainbow sa paligid n'ya. Para s'yang kinulang sa sikat nang araw dahil sa tamlay ng katawan n'ya. She also looked pale. May dumadaloy pa bang dugo sa katawan n'ya?
"Okay. Thank you po."
Naupo ako sa pinakamalapit na bookshelf saka kumuha ng magazine. Habang nagtinitingnan ang bawat pahina nito ay may isang litrato na umagaw sa pansin ko.
"Kiel?" sigaw ko.
"Here's your order." saad ni Hester saka inilapag sa harap ko ang mga inorder ko. That was fast. Anyway, bakit nasa magazine si Kiel? Artista ba s'ya?
"Do you this guy?" tanong ko kay Hester saka itinapat sa mukha n'ya ang magazine na hawak ko.
"Yah. Everyone knows him."
"Except me." bulong ko.
"He is a well-know business tycoon. Mapaloob at labas man ng bansa ay kilala ang Steinfeld King. He is Kiel Chase Steinfeld. Saan ka ba planeta nanggaling?" tanong ni Hester na mahina kong ikinatawa.
Steinfeld King. Bagay na bagay nga sa kanya ang pangalang 'yon. Muli kong ibinalik sa litrato ang tingin ko at pinagmasdan s'yang mabuti. Kahit sa picture ay hindi s'ya ngumingiti but he really looks charming and hot though.
"Crush mo rin?" tanong ni Hester.
"N-No."
"He's getting married."
"Ano? Ikakasal na s'ya?" hindi makapaniwalng tanong ko.
"Yahh. Don't be upset. You said you didn't like right?"
"O-Of course not." usal ko na lang saka isinara ang magazine na hawak ko. I'm not upset, I'm just shock that he's getting married.
'Steinfeld King Kiel will soon tie a knot! Childhood friend Sweetheart Amelia De Lapaz.' - It was printed on the magazine cover.
"Good morning sunshine!" sigaw nang isang lalaki na kakapasok lang ng cafe.
"Bwisit talaga." narinig kong bulong ni Hester sa sarili n'ya. Napaikot s'ya ng mata saka mabilis na naglakad papuntang counter. Kaagad na lumapit sa kanya ang lalaki saka s'ya sinimulan kulitin.
I giggled when I saw how cute they were for each other.
"Do you need help?" tanong ng lalaki pero hindi s'ya pinansin ni Hester.
"Sugar," saad ni Hester nang ipatong n'ya sa mesa ko ang cube-shaped sugar. "Ano ba Spade!" sita ni Hester sa lalaking nakabuntot sa kanya.
"Hire me. Paano mo nakakayang magtrabaho rito nang magisa? Paano na lang kapag dinagsa ka ng mga customer mo? You need help Hester." pahayag ng lalaking nagngangalang Spade.
So, tama nga ako. Mag-isa n'ya nga lang pinapatakbo ang cafe na 'to. How did she even handle this alone?
"I already hire someone!"
"Weh? Nasaan aber?" tanong ni Spade na mukhang hindi naniniwala kay Hester.
"Her," turo sa akin ni Hester.
"Ako?" turo ko sa sarili ko.
"You're hired."
"T-Talaga?" hindi makapaniwalang tanong ko. Paano n'ya nalamang naghahanap ako ng trabaho? Is she a mind reader?