Browse stories

Threesome Lover (Tagalog)

Language: fil

Lineah's a good niece and hardworking person. Since she was a child she knew, something is missing and her heart felt empty. She shut herself from intimate relationship, she never had one but it will all change when she found out she's not blood related to his known aunt. In her journey of searching her identity and real parents she found herself caught up in a steamy romance with the two brothers who promised to help her in exchange of hot nights.

Available chapters

  1. Chapter 1
  2. Chapter 2
  3. Chapter 3

Chapter 1

"Hoy ano ba?!"

Pumulupot ang naglalakihang braso sa akin. Luminga-linga ako sa paligid, walang taong nadaan dito sa dahil likuran ito ng coffee shop.

Letse naman!

"Bitiwan niyo ko ano ba?! Sino kayo? Anong kailangan niyo sakin? Nabayaran na namin ang utang ni Tyang! Nagkakamali kayo hindi ako anak ng mayaman hoy bitiwan niyo ko! Letse kayo!"

Binigay ko ang buong lakas sa pagsipa at padyak upang makalas ang pag hawak ng mga lalaking naka itim na suit. Mayroong earpiece sa mga tenga, nakashades pa nga sila, katulad ng sa men in black ang mga pormahan ng mga ito. Mga bodyguards ata ito!

Bodyguards nino?! Letse naman, nabayaran naman namin ni Carol ang utang ni Tyang sa mga gang at bumbay!

Mariin akong pumikit. Hindi naman kaya ibebenta ng mga ito ang laman ko?

"Hindi niyo mapapakinabangan ng organs ko huy! Hindi ako healthy! Wala akong tulog. Mahilig ako sa maalata at matamis kaya panget ang atay ko!" parang mababali na ang ulo ko kakalingon sa kung saan saan.

Hindi ba't parang ang tanda ko naman para sa bentahan ng lamang loob? Mga bata ang kadalasan doon hindi katulad kong bente siete na! Pwede pa ako sa bentahan ng katawan pero hindi ng laman!

Letse naman talaga Leigh, ano ba itong pinagiisip ko!

"Hoy ano ba bitawan niyo ako!"

"Ang kulit naman ng babaeng ito." naiinis na saad ng lalaking nakahawak sa akin.

"Hawakan niyong mabuti yan, kailangan yan ni boss." sabi naman ng isa.

"Ano ba bitawan niyo ako! Mga hayop kayo! Bitawan niyo ko!"

"Mga hayop! Ano bang kailanga--" hindi ko natapos ang sasabihin ng takpan ng lalaki ang aking bibig.

"Pota. Ang ingay mo!" galit na sigaw nito sa akin.

Maingay pala ha? Kinagat ko ang daliri nitong nakatakip sa bibig ko dahilan para mabitawam niya ako. mabitawan niya ako.

Inapakan ko ang paa niro. Siniko ko ang dibdib niya sa likuran, ng bitawan niya ay tumakbo ako.

Hindi pa ako nakakalayo ng may humablot sa pulsuhan ko, hinila niya ako. Nag pumiglas ako pero sumunod ang iba pang body giards at hinawakan ang mag kabilang paa ko. Binuhat nila ako.

Palibhasa ay payat ako kaya nakakaya kaya lamang ako ng mga ito.

"Sino ba kayo bitawan niyo ko! Hindi ako mayaman wala kayong mapapala sa akin!"

"Putang ina! pakawalan niyo ako!" naiinis ko nang sigaw ng hindi nila ako bitawan.

Dinaig pa ng likuran ng coffee shop ang bakanteng lote sa mga pelikula letse bakit walang nakakarinig sa mga sigaw ko?!

Asan na ba si Chona?!

Kung kailan ko ito kailangan saka siya wala!

"Bitawa--" hindi ko na natapos ang pag sigaw ng takpan ulit ang bibig ko ng isang panyo, may matapang na amoy doon.

Pumasok iyon sa ilong ko, wala kang ilang segundo bigla kong nanglata at nahilo. Lumuwag ang hawak nila sa akin. Sinubukan kong mag pumiglas ulit, hindi ako nah tagumpay dahil bumigat ang talukap ng aking mata at dumilim ang paligid.

Naalimpungatan ako ng marinig ang yapak na paparating. Kahit nanlalabo pa ang mata, kinusot ko nalang upang maaninagan ng malinaw kung nasaan ako at anong nangyayari.

Nangunot ang noo ko ng bungaran ng abong kisame at pader. Bumaba ang tingin ko sa hinihigaan kong malambot nakama. Itim ang kumot at unan. Ginala ko ang tingin sa kwarto. Mayroong mga moderno gamit dito katulad ng kabinet, lamesa, sofa at iba pa. Sa itsura palang ng mga gamit dito, mukhang mamahalin.

Nasaan ako? Panaginip lang ba ang lahat? Letse. Hindi panaginip ito dahil hindi naman ganito kaganda ang kwarto namin! Hindi ganito ang bahay ni Tyang!

"Finally, you're awake." magakasalubong ang kilay na nilingon ang pinangaligan ng boses. Tuwid itong nakatayo sa pintuan, nakatitig siya sa akin.

Pinasadahan ko siya ng tingin. Matangkad ito hapit na hapit ang itim na tshirt niya, dinedipina nito ang matipuno niyang katawan. Medyo magulo ang kulot nitong buhok.

Matangos ang ilong nito, nakaakit tignan ang manipis at mapula pula nitong labi. His jawline is defined too. My eyes went back to his deep black eyes. Para itong may lahi dahil sa features ng mukha niya.

Hindi ko alam kung bakit pero napaayos ako ng upo ng pasadahan niya ako ng tingin.

I gulped when he licked his lips when he's done checking me out.

"S-sino ka?" nauutal kong tanong. Letse bakit lumambing ata ang boses ko?

"Your lunch will be here soon, get rest." aniya. Barito ang boses nito.

"T-teka! Ano bang kailangan mo sa akin?! Hindi ako mayaman! Wala kayong mapapala sa akin!" I paused and scanned him "H-hindi la naman mukhang masamang tao o lider na nagbebenta ng laman."

A ghost of smile formed on his lips.
Nanlaki ang mata ko ng talikuran niya ako.

"A-ano ba?! Kausapin moko!"i screamed on top of my lungs.

"M-may utang ba si Tyang sayo? Pwede naman pag usapan yon! Mag babayad naman ako! Hindi kailangang humantong sa ganito!"

Natutop ang bibig ko ng lumingon ito, nakangisi pa nga siya.

Naglakad ito patungo sa akin. Tinangala ko ito ng makalapit. Matangkad talaga ang lalaking ito, mas gumwapo sa malapitan. Mabango pa!

"I don't need your money, I'm a millionaire."

Nangunot ang noo ko. "A-anong kailangan mo sa akin?"

"You're here to give me pleasure." he paused. "We need you to give us pleasure." he corrected.

Pagkasabi niya non ay tumalikod na ito at lumabas ng kwarto. Leaving me dumbfounded.

Chapter 2

"A-ano?" naguguluhan kong tanong sa sarili ko.

"Anong give us pleasure? Saka we? Ugh! Letse naman!" I yelled. Binagsak ko ang katawan sa malambot na kama.

Nagsisisipa ako at nag paikot ikot sa kama. Ano bang nangyayari?!

Paano ko mahahanap ang mga magulang ko kung kinidnap ako?! Hindi ko ba dapat hanapin ang mga magulang ko? Sign ba ito?

Letse naman!

Nahinto ako ng bumukas ang pintuan ng kwarto, nanlaki ang mata ko ng bumalik ang gwapong lalaki!

His eyebrow shot up. Nakatitig ito sa kung saan. Nangunot ang noo ko kaya naman sinundan ko ang direksyon ng mata niya.

Letse! Nakabukaka pala ako! Inayos ko ang upo. Gumapang ang init sa pisnge ko.

"H-hoy! Pakawalan moko!"

Bakit ako nauutal? Magalit ka Leigh! Magalit ka! Kinidnap ka ng lalaking ito!

Naningkit ang mata ko ng i-lock nito ang pintuan. Nag inat ito. Nanlaki ang mata ko ng iangat niya ang suot na t-shirt at tuluyang hubarin.

"Shit!" tinakpan ko agad ang mga mata.

Bakit naman dito siya naghuhubad? Sa harapan ko pa talaga!

Wala ba itong kwarto?! O kanya itong kwarto? Letse naman, mangingidnap siya tapos walang budget para sa kwarto ng kikidnapin! Akala ko ba milyonaryo siya?

Naramdaman ko nag paglubog ng kama sa aking gilid. Inalis ko ang takip sa mata. Napaigtad ako ng nasa harapan ko na siya. Sobrang lapit ng mukha niya sa akin!

Onti nalang ay mag lalapat na ang labi namin.

"H-hoy! Anong ginagawa mong kidnapper ka?! Hindi moko madadala sa ganyang titig! Wala pa sa plano ko ang jowa, hahanapin ko pa ang mga magulang ko kaya lumayo layo kang kidnapper ka!"

Nanatili ang titig niya sa akin. Nangunot ang noo ko ng ngumisi ito. Kalaunan ay tumawa siya.

"Hoy bwiset ka anong nakakatawa?!"

Tumigil siya sa pagtawa at biglang sumeryoso ang mukha niya.

"Let's settle this." seryosong sabi.

He stared at my lips and bit his.

Letse ang.hot.niya! Pero kahit ganon, hindi dapat ako nag paloko! Hindi ako bibigay!

Mabilis ang mga pangyayari hindi ko namalayang magkalapat na pala ang labi naming dalawa.

Napakalambot ng labi niya, nalulunod ako sa bawat halik niya. Hindi ko ginantihan ang bawat halik niya dahil hindi ako marunong. Kahit gusto ko ay hindi ko talaga alam! Letse Leigh, anong gusto?! Kidnapper mo iyan!

Tinulak ko ang dibdib nito ng matantong mali ang ginagawa niya!

Hayop ang lalaking ito! Walang respeto! Hindi dapat siya nang ha- halik bigla! Lalo na sa akin! Hindi ko siya pinayagan!

First kiss ko iyon!

Para siyang lasing na tumitig sa akin, pinasadahan niya ng tingin ang mukha hanggang dibdib ko at nanatili iyon doon.

Pinagpatong ko ang magkabilang braso sa dibdib upang takpan iyon ng ma pagtanto na ang nipis lang pala ng suot kong damit at wala akong suot na bra kaya sigurado akong bakat iyon doon.

Maski rin ako ay nagulat ng mapalitan ang suot kong damit pero sabi ng isang kasambahay ay siya daw ang nagpalit dahil may malaking punit na daw ang damit ko at madumi na raw.

Ang manyak naman ng gwapong lalaking ito!

I grasped for something. Nang may makuha ako ay agad ko iyong hinampas sa ulo niya.

Letse naman! Unan iyong nakuha ko! Hindi man lang siya gumalaw sa kinalalagyan!

Umangat lamang ang kilay nito.

"Hoy! Anong tinitignan mo ha?! Hindi porket gwapo ka ay pwede kanang mang manyak at mang agrabyado!"

"Hoy! ano ba?!" muli kong sigaw, kahit sumigaw ako ay hindi niya parin inaalis ang tingin kahit tinakpan ko na gamit ang braso ko

Nakakainis to ah!

Bumwelo ako at aktong sasampalin sya ng bigla nya iyong hinawi, nilapit niya ang mukha sa akin at hinapit ang aking bewang, muli niya akong ginawaran ng isang mainit na halik.

Hayop ang lalaking ito!

Kanina pa siya nagnanakaw ng halik sa akin!

Kidnapper na nga magnanakaw pa!

Hindi ko alam kung bakit hindi ko siya magawang itulak parang bang gusto ko pa ang ginagawa niya.

I know its wrong but it feels so good...

Makalipas ang ilang segundo ay naramdaman ko ang pagbitaw niya sa paghalik.

"I've been waiting to kiss you... so damn hard but now I did. Damn, your hot." he blurted.

"Anong hot ka diyan? Letse ka!" muli kong kinuha ang unan at hinampas siya, sa huli wala parin iyong epekto.

Umalis siya mula sa pagkakaupo saka at nag tungo sa lamesa, kinuha niya ang paper bag doon.

"Here." bumaba ang tingin ko sa tinapon niyang paper bag sa kama.

"Wear that dress and make yourself presentable." utos niya.

Sinilip ko ang loob ng paper bag. Letse damit nga iyon!

"That is the bathroom." tinuro niya ang isang pintuan sa kwarto

"Para saan ito? Palalayain mo na ba ako?" tanong ko sakanya.

"Change." he commanded.

Hindi ko alam kung bakit bigla akong umalis sa kama at nag tungo sa banyo. Letse! Anong nangyayari sa akin?

Pagkapasok ko sa pintuan ay namangha ako sa laki at ganda ng buong bathroom mayroong napakalaking bathtub at shower, binagayan pa ng isang malaking salamin. Napaka elegante sa loob nito.

Letse banyo lang ito ha!

Binuklat ko ang paperbag, nilabas ko mula roon ang isang white odd shoulder dress iyon na hanggang mid thigh. Mayroon disenyong ginto sa ibaba na parang bulaklak at sa baywang rin ay mayroon.

Saktong sakto sa akin ang damit na iyon, tila ba alam nila ang sukat ko na parang sinukat bago bilhin.

Pagkalabas ng banyo ay nandoon parin siya ay nakaupo, binalingan niya ako, pinasadahan ng tingin mula mukha hanggang sa paa, pagkatapos niya akong suriin ay itinaas niya ang kanang kilay.

Tumayos siya mula roon at hinila ang pulsuhan ko papunta sa kama at pinaupo ako.

Lumuhod ito sa harapan ko, tutol pa sana ako ng hawakan nito ang paa ko, akala ko kung ano ang gagawin. Iyon pala isusuot niya lang ang flat shoes na itim sa aking paa.

Para saan ang lahat ng ito? Anong nangyayarinsa akin? Anong dahilan kung bakit andito ako?

Bakit niya ito ginagawa?

"Lets go." he raised.

Hindi ako umalis mula sa kinauupuan ko kaya naman nilingon niya ako.

"Follow me." utos niyang muli

"S-saan tayo pupunta?"

He glared at me.

I gulped. "I-ito na nga!" Letse.

Pagkalabas ko ng pintuan ay mas lalo akong humanga sa kabuuan ng bahay, mali! Isa itong mansyon na napakalaki. Maari ring palayo dahil sa puti at gintong kulay sa buong pader, kisame at ginto. Maski ms gamit ay ganon din. Mayroon pang grand staircase!

It screams elegance and class.

Mayroon pang apat na pintuan sa palapag na ito,panglima ang kwartong nilabasan namin.

Kasunod namin ang mga bodyguards nito. Wala sa mga ito ang mga kumuha sa akin.

Huminto kami sa isang pintuang nasa gitna dahilan upang mapalingon ang lalaking nakatayo sa may harap ng glass wall. Mula roon kita ang buong tanawin ng siyudad.

The room is spacious. I glance around. Sa tingin ko ay opisina ito.
Napapaligiran ito ng mga book shelves na mayroong nagkakapalang mga libro may isang kalakihang table na mayroong itim na swivel chair at dalawan upuan sa harap ng table.

Maliban pa roon ay may cofee table sa gitna ng kwarto katapat ng table at swivel chair sa likod nito, napapaligiran iyon ng apat na single sofa na kulay itim katulad ng kwartong pinangalingan ko ay itim din ang kulay ng kwarto.

Isang bagay ang hindi maalis sa bawat kwarto ng mansyon. Mamahaling muwebles!

"Siya na ba iyan,Theron?" malalim ang boses ng lalaking ito. Kahit nakatalikod ito sigurado akong matipuno ang katawan nito katulad ng lalaking nasa likuran ko. Mukha ring magandang lalaki!

Nagtama ang mata naming dalawa ng humarap ito. Tingin palang nito sigurado akong mapanganib siya.

Chapter 3

"Yes she's that girl, Thander." lumapit sa amin ang lalaki at nasilayan ko ang itsura ng lalaking iyon.

Kamukha siya ng lalaking tinawag niyang Theron, yung hayop na lalaking kumuha sa first kiss ko!

Magkamukha sila, mula sa matipunong katawan, tangkad,  mata, ilong at labi. Depinado rin ang panga nito, ang buhok niya ay hindi kulot katulad ng kay Theron, blonde ang kulay ng buhok nito hindi katulad ng kay Theron.

"Hmmm..." pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Bakit ba parehas sila nitong hayop na Theron na ito na mahilig tumingin sakin mula ulo hanggang paa?

"I like her, brother." nakangising saad niya kay Theron ng matapos akong tignan

So that explains.

Magkapatid nga sila kaya magkamukha pero parang hindi lang sila magkapatid e, pwede pa sigurong twins.

"I have good taste when it comes to woman unlike you Thander." nakangising sambit ni Theron.

He walked towards the table. Nag salin ito ng alak saka iyon tinunga Habang nakatitig sa akin.

Letse! May alak pala doon?

Napapaso ako sa titig nito.

"Can we?" Thander asked.

Tinanguan siya ni Theron, na para bang binigyan niya ito ng pahintulot.

Lumapit si Thander sa akin ng dahan dahan.

"A-anong gagawin mo?" tanong ko sakanya habang papalapit sya ng papalapit sa akin habang atras naman ako ng atras.

"Aww!" daing ko ng bumagsak sa sahig. Letse anong nangyari?!

"What happened?" Theron asked.

"She slipped off." nakangising sagot ni Thander.

Napakasama ng mga taong ito!

Mga hayop!

Dahan dahan akong tumayo mag isa at hinaplos ang aking pwetang masakit.

Napalingon ako sa aking likuran malapit lamang ako sa pintuan, tiyansa ko na ito para makatakas.

Akmang tatakbo ako roon ng biglang may humablot sa aking pulsuhan at pigilan ako papalapit roon.

Marahas akong tinulak ni Thander sa pintuan at tumama ang likuran ko sa door knob, gumuhit ang kirot sa aking likuran, nanghina ang katawan ko.

"What do you think you're doing baby?" he whispered.

My knees trembled. Letse! Napakalapit niya!

Lalo akong nahibang ng  maramdaman ang malambot na labi ni Thander sa aking mga labi, lasang alak ang kanyang labi.

Hinawakan niya ang magkabilaang kong pulsuhan at nilagay iyon sa aking uluhan.

Pilit kong iniwas ang mukha ngunit hindi rin iyon gumagana dahil natutunaw ako sa bawat halik niya.

Sa unang beses ay nagawa kong sumabay sa halik  niya sa akin. Bahagya niyang kinakagat kagat ang pang ibaba kong labi at sinisipsip.

Habang ginagantihan ko ang bawat halik ni Thander ay naramdaman akong mainit at malambot na kung ano sa aking likuran ng leeg ko.

Sinulyapan ko iyon. Si Theron pala! Dinadampian niya ng halik ang leeg ko, minsan nga'y sinisipsip niya pa!

Napapikit ako sa sensasyong bago para sa akin, sumasabay pa rin ang labi ko sa bawat galaw ng labi ni Thander, lumalalim ang bawat halik hanggang sa kailangan maghiwalay ng labi namin para suminghap ng hangin, ngunit hindi ko pa naimunulat ang mata ko ay muli nanaman niya akong hinalikan ngunit, mas may diin nga lang ngayon.

Minulat ko ang mata at nakita na si Theron pala ang humahalik sa akin.

Napakabilis ng pangyayari at hindi ko namalayang nagpalit pala sila ni Thander ng puwesto.

Si Theron ngayon ang hinahalikan sa akin habang si Thander anv kumakagat kagat sa leeg ko, naglalakbay ang mga kamay nila sa kung saan saan.

Hindi na tama ito! Sobra ng nakuha ng kapatid niya ang first kiss ko! Hindi pwedeng may iba pa silang makuha dahil iniingatan ko iyon para sa magiging asawa ko!

Pero letse ang sarap! Ganito pala makidnap? Bakit iba ang napapanood ko sa mga balita?

Baka ito talaga ang balak nila! Modus! Baka modus nila na lakihan muna ako bago kunin ang lamang loob ko!

Ang mga hayop na ito!

Bakit ko ba sila hinahayaang gawin ito sa akin?

Pilit kong tinulak si Theron ngunit hindi ko man lang siya nailayo kahit onti.

Alam kona! Inangat ko ang tuhod at itinapat sa pag kalalaki niya saka iyon tinuhod.

"Shit! What's your prroblem?!" napayuko ito habang hawak ang pag kalalaki.

"Fuck!" he cursed.

Grabe naman siya magreact ganon ba yun kasakit matamaan yun?

Pero bagay lang yun sakanya. Hayop siya!

Bagay lang yan sakanya kahit gaano man yan kasakit!

"Pftt haha!" nilingon ko si Thander na tawa ng tawa dahil sa nangyari sa kapatid. Tawa tawa siya diyan, bayagan ko rin kaya ang isang ito? Para parehas sila ng kapatid.

"She's feisty! I like it!"

"Shut the fuck up!" Theron roared in anger.

He glared at me. "Tart! Escort her in her room now!" galit na sigaw ni Theron habang naminilipit parin sa sakit.

Bumukas ang pintuan at pumasok ang lalaking mukhang men in black na mayroong malaking katawan.

"Ma'am, maglakad na ho kayo." palipat lipat ang tingin ko sa bodyguard kay Thander at kay Theron.

"Leave!" Theron yelled.

Dahan dahan akong naglakad papalabas ng pinto, nakasunod sa akin ang bodyguard niyang si Tart.

"H-hindi ko ho alam kung saan ang kwarto ko kaya dapat ikaw ang mauna sakin diba?"

"Magpatuloy ka ma'am sa paglalakad at sasabihin ko kung saan ka liliko." walang emosyong sagot niya.

Hindi ata ako makakalusot dito sa mamang ito, luminga-linga ako at binabagalan ang pag lakad.

Kailangan kong magisip ng paraan para makatakas dito.

Maraming bodyguard sa palapag na ito, nasa paligid lang sila. Mayroong isang maliit na daanan sa aking tinatahak kong daanan. Nilingon ko si Tart, nakatitig siya sa akin.

"Hala may butiki!" tili ko at tinuro ang balikat niya. Napaigtad ito at mabilis iyong inalis.

Tumakbo ako sa likuang iyon. Letse! Hindi ko alam na eepekto iyon sakanya!

Papalapit sa akin ang yapak ng mga bodyguards nito. Letse! Hindi ko alam ang pasikot sikot dito sa mansyon! Baka maligaw ako!

Habang tumatakbo napansin ko ang mga paintings sa pader. Marami ring pintuan.

Nahinto ako sa dulo, mayroong dalawang likuan! Pabalik balikat konitong tinignan. Shit! Alin dito sa dalawa?!

Bahala na nga! Tinahak ko ang kanang likuan. Ang dulo nito ay hagdan pababa.

Nanatili ang titig ko doon. Bababa ba ako o hindi?

Nanlaki ang mata ko ng lumingon. Letse! Papalapit na sa direksyon ko ang mga bodyguards!

Hindi na ako nagalinlangan pa kung bababa ako o hindi, tinahak ko na iyon.

Ito ata ang unang palapag ng mansyon, luminga-linga ako para makita kung may mga bodyguards rito, mariin aking napapikit. Nakabantay ata sila sa bawat poste ng mansyon!

Napasandal ako sa pader sa likuran,Teka hindi lang ito pader. Bumaba ang tingin ko sa door knob. Kwarto ito! Kwarto sa tabi ng hagdan? Letse!

"Wala rito, copy!"

"Find her in all places."

"Wala din dito, copy!"

"Tingin ko ay nandito sa lugar ko!" rsigaw ng isang lalaki.

Letse!

Natataranta kong hinawakan ang doorknob at pilit iyong pinihit ngunit nakalock iyon.

"What do you think you're doing?" napaigtad ako ng marinig ang isang baritong boses sa aking likuran, napahinto ako sa pagpihit ng doorknob.

Letse!

Dahan dahan ko siyang hinarap at napasinghap ako ng makitang napakalapit niya na naman sa akin!

"Trying to escape huh?" Thander smirked.

I gulped when he caged me with his arms. "I hate it to break it to you babe but your not leaving this house." he whispered.

My body shivered when he said that. I swallowed hard.

Ang hayop na ito!

"Lets go!" he ordered. Hinapit nito ang bewang ko paalis doon.

Luminya ang mga guards nito ng makita kami. Sumunod ito ng lagpasan namin sila. Ang iba ay nasa harapan ko. Habang naglalakad ay hindi ko maalis ang tingin sa baril na nasa bulsa ng nasa harap kong bodyguard.

Huminga ako ng malalim saka hinablot ang baril sa bulsa ng bodyguard. Tinutok ko iyon sa mga taong nasa paligid ko pati kay Thander na ngayon ay nakanganga at hindi makapaniwala sa bilis ng pangyayari.

"What the fuck? Leigh put the gun down!" he commanded.

Mas lalo ko iyong tinutok sakanya. Napasinghap ako ng tutukan din ng baril ng mga bodyguards niya.

"Put the gun down if you want to live." I gulped. Letse naman! Luminga-linga ako. Marami ang bodyguards niya!

No! Hindi dapat ako mag patalo!Kinalabit ko ang gatilyo kaya naman nagsilapitan lamang sila sa halip na matakot at lumayo ay lumapit lamang sila lalo.

Nahagip ng mata ko ang pintuan palabas ng mansyon. Letse. Malapit na ako roon! Onti nalang! Kailangan ko lang sila takasan!

Pinutok ko ang baril sa sahig dahilan para umatras sila, iyon na ang tyansa ko para makatakbo papalabas sa pintuan na bukas at iyon ang ginawa ko, binigay ko ang buong lakas upang makalabas.

Nakalabas ako! Letse nakalabas ako!

Nawala ang ngiti sa labi ko ng makita ang mataas at bakal na gate.

Paano ako makakalabas nito? Antaas ng gate na iyan at hindi lang basta gate, sigurado aking ito yung awtomatiko!

Napasinghap ako ng binalot ang mainit na braso sa akin. Pinulupot niya iyon. Sa lakas ng pwera ay natumba kaming dalawa. Napunta ako sa ilalim nito Habang siya ay nasa taas ko.

Theron glared at me and whispered. "Hindi ka makakatakas."