Browse stories

A Deal that Lead Us

Language: fil

Marco Mendoza has spent his whole life just to find and get revenge on the man who has done so much wrong to him. He agreed to its deal that he would make his son pay off his debt to gain his trust even more. As the deal continued, Lee agreed to live and stay with Marco with no choice. He gradually came to know his true identity and intentions, unaware that he fell in love with Marco. As Marco delves into his revenge plan, he would gradually discover a shocking revelation that happened in the past. The secret that surrounds the true persona of him and Lee. Will Marco continue his feelings…

Available chapters

  1. Chapter 1
  2. Chapter 2
  3. Chapter 3

Chapter 1

“Hmmm, sumasakit na ang ulo ko sa exam na ito. Bakit parang hindi naman lumabas sa papel na ito ang mga pinag-aralan ko kagabi," ani ni Lee sa sarili na pilit pa rin iniintindi ang mga tanong. He rubbed the side of his head para ma-relax pero hindi nakatulong na mag-umpisa ng mag-countdown ang professor nila.


“Two minutes remaining,” ani ng professor nila ng mag-umpisa ng mag-ikot sa klase.


Napasinghap siya at tinaob na ang paper exam. Tulala lang siyang nakamasid sa labas ng room at napaisip kung saan lupalop nakuha ng professor nila ang mga tanong sa exam. Tumayo na siya sa kinauupuan at pinasa na ang paper exam. Napaigik naman siya ng bigla na lang sundutin sa tagiliran ni Maxi, ang bestfriend niya. Lumapit ito sa kanya habang nililigpit niya ang mga gamit.


“My God! Grabe natawag ko na ata lahat ng Santo para lang makakuha ng sagot eh," natawa na lang siya sa sinambit ni Maxi.


“Ano tara na?" aya sa kanya ni Maxi.


“Saan?" nagtaka itong lumingon kay Maxi.


“Hello? Nakalimutan mo ba sinabi ko sayo kanina na samahan mo ko sa mall.”


“Bakit hindi ka na lang magpasama sa boyfriend mo?" tanong niya at inikutan lang siya ng mata ng kaibigan. Napabuntong-hininga na lang si Lee dahil alam na niya ang isasagot ng kaibigan.


“Hiwalay na kami," sabay nilang sambit na dalawa. Lee knew it, maghihiwalay silang dalawa tapos ilang araw magbabalikan.Iniwan na niya ang kaibigan at lumabas na ng room. Mabilis naman siya nitong sinundan at nagpupumilit na samahan siya nito. Hindi na nakatiis si Lee at umayon na sa kagustuhan ng kaibigan


“Fine, okay. Sasamahan na kita," ani niya at hinila na siya ni Maxi papunta sa parking lot.


Habang nasa loob ng sasakyan ay hindi maiwasan ni Lee na makita ang isang mag-ama na patawid sa kalsada. Naalala niya bigla ang tatay niya na matagal ng hindi nagpapakita sa kanila ng kuya niya. Napatakla na lang siya ng maalala na hindi nga pala tanggap ng ama niya ang tungkol sa kanyang kasarian. Ito siguro ang dahilan kung bakit malayo ang loob ng ama sa kanya pero nagpapasalamat pa rin siya ng nagkaroon siya ng Kuya, si Xander na tanggap siya sa pagiging pusong-babae. Naputol lang sa pagmumuni-muni si Lee ng makatanggap ng message. Tinignan niya ito at napangiti na lang ng mabasa ang message mula sa boyfriend ng kaibigan niya na nagtatanong kung saan silang dalawa.


“Lee? Let's go." Napalingon siya kay Maxi at napansin na nakarating na pala sila sa Mall. Isinuksok na niya sa bulsa ang cellphone pagkatapos niyang replayan ang taong nag-message sa kanya.


Ilang oras pa sa paglibot sa mall ay naisipan na muna na nilang kumain bago umuwi. Nagpaalam siya sa kaibigan na hindi na siya sasabay sa kaibigan at naisipan niyang bisitahin ang kapatid.


“Hindi na ko sasabay Maxi pauwi. Pupuntahan ko na lang si Kuya malapit lang naman opisina niya dito," sambit niya.


“Are you sure? Pwede naman kita ihatid na doon sa opisina niya," ani nito na busy sa pagkain niya.


“Wag na saka nakakahiya naman kung maiistorbo pa kita,” napakunot-noo naman ang kaibigan sa nasambit ni Lee. "Look." Turo niya sa likuran ng kaibigan.


“Hello," bati sa kanila ng isang lalaki. Napangiti na lang si Lee sa kaibigan ng masama siyang tinignan.


“What? You know what kailangan ko ng umalis at baka hindi ko pa maabutan si Kuya. Bye!" paalam niya sa dalawang magjowa.


Naisipan na lang ni Lee na maglakad papunta sa opisina ng kuya niya tutal malapit lang naman ito sa mall. Tinignan niya muli ang kanyang cellphone ng hindi pa rin nito sinagot ang mga messages na pinadala niya. Tinawagan na lang niya ito ng marating na niya ang opisina.


“Hello kuya, na-received mo ba message ko?”


“Yeah, asan ka?”


“Nandito sa harap ng building niyo. Sa may parking lot.”


“Just wait me there. Pababa na ako.”


“Lee?" Napalingon siya sa taong tumawag sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya at hindi na niya nasagot ang kuya sa kabilang linya. Parang tumigil ang mundo na kaharap niya ang taong sa walong taong hindi nagpakita sa kanilang magkapatid, ang Ama nila. Napasinghap siya ng lapitan at yakapin ng kanyang ama sa unang pagkakataon. Hindi niya maintindihan ang nararamdamanan ng ngumiti ito sa kanya at kausapin.


“Nabanggit ba ng kuya mo na nandito ako? Hay! Ang kapatid mo talaga hindi man lang inantay na surpresahin kita. Oh! By the way, Lee may ipapakilala ako sayo.”


Giniya niya si Lee sa taong kasama niya kanina. "Mr.Marco, anak ko si Lee." Pagpapakilala ng ama niya sa taong nasa harapan nila.


“Nice meeting you. Finally." Pakikipagkamay niya kay Lee. Naiilang na tumingin si Lee sa kanya. Mababakas ang malakas na awra nito, matangkad at magandang hubog ng pangangataawan. Nabigla na lang si Lee ng napahiwalay siya sa kamay ng taong kaharap niya.


“Hindi ba masyadong matagal na ang hawak mo sa kapatid ko," malamig na turan ng kapatid ni Lee at hawakan ang braso niya.


“Xander,”malalim na tawag ng ama nila.


“What? Just mind your own business. Uuwi na kami."Hinila na niya si Lee at iniwan ang kanilang ama.




Malalim na ang gabi pero hindi pa rin dinadalaw ng antok si Xander. Binabagabag siya ng nangyaring pagtatagpo nilang mag-aama. Napabuntong-hininga na lang siya ng malalim at naisipan na tumambay na lang sa labas. Sinisimsim ang alak ng mapawi ang pag-aalala niya para sa kapatid na si Lee.


“Di makatulog?" Napalingon si Xander sa nagsalita at napaikot na lang ang mata niya. Aalis na sana si Xander ng magsalita ang ama niya.


“I guess you understand my situation, Xander," ani ng ama niya.


“Understand? How will I understand that you make a deal without us knowing. Ni hindi ko nga alam kung anong klase ang pagkatao ng business partner mo. Matagal kang nawala tapos ngayon babalik ka at ituturing mo na anak kami. Wow! such a dramatic caring Dad.” Nanggagalaiti ng tugon ni Xander ng maalala niya ang biglaang pagsulpot ng ama sa opisina at malaman ang intensyon ng pagbalik niya.


Napahinga ng malalim si Xander bago ito muling nagsalita. "Fix your own problem. I will do whatever it takes hindi lang mangyari ang deal na gusto mo. Pasensyahan na lang ho kung di ko mapigilan na mapatulan kayo balang-araw.”Pabagsak niyang lapag ng baso sa mesa.


“I know you will never dare to hurt your Dad.”


Napatakla na lang siya sa narinig mula sa ama.”Matagal na akong walang ama," galit na sambit niya at tuluyan ng iniwan ang ama.

Chapter 2

Katahimikan.


Iyan ang bumabalot sa hapag-kainan ngayon umaga.Palitan lang ang tingin ang ginagawa ni Lee sa dalawang kasama niya sa mesa. Hindi niya maramdaman ang kanyang kinakain sa tensyong nagaganap sa pagitan ng kuya at ama niya.


“How's life, Lee?” baritonong tanong ng tatay nila.


"Totoo ba ito? Kinakamusta niya ko? Di ba ako nananaginip," ani ni Lee sa sarili ng kamustahin siya ng ama. Nagagalak siya at kakausapin na sana na niya ang ama ng---


“Do you need something on him? Mataman niyang tinignan ang kanyang kuya na patuloy pa rin sa pagkain at walang pakialam.


“Is it bad na kamustahin ko lang siya?" nakangiting tanong ng ama nila. Pakiramdam ni Lee na iba na ang ihip ng hangin sa hapag-kainan at naisipan na lang niya na sagutin ang kanilang ama ng padabog na binagsak ng kanyang kuya ang kutsara.


“Masyado ka bang nasarapan sa pagk---aw!”


“Ok lang po kami ni Kuya, saka ayos lang po ako pag-aaral ko and minsan po nagtututor din ako para po kahit papaano hindi na po ko nanghihingi kay kuya," nakangiting sabi ni Lee sabay masamang tumingin sa kanyang kuya pagkatapos niyang sipain sa binti. “Atsaka—"


“Enough,” madiin na sabi ng kanyang kuya at tumayo na sa kinauupuan niya, “we have to go Lee, ihahatid na kita sa university niyo.”


Nahihiya naman tumayo si Lee at nagpaalam sa ama. “Aalis na po kami.”


Panay naman ang pagsilip ni Lee sa kapatid niya. Seryoso itong nakatingin lamang sa kalsada. Alam niya sa sarili na hindi maganda ang araw nito. Simula ng dumating ang ama nila ay naging ilag na ito at hindi niya maikakaila na malaki ang tampo ng kuya niya sa kanilang ama. Napabuntong-hininga na lang si Lee at hinawakan ang kamay ng kapatid sa manibela.


“Kuya, kalma ka lang. Ang higpit ng hawak mo sa manibela.” Imbes na sagutin ay hinawi lang ang kamay niya. Napanguso na lang siya at kinausap muli ang kapatid nagbabakasali na baka lumamig ang ulo. “Kuya, alam ko na may tampo ka kay Dad pero hindi pa rin tama na mawalan ka ng respeto sa kanya. Malay mo kaya siya bumalik kasi gusto na niya mag-stay for good here na kasama ta—ah! Kuya!” sigaw ni Lee sa kapatid sa biglaan na pagpreno ni Xander.


Kinakabahan na tumingin si Lee kay Xander ng mapansin ang panginginig ng mga kamay nitong nakahawak sa manibela. Nakayuko ito at tila pinapakalma ang sarili. "Wag kang umasa na mabubuo pa ang pamilya natin. Don't trust him dahil wala siyang pakialam sa atin,” seryoso nitong sambit kay Lee.


“Kuya, don't say that. Hindi mo ba nakita kanina na kinausap niya ko.Iba ang pakikitungo niya sa akin.Oo, matagal siyang nawala pero binalikan niya tayo and I think na pwede natin siya bigyan ng chance na---” hindi na naituloy ang sasabihin ni Lee ng magsalita ang kuya niya.


“Chance?" napatawa ng lang si Xander, "He doesn't deserve any chance from us. You don't know his intention, Lee. You don't know anything," makahulugan niyang wika.


“Ano ba ang hindi ko alam, Kuya?” seryosong tanong ni Lee na ikina-tahimik naman ng kuya niya.


“Your going to be late,” pag-iiba ng kuya niya sa usapan nila at pinaandar na ang sasakyan.


Hindi na umimik pa si Lee hanggang sa marating ang University. Gusto man niya kausapin ang kinakapatid ay hindi na lang siya nagtangka lalo at sa unang pagkakataon ay nagkasagutan silang magkapatid. Pakiramdam niya na may tinatago ito sa kanya.
Bumaba na siya sa sasakyan at napalingon ng marinig ang boses niya.“Susunduin kita mamaya. Just wait me. Okay?” Tumango na lang si Lee sa bilin ng kapatid.


Napatingin na lang si Lee sa papaalis na sasakyan ng kapatid. Papasok na siya sa gate ng may bumangga sa kanya.


“Sorry, di ko sinasadya," hinging paumanhin ng nakabangga sa kanya at tinulungan siyang pulutin ang mga nahulog na gamit.


“Maganda ka talaga." Sambit pa nito kay Lee.


Nagtatakang tumingin si Lee sa lalaking bumangga sa kanya. "Salamat," sambit niya ng inabot ang iba niyang gamit at nilisan ng makaramdam ng pagkailang.


Abot-ngiti ang tenga na muling tinignan si Lee ng lalaking nakabangga sa kanya habang sumasakay ito sa sasakyan. Tumunog naman ang telepono nito at sinagot.“Oh, Bro. Papunta na ko. May surpise ako," pang-asar niyang banggit sa kabilang linya. Pinatay na nito ang tawag at nag-umpisa ng lisanin ang lugar.


Nang marating niya ang lugar ay dire-diretso itong pumasok sa opisina at lumapit sa kaibigan na si Marco na abalang nakaharap sa computer. Hinagis nito ang envelope na naglalaman ng impormasyon at naupo sa harapan nito.


“Thanks, I will deposit the balance later,”ani ni Marco. Agad nitong binuksan ang envelope at napangiti sa impormasyon na nakuha ng kaibigan niya na si Kyle.


Naiiling naman na tumingin sa kanya si Kyle at hindi natiis na tanungin ang kaibigan sa isinasagawa niyang plano. "You know what? Curious lang ako eh ano meron bakit need mo pa ng information niya eh, his only father lang naman ang need mo sa plan mo? Nasa harapan mo na ang matagal mo ng hinahanap. Just do what the plan say! Imbes na makapaghiganti ka na at payapa na buhay mo eh hindi rin pala, dahil pinatulan mo pa deal ng matanda na yun. Mamaya madamay pa business na tinayo ni Tito Roberto sa pakikipag-negosasyon mo kay Mr.Tyler.”


“Kyle, alam ko ginagawa ko.Okay?" Nilapag ni Marco ang hawak nito at tumingin sa kaibigan. "Gusto ko lang siguraduhin na hindi tayo niloloko ng matanda na iyon tungkol sa sinasabi niyang inheritance ng anak niya. I know na nag-alala ka na baka madamay ang business natin but I assure you na hindi mangyayari ang kinatatakutan mo.”


Napatingin lang sa kanya si Kyle at sumuko na lang ito sa kagustuhan niya. “Hay! ano pa ba ang magagawa ko sa desisyon ng isang CEO? Basta wag mo ko sisihin sa bandang huli na hindi kita pinagsabihan. Tandaan mo pinapaalala ko lang ang habilin sa akin ni Tito Roberto. Oh, siya! Pupunta muna ko sa tambayan. Nang-aya ng inuman ang barkada. Sumunod ka.”


Napatango na lang si Marco sa tinuran ng kaibigan. Kahit noon pa bata pa sila at lumaki sa poder ng umampon sa kanila na si Roberto ay lagi na siyang pinapangaralan ni Kyle. Alam niya na hindi gusto ni Kyle ang plano nito sa umpisa pa lang pero hindi siya matiis nito at tinulungan pa rin siya.Si Kyle at ang assistant niyang si Jed ang nagbibigay ng impormasyon sa mga otoridad tungkol sa mga drug leader. Ginagawa nila iyon para lumabas sa lungga ang taong gusto na niyang makita at hindi siya nagkamali sa plano ng matunton niya si Mr.Lucas Tyler.


Nakipag-negosasyon siya at pinasok ang mundo ng drug trafficking. Pinagbantaan niya ito ng hindi nai-deliver sa kanya ang napagkasunduan matapos masakote ng mga otoridad ang manufacturing place nito. At eto nga, pinagkasundo ang anak na si Lee na pambayad sa perang nawala.


Nabalik lang sa ulirat si Marco ng may bumulong sa kanya. “Tsk! Matunaw yan tinititigan mo," tukso sa kanya ni Kyle ng mapansin na hawak niya ang litrato ni Lee.


“Akala ko ba aalis ka na?" tanong niya kay Kyle.


“Oo nga. Eto na aalis na. By the way, maganda siya sa personal mukha talaga siyang babae, ang cute niya,”kinikilig niyang turan at tumigil ng biglang tumayo si Marco.“Oh! easy ka lang wala naman akong ginawa. Gusto ko lang naman siya makita sa personal. Sige na aalis na ko. Wag mo masyadong titigan picture niya baka kanina pa umaatsing yan. Sumunod ka sa inuman.ah!” Napahilamos na lang sa mukha si Marco dala ng kakulitan ng kaibigan niya.

Chapter 3

Papunta si Marco sa meeting place ng barkada ng hindi siya tinitigilan na tawagan ng mga ito. Habang nag-aantay siya Go signal sa kalsada ay napansin niya ang isang pamilyar na tao.Sumilay ang ngiti ni Marco ng maisipan niya na puntahan ito. Ipinarada niya ang kanyang sasakyan sa gilid at bumaba. Nilapitan niya ang nag-aantay na si Lee na kinabigla naman ng pagsulpot niya.


“It seems na kanina ka pa dito. Do you want me na ako na maghatid sayo?” Pag-offer ni Marco.


Napanganga naman si Lee sa biglaan na offer ng binata sa kanya. “Ah!Hindi na parating naman na si Kuya. Okay lang ako dito.” Pagtanggi ni Lee.


“Are you sure? Ganito na lang samahan na lang kita dito habang naghihintay ka.Do you want something? Drinks or food?”aya ni Marco sa kanya.


“Hindi na saka mukhang may pupuntahan ka. No need to worry. Safe ako dito," sambit ni Lee.


“No, it’s okay. Hindi naman importante pupuntahan ko,” sambit ni Marco. Uupo na sana siya sa tabi ni Lee ng mapasalampak siya sa sahig at hawak na sa kuwelyo.


“Kuya Xander!" gulat na bulalas ni Lee sa nasaksihan na ginawa ng kapatid kay Marco.


“I told you na lumayo ka sa kanya diba” nanggigil nitong sigaw at akmang susuntukin si Marco ng hilahin siya ni Lee palayo.


“Ku-kuya tama na! Wala naman siya ginagawa eh.”


Napatakla na lang si Marco habang pinunasan ang putok niyang labi. “What's wrong with you? Huh! I'm just offering him a ride and yet ito matatanggap ko?”kompronta niya sa kaharap na hawak pa rin ni Lee sa braso.


“He's not your responsibility. Understand." Hinila na ni Xander si Lee papunta sa sasakyan ng bigla itong tumigil sa nasabi ni Marco.


“He will be my responsibility soon.”


“Gago ka!”Tuluyan ng sumabog si Xander at inundayan ng suntok si Marco.


Walang nagpapatalo sa dalawa, sige pa rin ang pag-aaway at walang pakialam sa pag-awat ni Lee. Napatigil na lang silang dalawa sa pagbubunuan ng simula na sila ng awatin ng mga tao na nagmalasakit na pigilan sila.


“Layuan mo ang kapatid ko! Tandaan mo yan!”


“What? Sa tingin mo mapipigil mo pa ang deal huh!" hamon pa ni Marco ng buong pwersa na kumawala sa mga taong nakahawak sa kanya. He tried his best to calm kahit na nanginginig ang buo niyang katawan dahil sa pangingialam ng kapatid nito sa deal. “I am warning you Mr. Tyler, stop meddling or ayaw mo na magkagulo at umabot na masaktan ang kapatid mo. I am warning you.”


Nilisan na ni Marco ang lugar na iyon at sumakay sa kotse. Muli niyang tinapunan ang pinangyarihan ng gulo. Nag-umpisa ng mag-alisan ang mga taong naagaw ng atensyon ng pag-aaway nila. Hindi nakawala sa paningin niya si Lee na napaakap na lang sa kapatid nito.


Sumakay na rin sa sasakyan si Xander at si Lee. Alanganin na tumingin si Lee sa kapatid na seryosong nagmamaneho. Gusto niya humingi na paumanhin pero tila mayroong nakabara sa lalamunan niya. Tinignan niya ito at huminga ng malalim sabay,“Sorry, Kuya,” mahina niyang pagkakasabi pero hindi siya inimik nito kahit na marating na nila ang kanilang tahanan.


Diretso lang na umakyat si Xander sa kwarto nito at hindi na pinansin ang pagtawag sa kanya ng kapatid. Naiinis siya dahil nakita niyang magkasama si Lee at ang lalaking iyon. Pabatong hinagis ni Xander ang kanyang hinubad na damit at pumasok sa C.R para kahit papaano ay lumamig ang ulo niya.


Maka-ilang minuto ay lumabas na si Xander sa C.R ng may marinig siyang katok sa pintuan. Narinig niya na tinatawag siya ni Lee. Napabuntong-hininga na lang siya at walang nagawa kung hindi buksan ang pintuan.


“May kailangan ka?" tanong niya ng makita may bitibit si Lee na medical kit. Pero hindi siya inimik nito at diretso na pumasok sa kwarto niya. Napakagat-labi na lang siya at sinara ang pinto. Sinuot niya ang nakuhang damit at umupo sa kama paharap sa kanyang kapatid.


“May dapat ka atang sabihan sa akin." Diretsahan niyang sambit habang tumitingin kay Lee na busy sa paglagay ng alcohol sa bulak. Tinignan siya nito at hinawakan sa baba saka madiin na pinunasan ang sugat niya sa gilid ng labi.“A-aray!” daing niya.


“Ikaw ang dapat may sabihin sa akin. Bakit mo naman sinapak yun tao. In-offeran lang naman niya ko na siya na maghahatid sa akin. Wala naman masama sa ginawa niya.”ani ni Lee sa kanya.


“Kahit na,eh paano kung iba pala motibo niya sayo ah!" Pakikipagtalo ni Xander kay Lee.


Napailing na lang si Lee sa dahilan ng kanyang Kuya at binalik nito ang focus sa paggamot ng sugat niya. “Umiiral na naman yan pagka-overprotective mo eh. Minsan alamin mo muna kung ano nangyari bago ka sumugod. Tignan mo, may bangas ka.” Pagmamaktol ni Lee.


“Bangas? Eh ang hina naman sumuntok ng Marco na yan. Teka lang bakit parang mas kinakampihan mo pa siya kaysa sa akin. Huh! Hoy! Lee mas gwapo ako sa mokong na iyon. Ayoko makita na kausap mo yun dahil malala—ah! Aray!” daing ni Xander ng diinan muli ni Lee ang sugat niya.


“Ayan ka na naman sa pagkayabang mo eh.Nakakainis ka eh! Nakuha mo pang magbiro halos magulpi ka nga niya kanina. Ano bang meron bakit ang init ng dugo mo sa kanya atsaka may sinasabi siya about sa deal?" tanong ni Lee.


Nang marinig ang huling tanong ni Lee ay napatitig na lang si Xander sa kanya. Tikom ang bibig niya dahil ayaw niya malaman ang totoong intensyon ng lalaking iyon. Matamlay siyang ngumiti sa kapatid na naghihintay ng sagot niya. “Tsk! Magulpi? Anong sinasabi mo na muntik na ako nagulpi? Eh! Kung di lang ako pinigilan ng mga tao eh baka durog na ang ugok na yun.”


“Hay! Ewan ko sayo Kuya. Pero ang gwapo ni Marco no?” ani ni Lee.


“Ano! Ikaw na bata ka!" Batok niya kay Lee saka inipit ang mukha nito sa palad niya.


“Hoy! Lee. Ako lang gwapo sa mata mo. Tandaan mo yan!”napatawa na lang si Lee sa inasta nito.




Balibag na binuksan ni Marco ang pinto ng meeting place ng barkada dahilan para mabaling sa kanya ang atensyon ng mga kaibigan niya. Pabagsak siyang naupo at walang pag-aalinlangan na diretsong ininom ang alak sa mesa. Hindi ininda ang hapdi ng pagtama ng bote sa sugat na nasa gilid ng labi niya.


“Whoa! Bro. Chill." Sita ng isa niyang kaibigan na si Frank. Pagkatapos niyang inumin ang alak ay nakita ni Marco na kapwang nakatitig sa kanya ang barkada at kinibit balikat na lang niya at muling kumuha ng isang bote.


Hindi niya naituloy ang pag-inom ng agawin ng lasing na si Ronnie ang kinuhang alak. “What’s the problem Bro?" Tinulak niya ito ng ma-amoy ang hininga nito at inagaw ang alak sa kamay niya.


“This is your fault, Kyle.” Pangsisisi ni Frank kay Kyle.


“What?" nagtatakang tinuro ni Kyle ang sarili matapos siya sisihin ni Frank. "Ano kasalanan ko?”


“You pissed him off because di mo siya tinatantanan ng tawag," sagot niya kay Kyle at batuhin ng kinakain nito. Di rin nagpatalo ang isa ay binato niya rin ito pabalik.


Mas lalo pang nairita si Marco ng makita na parang batang nagtatalo sa harapan niya si Frank at Kyle. Tumigil lang ang dalawa ng ibagsak niya sa mesa ang bote dahilan na magising ang lasing na si Ronnie.


“What's the deal, Marco?”tuluyan ng nagsalita ang tahimik sa grupo na si Luke. Napatakla na lang siya ng maalala ang nangyari kanina.


“I want to kill that man.”Napatingin siya sa barkada na tila naguguluhan sa kung ano ang nangyari. They are all silent, but he know na gusto nilang malaman kung bakit mainit ang ulo niya.


“Who messed you?" Kyle questioned him, who knows Marco a lot especially when someone disagreed on him.


“He' s messing my deal. That bastard." Napasabunot na lang siya sa buhok ng maisip na baka makasira ang plano.


“Siya ba gumawa niyan sa mukha mo? Dapat turuan ng leksyon yan.”Suwestiyon ni Frank ng mapansin na may sugat siya sa mukha. "Sino ba ang nakikialam na yan?


Napatingin siya sa kanilang lahat na may naisip na paraan para makaganti. Kailangan niyang pigilan ito bago niya masira ang plano. Tama ang suwestiyon ni Frank ng malaman niya na hindi siya basta-bastang tao.


“Mukhang may kailangan tayong takutin na tao. Xander Tyler. Remember that name.”bilin ni Marco sa mga kasama niya at saka nilagok ang alak.