Barely Heiresses: Amira
Language: fil
/0/26495/coverbig.jpg?v=6328ad3abcff4722a49289b88946ef6e)
Malaki ang atraso ng mga Banal at ng Banal Mining Corporation kay Amira at sa kanyang ina. She hated being a Banal. Kaya nang bigla siyang imbitahan ng lolo niyang si Don Alfonso Banal para sa isang family dinner sa Sagada upang makilala niya ang pito pa niyang kapatid sa ama ay tumanggi siya. Subalit mukhang nakipagsabwatan ang tadhana sa lolo niya dahil kinailangan niyang pumunta sa Sagada para tulungan ang best friend niya na lumalaban sa operasyon ng Banal Mining Corporation doon. Hindi niya palalagpasin ang pagkakataon para labanan ang higanteng korporasyon. Pagdating ni Amira sa…
Available chapters
Chapter 1
"Amira, magpapa-book ka na ba para sa Sochi Winter Olympics? Amira!"
Napapitlag siya nang biglang may humawak sa braso niya at gulat na nilingon ang inang si Himaya na nakatayo sa tabi niya. "Ano po iyon, Nanay?" tanong niya at ipinihit ang swivel chair paharap dito.
"Tinatanong ko kung okay lang sa iyo na pumunta ng Russia para sa protest rally bago magsimula ang Olympic event."
Nasa library siya na nagsisilbi din niyang sariling opisina sa maliit na bahay nilang mag-ina sa Quezon City. Pareho silang environmentalist sa ilalim ng Nature’s Keeper, isang non-govermental organization na ang layunin ay bigyan ng awareness ang mga tao kung paano pipigilan ang pagkasira ng kalikasan. Naniniwala sila sa kapangyarihan at boses ng mga tao. Na kung sinuman ang direktang maaapektuhan ng di tamang environmental practices ay sila ang dapat kumilos.
Sila ang responsable sa pag-o-organize ng mga environmental rallies sa iba't ibang bahagi ng mundo at nagsasagawa rin sila ng mga online petitions para manawagan sa gobyerno ukol para pumabor sa kalikasan ang mga batas at desisyon ng mga ito. Sila ang tumatalakay sa mga isyu na di aakalain ng ibang mga tao na maari palang makasira sa kalikasan.
Gaya na lang sa Sochi Winter Olympics na ginaganap sa Russia kung saan maraming mga tao sa buong mundo ang nag-aabang. Kahit sa Pilipinas ay nakaabang ang bayan sa paglahok ng unang Filipino sa Winter Olympics. Subalit walang alam ang mga tao kung anong nilikha na environmental damage ng naturang palaro sa natural landscape ng lugar, sa mga lawa at mga gubat na nasira, ang isyu ng pagdagsa ng tao at ang polusyon pati na rin ang dilemma na kinakaharap ng mga residenteng nakatira sa dating tahimik na bayan ng Sochi.
Pilit siyang ngumiti. "Opo. Siyempre naman po."
Kumunot ang noo ni Himaya. "Mukhang distracted ka kasi nitong nakakaraang araw. "
"Malamig po kasi ang panahon ngayon kaya medyo matamlay po ako."
"O! Masama pala pakiramdam mo tapos gusto mo pang pumunta ng Sochi. Malamig doon at makapal pa ang snow. Ako na lang ang pupunta."
Niyakap niya ang ina. Parang bata siya kung tratuhin nito samantalang twenty-three na siya. Sabagay, di naman sila nagkakalayo ng edad dahil nasa forty-one lang ang edad nito at minsan ay napagkakamalan pa silang magkapatid. "Nay, matanda ka na. Rarayumahin ka sa snow.”
"Lokong bata ito. Ang sa akin lang, pwede namang iba ang ipadala sa Russia."
"But I must. It is my job. Alam po ninyo na masaya ako kapag ginagawa ko ito. Huwag po kayong mag-alala, Nanay. Kaya ko naman ang sarili ko."
"Ikaw ang bahala kung kaya mo naman. Ipaghahanda kita ng cosmic tea para mas bumuti ang pakiramdam mo."
"Salamat po, Nanay."
Nag-ring ang cellphone niya at nag-register ang di niya kilalang numero. Sinagot niya iyon. "Hello."
"Good afternoon. This is Attorney Matthew Guzman, Don Alfonso Banal Senior's lawyer. Miss Catindig, I would like to confirm your attendance tomorrow for your grandfather's dinner in Sagada."
Nanlamig siya nang marinig ang suwabe at pormal na boses ng nagpakilalang Attorney Matthew Guzman. "I am sorry. Wrong number," aniya at nag-cancel agad ng tawag. Muling nag-ring ang cellphone niya. It was the same number. Napilitan siyang sagutin ulit iyon. "Stop calling this number. I told you that you got the wrong number."
"He is hoping that you will give him a chance."
Biglang lumingon sa kanya si Himaya na nagsasalang ng iba't ibang uri ng dahon sa tea brewer na pinitas organic garden sa likod-bahay. "Sino iyan, anak? Gusto mo bang ako ang kumausap diyan?"
"It is okay, Ma. I can handle this," wika niya at lumabas ng library. Hindi kailangang malaman ng nanay niya ang tungkol kay Attorney Guzman o tungkol sa dinner na ihinanda ng "lolo" niya.
Walong buwan na ang nakakaraan nang mapabalita ang aksidente sa Benguet sangkot ang ama niyang si Alfie Banal. Mula nang araw na iyon ay laging kinakabahan ang ina niya na isang araw ay basta na lang makipag-ugnayan sa kanila ang mga Banal. She highly doubted it. Noon nga ay di interesado ang ama niya sa kanyang ina at di na nagparamdam pa. Ngayon pa kaya?
Hangngang nakipagkita sa kanya ang matandang abogadong si Attorney Ferrer isang buwan na ang nakakaraan matapos ang dalawang taong paglalagi sa Europe para sabihin ang intensiyon ng lolo niyang si Don Alfonso Banal na makilala siya. Ngayon ay bago namang abogado ang kinuha nito para kausapin siya.
"Attorney Guzman, why don't you leave me in peace? I am not interested in this so-called grandfather of mine. Sa pagkakaalam ko, iisa lang ang lolo ko at hindi siya bilyonaryo. At ang lolo ko na sinasabi mo, wala siya nang kailangan namin siyang mag-ina. Oh, let me rephrase that. Ang mga Banal ang dahilan kung bakit itinakwil ang nanay ko ng pamilya niya at buong tribo niya. We are cursed and damned, thanks to your client."
Her mother fell in love with a manipulative man. Minahal ni Himaya ang anak ni Don Alfonso, ang manlilinlang na si Alfie Banal. Nasira ang tribong Lambayan at maraming napahamak dahil sa kagagawan ng ama niya. Iyon ang dahilan kung bakit itinakwil ng tribong Lambayan ang ina niya at naiwang buntis sa kanya. Habang di naman na nakita pa nito ang buhong niyang ama. Kaya walang kwenta ang mga Banal para sa kanya. Pakiramdam niya ay kinuha ng mga ito ang lahat ng mahalaga sa kanya.
"I understand your sentiments. Pero may sakit ang lolo mo. He has cancer of the lungs. Baka ilang araw na lang ang itagal niya sa mundo. Ayaw mo rin bang makilala ang pito mo pang kapatid?”
"Kapatid? May mga kapatid ako?"

Chapter 2
"Yes. May mga kapatid ka sa ama. You have seven half-sisters. Sigurado ako na gusto mo silang makilala."
Natahimik si Amira habang malakas ang pintig ng puso niya. Pitong katapid. Pitong kapatid na babae. She remembered how she longed to have a sister. Sisters. Kaya palakaibigan siya noong bata pa siya dahil ayaw siyang bigyan ng kapatid ng nanay niya dahil dala na ito sa pag-ibig.
Ngayon ay natupad na ang pangarap niya. May mga kapatid nga siya. Pero hindi niya alam kung paanong tatanggapin iyon dahil sa maduming dugo na dumadaloy sa kanila.
"Pag-isipan mo, Miss Catindig. Tawagan mo lang ako dahil baka magbago ang isip mo at mai-provide namin ang kakailanganin mo sa pagpunta dito."
Kung pupunta siya sa Sagada, makikita niya ang mga kapatid niya. At makakaharap niya ang lahat ng taong kinamumuhian niya at dahilan kung bakit nasira ang pagkatao ng kaniyang. Kaya ba niyang harapin ang mga lapastangang sumira sa buhay ng maraming tao? No. Not even for her curiosity with her half-sisters.
You won't miss what you don't have.
"Don't bother, Attorney. Gaya nga ng sinabi ko, hindi ako isang Banal. Isa akong Catindig. May pitong apo na si Don Alfonso kaya di na niya ako kailangan. Goodbye, Attorney Guzman,” aniya at pinutol ang tawag. Sana lang ay hindi na siya tawagan pa ng naturang abogado.
"Tumawag sa iyo ang abogado ni Don Alfonso?"
Nahigit ni Amira ang hininga at hinarap ang ina na nakatayo sa may pinto. "Nanay!" Namumutla ito habang nakatukod ang kamay sa hamba ng pinto. Na parang nangyari na ang kinatatakutan nito.
"Makikipagkita ka ba sa kanya?"
Umiling siya. "Hindi po! Sinabi ko na sa abogado niya na hindi ako interesado na pumunta kahit pa may pito akong kapatid."
Sinapo nito ang dibdib at sumandal sa hamba ng pinto. "Walang hiya talagang Alfie iyon. Pitong babae ang anak niya sa ibang babae? Malamang sinira din niya ang buhay ng mga ina ng ibang kapatid mo. Wala siyang puso."
Pumasok siya sa loob. "Wala akong pakialam sa kanila. I am leaving for Sochi, remember?"
"Kung talagang aalis ka na papuntang Sochi, sana itinapon mo na ang imbitasyon sa iyo ni Don Alfonso para sa hapunan bukas."
Binuksan nito ang drawer at inilabas ang eleganteng imbitasyon. Gawa iyon sa premium matte stationery na pinaghalong mint green at black. The lettering was even embossed in gold. Really classy. Halatang mamahalin at ipinasadya. Nararapat para lang sa isang Banal.
"Paano ninyo nalaman ang tungkol sa imbitasyon sa akin? Nakialam kayo sa gamit ko?" tanong ni Amira sa mataas na tono.
"Nag-aalala ako sa iyo. Mukhang distracted ka nitong nakaraang araw. Naisip ko na baka in love ka o buntis pero ayaw mong sabihin sa akin. Tapos nalaman ko na itinatago mo ito sa akin,” anitong puno ng hinanakit ang boses.
"Nay, hindi ko po itinago iyan dahil may plano akong pumunta. Wala po kayong dapat ipag-alala dahil hindi po ako interesado."
"Bakit di mo pa sine-shred o idinadala sa recycle bin?"
Bumuntong hininga si Amira. Mariin ang mga labi niya na kinuha ang imbitasyon sa ina. Hindi niya alam kung bakit parang nanghihina ang paa niya nang naglakad patungo sa shredder. Pigil niya ang hininga nang isalang iyon sa shredder at di niya alam kung bakit parang ginugutay-gutay ang puso niya habang pinagmamasdan ang pagkasira ng imbitasyon na iyon.
Para ito sa pagmamahal ko kay Nanay. Hindi ako Banal. Hindi ako Banal.
Pilit siyang ngumiti nang harapin ang ina. "There. Wala na tayong problema, Nay,” aniya kahit mabigat ang dibdib.
"Naka-register pa rin sa iyo ang number ng abogado nila?” tanong nito.
Kinuha niya ang cellphone. Lumunok muna siya bago binura ang numero ni Attorney Guzman sa call history saka ipinakita sa ina. "Iyan po. Deleted na. Nanay, di ko kayo tatraidurin. Alam ko kung anong ginawa ng mga Banal sa inyo. Sa atin. Hindi ko po iyon makakalimutan."
"Pasensiya ka na, anak. Ayoko lang talaga na lumapit ka pa sa kanila. Masasama silang tao,” maluha-luha nitong sabi.
"Opo.” Niyakap niya si Himaya nang mahigpit. Ang nanay niya ang pinakamahalagang tao sa mundo. Sa dami ng pinagdaanan nito sa buhay, silang dalawa lang ang magkakampi. Wala siyang gagawin na kahit ano para saktan ito. “Kung makakakuha ako ng flight, bukas na bukas din ay aalis na ako papuntang Sochi para mapanatag ang isipan ninyo."
"Salamat, anak."
"Nasaan na po ang cosmic tea ko?"
MATAPOS ang afternoon tea nilang mag-ina ay bumalik si Amira sa harap ng computer para i-book ang flight niya patungong Russia. Sa halip na pindutin ang Book Now button ay nagbukas siya ng panibagong window para i-search ang profile ni Don Alfonso Banal sa internet. President and CEO of Banal Group of Companies. He was seventy-four years old. Puti na ang buhok nito, kulubot ang mukha subalit makikita pa rin ang kakisigan nito sa kabila ng matandang edad.
Mukha itong mabait sa larawan ngunit nakikita niya ang kislap ng katalinuhan sa mga mata nito. Isang bilyonaryong pilantropo na nagmamay-ari ng iba't ibang negosyo sa bansa. Pero kahit na marami pa ang nagsasabing mabait ito dahil sa charity nito sa mahihirap, di pa rin maikakaila ang sinirang buhay ng negosyo nito. At alam niya ang madilim na sekreto ng mga Banal. They are evil. Hindi ko sila pwedeng pagkatiwalaan.
Bakit ko pa ba tinitingnan si Don Alfonso? Hindi ako interesado sa kanya o sa yaman niya o sa iba pa niyang apo.
Binalikan niya ang pagbu-book ng flight. Nasa kalagitnaan na siya ng pagpapasok ng numero ng credit card nang tumawag ang kaibigan niyang si Estephanie. Volunteer ito ng Nature’s Keeper at galing sa Mountain Province ang pamilya. Di kalayuan sa Benguet kung saan nanggaling ang inang si Himaya.
"Hello, Estephanie!"

Chapter 3
"Kailangan namin ng tulong. Kailangan mong pumunta dito sa Sagada,” anito sa garalgal na boses. "Binuksan na nila nang tuluyan ang minahan. They are now clearing the forest. Malapit ito sa sikat na waterfalls. Nanganganib iyon pati ang watershed."
"What? Binuksan pa rin nila?” Ang Sagada, Mountain Province ay isang sikat na tourist destination sa bansa dahil sa kultura nito at magandang kalikasan. Kaya nagulat siya nang malamang magbubukas ng minahan doon. “Pero... anong gagawin ng isang minahan sa isang ecotourism destination?"
"Iba na dito. Ibang-iba na. Baka... baka may ibang paraan para mapigilan ang Banal Mining Corporation. Masyado silang makapangyarihan kaya hindi namin maipasara."
Naggiyagis ang mga ngipin niya. "Ang mga Banal talaga...!"
Kahit kailan ay panira ang mga ito. Ano pa nga bang aasahan niyang matino? Nagsimulang yumaman ang mga Banal dahil sa Banal Mining Corporation. At ang target ng mga ito ay ang mga mahihirap na komunidad at mga komunidad ng mga katutubo na walang kalaban-laban.
"Sa dami ng infrastructure na ipinangako nilang itatayo, hinayaan na sila ng mga opisyales. Pati mga mamamayan dito na-brainwash na rin. Akala nila ay may pag-unlad sa minahan. Na yayaman din sila. Di nila alam na pinapatay nila ang kalikasan. Naiiyak na ako sa sobrang frustration. Hindi ko maatim na sobrang laki na ng nagbago sa lugar na kinalakihan ko. H-Hindi ko na ito kilala."
" Nandiyan na ako bukas na bukas din,” sabi niya bago pa siya makapag-isip.
"Salamat, Amira. Sabi na nga ba’t di mo ako pababayaan."
Lumabas si Amira ng library at tuloy-tuloy sa kuwarto niya. Inilabas niya ang maleta at inalis ang mga makakapal na parka at coat. Pinalitan niya iyon ng maninipis na jacket at cardigan. Ihinagis niya ang mga bohemian skirts at dress na hilig niyang isuot pati na rin ang accessories.
Pumasok si Himaya sa silid niya. "Anak, kailangan mo ba ng tulong sa pag-eempake? O! Bakit maninipis ata itong mga damit na dadalhin mo?"
"Hindi na po ako tutuloy ng Sochi. Tumawag si Estephanie. Kailangan daw po niya ng tulong dahil tuluyan nang nagbukas ang minahan sa bayan nila."
"Sandali. Hindi ba taga-Sagada siya? Huwag mong sabihing doon ka pupunta?" nag-aalalang tanong niya.
Mariing nagdikit ang labi niya at puno ng determinasyon itong tiningnan. "Kailangan po ako ni Estephanie.”
Naningkit ang mga mata ng ina at hinaklit ang braso niya. "Hindi kita papayagan. Hindi ka tatapak sa bayang iyon. Hindi ka makikipagkita sa mga Banal."
"Nanay, nangako po ako kay Estephanie na ako mismo ang pupunta doon. Tawagan ninyo ang Nature's Keeper sa Geneva. Sabihin ninyo na may urgent case akong hawak. Di naman ako nakapagpa-book sa Sochi kaya walang problema.”
“Sinabi ko nang hindi kita papayagan!”
“Nanay, ngayon ang humingi ng tulong si Estephanie sa atin. Siya ang pupuntahan ko at hindi ang mga Banal. Sila ang kalaban natin dito. Saka wala ba kayong tiwala sa akin? May ginawa ba ako na pwedeng magpawala ng tiwala ninyo?"
Napilitan itong umiling. "W-Wala."
"Trabaho lang ito, Nanay. At hindi ako pupunta doon bilang isang Banal. Pupunta ako doon bilang kalaban ng Banal at di ko hahayaang manalo sila.”
Tinungga ni Amira ang carrot juice na nabili sa palengke ng Bugias, Benguet kung saan nag-stopover ang bus papuntang Sagada. Hilong-hilo pa siya dahil alas diyes na ng gabi siya bumiyahe patungong Baguio at hinabol niya ang pang-alas singko ng umaga na biyahe ng bus patungong Sagada.
It was just an ordinary bus. Walang aircon. Lahat ng alikabok ay sagap niya. Ikinukwento ng kaibigan niyang si Estephanie dati na rough road ang pinakamataas na highway system sa bansa pero ngayon ay suwabe na ang biyahe nila dahil sa sementadong daan. Alas dose na noon ng tanghali at gutom na siya. Nangako si Estephanie na ipaghahanda siya nito ng masarap na tanghalian.
Ayon sa konduktor ng bus sa isang turistang nagtanong ay may dalawang oras pa ang tatakbuhin nila kaya umidlip muna siya. Hindi niya alam kung anong dapat niyang maramdaman sa pagbabalik niya sa bayan kung saan siya isinilang. Kaya malapit sila ni Estephanie dahil sa Sagada siya ipinanganak. Sa kahahanap ng nanay niya sa kanyang ama ay sa Sagada ito napadpad.
Sanggol lang din siya nang umalis ang nanay niya doon. Wala na siyang alaala sa lugar. Di na rin siya bumalik lalo na’t teritoryo iyon ng mga Banal. Ang tanging alam lang niya tungkol sa Sagada ay sa mga kwento ni Estephanie at sa mga nakikita niya sa telebisyon at sa magazine o internet. At ang nag-iisa niyang lumang larawan na kuha sa harap ng simbahan sa Sagada noong baby pa siya.
Ayon sa mga nababasa niya ay parang malapit sa langit ang Sagada. Pinakamagandang tanawin ang mga pine tree, ang berdeng kabundukan at ang pagbaba ng ulap sa kabundukan.
Subalit nang makita ang stone marker na nagsasabing Welcome to Sagada ay hindi niya naramdaman ang lamig. Sa halip na berdeng damo ay nakita niya ang tuyot na lupa at itim na bahagi ng kabundukan na nagsasabing kinaingin iyon. May mga pine trees nga subalit di na iyon gubat.
Isang payloader ang nakasalubong nila. Napaubo siya nang umalimbukay ang alikabok. Road widening at sinesemento na ang kalsada. Sa halip ay pine forest ay mga bahayan at mga inn ang nakita niya, senyales ng pag-unlad ng turismo sa lugar. Malaking tulong nga naman sa mamamayan ang pagdagsa ng turismo.
Di nagtagal ay tumigil na ang bus sa Poblacion. “Ma’am, dito na po kayo,” anang konduktor sa kanya.