Browse stories

Desire Love

Language: fil

Isang dalagang ina na punong puno ng responsibilidad sa buhay ang magiging katulong sa bahay ngisang sikat at mayaman na CEO ng isang wine company. Masayahin at positibong tao si Aleighn habang ubod naman ng sama ng ugali ang isang Craige Aldomar na walang ibang ginawa kundi laitin at maliitin ang pagiging dalagang ina ni Aleighn Sta. Maria Sa dami ng pang iinsulto at lait na matatanggap ni Aleighn mula kay Craige ay titigil siya sa paninilbihan dito bilang katulong, pero dahil sa pangangailangan at pagpapa gamot ng anak niya ay mapipilitan siyang bumalik at mag trabahong muli sa…

Available chapters

  1. Chapter 1
  2. Chapter 2
  3. Chapter 3

Chapter 1

PROLOGUE

"Aling Choleng magandang umaga, nandito na po ulit kami" pagbati ko sa tinuring kong nanay simula ng mawala ang aking magulang

"Maupo muna kayo riyan att tatapusin ko lang ang niluluto ko" sigaw ni Aling Choleng mula sa kusina nitong simpleng bahay niya

Sa iskwater area lang kami nakatira pero masasabi ko na isa ang bahay ni Aling Choleng sa malilinis, dahil na rin kasi sa kondisyon ng anak ko kaya gusto niya laging malinis ang bahay niya.


"Halika anak" aya ko sa munting kaligayahan ng buhay ko, si Ravi ang apat na taong gulang kong anak na lalaki.


Nilapag ko muna ang bag niya saka siya inupo ng maayos sa kahoy na upuan


"Itapat mo ang electric fan sakanya baka pawisan na naman iyang bata na yan" si Aling Choleng na nakalabas na pala sa kusina


"Anak dito kana muna ulit kay Nay Choleng mo okay" paalam ko na naman sa anak ko. Isa na naman ito sa malungkot na araw ng buhay ko, ang pag iwan sakanya sa pangangalaga ng ibang tao. Gustuhin ko man na buong araw siyang asikasuhin ay hindi ko magawa, dahil kailangan kong kumayod para sa pang gamot niya.


Pinanganak ko siyang kulang sa buwan, pitong buwan ng biglaan akong manganak na naging dahilan para magkaroon siya ng sakit sa baga mula sanggol palang,kaya todo ingat ako sakanya dahil ayokong atakihin na naman siya. Nadudurog ang puso ko sa tuwing hinihingal siya at hindi makahinga ng maayos, na kahit check up man lang sa isang private hospital ay hindi ko maibigay sakanya

Kung itatanong niyo nasaan ang tatay ng anak ko? Wala na iniwan ako ng langhiya!


"Mama iingat po ikaw, bait ako kay Nay Choleng po" magiliw na sabi ng anak ko sabay akap sa leeg ko


Isa na naman to sa mga araw na maglalako ako ng mga kakanin sa palengke habang nagtitinda ng iilang mga RTW na inutang ko lang din sa isang kaibigan


"Wag mag papagod anak huh, uuwi agad ang Mama.. I love you Ravi ko" sabi ko sabay halik sa noo niya

"Alis na ako Aling Choleng, kayo na pong bahala sakanya" paalam ko sa matanda sabay abot ng konting halaga para sa pag aalaga sa anak ko, pero gaya ng dati tumanggi na naman siya

"Sabi ko sayong hindi ka dapat nag aabot sa akin ng pera, gusto ko ang pag aalaga kay Ravi apo ang turing ko sa batang iyan, kaya hindi dapat ako binabayaran" inis na sabi niya, pero alam kong ganoon lang talaga magsalita si Aling Choleng para itago ang simpatyang nararamdaman para sa aming mag ina

Nasa singkwenta anyos na si Aling Choleng mag isa siya buhay, pero may isang anak na naninilbihan sa ibang bansa bilang katulong

"Puntahan mo etong address na ito, kailangan niya ng bagong katulong... Pero masyado na akong matanda para tanggapin pa ang trabaho na yan, kaya ikaw na ang tumanggap" sabi niya sabay abot sa akin ng isang flyer


"Malaki ang sasahurin mo dyan dahil ikaw lang ang magiging katulong,kaya naman sinabi ko sa kumare kong taga agency ang pangalan mo at bukas na bukas rin mag uumpisa kana" untag niya dahilan para manlaki ang mata ko, hindi dahil lang sa bukas ako mag uumpisa kundi ang malaman kung sino ang magiging amo ko


"WANTED ALL AROUND KASAMBAHAY! THE SALARY IS TWENTY-FIVE THOUSANDS PESOS EVERY MONTH. YOU WILL BE SERVING MR. CRAIGE ALDOMAR"

"CRAIGE ALDOMAR Aling Choleng?! Twenty-five thousand pesos ang laking sweldo non!" gulat kong sabi

"Kaya ikaw ang sinabi ko ng tawagan ako ng kumare ko, malaking tulong iyon sa pagpapa gamot ni Ravi kung sakali" sabi niya sabay abot kay Ravi ng mga laruan na ngayon ay nakaupo ang anak ko sa sahig at naglalaro ng mga maliliit na kotse


"Pero Aling Choleng halimaw daw po iyan!"

"Aba Aleighn tatanggi kapa, isipin mo nga ang anak mo.. Malabo kayong magkita dahil bukod sa malaki ang bahay niya ay lagi siyang wala sa mansion niya" inporma niya habang nakataas pa ang kilay. Aba taray nitong matanda na ito


"Bakit naman alam mo na ganoon ang pwedeng mangyari Aling Choleng?" tanong ko

"Dati na akong nanilbihan sakanya, at halos hindi kami nagkikitang dalawa" simpleng sagot niya


"Tama na ang tanong Leighn, gumayak kana sa pagtitinda ng makauwi ka ng maaga ng sa gayon hindi ka ma late sa pagpasok bukas.. Ayaw niya ng nahuhuli sa trabaho, yari ka" abay nanakot pa nga ang matanda


"Mama, Mama kiss kiss po" habol ng anak ko bago ako tuluyang umalis


Nagpatuloy ako sa pagtitinda ngyaong araw na nahahati ang isip isiping magtatrabaho ako sa isang kilalang tao dito sa bansa bilang mayaman at magaling sa negosyo PERO masama ang ugali lalo na pagdating sa mga katulong. Naku kung hindi lang dahil sa sweldo at pagsabi ni Aling Choleng na ako ang papasok bilang katulong ay hindi ako tutuloy


Pero sayang rin pala kung iispin ay pwede akong makaipon para sa pagpapa gamot ng anak ko. Hayys bahala na


Lumipas ang maghapon at sa awa ng diyos naubos ang gawa kong mga kakanin at nakabenta ng ilang damit, pwede na akong umuwi dahil may kita na ako ngayong araw at nami miss ko na ang anak ko.


"Nako ayan na naman yung malanding babae, kaya iniwan ng nakabuntis malandi kasi"


"Nakakahiya single mom!"


Iilan sa mga karaniwang madalas kong marinig sa araw araw na nagdaan aa buhay ko mula ng magka anak ko, pero balewala sa akin, bakit? Dahil wala silang alam sa kwento ng buhay ko kundi puro gawa gawa lang at isa pa hindi nila dapat malaman lalot wala naman silang dulot sa buhay ko


Oo dalagang ina ako, single mom pero hindi ibig sabihin non ay maduming babae ako, lahat ng bagay at pangyayari sa buhay ay may dahilan, kung ano man iyon walang magagawa ang mga marites na gaya nila



Naglalakad ako pauwi dito sa may kanto papasok sa iskwater ng biglang tumunog ang di keypad kong telepono sa isang tawag galing sa hindi ko kilalang numero kaya agad kong sinagot


"Come here early as you can bitch, I don't want you be late.. Cause maid like you dont have the right to be late on work mga mahihirap!" sabi mula sa kabilang linya at patay sa tawag


Maaring tawag iyon mula sa magiging amo ko simula bukas, at gaya ng pagkaka kilala sakanya ng lahat masama nga ata ang ugaliniya


Lord guide me, para po ito sa anak ko


Ako si Aleighn Sta. Maria ang magiging katulong ng isang halimaw sa sama ng ugali na si Craige Aldomar


Mapagtiisan ko kaya ang ugali niya o tumagal man lang kaya ako kahit ilang araw lang

---

Chapter 2

CHAPTER 1


Aleighn's POV

"Nako Aling Choleng kapag yang Craige na iyan ay matapobre nako uuwi talaga ako" untag ko


Andito na ulit kami ni Ravi sa bahay niya, iiwan ko na naman ang anak ko sa pangangalaga niya

Agad niyang dinala sa maliit na sala ng bahay niya ang anak ko at tinutukan ng electric fan

Inilapag ko ang spider man bag niya na regalo pa ni Aling Choleng sa katabi niyang upuan


"Alis ka ulit Mama?" malimbing niyang tanong
"Opo Ravi ko, tatrabaho lang ulit si Mama huh, promise ko sayo pag suweldo ko papasyal tayong dalawa, gusto mo ba iyon?" tanong ko


"Kapag may sobrang pera lang po, para hindi ka papagod sa trabaho kakabili ng gamot ko" inosente niyang sabi

Eto ang nakaka tuwa sa anak ko, may isip na at nakaka unawa sa mga bagay bagay.

Hinalikan ko muna siya bago lumabas ng bahay ni Aling Choleng



"Ay ewan Aleighn magtiyaga ka at sandamakmak ang utang mo kay Raul, kung nakakalimutan mo!" pabulyaw na sabi ni Aling Choleng paglapit ko, dahil sinabi ko sakanya na parang ayoko tumuloy sa Craige Aldomar na iyon



Paano ba naman kasing hindi ako aayaw, magmula ng tawagan ako kagabi ng magiging amo ko na iyon pakiramdam ko ay sobrang sama nga ng ugali niya


" Ohh Aleighn tamang tama naabutan kita, nasaan na ang bayad mong limang libo para sa buwan na ito!" at kung minamalas nga naman ako, natagpuan ako ngayong araw ni Raul, ang pinagkakautangan ko


Dito ba naman kasi kami nag usap ni Aling Choleng sa daanan sa tapat ng pintuan niya. Si Raul na bansot na nga, malaki ang tyan at bungal pa na halos nalimot na ata ang salitang pagligo, amoy bulok na banig pa.


Siya ang utangan ng bayan ika nga dito sa lugar namin, mabilis mautangan pero sobra kung tumubo.


"Ay hehe good morning Raul" bati ko sa pabebe kong boses, baka sakaling madala sa charm ko at pumayag na ma delay ang bayad ko. Wala pa kasi talaga akong pera ngayon dahil kabibili ko lang ng mga gamot ni Ravi


"Wag mong daanin sa pagiging pabebe mo Aleighn ayoko ng maging marupok, hindi ka lang na naman magbabayad" pasigaw na sabi niya dahilan para mag tinginan ang ibang nadaan


Sarap idribol ng kalbong bansot na ito, dami tuloy nag lingunang marites


"Naku Raul uutuin kana naman niyan ni Aleighn" sigaw ni Manang Anor, naglalaba sa hindi kalayuan sa bahay ni Aling Choleng


"Maglaba ka nalang Anor wag kang sumabat, hindi ka parin naman nakaka bayad kay Raul peste ka!" pabulyaw na sagot ng matanda


"Hehe Raul, delay ulit ang bayad lista nalang muna...sa susunod naman makakabayad na ako, umpisa ko ngayon sa bagong trabaho ko kaya may pambayad na ako sa susunod" untag ko


Alam kong lalambot ang loob sakin ng bansot na ito, paanong hindi eh bukod sa kursunada ako, kung makatingin sa akin eh parang nanghuhubad na


"Dahil marupok ako pagdating sa iyo papayag ako" sagot niya

Idaan sa pagiging charming sure bibigay ang bansot pero malamamg ay may kondisyon

"Pero may dagdag na isanglibo!... Tapos ang usapan magbayad ka kung hindi yari ka sa akin Aleighn!" madiing sabi niya sabay hithit ng sigarilyo


Mukha lang siyang madaling utuin pero sa totoo lang ay siga siya dito sa buong iskwater, ewan ba kung bakit ang tapang ko siyang kausapin ng ganoon.


Ilang sandali pa ay nagpaalam na ako kay Aling Choleng, sandali ko pang sinulyapan ang anak ko saka naglakad papuntang sakayan


Agad rin akong nakanpara ng jeep, papunta na ako ngayon sa bago kong trabaho. Naka suot lang ako ngayon ng kupas na itom na pantalon at puting vneck tshirt na medyo malako sa akin kaya binuhol ko ang kabilang gild. May anal na ako at twenty three years old na pero sabi ng karamihan hindi halata sa itsura dahil sa maayos kong pananamit, kahit na luma madalas ang mga suot at sa kutis kong maganda.



Bumaba ako sa tabing kalsada kung saan malapit na nag village ng bahay ni Mr. Aldomar, ng marating ay agad akong dumiretso sa guard house.

"Good morning mga boss, sa bahay po ni Mr. Aldomar ako po yung bagong katulong" bati ko


"Katulong ka miss?" tanong ng isang guard na medyo matanda na "Eh nakoy mag ingat ka sa taong iyon,osya pasok na at baka mapagalitan ka sa unang araw mo"


"masungit po ba talaga?" tanong ko bago pumasok ng tuluyan

"Kampon ni Lucifer" sagot niya sabay tawa "Lakad ka ng diretso, tapos kaliwa iisa lang ang bahay pagliko mo ayun ang bahay niya" turo ng isa pang guwardya sa akin


Narating ko agad ang bahay at halos hindi ako maka paniwala dahil sobrang laki ng bahay. Umaalingasaw sa yaman tingin palang, sa dyaryo ko lang nakikita ang bahay niya, dahil madalas aiyang featured sa mga interview at eto ang lagi nilang lugar kaya halos natulala akong tignan ang bahay sa personal


"Done looking at my house?!" bosea ng isang lalaking nag pabalik sa akin sa wisyo

Kumurap kurap muna ako dahil nagilat ng bahagya sa nilalang na nasa harapan ko. Isang makisig, matipuno, gwapo at mayamang lalaki ang nasa harap ko.


Ang gwapo niya pala talaga, naka brush up ang buhok, kulay brown ang mata, maskulado ang katawan at mukhang ang bango bango pa


Natigil ako sa pag eksamim ng kabuuan niya ng mapansin kong simangot at salubong ang kilay niya


"Go-good morning Sir, ako po yung bagong maid" untag ko sabay lahad ng kamay na binalewala niya lang, dahil nag martsa na siya papasok ng mansion niya


Tahimik lang akong naka sunod sakanya, kaya ng tumigil siya ay tumigil din akong maglakad. Dito kami sa may garden ng bahay niya napunta


"Being my maid you should have your uniform" walang buhay niyang sabi sabay bato sa mukha ko ng damit na sa tingin ko ay ang uniporme ko dito


Nabigla man sa ginawa niya ay wala akong magagawa, katakot mag reklamo kaya ngumiti nalang ako ng pagkatamis tamis sakanya


"Magtrabaho ka ng maayos para hindi masayang ang ibabayad ko sa tulad mong mahirap.... Isang maling gawa mo lang yari ka sa akin, wag na wag kang magnanakaw dahil kung hindi mabubulok ka sa kulungan!" mayabang na sabi pa niya


Hindi sinasadyang magtama ang tingin namin, kaya naman imbis na sumagot ay ngumiti lang ako saka tumango


" Ako po pala si Aleighn Sta. Maria Sir" inporma ko


"I don't care who you are b*tch"


****

Chapter 3

CHAPTER 2




Aleighn's POV


Halos mapanganga ako sa pagtitig sa papalayong bulto ng amo ko hindi dahil sa pisikal niyang anyo na makalaglag panty, kung hindi dahil sa masangsang niyang ugali


Hindi ko alam kung saan ako mag uumpisa sa pag kilos sa malaking bahay na ito na siya at ako lang naman ang tao. Kahit driver man lang o isang guwardiya ay wala siya, parang ang lungkot naman tuloy dito sa bahay na niya, malaki nga ang bahay niya malungkot naman


Tiyak kong magugustuhan dito ni Ravi kung makikita niya ang bahay na ito, gustong gusto niya kasi ang mga bahay na nagsusumigaw sa laki. Bata palang siya pero gusto niya na kaagad ang maging architect, kaya minsan ay dadalhin ko siya rito kapag wala ang amo kong may attitude problem


Pumunta ako sa may bandang kusina ng bahay na ito kung saan ko natagpuan ang kwarto para sa mga katulong, nagbihis na muna ako ng unipormeng bigay ni Sir Craige sa akin, at halos magmukha akong madre sa haba, pero anong magagawa ko eto ang binigay niya katakot naman magreklamo bako matawag na naman akong b*tch.


Ang gwapong nilalang pero ni isang emosyon sa mukha hindi ko makitaan, dapat nga masaya na siya sa buhay niya mayaman may pera at maraming negosyo wala ng mahihiling pa,pero kung sabagay hindi naman pera o yaman ang basehan ng buhay para maging masaya


Naiisip ko tuloy na baka may pinagdadaanan sa buhay ang gaya niya, kaya ganito ang pag trato niya sa ibang tao, o kaya naman ayaw lang talaga niyang mag tiwala sa iba kaya mabilis niya kung itaboy


Gusto ko tuloy siyang mas makilala at malaman ang tungkol sakanya, makapagtanong nga kay Aling Choleng tutal ay nanilbihan din naman siya sa taong ito


Hindi ko alam kung saan ako mag uumpisa sa pag lilinis pero sa huli ay minabuti kong unahin ang living room. Wala ang amo ko sa paligid at sa tingin ko ay nasa kuwarto niya siya. Gustuhin ko mang puntahan siya para magtanong eh natatakot akong akyatin ang silid niya dahil wala namang pahintulot niya.

Pagtapos ng living room ay sinunod ko ang garden, swimming pool at pang huli ay ang parking lot niya na hindi lalampas sa sampu ang nakaparadang sasakyan.


Natapos ko ng linisan ang sa tingin ko'y dapat linisin kaya naman pinulot ko na lahat ng mga ginamit ko sa paglilinis, magluluto naman ako dahil malapit na ang oras ng tanghalian


"Who the hell told you to clean here?!"
"Ay kabayong bundat!" bulyaw ng amo kong nagpa gulat sa akin dahilan para mabitawan ko ang timbang may tubig

"Sir ikaw pala.. Naglinis lang po ako dito" sabi ko ng nakangit kahit bakas parin ang gulat


"Hindi ko sinbaing maglinis ka dito, are you planning to steal one of my car?!" bulyaw na naman niya

Ano daw steal? Iniisip niyang magnanakaw ako ng sasakyan, paano ibubulsa ko? Iba din isip ng nilalang na ito


"Hindi naman sir, hindi po ako marunong mag maneho,"

"Ganyan ba talaga kayong mahihirap, laging may sagot! Cook my lunch bago pa kita kaladkarin palabas ng bahay ko kumilos kana!" sigaw na naman niya, halos hindi ata marunong magsalita ang isang iyon ng kalmado at hindi nasigaw


"Ano pong gusto niyong ulam?" tanong ko

"It's your job, dont ask me stupid!" sagot niya sabay martsa palayo sa akin



Anong klase ng tao kaya siya at bakit parang hindi man lang natutong makitungo ng maayos sa kapwa

Walang manners!


Tsk palibhasa mayaman!


Mabilis akong nagtungo sa kusina at halos malito ako sa mga gamit pero dahil matalinong tao ako ay hindi naman ako naging ignorante sa pag gamit ng mga iyon


Hindi ko alam ang gusto niyang pagkain pero dahil sinabi niyang trabaho ko ito, adobong manok at sinigang na baboy ang niluto ko. Kaonti lang ang hinanda ko dahil mag isa lang naman siyang kakain, at kung may matira ayun na rin siguro ang pananghalian ko hindi naman siguro siya magagalit kung kakainin ko ang matitira sa niluto ko



Hinanda ko ang hapag para sakanya, may tubig at orange juice pa kung sakaling gugustuhin niya. Hindi pa ako tuluyang natatapos maghanda ng bigla na siya naupo sa pwestong napili niya.


Sabi ni Aling Choleng hindi ito napirmi ng bahay pero bakit kaya nandito itong tao na ito, baka wala masyadong trabaho at sinusubok ang pagiging katulong ko.


"Nako Sir andyan na po kayo... Osya kain na po hindi ko alam ang gusto niyong pagkain pero sana magustuhan mo" nakangiti kong sabi sabay pakita ng mga ulam na nakahanda sakanya


At gaya ng mukha niyang nabungaran ko kanina mula ng pumasok ako sa bahay niya, ganoon pa rin ang emosyon niya, salubong ang kilay.


"Wala pong lason yan," segunda ko baka mamaya kasi ay isipin niyang may lason kaya inunahan ko na siya


Agad akong tumalikod ng mapansin kong magsandok na siya ng pagkain niya ng bigla siyang magsalita


"You stay on my side ganoon dapat ang mga katulong, hinihintay na matapos kumain ang amo nila," walang emosyon niyang sabi kaya agad akong pumunta sa gilid niya


Pansin ko ang paunti unti niyang pagtikim sa sabaw ng sinigang, sunod ang pagsubo ng kanin kasama ang adobo kaya sigurado akong nagustuhan niya ang luto ko


"Sir masarap luto ko ano po?" tanong ko pero mukhang wrong timing dahil mukhang nagulat siya at nasamid

"Ahaha! Ahaha!" pag ubo niya
Nataranta ako kaya dali akong lumapit sakanya, hinimas ang likod niya at pinainom siya ng tubig


"Nako sir pasensya na nagulat po kita!" nag aalalang sabi ko at patuloy sa pag himas ng likod niya


Agad naman niyang ininom ang inabot kong tubig dahilan para umayos na ang pag ubo niya

Padabog niyang binaba ang baso na may tubig at dali dali akong hinawakan ng madiin sa dalawang braso ko


" Are you trying to kill me huh?!" malakas na sigaw niya sa akin sa harap ng mukha ko

"Sir hindi po, hindi ko rin po sinasasadya na magulat kayo" takot na sagot ko


Hinawakan niya pa ako ng mas madiin bago tuluyang tinulak dahilan para sumubsob ang mukha ko sa lamesa

"Ayusin mo ang trabaho mo kung ayaw mong ipakulong kita, kayang kaya kong gawin iyon estupida!" sabi niya sabay martsa palayo sa akin


Nabigla man ako sa nangyari pero agad ring nakabawi. Pakiramdam ko yung pagiging ganoon ng ugali niya ay may malalim na pinang galingan kaya kailangan unawain nalang. Saka para kay Ravi ang kikitain ko dito kaya dapat kong pag tiisan ang ugali ng taong tulad niya.

Para sa anak ko ang pagta trabaho kong ito kaya kahit ano ay kakayanin at titiisin ko, pakiramdam ko ang tulad ni Sir Craige ay kailangan ng kaonting pang unawa, baka may pinagdadaanan lang talaga ang tulad niya


****