Browse stories

Lusting Kap's Daughter

Language: fil

Nagising na lamang ako isang araw sa 'di pamilyar na lugar, 'di rin pamilyar ang mga mukhang nagisnan ko. I have this strong feeling that I didn't belong in this place. I felt the urge to leave the unfamiliar place, pero paano ko gagawin iyon kung pati pangalan ko mismo ay hindi ko alam? Hindi ko matandaan? I have no choice but to stay, I was unconscious and wounded when these people found me. Is my life in danger? I also really want to know... Gustong-gusto ko nang maalala kung sino ako at ang nakaraan ko. I want to leave this nasty place as soon as possible, but not until I met The…

Available chapters

  1. Chapter 1
  2. Chapter 2
  3. Chapter 3

Chapter 1

LEIGH




Nagkukumahog akong umibis ng taxi.
Damn shit!
2 minutes more, and I'm already late.
Marami pa akong ihahandang gamit ni Mr. Busangot today.
Halos takbuhin ko na papasok ng Mendez Palace.
Shit! Masusungitan na naman ako nito ng amo kong topakin e!
Namilog ang mga mata ko nang makita ang papasara nang elevetor!
"Sandali lang, please!" sigaw kong pigil.
Shit, naipit pa ako! Siniksik ko ang katawan sa pasasarang elevator.
Thankful ako't bumukas.
Buti na lang, wew! Hinawi ng braso ko ang pawisan kong noo.
Pinindot ko ang top button ng hotel kung saan naroon ang penthouse ni Mr. Busangot.
Ang lalaking walang pakiramdam at walang alam kun'di ibusangot ang mukha.
Pero kahit maghapon 'atang nakabusangot 'yon, hindi nakakasawang pagmasdan ang napakaguwapo niyang mukha.
Nang sa wakas ay narating ko ang top floor ang palapag ng penthouse niya.
Agad kong in-type sa maliit na monitoring access ang hawak kong code para makapasok sa loob.
Syempre may sarili akong code papasok, ako ang personal assistant niya e.
Napatigil ako saglit habang napatingin sa sahig, isang pares ng high heels na kulay pula.
Napanganga ako at napalunok nang pagdating sa sala ay nakita ko naman ang nagkalat na mga damit.
Kinabahan ako at parang sinaksak ng punyal ang dibdib ko.
Marahan at mabigat ang loob kong dinampot ang damit ng amo ko.
Ang damit naman ng babae ay parang hindi ko kayang hawakan.
Kahit masama ang loob at parang hirap kong ihakbang ang mga paa ay nagawa ko pa ring marating ang pituan ng kuwarto ni Ysiah.
Napapikit akong napasandal sa gilid ng pintuan. Naninikip ang dibdib ko.
"Oh Damn it, Paul! Harder! You're so freaking good!" dinig na dinig ko ang sigaw ng isang babae mula sa loob ng kuwarto niya.
"You want more of me, huh?" gigil at pausang tanong nito.
"Yes! yes! fill me with your thick cum, Paul." Tila pagmamakaawa ng babae.
"Then, suck me first before I bang you again," hindi ko na matagalan ang mga naririnig kong sagutan nila.
"Yes, baby! Gosh! You're really huge!"
Nanlulumo akong umalis sa kinasasandalan ko at mabigat ang mga paang nagtungo sa kusina.
Napabuga ako ng hangin bago nag-umpisang magluto ng almusal ng amo kong ngayon ay naglulunoy sa kama kasama ng kung sinong babae.
Alam kong hindi naman iyon boses ng asawa niya. Sa ilang beses na naming pag-uusap ng asawa niya kahit pa puro short convo lang ay kilala ko na ang boses nito.
'Yon pa nga lang sa parte na iyon ng buhay ni Ysiah ay parang unti-unting namamatay ang puso ko.
He's a married man. A family man.
He's a husband and a father of a 5-year-old girl.
Tapos may mga babae pa siya? Damn it. Bakit siya pa?
Masakit sa parte ko. Napakasakit.
Makitang muli ang mahal kong pag-aari na pala ng iba.
Tapos ay nasasaksihan ko pa ang mga pambabae niya.
Ewan ko, pero nakakaramdam din ako ng sakit at habag para sa asawa niya.
Lalo na't nakikita kong mahal na mahal niya si Ysiah.
Kahit gano'n pa man hindi ko pa rin magawang kalimutan siya, kahit pa nga alam kong limot na limot na niya ako...


PANGATLONG araw ko pa lang ito bilang personal assistant niya.
Bakit kasi ako pa talaga, e okay na ako sa pagiging receptionist?
Kaso nga may nagawa akong hindi niya nagustuhan na muntikan ko nang kinatanggal sa kompanya niya.
Nag-sunny side up eggs ako, ilang stripes ng bacon and toasted bread.
Inihahanda ko na ang lamesa nang makita kong lumabas ang babae.
Nagulat pa siya nang makita ako. Nakatapis lang siya. Saglit siyang natigilan.
Inirapan niya ako, saka gumala ang mga mata niya na parang may hinahanap.
Her clothes, I guess. 'Yon na nga. Isa-isa niyang pinulot ang mga damit niyang hindi ko nagawang damputin kanina.
Napahinga na lang ako ng malalim. Nagmamadali rin siyang bumalik papunta sa kuwarto ni Ysiah.
Hindi rin nagtagal ay lumabas siyang muli. Nakabihis na siya. Kasunod niyang lumabas ng kuwarto si Ysiah.
Bagong paligo na. Basa pa ang buhok. Presko siyang tignan sa suot niyang grey t- shirt and white boxer short.
"Kailan tayo ulit magkikita?" malanding anang babae. Masuyo pa nitong hinahaplos ang dibdib ni Ysiah.
Napalingon si Ysiah sa akin. Agad akong nag-iwas ng mga mata. Tumalikod na ako at bumalik sa counter island.
Kunwari ay naging abala ako sa lavabo.
Pero naging alerto ang mga tainga ko. Damn.
"I don't know. But I'll call you when. I'll be very busy this coming week," dinig kong aniya.
"Please, baby don't make it too long," maarting panglalambing ng babae.
Gusto kong mapangiwi.
"I'll try, Veronica. Can you leave now? I need to prepare myself for work. May meeting pa akong dadaluhan," nakita ko nang natigilan ang babae.
Lihim akong napangisi.Ano ka ngayon, obvious 'di ba? Lumipas na ang libog niya, ngayon tsupi ka na!
"Aah... Okay." Hilaw ang ngiting aniya. Nakita ko pang tila hihirit pa ito ng isang halik kay Ysiah pero humakbang na si Mr. Busangot papunta ng dining.
Ni hindi na niya nilingon iyong babae. Ouch.
"My coffee?" maawtoridad na aniya sa'kin kaya agad akong tumalima para ipagtimpla siya ng kape.
Kanina ko pa sana siya ipagtitimpla kaya lang 'di ko sure kung kailan matatapos ang sabong nilang dalawa.
Nang mailapag ko ang umuusok niyang kape ay mabilis na akong pumasok sa kuwarto niya. Shit! Amoy tamod! Napatingin ako sa basurahan na nasa isang sulok ng bukas pang banyo.
May nakita akong pinagbalatan ng condom sa lapag. 'Di pa niya na-shoot nang itapon.
At least nag-condom siya. Noong kami ayaw na ayaw niyang mag-condom.
Parang gustong-gusto na talaga niya akong buntisin noon. Saglit akong napatulala nang maalala ang ilang parte ng nakaraan namin.
Pinilig ko ang aking ulo upang wagwagin ang mga imahing iniiwasan kong dalawin.
Nasasaktan lang kasi ako lalo. At the same time, nararamdaman ko ang matinding pangungulila sa kaniya.
He's just so near me... Pero parang ang layo- layo niya pa rin. Hindi ko maabot.
Hindi ko siya puweding hawakan, 'di ko puweding angkinin.
Nang matauhan ay nagmamadali na ang kilos kong inihanda ang mga gamit niya pang opisina.
Ihahanda ko ang susuotin niya sa meeting na dadaluhan niya.
"Leigh!" dinig kong sigaw niya kaya nagmamadaling napalabas ako ng kuwarto.
"Change my bedsheets." Napa-forward ang leeg ko. Did I hear it right?
Shit! Yuck naman. Ginamit nila ng babae niya tapos ako paglilinisin niya?
At hindi siya nakikiusap, nang uutos siya!
Nang-uutos na parang hari. Ni hindi nga siya tumitingin sa akin, at prente pa siyang kumakain.
Napatingin lamang siya sa akin nang mapansing hindi pa rin ako kumikilos sa kinatatayuan ko.
"What? May problema ba?" kunot noo niyang tanong. Bigla akong nahimasmasan at agad na napailing.
Damn shit! I don't have a fvcking choice.
I need this job. I need this job for my twins.

Chapter 2

LEIGH




PILIT kong minumulat ang aking mga mata pero talagang 'di ko pa kaya. Sobrang inaantok pa ako.
Kusang bumibigat ang mga talukap ko.
Anong oras na rin kasi kami natapos kagabi.
Ilang araw na akong pagod at puyat sa magkakasunod na event na ginanap sa hotel na pinagtratrabahuan ko.
Buti na lamang at nagkaroon ako ng day off today.
Isa akong pastry chef sa isang kilalang hotel dito sa Dubai.
Dalawang taon lamang ang kontrata ko ngunit napa-extend ako ng isa pang taon ayon na rin sa pakiusap ng boss ko.
Tita ko ang tumatayong manager sa department namin. Halos magtatatlong taon na rin ako ngayon. Hmm. Dalawang buwan na nga lang pala ay tatlong taon ko na. Ang bilis talaga ng panahon. Makakauwi na rin ako, sa wakas!
I groaned as I stretched my body. Humikab pa ako. Minulat ko ang isa kong mata.
The familiar tone from my phone keeps banging my ears.
May tumatawag sa aking pixbook messenger.
Baka sila Tatay lang. Ilang araw ko na rin kasi silang hindi nakakausap mula nang mag-umpisa ang event.
Inabot ko ang cellphone ko. Tama nga.
Account ng Tatay ko ang patuloy na nagpa- popup sa screen ng phone ko.
Inaantok kong in-accept ang tawag. "Naistorbo ka ba namin?" ang agad niyang bungad na tanong nang makita sa camera ang itsura kong kakagising lang.
"Okay lang, Tay. Babangon na rin naman ako," paos kong sagot. Napahawi ako sa maikli kong buhok na gulo-gulo pa.
"Mag-aalas onse na pala diyan, anak. " Aniya pang may sinipat sa kung saan.
Malamang tinignan nito ang orasan na nakasabit lamang sa dingding ng sala namin.
"Tay, saglit lang po ha, bubuksan ko lang laptop ko." Inabot ko ang laptop ko sa isang sulok ng tinutuluyan kong maliit na kuwarto.
Iniayos ko ang laptop sa ibabaw ng maliit na lamesang naroon.
Nagpaalam muna ako at pinatay saglit ang tawag nila sa cellphone ko.
Nagtimpla muna ako ng kape, saka ko sila muling tinawagan gamit ang laptop ko.
Pagbalik ko sa camera ay natawa na'ko nang makitang nagsiksikan na sila sa harap ng camera.
Si Tatay na ilang taon nang kapitan ng Barangay namin, at ang tatlo kong makukulit na kapatid. Nasa grade 5 pa lamang si Lalaine ang bunso naming kapatid.
Si Larry naman na pangalawa sa bunso ay second year high school na. Si Landon naman na sumunod sa akin ay nasa second year college na rin.
Ulila na kami sa Ina at tanging si Tatay ang nagtaguyod sa akin upang makapagtapos ng kolehiyo.
Kakatapos ko lamang noon sa kursong culinary arts at ni wala pa akong experience, nang tawagan ako ng Tita Liza ko na naka-base dito sa Dubai kung interesado akong mag-abroad at magtrabaho bilang pastry chef sa hotel kung saan siya nagtratrabaho.
Ayaw man ni Tatay pero pumayag na rin ito kahit napipilitan lang.
Magku-koliheyo na rin kasi nang time na 'yon si Landon kaya malaking tulong ang pag-alis ko para sa pag-aaral nito.
Kahit paano ay may malaki naman kaming lupain na sinasaka. Ngunit ako ang saksi kung gaano kahirap sa pagsasaka si Tatay.
Alam ko rin na kapag 'di ka sinuwerte sa pag-aani ay hindi rin naman nasasapat ang kikitain do'n para pangtustos sa aming pag-aaral.
Mula nang makapag-abroad ako ay ako na ang sumalo sa mga gastusin ng mga kapatid ko sa pag-aaral nila.
Nagsasaka pa rin naman si Tatay pero may inuupahan na itong tao na siyang kato-katulong na niya.
Tumutulong rin ang mga kapatid ko sa tuwing walang eskwela.
Bukod diyan, may tao pa raw ngayon na kasa-kasama nila Tatay sa bahay pansamantala.
Hindi pa nagkukuwento ng marami si Tatay ng tungkol sa kaniya, ngunit siniguro ni Tatay na mabait daw ito.
Kailangan daw nitong manatili muna sa poder namin hanggat wala itong naaalala sa nakaraan niya, sa pagkatao niya.
Natagpuan daw kasi ito ng mga tanod sa baybayin at walang malay.
Kahit paano ay malaki ang suweldo ko sa pinagtratrabahuan kong hotel.
May naiipon pa ako sa banko na maari kong gastusin sa binabalak kong paga-apply sa Italy.
Pangarap kong makapunta sa bansang iyon at makapagtrabaho sa sikat na mga hotel.
And working here in Dubai is my first stepping stone. Alam kong papasaan ba't susuwertehin akong muli at makakapagtrabaho rin ako sa pinapangarap kong bansa na iyon.
"Ate, kailan ka ba uuwi? Huwag mong kalimutan iyong pinabibili kong bag ha, dalawang taon na kasi iyong bag ko ayaw pang palitan ni Tatay." Ang nakasimangot na anang bunso namin.
"Puwede pa naman iyon a, matibay pa at hindi naman mukhang luma," ang protesta ni Tatay sa kaniya.
"Basta sa akin, Ate. Jersey lang at sapatos ni James." Ani Larry.
Nako heto na naman ang walang humpay na pabili.
Napapakamot ako sa ulo. "Gusto mo jersey, bakit dito pa? Ang dami diyan sa palingke a,"
"Jersey ni James Raid," dinig kong sabat ni Landon sabay tawa nito.
May inapiran pa ito sa likod nila. Hindi ko makita kung sino.
Ang nakita ko lamang ay malaking braso nito.
"Kahit kami ni Kuya Ysiah ay t-shirt lang Ate, " dinig ko pang ani Landon.
Ysiah ang pangalan ng taong kasakasama nila ngayon sa bahay.
Ilang buwan na itong nakatira sa bahay namin ngunit kahit kailan ay hindi ko pa nakita sa camera sa tuwing katawagan ko sila Tatay.
Lagi kasi itong may ginagawa. Lagi raw itong nasa bukirin namin at kung nasa bahay naman ay nagsisibak ng kahoy or 'di naman kaya'y pumalaot kasama ng mangingisda sa amin.
Minsan ko na rin na-suggest kay Tatay na dalhin ito sa munisipyo baka sakali kasing do'n ay matulungan siya.
Ngunit mismong iyong Ysiah ang ayaw sa idiyang iyon. Walang malay at sugatan daw kasi ito nang matagpuan nila.
Baka raw may nagtatangka sa buhay nito, ang bumabagabag naman sa akin, paano kung hindi nila alam na itong Ysiah na ito pala ang masamang tao?
Syempre baka mabait lamang ito ngayon dahil walang maalala. O baka nga nagpapanggap lang na walang maalala para makapagtago 'di ba?
Paano nga kung sa totoong buhay nito ay pinaghahanap ito ng batas?
Isang kriminal na takas sa mga awtoridad?
The thought of it was really bothering me a lot.
"Kailan ba kasi talaga ang uwi mo, anak? Ang tagal tagal mo na diyan. Ni hindi mo man lang maisipan na umuwi para magbakasyon," ang malungkot na ani Tatay.
"Pasensya na, Tay. Pinag-iipunan ko po kasi iyong gagastusin ko papuntang Italy." Nakita ko ang gulat sa mukha ni Tatay. Shit. Nasabi ko na. Hindi ko pa nababanggit kasi ang plano kong iyon. Nadulas na ako.
"Ang ibig mong sabihin balak mo pa talagang umalis pagkatapos ng kontrata mo diyan sa Dubai?" parang dismayado nitong tanong.
Napakagat ako sa ibabang labi ko.
"Tay, kapag napunta po ako ng Italy, mas lalo pong mapapabilis ang pag-ahon natin. Mas malaki ang sahod do'n. Isa pa po, nasa second year pa lang si Landon." Ang mahinahon kong sabi habang 'di makatingin sa camera.
Ang pag-alis ko papunta rito sa Dubai ay mabigat na sa loob niya. Lagi nga itong masaya sa tuwing katapusan ng buwan.
Binibilang nito ang bawat buwan ng taon na alam nitong matatapos na ang kontrata ko't makakauwi na rin ako.
Labis na nga ang pagkadismaya nito noong nalaman nitong nag-extend pa ako ng isang taon. Kinausap lang siya ni Tita Liza kaya kahit paano natanggal din ang tila pagtatampo nito sa akin.
Kaya ang idiya kong pag-alis papuntang Italya, ay nangangailangan ng matinding pangungumbinsi talaga.
"Hindi naman tayo masyadong naghihirap anak, kaya ko pa namang magsaka. May katukatulong na naman ako ngayon sa bukirin natin, puwede naman na dito ka na lang sa malapit maghanap ng mapagtratrabahuan." Ang anitong bakas ang lungkot sa tono.
"Mas mapapanatag ako, makakatulog na ako ng mahimbing kapag nasa malapit lang kayong magkakapatid sa akin," ang aniya pang kinatahimik ko.
Ilang sandaling katahimikan ang nangibabaw sa pagitan namin. Hindi ako makahagilap ng salitang maaring magpagaan sa tila bumigat na loob ni Tatay.
"Ate, tama si Tatay. Marami naman malalaking hotel sa Maynila na maari mong apply-an. Malaki rin naman ang sahod at 'di mo na kailangan mangibang-bansa. At least kapag dito ka lang sa pinas nagtratrabaho e, kaya mong umuwi ng madalas." Ang seryosong ani Landon.
"Ate umaasa pa rin si Tatay na maiisipan mong mag-asawa," natatawang ani Larry.
"Kaya nga, ayaw na nga pauwiin ni Tatay si Kuya Ysiah kasi ipapaasawa na raw sa'yo." Narinig ko ang malutong na tawa ni Landon at Larry.
Naningkit ang mga mata kong tumingin sa camera.
"Huwag n'yo ngang biruin ng ganiyan ang ate n'yo baka lalong 'di siya umuwi niyan." Saway ni Tatay sa kanila.
"Pagkakita pa lang ni Kuya Ysiah sa mga picture mo mukhang problemado na nga siya kung paano ka gagawing babae," ang malakas na ani Landon kasunod muli ng malakas nitong halakhak.
"Gag*!" ang sigaw ko sa kaniya. Kung nasa tabi lang ako ng gago, nakaltokan ko na naman siya e.
"Ate, baka kapag nakita mo si Kuya Ysiah mawala iyang pagka-tibo tibo mo," ang banat din ni Lalaine habang nakangisi.
"Ikaw ha, ang bata-bata mo pa may nalalaman ka nang ganyan!" napapansin ko simula nang manirahan ang Ysiah na iyan sa amin laging bukambibig na siya ng mga kapatid ko.
"E, kasi ang guwapo kaya ni Kuya. Lahat nga ng kababaihan dito sa lugar natin nagkakagusto sa kaniya," nakangusong aniya pa.
"Puwes hindi ako!" mataray at inis kong sabi.
"E, kasi naman tibo-tibo ka e," ang pakling banat pa nitong kinapikit ng mga mata ko.
Sa loob ko'y alam ko naman na 'di talaga ako tibo. Oo ngat mula sa pananamit, hilig na sport at gupit ng buhok ay malayong malayo ang style ko sa mga maria clarang dalaga sa baryo namin.
Pero dahil iyon ang nakasanayan ko at naging hilig ko. Idagdag pang halos lahat ng pinsan kong nakasama at kinalakihan ko ay puro mga lalake. Kaya siga at tibo tibo akong kumilos.
Dalawa nga lang ang babaeng pinsan ko e. Lahat na sila ay pawang mga lalake na.

Chapter 3

LEIGH






Ladies and Gentlemen we have just landed at Ninoy Aquino International Airport, Philippines airways, welcomes you to Manila. On behalf of your flight crew headed by Captain Ramil Hasar with first officer Ramirez and the rest of the team, we thank you for choosing Philippines airways as your airline of choice.
Napangiti ako nang marinig ang landing announcement ng sinasakyan kong eroplano.
Kasabay ng pag-usbong ng sabik sa dibdib ko. Sa wakas. Nakauwi na rin ako ng Pilipinas!
Nakapikit ang mga matang napahugot ako ng hangin. Sinamyo ko ang maalinsangan amoy ng Manila, amoy Pilipinas na talaga.
Ang nakangiti kong sambit. Hindi ako makapaniwala. After 3 long years, sa wakas!
May isang oras din siguro akong nanatili pa sa loob ng airport para sa bagahe ko.
Pagdating sa arrival area ay agad humaba ang leeg ko para tignan ang sundo ko.
Actually, hindi alam nila Tatay na darating ako ngayong araw. Gusto ko kasi silang supresahin.
Ang akala nila ay muli akong mag-e-extend ng isa pang taon.
Iyon kasi ang pinapakiusap na naman ng boss ko.
Nabanggit din iyon ni Tita Liza kay Tatay. Tinanong ako ni Tatay kung tatanggapin ko ba ang alok gayong tinaasan ang sahod ko.
Sumagot ako na hindi ko pa alam pero pinag-iisipan ko ngang tanggapin dahil malaki rin kasi ang idinagdag nila sa sahod ko.
Pero ang totoo, decided na akong umuwi na muna.
May naging kaklase kasi ako noong college ang nakabase sa Italy at nakausap ko.
Nagka-chat kami at saktong naghahanap ng pastry chef sa hotel na pag-aari ng napangasawa niya.
Inalok ako ng libreng tirahan, may food allowance pa at malaki rin ang alok na sahod kaya syempre 'di na ako nagpapatumpiktumpik pa at talagang tinanggap ko ang alok.
Gusto sana niyang mula sa Dubai, ay deretso na ako ng Italy. Kaso ang problema, wala na akong sapat na oras para ayusin ang mga papeles ko.
Halos patapos na rin kasi ang kontrata ko nang magkausap kami.
Pero syempre, kailangan ko muna ring umuwi ng Pilipinas upang kahit paano ay makapagbakasyon ako.
Isa pa, kailangan ko rin naman talagang umuwi para makausap si Tatay at personal na makapagpaalam.
Mas maiging makapagbakasyon na muna. Tatlong taon rin akong hindi nakauwi at talagang nami-miss ko na rin sila kahit pa nga madalas ko silang nakakausap sa social media.
Pumayag naman ang kaklase ko at desidido naman siyang kunin ako.
Isang beses ko pang pinasadahan ang mga taong nakatayo sa arrival waiting area. Mga taong pawang mga naghihintay sa pagdating ng kani-kanilang kamag-anak galing ibang bansa.
"Leigh, look at here, Bestfriend. I'm here!" nangibabaw ang boses palakang iyon na kilalang-kilala ko. Napalingon ako sa taong halos magtalon-talon na habang hawak ang malaking placard kung saan nakasulat ang pangalan ko.
Siya lamang ang nakakaalam na darating ako at siya rin ang susundo sa akin.
Ang bestfriend ko simula pa noong elementary ako! Ang mas nakakakilala sa akin at nakakaalam ng mga sekreto ko.
Si Benjamin, aka Bentong!
Kita ko ang pagwagayway niya ng placard niyang dala! Naks, naka-placard pa talaga pangalan ko a!
"Bentong!" Masayang kaway ko. Tulak-tulak ang cart ng bagahe ko ay masaya akong lumapit sa kaniya.
"Tang*na, lalo tayong pumupogi a," ang agad niyang puna sa akin habang agad akong pinasadahan ng tingin. Pailalim niya akong tinignan.
Isang magaan na kaltok ang agad na binigay ko rito. "Aray naman, Besh. Kakarating mo lang kaltok na agad pasalubong mo e," ang reklamo nito pero agad din inagaw sa akin ang tulak-tulak kong cart.
"Nakakaasar kasi 'yang tingin mo, tang*na ka! Parang may ibig sabihin! " Natawa rin siya at napailing. Damn shit! Kahit ilang taon akong nawala at 'di nakasama ang abnormal na'to e, kilalang-kilala ko pa rin ang ligaw ng bituka nito no!
"Hindi na, kasi bagay sa'yo ang tibo-tibo! Lalo kang gumanda tol, at kahit yata magsuot ka pa ng barong, babaeng-babae pa rin ang dating mo!" Anitong huminto sa tabi ng isang nangingintab at bagong-bagong sasakyan.
Imbes na mag-react sa papuring sinabi nito ay napaawang ang mga labi ko sa sasakyang dala niya.
Alam ko naman na kahit paano ay may kaya talaga ang pamilya nito. Nasa America na kasi ang mga magulang nito pati ang tatlong kapatid nito ay naroon na rin.
Siya na lamang ang namumukod tanging narito sa Pilipinas, at walang balak daw itong umalis at manirahan sa ibang bansa.
"Sasakyan mo'to tol? tang*na sobrang asensado ka na talaga. Dinaig mo pa ako a," palatak kong sabi habang namimilog pa rin ang mga mata kong nakatingin sa isang audi na kulay itim at bagong-bago.
"Ang ganda nito ano?" nagyayabang pa niyang sabi. Habang nakapamaywang na pinagmasdan din ang sasakyan.
"Shit, ganda talaga tol! Sarap ang biyahe natin nito," lalo akong na-excite makasakay.
Napakamot siya sa batok. Napapangisi ang gago! " Ganda talaga, pero hindi 'yan ang sasakyan ko, ito ang sasakyan ko." Turo nito sa katabi no'ng mamahalin at bagong-bagong sasakyan.
Isang lumang nissan na pula ang naroon. Maliit at kupas na ang kulay.
" Nakakahiya nga napatabi dito sa bagong-bago at mamahaling sasakyan e, kanino kaya to?" ang tuluyang ngising anito. Pero tulad ng sabi ko kilala ko 'to e, kaya alam kong sinadya ng gago!
Bago ko pa siya makaltokan na naman ay humahalakhak na siyang lumayo sa akin.
"Pang gasolina natin tol, ready mo na!" nakatawa pa niyang banat sa akin.
Binuksan nito ang trunk ng kotse nito at nilagay ang bagahe ko. Hirap pang pagkasyahin do'n 'yong isang maleta kaya nilagay na nito sa backseat ang isa pa.
Ako naman ay pumuwesto na sa unahan katabi ng driver.
"Gusto ko sanang isama iyong mapapangasawa mo, si Ysiah? Kaso pumalaot kasama ni Landon," kapag kuway aniyang kuwento sa gitna ng biyahe.
"Bentong nasa biyahe tayo, marihap kapag nakaltokan kita baka maaksidente pa tayong dalawa," may halo pagbabanta ang tono ko.
Humagikgik siya. "Tol, ang guwapo no'ng ampon ni Kapitan, makalaglag salawal. Kahit ako, nababakla kapag nakikita siya, ginalingan talaga ni Kap ang pagpili ng iyong mapapangasawa!" Imbes na patulan ko pa ang pang-aasar nito ay natuon ang isip ko sa kaalamang wala roon ang isang kapatid ko.


TANGHALI na rin nang dumating kami sa bahay namin. Linggo ang pinili kong uwi para nariyan sana silang lahat. Pero wala si Landon at kasama raw pumalaot iyong Ysiah.
Nakita ko pang nakikipaglaro ang bunso namin sa mismong labas ng bahay.

Napalingon ito sa nakahinto nang kotse ni Bentong pero parang wala lang na bumaling muli sa mga kalaro.

Iyong isang kalaro niya pa ang unang nakakita sa akin at tinuro ako.

"Ate Leigh! " masayang sigaw nito at lumapit na sa samin.

Napalingon na rin ang ilang kapit bahay na nagkukuwentuhan sa harap ng munti naming Bario hall.

Sabik ko itong niyakap ng mahigpit. Ang laki na niya. Ibang-iba na ang itsura niya noong iniwan ko. Ngayon dalaginding na kasi.

Nakatingin ako sa bahay namin nang may narinig akong sumigaw.
"Kapitan, dumating na si Leigh," isa sa kapit bahay namin.
Agad napalabas ng Bario hall ang Tatay ko at mabilis na lumapit sa akin at sinalubong ako ng yakap.
"Bakit hindi ka nagpasabi bata ka, 'di sana nasundo ka namin," maluha-luha niyang sabi.
"Sinadya ko Tay, gusto ko kasi kayong surpresahin," masaya kong sabi.
Kasunod na rin noon ang pagdating ni, Larry.
"Ate!" tulad ni Tatay ay mahigpit rin ang yakap niya sa akin.
"Leigh, lalo kang naging singkamas a, nahiyang ka yata sa abroad!" ani Mang Karding. Isa sa mga tanod ng Baranggay.
"Lalong gumanda kahit tibo tibo," pasegunda ni Aling Carmen.
"Huwag kayong mag-alala iyang mga pangbubola niyo may katapat na sabong mabango," ang sagot kong kinatawa nila.


AGAD nagpakatay ng baboy si Tatay mula sa mga alaga ni Larry. Isang kapit bahay na kagawad din at ilang tanod ang nagtulong-tulong katayin ang baboy.

Si Aling Carmen at Aling Beth na rin nagluto niyon.
Maya-maya pa'y marami nang tao sa bahay namin para sa handaan.
Ganito talaga sa Bario namin kapag may bagong dating mula sa abroad o 'di kaya'y bago umalis papuntang ibang bansa.
Nagpakuha rin si Bentong ng vedio ok. Isa kasi ito sa mga negosyo niya ang pagpapaarkila ng mga video ok.
Ipinuwesto iyon sa terrace ng bahay namin.
Nag-umpisa na rin maglagay ng lamesa sa terrace namin. May dalawang lamesa pa sa labas ng bahay ang inilagay.
Ilang mga kaklase at kaibigan ko noong high school at college ang pumunta.
Mag-aala sais na rin nang dumating sila Landon. Agaw dilim na rin ang paligid.
"Narito na pala sila Landon at Ysiah e," ani Bentong.
Nakita ko, nang nanlalaki ang mata nitong binitawan ang pasan na lambat.
Naka-awang ang labi nito at agad bumukas ang sobrang saya nang makita ako.
"Ate Leigh!" masaya nitong tawag sa pangalan ko. Napatayo ako sa kinauupuan.
Agad itong yumakap sa akin. Ginalo ko ang buhok niya.
"Ay basa na ako o," ang natatawa kong sabi. Medyo basa kasi ang damit nito mula sa dagat tapos yumakap sa'kin.

"Yakapin mo rin ang mapapangasawa mo Leigh," biro ni Bentong sa'kin. Agad ko siyang sinamaan ng tingin pero humagikgik lang siya at ninguso pa ang kasama ni Landon.

Agad rin akong napatingin sa lalaking may buhat ng malaking balde.
Hindi naman siya nakatingin sa amin. Pero saglit ko siyang pinagmasdan.
Wala sa sariling napalunok ako. Bahagya siyang nakayuko pero alam ko na agad na guwapo nga siya.
Ibang-iba ang itsura niya sa mga guwapong nakilala ko na noon.
May ganito pa palang kaguwapong nilalang sa mundo?
Napakatangkad niya at maskulado ang katawan. Kayumanggi ang balat na alam kong nababad sa araw.
Inilapag niya ang baldi at dinampot ang mga lambat at iniayos na sinampay sa sanga ng puno nang manggang naroon.

"Nariyan na pala kayo, Ysiah, Landon halina kayo't kumain." Ani Tatay.
Doon pa lamang nag-agat ng mukha ang lalake. Nagkasalubong ang tingin namin.
Mas lalo yata akong natigilan nang mapagmasdan na siya nang tuluyan.

"Ang dami niyo yatang huli, anak." Ang ani Tatay na humakbang na papalapit sa lalake.
"Malalaki pa po," ang aniya.
"Pinakyaw na nga ng mga biyahirong nakaabang kanina sa daungan. Nagtira lang kami ng pang-ulam." Sabat ni Landon.

May tumikhim mula sa mesa kung saan kami nag-iinom. Alam ko si Bentong 'yon e.

"Nako magtitigan lang ba kayo, diyan. Ysiah may masarap na ulam sa loob, saka muna ulamin si Leigh kapag nakasal na kayo," ang sabi ng walang hiya!

Kakaltokan ko na sana ito pero agad na nakaiwas ang gago! Nakakahiya kay...
Shit nahihiya ko na tuloy banggitin ang pangalan nito.
Nasa akin pa rin ang mga mata niya.
Nakita ko ang bahagyang pagtaas ng sulok ng labi nito.

Kimi akong bumalik sa upunan ko. Shit, bakit ganito?
Bakit sobrang bilis nang tibok ng puso ko?