Browse stories

Her Name Is Monique

Language: fil

Napunta si Patty sa bahay ampunan noong siya'y apat na taong gulang pa lamang. Hindi siya nakikihalo-bilo sa iba. Lagi lamang siyang nag-iisa, takot sa tao dahil na rin sa pambu-bully ng ibang bata. Nakilala niya roon si Gelo, isang batang lalake na orphan din na tulad niya. Madalas siyang iligtas nito sa mga nambu-bully sa kanya dahilan para mapalapit siya rito. Unti-unti na siyang sumasaya ngunit bigla naman may umampon sa kanya. Maraming taon ang lumipas ngunit hindi pa rin niya ito nakakalimutan dahil nangako ito noon na ano man ang mangyare magkikita pa rin sila. Nang magdesisyon ang…

Available chapters

  1. Chapter 1
  2. Chapter 2
  3. Chapter 3

Chapter 1

( Patty )

Saktong natapos ang kanta ng marinig ko ang mga nag-uusap sa labas nitong music room.

"Nasaan na si Prince?"

"Hala! Nasaan na siya?"

"Baka doon siya dumiretso papunta sa may field o 'di kaya doon sa gym."

"Gusto ko na siyang mayakap"

"Ang gwapo gwapo niya," sabi pa ng isa na halatang kinikilig.

"Tara na girls, bilis!"

Narinig kong sigaw ng mga babae sa labas. Nakita ko rin na medyo nakabukas ang pinto kaya nasisilip ko na medyo marami ang mga babaeng nag-uusap sa labas.

"Alam ko naisara ko 'yon kanina ah, bakit nakabukas na?" Napakunot noo ako at marahang ibinalik ang gitara sa pinaglalagyan nito. "Sobra ba akong nadala sa kanta at ni hindi ko man lang namalayan na bukas ang pinto?" Bumaba ako sa mini stage. "Buti na lang pala tapos na akong kumanta bago sila dumating," mahinang usal ko dahil baka marinig ako ng mga tao sa labas saka naglakad papunta sa pinto para sana isara ito ulit ngunit.....Nagulat ako ng may humawak sa kanang braso ko at higitin ng kung sino papunta sa likod ng pinto na kung saan naroroon ang taong humila sa'kin.

"Sino ka?" mahinang tanong ko.

Nahintakutan ako bigla ngunit bakit iba ang kabog ng dibdib ko?Tumayo ang mga balahibo ko sa takot. Sisigaw na sana ako dahil sa sobrang takot at kaba na nararamdaman ko, pero nahulaan yata nito ang balak kong gawin dahil mabilis nitong naitakip ang kanang kamay sa aking bibig bago pa man ako makasigaw. Doon lalo nagkadikit ang aming mga katawan.

"Hmmmp," ungol ko na lang habang nanlalaki ang mga mata.

"Ssshhh! Huwag kang maingay, maririnig nila tayo," bulong nito sa kaliwang teynga ko.

Natigilan ako, hindi natuloy ang balak kong pagpupumiglas dahil sa narinig na boses niya. Nawala ang ano mang pag-aalala ko. Ang lamig sa pandinig ng malamyos niyang boses. Napalitan ang takot na nararamdaman ko ng hindi ko maipaliwanag na pakiramdam. Parang pamilyar ang binata kahit hindi ko pa nakikita ang mukta nito.

Ang mainit na hininga niya na dumadampi sa aking punong-teynga ay unti-unting nagbibigay ng kakaibang kilabot sa buong katawan ko lalo tuloy akong hindi mapalagay dahil doon. Ang mabilis na pintig ng puso ko'y mas lalong bumilis. 'Ano ba ang nangyayare sa'kin?'

"Ang gwapo ni Prince."

Naririnig kong hagikhik ng isang babae sa labas. Panandalian kong nakalimutan ang mga tao sa labas dahil sa binata. Nag-uusap-usap pa rin sila pero ito ay pahina na ng pahina. 'Baka paalis na sila.'

Ngayon ko lamang napagtuo-nan ng pansin ang aming posisyon. Sa narealize parang umakyat lahat ng dugo ko sa katawan papunta sa buong mukha ko at ramdam kong namumula na ito. Bigla parang uminit ang paligid. Halos magkayakap na kami kung yakap nga bang matatawag ito. Nakadikit ang aking likod sa kanyang malapad na dibdib. Ang matipunong kaliwang braso naman nito'y nakagapos mula sa aking tiyan palibot sa aking beywang, habang ang kanang kamay naman nito'y nakatakip sa aking bibig. Nakasandal ito sa pader habang ako nama'y nakaharap sa likod ng pinto.

Nararamdaman ko mula sa nakadikit niyang dibdib sa aking likod ang kapareho ng tibok ng puso ko. Maging ito pala'y mabilis din ang tibok ng puso. Hindi ko alam kung sa pagod ba 'yon o sa kaba.

Alam kong napaka-tangkad niya kahit hindi ko nakikita. Ramdam ko kasi na nakayuko siya sa aking likuran para magpantay ang aming mga mukha. Halos tumatama na ang baba niya sa aking balikat kaya naman naaamoy ko na ang binata. 'Ang bango niya. Maging ang hininga nito'y mabango rin.' Hindi na ito nagsalitang muli at pinakikiramdaman na lang ang mga tao sa labas.

'I wonder, kung anong amoy ko na ngayon? Baka amoy mandirigma na ako dahil sa buong maghapon na paglilibot sa campus. Nakakahiya! Nasa bandang leeg ko pa naman ang mukha niya. Baka pati buhok ko amoy araw na.' Umasim ang expression ng mukha ko dahil sa isipin na iyon.

"Nasaan na kaya si Prince?"

"Tara tingnan natin sa banda roon."

Iyon na lamang ang aking narinig pagkatapos ay tuluyan ng tumahimik sa labas. Hindi agad ako pinakawalan ng binata at nagpalipas muna kami ng ilang minuto pa para makasiguro na wala na talaga ang mga tao sa labas.

'Sino kaya ang Prince na hinahabol nila? Artista kaya 'yon? Naitanong ko na lang sa aking sarili. At sino ang lalakeng kasama ko ngayon na nagtatago? Siya kaya ang Prince na tinutukoy nila?'

Ang kamay nitong nakatakip sa aking bibig ay marahan na nitong inalis, kasunod ang kaliwang braso na nakagapos sa aking bandang tiyan ay unti-unti na rin niyang tinanggal. Pero hindi siya umalis sa aking likuran, nakadikit pa rin siya pero hindi na tulad kanina.

Marahan akong nagpakawala ng buntong hininga. Feeling ko kasi aatakihin ako sa puso kapag hindi ko nailabas 'yon. Hindi pa rin kumakalma ang puso ko mabilis pa rin ito dahil sa isipin na nasa likod ko lamang ang lalakeng ito. Humakbang ako palapit sa pinto para magkaroon kami ng distansiya sa isa't isa.

Kailangan ko ng umalis ngayon dahil kung hindi makikita niya ang mukha ko na ewan kung normal pa ba. Nakakahiya kung makikita niya akong mukhang ewan, amoy mandirigma na nga ako, mukha pa akong mandirigma. Yayks!

Nagpapasalamat talaga ako na madilim sa loob nitong music room kahit na maliwanag sa labas, lahat kasi ng bintana ay nakasarado. Buti na lang talaga at pinatay ko ang ilaw kanina.

Tumingin ako sa naka-awang na pinto mula sa kanan ko. Hahawakan ko na sana ito upang makalabas na, ng may marinig akong nagtatakbuhan palapit dito at huminto ito sa tapat mismo ng pinto na kinaroroonan namin.

'Akala ko ba umalis na sila?'

Naramdaman kong kumilos ng bahagya ang binata sa likuran ko.

"Girls tingnan niyo d'yan sa music room at dito naman kami sa kabila, sa materials room."

'Patay! Makikita nila kami.'

"Shit!" mahina pero rinig na rinig kong mariing turan ng binata.

Nahigit ko ang aking hininga ng hawakan niya ang kanang braso ko mula sa likod at hinigit ako palapit sa kanya paharap at pagpalitin ang aming puwesto. Ang bilis ng pangyayare, ngayon ako naman ang nakasandal sa pader at siya naman ang nasa bahagi ng pinto sa unahan ko. Ang kaibahan lang magkaharap na kami ngayon. Mas napatunayan ko na matangkad talaga siya dahil hanggang balikat lamang niya ako. Ang dalawa niyang kamay ay nakatukod sa pader, sa tigkabilang bahagi ng ulo ko kaya para akong nakakulong sa matitikas na braso niya upang magkaroon kaming dalawa ng distansiya kahit papaano.

Ang puso ko'y nagpa-palpitate na yata sa sobrang bilis ng pintig nito, hindi ako makakilos at hindi na normal ang aking paghinga.

Dahan-dahan akong tumingala upang masilayan man lang ang mukha niya pero dahil sa sobrang dilim wala akong makita kundi ang hugis lamang ng kabuo-an ng mukha nito na alam kong nakatingin din sa aking.

Ngayon ko siya mas naaamoy sobrang bango niya very manly pero hindi nakakahilo, 'di tulad ng iba na akala mo ipinapaligo na yata ang pabango.

Narinig ko ang marahan niyang paghakbang muli papalapit sa sa'kin upang hindi tamaan ng pinto.

Para na akong tuod dito na hindi malaman ang gagawin. Naninigas ang buong katawan ko. Ang mga kamay ko na nasa gilid ng aking beywang ay mahigpit na nakakuyom.

Napasinghap ako ng mas magkalapit ang mga katawan namin dahil sa bahagyang paglapit pa niya. Ang mabilis na pagtibok ng puso nito'y ramdam na ramdam ko. Kaonteng galaw magdidikit na ang aming dibdib dahilan para mas tumindi ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam ang gagawin. Nakalimutan ko na yatang huminga. Feeling ko anytime lalabas na ang puso ko sa dibdib ko, sa sobrang bilis ng pintig nito. Maging ang amoy nito na pinaghalong pabango at pawis ay kanina pa nagpapatuliro ng aking isipan.

'Ang bango niya talaga.' May ganito pala kabangong lalake na nag-e-exist sa mundo? 'Jusko! 'Yong puso ko.'

Pareho kaming nagpipigil ng hininga ng maramdaman namin na nasa pinto na ang isa sa mga babae na naghahanap sa Prince na kanina pa nila binabanggit. Marahan ng bumubukas ang pinto dahilan para mas lumapit ito at halos wala ng distansiya ang aming mga katawan. Hindi na nagiging normal ang tibok ng puso ko para akong nagkaroon ng bikig sa aking lalamunan. Pinagpapawisan na ako ng malapot.

'Huwag naman sana kaming makita.' Piping dasal ko.

Mas lalo itong lumapit sa'kin dahil baka tamaan siya ng pinto at malaman nila na may tao pala dito. Dahil sa ginawa nito tuluyan ng naglapat ang aming mga katawan. Kaya naman halos magrambulan na ang lamang loob ko sa iba't ibang nararamdaman ko ngayon. Ang mainit nitong katawan at ang mabilis din na tibok ng puso nito'y ramdam na ramdam ko.

Hindi sinasadya sininok ako.

'Bakit ngayon pa?'

Naramdaman kong bumaba ang tingin ng binata sa akin.

'Anong gagawin ko?'

Sininok ulit ako sa pangalawang beses. Natataranta na ako. Hindi ko alam kung papaano pahihintuin ito. Baka marinig ng mga tao sa labas at makita kami.

Hindi ko inaasahan ang sumunod niyang ginawa. Mabilis niyang hinawakan ang tigkabilang pisngi ko at nilapat ang labi niya sa labi ko. Namilog ang dalawang mata ko sa ginawa niya. Hinahalikan niya ako. Pakiramdam ko huminto ang oras at kaming dalawa lang ang tao dito. Ang puso ko'y huminto na yata sa pagpintig.

'Ang first kiss ko.'

Unti-unti namigat ang mga talukap ng mga mata ko at napapikit na lang ako. Nawala na rin ang pagsinok ko, huminto na pero hindi pa rin niya pinaglalayo ang mga labi namin. Hindi gumagalaw at nakalapat lamang iyon pero bakit feeling ko mas higit pa doon ang naranasan ko.

Hindi ko alam kung gaano na katagal na magkalapat ang mga labi namin ng marinig namin ang sigaw mula sa labas.

"Girls! Nakita daw si Prince sa Engineering building."

"Let's go. Bilisan niyo."

Naramdaman kong unti-unti niyang inaalis ang pagkakalapat ng labi niya sa labi ko pero ang mga kamay niyang nakatukod sa pader ay nariroon pa rin.

Ilang sandali pa wala na kaming naririnig sa labas na kahit na ano. Baka tuluyan na silang umalis.

At ako? Ito parang bangag dahil sa nangyare. Para tuloy akong sabog na ewan dahil natulala ako.

Walang kumikilos kahit na sino sa aming dalawa. Natuod na ako at hindi na magawang gumalaw pa. Kahit hindi ko nakikita alam kong ang mukha niya naka tapat pa rin sa mukha ko, nararamdaman ko kasi ang mainit na hininga niya na dumadampi sa mukha ko.

"Anong pangalan mo?"

Nanigas ako sa kinatatayuan ko dahil sa narinig. Nahimasmasan ang buong kaluluwa ko na sinapian ng kung ano kanina at napalitan ng pagkataranta sa tanong niya.

Hindi ako nagsalita.

'Hindi niya ako pwedeng makilala. Nakakahiya!'

Umisip agad ako ng paraan kung paano ako makakaalis dito pero paano ko gagawin iyon kung nakakulong pa rin ako sa dalawang braso niya.

Napansin ko na mas umawang ang bukas ng pinto.

Kung bibilisan ko ang takbo hindi niya ako mapipigilan.

Naalala ko ang panyo sa bulsa ko. Kinuha ko iyon at dahan dahang itinali sa buong ulo ko para matakpan din ang mukha ko.

Hindi niya siguro inaasahan ang gagawin ko kaya naman mabilis lang akong nakalusot sa ilalim ng braso niya at diretchong labas ng pinto.

"Sandali! Huwag kang umalis," habol na sabi nito sa'kin. "Miss. Sandali lang."

Kahit na naririnig ko ang sigaw niya hindi ako huminto sa pagtakbo o lumingin man lang sa kanya.

Halos madapa ako sa kakatakbo dahil sa pagmamadaling makaalis na sa lugar na ito baka kasi masundan pa niya ako.

Hindi ko alam kung bakit nga ba ako tumatakbo. Ewan! Nalagyan na yata ng hangin ang utak ko at hindi na makapag-isip ng matino.

Hingal na hingal ako ng makarating sa gate. Akalain mo nakarating agad ako sa gate samantalang sa ilang araw na paglilibot ko dito palagi akong nahihirapan na hanapin ang gate na 'to.

Huminto ako nang sa tingin ko'y hindi naman niya ako nasundan. Napabuga ako ng hangin saka yumuko at tinukod ang dalawang palad sa tigkabilang tuhod sa sobrang hingal.

Makalipas ang ilang sandali tumayo na ulit ako ng maayos at tinanggal ang panyo na nakatali sa ulo ko. Tinupi ko ito at ibinalik sa bulsa ng pantalon ko.

Nanghihinayang ako na hindi ko man lang nakita ang mukha ng kumuha ng first kiss ko.

"Ang first kiss ko."

Nag-init ang magkabilang pisngi ko ng maalala ang halik na naranasan sa total stranger na iyon.

Naririto lang naman ako sa university na ito upang magpasa ng mga requirements ko dahil sa pagtransfer pero akalain ko bang may kukuha ng first kiss ko tapos sa total strager pa dahil lang sa pagkanta ko sa madilim na music room na iyon, ni hindi ko man lang nakita ang mukha at maging ang pangalan nito hindi ko alam. Saklap!

Chapter 2

( Prince )

"Saan ka ba galing, dude?" Bungad na tanong ni Renz pagpasok ko pa lang sa pinto ng tambayan namin. "Ang tagal mo."

"Bakit gutom ka na naman, Renz?" tanong ko.

"Palagi namang gutom 'yan, walang bago." sabat ni Vince.

"Hindi yan mabubuhay ng walang pagkain sa bibig." turan din ni Niko.

"Hoy! Tigilan niyo ako. Tara na kasi at kumain." reklamo ni Renz.

"Oh! Diba. Told yah." nakangising pang-aasar ni Vince sabay lundag sa sopa.

Napailing na lang ako. Dumeretso na rin ako sa sopa malapit kay Lance na gano'n pa rin tahimik at nagbabasa ng libro. Isinandig ko ang ulo at hinayaang pumikit ang mga mata.

"Ano bang ginawa mo dude at late kang nakapunta dito?" tanong naman ni Niko habang nagreready ng kumain. Ako na lang pala ang hinihintay nila.

Napangiti na lang ako sa tanong niya. "Just somewhere."

"Teka, bakit ka nakangiti? Nambabae ka? Ipinagpalit mo na 'ko? Sumagot ka!" pag-iinarte ni Niko.

Dumilat ako at inambaan siya ng suntok. "Siraulo!" sagot ko saka umupo ng maayos. Tawa lang ang isinagot nito sa'kin.

"Alam mo Niko kadiri ka pero bagay sa'yo maging bakla. Siguro bakla ka talaga." singit ni Renz sa pagitan ng pagnguya nito. Akala mo ilang araw hindi kumain gutom na gutom.

"Halikan pa kita d'yan, gusto mo?" maloko namang patutsada ni Niko.

"Mabalik nga tayo sa'yo pareng Prince. Babae ba?" tanonh naman ni Vince.

Napatingin ako kay Vince at Niko na may nakakalokong ngiti sa labi. Kapag babae talaga ang pag-uusapan mga walang pinalalagpas ang dalawang yan. Si Renz naman na puno ang bibig ng pagkain at si Lance na walang ibang gustong gawin kundi ang magbasa ngayo'y nakatingin rin sa'kin at hinihintay ang isasagot ko.

"Bakit bigla naging interesado kayo?" natatawang usal ko saka kumuha ng plato.

"Dahil ngayon ka na lang ulit ngumiti ng ganyan dahil sa babae."

"Tama." halos hindi maintindihan na sagot ni Renz, punong puno ang bibig.

"Ngumingiti naman ako sa mga babae. Sakto lang." depensang sagot ko.

"Dude, alam natin pareho na ang sungit sungit mo pagdating sa mga babaeng lumalapit sa'yo."

"Si Renz din naman."

"Bakla yang si Renz kaya 'wag mo siya intindihin." sagot nito na hindi binabalingan si Renz. "Aray ko. Aba't." nakasimangot na sagot ni Niko habang hawak ang batok na pinalo ni Renz saka binalingan nito ang may sala.

"Sinong bakla, baka sapakin kita d'yan."

"Joke lang." natatawang turan ni Niko. "Hindi dapat sinusungitan ang mga babae, malalambot sila at dapat ingatan."

"Hindi sila dapat tinatanggihan."

"Ang mga salitang alam lang ng mga babaerong katulad niyo. 'Wag niyo kami itulad sa inyo." pambabara ni Renz sa dalawa na si Niko at Vince na tuloy pa rin ang kain.

"Hindi kami babaero. Marunong lang kaming mag-appreciate ng mga nilalang ni God." malokong sagot ni Niko saka umayos ng upo at tumingin sa'kin. "So, babae nga? Maganda ba? Sexy? Matangkad?" sunod sunod na tanong ni Niko at Vince. Mga babaero talaga.

Napangiti na naman ako nang maalala ang nangyare kanina sa music room. Hindi ko nakita ang mukha no'ng babae pero bakit iba ang nararamdaman ko? Bakit ang saya 'ko? 'Kasi ninakawan mo siya ng halik.' sagot ng isang side ko. 'Hindi ko naman talaga binalak 'yun. Hiningi lang ng pagkakataon, 'yun lang 'yun.'

"Alam mo dude, sabihin mo na lang sa'min kesa para kang baliw na ngiti ng ngiti d'yan. Ang creepy mo." si Vince ulit.

Nilagyan ko ng pagkain ang plato ko. "Basta. Sa'kin na lang muna 'to. 'Wag kayong mga chismoso." sagot ko saka nag-umpisa ng kumain.

"Damot!"

"Haist!"

Natawa na lang ako ng umangal yung dalawa at kibit balikat lang ang nakuha kong reaction kay Renz at Lance. Sa mga ganitong pagkakataon mas okay kasama itong dalawa kaysa kela Niko at Vince.

Matapos kong kumain, kinapa ko ang bulsa ko at inilabas doon ang panyo. Ngiting ngiti na tinitigan ko iyon. "Makikita rin kita." turan ko sa panyo na akala mo'y sasagot sa mga sinasabi ko. Baliw na nga yata ako.

Hinabol ko 'yung babae matapos niya akong takbuhan sa music room. Siya lang ang nakatagpo ko na hindi sinamantala ang pagkakataon na makilala ako. I mean hindi sa pagmamayabang pero sikat ako sa mga babae mula pa noong elementary ako hanggang ngayon na college na ako. Ewan ko ba, wala naman akong ginagawa para maging ganoon sila sa'kin, madalas sinusungitan ko pa sila pero nagkakagusto pa rin sila sa'kin. Siguro dahil mayaman ang pamilya namin at iyon ang ayoko, dahil sa pera kaya sila ganyan.

Hindi ko siya naabutan. Ang bilis nitong tumakbo at ang naiwan lang doon ay ang panyo nito malapit sa gate na ginamit nito pantakip sa ulo. Hindi siguro nito napansin na nalaglag nito iyon.

Na-curious ako sa pagkatao no'ng babae. Siya lang kasi ang lumayo at hindi nagbigay ng motibo sa'kin. Kung iba 'yun baka isiniksik pa no'n ang sarili sa'kin at iisipin na girlfriend ko na siya. 'Or baka plano niya 'to?' napaisip ako. 'Hindi kaya?' napailing ako. Hindi naman siguro. Let's see. Maghihintay ako bukas kung may magsasabi sa'kin na siya ang babae sa music room at ipilit na girlfriend ko na siya.

Inamoy ko ang panyo. Smells like lavender with rose fragrance na amoy baby. Ewan, basta mabango. Hindi masakit sa ilong at nakakaakit iyon. Napapangiti ako habang inaalala ang nangyare sa'min sa music room no'ng babae. Damang daman ko ang malambot niyang balat, ang mabango nitong buhok habang malakas ang tibok ng puso. Sayang dahil hindi ko man lang nakita ang mukha niya. Hindi ko man lang din nalaman ang pangalan dahil para siyang natakot na ewan. At higit pa doon napakaganda ng boses niya.

"Vince, may mga magagaling bang singer dito sa school?" baling ko kay Vince na ngayo'y nakapwesto sa kabilang sopa para matulog.

Kung si Ren matakaw sa pagkain ito namang si Vince matakaw matulog. Kahit saan nakapwesto yan basta inantok, tutulog yan.

Si Niko hindi ko alam kung saan pumunta. Pagkatapos kumain lumayas na. Panigurado nambababae na naman 'yun. Hindi 'yun makakatagal ng walang babae sa paligid.

"Bakit, kakanta ka na ulit?" gulat na tanong nito.

"Hindi ako. May magagaling bang kumanta na babae sa music department?" excited na tanong ko rito. Marami kasi itong kilala lalo na kapag babae.

"Napaisip ito. Oo... marami."

"Alam mo Prince lalo akong naku-curious kung sinong babae ang nakaakit sa'yo."

"Sira!"

"Baka pwede mo akong matulungan."

Napabangon itong bigla. "Pwede. Ano ba 'yun? Babae?" excited na turan nito habang nakangiti at itinataas baba ang kilay.

Parang nag-alinlangan tuloy ako kung sa kanya ba ako hihingi ng tulong para mahanap ang babae sa music room. Pero sa huli wala akong choice, siya lang kasi ang maraming kilalang babae bukof kay Niko at sobrang lapit sa babae. Bumuntong hininga ako saka ito tiningnan. "Tulungan mo akong mahanap 'yung babae na nakilala ko sa music room.

Malakas na palakpak ang isinagot nito sa'kin. "Cool ako d'yan. Kailan ba? Ano bang gagawin ko?"

"Magaling siya kumanta at mabango siya."

Napangiwi ito sa sinabi ko. "Lahat ng babae mabango, dude. Magkakaiba ang bango nila, pero kung magaling kumanta panigurado nasa music department siya. Describe mo kung ano ang itsura niya."

Napakamot ako sa ulo at ngumiti ng alanganin kay Vince. "Hindi ko kasi nakita ang mukha niya."

"'Yun lang. Mahihirapan tayo n'yan, dude." palatak nito.

"Si Niko, maraming kilala sa music department, pero teka! Hindi kaya ginayuma ka no'n pareng Prince? Hindi mo nakita ang mukha niya pero naakit ka."

"Gagi! Totoo ba 'yun?"

"'Di, joke lang. Ganito na lang, iisip ako ng plano kung paano natin mahahanap ang mystery girl mo. Sasabihan ka namin ni Niko."

"Salamat, dude." sabi ko naman dito.

'Sino nga kaya siya? What kind of person she is?'

Hindi ko mapigilan na ma-excite na mahanap siya at makilala.

Chapter 3

( Patty )

Kakapasok ko lang sa bahay naaamoy ko na agad ang niluluto ni Manang. Napangiti ako at agad na dumiretcho sa kusina.

'I knew it. Ang paborito ko.'

"Hello po Manang. I'm home," sigaw ko kasabay ng pagyakap sa kanya sa likod. Naramdaman kong nagulat ito sa ginawa ko.

"Aysusmaryosep kang bata ka. Aatakihin ako sa puso dahil sa ginagawa mo," nakahawak sa dibdib na turan nito habang ang isang kamay ay may hawak na sandok.

"Hindi na po kayo nasanay sa'kin Manang at wala kayong sakit sa puso kaya hindi kayo aatakihin," Natatawang sagot ko kasabay ng pagkalas ng yakap sa likod niya at pumunta sa tabi nito.

"Kuh! Ikaw talaga na bata ka. Gutom ka na ba? Umupo ka na doon sa harap ng lamesa at malapit na itong maluto," anito at muling hinalo ang niluluto.

Sumunod naman ako, umupo ako sa harap ng lamesa paharap sa kanya at nangalumbaba na pinanuod lang ito sa ginagawa.

"Bakit nga pala ang aga mong umuwi Iha? Wala pa ba kayong klase ngayon?" tanong nito na nasa niluluto pa rin ang atensyon.

"Wala pa po talaga kaming pasok kasi next week pa talaga ang start ng klase namin Manang, hinatid ko lang po yung mga kulang na papel ko sa University para totally enrolled na ako at saka nililibot ko muna 'yong buong campus para matandaan ko lahat para hindi na po ako maliligaw," nakangiting sagot ko sa kanya. 'Tapos may nagnakaw ng halik sa'kin.' Hindi ko maiwasan na mag-init ang mukha kapag naiisip iyon.

"Ahh! Ganoon ba, Iha," tumatangong sagot nito.

"Ano po ang niluluto niyo manang? At mukhang sobrang sarap. Nasa pinto pa lang ako kanina, naamoy ko na." tumayo akong muli at sinilip ang niluluto nito.

"Aba! Nambola pa. Ano pa? Syempre 'yong paborito mo," nakangiting sagot niya naman sa'kin.

"Ang mahiwagang.....sinigang," magkasabay naming turan at sabay din na nagtawanan.

Natakam ako bigla ng makita ang laman ng kaserola.

"Love mo talaga ako, Manang." paglalambing kong turan dito at niyakap ito mula sa likod.

"Sus, oo naman, ikaw pa ba?" anito habang nagpupunas ng mga kamay sa apron na nakatali sa beywang nito. "Oh siya maupo ka na d'yan ulit at ipaghahanda na kita. Alam ko gutom ka na," baling nito sa'kin na hinawakan ang mga kamay ko na nakayakap sa kanya. Matapos akong kumalas sa yakap rito, hinawakan ako sa tigkabilang balikat at itinutulak papunta sa lamesa.

"Oo nga po, Manang gutom na ako. Lalo akong nagutom kasi alam ko masarap 'yan," Sagot ko na nakahawak pa sa bandang tiyan.

"Ikaw talagang bata ka nambola ka pa.
Heto at luto na ang paborito mong sinigang na manok with unli kangkong na gustong-gusto mo. Para makakain ka na baka mamaya mamayat ka!" Natatawang biro niya sa'kin.

"Si Manang naman eh." napa-nguso ako at kunwaring nagtatampo.

"Binibiro lang kita, batang 'to nagtampo agad 'wag kang mag alala ikaw ang pinaka-cute na matakaw na nakita ko," sabi naman ni manang at pabirong kinurot ang pisngi ko.

"Ayyiieee! Sige na nga hindi na ako nagtatampo, binola niyo pa ako Manang. Ako lang naman talaga ang lagi niyong nakikita dito," sagot ko na ikinatawa lang namin pareho.

Ganito lagi kami ni Manang Lucy nagbibiruan, close na close kasi kami sa isa't isa. Maliban sa Mommy at Daddy ko siya lang ang naging ka-close ko. Siya na kasi ang lagi kong kasama mula pa noong bata ako, kapag may importanteng lakad sila Mom and Dad. Siya na ang tumayong pangalawang nanay ko. Hindi naman ako nagtatampo kela Mom dahil kapag may free time naman sila sinusulit nila 'yon na kasama ako at nagbabonding kami.

Masyado kasi silang busy sa mga negosyo nila lalo na ngayon na bagong lipat kami dito sa Manila kaya bihira na kami magkasama-sama pero every dinner naman sabay-sabay pa rin kaming kumakain. Dad told me na ngayon lang sila magiging sobrang busy kasi kalilipat nga lang namin. Inaayos pa nila ang negosyo na katatayo lang nila.

Bago kami lumipat dito sa manila narinig ko sila Mom and Dad hindi ko naman sinasadya na makita sila na nagtatalo. I was just passing by na-curious lang ako dahil narinig kong pinagtatalunan nila is about moving here in manila.

Hindi ko maintindihan kung bakit pinagtatalunan nila iyon dahil kung tutuusin mas okay nga iyon dahil mas magiging on hand sila sa mga business nila sa manila. Unang-una malapit na, hindi na nila kailangan bumyahe ng malayo para pumasok sa office araw araw, and pangalawa mas maraming time na ang magkakasama kami. Pero mas na-curious ako sa sinabi ni Mom kaya naman hindi ko mapigilan ang sarili na pakinggan sila kahit alam kong mali ang makinig sa usapan ng iba.

"Paano si Patty? Paano kung kunin siya satin? Hindi ko kakayanin 'yon."

"Hindi nila kukunin si Patty maniwala ka." Sagot naman ni Dad na niyakap si Mom upang pakalmahin ito.'

Dahil sa narinig, hindi ko alam pero may kaba akong naramdaman simula ng gabing iyon pero kahit isang beses hindi ako nagtanong sa kanila tungkol sa narinig ko. Sa kabilang banda napaka-swerte ko sa kanila kasi kahit hindi nila ako tunay na anak minahal nila ako na para na nilang tunay na anak. Hindi nila ipinaparamdam sa'kin na ampon lang ako dahil they're doing their best para iparamdam na mahal na mahal nila ako. Nagpapasalamat ako sa kanila kasi ganoon sila sa'kin at nagpapasalamat din ako syempre kay God kasi sila 'yong pangalawang mga magulang na ibinigay sa'kin. Wala akong maipintas sa mga ugali nila kasi pareho silang mabait at totoong mahal nila ako.

Galing ako sa Orphanage. Ang sabi ng mga sister sa akin 4 years old ako noong makita nila sa gate ng ampunan na walang malay. At 7 years old lang ako noong ampunin nila Mommy. Maliban kela Mom and Dad si Manang Lucy lang ang nakakaalam na ampon ako. Noong una ayoko sa kanila o kahit na sinong umaampon sa'kin dahil naiisip ko baka saktan lang nila ako or iwanan lang din tulad ng pag-iwan sa'kin ng tunay kung mga magulang. Kapag nagsawa na sila sa'kin o kapag hindi na nila ako gusto iwan din nila ako. Tunay ko ngang mga magulang nagawa 'yon sila pa kaya na hindi ko kadugo diba, pero dahil sa isang tao pumayag akong mag paampon at sumama sa kanila. Dahil sa isang pangako niya na magkikita pa rin kami ano man ang mangyare.

Nakakalungkot lang kasi late na yata masyado ang pangako niya sa'kin dahil hanggang ngayon hindi pa rin siya nagpapakita.

"Kamusta na kaya siya?"

"Sino, iha?"

Nagulat ako sa biglang tanong ni Manang Lucy. Natulala na naman ako, kaya hindi ko alam nakakapagsalita ako ng malakas akala ko sa isip ko lang 'yon.

"Wala po Manang. Huwag niyo pansinin ang sinabi ko."

Nagkibit-balikat lamang siya at hindi na nagsalita pa. Binilisan ko na agad kumain.

Matapos kumain nagpaalam na ako kay Manang na aakyat na ako sa kwarto sa taas para magpahinga muna. Hindi ko alam kung bakit inantok ako bigla. Nagpalit lang ako ng damit bago nahiga na sa kama. Pakiramdam ko napagod ako ng sobra sa araw na 'to.

Naalala ko ang lalake na nakasama ko sa music room. Nakatitig lang ako sa kisame ng kwarto ko. Nag-init na naman ang magkabilang pisngi ko dahil naalala ko na naman ang mga nangyare sa'min sa loob ng music room, lalo na ang halik. Ang unang halik ko.

"Arggg!"

Nagpagulong-gulong ako sa kama ko at nagtakip ng unan sa mukha.

"Peste! Kahit hindi ko nakita ang mukha niya kinikilig ako. Ang bango niya kasi."

Nahinto ako sa mga ginagawa ko at may naisip.

'Prince.'

"Siya nga kaya si Prince na hinahabol no'ng mga babae?"

Naalala ko ang nangyare sa'min kanina sa University at ang awkward na position namin sa likod ng pinto. Naramdaman ko na naman ang kakaibang kaba sa aking dibdib. Nagsimula na naman mamula ang aking magkabilang pisngi. Unti-unting umangat ang kanang kamay ko papunta sa dibdib ko. Dinama ko iyon at ramdam na ramdam ang malakas na pintig doon.

Naipilig ko ang aking ulo sa itinatakbo ng isipan ko ngayon.

"Ano ba ang nangyayare sa'kin? Ang weird ko talaga ngayon."

Ilang minuto ang nakalipas bago ako nakatulog dahil hindi ko maalis sa isip ang lalake sa music room at ang halik na parang sirang plaka na paulit-ulit sa isip ko.

'"Shhh! Huwag ka maingay. Makikita tayo ng mga batang pasaway na 'yan."

Nagtatago kami dito sa gilid ng maliit na chapel sa loob ng orphanage. Hinahabol kasi ako ng mga bata na nambubully sa'kin.

"Huwag ka na umiyak. Gusto mo bang makita nila tayo? Sige ka iiyak din ako ng malakas dito! Tapos maririnig nila at makikita tayo."

Bigla huminto ang pagtulo ng mga luha ko at ang munting iisip ko'y napuno ng katanungan sa sinabi niya.

"Bakit ka naman iiyak kuya Gelo?"

"Kasi kapag nakakakita ako ng umiiyak, naiiyak na rin ako."

Huminto na ng tuluyan ang aking pag-iyak. Ayokong makita na iiyak si Kuya Gelo dahil sa'kin. Tinuyo ko ng tuluyan ang mukha ko gamit ang mga braso.

Nakisilip na ako tulad niya sa gilid nitong chapel.

"Patty huwag ka masyado lumabas baka makita nila tayo," hinigit niya ako ng bahagya at inakbayan para hindi ako matumba sa kakasilip.

"Nand'yan na sila." turan ko na nanlalaki ang mga mata.

"Shhh! Huwag kang maingay, makikita nila tayo," bulong niya sa'kin. Nagtaka ako kasi nag-iba ang boses niya parang boses ng isang binatang lalake. Nilingon ko siya pero hindi ko makita ang mukha niya.'

'Prince?'

Nagising ako sa pakiramdaman na ang init ng buong mukha ko at mabilis na pagkabog ng dibdib.

"Ang weird naman. Bakit nasali siya sa panaginip ko kasama ni Gelo?" Mahinang nasabi ko habang hawak-hawak ang dibdib ko na sobrang bilis pa rin ng tibok.

"Pati ba naman sa panaginip nadala ko ang nangyare sa music room. At bakit ang init ng mukha ko?" Napasabunot na lang ako sa buhok at gumulong-gulong na naman sa kama.

Naweweirduhan na ako sa sarili ko.

"Hindi naman na siguro kami magkikita sa University na iyon dahil sa sobrang dami ng estudyante do'n malabo na mangyare 'yon, tama hindi na kami ulit magkita," parang baliw na kumbinsi ko sa aking sarili. "Oo tama 'yon. Hindi rin naman niya nakita ang mukha ko." patango-tango pa na turan ko habang nagpupunas ng pawis. Nakabukas naman ang aircon sa kwarto ko, pero bakit parang ang init?

Nawala na ang pangamba ko dahil sa isipin na 'yon. Bumalik na ulit ako sa pagtulog dahil alas tres pa lang ng madaling araw for heaven shake.