Browse stories

HE IS OLDER THAN ME

Language: fil

Si Annie ay isang sixteen years old girl nang makilala niya ang isa sa mga VIP client ng company ng kanyang ama. At si Edmon na kuya niya ang naging pinuno ng mga bantay nito. Kahit na hindi naging maganda ang simula ng kanilang pagkikita ay nakadama pa rin siya ng kakaiba para sa lalaki. Sa hindi inaasahang pangyayari ay natagpuan siya sa silid ni Dave sa hotel na pagmamay-ari nito kung saan ginanap ang kanyang seventeenth birthday. At dahil doon ay kapwa sila natali sa isang kasunduang magduduktong pala sa kanilang mga buhay. Ano na kaya ang mangyayari sa kanilang dalawa? Matutunan…

Available chapters

  1. Chapter 1
  2. Chapter 2
  3. Chapter 3

Chapter 1

Annie POV:

Year: 2010

Nandito kami ngayon nina Joan at Shiela sa isang kilalang mall. Sabi nga nila sa akin ay sikat na sikat daw ang mall na ito, isang dating action star daw ang may-ari ng mall na ito at nang magsawa sa pag-aartista ay naisipang mag negosyo at ngayon, isa na siya sa pinaka mayamang negosyante sa bansa.

In other words bilyonaryo!

Well, alam ko naman ang lahat ng iyon, hindi kasi nila alam na ang taong sinasabi nila ay isa lang naman sa mga very important client ng mga magulang ko.

Ang pamilya namin ay nagmamay-ari ng isang malaking security company na nag-e-escort sa mga mayayamang tao, katulad ng artista, negosyante, politiko at iba pang may kakayahang magkaroon ng mga profesional personal body guards.

Noong umpisa ay sila Kuya lang naman sa miyembro ng pamilya namin ang unang tauhan ng business namin, kaya nga kaming magkakapatid ay pinag-aral ng martial arts.

Importante raw kasing marunong kami ng self defense upang maipagtanggol namin ang aming mga sarili at ang mga VIP client nang kumpanya namin.

Pero excemted pala ako!

Pero kahit na tutol sina Mama at Papa na mag-aral din ako ng martial arts ay wala silang nagawa; gusto ko ring matutong ipagtanggol ang sarili ko.

Kaya nga ngayon kampante silang hayaan akong pumasok sa school mag-isa, nang hindi ko na kailangang magkaroon ng sariling body guards.

Aba! Hindi yata biro ang magtanggol ng mga mayayamang negosyante at mga politiko. Pero ang masaya rito nakikita ko namang nag-e-enjoy ang mga kuya ko.

Lima kaming magkakapatid. Si Kuya Edmon, si Kuya Salmon, si Kuya Shiemen, at si Kuya Dhino at siyempre ako.

Ako nga pala si Annielynda Buenaventura!

Maganda, sexy, maa-appeal! Syempre kailangan kong sabihing ma-appeal ako! Hindi kasi sapat na maganda lang ang isang babae, dapat may sex appeal ka rin dahil iyan ang unang magiging aset mo bilang isang babae.

Hindi naman ako 'yong tipong kire! Simple pero ma-asset! Iyan lang naman ako. Kung physical naman ang titingnan simple lang pero maganda.

Kung anong klaseng babae naman ako? Bukod sa ganda! Meron akong katangi-tangi at matalinong isipan. Meaning beauty and brain!

Kaya nga ako pinangalanan ng mahaba ng Mama para raw maging lalo pa akong maging matalino. Hindi lang daw ganda ang kailangan ko kundi pati talino.

Habang daglalakad kami sa loob ng mall ay biglang bumida itong si Shiela.

"Alam niyo ba na napaka pogi ng may-ari ng mall na ito?" sabi nito na kinilig-kilig pa habang sinasabi ang mga katagang iyon.

"Hello! Shiela, alam mo gas-gas na yang mga info. mo! Alam na namin yan!" sagot naman ni Joan sa kaibigan naming si Shiela na umirap-irap sa isa.

May pag ka-exaggerated din na sagot ni Joan. Ewan ko ba kung bakit masyadong ma-awra ang pagkukwentohan nila tungkol sa may-ari nitong mall na kinaroroonan namin.

Sa nakikita ko naman ay mukhang sikat nga ang mall na ito, dahil sa napakaraming tao rito at napansin ko ring lahat ng mga store rito ay puros kilalang brand ang tinda.

Wala kang makikitang lokal tyange rito na may mga cheap na presyo tulad ng ibang mall.

"Alam n'yo girls! Mukhang mali tayo ng pinuntahang mall," sabi ko sa mga ito. At nakita ko namang napatigil sila at lumingon sa akin.

"Bakit naman Annie?" sabay pa nilang tanong sa akin. Saka lumapit sa akin ang dalawa.

"Eh paano naman! Ang mahal-mahal dito, may mga pera ba kayo pambili ng Gucci, Channel, Prada, CK at 'yang mga iyan pa na nakikita niyo?"

Tinuro-turo ko pa ang mga iba pang store na nakikita ko sa aming paligid. Napailing-iling naman ang dalawa habang naka busangot ang mga mukha nila.

Hindi naman kasi sila mayaman, nasa middle lang ang antas ng kanilang mga pamilya.

Kaya sila nakapag-aral sa private school na pinapasukan ko ay dahil sa nakakuha ang pamilya nila ng sponsorship na siyang sumasagot sa mga matrikula nila sa aming school.

Kung ako naman, ay ayos lang dahil may mga credit card ako na pinapagamit sa akin nina Mama at Papa, pati nga ang credit cards ng apat kong Kuya ay palagi rin nilang pinapahiram sa akin.

Ang bababait talaga ng mga Kuya ko!Lalo na si Kuya Edmon.Sa lahat ng mga Kuya ko siya ang pinaka ka-close ko.

"Hala, eh alam mo naman na ikaw lang inaasaan namin Annie!" sabi ng dalawa sa akin at kumapit pa ang mga ito sa mga braso ko.

"Alam naman namin na hindi mo kami matitiis Annie!" sabi pa uli ni Joan. Habang hinila-hila ng mga ito ang manggas ng suot kong uniform.

"Ano Ba!" Bawi ko sa braso ko at inayos ko ang nagusot kong uniform.

"Ano ba naman kayo? Alam niyo namang wala tayong malaking halaga sa mga bulsa natin ah, dito pa kayo nag-aya, eh alam niyo namang mahal dito! Oh tinggnan niyo nga ni wala ngang fast food dito!" sabi ko pa. Habang kinukumpas sa hangin ng mga kamay ko.

Nag-stop kami sa harap ng escalator na umaandar paakyat samantalang nag-uusap. Nang bigla akong mapatingin sa grupo ng mga lalaking nakasakay sa escalator.Agad kong napansing isa sa kanila ang Kuya Edmon ko. At napatingin din ako sa lalaking na uuna sa kanila.

Medyo matured ang lalake pero makikita sa pigura nito ang kagwapuhan, matipunong pangangatawan. Na alam ng lahat na nasa trentay anyos na ito o higit pa.

Alam kong nasa trenta anyos na ito. Pero hindi ko maiwasang humanga sa pisikal na anyo nito dahil mukha pa siyang bata.Dala marahil ng pagiging mayaman, sabi nga ng iba kapag mapera ka magagawamong pabatain ang mukha mo.

"Mr.Edmon Buenaventura!" sigaw ko sa kuya ko, ngunit hindi ito sumagot.

Napatingin lang sa akin at palihim akong sinamaan ng tingin. Alam ko na mang hindi ko siya dapat sinigawan nang ganoon dahil nasa duty siya at kasalukuyang kasama nila ang VIP.

Hindi ko namalayan na paparating na ang mga ito at kami naman ay nakaharang sa daraanan nila. Napa urong ako ng kaunti ngunit nabangga pa rin ako ng lalaking unang dumaan, ang VIP.

At sa pag-iwas ko ay natabig ko naman si Shiela na siyang na-out balance at natumba.

"Aray!" sigaw ni Shiela dahil sa natumba siya at bumagsak ang kanyang puwit sa sahig.

Ngunit nakita kong tuloy-tuloy lang silang lumalakad na para bang walang nabanggang mga tao.

"Sandali lang kuya Edmon! Wala man lang bang sasabihin sa amin ang VIP niyo!?"sigaw ko sa kuya ko upang mapansin nila ang pagtawag ko.

Huminto naman sa paglalakad ang VIP at ang mga lalaking nakaharang sa kanya ay parang zipper na bumuka at nahawi upang bigyang daan ang VIP.

Lumakad ang lalaki palapit sa amin. At tinungo mismo si Shiela at inilahad ang isang kamay nito sa aking kaibigang nang hindi manlang ako tiningnan.

Inabot naman ni Shiela ang kamay nito at marahan siyang tumayo.

"Miss, okay ka lang ba?" mahinahon ang pagtatanong nito kay Shiela.

Noon lang ako nakarinig ng ganoong boses, malamig at may pagka hasky ang boses nito.

"O-okay lang naman po ako." sagot ni Shiela sa lalaking VIP.

Ngunit taliwas sa inaasahan kong sasabihin nito, ay may kinuha ito sa bulsa ng kanyang suot na suit.

Isang calling card at iniabot iyon sa dalawa kong kaibigan. Talagang sila lang ang binigyan, ako hindi manlang pinansin na para bang walang isang tulad kong nag-e-exist sa mundong ito!

"Well, if there is anything bad happen, you can call me in my office and my secretary will talk to you.But for now you can used that to buy any where here in my mall," sabi nito sa kanila at sabay tumalikod na sa amin.

Isang bagay na hindi ko nagustuhan kaya naman sinigawan ko siya uli.

"Sandali nga lang!"sabi ko sa lalaki, bago pa ito makahakbang ng dalawang hakbang. Napatigil naman ito pero hindi agad lumingon sa akin.

"Sa tingin mo wala kaming pambili rito sa mall mo? Kaya naman sa halip na mag sorry ka! Binigyan mo ng calling card mo itong mga kaibigan ko, tapos sasabihin mong you can buy anywhere!" sabi ko sa lalaki na ipinahiwatig ko sa tinig ko na hindi ko nagustuhan ang ginawa nito.

Lumingon naman siya sa akin. Pero bago pa siya makasagot sa akin ay mabilis nang nakalapit sa akin si kuya Edmond.

"Annie, ano ka ba! Can you stop!" Matalim ang tingin sa akin ni Kuya Edmond at saka muling bumalik sa kanyang mga ka grupo.

"Im sorry for that girl sir, she so annoying please forgive me for that. I will talk to her later." Napapa iling na sabi ni Kuya Edmond sa VIP, na dinig na dinig ko.

"Its okay Edmond, hindi ko akalaing matapang pala ang kapatid mo," sabi nito kay Edmond at tiningnan lang ako at saka ngumisi. Tapos ay aakma na namang tatalikod ito.

"Kuya! You know I'm not annoying person!" sigaw ko sa Kuya ko at hindi ko pinansin ang sinabi nito sa akin kanina.

Nagulat naman sila sa akin at nanlaki lalo ang mga mata ni Kuya sa akin upang patigilin ako.

Ang kaso nga lang ay hindi niya ako kayang makuha sa tingin lang.

"Mag sorry ka! Yun lang naman ang gusto ko! Mahirap bang sabihin iyon sa amin!?" Baling ko sa VIP nila na may-ari raw ng mall na iyon.

Pero wala na akong pakialam pa. Basta gusto kong marinig ang sorry niya!

"Girl, tama na nga, siya yung may-ari ng buong mall," sabi ni Joan sa akin.

At pilit na nila akong hinihila palayo sa kinaroroonan namin. Ngunit hindi ako nagpatinag.

"Alam mo! Naiinis ako sa'yo! Hindi ko makakalimutan ang araw na'to! Magkikita pa tayo uli tandaan mo yan!"

Iyon lang ang nasabi ko habang patuloy akong hinihila ng dalawa kong kasama.

Nanggagalaiti akong lumalakad nang paatras at nakatingin parin sa kanila.

Nakita ko naman siyang nakatingin parin sa akin kaya mas sinamaan ko pa siya nang tingin. Yung tingin na kung makakapatay lang sana ay napatay na siya.

Pero ang old man na iyon ay ngumisi lang na parang nang-aasar pa talaga.

"May araw ka rin sa akin!" sabi ko sa isip ko na may pagbabanta sa hambog na lalaking iyon.

Chapter 2

Dave POV:

Nasa opisina na ako ng mall kung saan may kakatagpuin akong kliyente sa araw na ito. Hindi ko inaasahang makikita ko rito sa mall na ito ang isang taong kailan man ay hindi ko ini-expect na makikita ko. Si Annie, the girl I see last year in the school of my nephew. At ngayon ay sweet sixteen na siya, sa mga susunod na buwan ay mag lalabing pitong taon gulang na siya.

Napa buga ako ng hangin sa isiping napaka bata pa rin pala ng babaeng iniisip ko.

Isang bagay na matagal ko nang pinipigilan. Sa tingin ko ay hindi ko na dapat pa bigyan ang sarili ko ng pagkakataong makita pa ang taong hindi ko dapat makita.

Kaya naman ginawa ko na ang lahat para lang hindi na magtagpo pa ang aming mga landas pero pilit pa din kaming pinagtatagpo ng tadhana. Sa lahat naman ng kumpanyang makakapasa sa bidding ay Buenaventura pa ang nakapasok para mag-provide ng mga bago kong bodyguards.

Sadyang mapaglaro ang tadhana, yung mga taong pinipigilan mong makita ay siya namang inilalapit sa iyo.

"Da**! Bakit naman ngayon ko pa siya nakita kung kailan nag-decide na akong kalimutan siya at mag-move on na sa isang bawal na damdaming nararamdaman ko."

"Sir," tawag ni Leo sa akin na siyang nakapukaw ng aking malalim na pag-iisip.

"Come in," maiksi kong sabi at tuluyan na nga siyang pumasok.

"Sir, mamayang gabi po nag-invite ng dinner si Mr. Ramon Buenaventura sa bahay po nila," sabi ni Leo.

Bigla naman akong kinabahan ng marinig ko ang pangalang binanggit nito.

What the hell! Hindi yata matatapos ang araw na ito at eto na naman, lagi kaming pinagkikita ni Annie.

"Am, Sir, ano po mag ko-confirm po ba ako sa paanyayang ito ni Mr. Buenaventura?" tanong muli ni Leo.

"Okay," nasabi ko na lamang sa secretary ko. Pero ang totoo ay hindi ko alam kung papaano ko pakikitunguhan ang pamilyang iyon. Lalo na't anak nito ang babaeng ayaw ko sanang makita.

---------------------

Annie's POV:

Pasado alas-siyete na ng gabi ng maka uwi ako sa bahay namin. Paunti-unti pa akong lumalakad papasok sa bahay namin. Napansin ko namang wala pang kakaiba sa kanila. Dahan dahan akong tumungo kaagad sa hagdan at sinadya kong hindi dumaan sa kitchen para mag kiss kay Mama. Kunwari ay nakalimutan ko lang. Well, alam ko namang mahahalata ni Mama iyon. Dahil kilala na nila ako, alam na alam ni Mama kung may ginawa akong kakaiba o kasalanan.

Hindi ako kumi-kiss sa kanila. Alam kong sa mga oras na iyon ay pauwi na rin si Kuya Edmon. Kaya nagmamadali akong tumungo sa kwarto ko dahil magdadahilan akong may sakit ako.

Alam ko ring hindi sila maniniwala, pero bahala na. Naiinis akong mapapagalitan ako nang dahil sa hambog na matandang lalaking iyon!

Nang makapasok ako sa kwarto ko ay agad kong inilapag sa kama ang mga dala kong gamit at mga bagay na binili ko sa mall kanina. Binilan ko na rin ang dalawa kong kaibigan ng mga gamit na gusto nila at pinakain ko sila sa isa sa mga restaurant doon. Dahil sa inis na inis ako sa lalaking hambog na iyon na VIP nina Papa. Napa gastos tuloy ako ng mga napaka mamahal na gamit.

Ako 'yong tipong kahit mayaman kami ay hindi mahilig bumili ng kung ano-ano. Pero dahil sa nakakainis na lalaking iyon ay napabili ako. Ayaw ko pa naman sanang gumastos sa mga buwang ito dahil may pinaglalaanan ako ng pera na binibigay nila sa akin.

Naisipan ko ka'gad na maghubad ng uniform ko at magsuot muna ng bathrobe dahil magbabad ako sa bathtub ko sa banyo.

Nang makapasok ako sa banyo ay sinindihan ko muna ang mga scented candles na nakapatong sa bathtub ko. Sinamyo ang amoy noon bago ako lulusong.

Hinubad ko ang bathrobe na suot ko at saka ako tuluyang lumusong sa bathtub ko. Habang nakahiga ako roon at nababad sa mainit-init na tubig ang katawan ko ay talaga namang narererlax ako.

Dagdagan pa ng amoy ng vanilla essence at bamboo scent na nasa kandila ay talagang napakasarap sa pakiramdam ko.

Mga kalahating oras pa ang lumipas na ako'y nakababad sa bathtub ko nang bigla namang pumasok sa isipan ko ang mukha nang mayabang na lalaking nakangisi kanina.

At agad naman akong nakadama ng inis!

"Shocks! bakit ko kaya siya naiisip?" pagulat kong na tanong sa sarili ko. At nagulat din ako sa malakas na katok mula sa labas ng aking banyo.

"Senyorita!" tawag sa akin ni Nanay Martha habang kumakatok sa pintuan ng banyo ko.

"Bakit po!" sigaw ko rin para marinig nito.

Hinaluan ko pa ng pagkainis at yamot ang tinig ko para maisip nito na hindi maganda ang pakiramdam ko.

"Senyorita, kailangan na ninyong bumaba para sa hapunan," sabi uli ni Nanay Martha.

"Paki sabi po, hindi ako maghahapunan!" dahilan ko upang hindi ako mapagalitan ni Papa.

Tiyak na si Papa ang unang magagalit sa akin dahil alam kong Vip client nila ang naka bangga ko kanina.

"Naku, Senyorita! Hindi raw pwede dahil may panauhin ang Papa ninyo ngayon at nais ng inyong Papa na ipakilala ang bawat myembro ng pamilya!" sabi nito sa akin.

Na i-imagine ko tuloy ang itsura ni Nanay Martha sa twing nagtatangka akong hindi sumunod sa mga magulang ko.

Bata pa lang kasi ako ay ito na ang kasa-kasama ko hanggang ngayon na mag di-disisyete na ako. Nakikita kong sa darating kong kaarawan ay mas bumabaha pa ang mga luha nito kaysa sa aking Mama.

"Bakit po? Sino po ba iyon at kailangan pa po talaga akong bumaba?" tanong ko kay Nanay Martha.

"Hindi ko alam Senyurita, basta't itatakwil na raw ang hindi sasabay sa hapunan ngayong gabi," sabi nito. At huminto na sa pagkatok sa pintuan ng aking banyo.

"Sige napo, bababa na po ako pagkabihis ko," magalang ko nang sabi sa matanda.

Naisip ko lang kung sino ba itong importanteng bisita ni Papa na kailangan pang may pagbabanta na itatakwil ang sinumang susuway.

"Grabe naman ang Papa! Pagtatakwil talaga ang ipinanakot sa akin!" bulalas ko sa aking sarili na talaga namang sinambit ko ng malakas.

Mga sampung minuto pa ang itinagal ko sa banyo.Ayaw ko nga kasi talagang bumaba. Pero si Nanay Martha ay naka ilang ulit nang bumalik para tawagin ako.

Yellow dress na may maliliit na daisy flower design ang sinuot ko ng mga oras na iyon. Para naman magmukha akong kiming dalaga na kunwari ay hindi makabasag ng pinggan sa kahinhinan! Charot!

Kasi naman 'yon lang ang mga damit na inihahanda sa akin ni Nanay Martha sa twing mag di-dinner kami at may bisita. Hindi ko na pinapalitan ang mga ihihahanda niya dahil tinatamad akong magpili-pili sa napakalaki kong closet at napaka rami kong damit.

Idi-nonate ko na nga sa mga nasunugan ang ibang mga damit ko, pero ang dami paring natitira. Paano'y binibilhan na naman ako ni Mama. Kaya naman hindi na ako nag-aabala pang mamili ng mga isusuot ko.

Tinernohan ko lang iyong ng yellow doll shoes na inihanda rin ni Nanay Martha.

Maya maya pa ay pababa na ako sa aming living room. Dahan-dahan pa ako dahil wala nga akong ganang kumain,siguro dahil sa alam kong may nagawa akong kasalanan.

Speaking of kasalanan!

"Inay Ko po!" nasabi ko sa isip ko nang malakas ng mapag sino ko ang lalaking sitting pretty na naka upo sa sofa namin.

Tila gusto ko nang umurong. Bahagya kong inihinto ang paghakbang ng mga paa ko upang hindi nila marinig ang paatras kong pag-akyat sana uli.

"Yari na ako!" Sabi ko sa isip kong dahan dahan talaga ngunit kung mamalasin ka nga naman oh!

Tumingin pa kasi ang hambog na iyon sa gawi ko. Kaya sina Papa at ang mga Kuya ko ay nagsilingunan na rin sa akin.

Ngumiti pa talaga ang hambog na'to!

"Oh, Annie! " masayang tawag ni Papa.

Na siya namang ikinabigla ko. Naisip kong marahil ay hindi pa ito nagsusumbong, O baka kaya ito narito upang isumbong na ako sa aking Papa.

"P-pa," kimi kong sagot sa kanya na hindi ko alam kung naka ngiti ba ako o naka ngiwi!

"Come here! And I want to introduce you to Mr. Dave Santivaniez, our new VIP client!" masaya paring sabi ng aking papa.

Itinuloy ko na lang ang aking paghakbang pababa at tuluyang lumapit sa kanila. Tumayo naman ito at ang aking Papa. Lumapit ako at nagpanggap na para bang ngayon lang kami nagkita. Sa hindi ko naman malamang dahilan kung bakit naka ngiti ito sa akin at titig na titig.

Naka ramdam tuloy ako ng pagka-conscious at pakiramdam ko ay namumula ang aking pisngi sa mga tingin nito sa akin.

Pilit akong sumeryoso at tipid na ngumiti sa kanya. Sadya kong hindi inilabas ang mga ngipin ko para hindi niya maisip na gusto ko ang kanyang mga tingin.

"Oh, hello,"sabi nito sa akin. Inilahad pa nito ang isa niyang palad sa akin upang makipag kamay.

Tiningnan ko naman ito at nag-aatubiling kunin din iyon. Pero napansin ko naman ang tingin ng aking Papa at mga kapatid na lalaki. Dahil sa ayaw ko silang mag-isip ng masama ay kinuha ko na rin iyon. Nakipag kamay na rin ako kahit na naiilang ako.

Nang mag daop ang aming mga palad ay naramdaman kong pinisil niya iyon ng kaunti at bigla akong napabitiw dahil sa may naramdaman akong parang kuryenteng dumaloy sa aking kamay.

Isang nakakukuryenteng pakiramdam na noon ko lang nadama..

"Anak, sabi ni Mr. Santivaniez, kamusta ka raw?" nagulat pa ako sa sinabi ni Papa sa akin dahil medyo kinalabit ako nito. Doon lang ako nagbalik sa ulirat.

"P-po,o-okay lang po!" nagulat at nautal kong tugon sa kanya kahit na hanggang sa mga oras na iyon ay gulat pa rin ako sa mga nangyayari.

Ang alam ko ay mapapagalitan na ako,pero sa pagtataka ko ay may kakaibang nangyari ng araw na iyon sa akin.

Hanggang sa makaupo na kaming lahat sa malawak at mahabang dining table namin ay nararamdam ko pa rin ang mahiwagang kuryente sa aking mga kamay. Na siyang ipinagtataka ko sa aking sarili.

Hindi kami roon palaging kumakain, ginagamit lamang ang dining room na iyon sa t'wing may mga VIP person na bumibisita sa aming mansion upang maghapunan at pag-usapan ang maraming mga bagay tungkol sa negosyo.

Nagkataon namang napaupo ako sa sitting area na paharap sa kanya. Panaka naka akong mapatingin sa kanya ng hindi sinasadya. At nang masulyapan ko muli siya ay nabigla naman ako nang makita kong nakatitig pala ito sa akin.

Muntik na'kong mabulunan!

Naubo ako at pinukpok pukpok ko pa ang dibdib ko upang bumaba kaagad ang bumarang pagkain sa lalamunan ko.

"Uminom ka muna ng tubig." Mabilis na inabot sa akin ni Kuya Edmon ang basong may tubig na nasa tabi ko lang naman.

At nang maka inom ako ay agad na nahimasmasan ang kalooban ko.

"Anak! dahan dahan kasi," sabi sa akin ni Papa.

At tumango lamang ako at ngumiti sa lahat ngunit nang mabaling ang tingin ko sa mayabang na lalaki sa harap ko ay inirapan ko talaga siya. At palihim na sinamaan nang tingin.

Nakita ko namang nangingiti ito.

Marami pang pinag-uuspan ang mga magulang ko at ang mayabang nilang VIP na hindi ko naman iniintindi.

Sinasabi pa la nito na may pamangkin siyang nag-aaral din sa aking paaralang pinapasukan.

Isang bagay na hinid ko na namalayan pa dahil sa masama na kasi ang pakiramdam ko ng mga oras na iyon.

Chapter 3

Simula ng gabing iyon ay hindi na naging maayos pa ang pakiramdam ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, pero may kung anong naging dahilan at bigla na lamang akong nagkasakit at hindi na nakapasok sa school ng mga sumunod na araw.

May tatlong araw yata akong nakaratay sa aking kama at inaapoy ng lagnat. At nakita nga sa aking katawan ang mga butlig-butlig na napaka kati.

"Hala! bulutong lang pala, akala namin ng Papa mo ay kung ano na ang nangyayari sa aming bunso," sabi ni Mama nang dalawin niya ako sa aking kwarto.

"Ha! Mama, you mean I have a chicken pox!?" tanong ko sa kanila dahil hindi ako makapaniwala na nagkaroon ako ng ganong na sakit.

Nahawakan ko pa nang dalawa kong kamay ang aking mga pisngi.

"Siya nga pala anak, ililipat ka namin sa hospital," sabi ni Mama na ikinagulat ko naman.

"Bakit po!?" pabigla kong nasabi. At bigla ring napabangon sa pagkakahiga.

"Ano bang nangyayari sa'yo anak? Humiga ka nga muna uli," tanong ni Mama sa akin. At na napapa kurap-kurap pa ang kanyang mga mata habang pinapahiga ako uli sa kama ko.

"Baka naman in love na yan Ma?" sabat naman ni kuya Dhino.

Na, nakangisi sa akin. 'Yong bang ngiting-aso na labas pati mga gilagid niya sa sobrang gusto niya akong maasar!

Napabuga naman ako ng hangin, "Kuya, pwede ba may sakit na nga ang tao eh," sabi ko sa kanya na umikot pa ang bilog ng aking mga mata.

Tumawa lang ito sa akin. Si Kuya Dhino iyong tipo ng isang Kuya na mapang-asar sa kapatid na babae. Pero napaka-sweet niya sa akin lalo na kapag may pabor siyang hihingin.

Sa aming lahat ay siya pa lang ang may ipinakilalang girlfriend. Si Ate Luisa.

"Alam mo anak, sayang kasi yung offer ni Mr. Santivaniez eh, sabi niya nag pa-reserve na raw siya ng private room para sa'yo."

"What!?" sabi ko nanaman na lalo pang napataas ang boses ko dahil sa gulat. At muntik ko nang maibuga ang nginunguya kong mansanas.

"Oo anak, nalaman kasi niya na may sakit ka at tatlong araw ka nang nilalagnat. Alam mo ba na sabi niya mas ma ige na ilipat ka na raw kaagad sa ospital kasi baka makahawa kapa sa mga body guards niya," seryoso talaga si Mama habang pangiti-ngiti pang nagsasalita sa akin at habang palipat-lipat ang tingin niya sa mansanas na binabalatan niya at sa akin.

"Ayoko nga! Ayaw ko sa ospital," pagpoprotesta ko. "Mama, bulutong lang ito kailangan bang ospital ka agad! " sabi ko pa.

"Pero alam mo ba Anak, nakakahawa ang bulutong! At saka isapa sa ospital kasi mapapayuhan ka kung paanong hindi ka magka peklat," sabi pa uli ni Mama.

Pero kahit anong pilit niya sa akin ay hindi talaga ako pumayag na magpa confine sa ospital, para sa akin ay simpleng sakit lang naman ang bulutong at isa pa wala pa akong kakilala na na ospital dahil sa bulutong.

"Grabe naman sila, parang bulutong lang ay palalabasin pa ako ng kwarto ko, pwede naman ako dito! Di 'wag silang pumunta sa kwarto ko!" naiinis kong sabi sa isip ko.

Ayaw kong pagtawanana ako ng mga kaibigan ko at ka-klase dahil lang sa bulutong ay na-confine pa ako sa ospital.

Kaya naman ang mga kaibigan kong sina Joan at Shiela ay panaka-nakang dumadalaw sa akin ay hindi ko na sana pinapupunta, ang kaso ay napaka titigas ng ulo nila.

Sabi ko nga sakanila ay huwag na akong dalawin pa dahil baka mahawa sila sa akin. Pero matigas talaga ang ulo ng dalawang iyon. Nagkaroon na raw sila noon ng bulutong kaya hindi na sila mahahawa pa.

Nagtataka rin akong may dumarating na mga bouquet ng mga bulaklak sa aking kwarto. May mga naka basket pa at pati narin mga prutas. Panay ang tanong ko kay Mama, pero sabi ay galing raw sa mga client ni Papa.

"Talaga po ba?" sabi ko na parang hindi naman ako makapaniwala.

"Oo... sa mga VIP CLIENT!" sabi ni mama na parang nakulitan na sa pagtatanong ko kaya medyo lumakas ang boses.

"Chill lang po Ma," sabi ko sa kanya na iminuwestra ko pa ang kamay ko.

"Ang kulit mo kasi," sabi nitong abalang inaayos ang mga bulaklak. Tinawag pa nito si Ate Lani para ayusin ang iba pang mga bulaklak.

Nang makalabas si Mama ay pinakuha ko ang isa sa mga bouquet na naroon upang makita ko kung kanino nanggaling. Pinakuha ko yung pinaka maganda at kulay pulang rosas. At nang mabasa ko kung kanino galing iyon ay nagulat ako.

"Take care! From Dave Santivaniez!" Binasa ko iyon sa aking mata lang at naubo ako ng hindi sinasadya. Para bang may bumatok sa akin para mahirihan ng ganoon.

"Bakit anong nangyari sayo?" tanong ni Ate Lani sa akin. At lumingon pa ito upang makita ako.

"W-wala...okay lang ako Ate," sabi ko na lang sa kasambahay naming si Ate Lani. Napatango na lang ito at nagpatuloy na sa ginagawa.

Bakit naman kaya nagpadala pa ng bulaklak ang hambog na iyon? Ang akala yata niya ay madadala niya ako sa ganitong mga bagay pagkatapos niyang sabihin na nakakahawa ang sakit ko.

"Napaka hambog talaga niya!" sabi ko sa aking sarili.

Ngunit ng mapatingin ako sa mga bulaklak ay nakaramdam ako ng kaunting tuwa sa aking puso. Bagay na hindi ko rin maunawaan sa aking sarili. At sa hindi ko rin maintindihan ay parati kong naaalala yung mukha niya habang nakatitig siya sa akin sa una at pangalawang pagkikita namin.

Para bang nakakalusaw ang mga tingin nito sa akin, na para bang parating may gustong sabihin. At naaalala ko rin ang kakaibang kuryenteng nadama ko noong magdaop ang mga palad namin.

"Ha, para siyang-!" sabi ko sa sarili ko na napapabuga pa ako ng hangin.

Habang iniisip ko kung ano ba itong nararandaman ko sa aking sarili. Bata pa ako at alam kong hindi ako maaring magkagusto sa isang lalaking doble ang edad sa akin. Isa pa ay ayokong isipin na ang isang tulad niya ay mayroong pagtingin sa akin.

Alam kong imposiblleng mangyari iyon. Pero ang hindi ko maintidihan sa aking sarili ay kung bakit parati ko na siyang naiisip simula ng makilala ko siya.

Sa pag-iisip ko ay hindi ko namalayang pumasok pala uli si Mama sa aking kwarto. May dala na namang mga bulaklak at prutas na inilapag sa aking mesa.

"Anak! Annie!" sigaw sa akin ni Mama. At doon lang din ako nagbalik sa aking kasalukuyan.

"Ma!" gulat kong sambit sa kanya.

"Ano bang iniisip mo? Kanina pa kaya ako rito at nagsasalita pero wala ka yata sa iyong sarili?"

"Pasensiya napo Ma, iniisip ko lang po kasi ang school, matagal na akong hindi nakapasok, marahil ay marami na akong na-miss." Pagsisinungaling ko sa aking Mama.

"Don't worry about that, I just tell to your teacher about your sickness, at alam na nila 'yon, kaya 'wag mo nang alalahanin." sabi ni Mama.

Inayos muna nito ang bulaklak at may nakita pala itong note sa bulaklak na dala niya.

"Ano 'yan Ma?" tanong ko.

"Edi ano pa mga prutas," sambit naman niya na ngiting-ngiti sa akin. May nakikita tuloy akong kakaiba sa mga ngiti ni Mama.

"Bakit po kayo ganyang kung makangiti ?" Humiga ako sa kama ko ng patagilid upang makaharap kay Mama. Siya naman ay umupo sa upuang nasa gilid ng aking kama.

Kinuha ang sobreng nakalagay sa isa sa mga basket ng bulaklak at saka binuksan iyon at kinuha ang maliit na papel na may note na nakasulat. Babasahin sana niya iyon nang bigla kong hablutin.

"Why did you get that!?" paanas niyang sabi sa akin at tinangkang bawiin ang papel.

"No! Ma... this is mine, you can't read this!" sigaw ko kay Mama na pilit kong itinago ang papel.

"What happen to you my dougther!? You know I've read that already! Kaya alam ko na ang laman niyan, alam ko kung kanino galing iyan!" malakas na sabi ni Mama at pilit pa iyong kinukuha sa akin.

Ngunit mas mabilis ko iyong binuklat at binasa nang tahimik.

"Take care always Anak. love Papa." At may heart pa na naka drawing sa ibaba. Napa yuko na lang ako kay Mama at muling humiga.

"Ikaw ha, siguro mayroon kang tinatago sa akin," sabi ni Mama na lumapit sa akin at kiniliti pa ang tagiliran ko.

"Ano ba Ma, wala akong tinatago no!" sabi ko na hinaluan ko ng inis ang boses ko.

"Alis ka na nga Ma, baka hinahanap ka na ni Papa," sabi ko na lang ulit para hindi ako kulitin ni Mama. Alam kong maari akong mahalata ni Mama kung harapan ko siyang kakausapin.

Sa lahat siya lang ang nakaka kilala sa akin. Maari niya akong mahalata sa mga iniisip ko kung patuloy akong makikipag-usap sa kanya.

Muntik akong mabisto ni Mama dahil ayaw kong ipabasa ang note. Ang akala ko kasi ay galing na naman sa mayabang na iyon ang mga prutas at bulaklak na bagong dala niya.

Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit asumerang frog ako ngayon?

Para bang nag-e-expect ako from some one na alam kong wala namang pakialam sa akin. Imposibleng magkagusto 'yon sa akin. Siyempre kung mangliligaw iyon ay doon na sa ka-edad niya.

Alam ko namang maraming babae ang nagkakandarapa sa kanya. Paano ay gwapo na mayaman pa. Kaya alam kong imposibleng mapansin niya ang isang tulad kong bata pa at marahil ay kapatid lang ang turing nito sa akin. Mas matanda lang naman siya ng ilang taon kina kuya Edmon at kuya Salmon.