Browse stories

Eight

Language: fil

While waiting for her to be discharged, Chase Gonzales, an average teenage girl who got into an accident and got comatose for more than a week, met a guy named Eight Sacramento. And in just a short time, like a shooting star falling from the sky, something inevitable happened to them. They fell in love with each other. But Eight Sacramento know they can't. Because what happened to them is just a dream, but will it just stay as a dream? Or they will live happily ever after with each other like a dream, forever?

Available chapters

  1. Chapter 1
  2. Chapter 2
  3. Chapter 3

Chapter 1

"Chase, wake up! Wake up!"

I opened my eyes and saw my little brother who's trying to sit in my bed. I chuckled because he's too small and my bed is high for him kaya hindi siya makaakyat.

"Pick a number from one to ten."

I sighed. "Charl, ang aga-aga mo namang gisingin si Ate." Sabi ko bago siya binuhat paakyat at itinabi sa akin.

This little brother of mine is too cute to handle, napaka-guwapo. Halatang mana sa Ate niya.

I laughed inside my head because of what I've thought.

Pero totoo naman kasi.

"I need you to pick a number from one to ten." He said.

"Eight." I immediately answered dahilan upang kumunot ang noo ng kapatid ko bago sumimangot. "You're always picking number eight, palagi rin akong natatalo."

I chuckled again. He is so cute! "You asked me, Charl. I just picked what I want." Sabi ko naman.

Every time someone asks me to pick a number from one to ten, kagaya na lamang nitong kapatid ko, palaging number eight ang naisasagot ko sa kanila sa kadahilanang ito ang unang-unang numero na pumapasok sa isip ko.

Maybe because number eight is a lucky number for me? I was also born in the 8th month of the year two thousand and five, 8th of the August.

That's why eight is also my favorite number.

"Okay fine. I'll choose eight too." Sabi ng kapatid ko bago bumaba sa kama ko. Inalalayan ko siya upang hindi siya mahulog at madulas bago sinundan palabas ng kuwarto ko dahil sa pagtataka kung bakit araw-araw niya nalang akong pinapapili ng number from one to ten.

May ganap yata rito sa bahay t'wing umaga at hindi manlang ako aware.

Ang daya.

"Dad! Number eight!" I heard Charl said nang makarating ako sa living room ng bahay namin. I saw Dad there, sitting in the couch while holding ten pieces of small white papers. In front of him is my brother, Charl, sitting in the small chair while looking excitedly at the cards.

"Good morning, Dad. Anong meron?"

My father smiled at me. "Good morning, Ate Chase." He greeted me before looking at my brother. "Did you asked your sister again about this?"

Tumango ang kapatid ko. "Yes. I also did that to wake her up." Sagot ng kapatid ko bago bumungisngis kaya naman natawa ang Tatay namin bago ginulo ang buhok niCharl.

"Silly Charl."

I shook my head while smiling. "Anong meron diyan, Dad?" I asked while pointing the papers.

"One of this ten papers contains a price. Kapag napili 'yon ni Charl, edi sa kaniya na 'yon."

Ngumiwi ako sa sagot niya. "Dad, ten papers lahat tapos isa lang ang may price? Charl, Daddy is madaya that's why you are not winning." Sabi ko sa kapatid ko na ngumuso lang.

Masiyado namang mahirap ang game para kay Charl. Almost one week na akong pinapapili ng kapatid ko ng number, ibig sabihin niyon ay almost one week na rin silang naglalaro nito at almost one week na rin siyang natatalo.

Poor baby.

"Daddy! Number eight I said!" Charl pointed at the third paper from the last.

"Okay, okay. Are you sure?" Dad asked him for the last time. Tila binibitin pa ang kapatid ko. Ngumisi ako nang tumingin sa akin si Charl, parang ipinapasa pa sa akin ang tanong ni Daddy na kung sure na ba siya sa number eight.

Ako ba ang naglalaro?

"Yes, Charl. Pick number eight."

"Okay. Sure na! Number eight!" My brother said cutely while clapping his hands. Napanguso tuloy ako. Sana naman manalo na 'tong bata na 'to, lucky number naman ang eight ah? Mukhang sabik na sabik na rin kasi siya sa kung ano mang price ang makukuha niya.

"Okay. You got the..." Dad stopped talking upang bitinin ang kapatid ko na mas lalong humaba ang nguso.

"Please, let me won number eight! I want a new toy!" Sabi ng kapatid ko, tila malapit nang umiyak.

"Wow, number eight heard you my son. You won a new big toy! Congratulations!" Dad said before showing him the card. Nakasulat doon ang pangalan ng sikat na laruan ngayon na matagal nang gustong makuha ng kapatid ko.

And now he finally got it. Thanks to his Ate.

"Wow, nice. Congrats, baby Charl!" I said happily while clapping my hands. Nagtatatalon naman ang kapatid ko dahil sa tuwa na nagpatawa sa tatay namin.

"Where can I claim my price?" Tanong ng kapatid ko. Dad pointed his room. "It's in your bed now. Come on, let's get it." He said before standing up. Hinawakan niya ang maliit na kamay ng kapatid ko bago tumingin sa akin. "Chase, your mother is in the kitchen. Go there and eat your breakfast, late ka nanaman gumising."

Tumango ako. "Yes, Dad."

Paano ba naman kasi ako hindi mapupuyat kung ang ganda-ganda ng series na pinapanood ko. Tinapos ko na ito kagabi and grabe, it is very worth it to watch even tho it's so tragic.

Ang guwapo rin ng bida, siyempre.

Looks like I found my new crush already.

"Good morning, Mom." I greeted mg mother who is now washing the dishes. "Anak, tanghali ka nanaman gumising. Nauna na tuloy kaming kumain. Wait, I'll prepare your food."

Ngumiti ako. "Ako nalang, Ma."

Honestly, I don't mind eating alone as long as the foodis good. Nagsandok ako ng sarili kong pagkain. Sakto namang kakatapos lang maghugas ni Mama ng mga plato nang umupo ako at magsimulang kumain. "Do you want milk?" She asked me kaya naman ngumiwi ako.

"Charl's milk? No thanks, Ma."

Ayaw ko kasi ang lasa ng gatas niya.

My mother laughed at me. "Sige, finish your food at diyan ka lang dahil maglilinis muna ako sa labas." Paalam niya sa akin na tinanguan ko agad.

While eating, na-realize ko na wala manlang akong naging panaginip kagabi. Ngumuso ako bago uminom ng tubig. It's almost a week nang huli akong managinip ah, bakit kaya?

I shrugged my shoulders before finishing up my food. Matapos kong hugasan ang mga pinagkainan ko, I immediately went inside my room upang tapusin ang school works kong hindi ko pa nagagawa at natatapos.

Wala pa akong kalahating oras sa paggawa ng mga ito nang marinig ko ang pagkatok sa pinto ng kuwarto ko.

"Come in," I said bago tumingin doon.

The door opened and swallowed my mother, father and Charl who immediately ran towards me. Kumandong ito sa akin bago tinignan ang ginagawa ko.

He tried to read it, ngunit dahil hindi pa siya masiyadong marunong magbasa, may mga ilang salita pa rin siyang hindi nababasa ng tama.

"Chase, anak, puwede bang ikaw muna ang magbantay sa kapatid mo? May pupuntahan lang kami ng papa mo. We will come back before lunch. Okay lang ba, anak?" My mother asked me that's why I immediately nodded as an answer.

"Of course, Ma. Hindi naman malikot 'tong si Charl. I can handle him."

Tumango silang dalawa sa akin. "Alright then. Charl, be good okay? Your sister is studying, don't disturb her, okay?" Sabi ni Papa na tinanguan lang ng kapatid ko na busy na ngayon sa mga written works na ginagawa ko.

Our parents immediately left matapos magpaalam sa amin.

"Charl, do you want to read?" I asked.

Charl shook his head. "No, I am lazy. Can I play instead?"

I chuckled before nodding at him. "Yes, but only here in my room, okay? Don't go outside." Bilin ko rito na agad naman niyang tinanguan.

"Okay!"

Ilang oras ang nakalipas at tutok ako sa school works na ginagawa ko habang nagbabantay sa kapatid ko na nilalaro ang aso namin ngayon. He will throw a ball na agad namang sasaluhin ni Pretzel at ibabalik sa kaniya.

"Charl, Ate will just pee, okay? Stay here. Huwag kang lalabas. Do you understand?"

Tumango siya. "Yes, Ate. I'll stay here."

Lumabas ako ng kuwarto upang pumunta sa restroom. Hindi naman ako nagtagal at agad ding bumalik sa kuwarto ko upang tignan ang kapatid ko pero kumunot ang noo ko nang makitang wala na siya sa puwesto niya kanina.

"Charl? Where are you?"

Yumuko pa ako upang tignan ang ilalim ng kama ko dahil baka tinataguan niya lang ako pero wala akong nakitang Charl sa ilalim. I even searched for him inside my closet dahil kasya siya doon at doon din siya madalas na nagtatago kapag naglalaro kami, pero wala rin siya doon.

Lumabas ba siya? Pero hindi 'yon sumusuway sa utos ko.

Umiling ako bago lumabas ng kuwarto. I searched for my brother in our living room pero wala rin siya doon. Doon ko na ako nagdesisyon na lumabas. He can't be outside dahil highway na agad ang bubungad sa kaniya paglabas niya ng gate.

Too dangerous for a four years old kid.

"Charl? Nasaan ka na ba?"

Napalingon ako sa gate at nakitang nakabukas 'yon. Doon na gumapang ang kaba sa buong sistema ko.

He can't be outside!

Dali-dali akong lumapit sa gate at lumabas. Saktong paglabas ko ay sunod-sunod na busina ang narinig ko. My brother... "Charl! Stop!" I shouted pero tila walang narinig ang kapatid ko. He's chasing Pretzel na papatawid na ngayon sa kalsada kung saan padaan na rin ang isang malaking truck.

"Charl! Stop! I said stop, Charl!"

I ran as fast as I can upang maabutan ang kapatid kong patawid na rin ng kalsada. At kung hindi siya titigil, masasagasaan siya ng truck.

"Charl!"

I grabbed his arms and pushed him away from the road. Pero sa hindi ko inaasahan, naabutan ako ng truck.

A hard thing hit my whole body dahilan upang matumba ako sa gilid ng kalsada. Ang bilis ng pangyayari. I can now feel blood flowing from my head and numbness is starting to take over my system.

"Ate! Ate—"

"Charl? Anak? What— Chase! Chase, anak!"

Ilang segundo lang ang nakalipas nang marinig ko ang boses ng tatay ko. But I am now too weak to move my body or even talk.

Gusto ko nalang pumikit.

"C-Chase, Chase? Anak, can you hear me? Si Mommy 'to, anak, d-don't close your e-eyes. Please, baby, don't."

"Love, humingi ka na ng tulong!"

Sobrang nanghihina na ako at nagsisimula na rin akong makaramdam ng labis na sakit sa katawan ko, lalong-lalo na sa ulo ko. My mother's tears started to fall down. That's the last thing I saw before closing my eyes dahil hindi ko na talaga kaya, nahihirapan na akong huminga.

I'm sorry.

"Chase! Anak!"

Chapter 2

"Hey, wake up, wake up, wake up. Ang tagal mo nang natutulog diyan."

That's the first thing I heard nang magkamalay ako. I tried to open my eyes ngunit agad akong nasilaw sa kulay puting ilaw na nasa harap ko kaya naman agad

akong napapikit.

"H-Hey? Y-You're awake now?" Tanong ng isang hindi pamilyar na boses sa akin.

I tried to open my eyes again, but now, slowly. Muli akong nasilaw ngunit unti-unti ring nag-adjust ang mga mata ko at kasabay niyon ang unti-unti ring paglinaw ng paningin ko.

A plain white ceiling is the first thing I saw. Tumingin ako sa kanan ko at tanging puting pader lang din ang nakita ko.

"Oh shit, gising ka na nga!"

Tumingin ako sa bandang kaliwa ko at nakita doon ang isang hindi pamilyar na lalaki na nakatingin ngayon sa akin. I creased my forehead slowly before asking. "Who are you? Where am I?"

The guy licked his lower lip before shaking his head slowly, tila hindi makapaniwalang gising na ako. "Y-You—" he stopped talking before standing up.

"H-Hey!" Tawag ko rito nang tumakbo ito papalayo sa akin. "I am asking!"

"I'll just call the nurses! Stay here!"

At tuluyan na nga siyang nakalabas. I heaved a heavy sigh before looking around. Umupo ako sa kama kung saan ako nakahiga ngayon, looks like I am in a hospital.

Tumingin ako sa katawan ko at nakitang wala naman akong kahit anong malalaking sugat, just some small and healed bruises. Ramdam ko rin ang bahagyang pagsakit ng ulo ko at pagkahilo kaya naman agad din akong napahiga.

"Oh God, what happened?" Tanong ko habang paulit-ulit na iniisip kung ano ang nangyari sa akin bago ako nalagay sa ganitong sitwasyon, ngunit wala akong maalala. Pasakit din nang pasakit ang ulo ko habang inaalala ang mga nangyari kaya naman itinigil ko na ang pag-iisip.

I was about to close my eyes when the door suddenly opened. Iniluwa niyon ang tatlong nurses at isang doktor na agad lumapit sa akin.

Agad nilang sinuri ang lagay ko.

"Open your eyes properly, hija." Utos ng doktor sa akin na agad ko namang ginawa. May itinapat siyang parang flashlight sa mata ko. "Normal. Check her heart beat."

The nurse checked my heartbeat and I heard that it's also normal. I was about to ask them about where are my parents pero muling bumukas ang pinto at iniluwa ang dalawang lumuluhang mga magulang ko.

"M-Mom, D-Daddy!"

Agad silang lumapit sa akin. Nang makalapit ay agad akong niyakap ng mahigpit ng nanay ko. Tuloy-tuloy pa rin ang pag-iyak niya hahang yakap-yakap ako, ayaw na yata niya akong pakawalan.

Parang ang tagal kong nawala sa kaniya.

"Doc, how's my daughter?" Agad na tanong ni Daddy sa doktor habang nakatingin sa akin, lumuluha.

"I miss you." He mouthed that made me cry in pain. "I miss you too, Daddy. I miss you, Mom." I said before hugging her back.

"You slept for too long, Chase. We missed you so much. Charl missed his sister so much. Lagi ka niyang hinahanap, asking if you're already awake. He even said that it's all his fault. Kung hindi dahil sa kaniya ay wala ka ngayon dito."

That hurt me.

Hindi dapat maisip ni Charl 'yon. Hindi niya dapat iniisip 'yon. He is too young to think of blaming himself dahil sa nangyari sa akin. Whatever happened, I don't feel any regrets. Kung ano man ang nangyari, sigurado akong ginusto ko 'yon. Walang may kasalanan. Wala siyang kasalanan.

"Where's he?" Lumuluhang tanong ko.

That baby, gusto ko siyang makita. I can imagine him saying sorry for me multiple times while crying and hugging me tight. Dahil doon ay labis ang nasaktan.

Wala siyang kasalanan.

"He is home, kasama ang tito Chev mo." Sabi ni Mama habang pinupunasan nito ang mga luha niya. She smiled at me before kissing my forehead. Hindi ko alam kung pang-ilang halik niya na 'yon sa akin.

"I am so happy that you're awake now, Chase."

I smiled. I am happy, too.

Pero gaano ba ako katagal natulog?

"She's overall normal, except sa mga ilang memoryang posibleng nawala sa kaniya na sigurado akong babalik din naman agad. She's still under observation for a week. Hindi pa rin masiyadong magaling ang sugat niya sa ulo kaya kailangan pa niyang manatili muna rito. Sa ngayon ay huwag niyo munang bibiglain ang bata." The doctor said while writing something.

Tumingin ito sa relo niya bago ngumiti sa mga magulang ko. "I have to go now, Mr. and Mrs. Gonzales. I'll come back later to check on your daughter."

Tumango naman agad ang mga magulang ko. "Thank you, Doc."

Tumango ang doktor bago tuluyang umalis kasama ang mga nurses matapos ayusin ang nakakabit sa kamay ko.

Confused, I immediately asked my mother kung sino ang lalaking nakita ko kanina pagkagising na pagkagising ko. My mother creased her forehead bago nanlaki ang mga mata, tila nakikilala na ang tinutukoy ko.

"Mabait ang batang 'yon, 'nak. Pinapabantay ka namin sa kaniya sa t'wing kailangan naming umuwi ng papa mo."

Kumunot ang noo ko. "Is he my cousin? What's his name?"

Umiling si Daddy. "Hindi mo siya pinsan, Chase. Taga-riyan lang siya sa kabilang kuwarto, binabantayan ang pinsan niyang comatose."

Oh,

"He is Eight. Madalas 'yon dito. Kapag may bantay ang pinsan niya, ikaw naman ang binabantayan niya." Dagdag pa ni Mama kaya naman napatango ako.

Eight.

His name is my favourite number.

Napangiti ako nang wala sa oras. "His name is really Eight? Wow, I never thought that a number can be a name." Komento ko bago bahagyang tumawa.

Tumingin ako sa mga magulang ko. "Where's Charl? I want to see him."

"He is still sleeping. Madaling araw palang, anak." Sabi ng Tatay ko bago lumapit sa akin. "Are you hungry? What do you want? Bibili ako."

I nodded. Sinabi ko ang gusto kong kainin at agad namang lumabas si Papa upang bilhin ito. Naiwan naman si Mama kasama ko na todo tanong kung ano ang gusto ko o ang kailangan ko.

I asked about my studies, at sinabi niyang excused daw ako sa classes hanggang sa maging okay na ako totally. 'Yon nga lang, kailangan kong maghabol dahil halos pang-dalawang linggong lessons din ang na-miss ko.

I got hit by a big truck that caused me to be in coma for exactly ten days. Iyon ang sabi ni Mama sa akin. Mabuti nalang pala at nangtanong ako kung ano ang nangyari sa akin at hindi ko na ito kailangang alalahanin pa dahil tiyak na sasakit nanaman nang malala ang ulo ko.

Sabi rin niya ay tinanggal ng doktor ang mga buhok ko sa ibaba at tagong bahagi ng ulo ko para matahi ng maayos ang sugat ko doon. Hindi naman daw ito halata dahil natatakpan naman ito ng buhok ko na makapal din naman.

"Tutubo rin naman ang mga 'yon, 'di ba, Ma?" Pabirong tanong ko habang tinitignan ang sarili ko sa salamin.

Medyo maputla na ang balat ko, sampung araw ba naman kasi akong hindi naarawan. Nagmukha tuloy akong pumuti dahil din sa kulay asul na bistida na suot ko. Ito 'yung nakikita kong suot ng mga pasiyente kapag nasa hospital.

"Oo naman. Aabutin nga lang ng taon bago maabot ang tunay na haba ng buhok mo pero okay lang 'yan, anak. Hindi naman halata at saka, maganda ka pa rin naman."

I smiled. My mother boosted my confidence because of what she have said.

She's right.

Maganda pa rin naman ako.

No problem.

Hindi naman nagtagal ay dumating na rin si Papa na may dalang napakaraming pagkain.

"Love, sabi ng doktor ay huwag muna biglain ang anak natin. Hindi naman niya mauubos lahat 'yan." Sabi ni Mama sa kaniya habang hinahanda ang mga pagkain sa mini table na nasa tabi lang din ng kama ko.

"Ayos lang 'yan, kapag hindi niya naubos tayo nalang ang kakain." Sabi naman ni Papa.

We ate together. Ilang beses kong tinanong sa kanila si Charl at sabi naman nila ay susunduin nila ito bukas nang maaga, gusto na rin daw kasi ako nitong makita.

Afternoon came, kakatapos ko lang maligo, hindi siya 'yung normal na ligo dahil hindi ko muna binasa ang ulo ko dahil sa sugat ko. Parang hot shower lang upang malinisan ako.

Kasalukuyang inaayos ni Mama ang mga nagamit ko nang damit. Sabi niya ay uuwi muna siya mamayang hapon kapag nakatulog na ako upang kumuha pa ng mga damit ko para sa isang linggo ko pang pananatili rito.

"Mom, can I go outside?" I asked.

Umiling naman ito. "I don't know, anak. Tatanungin ko ang doktor mamaya tungkol diyan. Sa ngayon, dito ka muna, okay? Kakagising mo palang."

Iyon nga, kakagising ko palang pero pinapatulog na nila agad ako para raw makapag-pahinga ako.

Hindi pa ba sapat 'yung sampo at dire-diretsong araw na tulog at pahinga ko?

I looked outside through the glass wall, hapon at tirik na tirik pa rin ang araw. Buhay na buhay din ang kalsada sa dami ng sasakyan na nakikita ko. Busy na busy din ang mga tao sa labas, nagta-trabaho.

Ilang oras pa akong nakatitig doon, hanggang sa dumating ang oras nang paglubog ng araw. Kahit na walang preskong hangin na pumapasok sa loob ng kuwarto kung nasaan ako ngayon ay tila ramdam ko pa rin ang paghaplos nito sa balat ko.

How I miss fresh air.

Hindi pa ba talaga ako puwedeng lumabas?

"Chase, lalabas lang muna ako sandali. May aasikasuhin lang ako sa baba. Dito ka lang, okay?" Paalam ni Mama na agad ko namang tinanguan.

"Sige po, Ma." I said before walking towards my bed. Umupo ako doon at pinanood si Mama na lumabas. Akmang hihiga na ako nang muling bumukas ang pinto at iniluwa ang lalaking huli kong nakita kaninang umaga.

Magulo ang kulay tsokolateng buhok nito. He is wearing a white printed shirt and blue pajama. Natawa ako dahil halos parehas kami ng suot, kulay pink nga lang ang pajama ko.

"Hey, beautiful." He said before walking towards me. Ang mga mata nito na kakulay lang din ng buhok niya ay diretso ang tingin sa akin ngayon.

I smiled. "Hello, Eight."

Chapter 3

"Can I?" He asked. Asking permission to sit beside me.

I immediately gave Eight a nod. "Sure, no problem."

Nang makaupo siya sa tabi ko ay agad akong ngumiti sa kaniya. "Thank you."

Napalingon siya sa akin nang marinig ang sinabi ko. He licked his lower lip before creasing his forehead. "For what?" He asked.

"Mother told me na ikaw daw ang nagbabantay sa akin kapag kailangan nilang umalis." Sabi ko. "So, thank you." Dagdag ko pa bago sumandal sa headboard ng kama.

"That's nothing." Mahinang sabi niya bago tumingin sa langit na kitang-kita mula sa puwesto namin ngayon. "So, how are you? Okay ka na ba? How are you feeling?" Sunod-sunod niyang tanong na nagpatawa sa akin sa hindi malamang dahilan.

"Concern?" I asked, raising a brow at him jokingly. He chuckled before nodding slowly at me as an answer. "Yeah?"

"Oh, why?"

Tinaasan niya ako ng kilay. "Kailangan pa ba talaga ng explanation?"

Nagkibit-balikat ako sa kaniya bago tumango-tango. Hindi ko alam kung bakit ang gaan-gaan ng loob ko sa kaniya kahit na ngayon lang kami nagkita at nagkausap ng ganito. His cute smile ay nagpadagdag sa magaan niyang aura, kahit sino siguro ang kausapin niya ay hindi mag-aalinlangang kausapin din siya.

I mean, he looks nice and easy to handle. Hindi ka matatakot na kausapin siya.

"Okay." I said before standing up. "Nasa baba si Mama, may inaasikako and I think, matatagalan pa siya." I said as I walk towards the door slowly.

Ramdam ko naman ang pagsunod ng tingin niya sa akin. "You want to say what?"

Sumandal ako sa pinto bago tumingin sa kaniya nang may malawak na ngiti. "Can you take me to the rooftop?" Dire-diretsong tanong ko sa kaniya na agad naman niyang inilingan.

"Have you asked your doctor about that? Baka hindi ka pa puwedeng lumabas." Sabi niya bago tumayo at naglakad papalapit sa akin. "Want some fresh air, huh?"

Ngumuso ako bago tumango. "Yes, I badly need it!"

Bahagya siyang tumawa bago tumango-tango. "Chill. Who's your doctor so I can ask if I can take you to the rooftop?"

Nanlaki ang mga mata ko. "You will do that?!"

"Uhuh,"

"Si Dr. Sacramento. Siya 'yung doctor na nag-check sa akin kanina pagkagising ko."

Ngumisi siya agad nang marinig ang sagot ko. "Really? She's my Mom."

Nanlaki ang mata ko. "Talaga? Doctor ang Mama mo? Ang galing naman." Sabi ko bago lumayo sa pintuan. "Go na, please. Gusto ko na talaga makalabas dito." Utos ko sa kaniya.

He opened the door before looking back at me. "Wait for me here. Huwag kang tatakas. I'll be quick." Sabi niya na agad ko namang tinanguan.

"I will."

Agad siyang lumabas nang marinig 'yon. Ilang minuto pa akong nanghintay hanggang sa muling bumukas ang pinto. I was expecting that it's Eight, pero si Mama ang iniluwa nito.

"Ma," tawag ko rito bago umupo sa kama ko.

"Ipinapaalam ka sa akin ni Eight kanina lang, nakasalubong ko siya. Pupunta raw kayo sa rooftop kasi gusto mo doon." She said while holding some papers.

"Can I, Ma?"

Tumigil si Mama sandali bago dahan-dahang tumango. "Sige. Tutal mabait naman ang batang 'yon at may tiwala naman kami ng papa mo sa kaniya."

I plastered a big smile before walking towards my Mom. "Thank you, Ma!" I said before hugging her.

My mother hugged be back before patting my back. "No problem. Uuwi rin kasi ako para kumuha ng mga damit mo. Okay na rin 'yon para may kasama ka habang wala ako."

Tumango ako bago humiwalay sa yakap ni Mama. "Nasaan na ba si Eight?"

"Kumuha ng wheelchair." Sagot ni Mama na ikinagulat ko. "Wheelchair? Para naman saan?" Nagtatakang tanong ko. Sasagot na sana si Mama pero biglang bumukas ang pinto at iniluwa si Eight na may tulak-tulak na wheelchair.

"Yes, wheelchair." Bungad nito. "What are you waiting for? Upo na."

Nalukot ang mukha ko. "Diyan? Hindi naman ako pilay! Nakakalakad naman ako kaya hindi na kailangan 'yan!" Reklamo ko kaya naman agad niya akong tinawanan.

"My mother, your doctor, said that you can't be tired. Malayo rin ang lalakarin para makarating tayo sa rooftop. At saka, baka mahilo ka. May sugat ka pa sa ulo, hindi ba?"

Umirap ako bago naiinis na nakatingin sa wheelchair. Hindi naman ako nabaldado!

"I am fine."

Tinaasan ako ni Eight ng kilay. "Gusto mo ba talagang lumabas?"

Tumango ako. "But I won't ride that—"

"Sige, bahala ka diyan. Huwag nalang tayo tumu—"

I cut him off before marching towards the wheelchair. "Okay! Okay! Fine. Let's go."

Umupo ako doon bago sumimangot kay Mama na tatawa-tawa na ngayon sa aming dalawa. Ngumuso ako rito, nanghihingi ng tulong ngunit inilingan niya lang ako kaya naman mas lalo akong napanguso.

"Ma naman," reklamo ko. "Hindi naman kasi ako napilayan. Hindi rin naman masakit ang mga paa ko."

"Makinig ka nalang kay Eight kung gusto mong lumabas, anak. Para rin naman sa 'yo 'yan."

Sabi ko nga.

Tumingin ako sa likod ko, tinataasan ng kilay si Eight na nakatingin na rin sa akin ngayon.

"What?" Natatawang tanong nito sa akin.

Dahil doon feeling ko tuloy pinagtitripan niya lang ako. Baka naman mamaya siya lang ang nagsasabi na kailangan ko nito kapag lalabas.

"Are you making fun of me, huh?" I asked.

Agad itong umiling sa akin. "Of course, not. Trust me, you really need this. Gusto mo ba na mahilo kapag matagal kang nakatayo at naglalakad, huh?" He asked, imitating my 'huh'.

Agad akong umiling sa kaniya. "No."

"Right." Tumingin ito kay Mama bago ngumiti. "Pupunta na po kami, Tita. Ibabalik ko po ang anak niya bago gumabi."

Tumango si Mama. "Before six, hijo. Pakiingatan ang anak ko, okay? Kakagising lang niyan."

Tumango si Eight. "Sure po."

"Ingatan mo ang anak ko."

Tumangong muli si Eight. "Surely, Tita."

Tuluyan na kaming umalis pagkatapos niyon. Napangiwi ako nang pagkalabas palang namin sa kuwarto ay may tumitingin-tingin na agad sa aming dalawa.

"I don't know that riding a wheelchair can be this embarrassing." Bulong ko na siguradong narinig naman ni Eight dahil rinig ko ang bahagyang pagtawa niya.

"They're looking not because of you, it is because of me." Bulong nito pabalik sa akin na nagpakunot ng noo ko. "Bakit naman dahil sa 'yo? Famous ka ba rito?" I asked curiously that made him chuckle again.

"No. Hindi lang siguro sila sanay na may poging nagtutulak sa pangit na katulad mo at nakasakay pa talaga sa wheelchair."

Agad akong nainis. Gusto ko siyang hampasin ngunit nakakahiya dahil madaming nakatingin sa aming dalawa kaya hindi ko magawa. At saka, mahirap na. Anak pa naman 'to ng doctor dito.

"Eh kung tumayo kaya ako rito?"

"Just kidding. Relax, Miss."

Huminga ako ng malalim upang pakalmahin ang sarili ko. Kaninang umaga ko lang siya nakilala pero pakiramdam ko ilang beses niya na akong nainis. Kung kanina ay magaan ang loob ko sa kaniya, ngayon ay inis na inis na ako. Pansin ko rin na hindi naman ako ganito kabilis mapikon dati. Nakadepende talaga siguro 'yon sa nang-iinis sa 'yo.

"Nasaan ba 'yong rooftop? Kanina pa tayo naglalakad dito, ah."

Rinig ko ang kaniyang pag-ismid. "Excuse me? Ako lang ang naglalakad."

Natahimik ako. Tama naman siya pero pakiramdam ko ay napapagod din ako kahit na hindi naman ako naglalakad.

"Dadaan muna tayo sa baba, sa may cafeteria, kukunin ko lang 'yung mga inorder ko kanina."

Kumunot ang noo ko. "Bakit? Para saan naman?"

"Snacks? Ano ba sa tingin mo ang ginagawa sa pagkain, huh?" Sarkastikong tanong nito sa akin na agad ko lang inirapan.

Nang makarating kami sa baba ay doon na dumami ang taong nakatingin sa amin. Todo iwas ako sa tingin nila dahil nakakailang talaga. Bakit ba sila nakatingin? Ano ba'ng meron sa amin?

Ganda lang naman ang meron ako. Ngayon lang ba sila nakakita ng maganda?

Jusko.

"Kuya, puwede po ba na paki-akyat 'yan sa rooftop?" Tanong ni Eight sa isa sa mga tindero doon. Ngumiti ito sa kaniya bago tumango. "Oo naman po, Sir. Ilalagay ko lang po sa tray." Sagot ng tindero bago umalis at inayos ang nga inorder ni Eight.

"Sige po, hintayin ka nalang po namin."

That means tatagal pa ang mga tingin sa amin ng mga tao. Ngumiwi ako bago nagtaas ng tingin kay Eight. "Puwede mo ba akong ipaharap sa pader?"

Agad kumunot ang noo nito sa akin. "Grabe, Chase, ano'ng trip mo?"

"Naiilang ako. Nakatitig sila sa atin ngayon, oh. Siguro dahil anak ka ng doktor dito?"

"Naku, hija, hindi lang anak ng doktor dito si Sir. Anak din siya ng may-ari ng ospital." Singit ng isang babae na napadaan sa gilid namin. Nanlaki ang mata ko dahil doon bago lumingong muli kay Eight. "Is that true?!" Gulat na tanong ko rito na agad naman niyang tinanguan. "Yea, but chill, that's no big deal."

"Anong no big deal?! It is!" Sagot ko pabalik. Muntikan pa akong napatayo dahil sa gulat ngunit naudlot dahil pinanlakihan niya ako agad ng tingin.

Anak ng may-ari ng ospital, taga-bantay at taga-tulak ko lang ng wheelchair?!

Wow naman. I feel so honoured.

"Alam ba nila Mama ang tungkol doon?" Sunod na tanong ko sa kaniya na dahan-dahan niya ring inilingan.

"Chase, chill. Hindi naman big deal 'yon."

Napahilamos ako sa mukha ko gamit ang aking palad. Kung malaman ito nila Mama at Papa, sigurado akong mahihiya ang mga 'yon. Utusan ba naman nilang pagbantayin ang anak ng may-ari ng ospital na 'to sa akin.

"Big deal 'yon, Eight. Nakakahiya kaya!" Ani ko.

Ngumiti ito sa akin bago nanggigigil na pinisil ang ilong ko. "Don't be shy. Mababait ang mga tao rito, hindi sila ma-issue. Don't worry." Bulong nito bago sinimulang itulak muli ang wheelchair nang makitang ready nang isunod sa amin ang mga inorder niya.

Hindi nawala ang hiya sa sistema ko. Gusto kong tumayo at paupuin si Eight sa wheelchair kung saan ako nakaupo ngayon at ako naman ang magtutulak sa kaniya.

Nakakahiya sa Mommy niya na siyang doktor ko pa!

"Chase, harap ka nga sa akin." Utos ni Eight na dahan-dahan ko namang sinunod.

Ngumiwi ito bago dahan-dahang hinawakan ang tuktok ng ilong ko gamit ang kaniyang hintuturo.

"Bakit?" I asked.

Ngumiti ito sa akin. "Namumula ilong mo."

Umirap ako. "Pinisil mo, malamang."

He chuckled. "Sorry. But, you look cute."

"Thanks."

"Kamukha mo 'yung reindeer na may kulay pulang ilong." Sabi nito bago tumawa nang malakas dahilan upang tumawa rin ang dalawang tinderong may bitbit ng mga inorder niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Panira."