Playful Destiny (Body Switch)
Language: fil
/0/26565/coverbig.jpg?v=70e6ef982c124809ba34facc7b81203e)
Childhood crush o mas tamang sabihin na first love ni Scarlet Silvestre si Dylan Dutcher. Bata pa lang kasi nang magsimulang tumibok ang puso nya rito dahil sa angking kaguwapuhan at katalinuhan ni binata, ngunit sa kabila naman nito ay kabaligtaran ang pag-uugali nito. Cold-hearted at playboy kasi si Dylan, walang sineseryoso na babae. Matapos makuha ang babae ay bigla na lamang nitong iiwang luhaan ang mga babaeng nakakarelas'yon. Ngunit paano kung mag-switch ang kanilang mga katawan at magkapalit ang kanilang buhay?! Is there a chance that Dylan will love her too? O baka naman…
Available chapters
Chapter 1
Huling araw na ng Mayo at kasalukuyang ipinagdiriwang ang Santacruzan. Nakipagsik-sikan si Scarlet sa maraming tao, maingay dulot ng mga tilian ng mga kadalagahan.
Hindi n’ya alintana ang pawis masilayan lamang niya ang love of her life n'ya, no other than Dylan Dutcher!
“Omg! Shit, Napakaguwapo mo talaga!” bulalas ni Scarlet habang titig na titig sa binata na nasa malayo pa naman.
Naglalakad ito habang may apat na lalaking bantay sa magkabilang paligid ng binata. Nakasuot ito ng Tuxedo at pants na itim na lalong nagpalitaw sa kakisigan at kapogian ng binata.
Talagang walang babae ang hindi magkakagusto rito. Ang taas nito ay maihahalintulad sa mga PBA Players, 6”2 Ft. lang naman ang height nito, napakakinis at mestiso pa. Idagdag pa ang pointed nose nito, chinitong mga mata at natural na red lips nito.
Napakagat sa pang-ibabang labi si Scarlet habang matalim na pinagmamasdan ang papalapit na lihim na iniibig. May konting kurot sa sulok ng puso n’ya sapagkat iba ang naging kapartner nito sa sagala.
Kung hindi lang sila gipit ngayon, nakapagpalista sana s’ya para makasali sa sagala. Nakabili o arkila man lang sana sila ng mama niya ng gown at nakapagpa-parlor ngunit hindi na n’ya ipinilit pa ang kaniyang Ina sa pansariling kagustuhan.
S'yempre, mas uunahin na lamang nila ang pagkain kaysa kalandian niya 'no?
Kontento na s’ya na minsan na niyang naka-partner si Dylan sa sagala, walong taon na ang nakakaraan.
Tandang-tanda n’ya pa noong sampung taong gulang pa lamang s’ya, kaka-lipat lang nila noon ng bahay sa lugar na ito.
Wala pa siyang mga kakilalang kapwa bata, habang nakatambay siya sa tapat ng gate nila ay nahagip ng tingin niya ang mestisong batang lalaki.
Kaedad lang niya ito pero sa tangkad nito, hindi man lang s’ya umabot hanggang sa balikat.
Oo na! siya na ang pandak, pero kahit gano'n 'di naman maitatanggi ang natural niyang kagandahan.
Maganda rin naman siya, matangos ang ilong, maganda ang mga mata at labi. Bumagay sa flat Five n’yang height.
“Hi! Ako nga pala si Scarlet bagong lipat lang kami ng parents ko rito. Wala pa akong friends puwede bang maging friend kita? Anong name mo?” malambing na pagpapakilala ng batang si Scarlet. Sinamahan n’ya pa ito ng ngiti at lambing ng boses.
“Stay away from me! I don’t talk to strangers!” sarkastiko nitong tugon sa kan’ya.
Nabigla si Scarlet sa naging tugon sa kan’ya ng mestisong bata.
Kung hindi lang ito cute, baka tinarayan na rin n’ya ito.
Lumayo ang pilyong bata sa kan’ya at ipinagpatuloy nito ang pag-shoot ng bola sa ring.
No wonder kaya pala wala itong kalaro dahil sa attitude nito. Sa isip isip ni Scarlet.
Umupo na lamang si Scarlet sa tabi at pinanood ang crush niya.
Yes! na-love at first sight na agad s’ya rito kahit hindi niya pa alam ang pangalan nito pero mukha namang na-hate at first sight ito sa kan'ya.
Mas'yado pang mura ang kan'yang isip at puso para sa nararamdaman, ngunit hindi niya iyon maitatanggi sa kan'yang sarili.
Habang pinapanood n’ya ang batang lalaki sa pagba-basketball nito, hindi niya namalayan na may tumabi sa kaniyang isang medyo may edad na babae na sa wari ay nasa kuwarenta anyos.
Sa ayos nito ay mukhang ito ang yaya ng bata. Mukhang may kaya pala ang pamilya nito. No wonder at English speaking ito kanina.
“Iha, puwede bang tumabi sa’yo? Malapit lang ba rito ang bahay n’yo? Napagod ako sa paglalakad, narito lang pala si Señorito,” hingal na sabi nito.
“Opo, d’yan lang po sa tapat ang bahay namin. Kalilipat lang po namin dito ng magulang ko kaya wala pa po ako mas'yadong kaibigan o kakilala. Nakikipag- friend nga po ako sa kan’ya, kaso sinungitan lang naman po niya ako,” mahabang tugon ni Scarlet habang nakanguso pa at naka simangot sa ginang.
Natawa nang bahagya ang ginang sa pagmamaktol ng bata.
“Pagpasensyahan mo na Hija, ganiyan talaga 'yan si Señorito Dylan. Mailap kasi 'yan sa mga hindi n’ya kilala kahit na bata. Mas gusto niyan na naglalaro mag-isa. Ako nga pala si Aling Marites, personal yaya ako ni Señorito Dylan. Ikaw Hija? Anong pangalan mo?” tanong nito.
“Ah, wow! kayo po pala ang personal niyang yaya. Ang suwerte naman po niya. Ako nga po pala si Scarlet, “ Inilahad niya ang kanang kamay sa ginang at agad naman itong nakipagkamay sa batang si Scarlet.
Humanga si Aling Marites sa ginawa ni Scarlet dahil sa panahon ngayon ay wala ng bata ang may gumagawa ng ganoon.
“Hindi ba sinabi ko stay away from me bakit nandito ka pa?” biglang singit ng batang si Dylan. Hindi nila namalayan na nakalapit na pala ito sa kanila.
Agad silang nagkalas ng mga palad.
“Excuse me! Ikaw kaya itong lumapit sa amin! Señorito Dylan my love” pilyang sagot ni Scarlet na nagpamula naman sa pisngi at tainga ng mestisong batang si Dylan.
Tama ba ang narinig niya?Tinawag siya nitong Señorito Dylan? At may kasama pang my love?
“Wait, What? What did you just say? My love ? You are too young pero-“ naputol na ang kaniyang sasabihin nang biglang pumagitna na si Aling Marites sa kanila bago pa sumiklab ang namumuong pikunan sa dalawang magkabilang panig.
“Ahm, Señorito Dylan, kanina pa po tayo hinihintay ng Mommy at Daddy n’yo. Tara na po,” aya nito.
“Okay po Nay Tess,” bigla itong naging masunurin at maamong bata na sumunod sa yaya nito. Subalit habang naglalakad ito palayo ay nilingon s’ya ni Dylan at tinitigan na akala mo ay nagbabanta.
“Bye po Aling Marites and my love Dylan!” pahabol pa ni Scarlet 'di alintana ang masamang titig sa kan'ya ni Dylan na lalo lang naman nagpakilig sa munting puso ni Scarlet.
“Nice to meet you Hija! Ingat ka, umuwi ka na rin at delikadong mag-isa sa labas,” pahabol pang sigaw ni Aling Marites.
Tuluyan nang nakalayo at nawala ang dalawa sa paningin ni Scarlet.
Habang pauwi sa bahay ay palundag- lundag siyang naglakad. Sobrang saya niya nang araw na iyon. Kahit suplado ito, hindi siya susuko hangga't hindi sila nagkakalapit ng loob ng kaniyang crush.
Nasa ika limang baitang ng elementarya pa lamang si Scarlet ngunit marunong na ito sa mga ganoong bagay, mahilig kasi siya manonood ng mga Korean Novela na nakakakilig kaya tuloy sa totoong buhay ay nagagaya na niya ito.
Naniniwala kasi siya na sa bawat taong nilikha sa mundong ito ay may isang taong nakalaan para sa'tin upang makasama at mahalin tayo habang buhay.

Chapter 2
“Ma, nandito na po ako!”sigaw ni Scarlet.
“Naku, ikaw bata ka saan ka ba nanggaling? Imbes na tulungan mo kami ng Papa mo mag-ayos dito o kahit magbantay ka na lang sa bunso mong kapatid,” inis na sabi ng ina niya.
“Ma, tumambay lang po ako d'yan sa tapat natin. May nakilala akong super cute and handsome boy, kaedad ko lang siya Ma, pero suplado. Nakikipagkaibigan lang naman ako sa kan’ya,” kinikilig niyang paliwanag habang 'di pa rin nawawala ang mga ngiti sa kan'yang labi.
Close sila ng Mama niya kaya 'di siya nahihiyang magkuwento ng mga gano'ng bagay pero 'di ibig sabihin no’n ay kukunsintihin na siya ng kan'yang Ina.
“Ikaw talaga Scarlet masyado ka pang bata sa gan'yan. Imbis na pag-aaral ang inaatupag mo,” sita sa kan'ya nito habang abala sa pagtitiklop ng mga damit.
“Ma naman, nag-aaral naman ako ng mabuti at mas gagalingan ko pa po para matupad natin ang mga pangarap natin Ma,”
sabay yakap ng mahigpit sa kaniyang ina.
Kinabukasan, araw na ng paghahanda para sa Santa Cruzan, masayang umuwi si Aling Sylvia bitbit ang pink na gown.
“Ma, sa'n po galing 'yan ?” takang tanong ng batang si Scarlet.
“Naku ‘wag ka na magtanong anak. Maligo ka na agad at kumain. Magpapa-parlor pa tayo dahil kasali ka sa sagala,” excited na bulalas ni Aling Sylvia.
“Talaga po Ma? Okay Ma, Thank you so much Ma,” Mabilis na bumangon si Scarlet mula sa pagkakahiga.
Nakalimutan na niyang iligpit ang mga kumot niya.
Nang matapos kumain ay naligo na agad siya.
Agad silang nagtungo sa parlor upang magpa-make up silang mag-ina. Doon na rin niya isinuot ang color pink na gown niya.
Kahit bata pa ay litaw na litaw na ang kaniyang kagandahan na lalo pang mas nagpaganda sa kaniya sa suot niyang mala-prinsesang gown na pinalilibutan ng mga kumikinang na bato. Idagdag pa ang curly hair niya na nakalugay na umabot ang haba hanggang sa siko n'ya. Sa kan'yang murang edad ay mapagkakamalan na isa na siyang dalaga.
Pinagtitinginan siya ng mga tao. Mapa-lalaki man o babae, bata man o matanda ay napapalingon kay Scarlet.
Talaga naman kasing litaw na litaw ang kagandahan niya. Aakalain mong isa siyang celebrity na dumayo sa lugar ng Makati City.
Laking gulat ni Scarlet nang makita kung sino ang magiging kapareha niya sa sagala. Walang iba kung hindi si Dylan!
Nagkatinginan silang dalawa sa gulat at pagkamangha sa isa't isa. Imposible naman na hindi makaramdam ng kahit konting paghanga si Dylan kay Scarlet.
Sa ganda ba naman nito, bakla na lang siguro ang hindi magkaka-crush kay Scarlet 'no.
“Did you plan this? You and your mother?” bulong ni Dylan kay Scarlet na naging dahilan upang makiliti at makaramdam ng kilig si Scarlet.
Lalo tuloy lumakas at bumilis ang tibok ng puso niya.
“Ha? Hindi ‘no. Bakit naman gagawin namin ni Mama ‘yon, hindi naman siya ang nagma-manage dito,” depensa agad ni Scarlet pero lihim siyang napangiti dahil alam niya na ka-close ng Mama niya ang nag ma-manage ng Santacruzan.
Posible nga kayang sinad'ya ng Mama niya na maging magka-partner sila o sad'yang tinadhana lang talaga sila?
“Oh, One, Two, Three smile!” sunod- sunod na pag-click sa camera ang ginawa ng Mama ni Scarlet at ng iba pang naroroon.
Labis-labis ang kasiyahan na nadarama ni Scarlet nang mga oras na 'yon. Siya na yata ang pinaka mapalad na babae sa buong universe!
Lalong nag-init ang kaniyang mga pisngi nang pinaghawak pa ang kanilang mga kamay ni Dylan habang tinatahak nila ang landas na puno ng pag-asa na sana balang araw ay lumambot din ang puso ni Dylan sa kan'ya.
Sa sobrang saya na nadarama ni Scarlet, pakiramdam niya ay sila lang dalawa ang naroroon.
Ini-imagine niya na nasa mala-paraiso sila, naglalakad at magkasamang tinatahak ang daan kung saan magsisimula sila ng bagong buhay na masaya at puno ng pagmamahalan sa isa’t isa.
Bumalik sa reyalidad ang isip ni Scarlet nang marahang pinisil ni Dylan ang kanyang mga palad. Nakarating na pala sila sa simbahan at tapos na ang mahabang imahinasyon at ilus'yon niya.
Pero nanatiling magkahawak pa rin sila ng mga kamay!
“Oops, sorry ‘di ko namalayan nandito na pala tayo,” Kinalas agad niya ang pagkakahawak sa mainit na palad ni Dylan.
“It’s okay, alam ko naman lumilipad ang isip mo at pinagpapantasyahan mo ako, kaya go lang. Dream on,” natatawa nitong sagot sabay ngiti sa kaniya.
Oh my God!
Tama ba itong nakikita ko nginitian niya ko? Muntik ng mapatili sa tuwa at kilig si Scralet sa ginawang pagngiti at may pahabol pang pagkindat si Dylan sa kaniya bago ito tuluyan lumabas ng simbahan.
“Anak, tanghali na ‘di ka pa ba babangon d’yan. Malilipasan ka na ng gutom niyan,” Hinablot nito ang nakatalukbong na kumot sa buo niyang katawan.
“Ma naman, inaantok pa kasi ako,” Padabog na bumangon si Scarlet at kinukusot pa ang mga mata na nakapikit pa rin.
Napuyat kasi s’ya sa kaiisip kay Dylan. Halos mag-uumaga na kanina hindi pa rin s’ya dinadalaw ng antok dahil sa dami ng pantasyang namumuo sa maharot niyang isip.
“Sige, Matulog ka lang para hindi mo makita ang pag alis ng Pamilya Dutcher,” Tinalikuran na siya ng kan'yang Ina at akmang lalabas na.
“Wait Ma, sino naman 'yan tinutukoy mo?” takang tanong ni Scarlet. Puno ng kuryosidad ang mga mata niya na sa ‘di mawaring dahilan ay bigla siya nakaramdam ng kaba sa kan'yang dib-dib.
“Sino pa ba, eh ‘di 'yong crush mo,” sagot nito.
“Ha? Aalis na sila Ma?” Mabilis na lumabas ng kuwarto si Scarlet at nagmadaling nag-toothbrush.
Paglabas niya ng gate, natanaw niya si Dylan na pasakay na ng van. Hindi man lang s’ya nito tinapunan ng kahit konting sulyap.
Nanlambot ang mga tuhod ni Scarlet. Iiwan na ba siya ng kan'yang crush?
“Oh, Scarlet nandiyan ka pala. Nakita kita kahapon napakagandang bata mo talaga at nakapareha mo pa si Señorito Dylan,” bati ni Aling Marites sa kan'ya habang tinutulungan ang driver sa pagpasok ng mga bagahe sa loob ng kotse.
"S-Salamat po Aling Marites, sa'n po ang punta n'yo?" tanong ni Scarlet.
“Sa airport iha, sa states na kasi mag-aaral si Señorito kaya baka matagalan bago kami makabalik dito,” sagot naman nito na lalong ikinalungkot ni Scarlet.
Sumakay na rin sa kotse ang mga magulang ni Dylan kaya hindi na niya nagawa pang kausapin si Dylan.
Sino ba naman s'ya para dito eh kahit isang sulyap nga hindi man lang s'ya nito tinatapunan.
Muntik na siyang maiyak sa narinig pinigilan na lamang niya at magalang na nagpaalam.
Mabuti na lamang, kahit paano ay nalaman niya pa kung saan ito tutungo kung hindi ay baka mabaliw siya sa kakaisip.
Basta ang alam niya lang sa sarili niya handa siyang maghintay kahit gaano pa ito katagal.

Chapter 3
Hindi napigilan ni Scarlet na mapangiti nang muling nanumbalik sa ala-ala niya ang tamis ng kahapon.
Sa mga oras ito ay napagtanto niya sa sarili niyang mahal na pala niya ang lalaki dahil sa haba ng panahon na lumipas ay hindi ito nawaglit sa kan'yang puso't isipan.
Labis-labis ang pagka-miss niya rito at sa pagkakataong ito, handa na siyang magtapat ng tunay na nadarama kapag may pagkakataon na makausap niya itong muli.
Sigurado na siya sa sarili kung ano ang kanyang tunay na nararamdaman para sa binata, ngunit paano kung may minamahal na pala itong iba?
Naaalala pa kaya s'ya nito?
“Sir? Ahh..puwede po bang magpa-picture? please?” kinikilig pang sabi ng isang dalaga. Nakasuot ito ng crop top at sobrang ikli pa ng short.
“Duh! As if naman na pagbigyan ka!”sa isip isip ni Scarlet.
Naiinis talaga siya sa mga babaeng umaaligid- aligid sa Dylan n’ya.
Hindi ba nila alam na pagmamay- ari na niya ito noon pa? At sinisiguro niyang siya lamang ang makakakuha sa puso nito.
“Ahh..Oh my goodness natapakan niya ang paa ko piling ko sinadya niya 'yon para mapansin ko siya,” kinikilig pang tili ng isa.
Parang tanga lang!
“Oh wag kayo magtulakan give way, Give way!” maawtoridad na utos ng isa sa mga bodyguard ni Dylan.
“Ma, abot mo sa’kin ang camera dali! Malapit na si Dylan dumaan sa tapat ko!” natatarantang utos ni Scarlet sa Ina niya na unti-unti naman natatabunan ng mga tao sa kan’yang likuran kaya hirap si Aling Sylvia maiabot ang camera sa anak.
“Ay, Anak ikaw talaga pasaway ka kahit kailan! Paano ba ito nasik-sik na ako ng mga tao, saluhin mo na lang,” sigaw ni Aling Sylvia sa anak, pagkatapos ay ibinato nito sa gawi ni Scarlet ang camera.
Dahil sa nagsisik-sikan na at nagkakatulakan ay nahirapan si Scarlet na masalo ito.
Dahan-dahan siyang tumingkayad, habang nakahanda ang kan'yang mga kamay upang saluhin ito ngunit nasanggi siya ng mga nagtutulakan na mga babae dahilan upang madulas siya.
Napapikit na lamang siya sa takot at kaba.
Marahan na naglalakad si Dylan katabi ang kan'yang ka-partner. Ang totoo niyan kanina pa siya naiirita sa mga maiingay na tao.
Ito ang pinaka ayaw niya sa lahat 'yong pinagkakaguluhan siya lalo na ng mga babae dahil ito ang katangian ng babae na pinakaayaw niya sa lahat.
Kadarating lang nila kahapon ng tanghali galing States ngunit imbes makapagpahinga muna siya ay sinalang agad si Dylan ng kan'yang Mommy sa ganitong Bagay.
“Damn it! I really don’t like being surrounded by so many people like them. They look like as if they will eat me alive,” asik ni Dylan.
“Relax baby, just try to be nice to them. They will become your fans and supporters someday,” malambing na wika ng ka-partner niya.
“As if naman na susundin ko ang gusto ni Mommy,” inis nitong sagot.
“Oh, why not? napakag'wapo mo at napakatalino pa, hindi malabong ikaw na ang susunod na isa sa pinakasikat at pinakamagaling na artista sa industriya,” malambing na sabi nito.
Natawa na lamang si Dylan sa tinuran ng Girlfriend.
Oo, may girlfriend na siya.
Nakilala niya ito sa engagement party ng Bestfriend niya at younger sister din ito ng Bestfriend niya.
Bago pa sila naging mag-on, dumaan pa s’ya sa butas ng karayom dahil sobrang higpit ng parents nito at ng bestfriend ni Dylan dahil kilala siyang playboy ng matalik na kaibigan.
Matangkad, morena at mala-anghel ang maamo nitong mukha.
Siya si Trixie Nordstorm.
Isang sikat na model ng fashion magazine at lumalabas na din sa mga T.V commercial.
Habang naglalakad ay napahinto si Dylan at bahagyang nagulat.
Isang pamilyar na mukha ang nahagip ng kan'yang paningin, bagamat naka-side view ito sa gawi niya.
Hindi siya puwedeng magkamali.
Ito ang makulit na babaeng kinaiinisan niya noong sampung taon pa lamang siya!
Sa ‘di malamang dahilan, biglang bumilis ang tibok ng puso ni Dylan.
“No way! I did’nt even miss her!” sigaw ng isip ni Dylan.
Nagkagulo at nagulat ang lahat nang biglang may babae na gumawa ng eksena.
Akma nitong sasaluhin ang isang bagay sa ere, ngunit bigo ito sapagkat ito ay nadulas at ang isang bagay na pilit nitong sinasalo ay tumama sa balikat ni Dylan na ikinabigla naman ng binata. Ngunit hindi na pinansin pa ni Dylan iyon dahil ang focus na niya ay masalo ang babaeng malapit ng bumagsak sa lupa.
Akma na sana siyang kikilos pero isang kamay ang pumigil sa kanyang bisig.
Si Trixie.
“Babe.You don’t have to do that,”wika nito sabay nguso sa direksyon kung saan matagumpay naman na nasalo ng isang lalaki ang babae bago pa ito tuluyan bumagsak sa lupa.
Dinampot na lamang ni Dylan ang kanina ay tumama sa balikat niya.
“So it’s a camera,” naiinis na bulalas ni Dylan.
Pagmulat ng mga mata ni Scarlet, isang lalaki ang nakangiti, malapit na malapit sa mukha niya at halos nakayapos na ito sa kan'ya.
Agad siyang kumalas dito at baka makita pa ito ng Dylan niya, masira pa ang pag-asa niya.
“Scarlet, hindi ka na naman nag-iingat. Mabuti na lang kasing bilis ko si Superman at nasalo kita agad. Sabi ko na nga ba at nandito ka lang, kanina pa kita hinahanap,” bulalas nito na parang walang pakilam sa mga tao sa paligid nila dahil nasa gitna na sila ng daraanan at 'di pa rin kumikilos upang tumabi.
“Bakit mo ba kasi ako lagi sinusundan Paul?” naiiritang sagot naman ni Scarlet.
Akma na sana siyang tatayo nang biglang may mga paa siyang nakita na papalapit sa kanya.
Nakasalampak kasi siya sa lupa at nakayuko kaya unti-unti ay tumingala siya rito.
Walang iba kung hindi si Dylan Dutcher!
Matalim ang mga mata nito na nakatitig sa kan’ya habang nakatayo sa tapat n’ya. Hindi tuloy siya agad nakatayo dahil sa kaba at hiya na rin kaya tinulungan na siya ni Paul.
“So you are willing to risk your life just to get this thing huh,” tiim-bagang wika ni Dylan habang inaabot ang camera kay Scarlet.
Nanginginig ang mga kamay ni Scarlet dahil sa kaba at hiya.
Kukunin na sana niya ang camera ngunit mabilis si Paul kaya ito ang kumuha ng camera kay Dylan.
Nagkatinginan ng masama ang dalawang lalaki na akala mo ay magsusuntukan.