Browse stories

Lifetime Bodyguard

Language: fil

MAGMULA nang maging abala sa ahensiya ang mga magulang ni Athena, ay naging kainip-inip ang buhay niya. Wala nang panahon ang mga ito sa kanya. At sa sobrang pagkainip ay naghanap siya ng excitement sa ibang tao at lugar—na naging sanhi ng pagkadisgrasya niya. Akala niya makukuha na niya ang atensiyon ng mga magulang ngunit lalo lamang siyang natali sa pagkainip nang bigyan siya ng papa niya ng personal driver at bodyguard. Naibaling niya ang inis sa driver niyang si Sean, dahil may pagkasimpatiko ito. Pero habang tumatagal na kasama niya si Sean ay unti-unti nang nahuhulog ang loob niya…