My Stranger Legal Wife
Language: fil
/0/26596/coverbig.jpg?v=935395c31476480a999b66638775f2fb)
Zeke Xavier Fuentares wants to fix his broken marriage with Alora Leigh Andrada. They both agreed staying in a same roof for a month. After that, they will decide if they will fix their marriage or legally separate. Handang gawin ang lahat ni Zeke para sa babaeng kanyang minamahal. Ngunit hanggang saan siya dadalhin ng wagas na pag-ibig kung ang lahat ay umiikot sa kasinunggalingan? Sa paglantad ng katotohanan, matatabunan ba nito ang umusbong na pag-iibigan?
Available chapters
Chapter 1
Pagpasok ko pa lamang sa restaurant, agad nakuha ng napakapamilyar na mukha ang atensiyon ko. Pakiramdam ko ay bumilis ang tibok ng puso ko. Gusto ko siyang lapitan, yakapin at hagkan. Pero hindi naman kasi gano'n kasimple at kadaling gawin iyon.
"Wife," I uttered. Sapat lang ang tinig ko sa aking pandinig. Pinagsawa ko ang mga mata ko sa kanya. At sa isang iglap, animo ay napako ako sa kinatatayuan ko. Labis akong kinain ng matinding pananabik.
Tama nga ang ibinigay na impormasyon ng private investigator. Nandito nga siya, dito sa lugar na hindi ko inaasahan.
Nakatayo siya malapit sa counter, bahagya siyang nakayuko at may hawak na papel. She's wearing a red blouse tucked with a black skirt. There is a small rectangular name plate pinned on the upper left part of her blouse. She looks decent. She's not as daring as before but she's still sexy in my eyes. Hindi naman siya baduy tingnan ngayon. Sakto lang. Tama lang since nasa trabaho naman siya.
Nakita ko siyang bahagyang ngumiti habang kausap ang isang waitress.
Parang sumikdo ang puso ko sa ngiti niyang iyon. Kasabay ng pagngiti ng labi niya ay ang pagkislap ng mga mata niya. Bilugan ang mga mata niyang may malantik na pilik mata. Her eyes were shouting innocence, contrary of her real personality. May katangusan ang ilong niya. Makinis ang mukha niya at makipot ang labi niya. Katulad pa rin siya ng dati. The only difference is she looks simplier today.
"Mister, kung wala kang planong pumasok, huwag haharang-harang sa daan!" mataray na wika ng babae mula sa aking likuran.
Agad akong napalingon sa kanya. Isang babae ang nakatayo sa likuran ko, nakapusod ang kanyang buhok at may suot na salamin. Naka-lipstick din ito ng matingkad na pula na bumagay sa kulay niyang sakto lang ang kaputian. Sa tantiya ko nasa mid-wenties ang edad niya.
Natigilan ako sa pagsuri sa kanya nang umarko ang kilay niya. Lalo tuloy siyang nagmukhang masungit pero 'di ako nagpatinag . Sinamaan ko siya ng tingin bago ako naglakad patungo sa isang bakanteng mesa.
Nang muli kong ibalik ang tingin ko sa kinatatayuan ng aking asawa, nakatalikod na ito at naglalakad papasok sa isang pintuan. Kung pwede ko lang siyang habulin, kanina ko pa sana ginawa pero ayoko namang gumawa ng eksena.
Four years have passed since she left me.
But after all what she did, I still love her. I want her back. I badly want her back. I wanna fix our marriage.
Martir ba? Niloko niya ako. Nabuntis siya ng ibang lalake. Iniwan niya ako tapos ako itong gago, mahal na mahal pa rin siya.
Nakakabuwisit ba ang katangahan ko? Go on, judge me! Kahit buong mundo pa ang manghusga sa'kin, hindi mababago ang nararamdaman ko para sa kanya. Kahit gaano pa kabigat ang kasalanan niya, buong puso ko parin siyang tatanggapin. Dahil kung totoong nagmamahal ka, napakahirap magalit at napakadali lamang ang magpatawad.
Napabuntong-hininga na lang ako.
Ang tanong, after four years, may maaayos pa ba ako? O umaasa na lang ako sa wala? Kung anuman sa dalawa, ang mahalaga sa ngayon, makausap ko siya. After all, I am the legal husband. If we can't fix our marriage anymore then at least, we can have closure.
Closure! Iyon nga siguro ang kailangan ko.
Nag-order lang ako ng nag-order ng pagkain. Na halos 'di ko naman nagalaw. Since, hapon na rin naman, napagdesisyunan kong hintayin na lamang siya. Isinabay ko na rin ang pagbabasa ng mga e-mails sa aking phone para hindi ako mabagot.
Mahigit dalawang oras rin bago bumukas ang pintuang pinasukan niya kanina. Nang makita kong siya ang lumabas mula sa pinto, awtomatiko akong napatayo at binulsa ang phone ko.
Nakita kong may kinausap siyang isang crew, pagkatapos ay lumabas na siya.
Agad naman akong sumenyas sa waiter para sa bill ko.
Hinabol ko siya pero medyo nakalayo na siya kaya napagdesisyunan kong tawagin na lamang siya.
"Wife!" I almost shouted so she can hear me. Nabigo ako dahil hindi naman siya lumingon.
Stupid! Hindi naman kasi wife ang pangalan niya.
"Lei!" I called her.
Lumingon siya. Tumigil ang tingin niya sa'kin. Parang tumigil rin ang ikot ng mundo ko, para akong kinapos ng hininga. Tinitigan niya ako ng ilang sandali pero blangko ang expression ng mukha niya.
Ano yo'n? Bakit gano'n ? Hindi man lang siya nagulat? Wala man lang siyang naramdaman nang makita niya ang asawa niya?
Huminto ang isang taxi sa tapat niya. Walang anu-ano ay binuksan niya ito at 'di na ako tinapunan pa ng tingin.
Napakumpas na lamang ang kamay ko sa hangin. Matapos akong maghintay, gano'n lang pala ang mangyayari. Napapadyak akong umikot pero pagtalikod ko bumungad sa'kin ang nakatayong si miss sungit. Halos dalawang metro ang layo niya mula sa kinatatayuan ko pero hindi nakaligtas sa'kin ang nakaarko niyang kilay habang nakatingin sa'kin.
Mukhang nakita niya ang nangyari. Lalo tuloy nasira ang araw ko dahil sa ideyang iyon.
Sumimangot ako at saka humakbang upang lampasan siya. Ngunit naramdaman ko ang pagsunod ng titig niya. Lalo tuloy akong nainis kaya naman hindi na ako nakapagpigil upang lingunin siya kahit nalampasan ko na siya.
"Will you stop staring at me!" Call me rude, pero talagang naubos na ang pasensiya ko.
"Mister! Huwag kang assuming! Hindi ikaw ang tinititigan ko! Yo'ng ale doon oh," saad niyang ngumuso pa sa bandang likuran ko.
Agad ko namang liningon iyon. Totoo ngang may babae doon. May hawak itong kulay bughaw na mga rosas.
"Nanggaling siya kanina roon," sunod niyang turan dahilan para bumalik ang atensiyon ko sa kanya. Awtomatiko ring sinundan ko ang tingin niya. Medyo malapit lang iyon sa kinatatayuan kanina ng asawa ko.
Nagsasabi ba siya ng totoo?
"Huwag assuming, ha? Kaya tayo nasasaktan dahil assume tayo ng assume!" sunod niyang turan bago naglakad palayo sa'kin.
Napatanga na lamang ako.
Mali nga bang umasa na pwede pa kami ni Alora? Masasaktan lang ba ulit ako?
Napatingin ako sa likuran ng papalayong si Miss sungit.
Panahon na nga ba para mag-let go at ibaling na sa iba ang atensiyon ko?

Chapter 2
Alora's Point of View
"I'm home!" I declared as I reached the living room.
Agad ko namang nakuha ang atensiyon niya. She stood up , embraced me and gave me a kiss on my cheek.
"How was your day, my dear," she asked. Matamis rin ang ngiti niya.
"It was fine, Leina." Inilapag ko ang gamit ko sa center table bago maupo.
Leina or Leinarie is my bestfriend. We've been friends for more than ten years. Nakatira kami sa iisang condo unit. Ang unit na pareho naming pinagtulungang bayaran. Pero dahil mas malaki ang ambag niya, sa kanya ito nakapangalan.
Madalas kaming mapagkamalang magkapatid o kaya kambal. Para akong nakatingin sa sarili ko habang tinititigan siya. Magkamukhang-magkamukha kami pero hindi naman kami magkadugo. I am Alora Leigh Andrada and she is Leinarie Melendrez. Not relatives, just friends.
Sumandal ako sa sofa at napapikit. Kasabay ng pagpikit ay ang pagdaloy sa aking alaala nang nangyari seven years ago.
"What?! " Hindi ko naitago ang gulat ko sa kanyang tinuran.
"Yes, I want to undergo plastic surgery," she looks so helpless while saying that.
" But why do you want to have the same face as mine?"
I don't get her point. Maganda na siya pero bakit gusto niyang palitan ang mukha niya ng mukha ko.
"Because, I admire your beauty."
Hindi ko tuloy napigilan ang matawa.
"At nagagandahan din ako sayo, Leina. You don't need to undergo plastic surgery."
Maganda naman talaga siya. Artistahin nga ang mukha niya, iyon lamang at mukha siyang mataray dahil sa manipis na kilay at sa kurba na rin nito. Malagatas ang kanyang balat, bilugan ang kanyang mata, matangos ang ilong at may kakapalan ang kanyang labi.
Humawak ang dalawang kamay niya sa kamay ko. Kitang-kita ko ang pagsusumamo sa mukha niya dahilan para mawala ang ngiti ko.
"Parang awa mo na, pumayag ka na. Ito na lang kasi ang alam kong paraan para makatakas kay Franc."
Franc is her possessive boyfriend.
Hindi ko naiwasan ang mapabuntong-hininga.
"I don't want to marry him. Pero hindi ko naman siya matatakasan. I know I can only get rid of him if I will undergo plastic surgery. Hindi na niya ako makikilala and I'll be free."
Nakaramdam ako ng awa sa kanya. Mayaman, maganda at nakatapos ng pag-aaral si Leina. Walang maipipintas sa kanyang buhay. Ang tanging hindi kanais-nais lang siguro sa mundo niya ay ang pagkakaroon ng buhay na nakakasakal.
"Please Leigh, this is my only hope." Kitang-kita ko ang pagsusumamo sa mukha niya.
Muli na lamang akong npabuntong-hininga.
Hindi ako makakatanggi dahil na rin napakalaki ng utang na loob ko sa kanya. Three years ago, I was fourth year college that time. Titigil na dapat ako sa pag-aaral matapos mamatay ang parents ko dahil sa isang plane crash. Naiwan akong mag-isa. Alam kong may mga kamag-anak kami sa probinsya pero hindi ko naman sila gano'n kakilala dahil lumaki akong malayo sa kanila.
May pera naman sina Mama at Papa sa bangko pero halos sumapat lang para sa pagpapalibing sa kanila at pambayad sa mga naiwan nilang utang.
Thanks that I met Leina. Sa una naming pagkikita, nabangga ako ng kotseng sinasakyan niya. Dinala nila ako sa hospital. Pinaimbestigahan na pala niya ako bago ako madischarge sa hospital noon. When she found out my situation, she offered her house to me. She also asked me to do the household chores for her and in return, she will finance my study. Naging hulog ng langit ang pagdating niya sa buhay ko.
Napamulat ako at napatitig sa kisame. Parang kailan lang nangyari ang lahat ng iyon.
Pitong taon, pitong taon na pala kaming magkamukha. Pagkatapos ng plastic surgery niya, umalis siya at hindi na kami nagkita o nagkausap sa loob ng tatlong taon. Nang bumalik siya, parang pasan niya ang mundo. Ang malala, buntis siya. Hindi na ako nagtanong pa bilang respeto sa kanya. Three years old na ngayon ang bata. Na'san siya? Nasa poder ni Franc dahil siya ang ama nito.
Kung magbiro nga naman ang tadhana, 'di ba?
Nagpalit siya ng mukha para layuan si Franc pero after three years nabuntis siya at ito ang ama.
Anong nangyari? Hindi ko rin alam. Hindi ko rin naman kasi alam kung paano ako magtatanong.
Magkaibigan kami pero kailangan pa rin naman niya ng privacy.
"Lei," tawag niya sa 'kin dahilan para bumalik ako sa reyalidad. Awtomatiko ring napatingin ako sa kanya.
Madalas Lei o kaya Alora ang tawag niya sa'kin. But most people who knows me, calls me Alora. Siya lang talaga ang tumatawag sa'kin ng Lei.
" Dinner is ready. Kain na tayo," saad niya nang tumingin ako sa kanya.
Agad naman akong tumayo at sumunod sa kanya.
Habang kumakain kami, bigla kong naalala ang lalaking tumawag din sa'kin ng Lei. Si Leina lang naman ang tumatawag sa'kin ng gano'ng nickname.
Hindi ko naiwasang mapaisip. Who's that man?
Speaking of him, hindi ko makalimutan ang hitsura niya. Matangkad at moreno. Itim na itim ang buhok niya. Kapansin-pansin rin ang berdeng mata niya. Ewan ko kung natural iyon o kung contact lense lang. Nakakatulala ang mata niya kaya hindi ko na nagawa pang magsalita kanina. Tinalikuran ko na lang siya matapos may humintong taxi sa tabi ko.
Muli kong sinariwa sa isip ko ang ilang detalye ng hitsura niya.
Matangos ang ilong niya. Mamula-mula rin ang bibig niya at napansin ko ring may kakapalan ang pang-ibang parte ng labi niya.
Ang sarap niya sigurong halikan.
Agad kong ipinilig ang ulo ko.
Ang halay ng utak ko!
"Ang lalim naman ng iniisip mo. Want to share?" She sweetly smiles to me. Ngumiti rin ako pabalik.
"Do you remember any person who also calls me Lei?"
Baka kasi kilala ko talaga ang lalaking iyon pero' di ko lang siya matandaan.
"Why?" she asked kasabay ng pagkunot-noo niya. Naging seryoso na rin ang mukha ko.
"Meron kasing lalaki kanina," panimula ko.
"And then?" tanong niya kasabay ng pagpapatuloy niya sa pagkain.
"Una, narinig ko siyang may tinatawag na wife and then after that he calls me Lei." Agad na napatingin sa'kin si Leina dahil sa sinabi ko.
"Alam kong ako yo'ng tinatawag niya kasi nang lumingon ako sa kanya, nakatingin siya sa'kin. Hindi naman siguro ako assuming-----"
Naputol ang sasabihin ko nang mabitawan niya ang hawak niyang kutsara.
Shock was evident in her face. Lumunok siya bago magsalita.
" Can you describe him? "
Napakurap naman ako bago magsalita.
" Ahm gwapo siya. Parang may foreign blood kasi green ang kulay ng mata niya."
Awtomatiko siyang napatayo dahil sa tinuran ko.
"My God!" bulalas niya. Nanlalaki ang kanyang mata at bahagya ring nakaawang ang kanyang labi.
Kinabahan ako. At naguluhan din at the same time.
"W-why? S-sino ba siya?"
Pinagsalikop niya ang kanyang mga kamay. Kitang-kita kong nanginginig ang mga iyon.
"Natatakot ako, Lei. Hindi ko alam ang gagawin ko." Itinukod niya ang kanyang mga kamay sa mesa, tila ba nanghihina.
Malinaw na sa'kin ngayon, napagkamalan ako ng lalaking iyon. Akala niya ako si Leina.
"Sino ba kasi ang lalaking yo'n?"
Hindi siya umimik. Nakita ko ang pagyugyog ng balikat niya, senyales ng tahimik niyang pag-iyak habang nakayuko.
"Please, sabihin mo sa'kin."
Nakita kong pinunas niya ang kanyang pisngi bago tumingin sa'kin at magsalita.
"H-He is my ex-husband"
"W-what!" Napatayo ako.
Ex-husband? Is she kidding me? Ex-husband? Pa'no nangyari yo'n?
"Nang umalis ako, after the plastic surgery, nakilala ko siya. He is Zeke Xavier Fuentarez. I fell in love with him and after just a month of dating, we got married."
I gasped. Wala akong maapuhap na salita dahil sa shock.
" You know, I really want to get rid of Franc, so I married him. After all, he can give everything I want including a life of a queen."
"So, it's not love, Leina. You just used him," mahinahon kong saad. Kahit papaano na-absorb na ng utak ko ang revelation niya.
" Sabihin na nating gano'n. We're okay for a year. Hanggang sa maramdaman kong malungkot palang maging asawa niya. Yes, I can buy anything and everything I want but he's always out for business trip." Nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Tila ba habang nagkukwento siya ay nakikita niya sa kanyang isipin ang nangyari noon.
"At nakakalungkot iyon , naramdaman ko ang pagkukulang niya. So, I do clubbing every time he's out. And honestly, I flirt with different men. I cheated on him and he's aware of that. Alam niya lahat pero hinayaan niya ako." Tumulo ang luha niya pero agad din niya iyong pinunas.
"And then, Franc came into the picture. I enjoyed his company and he got me pregnant," sunod niyang saad kasabay ng pag-iwas ng tingin.
Hindi ako mapaniwala sa narinig ko. Napaka-complicated ng buhay niya. Hindi ko akalaing legally married siya tapos may anak siya sa ibang lalaki. Kahit gaano ko isipin, hindi maitatangging si Leina ang nagkamali. Kung nalulungkot siya, hindi sagot ang clubbing at pagbaling ng atensiyon sa ibang lalaki.
"Ba't ngayon mo lang sinabi sa'kin 'yan, Leina?" mahinang saad ko.
"Because I thought, it was done. Akala ko pwede nang ibaon sa limot ang lahat."
Ibaon sa limot? Nagbibiro ba siya? Kasal sila kaya paano niya iyon naisip? I can't believed it!
"So what's your plan now?" Pinilit kong kalmahin ang sarili ko. Naiinis ako sa klase ng pag-iisip ng kaibigan ko pero labas naman ako sa issue na ito. Hindi naman yata tama kung maghihisterikal ako.
"I need to fix the mess I made. I need to file a divorce as soon as possible."
Marahan akong napatango.
" Do it, if that's what you think is right," saad kong bumalik na sa pakakaupo.
Dapat lang na ayusin na niya dahil lumalaki na ang anak niya.
"But I need your help." Agad akong napatingin ako sa kanya.
Bakit kailangan niya ng tulong ko?
"Kailangang ikaw ang magfile ng divorce."
Napaawang ang labi ko
"B-bakit?"
"Because the person he married is----" Napapikit siya bago nagsalita. "---is A-Alora Leigh Andrada"
Para akong nawalan ng lakas. Pakiramdam ko nanginginig ang tuhod ko. Pakiramdam ko matutumba ako kahit nakaupo naman ako.
Mabilis siyang lumapit sa'kin at agad na lumuhod sa tabi ko. Humawak ang dalawang kamay niya sa hita ko.
"I'm sorry. I'm really sorry. That time, hindi ko pa naayos ang identity ko. No one will believe that I am Leinarie Melendrez. All the documents present at that time telling that I am you. I really want to marry Zeke that time and I have no choice but to use your identity."
Tumulo ang luha ko. Gusto ko siyang saktan pero parang nilunod na ako ng panghihina ng kalamnan.
"B-bakit mo nagawa sa'kin 'to?" Iyan lang tanging lumabas sa bibig ko.
"I'm sorry. Sorry." Lumakas ang hikbi niya.
Akmang bubukas na ang bibig ko para magsalita nang biglang may mag-door bell.
Pinunas ko ang luha ko. Sino ba kasi ang nasa labas? Napaka-wrong timing naman ng dating niya. Napakarami ko pang gustong sabihin kay Leina.
"Fix yourself. Mukhang may bisita ka," saad ko. Siguro isantabi na muna namin 'to, mukhang may bisitang dumating.
Tumango siya bilang tugon bago siya tumayo at inayos ang kanyang sarili.
Muling tumunog ang doorbell.
"Titingnan ko kung sino yo'n." Nagboluntaryo na lang ako.
Para naman kasing hindi pa siya handang humarap sa kahit sino. Dapat ako yo'ng pinaka-apektado pero bakit sa hitsura niya parang siya ang pinagsakluban ng lupa. Patuloy sa pagtulo ang luha niya kaya naman kumalat na ang eye liner niya. Kung bakit ba naman kasi, nasa loob na nga siya ng bahay kailangan pa niyang mag-make up!
Nang buksan ko ang pinto. Isang lalaki ang bumungad sa'kin. Makapal ang kanyang kilay, singkit ang kanyang mga mata. Hazel brown ang kulay ng kanyang bilumata na animo'y tumerno sa kayumanggi niyang balat. Matangos ang kanyang ilong at manipis ang mamasa-masa niyang labi. He look decent in his white polo paired with slacks.
"Good evening, ma'am. I am looking for Alora Leigh Andrada-Fuentares," he said fluently. Matikas ang katawan niya at maayos ang kanyang tindig.
"A-ako yo'n. What can I do for you?" Hindi ko naiwasang mapakunot-noo at mapatitig sa kanya.
Sino ba kasi 'to?
"Ma'am, your husband told me to fetch you."
Napaawang ang labi ko.
Husband? Kaagad akong nakaramdam ng pagkataranta at pagkabalisa. I tried to compose myself.
"Wait a minute here," turan ko bago dali-daling isinara ang pinto.
Napasandal ako sa pintuan pagkasara ko nito. Bumungad din sa'kin ang nakatayong si Leina.
"H-hinahanap ka nila." Para akong lalamunin ng matinding kaba.
"No, i-ikaw ang hinahanap nila, Lei." Kita ko rin ang pagkataranta sa mukha niya. Lalo tuloy akong kinabahan. Pakiramdam ko nanuyo ang lalamunan ko.
"But they are referring to you. Dahil ikaw naman talaga ang ex-wife niya." Pakiramdam ko pinagpawisan ako ng malapot. Jusko! Ba't ba ako napunta sa ganito kakomplikadong sitwasyon?
"Legally, ikaw ang asawa. Dahil pangalan mo ang ginamit ko noon."
Napalunok ako.
Anong gagawin ko?
Humakbang siya palapit sa'kin at masuyong hinawakan ang mga kamay ko.
" Please, help me fix my mess. You know right now, I'm trying to get my son from Franc. And I can't do that if I have to deal with Zeke."
"P-Pero, Leina." Parang hindi ko yata kaya ang pinapagawa niya.
"Please Lei. Nakikiusap ko. Please, mag-uusap lang naman kayo. And just go with the flow. Give what he wants so that we can easily file the divorce."
I sighed. Pakiramdam ko maluluha ako pero pilit kong pinigilan. Ang mahirap kapag nakabaon ka sa utang na loob, hindi ka makakatanggi. Plus paano ba naman ako makakatanggi sa kanya, eh parang pamilya ko na siya. At sa hitsura niya ngayon, kaagad natibag ang namuong galit ko sa kanya. Nangibabaw na ang awa.
Tumingin ako sa kanya. Muli akong bumuntong-hininga bago ko buksan ang pintuan at harapin ang lalaking sumusundo sa'kin.

Chapter 3
Alora's Point of View
It's already nine in the evening when we reach our destination.
Hindi ko maiwasang mamangha. It was a three story modern house. Sa pinakataas na parte ng bahay ay mapapansin ang bahaging walang bubong at may mga palamuting halaman roon. Malamlam ang liwanag sa parteng iyon kaya naman parang ang sarap tumambay roon kapag gabi. Sa second floor ay kapansin-pansin ang ilang bahagi nito na gawa sa salamin.
"Nasa loob po si sir, ma'am," saad ng sumundo sa'kin dahilan para mapatingin ako sa malaking pintuan na ilang hakbang lang ang layo sa'min.
Bigla tuloy akong nakaramdam ng kaba. Parang biglang nag-sink in sa'kin ang dahilan kung bakit ako nandito.
Iginala ko ang paningin ko. May mga palm trees at mga halaman sa labas. Maliwanag ang paligid dahil sa mga post lamp.
Hindi naman siguro ako mapapahamak dito. At tsaka, hindi naman mukhang nakakatakot ang paligid. In fact, parang nakaka-relax pa nga.
Hay naku! Bahala na nga. Wala naman sigurong gagawing masama sa akin ang asawa ni Leinarie.
Humakbang ako papalapit sa pintuan.
Sinalubong ako ng dalawang babaeng nakasuot ng housemaid uniform.
"Good evening ,Ma'am" bati nila sa akin na yumuko pa bilang tanda ng paggalang.
I'm still wearing my office uniform. Hindi ko na nagawang magbihis dahil biglaan naman ang lahat. At saka, sandali lang naman siguro ako dito.
"Sumunod po kayo sa'min ma'am. Hinihintay po kayo ni sir," nakangiting saad ng isa sa kanila.
Inilabas ko ang lahat ng tapang at lakas ko. I need to be strong and face this.
Pagpasok namin sa malawak na living room, bumungad sa'kin ang lalaking tumawag sa'kin kanina ng Lei.
Siya siguro si Zeke. What's his name again?
Ahh-- Zeke Xavier Fuentares.
"Care to give me a hug, wife?" he said in a cold voice. He even spread his arms telling me he's open for a hug.
I can't see any emotion from his face. Hindi ko tuloy alam kung matatakot ba ako sa kanya kasi mukha naman siyang mabait. But knowing the fact that I'm on his territory, I can't stop my knees from trembling.
Naku Alora! Ano ba 'tong napasok mo?
" I-I am not your wife." Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para masabi iyon.
Aminin ko na kaya ang totoo. Pero paano? Kapag umamin ako, anong sunod na mangyayari?
"Well, you are my run-away wife who is legally married to me," he said while directly looking at me.
"Okay, what do you want from me?" I asked. Bakit kailangan niya akong ipasundo sa ganitong oras. Gusto ko ring palakpakan ang sarili ko dahil hindi ako nautal. At sa tono ko, pakiramdam ko sinapian ako ni Leina.
" I just wanna talk to you." Parang nakita kong lumambot ang expression ng mukha niya.
"A-about what?"
"Let's talk about it while having a dinner."
"I already had my dinner," maagap kong saad. Totoo namang nag-dinner na ako, hindi ko nga lang natapos ang pagkain ko dahil sa revelation ni Leina.
"Just this time, join me for dinner," turan niya at saka naglakad na. Napabuntong-hininga na lang ako bago ko siya sundan. Mukha namang hindi siya papayag na tanggihan ko siya.
Humantong kami sa pool area. Agad nahagip ng mata ko ang nakahandang pandalawahang mesa. May mga pagkaing nakahain na rin.
Napatingin ako sa kanya nang ipaghila niya ako ng upuan. Alanganin naman akong lumapit at umupo. Hinintay niya akong makapwesto bago siya umupo sa katapat kong upuan.
Nanatili akong walang imik nang magsimula siyang magsandok ng pagkain.
Sunod niyang nilagyan ng pagkain ang plato sa harap ko.
Hindi ko naman naiwasan ang mapataas ang kilay.
Gentleman, huh? At mukhang maasikaso pa.
Nanatili lang akong nakatingin sa kanya.
"Let's eat," walang kangiti-ngiting saad niya.
Awtomatiko naman akong napatingin sa pagkain. Kakainin ko ba yan? Ayoko nga! Baka may lason pa 'yan. Baka sa sobrang galit niya kay Leina ay plano na pala niya itong lasunin.
Nag-iwas ako ng tingin nang magsimula siyang kumain.
"May gusto ka bang kainin? I'll tell the maid to serve what you want."
"Hindi ako gutom," Mabilis na sagot ko pero ang totoo hindi lang ako komportable sa presensiya siya.
"Hindi ka gutom? Or you are just concern with your diet?"
Aalma sana ako kaso nagsalita ulit siya.
"You know what, even you get fat, you're still beautiful."
Weww. Bolero pala ang isang 'to. I wonder kung bakit nagsawa sa kanya si Leina. Mukha naman siyang okay, mayaman at g-gwapo. Ah, Hindi! Napakagwapo niya.
Nakasimangot kong kinuha ang kutsara at tinidor, tsaka nagsimulang kumain. Dapat nga siguro kumain na ako para makauwi na ako after nito.
We are at the middle of our dinner when he cleared his throat and talk.
"It's been four years of searching. At last! I found you."
Hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya. Seryoso ba siya?
Lihim na lamang akong napailing.
Martyr din yata ang lalaking 'to.
"After all the things that your wife did to you. You still have the guts to search for her?"
Hindi ko lang naiwasang magtanong. Grabe naman kasi. Hindi ako makapaniwala. This kind of man is chasing my friend? Whoa! Parang gusto ko tuloy isipin na ang swerte ni Leina.
"Because you are my wife. We are legally married. Anything that you will do will affect my reputation."
Napangiwi na lamang ako.
Ahh.. Assuming lang pala ako. Reputasyon pala ang dahilan, akala ko pa naman mahal na mahal niya ang kaibigan ko.
"I really wanna talk to you, so that we can fix what we need to fix. And maybe, we can discuss about it after dinner."
"Sabi mo kanina while having dinner tapos ngayon after na. Pinapatagal mo lang yata ang usapan eh." Maagap kong turan.
Tss.. Akala ba niya 'di ko naaalala ang sinabi niya kanina.
"Bakit? Hindi ba pwede?"
Bago pa ako makaimik ay muli siyang nagsalita.
"Bakit Lei? Naiilang ka ba? O baka naman may itinatago ka?" turan niyang hindi bumitaw ng tingin sa'kin.
"Hindi ako naiilang sa'yo nohh!" Mabilis kong sagot. Pero sa totoo lang parang kakainin ako ng kabog ng dibdib ko dahil sa huling tanong niya.
Obvious bang may itinatago ako?