Browse stories

The Revenge of a brokenheart

Language: fil

Iniwan at niloko si Eunice ng kaisa-isang lalake na inibig niya. Ipinagpalit s'ya nito sa magandang buhay, sa pera at sa pangakong itataas ang posisyon nito sa kompanyang pinapasukan. Sa muling pagkikita nila ng lalaking inibig, magbalik kaya ang dating tamis ng pagmamahalan nila o mabuhay ang pait na dahilan sa lahat ng pagbabago n'ya? Tuluyan ba siyang mahulog ang loob sa lalaking tumulong sa kan'ya lumimot na nakatakda niyang pakasalan,subalit kung kailan na handa na siyang magmahal ulit saka n'ya malalaman ang sikreto nitong magiging dahilan ng paghihiganti niya.

Available chapters

  1. Chapter 1
  2. Chapter 2
  3. Chapter 3

Chapter 1

Tiim ang pagkakatitig ni Eunice sa kaharap. Tila ngayon lamang n'ya ito nakita at kakaiba ang pakiramdam n'ya rito.


It's been a while mula nang huli silang lumabas at wala naman okasyon kaya napapaisip s'ya at nag-aya itong lumabas at sa espesyal na lugar pa s'ya dinala nito. Sa Shangrila hotel.


"Ehem," tumikhim ito pagkaraan nang ilang saglit na nakatitig pa rin s'ya sa katipan.


Doon lamang s'ya natauhan at kumurap.


"Will he propose now? " usal n'ya subalit agad din nitong binasag ang pantasya niya.



"Look. I know that we've been together for almost 5 years now but,"  putol nito na lalo lamang niyang ikinabitin.



"But?" untag n'ya rito at hindi na niya nagugustuhan ang itinatakbo ng usapan sa katipan at ayaw niya ng pasikot-sikot pa.


Tumigas ang ekspresyon nito na nag kumpirma lamang sa nasa isip niya.


"I don't think I'm good enough for you," pagtatapos nito.


Hindi niya malaman kung magagalit o iiyak s'ya at magmamakaawa sa taong iniibig. Nanghihina ang katawan n'ya subalit kailangan niyang sabihin ang nasa isipan sa mga oras na 'yon.


"No please not this time hon," tila batang pagmamakaawa niya. Kunot ang noo nito.


"Eunice please try to understand, kailangan ko ma-upgrade ang lifestyle ko at kailangan ko pa matupad ang pangarap ng parents ko and I don't think that I can make it with you in my life," diretsyo ang pagsasalita nito na tila isang simpleng "i just go to the barber shop" ang ipinagpapaalam nito sa kan'ya.


"So hadlang pa pala ako sa mga pangarap mo!" pagak na tumawa si Eunice.


Ayaw niyang manumbat pero sino ba ang kasama nito noon sa mga panahon na kailangan nito nang masasandalan?


Noong mga oras na naghahanap pa ito ng mapapasukan at dahil nga wala naman itong ibang experience sa trabaho ay nirekumenda niya ito sa mga kakilala niyang business tycoon.


Yes she made him!
And how dare him to say that to her!
Subalit ang lahat ng galit at sumbat ay nasa isip lamang n'ya.


Hindi niya alam na kinain na pala ito ng mga pangarap at pati siya ay kaya na pala nitong talikuran.


"Prince, ever since hindi naman kita pinigilan sa mga pagtulong mo sa pamilya mo, you know that..I was even the one to remind you 'pag oras na para padalahan mo sila ng sahod mo and-" 'di na niya natapos ang sasabihin dahil galit itong tumayo dahilan para mag tinginan ang mga nasa kabilang mesa.


Nakaramdam siya ng hiya at tumungo s'ya sa kaniyang mga palad. Nilalaro n'ya ang key chain at hindi ito iniintindi man lang.
Ayaw niyang pakinggan ang paliwanag nito.
Alam niyang nabibigla lamang ito.



"I need to do this. Hindi na ako masaya na palagi na lang naka asa sa'yo. Ako ang lalake at kailangan ako ang gagawa ng desisyon specially 'pag dating sa pamilya ko and I know you're only up to my best intentions, but hindi ko na kayang ibigay sa'yo ang pangarap mong makapag pamilya at mag bukod tayo. I'd rather leave you now or you'll be miserable all of your life. I'm leaving tomorrow morning , I'm sorry Eunice and I'm forever thankful that you'd been a part of my life I'm sorry," 'yun lang at tuloy-tuloy itong walang lingon-likod na iniwan siya sa kawalan.



Mahigpit ang ginawa niyang pag kapit sa gilid ng upuan niya.Tila nawala ang anumang lakas na mayroon siya kanina lang bago siya nagpunta rito.


Unti-unti na itong lumalayo sa kan'ya at wala siyang magawa sa mga oras na iyon.
Tila naubos ang lahat ng lakas na mayroon s'ya at tanging ang mga huling sinabi lang nito ang paulit-ulit na ume-echo sa tainga n'ya.


Sa ganoon paraan lamang siya nito iiwan! So ashamed! Mahal na mahal niya si Prince at i-ni-spoiled niya ito at ang pamilya nito.
Yes! She almost became an D.O.W o dirty old Woman.


She's 35 years old, part-time singer sa mga events. Flight attendant talaga s'ya ngunit sa kagustuhang makalayo sa pamilya na balak siyang ipa-arrange marriage ay nagdesisyon siyang sumama rito at talikuran ang kaniyang trabaho.


Singer siya ngayon at doon niya nakilala si Prince minsan nag-book siya bilang singer sa kasalan and since then 'di na sila naghiwalay pa and the rest is history sa pag-iibigan nila.


Wala siyang maisip na ginawang mali bakit sila humantong sa ganito.

Nagsama sila sa iisang bubong for 5 years at smooth ang relasyon nila at kasal na lang ang kulang.


Tumayo na rin s'ya dahil sa kahihiyan.
Halos lahat ng tao ay sa kan'ya nakatingin subalit hindi na niya alintana ang ano mang kahihiyan na inabot n'ya.


Ang sakit na labis na nararamdaman sa mga oras na iyon ang bukod tanging alam n'ya.


Lumayo at naglakad s'ya na parang walang nangyari at iyon lang ang huling naalala niya bago balutin nang dilim ang malay niya..




Iiling- iling si Wesley habang pinagmamasdan ang Babae, actually kanina pa nga siya nakamasid sa lamesa nito kasama ang lalaki na sa palagay niya ay nobyo nito.



Forty five minutes na mula nang mawalan ito ng malay at sakto naman naroon siya kaya nasalo niya ito nang mawalan ito ng malay.


Nag flashback sa kan'ya ang inabutan na tagpo kanina at 'di niya napigilan ang pag- iling.


Hindi n'ya maintindihan ang dahilan at bigla ang sibol sa kakaibang damdamin niya para rito. Kung awa o ano ay hindi niya maintindihan.



"Sir, Mr.Lian sets an appointment with you this morning," putol ni Jules ang driver/ assistant niya.



Doon lamang bumalik sa tagpong 'yon ang isip niya kaya naman bigla siyang tumingin dito.



"You'll stay with her until she wakes up, call me if anything You need," Inabot niya rito ang susi ng kotse at nauna na siyang umalis at iniwan ito sa St. Mary's clinic kasama ang wala pa rin na malay na babae.



Masakit ang ulo nang magising si Eunice. Nakahiga siya sa maliit na kama at sa paligid naman ay may mga kabinet na baby blue ang theme.


Sa katabi naman niya ay may maliit na table na may picture frame.


Doon bumukas ang pinto nang madako ang paningin niya rito.


Isang matangkad, at nakasalamin ng makapal na nagpamukha ritong nerd ang bumungad.


Sa palagay niya ay bata pa ito ngunit dumagdag sa edad nito ang suot-suot na salamin.


Naka business suit ito kaya lalo lang ang pagtataka niya dahil nasa clinic siya.


"Nagising ka rin Miss, hinimatay ka kaninang umaga at dinala ka rito ng boss ko, okay ka na ba?"tanong nito sa kan'ya.



Pabigla siyang bumangon sa gulat nang makita ito.


'Di niya ito kilala at nahalata naman nito ang pagka balisa niya kaya nagpakilala ito.



"Ako si Enrico, dinala ka namin dito ni boss kasi hinimatay ka kanina," pagpapaliwanag nito.


Tumango- tango lamang siya rito ngunit nanatiling tikom ang bibig at sa wakas ay naapuhap niya ang kanyang tinig, mula sa malalim na pag-iisip kung paano siya nawalan ng malay at naalala niya ang kanina lang pag-iwan sa kanya ni Prince ay naikuyom niya ang kanyang palad.


Tila nahalata nito ang ginawa niya at lumingon sa bintana.


"Kung okay ka na ay pwede ka na umuwi," anito at humalukipkip.


Nanginginig ang mga tuhod at walang balak na umalis, dahil sa totoo lang ay alam niyang nasa bahay na ito ngayon.
Ipinikit n'ya saglit ang mga mata at nagdasal siya sa mga oras na iyon na sana ay hindi s'ya humagulgol sa mga oras na iyon.


Mag-isa na s'ya ngayon. Ano na lang ang gagawin n'ya sa buhay n'ya?
Paano na ang mga pangarap nila?
Ikinuyom n'ya ang mga palad saka tumingin sa labas ng bintana.
Susubukan n'ya itong pigilan baka maawa ito sa kan'ya.



Nagulat ang lalaking nagpakilalang Enrico nang bigla siyang bumangon at walang sabi-sabi at tila wala sa sarili lumakad sya palayo sa lugar na iyon.

Chapter 2

Tahimik na nakaupo sa driver's seat si Prince at bakas sa mukha nito ang sobrang lungkot.Hawak n'ya ang maliit na kahon na naglalaman ng sing-sing na ibibigay sana n'ya to propose,ngunit sa kung anong kadahilanan ay nauwi pa ito sa pakikipaghiwalay niya rito.

Napukaw ang atensyon n'ya nang tumunog ang cellphone n'ya .Isang unregistered number ang tumatawag ngunit alam niya na at natitiyak na ny'a kung sino ito.

"Hello,"

"Ginawa mo na ba ang pinag-usapan na'tin?" mariin na tanong nito.Si Don Echivarri. Ang may-ari ng Diversions kung saan s'ya namamasukan.

Bumuntung hininga muna s'ya bago ito sinagot.

"Wala na kayong dapat ipag-alala.Iniwan ko na s'ya. Sana lang ay itago na lang natin itong lihim sa kan'ya," aniya sa mahabang tinig.

Narinig n'ya ang pagtikhim nito bago nagpaalam sa kan'ya.

"Makakaasa ka,"iyon lang at pinatay na nito ang tawag.

Wala na itong atrasan. Isang huling sulyap pa ang iginawad n'ya sa lugar kung saan n'ya iniwan ang kasintahan at umalis na s'ya sa lugar na iyon.


Huminto si Eunice nang makita ang kotse ni Prince na nakahinto sa gilid ng building na kinaroroonan n'ya.
Nagdalawang isip s'ya kung lalapitan ito o hindi.Sa bandang huli ay nanaig ang nasaktan niyang damdamin at hinayaan lang ny'a ito hanggang makaalis ito bago s'ya nagpatuloy sa paglalakad.

Malamang ay kukunin na nito ang mga gamit at naghahanda na para sa pag-alis nito kinabukasan papunta sa Canada, para  madestino ng 2 taon dahil sa tinanggap na nito ang alok ng amo nitong ito ang mamahala roon ng Advertising Company na Diversion.

Noong una ay ipinagkibit-balikat lamang niya ito nang minsang kinausap siya ng katipan sa paglipad doon.
Ayos nga iyon dahil big break sa career nito iyon. Pero ang hindi niya alam, kung kailan umaasenso ito at tila unti- unti na nitong naaabot ang mga pangarap ay saka naman siya nito bibitawan at iiwan sa ere.


Batid niyang desidido na ito sa desisyon nito at wala na siya sa posisyon upang hadlangan o pigilan pa ito.
Simula ngayon ay mag-isa siyang haharap sa mga hamon at pagsubok sa buhay niya.


Naisip niya ring umalis sa ino-okupa nilang bahay dahil bahagi iyon sa paglimot niya at ang mga gamit na naroon ay wala na siyang balak na kunin pa.
Bawat bagay na magpapaalala sa kan'ya rito ay iiwan na niya kasama nang pag alis nito.


'Di niya namalayan na nakatayo pa rin pala ang lalakeng nagpakilalang Enrico sa may likuran at tila hinihintay siya.
'Di nakaligtas sa paningin nito ang pag lamlam ng mga mata niya at pagtulo ng luha niya kaya kagya't niya itong pinahid mula sa likod ng mga palad n'ya.



Sa mansyon ng mga Echivarri ay nagtipon- tipon sina Mr.Benzon kasama ang may edad nitong may bahay pati na rin ang matanda na ngunit bakas pa rin ang awtoridad sa tindig nito na si Mr.Arnorld Echivarri.

Sa ayos ng mga ito ay tila simpleng pag-uusap lang at pag inom ng tea ang nagaganap.


"Mr. Echivarri, bigyan mo muna kami nang kaunting panahon. Ang aking anak dahil alam kong hindi madali sa kanya ang lahat, Siguro mga ilang buwan pa bago natin sila pagtagpuin muna," Pakiusap ni Mrs.Benzon. Bakas ang matinding pag-aalala nito sa tinutukoy na anak.

Sa tabi naman nito ang asawa nito na umayos sa pagkakaupo at pasimpleng sinalikop ang palad ng may bahay.


"Ester, mahaba-haba na rin ang panahon na binigay natin kay Eunice. Alam kong alam niya na dapat siyang sumunod sa kasunduan and this is the perfect time para rito dahil alam kong hindi na siya makakatanggi," anito sa asawa, bagamat halatang nag-alinlangan pa rin ito ay hindi na ito sumalungat pa.


Doon tumayo si Mr.Echivari hudyat na tapos na ang kasunduan ng mga ito.
Inilahad nito ang kamay at magalang na inabot naman ito ni Mr. Benzon.


"Aasahan ko sa lalong madaling panahon ang paghaharap ng mga bata at sana ay makausap n'yo na si Eunice,"  ulit pa nito. Tango lang ang tinugon ng mag-asawa at lumakad na rin sila palabas ng mansyon .


Matagal naghintay sa kotse si Prince subalit hindi niya magawang paandarin ito. Labis ang pag-aalala niya para sa babaeng minamahal subalit kailangan niyang gawin iyon dahil ito ang nararapat.


Nasa sasakyan na lahat ng mga damit niya at hindi niya maialis ang paningin sa pintuan ng bahay nila.
Ito ang lovenest nila for five years na ups and down ang relasyon nila.
Give and take ang relasyon nila at kailanman hindi naging hadlang ang malaking agwat ng pamumuhay nila sa pagsasama nila.


Siya ay simpleng empleyado lang samantalang ito naman ay anak ng pangalawa sa pinaka malaking pangalan ng mga businessman sa lugar nila.

Kaya naman marami itong back-up pero hindi niya kailanman hiniling dito na magamit niya 'yon.
Sa sarili niyang pamamaraan n'ya gustong makaahon sa buhay.

Sumama ito sa kanya at tinalikuran ang nakatakda na sana nitong pagpapa-kasal sa anak ng matalik na kaibigan at business partner ng ama nito.

Kung sino ay hindi na niya tinanong matapos tanggapin ang alok na pera ng ama ng dalaga para tuluyan niya na itong iwan.

Oo ibinenta niya ito.Subalit di niya ito nais na gawin kung hindi lang nga kinailangan ng ama niya ng pera para sa operasyon dahil sa open-heart surgery nito.

Sinagot ng mga magulang ni eunice hangang sa makalabas ng ospital ang ama niya at ang lahat ay hindi nito alam. Sapagkat kung malaman nito iyon sigurado lang siyang mas lalo itong magagalit sa pamilya nito.

Isang huling sulyap pa at pinaandar niya na ang sasakyan. Alam niya at sigurado siyang hindi na s'ya  babalik pa roon kahit na Kailan."Paalam mahal ko," bulong n'ya bago pikit-matang lumayo sa lugar na iyon.

Chapter 3

Sunod-sunod na katok ang ginawa ni Eunice sa pagbabaka sakaling may magbubukas ng pinto.
Nasa labas siya nang bahay ng matalik na kaibigan at dating katrabaho niya sa Airlines na dati n'yang pinapasukan pero 'di rin nagtagal at nag- resign s'ya para makaiwas na mahanap s'ya ng mga magulang niya.



Saktong kakatok pa sana siya nang mas malakas ngunit bigla naman itong bumukas. Sumilay ang ngiti sa mga labi nito nang makita s'ya at niluwagan ang pagkakabukas ng pinto.




"Bessie I miss you! Kamusta ka na? Bakit ngayon ka lang nagpakita? " sunod-sunod na tanong nito ngunit bigla ring nagbago ang anyo nang tila nahalata nito ang mugto niyang mga mata.




"Hey, what happened where is Prince?babalik ka na 'ba sa family mo?" tanong ulit nito.
'Di lingid sa kaalaman nito ang issue sa personal na buhay niya at wala siyang itinatago rito.



"Pasok muna tayo please," aniya dahil masyadong mahaba ang araw niya at talagang pagod na pagod na s'ya.
Napapalatak pa ito nang mapansin din nito na medyo madilim na nga pala.



"Ok bessie," anito at hinintay siya nito na matapos s'yang magkuwento rito.



"Sure ka ba iyon lang talaga ang dahilan niya?" Tango lang ang isinagot niya.
Ngayon na wala na s'yang trabaho dahil ginive-up n'ya na nga ang pagiging attendant sa Airlines at on-call lang ang trabaho niya as a wedding singer kaya kino-consider n'ya na rin ang bumalik sa pamilya n'ya at ayusin ang tinakasang problema.



Kunot ang noo'ng tinitigan ni Wesley ang assistant niya habang papasok ito sa kanyang opisina. Akma na itong uupó ngunit sinipat niya ito



"How's the poor lady? Nakauwi na ba s'ya at hinatid mo ba?" sipat n'ya rito.
Siya man ay nagtaka sa sarili sa pinakitang interes sa 'di-kilalang estranghera.




"Yes sir, umuwi na s'ya," tila di-siguradong tugon nito sa kanya.



"Oh, well in that case, at least 'di na natin s'ya kargo de-konsensya kung sakali man," He literally shrugged his shoulder.



"Well s'ya nga pala, cancell all my appointments this morning. Tumawag si Dad urgent daw," Inayos niya na ang table at i-ni-lock ang table.



Tumango lang ito at nagpatiuna na s'ya.
Lalaki ang assistant niya ever since na nagsimula siya sa kompanya nila.
Marami ang nagsasabi na unusual daw ito dahil halos lahat naman ng mga secretaries ay mga babae.



Subalit mas pinili niya ang lalaking secretary dahil na rin umiiwas s'ya sa issues.
Overtime kasi siya palagi at ayaw niyang may makasamang babae lalo na sa mga uneven working times niya.
Naisip naman niya ang ama niya kung bakit pinapasok pa siya nito at tatawagan din naman pagkatapos.
Wala naman itong binanggit kanina nang umalis siya ng bahay.




Napapailing siya habang iniisip ang Dad n'ya. Masyado itong dominating pagdating sa buhay n'ya.
kaya naman hindi rin halos naging exciting ang bachelor's life niya.
He's already Thirty four years old now pero NGSB pa rin s'ya as in no girlfriend since birth at iyon ang madalas asar sa kan'ya lalo na 'pag may mga family gatherings sila.




Mga girl friends marami siya at di-lingid sa kaalaman niya na ang iba ay may pagtatangi sa kanya subalit wala naman siyang natitipuhan sa mga ito.
Kaya mas pinipili niya na lang ang mag over work sa opisina.
Sinasabi na lamang niya palagi na may tinatapos siyang projects kahit wala naman talaga.




"Grabe naman dami 'yan niluluto mo bessie," aniya nang makita ang mga naka lapag na baboy , manok may isda pa at ang favorite n'ya, sugpo.

Nilingon lang s'ya nito at napangiti.


"Oh nandiyan ka na pala.Oo siyempre ngayon lang kaya tayo nagkita noh after Five years na nagtagó ka," tila himig pagtatampo pa nito.



"Ito naman.Tulungan na kaya kita d'yan ano 'ba 'yan?" Napalabi s'ya at sinilip ito.


"Ano 'yan? pang ulam o pulutan?"


"gaga ka talaga, Sisig 'yan paborito kasi ni Whiskey 'yan," Paliwanag pa nito nang makita nito ang pag kunot ng noo niya.



"Pusa ko 'yon lokong 'to sino iniisip mo?" Natawa na lamang siya sa kakulitan nito.
Alam naman niya na pinasasaya lang s'ya nito.



Grabe ang gutom niya dahil umaga pa lang ay hindi na siya kumain.


Subó lang ng subó si Eunice na tila hindi pa ito nakakain maghapon.



"Uy, hinay-hinay ka naman d'yan baka mabulunan ka," Tinapik pa nga siya ng kaibigan nang may pag-aalala.



"Oh heto ang tubig uminom ka muna,"
"Salamat," nang nakainom ay nakita niya ang paraan nang pagtingin nito sa kan'ya.



"You're stress eating girl. Sayang naman 'yan slim figure mo kung ganiyan lang gagawin mo," Napataas ang kilay niya sa tinuran nito.



"Abno ka talaga dami-dami mo iniluto tapos sasabihin mo naman masamang mag- stress eating.



"Ayos lang naman 'yon ngayon lang-" 'di niya na naituloy ang sasabihin dahil tila naman bumaliktad ang sikmura niya nang maamoy ang sukà na sawsawan nito ng sugpo.




Tumuloy s'ya sa lababo at doon dumuwal. May pagdududa sa mga mata ng kaibigan na nakatingin sa kanya sa likuran.




Sa wakas nakarating din si Wesley sa mansion.
Pinagbuksan siya ng gate ni aling Beth.
Ito ang kanilang katiwala at nagpalaki na rin halos sa kanya.




"Salamat nang," Binuksan niya ang bintana at magalang na tumango rito.



"Si Dad?" bungad tanong niya nang makababa ng kotse.



Kanina habang daan ay iniisip niya ano ang dahilan at tila nagmamadali ito kung anuman ang sasabihin nito na hindi puwedeng makapaghintay ay sigurado siyang isang bagay lang 'yon.
Pipilitin na naman siya nitong magpakasal sa babaeng hindi niya sa pangarap na makaharap man lang.





Marami naman din kasi ang puwede n'yang iharap dito bilang nobya niya.
Kung bakit doon pa sa anak ng best friend at old classmate nito s'ya ipinipilit.
Isa pa nabalitaan niyang may kinakasama naman na ito.



Matagal itong umalis at sumama sa nobyo. For sure hindi ang isang Wesley Echevarri ang magpapakasal dito.
He won't definitely not marry someone like her.



"No!" Sigaw n'ya habang dire-diretsyo ang lakad patungo sa library kung saan naghihintay ang Dad niya.
Kakatok pa lang siya nang magsalita ito mula sa loob.




"Come in," mariin ang salita nito na tila inaabangan talaga siya dahil sa nasilip niyang bukas ang bintana nito sa loob na nakaharap sa gate nila.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. Humarap ito sa kanya sa pagkakaupo sa swivel chair.





"Hijo please, I'm running out of time. Find her," nasa mga mata nito ang pagsusumamo at tila naluluha pa ito.
Sa Ganoon itsura nito ay hindi niya kaya sabihin ang pagsalungat niya.
Wala sa loob na tumango na lamang siya.
Alam niyang may sakit ito pero 'di naman ganoon kaseryoso kaya nagsusumigaw sa isip niya tuloy na tila dinaya siya nito.