Browse stories

His Wedding Plan

Language: fil

Judd Harrison is a well known billionaire, all the qualities that women dream of in a man are in him. He has a girlfriend who is famous in the industry, named Kassy Tolentino. Lahat ng kalalakihan ay hinahangad ito kaya grabe ang pag iingat ni Judd, at agad namang nagplano na pakasalan ang dalaga. Sa isang banda si Veronica ay laging pinagmamasdan sa malayo ang matalik na kaibigan, wala siyang magagawa sa desisyon ng kaibigan na pakasalan ang babae dahil nakikita naman niya na mahal na mahal ng lalaki ang kasintahan. Iniaagwat niya ang sarili nya kay Judd dahil alam nito na hindi na tama…

Available chapters

  1. Chapter 1
  2. Chapter 2
  3. Chapter 3

Chapter 1

If we love someone, kahit naman sino siguro ay kaya natin gawin lahat kahit alam natin na pwede tayo mapahamak and the way other people treat and look at us can be ruined.

Ganun naman sadya eh,diba? Mag ta'take risk tayo para sa taong mahal natin dahil sa kagustuhan na ipanalo ang pagmamahal na yun, pero darating din sa punto na mag fa'failed tayo.

Na kahit alam natin sa sarili natin na umpisa pa lang talo na, pero sinubukan pa rin natin.

Sabi pa nga ng iba atleast wala sa atin ang pagkukulang. At least sinubukan natin and if the time comes for someone to repent, it will not be us kundi yun yong tao na ni’reject tayo at hindi tinanggap .

Hindi ko din inaasahan na sa araw na yun ay mababago lahat pati na ang pakikitungo niya sa akin. Itinago ko sa loob ng ilang taon ang nararamdaman ko, iningatan para huwag lamang mabuko, para hindi masira ang pagkakaibigan namin and doing my part as her best friend yun pala ang magiging dahilan para tuluyan ng mabago ang pagkakaibigan namin.

Siguro hindi ako nagsisisi sa part na sinabi ko sa kanya ang totoo, I'm just doing my part as her best friend. Pero mali pa rin pala ako.

At sobra akong nagsisi dahil hindi man lang ako nag isip sa kung anong pwedeng mangyari o kahihinatnan ng lahat.

Kaya heto ang ending ko, isang alila. Alila sa loob ng pitong taon, pinandidirihan ng sariling kaibigan, ng sariling asawa na akala mo’y may napaka lubhang sakit.

I ended up being his secret wife.

Masama ba na mahalin ang isang matalik na kaibigan, at para sa isang Judd Harrison ay isang napakalaking oo.

"Where's my food." Napatalon ako ng biglang may magsalita sa likod ko at pabagsak na iniipod ang upuan.

"Wait, patapos na." Mahinang sagot ko at hindi na nag abala na lingunin 'to.

"Make it fast, sa susunod kasi gumising ka ng maaga. Sinasayang mo ang oras ko." Gusto ko pa sanang sagutin ito pero pinigil ko ang sarili ko bukod sa katanghaliang tapat ayoko na muna ng away, dahil halos araw-araw na lang ay nagtatalo kami. Pakiramdam ko konti na lang ay itatapon na niya ako sa kung saan malayo sa kanya upang hindi na niya ako makita.

Kasalanan rin naman niya kung bakit halos tanghali na ako ng magising.

Alam na alam ko ang likaw ng bituka ng kaibigan ko kung gaano niya kaayaw sa akin. Laging ilag sa akin, pero ang lakas parin makautos.

I laid the food in front of him before leaving the kitchen, ganun naman palagi. Kahit sa pagkain hindi kami nagsa sabay.

Will Judd love me too?

Ilang beses ko na ba na itanong sa sarili yon?

We are married sa loob ng pitong taon pero walang nangyari na maganda sa pagitan namin, he always bought a girls at halos araw-araw ay iba't-ibang babae yun, gustuhin ko mang mandiri pero iniisip ko na sana ako na lang yun, ako nalang ang ikinakama niya. Nakakababa man tingnan pero babae lang ako, nagmamahal sa taong alam ko na hindi naman kayang suklian ang pagmamahal ko.

At ito ang dahilan kung bakit tinanghali ako ng gising, halinghing na naman nila ng babae niya ang narinig ko buong magdamag.

Judd is my best friend since high school, doon nagsimula ang paghanga ko sa kanya dahil sa galing niya maglaro ng basketball at captain pa siya ng volleyball. Lagi kaming sabay na kumakain at pumapasok, hatid sundo pa madalas.

Nagbago lang ng magpakita ng motibo si Kassy at niligawan ni Judd, si Kassy ay sikat sa school at halos lahat ng kalalakihan ay hinahangaan ito dahil na din sa aking ganda.

Akala ko ang pag agwat ko sa kanya at tingnan lang siya sa malayo habang masaya sa piling ni Kassy ay ang ikakasaya ko ngunit mali parin ako. Walang araw na hindi ako nasaktan at umiyak that time pero anong magagawa ko, kaibigan lamang ako.

"Veronica!"

"Veron!" Napabalikwas ako sa pagkakaupo dahil sa malakas na sigaw mula sa ibaba at ng tingnan ko ang orasan ay alas otso na ng gabi, nakatulog pala ako.

For sure, umuusok na ang ilong noon.

Dali-dali akong bumaba ng hagdan at kamuntik pang matalisod.

Kahit inaasahan na ang maki kita ay nag babaka sakali pa din na mag isa itong uuwi pero mali nanaman ako dahil may kasama na naman itong babae. I smiled bitterly.

Sadyang ganito nalang yata ang role ko sa buhay mo Judd, bulong ng aking isip.

Pansin ko na may ibinulong si Judd sa babae at inirapan ako bago nilagpasan at nag tuloy sa guestroom. Room where many wonders happen every night.

"Kumain kana ba?" Nag aalinlangan kung tanong at sumimoy sa ilong ko ang nakakasulasok na matapang na amoy ng alak.

"Sign the annulment paper Veronica." Nagulat ako sa sinabi niya. This is the one I don’t want to hear from him, dahil masakit.

"What are you saying Judd?" Hindi makapaniwala na tanong ko dito.

Napaigtad ako ng bagya itong lumapit sa akin bago hinawakan ang pisngi ko ng kaliwang kamay nito at tapikin ng dalawang beses ang pisngi ko gamit naman ng kanang kamay nito..

"I want to use you before we annul our marriage Veronica." Mapait akong napangiti sa sinabi niya. Use?

Hindi ako umimik nanatili akong nakatitig sa mga mata niya, gusto kung makita niya o maramdaman man lang niya kung gaano kasakit ang bawat salita na binitawan niya, ang mga pananakit na nararamdaman ko sa mga kamay niya, pero parang nakikiusap ako sa isang halimaw na walang awa, na hindi maalam makiramdam,unwise pity on the feelings of others.

Bakit ko nga ba siya pinakasalan? Magkaibigan nga kami pero hindi ko pa sadya siya lubos na kilala.

Walang gabi na hindi ako umiyak and tonight was another nightmare that happened in my whole life. Hindi na ako makatulog sa bawat halinghing at ungol na naririnig ko. Isubsob ko man ang buong mukha sa kama ungol pa din nilang dalawa ang naririnig sa kabuuan ng bahay.

Ngayon lang niya binanggit ang tungkol sa annulment namin, why are you in a hurry Judd? Can't you love me? Am I not worthy of you?

Sobra na akong nahihirapan, sa araw-araw na lang laging ganito ang nangyayari, I'm getting tired.

Dahil hindi ako makatulog ng maayos 4am pa lamang ay nagluluto na ako ng agahan, ayokong makita muna si Judd kaya maaga na din akong nagluto para hindi maabala mamaya. Gusto kong bumawi ng tulog, wala din naman akong gagawin.

Naulit ko ba na para akong isang bilanggo sa bahay ni Judd Harrison? No job and not seeing other people. Walang contact sa kahit na sino at kahit magulang ko wala ding kaalam-alam kaya hindi ko alam kung anong ipapaliwanag ko sakaling mag kita kami. Pero paano nga ba kami magkikita kung hindi naman ako makalabas..

"It's already 4am Veronica, ang aga mo namang magluto." Hindi ko na kailangan na lingunin pa kung sino ang nagsalita na yun.

"Ikaw nga gising pa, ano babayo ulit?" Napatigil ako sa nasabi ko, bad mouth Veron! Kahit hindi ko ito tingnan alam ko na nakakunot ang perpektong mga noo nito dahil mahina lang ang pagkakasabi ko ng huli.

"What are you saying?" Medyo mataas na tono na tanong nito, nagsimula ng mag sitaasan ang balahibo ko sa katawan. Mag aaway na naman ba kami?

Napapikit ako ng mariin, agang-aga naman kasi.

"Wala akong sinasabi, Judd. Pwede na kayong kumain, matutulog na ulit ako." Walang gana kong sabi at ng nalagpasan ko ito ay hinanggit nito ang braso ko at iniharap sa kanya.

Halos mapangibit ako sa sakit ng pagkakahawak niya sa braso ko at natitiyak ko na mag iiwan ng marka doon.

Nangilid ang luha ko at nakita ko na lumambot ang ekspresyon nito na agad ding nawala o baka sadyang guni-guni ko lang yun dahil napaka imposible naman noon.

He's a heartless billionaire after all.

Dahan dahan na pinakawalan ni Judd ang braso ko at ini isang lingon ako bago umalis ng kusina. Nangangatal ang buong katawan ko bago naupo sa kalapit na upuan.

Hanggang kailan ko ba kakayanin ang pananakit niya? Is there any hope that will change?

Chapter 2

"Hi." A baritone voice interrupts while I'm busy talking with my classmates.

Nung una hindi ako humarap dito dahil baka hindi ako ang kinakausap niya. Ngunit isang kulbit ang naging dahilan upang humarap ako sa gawi ng nagsalita at isang magaan na ngiti ang sumalubong sa akin.

Gwapo, matangkad, maputi, may makapal na kilay at makapal na mahabang mga pilik mata, may mapupulang labi na natitiyak kong kinahuhumalingan ng kababaihan.

"Hello," I replied and I smiled at him.

"Can you be my friend?" He asked, at walang ibang ginawa ang aking mga kaklase kundi ang tuksuhin kami.

Napailing ako at napatawa kaya tumango nalang ako.

Hindi ako yung tipo ng babae na maarte, just go with the flow. Hindi porket panget iiwasan na, lahat pantay pantay sa paningin ko.

"Of course," I answered. "I'm Samantha but you can call me, Sam." Nakangiti kong dugtong.

"Judd." He said at ngumiti ulit ito ng sobrang gaan.

Nakakagaan ng problema.

----

Siya ang unang lumapit, siya ang unang nangulit.

Pero heto ako ngayon, ako yung pilit na ipinipilit ang bagay na hindi naman dapat.

Pero kasalanan ko ba bilang babae ang mahalin siya? Ang mahulog ang loob ko sa bawat kilos niya?



I'm standing near at veranda dito sa itaas ng kwarto namin, habang humihigop ng kape.

Huminga ako ng malalim nang may katamtamang lakas ng hangin ang sumimoy at tumama sa balat ko at niyakap ang sarili.

Ang sarap sa pakiramdam ng ganitong ka presko na hangin, pero kailan din kaya gagaan ang aking nararamdaman sa bahay na ito? Presko ang hangin, pero daig pa ang bilanggo.

I heard a voice at alam kung boses ito ni Judd, sumilip ako sa baba at ang marahan na paglalakad ni Judd ang nasubaybayan ko.

Tinititigan si Judd na abala sa pakikipag usap sa kung sino sa phone nito. Kunot ang noo at hindi maipinta ang buong mukha.

Mas naging matikas ang pangangatawan nito ngayon kaysa noon, kahit ang paglakad ibang-iba sa noon at tinangay ng pag-iiba nito ang pagbabago pag dating sa akin.

Napa buntong hininga ako.

Siguro may kung ano na naman ang nangyari sa kompanya kaya ganyan kasama ang kanyang mukha.

Napaisip ako.

Why did I love you when I was supposed to be just a friend?
Why did I consent to this marriage?
Why did I agree to be trapped in this house?

Hanggang kailan ako magtitiis upang makabayad ng kasalanan ko sayo Judd? Ganun ko ba talaga nasira ang kasal na plinano mo?

Nabigla ako ng humarap ito sa gawi ko at agad na tumalikod, natiyak kong naramdaman nito na may nakatingin sa kanya. Pakiramdam ko rin na aatakihin na ako sa puso dahil sa naghuhumirintado ito. Huminga ako ng malalim bago tuluyan ng pumasok sa loob.

Sumandal ako sa pader at hindi mapigilan ang pag landas ng luha mula sa aking mga mata.

Nahihirapan na ako Judd, sana hindi pa huli ang lahat. Sana hindi dumating sa punto na kung kelan mahal mo na ako ay tsaka pa ako susuko.

But is there any chance that you will love me as much as I love you?

—-----

I was busy preparing my breakfast ng makita ko si Judd na pababa ng hagdan. Buong akala ko ay maaga itong umalis at dahil may mga business proposal pa ito, so what is he still doing here?

At bakit alam ko ang tungkol sa business proposal nito? Narinig ko kasi kagabi na may kausap ito habang ako’y nakahiga at nakatalikod sa gawi niya.

Nagulat din ako dahil that time lang siya pumasok ng kwarto namin at hindi ko alam ang dahilan kung ano bang ginawa niya doon.

Siguro kumuha ng ilang damit? Pero malabo, dahil kahit may mga damit ito sa loob ng kwarto namin ay mas pipiliin niya ang bumili ng mga bagong damit.

“I thought you left already.” Bungad ko sa kanya ng pumasok ito sa kusina.

“But I am still here in front of you.” Halos mapa irap ako sa sagot nito, pilosopo!

Napaurong ako ng bahagya itong lumapit sa akin at pinantayan ang mukha ko, at heto na naman ang puso ko nagkakarerahan na naman sa loob ko.

“What do you put on your face?” Napa kunot ang noo ko sa tanong nito?

Anong ilalagay ko?

“Nothing?” Patanong kung sagot dahil wala naman talaga akong nilagay sa mukha ko at basta na lang nga akong gumising at bumaba dito ng hindi man lang nag hihilamos o nag mumog man lang.

“In the mouth?” Napakurap ako ng ilang beses. Ano bang sinasabi ng lalaki na ito?

“What are you say—” I could not continue what I was about to say when his lips touched mine.

Hindi ako naka galaw habang nanlalaki ang mata dahil sa ginawa nito. This is my first kiss, I’m already 25 years of age at ito ang unang pagkakataon na may humalik sa akin and I didn't think it was Judd, my friend slash my husband!

I could feel the electricity flowing through my whole body. Hindi madiin ang pagkaka halik nito it was soft kissed from him.

“Kasalo ba ako sa agahan na niluto mo?” BIglang sabi nito matapos lumayo at tumayo ng maayos, tumalikod naman ako pagkasabi niya non. What was that?

Mabuti nalang at marami rami ang niluto ko.

“Y-yes.” I uttered.

“Okay, let’s eat.” He said at tumango naman ako. Hindi ko alam kung ano ang ikikilos sa harap niya.

Gusto kung tanungin bakit niya yun ginawa kaso baka sabihin lang sakin nito na ‘It's just a kiss Veron’ baka mapahiya pa ako sa maging sagot nito.

Gusto kung isipin na may nagbago na, na gusto na din niya ako, na may pagtingin na rin siya sa akin. Kahit konti, tatanggapin ko.

Pero sa ganun na kadaling halik, magbabago ba agad ang trato nito? Mamahalin din ba niya agad ako?

But my mind is just saying that word, that what if’s because the truth is there is still no change.

Natapos na lang kami sa pagkain ng hindi nagpapansinan, at tanging tunog ng kubyertos lamang ang maririnig sa apat na sulok ng kusina.

Chapter 3

Masama ba ang maghangad ng alam naman natin na hindi mapapasa atin?

Kasi kung oo, sana noong una palang iniwasan ko na. Sana hindi ko nalang sinubukan pa na hanga’an siya.

I was looking at him. May ngiti sa mga labi na akala mo’y walang sino man ang may kaya pang tumbasan ayon.

Mapait ako napapangiti habang pinanood si Judd and the woman na akala mo’y linta kung makakapit sa asawa ko. They are kissing like there’s no tomorrow. Parang uhaw na uhaw na sanggol, sino ba naman ako para sirain ang kanilang kaligayahan?

I’m just his wife, kaso sa papel nga lang. Taong bahay lang at siguro kahit ang babae na kasama nito iisipin na katulong lamang ako.

Hindi ko maiwasan na hindi masaktan sa nakikita, should I say to him that I love him since high school?

Mapait akong ngumiti ng makita na nakatingin sa gawi ko si Judd, umiling lang ako at pumasok na ulit sa loob.

Isang bangunot na naman ang natapos ko kagabi. Bangungot na gusto kung iwasan pero hindi ko magawa. Kahit saang sulok ng bahay ako dalhin naririnig ko lahat na akala mo’y pag aari lang nilang dalawa ang mundo na ginagalawan ko.

Basta huwag lang magkakamali si Judd na dalhin sa sariling kwarto namin ang mga babae niya baka sakaling bitawan ko siya ng tuluyan.

Pero ang babaw pa rin ng dahilan, o sadyang ganito na kalayo ang pagkatangay sa akin dala ng pagmamahal ko sa kanya? Na kahit harap-harapan na ang sakit ay ayos lang.

“My mom and dad are going here. Huwag kang magkakamali ng sasabihin sa harap nila Veronica.” Suhensyon ni Judd sa akin pagpasok nito ng sala.

“Alam ko ang gagawin ko Judd, mag papanggap tayo na perfect couple at magsasabi ng mga nakakalamgam na salita sa harap nila.” Balang na sagot ko dito.

Doon ko lang naman siya nahahawakan eh. Kapag bumisita ang mga magulang niya, and after that para na ulit akong isang basura sa mga mata niya. Madalang na ulit uuwi, kung umuwi man may kasama na namang mga babae niya.

Pilit kong iwaksi ang nasa isip. Napailing ito sa mga sinabi ko at napailing dahil sa narinig mula sa akin.

“Good.” sabi lang nito at ni lagpasan ako.

Kamusta na kaya sila mama at papa. Sigurado ako na nag aalala na sila sa akin.

Humugot ako ng isang malalim na buntong hininga dahil wala akong ibang magawa sa loob ng bahay na ito, nandito ako ngayon sa hardin may magagandang iba’t-ibang bulaklak. Konti nalang talaga pakiramdam ko ay maloloka na ako.

Biglang naalala ko ang araw na halikan ako ni Judd, I thought then that it would start to change. Pero mali na naman ako, ilang beses pa ba akong mag kakamali ng akala?

When I finished taking a walk in the garden, o pamamasyal ba talaga ang tawag doon ay nagtungo ako kaagad sa kusina.

Nagluto ako ng afritada, menudo, at sinigang na baboy pa ang nakasalang na isa sa mga paborito ni Judd at syempre request din ito ni Tita Jasmin.

Mabuti pa nga ang mga magulang nito ay maganda ang trato sa akin, pero yun ay dahil sa hindi nila alam kung bakit ako ang pinakasalan ni Judd, also I don’t know what caused Judd to tell his parents how that happened. Kung bakit ako ang naging asawa niya basta naging maayos ang lahat, walang nagbanggit o nang ungkat manlang kung anong nangyari, na parang ako talaga yung sadyang papakasalan kahit hindi naman.

Halos mapatalon ako ng may maramdaman sa likod ko and it was Judd, may dalang kutsara habang sumandok ng sabaw ng niluluto kung sinigang.

Kitang-kita ko pa ang adams apple nito habang nalagok ng sabaw ng niluto ko. Ba’t ang init yata? Itotodo ko na ba ang aircon?

“Masarap.” Napatitig ako sa sinabi nito. “Bye.” Dugtong pa nito kaya para naman akong sira na u’umis-umis dahil sa inasta ni Judd. Ano yun?

Minsan talaga hindi ko maintindihan ang takbo ng utak ng lalaki na ayon.

Please lang, wag kang ganyan Judd dahil sa simpleng ginagawa mo parang gusto ko na muling umasa. Para siyang si Judd na nakilala ko noon, yung makulit. Yung klase ng mga tingin niya na masarap titigan.

Napailing ako sa naisip. Napaka imposible ng iniisip mo Veron.

Pero bakit ganun? May mga tao na madali tayong sasaktan at madali din tayong mapapasaya sa panandaliang oras o panahon?

Nagitla ako ng biglang sumagi ang kamay ko sa mainit na kaldero. Bakit ba kasi may kaldero dito?

“Ang sakit.” Naiiyak kung sambit, ilang beses na ba akong napaso? Palibhasa kasi kung anu-ano ang inisip mo Veron, ayan tuloy madadagdagan ang pilat mo sa katawan.

Napalingon ako sa taong humanggit ng aking kamay at mabilis na isi nahod yun sa tubig.

“Kapag napaso dapat ilagay mo agad sa tubig.” Napa titig ako dito.

Maamo ang mukha at walang nababakas na pandidiri o pagkamuhi sa akin. This is the first time na hinawakan niya ako ng kami lang dalawa. Gusto kung kiligin at magdiwang pero hindi muna kasi baka bawiin ito agad sa akin.

Kung kasiyahan at kilig na nararamdaman ay mauwi lamang sa sakit ng katotohanan.

“Sa susunod mag ingat ka.” Dagdag pa niya na parang nagsasabi sa akin tulad noon sa kung paano niya pa ako i trato bilang isang kaibigan nga lang. "Dahil hindi habang buhay ay magkasama tayong dalawa, Veron." Dagdag niya at agad na nawala ang ngiti sa labi ko at napalitan ng sakit dahil sa sinabi niya.

Sabi na nga ba. Pagkatapos ng tuwa at saya, may kapalit naman na lungkot o sakit.

So maghihiwalay nga kami?

Ihahanda ko na ba ang sarili ko para sa araw na ayon?

Tama siya, hindi habang buhay na magkasama kami. Pero bakit ba ako umaasa pa rin na magiging maayos kami?

Binawi ko ang kamay ko at halata ko na napalingon ito sa akin.

"Ako ng bahala." Sabi ko lang dito at umalis na ako sa harap niya. Pinatay ko muna ang kalan at nagsimula ng pumanhik sa itaas.

Inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng kwarto. Kwarto naming dalawa na kahit kailan sa tagal ng pagsasama ay ako lamang ang natutulog. Walang Judd na katabi.

Hindi mapigilan ang pagpatak ng aking luha kaya tuluyan na akong napaiyak. Tinakpan ng mga kamay ang bibig upang hindi makagawa ng ingay, dahil kapag marinig ayon ni Judd sasabihin na naman na ma drama ako, isn't it funny?

Nagbihis lang ako ng kulay pink na off-shoulder dress, hindi ko na naman kailangan mag sandals dahil hindi naman kami lalabas ng bahay na ito kaya ang suot ko lang ay pambahay na tsinelas.

Napalingon ako sa pinto ng bumukas ayon and I didn’t expect na kakatok mula sa pinto si Judd.

“They are here.” Malamlam ang mga mata habang nakatingin sa akin kaya ngumiti ako.

Susulitin ko ang araw na ito, dahil siguro next year na uli makakabisita sila Tita Jasmin at Tito Jake dito dahil sa busy ito sa pagpapatakbo ng kompanya nila.

“Okay, susunod na ako.” Sabi ko at ibinalik ang tingin sa salamin.

Kumuha ako ng isang pares ng hikaw bago ikinabit sa aking tenga pagkatapos ay kukuna na sana ako ng kwintas ng may kamay na dumampot noon.

Judd stood behind me, staring intently at my reflection in the mirror as he handed me the necklace he had chosen.

After putting the necklace on my neck, he lightly kissed my shoulder up to my neck, and back again to my shoulder. Nag ka buhol buhol na ang tibok ng puso ko at nangangamba na marinig niya yon.

What is this again? Bakit kailangan mong iparamdam sakin ito, ginugulo mo na naman ang sistema ko. Kahit ihanda ko ang sarili sa panahon ng pagtatapos natin pero bakit may kung anong pumipigil sa akin?

“Perfect.” He said and hugged me from behind. “Let’s go.” He added at tumango ako.

But before getting out the door nakita ko si Tita Jasmin na nakatayo doon at may malawak na ngiti.

I knew it, palabas lang ang lahat.