Browse stories

Dare to Love (Filipino)

Language: fil

Atasha hated Kurt. He was cold hearted and ambitious. Insulto sa kanya nang alukin siya nito ng kasal para bayaran ang pagkakautang ng pamilya niya. Kailangan kasi nito ang political background ng angkan niya. Nang pinsan niya ang balingan nito, lalong sumama ang tingin niya dito. Akala niya ay tuluyan nang matatapos ang kalbaryo niya na makasama ito. Hanggang mapilitan siyang magpanggap na nobya nito para sa lola nito. “Bakit parang hindi mo mahal ang nobya mo?” tanong ng lola nito. Inakbayan siya ni Kurt. “Of course, I love her.” “Then kiss her.”

Available chapters

  1. Chapter 1
  2. Chapter 2
  3. Chapter 3

Chapter 1

“No, Tito Horacio! Hindi ako magpapakasal sa Kurt na iyon!” mariing tutol ni Atasha. Nasa library sila sa ancestral house ng mga Gatchitorena sa Davao.
“But we have no other choice. Lubog na ang pamilya natin sa utang. Walang naiwang pamana sa atin ang lolo mo kundi ang mga utang niya,” paliwanag nito.
Mariin niyang nakuyom ang palad habang tinitingnan ang Tito Horacio niya at Tita Bettina. Mahigit isang buwan na mula nang mamatay ang lolo niya. Saka lang nila nalaman kung gaano kalaking financial crisis ang kinakaharap ng pamilya.
Ang mga ito na ang itinuring niyang magulang mula nang magkasunod na namatay ang mga magulang niya dalawang taon na ang nakakaraan. At ang mga ito na lang din ang natitira niyang kamag-anak. Handa siyang tumulong sa problema. Pero hindi niya matanggap ang ihinahaing solusyon ng mga ito.
“Sa dinami-dami ng pwedeng utangan ni Lolo, bakit doon pa sa Kurt Rieza na iyon?” nakasimangot niyang sintir. Hindi niya maiwasang sisihin ang namayapang lolo. She didn’t like Kurt Rieza to start with. Unang kita pa lang niya dito ay hindi na maganda ang impresyon niya dito.
“Dahil si Kurt lang ang hindi nagbibigay ng interes. Malaking konsiderasyon ang ibinigay niya sa pamilya natin. Ilang buwan na dapat nailit ang lahat ng ari-arian natin dahil na hindi na natin mababawi pa ang milyon-milyong ginastos ng Daddy mo noong eleksiyon,” anang si Horacio na hindi maitago ang magkahalong lungkot at desperasyon. Wala rin kasi itong magawa para bayaran ang mga utang. Nag-invest din ito sa sariling negosyo na kasisimula pa lang.
Dating itong may malaking wine vineyard sa States. Ngunit nang mamatay ang mga magulang niya ay umuwi ang mga ito sa Pilipinas upang tulungan ang lolo niya sa pamamahala ng hacienda. Subalit hindi rin naging maayos ang lahat dahil sa dami ng salot at tagtuyot na nanalasa sa mga pananim noon. Bukod sa dati ng utang, nadagdagan pa ang mga gastusin hanggang tuluyan na silang mabaon.
“The price is too high. I didn’t realize that he would ask for my neck.”
“He asked for your hand,” pagtatama ni Horacio. “Come to think of it, Atasha. All he needs is a wife for convenience.”
“He needs a woman who will authenticate his existence in the political world. And I don’t want to be used!” Kung ikakasal niya, gusto niya ay sa lalaking mahal niya at hindi sa isang oportunistang tulad ni Kurt.
“The union will be beneficial for both of you. You will be well provided as his wife. You don’t even have to consummate your marriage. All he needs is a wife. And you are perfect,” kalmadong paliwanag ni Horacio.
“And if I refuse?”
“Sa kalye na tayo matutulog kapag binawi na niya ang lahat sa atin.” Mula sa pagiging kalmado ay nabahiran ng histerya ang boses ni Horacio. Ilan sa mga madalang na pagkakataon kapag nawawalan ito ng kontrol sa sitwasyon.
“Like I would care!” she said between her gritted teeth.
Wala siyang pakialam sa kayamanan ng pamilya o sa magandang estado nila sa mundo ng pulitika. It looked ideal to others. She was usually the envy of people. Pero sa pagkakataong ito, walang sinuman ang maiinggit sa kanya. Puro sakit lang ng ulo ang dala ng kayamanan ng pamilya nila.
“Wala ka bang pakialam sa amin?” galit na tanong ni Horacio sa mataas na boses. Tumitiklop na ang mga tao sa paligid kapag ganoon ang tono nito. Pero hindi siya. She had that stubborn Gatchitorena blood in her. Hindi siya mapipilit sa isang bagay na ayaw niya. Habang ginigipit, lalo siyang nagrerebelde.
“Horacio,” mahinahong saway ng Tita Bettina niya dito at hinawakan ito sa balikat. Nakangiti siya nitong binalingan nang tumatimik si Horacio. “Atasha, ano ba ang ayaw mo kay Kurt? He is a very good businessman. He is only thirty-five but he already made it big in the business world all by his self. He is virile, intelligent, gorgeous and rich. Many women are after him. You are lucky.”
“Lucky?” sarkastiko niyang ulit sa huling salitang sinabi nito. “How would I feel lucky if I would marry a guy with no emotions? Ni hindi siya marunong ngumiti maliban na lang kapag may kinalaman sa negosyo at pulitika ang pinag-uusapan.”
Hindi maiwasang ngumiti ni Bettina. “So you are keenly observing Kurt. That is good. Maybe you are interested in him,” nanunukso nitong sabi.
“Interested?” sarkastiko niyang usal. “He is ambitious, cold, unemotional, showy and a bloodsucker. All he cares about is money. I wonder if he has a heart.”
And she would probably yawn if he kissed her…if he knew how to kiss.
“I don’t really care if he doesn’t have a heart! May utang tayo na kailangang bayaran sa kanya. Naniningil na siya. I don’t want to beg on the streets. Ayokong mapahiya sa mga tao,” mariing sabi ni Horacio.
“I don’t want to be a politician’s wife, Tito,” aniya sa malungkot na boses.
Pamilya sila ng pulitiko. Naging gobernador ang Lolo Edmundo niya at gusto nitong ipagpatuloy ang nasimulan. Daddy niya na si Ernesto ang nakakuha sa hilig nito. Ngunit nang maging pulitiko ang Daddy niya, saka niya naranasan kung gaano kaabnormal ang buhay niya. Tapat namang manungkulan ang Daddy niya. Pero mas marami pa itong oras na inilalagi sa munisipyo kaysa sa bahay nila. Mas marami pang oras para sa mga constituents nito kaysa sa kanilang mag-ina. May mga pagkakataon pa na hindi nila ito nakakasamang magdiwang sa mga importanteng okasyon tulad ng birthday niya. It was tough being a politician’s daughter.
But it was tougher being a politician’s wife. Nakita niya kung paanong magpakamartir ang Mommy niya na si Eva. She had been supportive of her father’s career. Kapag may krisis, lagi itong nakaalalay. At tahimik na umiiyak sa mga gabing hindi nakakauwi ang Daddy niya dahil sa trabaho.
Nabaril ang Daddy niya sa munisipyo magda-dalawang taon na ang nakakaraan. Kasisimula pa lang ng second term nito bilang city mayor ng Davao. Hindi pa tapos ang pagluluksa niya nang sumunod ang Mommy niya dito at naiwan siyang ulila. Hindi kasi nito nakayanan ang pagkawala ng Daddy niya.
Simula noon, ipinangako niya sa sarili na hindi na siya magiging bahagi pa ng pulitika. She wanted to live a normal life. And that would mean marrying a normal man. Not someone with political ambition. Doon lang mapuputol ang paghihirap ng kanyang kalooban.
“Napakadali sa iyong itapon ang lahat ng pinaghirapan ng Lolo Edmundo mo at ng Daddy mo? Mas gugustuhin mo pang mamalimos sa kalsada kaysa isalba ang lahat ng dapat ay maipapamana nila sa iyo.”
“I know how to work, Tito,” she countered unconcerned of their worries. “I don’t want to beg, you know. I have too much pride to do that.”
“You’d rather lose everything than do something to retain our assets?”

Chapter 2

“Matagal na itong nawala sa atin! Mas makakapaglakad pa ako nang taas-noo sa kalye kung pulubi ako kaysa magpakasal sa isang manggagagamit.”
Malaki ang pagkakautang ng tiyuhin. They were just grasping on straws now, trying to keep their status. Di niya masisisi ang mga ito kung gustong manatili ang kabuhayan at ang mataas na estado sa buhay. But not at her expense. She didn't want to be sold as a bride.
“Pwes, hindi ko iyon kaya. Hindi mo ba naiisip ang huling habilin ng Lolo Edmundo mo? Huwag daw tayong papayag na tuluyang mawala ang kayamanang ito sa atin. At dapat nating ipagpatuloy ang nasimulan nila ng Daddy mo.”
“You can always run, Tito. You will surely win.” Malakas pa rin ang impluwensiya ng pamilya nila sa Davao. Mas gusto niya itong suportahan kaysa ang isang oportunistang tulad ni Kurt Rieza.
Napayuko ito. “Mula simula, gusto ko nang takasan ang anino ng lolo mo at ng daddy mo. Ayokong maging pulitiko tulad nila. And politics is a very dirty business. At kung gustuhin ko mang sundin ang habilin nila, hindi ko na rin magagawa dahil wala na tayong pera.”
“There are things that we simply have to let go of.”
“Hindi ako basta-basta sumusuko. Kurt could provide us everything. Kung pakakasalan mo siya, hindi lang natin mababawi ang lahat ng maaring mawala sa atin. Mananatili pa rin ang pamana sa atin ng lolo at daddy mo dahil siya na ang magpapatuloy ng nasimulan nila. With our help, he could be a great politician.”
“I don’t want to be a puppet.”
“And I don’t want to be a beggar,” he countered.
For someone who was dominant, hindi madali para sa Tito Horacio niya na magpakababa. Hindi rin nito ugaling basta-basta sumunod sa ibang tao. Mukhang mas pipiliin nitong maging sunud-sunuran kaysa maghirap.
Nanghihinayang din siya sa maaring mawala sa kanila. Mula pagkabata ay tahanan na niya ang Hacienda Gatchitorena. Pero may sarili rin siyang paninindigan.
Malamig ang mata niya itong tinitigan. “My answer is still the same. I want to marry a man of my own choice. Someone whom I will marry because of love and not because I want to aid his political ambition.”
“At ano ang gagawin natin kay Kurt? Wala tayong maipambabayad…”
“You can’t force me!” giit niya. “Mas gusto ko pang magpakain sa buwaya kaysa magpakasal sa oportunistang Kurt na iyon. At least, kapag kinain ako ng buwaya, it would be an easy death. Hindi ko kailangang maghirap nang matagal.”
Parehong napipilan ang dalawa. Madalas niyang marinig na sabihing matigas ang ulo niya kahit noong bata pa siya. When she made up her mind, nobody could change it. Lalo na’t alam niyang tama siya.
“Please consider it, Atasha,” malumanay na pakiusap ni Bettina.
Bahagya siyang lumambot. She was very kind to her, treating her like her own daughter. Lalo na’t nasa ibang bansa ang nag-iisang anak nitong si Kimberly. “I can’t promise anything, Tita.”
Subalit nanatili pa ring mabigat ang loob niya. Hindi niya alam kung sino ang sisisihin sa gulong iyon. Kung ang uncle at auntie niya o ang lolo niya. Sa huli, isa lang ang nabuntunan niya ng sisi-si Kurt Rieza.

NAKAUPO sa isa sa mga bench sa malawak ng garden ng mansion ng gobernador si Atasha habang tahimik na pinakikinggan ang classic music na tumutugtog mula sa loob ng mansion. That was what she wanted. Solitude with a glass of chilled wine.
Wala siyang pakialam kung sino-sinong matataas at kilalang tao ang kasama sa party. Ayaw niyang sumama doon kung hindi siya pinilit ng kababatang si Denzel. But he was too tied up with a conversation with Davao’s city council. Ito ang vice mayor ng lungsod. Isa itong konsehal bago pumanaw ang papa niya.
But she hated political parties. Kaysa magyayang umuwi at magpaka-killjoy, pinili na lang niyang tumalilis at mapag-isa sa garden. Mas tahimik doon at mas malamig ang hangin. Di tulad sa loob ng mansion kung saan napupuno na ng usok ng tabako ang baga niya.
“May I join you?”
Napapitlag siya nang may magsalita sa likuran niya. “Mr. Rieza? What are you doing here?” He was holding a glass of wine. He was wearing evening clothes, like the other men present, but he had elegance in him that made him stand apart.
Iniwas niya ang mata sa maganda nitong mga mata. They were deep-set in a dark, handsome face with a straight nose, and a sexy mouth. She must agree with other women’s opinion that he was gorgeous. Pero hanggang doon lang iyon. Kurt Rieza was very confident and he acted like he was better than other people most of the time. She hated people who were intimidating like him.
“Napansin ko na nagpunta ka dito sa garden nang mag-isa. Hindi ka dapat hinahayaan ng ka-date mo nang mag-isa.”
“I want to be alone, thank you.”
“But it is dangerous. Mas mabuti nang may kasama ka.”
“I feel much safer if I am all alone.”
“Ayokong may masamang mangyari sa iyo.”
Tiningala niya ito. “Pakiramdam ko nga mas may masamang mangyayari sa akin kapag nasa paligid ka. So if you don’t mind, I want my solitude back.”
“I’m just protecting my future wife.”
Tumawa siya nang nakaka-insulto. “Sorry. Pero mukhang mali ka ng pinoprotektahan. We don’t have a future together.”
“I suppose, nasabi na sa iyo ang tungkol sa…”
“Oh, yes! About the loveless, politically inclined marriage-business proposal you offered. I am not interested. Wala akong plano na maging pambayad-utang sa isang ambisyosong political aspirant na tulad mo,” she said sweetly and smiled.
Subalit kabaligtaran ang nararamdaman niya. Gusto niyang pagkakalmutin ang guwapong mukha nito.
Humalukipkip ito subalit wala siyang mabakas na anuman mula sa mukha nito. That was very Kurt Rieza. Mas madalas itong hindi magpakita ng emosyon. Kaya hindi niya alam kung ano ang iniisip nito.
“I thought my proposal was so noble. Pero ayaw mo pa rin,” he said in a flat tone. “Ano ang gusto mong idagdag sa kasunduan? We can have a compromise.”
Tinaasan niya ito ng kilay. “I am not in the position to give terms. Because I am not going to sell myself. I won’t marry you no matter how noble your proposal is. I still think that it’s a garbage,” mariin niyang sabi. “Got it?”
He stared at her with those cold black eyes. She suddenly held her breath. She flushed hot all over then shivered with cold at the same time. Iyon ang epekto ng mga titig nito sa kanya na hindi nagagawa ng iba. It sent her a bit over the edge.
“Still living in the fairy tale world, huh?”
“Yes. I am in the world where big bad wolves like you are not allowed.” nakataas ang kilay niyang sabi habang pinagtatakpan ang kakaibang reaksiyon niya dito. She must admit that she found him physically desirable. It must be a natural physical reaction to someone who was physically gorgeous like him. Pero hanggang doon lang iyon. She hated him.
Natigilan siya nang umupo ito sa tabi niya at bahagyang inilapit ang mukha sa kanya. “Back to the world of reality, Princess. How will you pay your family’s debts?”

Chapter 3

Atasha’s brain had suddenly gone haywire and her heartbeat tripled. Parang kakawala ang puso sa loob ng dibdib niya. Hindi dahil sa tanong ni Kurt kundi dahil sa sobrang lapit ng katawan nito sa kanya. Habang pinipilit niyang I-shut down ang primitibong bahagi ng utak na may kinalaman sa atraksiyon niya dito, saka siya lalong naging physically aware dito.
His cologne was very manly. But he was the man who exuded too much potency without even trying. Nanunuyo ang lalamunan niya at hindi siya makahinga. Sa sobrang kaba ay parang wala sa sarili tinalunton ng daliri niya ang neckline ng evening gown niya at binasa ang labi.
“I could think of another way to settle our debt,” she answered in half-whisper. Sa halip na maging matapang ang boses niya ay lalo iyong humina. Parang isang mahina at desperadang babae tuloy ang dating niya.
Umangat ang gilid ng labi nito. Bad. That meant something bad. “Thanks for the offer but I can get that for free.”
“What?” tanong niya at bahagyang natulala.
“I mean there are more willing and able bodies,” he said flatly as he looked at her body without a hinge of interest. “You can serve better as my wife, Miss Gatchitorena. Wala akong planong tumanggap ng iba pang paraan ng pagbabayad sa mga pagkakautang ninyo sa akin.”
She fumed when everything dawned to her. Akala nito ay gusto niyang ibigay ang katawan dito bilang pambayad sa utang. Hindi niya napigilan ang palad niya at sinampal ito. “You bastard!”
Hinaplos nito ang nasaktang palad subalit hindi nag-iba ang mga mata nito. They remained cold when he looked at her. “Thank you!”
“You deserve it! Akala mo ba natatakot akong mapunta sa kalsada? Mas gusto ko pang mamalimos kaysa magpakasal sa iyo!” nanggagalaiti niyang sabi at tinalikuran ito. “And I am not offering my body. Hinding-hindi sa iyo!”
“I still intend to collect, Miss Gatchitorena. Don’t worry, hindi ko idadagdag sa sisingilin ko ang pananampal mo sa akin,” he said in a chilling voice.
Mas lalo niyang binilisan ang lakad. She wanted to get away from him. “You’ll pay for this!” mahina ngunit mariin niyang usal. Nobody treated her that way. And he had no right! Wala pang gumawa nang ganoon sa kanya. She was a respected woman. Wala pa siyang ginawa para maging masamang babae ang tingin nito sa kanya. How dare him!
Habol niya ang hininga nang makabalik sa loob ng mansion. Magre-retouch sana siya sa powder room nang mamataan niya ang ka-date na si Denzel.
“Atasha, where have you been?” tanong nito at hinila siya pabalik sa table nila. “Kanina pa kita hinahanap. Akala ko iniwan mo na ako.”
“No. Nasa garden lang ako. I find it hard to breathe in here.”
Kumunot ang noo nito. “Doon din nagpunta si Rieza.”
“Yeah, I saw him,” kaswal niyang sabi at ini-refill ang hawak na wine glass.
“Anong sabi niya sa iyo?”
Natigil siya sa pag-inom ng red wine at ngumiti. Ayaw niyang mapansin nito na may kakaiba sa kanila ni Kurt. “I just said hello. Tinanguan lang niya ako.”
“Iyon lang?” naghihinalang tanong nito.
“Ano ba ang pag-uusapan namin? Wala akong alam sa business at wala akong interes sa politics.” She was not stupid. She was well informed in politics and business. Political Science ang tinapos niya noong college. Wala lang siyang hilig sa ganoong discussion. She found them boring and monotonous.
“Good. Beware of him,” anito at bahagyang binigyan ng matalim na tingin si Kurt na kapapasok pa lang. Sinalubong ito ng governor ng lalawigan at tinapik sa balikat. "May usap-usapan na plano niyang magpakasal sa isang babae na nagmula sa angkan ng mga pulitiko. You know Rieza. He will do everything to get the Congressional slot this coming election. And he might set his eyes on you.”
“Oh, really?” usal niya at pailalim na tiningnan si Kurt mula sa glass wine habang umiinom mula doon. Then her lips thinned in contempt. Alam na niya ang plano ni Kurt mula sa simula. But it still annoyed the hell out of her when she heard people talk. Pagtatawanan lang siya ng marami oras na malaman ng mga ito na siya ang napili ni Kurt.
“And the girls around here are so excited,” Denzel expressed with too much scorn in his voice. May bahid ng iritasyon sa mga mata nito nang igala ang tingin sa mga babaeng nagpupukol ng humahangang tingin kay Kurt. “Gusto nilang malaman kung sino sa kanila ang pipiliin ni Rieza. They didn’t mind if the man would only use their family’s political background. Mga wala talaga silang isip.”
“You can’t blame them. Kurt is a nice catch. He is gorgeous, rich and virile. Matagal nang maraming babae ang may gusto sa kanya,” parang wala siya sa sarili habang sinasabi iyon. She was echoing Bettina’s words. Lumalabas tuloy na kahit siya ay ganoon din ang opinion kay Kurt.
He scowled “Don’t tell me you also like him.”
Natauhan siya nang mahimigan ang galit sa boses ni Denzel. Tumawa siya nang nanunuya. “I am not like them, Denzel.”
Kung alam lang nito, siya ang sawimpalad na babae na napili ni Kurt Rieza na magpakasal dito. Napakamalas talaga niya. Kung pwede lang na makipagpalit siya ng kapalaran sa isa sa mga babaeng naghahabol kay Kurt.
Ginagap ni Denzel ang kamay niya. “I know. I like you because you are different from them. Kailan mo ako sasagutin, Ash?”