Browse stories

Beluria (The Lady Hunter)

Language: fil

She looks like an angel sent from heaven, a kind and warm hearted girl. But... never try to push her limits. She can be the worst devil from hell, and will be your greatest nightmare. … Isang masayahing babae na mas pinili ang manirahan sa gubat kaysa siyudad. Mas gustong kumain ng karne galing pangangaso kaysa umorder sa mamahaling resto. Siya si Beluria, marami siyang pinagdaanan sa buhay at humantong sa kagubatan. Hindi siya kamag-anak ni Tarzan, hindi rin sa itaas ng punong kahoy ang kanyang tahanan at mas lalong hindi rin isang baging ang kanyang hagdanan. Maayos siyang namumuhay…

Available chapters

  1. Chapter 1
  2. Chapter 2
  3. Chapter 3

Chapter 1

White long sleeve and leather pants,

Check.

Protector vest,

Check.

Fingerless leather gloves,

Check.

Hunter boots,

Check.

Kinuha ni Beluria sa likuran ng pintuan ang kanyang leather hunter waist bag. Muli niyang tiningnan ang mga laman no'n.

3 daggers, 1 hunting knife and 5 throwing knives,

Check.

Inayos niya ang pagkakabit nito sa kanyang baywang.

Sunod niyang kinuha ang bow and arrows na nakalagay sa quiver. Sinukbit niya sa likuran ang Quiver na may lamang 20 arrows.

Pinagmasdan muna niya ang mga gamit na nakalagay sa buong katawan bago maingat na sinaraduhan ang pintuan ng kanyang bahay.

She's ready.

Ready to hunt wild animals.

Nakagawian na niya ang pangangaso tuwing sasapit ang ikatlong araw ng linggo. Ito ang nagsisilbing source of income niya. Dinadala nila sa bayan ang mga nahuhuling hayop para ibenta at paghahatian ang nagiging kita.

Ilang hakbang mula sa pintuan ng maramdaman ni Beluria ang pagkiskis ng balahibo sa kanyang hita.

Napangiti siya ng makita ito.

Her baby.

"Are you ready to hit, my Hit?" tanong niya.

Umungol lamang ito.

Muli siyang napangiti.

Her adorable baby cheetah.

Ilang taon na niyang kasama ang Cheetah mula ng iligtas niya ito sa mababangis na lobo. Hindi niya target ang mga katulad nitong hayop dahil hindi naman sila mabenta sa bayan. Karaniwan niyang hinuhuli ang mga wild boar, nagkataon lang na nakita niyang pinaglalaruan ito ng mga ligaw na lobo.

Maliit pa ito at hindi makakilos ng maayos dahil sa sugat sa paa. Nang napaalis niya ang mga lobo saka niya ginamot ang cheetah at iniwan sa gubat, ngunit nagulat siya ng makita ito sa labas ng bahay kinabukasan.

Dahil wala naman siyang choice, kinupkop na rin niya ang Cheetah. Nakakatulong din sa kanya si Hit dahil sa bilis at liksi nito. Hit ang ibinigay niyang pangalan sa cheetah dahil swerte rin ito sa kanya. Palagi siyang nakaka-hit sa pangangaso.

"Hit, let's go!" Tumakbo si Beluria pababa na siyang sinusundan nito.

Na sa pinakamataas ng bundok ang bahay niya. Hindi kalayuan naman ang magkakalayong barong-barong ng mga taga-purok mula sa tahanan niya. Purok ang tawag sa kanilang lugar.

Nakangiti si Beluria habang tumatakbo na sinasabayan naman ni Hit. Kahit may kakaiba bilis si Hit, nakaalalay lang ito sa tabi niya. Sa paglipas ng taon, lumaki si Hit hanggang baywang niya, pero mas mataas ito kapag nakatayo na. Nakakaya rin siyang isakay ni Hit sa likuran nito, pero madalang niyang ginagawa iyon dahil para sa kanya, baby pa ito.

...

Narating ni Beluria ang kabahayan sa Purok, agad niyang natanaw ang ilang kalalakihan na may dala-dalang armas pangangaso.

"O, nariyan ka na pala Beluria. Akala namin hindi ka sisipot e. Sayang naman ang mga mahuhuli natin. Kapag nagkataon lugi kaagad ang lakad namin," biro sa kanya ni Ka Elias. Isa sa matatandang nakatira sa purok.

Tumawa lang siya sa matanda.

"Naku, ako pa ba Ka Elias?" Tonong nagmamalaki niyang sambit habang nakangiti. "Hinding-hindi ako magpapahuli sa lakad natin. Ako kaya ang pinakamagaling na Hunter dito sa purok," Dugtong niya.

Tumawa lang ang mga nakarinig. Sana'y na sa kanyang biro ang mga tao sa lugar nila.

"Iyan ang gusto namin sa'yo, Beluria. Siguradong tiba-tiba na naman ang lakad natin ngayon," sagot naman ni Ka Jasinto.

"Syempre naman po, kasama ko rin yata si Hit." sagot niya kay Ka Jasinto habang hinihimas ang ulo ni Hit. Pumikit lang ang huli tanda na nagustuhan nito ang ginawa niya.

"O sya, humayo na kayo para makarami agad at makabalik kayo ng maaga," sambit naman ng asawa ni Ka Elias, si Aling Liway.

"Tama si Ate Liway, umalis na tayo ng makasiping muli ako kay Bingbing pagbalik natin." Dahil sa sinabi ni Ka Jasinto, umulan ng tuksuhan sa paligid.

Si Aling Liway ay nakatatandang kapatid ni Ka Jasinto, si Aling Bingbing naman ang asawa nito. Sa purok lahat ay magkakamag-anak, maliban sa kanya at sa isa pa. Higit sa sampung mga bahay ang na sa purok pero malaki ang populasyon, karamihan ay mga bata. Halos magkakasunod ang mga edad ng magkakapatid, at magkaka-edad naman ang magpipinsan. Hindi alintana ng mga taga-purok ang hirap ng buhay dahil masaya ang bawat isa sa uri ng pamumuhay sa lugar.

"Naku... Tumigil-tigil ka Sinto. Ang liit-liit pa ng iyong bunso, susundan mo na naman?" saway dito ng kapatid.

"Hayaan mo na ang iyong kapatid..." saway naman ni Ka Elias sa asawa. "... sisiping din ako sa'yo pag-uwi namin," dugtong nito habang nakangisi.

Napailing na lang si Beluria sa lambingan ng mga ito.

"Itay, Inay huwag naman kayo maglambingan sa harapan namin, baka mamaya niyan maligawan ko itong si Beluria," biro naman ni Tikboy, ang panganay na anak nina Ka Elias at Aling Liway.

"Naku Kuya Tikboy, wala kang pag-asa kay Beluria, alam mo namang kapatid na ang turing niya sa atin," sagot naman ng pinsan nitong si Buyong, anak ni Ka Jasinto. Mas bata ito ng dalawang taon sa kanila.


"Binibiro ko lang naman Buyong," Sagot ni Tikboy

"Tumigil na kayong dalawa diyan. Umalis na nga tayo!" masungit na sambit ni Lena kaya't nakuha nito ang pansin ng dalawang binata.

"Uy Lena, sinong nagsabi na kasama ka ha?" tanong ni Tikboy sa kapatid.

"Bakit si Beluria kasama, tapos ako hindi? Marunong din naman akong mangaso a!" nakanguso nitong sagot.

"Ang kupad-kupad mo kayang kumilos, mamaya mapano ka pa roon."

"E, kuya naman!" reklamo nito na may pagpadyak pa ng paa, "Beluria, sama ako." Sa kanya naman lumapit si Lena.

"Naku idadamay mo pa si Beluria." Naiiling na sabi ni Buyong sa pinsan.

"Alam niya kasing hindi kayo tatanggi kapag si Beluria ang nagsabi," sambit naman ng kapatid ni Buyong, si Sura. "Bakit ba hindi kayo makatanggi sa kanya?" Nakairap nitong tanong.

Chapter 2

Taliwas sa pamumuhay sa purok, si Sura ay tila isang anak ng may kayang pamilya dahil sa pananamit nito halintulad sa mga nakatira sa bayan.

"Nagtatalo pa kayo diyan… sige na, isama niyo na si Lena. Hindi rin naman niya titigilan si Beluria hanggat hindi pumapayag," sang-ayon ni Aling Liway na siyang nagpalawak sa ngiti ni Lena.

Natawa na lang si Beluria sa itsura ng malapit na kaibigan.

"Masaya ka na naman kasi nakasama ka namin?" bulong niya kay Lena.

"Syempre, makikita ko na naman ang ma-aksyon mong pangangaso," sagot nito na tila kumikinang ang mata sa naiisip.

Napailing na lang siya. Kahit marunong mangaso si Lena ay hindi ito gumagawa dahil pinapanood lang siya nito.

"Akala mo kung sino, sampid lang naman," narinig niyang sabi ni Sura.

"Sura... Ang bibig mo!" saway ng kararating lang na si Aling Bingbing, buhat-buhat ang 9 months old na bata.

Umirap lang si Sura sa ina at nagdadabog na tinalikuran sila.

"Pasensya na sa batang 'yon Beluria, hindi ko alam bakit ganoon ang ugali niya. Ang hirap niyang pagsabihan," paliwanag nito sa kanya.

"Ayos lang po Aling Bingbing. Wala po iyon." nakangiti niyang sagot.

Nasanay na rin siya sa pakikitungo ni Sura sa kanya, dahil bukod tanging ito lang ang ganoon ang turing sa kanya simula ng dumating siya sa purok.

"Halina kayo, para makarami tayo ng huli," pagyaya sa kanila ni Ka Elias.

Nagpaalam muna sila sa mga tagapurok bago nilisan ang lugar at binaybay ang kagubatan na pinamumugaran ng mga ligaw at mababangis na hayop.

Sampu silang mangangaso ngayon. Dalawa lang silang babae ni Lena, si Tikboy, Buyong, Ka Elias, Ka Jasinto, dalawang nakababatang kapatid ni Ka Elias, isa pang pinsan ni Ka Jasinto at si Mutual, ang lalaking hindi nagsasalita.

Si Beluria ang tumawag na Mutual sa lalaki from the word mute, dahil sa hindi nito pagsasalita. Hindi nila alam ang pangalan at pinanggalingan nito. Aksidente lang din na nakita ang lalaki sa kagubatan habang sugatan. Inalagaan ito ng tagapurok at pansamantalang nakikituloy sa bahay ng isang kapatid ni Ka Elias. Ilang linggo na itong nananatili sa purok, pero kahit isang salita walang lumalabas sa bibig nito. Hindi nila masasabi kung sadya itong hindi nakakapagsalita o ayaw lang nitong magsalita.

"Beluria." Napalingon siya ng sumabay sa kanya sa paglalakad si Lena. "May aaminin ako sa'yo."

"Ano 'yon?" curious niyang tanong.

"Dalawang dahilan kung bakit gusto kong sumama sa pangangaso..." panimula nito.

Hindi siya sumagot pero sinenyasan niya itong magpatuloy sa sasabihin.

"... una gusto ko talagang nakikita kang mangaso..." Tumingin siya sa kaibigan na nagpapahiwatig kung ano ang pangalawa. "... pangalawa," Alumpihit pa ito kung itutuloy o hindi. Sumulyap pa ito sa gawi ng kapatid at pinsan bago muling tumingin sa kanya. "... dahil kay Mutual." Mahina nitong sambit pero sapat lang para marinig niya.

"Anong meron kay Mutual?" tanong niya.

"Bakit niyo pinag-uusapan si Pareng Mutwal ha?" tanong ni Buyong na mabilis na nakalapit sa kanila.

"Tsismoso, lumayo ka nga sa amin," taboy ni Lena sa pinsan.

Lumayo naman ang lalaki.

"Anong kinalaman ni Mutual sa pagsama mo sa amin?" muli niyang tanong sa kaibigan.

"Sa ating dalawa lang 'to, huh. Promise mo sa'kin, hihinaan mo lang boses mo. Malakas ang pandinig ng ugok na Buyong na 'yan." Turo nito na animo'y susuntukin si Buyong habang nakatalikod.

Mahinang tumawa si Beluria bago tumango.

"Okay, pangako," sagot niya.

Ngumiti naman si Lena dahil sa pagpayag niya.

"Kasi may lihim akong pagtingin kay Mutual," kinikilig nitong sabi.

"Baka pag-awayan niyo ni Sura ang bagay na 'yan?" komento niya.

"Hindi ka ba nagulat?" Nagtataka naman siyang napatingin sa kaibigan. "Hindi ka man lang nag-react sa sinabi ko? Hindi ka man lang nabigla?" Napakunot ang kanyang noo dahil sa sinabi ni Lena.

"Dapat ba akong magulat?" nagtataka niyang tanong.

"Ano ba 'yan Beluria, ikaw lang yata ang babaeng hindi tinatamaan sa charm ni Mutual. Kahit ang mga nasa bayan nagkakagusto sa kanya, pero ikaw wala lang?" Hindi makapaniwala nitong tanong.

"Hoy, bilisan niyong maglakad diyan!"

Napatingin si Beluria kay Buyong nang sumigaw ito. Hindi nila napansin na tumigil pala sila habang nag-uusap at naiwanan na sila ng grupo. Na sa hulihan sila kaya hindi nila napansin na malayo na ang agwat ng mga kasama.

Ngumiti lang siya sa lalaki bago hinila si Lena.

"Hindi na ako makikihati sa inyo," sa halip sagot niya kay Lena, dahil hindi siya nito titigilan.

"Alam mo ba, sabi ni Itay, magaling din sa pangangaso si Mutual, ang bilis daw matuto kahit isang beses lang siya nakasama ni Itay. Kaya gusto ko rin iyon makita. Hindi ko tuloy alam kung sino ang una kong panonoorin sa inyong dalawa," pagpapatuloy nito habang naglalakad sila.

"Huwag mo na lang kami panoorin, mas maging alerto ka sa paligid," paalala niya sa kaibigan.

Alam niyang mapanganib sa pupuntahan nila kaya kailangan ng dobleng pag-iingat.

"Gusto ko 'yon makita para malamangan ko si Sura," nakangisi nitong sambit.

Hindi na lingid sa kaalaman ni Beluria ang lihim na paligsahan ng magpinsan.

"Arte lang naman ang lamang niya sa 'kin, pero mas maganda pa rin ako sa kanya," proud nitong sabi.

"Huwag mo na lang patulan si Sura, para hindi kayo laging nagkakagulo," Payo niya sa kaibigan.

"E, wala naman kasundo ang babaeng 'yon, maliban doom sa mga pukpok sa bayan. Akala mo laging may raket sa perya dahil sa mga pintura nila sa mukha," Katwiran nito.

Napailing na lang si Beluria ngunit naging alerto ng magsalita si Ka Elias sa unahan nila.

"Mag-ingat kayo, narito na tayo sa bungad ng kagubatan."

Chapter 3

Maingat silang pumasok sa kagubatan. Maganda ang sikat ng araw sa labas ngunit hindi iyon nakatulong dahil sa taas at lago ng mga punong kahoy. Animo'y gabi sa loob ng kagubatan. Ito ang unang beses na dumayo sila sa gubat na ito dahil wala na silang mahuli sa dating pinupuntahan.

"Nakakakilabot naman sa lugar na 'to," narinig ni Beluria na sabi ni Lena.

Katabi niya ang kaibigan habang sa kabilang gilid naman niya si Hit na balewalang naglalakad.

Panatag si Beluria kapag kalmado si Hit dahil mas malakas at matalas ang pakiramdam nito kesa sa kanila. Kahit sanay na sila sa dilim ng paligid, iba pa rin ang kakayahan ng isang hayop tulad ni Hit.

"Shhh," pagpapatahimik niya kay Lena.

Mas nararamdaman nila ang paligid kung walang magsasalita.

"Mag-dalawang grupo tayo," suhestiyon ni Ka Jasinto na sinang-ayunan ng lahat.

Magkakasama sa isang grupo sina Beluria, Lena, Tikboy, Buyong at Mutual na nagtungo sa kabilang bahagi ng gubat habang sa kabila naman ang grupo ni Ka Elias.

"Nakakatakot talaga rito, parang may bigla na lang lalabas at lulunukin tayo ng buo," muling sabi ni Lena.

"Dapat hindi ka na sumama. Napakatigas din ng ulo mo e," sagot ni Tikboy

"Kasi kuya, gusto kong...."

"Gusto mong kasama si pareng Mutwal?" panunudyong putol ni Buyong sa sasabihin ng pinsan.

Napalingon naman si Lena sa gawi ni Mutual at bigla rin itong umiwas ng tumingin si Mutual sa gawi nila.

"T-tumigil ka nga diyan," nahihiya nitong sagot.

Nakangiti lang si Beluria habang pinapanood ang kulitan ng magpinsan, pero nawala ang ngiti niya marinig ang ungol ni Hit.

Sinenyasan niyang tumigil ang mga kasama na siyang sinunod ng mga ito.

"We found our prey," mahina niyang sambit.

"Ha? May sinasabi ka ba?" Tanong ni Lena.

"Maghanda kayo, may papalapit..." Hindi pa niya natatapos ang sasabihin ng may biglang dumamba sa unahan nila, dahilan ng kanya-kanya nilang pag-tilapon.

"A-aray ko po!" reklamo ni Buyong.

"Naloko na!" sigaw naman ni Tikboy.

"Ang sakit ng balakang ko!" reklamo rin Lena.

Kanya-kanyang reklamo ng mga ito.

Muli namang tumayo si Beluria at hinimas ang nasaktang likuran na tumama sa puno. Tiningnan niya ang dahilan ng kanilang pag-tilapon.

Natigilan siya.

"Totoo ba ang nakikita ko?" gulat na sabi ni Lena ng makalapit sa katabi niya.

"Malamang Lena, kaharap na natin oh," sagot ni Buyong.

"P-pero ngayon lang ako nakakita ng ganyan kalaking baboy ramo." Bakas sa boses nito ang kaba dahil sa mabangis na hayop sa harapan nila.

"Kakayanin ba natin 'yan?" nag-aalinlangang tanong ni Tikboy. "Tingnan niyo ang pangil niya, kasing laki ata ng braso ko,"

Tama si Tikboy, masyadong malaki ang wild boar sa harapan nila kumpara sa hinuhuli nila dati.

Muling umungol si Hit. Nakita ni Beluria ang kahandaan ng alaga para umatake.

"Kailangan nating magplano," suhestiyon ni Buyong.

"Wala ng oras, papalapit na siya," sagot niya rito at mabilis na kumuha ng arrow sa sukbit niyang quiver. Tinira niya ang papalapit na wild boar pero balewala lang dito ang pana niya.

Kanya-kanya naman silang umiwas sa atake nito.

Maging si Hit ay nagsimula nang umatake, ngunit likas na makapal ang balat ng boar kaya't hindi nito iniinda ang kagat ni Hit.

Ginamit ni Tikboy ang dala-dalang sibat, pero balewala rin ito sa hayop.

Pinalibutan nila ang wild boar kaya't hindi nito alam kung saan unang susugod, ngunit nagulat si Beluria ng bigla itong sumugod sa gawi ni...

"Lena!!" Sigaw nila dahil hindi nakahanda ang babae.

Napansin niyang hindi nakakilos si Lena at gulat na nakatingin sa wild boar.

"Shit!" sambit ni Beluria at sunod-sunod na pinana ang wild boar para sa kanya pumunta ang atensyon nito.

Nagtagumpay siya.

Lumihis ang atensyon nito kay Lena at nalipat sa kanya. Galit na galit itong sumugod sa kanya. Hindi siya umalis sa kanyang pwesto, plano niyang bulagin ang boar.

"Bullshit!" muli niyang sambit ng wala na siyang makuhang arrow sa quiver.

Naubusan siya ng pana!

"Beluria!!" sigaw ng mga kasama niya.

Parang slow motion ang nakikita ni Beluria habang papalapit ang wild boar sa kanya. Ang nanlilisik nitong mga mata, ang malalaki at matulis nitong pangil. Kitang-kita niya na malapit na siyang tamaan ng pangil nito pero....

"Argh!!" daing niya sa pwersahang pag-angat sa kanyang katawan upang makaiwas sa atake ng hayop.

Una niyang nakita ang balahibo ni Hit pagmulat ng kanyang mata. Napangiti siya dahil doon… pero na-realize niyang may nakahawak sa kanyang beywang. Sinundan ng kanyang tingin ang braso hanggang sa may-ari nito.

"Mutual," bulong niya.

Bahagya lang itong tumingin sa kanya at marahan siyang ibinaba ng tumigil si Hit. Umalis din ito sa sa likuran ni Hit ng ibaba siya.

Napatingin naman si Beluria sa alaga ng maramdaman ang dila nito sa kanyang kamay. Lumuhod siya upang makapantay ito. Hinaplos niya ang mukha ng alaga.

"I'm okay," nakangiti niyang sambit at niyakap sa leeg ang alaga. "Thank you," sabi niya habang nakatingin kay Mutual na nakatingin rin sa kanila ni Hit. "Proud ako sa'yo Hit, ang lakas-lakas mo na. Nakaya mo kaming dalawa." Masigla niyang sabi sa alaga ng muling tumayo. Hindi alintana ang muntikan ng pagkapahamak kanina.

"Beluria, ayos ka lang ba?" narinig niyang sigaw ni Tikboy sa kabilang dulo.

"Ayos lang ako!" sagot niya para mapanatag ang mga kasama.

Patuloy lang na inaatake ng mga kasama ang wild boar.

Iniisip ni Beluria kung paano isasagawa ang naging plano kanina ng may humarang na limang palaso sa paningin niya.

Napatingin siya kay Mutual na siyang may hawak ng palaso.

Mukhang alam nito ang iniisip niya. Ngumiti siya sa lalaki at tinanggap ang mga pana.

"Salamat." Inilagay niya sa quiver ang mga pana. Hindi naman umiimik ang lalaki tulad ng dati. "Baby Hit!" tawag niya sa alaga.

Umungol ito bilang tugon.

"Let me ride your back, Hit. I need your super speed," sabi niya sa alaga.

Para namang naunawaan nito ang sinabi niya dahil tumalikod ito sa kanya.

Mabilis siyang sumakay sa likuran nito at muling tiningnan si Mutual.

"Let's bring him down," nakangisi niyang sabi sa lalaki. Tumango lang sa kanya si Mutual.