Hiding The CEO's Twins
Language: fil
/0/26659/coverbig.jpg?v=474f4169180643d5aa201652b2520299)
Shanbri is just a simple girl but her boyfriend Kenji Yael is a billionaire CEO. Despite that, they still love each other unconditionally. Until one day, Shanbri found out that Kenji Yael is already engaged to another girl. Shanbri got hurt so she decided to leave her boyfriend and go to a far place but before that, she gave herself to Kenji Yael as a token of her love for him. Later she found out that she got pregnant with Kenji Yael's child but she decided to hide it from him. But, after 4 years they saw each other again because Kenji Yael will be the new boss of Shanbri. Will…
Available chapters
Chapter 1
CHAPTER 1: DATE
SHANBRI POV
Sunday ngayon at nandito kami ngayon ni Kenj sa mall. Magd-date raw kami dahil dalawang araw rin kaming hindi nagkita kasi busy siya sa office at ako naman ay busy rin sa work.
Nagtatrabaho ako sa isang kompanya dito sa Maynila. Gusto sana ni Kenj na sa company na niya ako magtrabaho pero ayaw ko dahil baka mahuli kaming dalawa doon at pag tsismisan pa siya ng mga tao.
Simple lang ang buhay namin. Hindi kami mayaman at hindi rin kami mahirap sakto lang.
Parehong public teacher ang parents ko pero hindi ako sumunod sa yapak nila dahil iba ang gusto kong tahakin na landas.
Anyway, magkahawak kamay kami ni Kenj habang naglilibot sa mall. Pinagtitinginan naman kami ng mga tao lalo na ng mga kababaihan. Ano pa nga ba eh palagi naman ganyan kapag kasama ko si Kenj.
Hindi naman kasi maipagkakailang gwapo talaga ang boyfriend ko. Matangkad, moreno, matikas ang katawan, matangos ang ilong, makapal ang kilay, mahahabang pilik mata, mapupulang labi at ang pinaka paborito ko sa lahat, ang kulay abo niyang mga mata. May lahi kasi siyang German kaya ganoon ang kulay ng mga mata niya.
Hay napaka perfect talaga ng boyfie ko ewan ko ba kung ano nagustuhan nito sakin hehe.
Maganda naman ako. Iyon ang sabi ng nanay ko hehe. Hindi ako katangkaran at mayroon akong mahabang itim na itim na buhok hanggang baywang. Singkit ang mga mata ko at mayroong kissable lips. Iyon ang sabi ni Kenj. Pinaka paborito niya raw ang labi ko kaya gustong gusto niya akong halikan hehe. Simple lang akong manamit. Pulbo at liptint lang ang nilalagay ko sa mukha ko. May kaputihan ako at tama lang naman ang katawan.
Nagkakilala kami ni Kenj sa company niya noong nag intern ako doon. Siya ang CEO at may-ari ng kumpanya oh diba ang yaman ng boyfie ko hehe.
Pero hindi pera niya ang nagustuhan ko ha. Minahal ko siya kasi maalaga siya sakin kahit na masungit siya minsan ay lagi naman niyang pinaparamdam na mahal niya ako at hindi niya ako hinusgahan kahit magkaiba kami ng estado sa buhay.
Ayon sa mga empleyado sa kumpanya niya ay playboy daw si Kenj at hindi nagseseryoso sa mga babae. Paiba-iba raw ang girlfriend nito pero ni isa ay wala raw siyang pinakilala sa pamilya niya at sa mga kapwa niya businessman. Mga kaibigan lang niya ang nakakaalam ng kanyang mga fling dahil pare-parehong playboy ang mga ito.
Noong una ay nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko ba si Kenj o hindi dahil narin sa mga naririnig ko tungkol sa kanya. Baka kasi ay pinaglalaruan niya lamang ako at hindi niya seseryusohin. At ako pa talaga ang nagpakipot sa kanya noh haha.
Pero hindi tumigil si Kenj sa panliligaw sa akin. Kahit na patago ito dahil ayaw kong may makaalam na iba lalo na sa kumpanya ay pinatunayan niya na seryoso siya sa akin. Nagbago ito at palagi akong pinapadalhan ng bulaklak at tsokolate. Pinapadalhan niya rin ako ng pagkain araw araw dahil ayaw niya raw na magutom ako.
Kung minsan naman ay pinapatawag niya ako sa opisina niya at doon sabay kaming kumakain ng lunch. Hindi naman ito madalas dahil ayaw kong magtaka ang kanyang secretary at kumalat pa ito sa kumpanya.
Malapit na ang 1st anniversary namin at ang nakakaalam lang ng relasyon namin ay ang aking bestfriend na si Trish at ang parents ko. Ang alam lang ng mga kaibigan niya ay may nobya ito ngunit hindi nila ako kilala kahit ang pangalan ko dahil ayaw kong ipasabi kay Kenj. Noong una ay ayaw niyang pumayag gusto niya akong ipakilala maging sa pamilya niya pero kalaunan ay napilit ko rin siya.
Ayaw ko lang kasing malaman ng mga kaibigan niya at ang pamilya niya na nakikipag relasyon siya sa hindi niya ka-uri. Hindi pa ako handa sa ngayon. Gusto ko pang maging successful at kapag nakamit ko na iyon ay papayag na akong ipakilala niya. Sana ay kami parin pagdating ng araw na iyon.
Hay... Napabuntong hininga na lamang ako sa naisip.
"Babe, our anniversary is approaching. Where do you want to celebrate?" malambing na tanong sa akin ni Kenj.
"Ahmm, kahit saan nalang ang importante magkasama tayo hehe," pa cute ko namang sagot sa kanya at kinuwit ang aking kamay sa kanyang braso.
"No, I want it to become memorable because it's our 1st anniversary," pagtanggi niya at inayos ang aking buhok na nagulo na pala. Kinilig naman ako doon hehe.
"How about we go out of town?" suhestiyon niya at nagningning ang kulay abo niyang mata.
Agad naman akong napailing. "Huwag na dito nalang. Alam ko namang busy ka sa trabaho at maging ako ay busy rin sa work," tanggi ko. Alam kong marami siyang ginagawa sa office dahil siya ang CEO ng company nila.
"It's okay. My assistant is here and you can file your leave. Come on it's just three days babe if you want," Pagpupumilit naman niya sakin. Nagpuppy eyes pa siya. Minsan lang mag ganito si Kenj dahil kadalasan ay seryoso ito.
"Huwag na, dito nalang tayo Kenj," sabi ko at napasimangot naman siya.
"Fine, if that's what you want," pagsuko niya pero humaba ang nguso niya.
"Ah Kenj kain na tayo gutom na ako eh hehe," pag-aaya ko sa kanya para maiba na ang usapan namin.
"Alright. Where do you want to eat?" tanong niya sa akin at agad na nagningning ang aking mga mata.
"Mcdo hihihihi," excited kong sagot sa kanya at nag puppy eyes.
"Again? You're always eating there. It's not really healthy babe," sita sa akin ni Kenj. Ayaw niya kasi akong kumain sa fastfood dahil hindi daw ito healthy ayon sa kanya.
"Sige na please. Doon ang gusto ko eh. Please babe?" pagpipilit ko sa kanya. Sigurado akong hindi niya ako matatanggihan lalo na't tinawag ko siyang babe. Hindi ko kasi siya tinatawag ng ganun kasi masiyadong cheesy kaya minsan ay nagagalit siya sa akin kasi sa pangalan lang niya ko siya tinatawag.
"You really know my weakness babe," sabi niya at napailing pa.
"Hehe payag kana babe?" tanong ko ulit sa kanya at sinabit ang aking braso sa kanyang leeg.
"Okay, I'll agree in one condition," sabi niya at tinitigan ang aking labi. Oh no! Mukhang alam ko na ang gusto niyang mangyari.
"S-sige a-ano ba i-iyon?" utal kong tanong sa kanya at medyo kinabahan.
"Kiss me first," at may sumilay na ngisi sa kanyang labi. Napatingin naman ako sa paligid at pinagtitinginan na pala kami ng mga tao. Agad ko namang inalis ang aking braso sa kanyang leeg. Baka masabihan pa kami ng PDA dito.
"H-ha? Dito? Ang dami kayang tao. Mamaya nalang Kenj," nahihiyang sabi ko sa kanya. Feeling ko namula iyong pisngi ko.
"Okay. No kiss, no mcdo," at parang inaasar niya pa ako. Nainis naman ako sa kanya.
"Tsk. Bahala ka nga diyan. Kung ayaw mo ako nalang mag-isa ang pupunta," sabi ko sa kanya at tinalikuran siya. Pupunta na akong mcdo bahala siya sa buhay niya.
"Wait babe! I'm just kidding okay," paghabol niya sa akin at hinapit ako sa baywang. Sabi ko na, hindi niya rin ako matitiis eh. Ngumiti naman ako iyong ngiting tagumpay haha.
"So, payag kana na sa mcdo tayo kakain?" tanong ko sa kanya at tinaasan ko siya ng kilay.
"Fine, fine. You're my queen kaya ikaw ang masusunod," sagot niya at napabuntong hininga na lamang.
___
Alas syete na ng gabi at napagdesisyunan naming umuwi na ni Kenj. Napagod na rin kasi kami dahil naglaro pa kami sa timezone at nanood ng sine.
Hinatid na niya ako sa apartment na inuupahan ko.
"Thanks sa paghatid Kenj," sabi ko sa kanya.
"You're always welcome babe. Hindi mo ba ako papapasukin sa loob," tanong naman niya habang nakangisi.
Kinabahan naman ako dahil doon. Napakapilyo talaga ng boyfriend ko.
"A-ahmm h-hindi na baka p-pagod kana," utal-utal kong sagot sa kanya.
"I told you just live with me." Nakangisi parin siya.
"Ayoko nga!" Napasigaw ako sa sinabi niya. Agad ko naman itong binawi.
"Ang ibig kong sabihin ay hindi pwede ano nalang ang sasabihin ng iba," kinakabahang sagot ko.
"I don't care," matigas na sabi ni Kenj.
"Kung wala kang pakialam ay ako mayroon napag-usapan na natin ito Kenj." Matagal na kasi niya akong niyayaya na tumira sa condo niya pero ayaw ko. Hindi pa naman kasi kami kasal kaya ano nalang ang sasabihin ng mga tao sa akin diba.
"Haha. Just kidding. You're so serious babe." Napatawa naman ang loko at iiling-iling pa. Hinampas ko naman siya sa braso niya.
"Tss. Sige na nga umuwi kana. Magpahinga kana alam kong pagod ka na." Tinutulak ko na siya papuntang kotse niya.
"Alright, alright you don't need to push me." At kusa na siyang lumapit sa sasakyan.
"I'm going," paalam niya at pinatunog na ang kanyang kotse.
"Sige. Magiingat ka," sabi ko at kinawayan siya.
Pumasok na siya sa loob ng sasakyan kaya tumalikod na ako at akmang papasok na ng apartment ng bigla niya akong tinawag.
"Babe!" habol niya sa akin at nilapitan.
Nagtataka ko naman siyang tinignan. Ano na naman kayang problema nito.
"I forgot something," sabi ni Kenj.
"Ano yu-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil mabilis niya akong hinalikan sa labi. Nabigla naman ako sa ginawa niya.
"Bye babe! I love you. Dream of me." Sabay kindat niya sa akin. Tumakbo siya sa kanyang kotse at agad itong pinaandar at tuluyan ng umalis.
Hindi na ako nakasagot at naestatwa naman ako sa aking kinatatayuan. Loko loko talaga iyon paano nalang kung may nakakita sa amin. Nakakahiya.

Chapter 2
CHAPTER 2: LEAVE
SHANBRI POV
Pumasok na ako sa loob ng apartment at ibinaba ang maliit kong bag sa sofa dito sa aking sala. Tama lang sa akin ang laki nitong apartment ako lang naman mag-isa pero kung minsan ay nag oovernight dito si Trish ang nag-iisang bestfriend ko. Hindi naman kasi ako palakaibigan masyado.
Kaibigan ko na si Trish simula college. Magkaklase kami at pareho rin kaming nag intern dati sa "KY VILLAMORS CORPORATION" ang pangalan ng company ni Kenj ang boyfriend ko. Ang full name kasi niya ay Kenji Yael Villamor sa kanya ipinangalan ang company ng parents niya at kalaunan ay ipinamana na sa kanya ito. Yael ang tawag sa kanya pero Kenj ang gusto kong itawag sa kanya kaya pumayag naman siya.
Uminom muna ako ng tubig bago pumasok sa kwarto ko at nahiga. Nakakapagod ang araw na ito pero masaya naman dahil kasama ko si Kenj.
Ipipikit ko na sana ang aking mata pero biglang tumunog ang cellphone ko.
Ang bilis naman atang makarating ni Kenj sa condo niya. Pagtataka ko at tinignan kung siya ang nagtext.
Lumaki naman ang mga mata ko nang mabasa ang text message. Hindi ito galing kay Kenj.
Unknown Number:
Alam ko na ang relasyon niyo ng anak ko. Meet me now. Let's talk. I will send you the address.
Yael's mom.
Kumalabog ang puso ko at nagulat sa nabasa.
Paano nalaman ng mama ni Kenj ang number ko imposible namang siya ang nagbigay at isa pa gabi na kaya bakit ngayon pa niya gustong makipagkita kung pwede namang bukas nalang.
Hindi ko maiwasang mapaisip. Kinakabahan ako, alam na ng mommy ni Kenj ang relasyon namin. Paano kung ayaw niya sa akin at kaya gusto niyang makipag kita sa akin ay paghihiwalayin na niya kami. Ooferran kaya niya ako ng pera katulad ng mga napapanood ko. Hays, kinakabahan talaga ako.
Tumunog ulit ang cellphone ko at tinext na ng mommy ni Kenj ang address kung saan kami magkikita.
Sa isang mamahaling restaurant ito ngunit sa palagay ko'y hindi rin naman kami makakakain mamaya.
Kahit nagdadalawang isip ay agad na akong gumayak papunta sa restaurant. Walang sinabing oras pero ayaw ko namang paghintayin ang mommy ni Kenj.
Pumara ako ng taxi at sumakay na. Sinabi ko sa driver ang address at agad naman niyang pinaandar ang taxi at tinahak ang daan patungo rito.
___
Pagpasok ko sa restaurant ay marami rami ang tao sa loob. Sa bagay oras din kasi ng dinner ngayon.
Kinakabahan naman ako baka kapag pinahiya ako dito ay maraming makakakita pag nagkataon.
Pinalis ko naman ang aking nasa isip at nagpalinga-linga sa loob para hanapin ang mommy ni Kenj.
Bigla namang may lumapit sa akin na empleyado sa restaurant at tinanong ako.
"Good evening ma'am. May reservation po ba kayo?" tanong nito.
"Ah wala eh. Pero kikitain ko dito si Mrs. Kara Villamor," pagbanggit ko sa pangalan ng mommy ni Kenj. Kilala ang mga Villamor kaya kung nandito man siya ay tiyak na malalaman agad ng mga empleyado.
"Kayo po ba si Miss Ramos?" tanong ulit niya.
"Ah opo, ako nga," magalang na sagot ko dito.
"Kanina pa po naghihintay si Mrs. Villamor. This way ma'am," at iginiya niya ako sa isang kwarto. Sa palagay ko'y isa itong VIP room.
Nakarating kami at agad na pinapasok ako sa loob at iniwan dito.
Kinakabahan naman akong pumasok at nakita ko si Mrs. Villamor na nakaupo sa mesa at umiinom ng wine. Sana naman hindi niya ibuhos sa akin yan mamaya hays.
Napabuntong hininga ako at dahan-dahan na lumapit sa mesa. Napansin naman niya ako at agad na tinignan mula ulo hanggang paa. May panunuya sa mga mata nito. Natakot naman ako lalo na sa kilay niya. Sa ayos palang nito ay halata mo nang mataray ito.
"Good evening po ma'am," panimulang bati ko at bahagyang yumuko bilang pag galang dito.
"So you're the girl. Sit down Miss Ramos right?" seryosong tanong nito sa akin. Pinawisan naman bigla ang mga kamay ko. Ganito talaga ako kapag kinakabahan.
"Yes ma'am ako nga po," magalang na sagot ko at umupo na.
Sumimsim ito sa kanyang wine at nagsalita.
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Alam kong girlfriend ka ng anak ko at kung ang akala niyo ay hindi ko alam ang mga pinag-gagagawa niyo ay nagkakamali ka. Noong una ay hinayaan ko na lamang kayo dahil baka naglalaro lang ang anak ko at magsasawa rin siya sayo. Pero tumagal na kayo at talaga nga namang palagi pa kayong nagkikita kahit alam mong busy ang anak ko!" mahaba at galit na tugon ng ginang.
"Alam ko pong busy siya pero nagkikita naman po kami kapag tapos na ang trabaho at kapag wala siyang pasok." Pahina na nang pahina ang boses ko.
"Walang pasok? Kelan pa eh ang alam ko ay walang pahinga ang anak ko sa trabaho at malalim na ang gabi kung ito ay umuwi at minsan pa nga ay sa opisina na siya natutulog. Ganun ka workaholic ang anak ko pero simula ng makilala ka niya ay nabawasan na ang oras nito sa trabaho at minsan pa nga ay hindi sumipot sa meeting dahil daw ay may sakit ka!" Napapasigaw na ang ginang.
Hindi ko alam na pati ito ay makakarating sa kanya. Noong may sakit kasi ako ay inalagaan ako ni Kenj. Ang sabi niya ay wala raw naman siyang gagawin sa opisina at naroon naman daw ang assistant niya.
"Hindi ko naman po al-" Hindi ko na natapos dahil sumabad na ang ginang.
"Hindi mo alam dahil wala ka talagang alam! Alam kong pera lang ang habol mo sa anak ko. Magkano ba ang kailangan mo at ako na ang magbibigay," mayabang na litanya nito.
Sinasabi ko na nga ba at mangyayari ito. Agad naman akong tumanggi.
"Hindi ko po kailangan ang pera niyo. Mahal ko po ang anak niyo ma'am." Naiiyak na ako.
"Mahal?! Pwes sinasabi ko sa iyo hindi ka mahal ng anak ko kaya makipaghiwalay ka na sa kanya!" Galit na galit na ang ginang at kita na ang ugat nito sa leeg.
"Ma'am hindi ko po magagawa yun. Mahal ko po ang anak niyo at alam ko pong mahal niya rin ako," Matigas kong sabi sa kanya. Sigurado akong mahal ako ni Kenj dahil yun ang pinaparamdam niya sa akin.
"Well, I guess kailangan ko ng sabihin sa iyo ang totoo," saad niya.
Kinabahan naman ako.
"A-ano pong t-totoo?" nauutal kong tanong sa ginang.
"My son is already engaged. He will going to marry his childhood sweetheart kaya kung ako sa iyo ay makipaghiwalay kana sa kanya dahil wala ka nang magagawa pa."
Bumagsak naman ang kanina ko pa pinipigilan na mga luha sa aking narinig.
"Hindi po totoo iyan. Wala pong sinasabi sa akin si Kenj," umiiyak na tugon ko.
"Ayan ang akala mo. Pinaibig ka lang ng anak ko dahil bored siya. Matagal na niyang mahal ang kababata niya at hinihintay niya lamang itong umuwi sa Pilipinas at dahil nandito na siya ay magpapakasal na sila kaya wag kanang mag-aksaya pa ng oras sa anak ko!" Ang mga huling tinuran ng ginang bago nilisan ang silid.
Naiwan naman akong tulala at patuloy na umaagos ang luha sa aking pisngi.

Chapter 3
CHAPTER 3: PAALAM, MAHAL KO
SHANBRI POV
Lumalalim na ang gabi at kanina pa ako narito sa park at nakaupo sa isang bench. Pagkatapos ng usapan namin ni Mrs. Villamor ay napadpad na ako dito.
Nakatulala lang ako at tila naubos na lahat ng aking luha dahil wala nang lumalabas sa aking mga mata.
Anong gagawin ko. Ayaw ko pang umuwi. Gusto ko sanang tawagan si Trish pero baka tulog na ito. Bukas ko nalang siguro sasabihin sa kanya ang tungkol sa nangyari kanina.
Nagpakawala ako ng malalalim na buntong hininga.
Talaga bang ikakasal na si Kenj? Paano na ako? Ang akala ko ay mahal niya ako. Tanong ko sa aking sarili. Napakasakit ng aking damdamin ngayon.
Siguro ay tama ang mama ni Kenj. Masamang impluwensiya lamang ako sa kanya. Dahil sa akin ay napapabayaan niya ang kanyang trabaho.
Baka ako pa ang maging dahilan ng pagbagsak niya lalo na pag nalaman ng mga tao na may relasyon siya sa hindi niya kapareho ng estado sa buhay at dati niya pa itong intern.
Ayokong madungisan ang pangalan ni Kenj. Alam kong pinaghirapan niya ang kanyang katayuan ngayon sa buhay. Ayokong maging kahihiyan sa kanya at isa pa, ayaw sa akin ng mama niya. Hahadlangan niya lamang kami at ayon dito ay ikakasal na raw si Kenj.
Mahirap kalabanin ang magulang kaya kung kami talaga para sa isa't-isa ay tadhana na ang bahala sa amin pero kung hindi naman ay maluwag kong tatanggapin ang aming kapalaran.
Sapat na sa akin ang mag-iisang taon naming pinagsamahan. Masaya ako na nakilala ko si Kenj.
Siya ang first love ko. Siya ang first kiss ko. Sa kanya ko unang naranasan ang magmahal at kung anong pakiramdam ng mahalin.
Dapat ay hindi muna ako nagdedesisyon dahil hindi ko pa naman alam kung totoo ang sinabi sa akin ng mama niya.
Pero paano kung totoo nga? Hindi naman siguro siya magsisinungaling sa akin.
Ayaw ko nang kay Kenj pa manggaling ang totoo. Mas lalo akong masasaktan kung sasabihin niya mismo sa mukha ko na hindi naman niya talaga ako mahal at ang totoo ay hinihintay niya lamang ang kanyang kababata para ito ay pakasalan.
Hindi imposible ito dahil playboy naman talaga si Kenj bago kami nagkakilala. Tanga lang siguro ako na naniwala akong kaya niyang magbago para sa akin.
Pinaramdam naman niya sa akin na mahal niya ako pero paano kung bored nga lang talaga siya kaya niya ako niligawan.
Hindi ko na alam kung ano talaga ang totoo. Dapat ko ba siyang kausapin? Pero natatakot akong malaman ang katotohanan.
Kahit nasasaktan ako ngayon ay hindi ko magawang magalit kay Kenj. Mahal na mahal ko siya at kaya kong magsakripisyo para sa kanya.
Huminga ako ng malalim at tumayo na. Nakapagdesisyon na ako. Pupuntahan ko si Kenj at sa huling pagkakataon ay gusto kong maramdaman niya na mahal ko siya.
Gusto kong magkaroon kami ng alaala sa isa't-isa bago kami maghiwalay.
___
Narito na ako sa harap ng pinto ng condo ni Kenj. Napakalakas ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung kakayanin ko ba ito pero buo na aking pasya.
Pinindot ko ang doorbell ngunit nakadalawang pindot na ako ay wala pang sumasagot.
Lalo akong kinakabahan at nanginginig na ang aking mga kamay at binti.
Hindi, kaya ko ito. Buo na ang desisyon ko. Pagpapalakas ko ng aking loob.
Alam kong padalos dalos ako pero mahal ko si Kenj at sana ay magustuhan niya ang aking gagawin.
Ito na ang ituturing kong regalo sa kanya sa aming nalalapit na anniversary.
Muli kong pinindot ang doorbell at sa pagkakataong ito ay bumukas ito at bumungad sa akin ang mukha ng lalaking pinakamamahal ko.
Pupungas pungas ang mga mata nito. Mukhang mahimbing na ang kanyang pagkakatulog.
"Babe? What are you doing here? Do you miss me? Kanina lamang ay magkasama tayo."
May sumilip na ngisi sa kanyang labi mukhang hindi niya talaga inaasahan ang aking pagdating.
Hindi naman kasi ako palaging pumupunta dito sa condo niya at ganoon din siya sa apartment ko.
Sa labas kami malimit magkita. Kahit patago ang aming relasyon ay naging kuntento naman kami ditong dalawa.
Hindi ko lamang sigurado ngayon kung totoo talaga ang kanyang mga ipinakita sa akin.
Hindi ko siya sinagot at walang sabi-sabing sinunggaban ko siya ng halik. Mukhang nabigla ito sa aking ginawa pero wala akong pakialam.
Ipinulupot ko ang aking braso sa kanyang leeg at tumingkayad at muli siyang siniil ng halik.
Hindi siya tumutugon kaya sandali kong pinakawalan ang kanyang mga labi.
Pareho kaming hinihingal sa nangyari.
"Babe..." Namamaos ang kanyang boses nung binigkas niya ang kanyang paboritong tawag sa akin.
May bahagyang pagtataka sa kanyang mga mata. Marahil ay nabibigla pa ito sa aking inaasta dahil hindi naman ako aggresibo dati sa kanya.
Hindi na ako nag-isip pa at sinabi na ang aking pakay.
"Kenj, I want you. I'm ready," mahinang usal ko kay Kenj.
Hindi niya ako pinipilit sa ganitong bagay dahil alam niyang wala pa akong karanasan pero gusto kong ibigay sa kanya ang aking sarili ngayon.
Mukhang naintindihan naman niya ang aking ibig sabihin at agad niya akong tinanong.
"Are you sure babe?" Nagdadalawang isip siguro siya sa gagawin pero buo na talaga ang aking pasya.
"Yes, Kenj. Please take me now," namamaos kong sagot sa kanya.
"Alright, don't regret this tomorrow," saad niya at agad na ginawaran niya ako ng maiinit na halik.
Palalim nang palalim ang aming halikan at naramdaman ko nalang na nakaangat na ang aking paa sa sahig.
Binuhat ako ni Kenj patungo sa kanyang kwarto.
Dahan-dahan niya akong pinahiga at muling hinalikan ang aking labi.
___
Pagmulat ng aking mga mata ay bumungad ang mukha ni Kenj sa akin. Nakayakap siya sa aking baywang at ang kanyang ulo ay nakahilig sa aking dibdib.
Muling nagbalik sa aking isipan ang mga nangyari kagabi.
Pareho kaming walang saplot ang katawan sa ilalim ng kumot.
Bigla ko naman naramdaman ang sakit sa aking gitna. Tama nga sila, masakit talaga kapag first time pero hindi ako nagsisisi dahil ginusto ko ito.
Muli kong pinagmasdan ang natutulog na si Kenj. Pinagsawa ko ang aking mga mata sa kanyang gwapong mukha.
Siguradong mamimiss ko ito at ngayon palang ay nalulungkot na ako.
Pinatakan ko ng halik ang kanyang noo.
"I love you Kenj. I'm sorry," bulong ko rito na alam ko namang hindi niya maririnig dahil mahimbing pa ang tulog nito.
Dahan-dahan akong tumayo upang hindi ko magising si Kenj at isa-isang pinulot ang aking mga damit na nasa sahig.
Isinuot ko ito at muling pinagmasdan ang mapayapang mukha ni Kenj.
"Buo na ang desisyon ko Kenj. Sana ay kahit papaano ay naging masaya ka sa ating relasyon." Mahina ang aking boses dahil ayaw kong magising si Kenj.
Tuluyan ko na siyang tinalikuran at agad na lumabas sa condo.
Doon na bumuhos ang aking mga luha.
Patuloy ang aking pagtakbo. Ayaw ko ng lumingon pa sa aking likuran dahil baka magbago pa ang aking isipan.
Agad akong pumara ng taxi at sinabi ang address ng parents ko.
Patawarin mo ako Kenj. Paalam mahal ko.