Browse stories

Owned By the Bad Boy

Language: fil

What if your brotherly love for your childhood best friend has turned into something... romantic? Na-hook agad si Penelope kay Iñigo dahil bukod sa iniligtas siya nito, umaapaw pa sa karisma ang binata. Gayunman, imbes na magpasalamat ay tinakbukan niya ito. Muli silang nagkita sa di inaasahang pagkakataon at ganoon na lamang ang pagkabigla niya nang madiskubre ang koneksyon nito sa kanya. Magmula nito'y unti-unti na rin niyang napapagtantong nagkakagusto na siya sa binata. Sinikap niyang pigilan ang umuusbong na damdamin bago pa nito sakupin ang buong kaisipan niya. Isa pa’y may…

Available chapters

  1. Chapter 1
  2. Chapter 2
  3. Chapter 3

Chapter 1

The old woman in elegant dress was smiling back at little Penelope, gayunman hindi niya nararamdaman ang sinseridad nito. She was even doubting to beam back at her.
“Sino ka? Bakit ikaw ang sumundo sa akin? Where’s Momma?” she asked in a weak voice.
“Don’t worry, sweetie. Parating na siya,” the woman replied. Tumabi siya sa bata at hinaplos ang buhok nitong naka-high ponytail. “Pero habang wala pa siya, can you behave for me? Dito ka lang sa room at laruin ang lahat ng gusto mo.” She scanned the vast room full of girly toys. “You will surely enjoy being here. Baka nga makalimutan mo na rin ang parents mo.”
Penelope’s eyes were a bit moist as she took a quick glance at the different kinds of dolls on the floor and then fixed her eyes back to the old lady. “They’re beautiful, but I want to see my momma first. I don’t want to be here. I… I don't even know you.”
Kanina lamang ay sabik siyang lumabas ng klase. Nangako kasi ang kanyang ina na mamamasyal sila sa mall, partikular sa paborito niyang playground na puno rin ng mga laruan kagaya ng kuwartong kinalalagyan niya ngayon. Ngunit imbes na ang kanyang ina ang bumungad ay ang babaeng katabi niya ngayon. She said she was sent by her momma to fetch her. Abala pa raw kasi ito sa opisina ngunit nangako naman na pupuntahan siya.
She didn’t want to go with this old lady. Ngunit bago pa man siya tumanggi kanina ay kinarga na siya nito. Her voice was very soothing while rubbing her back just to calm her down and convince her that nothing odd would happen.
The old lady heaved a deep exhale. Nakangiti pa rin ito ngunit tila hindi umaabot sa mga mata. “Sweetie, I said parating na ang mommy mo. Kaya gawin mo na lang ang sinabi ko, okay? Maglaro ka na lang muna rito,” she emphasized the last word and then stood while crossing her arms over her chest. Sa tindig nito at sa suot na corporate attire ay mukha talagang katiwa-tiwala. “This is your mommy’s fault. Dapat ay ipinakilala niya ako sa ‘yo para naman hindi ka naiilang sa akin,” nayayamot niyang bulong.
Penelope blinked like a baby doll. “Who are you?”
“You can call me Lola Helena.”
The little girl tilted her head. “Pero may lola na ako. Her name is Lola Dahlia.”
“Believe me, dearest. Lola mo rin dapat ako.” Muli siyang umupo sa tabi ng bata. Unti-unting naglaho ang pekeng ngiti sa kanyang mukha. “Kung hindi pinatay ng tatay mo ang anak ko, ako dapat ang lola mo!”
“P-pinatay?” Mabagal na rumihistro sa isip ng paslit ang salitang iyon. She knew that word of course. It sounded seriously negative to her pure mind. Dahil dito ay dahan-dahang ginapangan ng kalituhan ang makulay niyang isipan. Surely, the woman was only messing with her. Baka ibang tao ang tinutukoy nito at hindi ang kanyang ama.
The woman nodded. Bumigat ang paglapat ng mga kamay niya sa maliit na balikat ng bata. “Believe me, sweetie. That’s the truth. Your daddy is the most despicable being in this world. He is a monster!”
“M-monster?”

Pakiramdam ni Penelope ay bumabaliktad ang kanyang tiyan dahil sa pagsakit nito. Fear was gradually spreading throughout her veins like a poison, at hindi niya alam kung paano ito mapipigilan. She didn’t even know if it was due to the urge to pee or to vomit. Isang bagay ang sigurado niya—na hindi niya dapat kasama ang babaeng ito.
“I want to go home. Ayokong maglaro. I want to see my momma!”
Tuluyan nang ibinaba ng babae ang kanyang maskara. Namula ang mukha niya sa galit habang nanlilisik ang mga mata. “I said you stay here, brat! Mahirap bang intindihin ‘yon! Or talagang makulit ka lang at ayaw mong making sa mga nakatatanda sa ‘yo! ‘Yan ba ang itinuturo sa ‘yo ng malandi mong ina?”
Tears welled in Penelope’s eyes as her lips trembled in terror. Kailanman ay wala pang sumisigaw sa kanya, not even her teachers. Sa limang taon ng kanyang buhay ay pawang mga ngiti at pagmamahal ang pumapaligid sa kanya. She felt safe that way. Pero sa piling ng babaeng ito ay pakiramdam niya’y nasa pusod siya ng isang mapanganib at madilim na kakahuyan katulad ng mga nababasa niya sa fairytales. Ang tingin niya nga ngayon sa babaeng ito ay isang witch sa istorya ni Snow White. Gustuhin man niyang kumilos ay naninigas na ang maliit niyang katawan sa takot.
But then she startled as the door opened. Iniluwa niyon ang isang malaking pigura na nakasuot ng leather jacket. Hindi niya ito nakikilala dahil nakasuot ng mask. Ngunit ang bitbit nitong bata ay siguradong namumukhaan niya, bagaman may piring ang mga mata at tali ang bibig.
“Yigo!” she cried. “Yigo! Yigo!”
Inalis ng malaking lalaki ang piring at tali sa bibig ng batang lalaki. At ang una nitong tinitigan ay ang luhaang mukha ni Penelope. “P-Penpen?” the boy whispered and glared at the woman holding the little girl. “What do you want from us? Kapag nalaman ni Daddy na kinuha n’yo kami, he will send you to jail, you bad guys!”
“Shut up!” the old lady growled. Mayamaya’y sumenyas siya sa malaking lalaki. “Very good, Tank. Puwede na nating iwanan ang dalawang ito. Samahan mo ako at may ipapagawa pa ako sa ‘yo.”
“Yes, Madam.”

Pumapalag si Yigo ngunit sadyang malakas ang lalaki. Ano nga naman ang laban ng isang ten-year-old boy sa mga ganitong sitwasyon? “Bitiwan mo ako!”

“Sinabi mo, eh!”

Yigo groaned when the huge man threw him to the floor. Wala man siyang pilay, masakit pa rin sa mga kalamnan ang kanyang pagbagsak. He gritted his teeth as he turned his head over his shoulder. Sisigawan pa sana niya ang mga masasamang-loob ngunit sarado na ang pinto. Tanging silang dalawa na lang ni Penelope ang naroon sa silid.
Tumayo siya at hinawakan ang mga kamay ng batang babae. “Are you alright, Penpen? Sinaktan ka ba nila?” Hindi niya hinintay na sumagot ito at sinuri niya ang mukha nito at mga braso. He was relieved that the girl had no bruises. Mga tatak lang ng stars ang naroon sa balat nito tanda ng accomplishment sa klase.
“I’m… I’m scared, Yigo…” Penelope squeaked like a mouse as she cried silently.
Yigo was scared to the bones as well. Paglabas pa lang niya sa school at habang papunta sa parking lot kanina, isang malaking kamay ang tumakip sa kanyang bibig. The next thing he knew, nasa loob na siya ng isang van at pinaliligiran ng mga hindi kilalang lalaki. At bago pa man niya kabisaduhin ang pagmumukha ng mga ito ay pinirigan na siya.
He hugged Penelope ang kissed her hair. “Don’t worry, Penpen. Ililigtas nila tayo. Hindi papayag si Daddy na hindi tayo makita. At ipapakulong niya ang mga bad guys na ‘yon.” He cupped her face and gazed into her scared dark grey eyes. “I promise you, habang kasama mo ako, walang mangyayari sa ‘yo.”
That assurance was enough for Penelope to calm down temporarily. Wala siyang ideya sa panganib na kanilang kinakasangkutan, ngunit ramdam niyang hindi normal ang mga nangyayari. Gayunman, ang presensya ni Yigo ang nagpapalakas sa kanya ng loob.
They stayed silent for a couple of minutes more. Nakatulala lang sila sa mga laruan na naroon. Ngunit para kay Penelope, lahat ng mga bagay na iyon ay hindi ligtas hawakan. What if that huge teddy bear attacked her? Paano kung lihim pala silang tinititigan ng stuffed alligator na iyon at kainin sila na buhay? Penelope gulped hard.
Mayamaya’y halos mapatalon siya nang makarinig ng mga putok.
“What’s that, Yigo?”
The older boy shook his head, pero bigla siyang namutla. He knew exactly what that was about since he used to play videogames. “Hindi ko rin alam, Penpen. Pero huwag na lang natin pansinin,” he lied.
“O-okay…”

Nais sundin ni Penelope ang kababata, ngunit paano niya hindi mapapansin kung palakas ito nang palakas? Was it New Year’s Eve already? Bakit maraming putukan? Pero ang ingay sa labas ay hindi maihahambing sa bagong taon dahil mas nakababahala ang tunog nito lalo pa’t sinasabayan ng sigawan.

“Y-Yigo… I’m… I’m scared! Are we going to die?” She began to weep again. Naramdaman na lang niya na humigpit ang yakap ni Yigo sa kanya.

“Don’t be scared, Penpen. Hindi ba sabi ko, ligtas ka hangga’t narito ako?”
“What if they hurt us?”
“Hindi mangyayari ‘yon, Penpen. Darating si Daddy. Ililigtas nila tayo.”
Lalong lumakas ang putukan sa labas ng silid na iyon. It came to the point that the floor was even shaking due to the impact. Lalong lumakas ang pag-iyak ni Penelope. Dahil dito, tinakpan ni Yigo ang mga tainga ng batang babae. He was a bit shaking, too. Pero hindi siya maaaring bumigay. He needed to be strong. Siya na lamang kasi ang kinakapitan ng kanyang matalik na kaibigan sa mga panahong iyon.
And then…
They both froze like ice when the huge door swung open. Sa likod ng mga usok ay bumulaga ang malaking pigura ng isang lalaki. His appearance was like the older version of the boy, Yigo.
“Daddy!” Yigo gasped. Pero hindi niya ito nilalapitan dahil nanatili siyang kayakap ang batang babae.
Sumunod na pumasok ang isang lalaki na hinihingal pa. Isinuksok nito sa tagiliran ang hawak na armas, saka lumuhod sa sahig, arms wide opened. “Pennee!”
“Dada!” Penelope ran towards his father and jumped into the pair of huge arms. Sumubsob siya sa dibdib nito at humagulgol nang buo niyang lakas.
“Ligtas na kayo, Pennee. Huwag ka nang umiyak,” the man said tearfully.
“R-really?” she asked, sniffing. “But where is Lola Helena?”
Her father frowned at the way she called the old lady. Pero nginitian na lang niya ito at muling niyakap. “Pumunta siya sa mga pulis, Pennee. Kailangan niyang makipag-usap sa kanila,” aniya at tumingin naman kay Yigo na nakayakap sa baywang ng ama nito. “Salamat sa pag-aalaga mo sa anak ko, Iñigo.”

Chapter 2

Ten years later.

“Do you still remember your friend, Yigo?”
Natigilan sa pag-inom ng gatas si Pennee. She looked at her mother sitting across from her on the dining table. Ibinaba niya ang baso at nagpunas ng tissue sa bibig. “Yigo? Who’s Yigo?”
Nagtapunan ng tingin ang kanyang mga magulang. Of course, sa tagal ng panahon ay nakalimutan na ng dalagita ang kababata niya.
Ngunit noong umalis kasi sina Yigo dahil sa family business matters, nagkaroon ng night terrors si Pennee. Nati-triggered ito ng karanasang sinapit niya sa mga kidnaper noon. So, her worried parents sent a psychologist to treat her problems. Sa kabutihang palad ay naka-recover siya. At habang lumalaki ay unti-unti na ring nakalimutan ang mapait na nakaraan.
Her mother, Persy, shifted back to her and smiled. “Siya ang playmate mo noong five years old ka, Pennee. Anak siya ng Ninong Nolan mo.”
“Oh!” Tumaas ang mga kilay ni Pennee. “Really?”
“Ibig sabihin ba nito, naaalala mo na si Yigo?” tanong ng ama niyang si Ezekiel.
She smiled for a while before it faded. “Sorry, hindi pa po. Pero natatandaan ko si Ninong Nolan sa pangalan kasi nakasulat ‘yon sa mga ipinapadala niyang regalo tuwing birthday ko at Christmas.”
“Hey, hindi lang ikaw ang pinapadalhan nila. Ako rin kaya!”
Pennee narrowed her eyes. Bumaling siya sa katabi na nakangisi sa kanya. “Everybody knows that, Kiel. Pero hindi naman kasi ikaw ang tinatanong dito. Ako, right?”
The ten-year-old boy in his school uniform shrugged off. “I know. Pero kahit ako, hindi rin kilala ang Yigo na ‘yan. Sino ba siya, Mommy?”
Binitiwan ni Persy ang kanyang kubyertos. She was finished eating, anyway. “Hindi mo pa kilala ang tinutukoy ko, Kiel. Hindi ka pa ipinapanganak noong nag-abroad ang family niya. Pero ang ate mo, kalaro siya dati. Well, kalaro ng mga pinsan n’yo. Pero mas malapit siya sa ate mo.”
“If you don’t mind, Mommy, bakit tinatanong mo sa akin kung kilala ko pa siya?” Pennee asked.
“Two weeks ago, tinawagan ako ng Ninang Innah ninyo. Narito na raw sila sa Manila," Persy said, smiling. Lalo tuloy niyang nagiging kamukha ang anak na babae. She was the older version of Pennee, anyway. "...at tumawag ulit siya kanina. Sinabi niyang bibisita raw sila mamayang gabi!"
Pennee beamed in amazement. Hindi iyon dahil sabik siya na makita ang taong ni hindi nga niya alam kung nag-e-exist. Kaya siya natutuwa ay dahil personal na niyang makikita ang kanyang ninong at ninang. Ang totoo’y kilala lang niya ang mga ito dahil sa pangalan. But since they were arriving sooner, it meant more gifts would arrive too! Kaya nga bago siya pumasok sa school ay pipiliin na niya ang damit na isusuot nang sa gayon ay hindi siya magahol mamaya. The last thing she would want was to look haggard in front of them. She knew she didn’t look cute all the time, especially that she just got from a bloody battle—from a brain-draining exam, rather. At sa kasamaang-palad ay sasabak na naman siya sa ‘gera’ mamaya.
Pero naiintriga pa rin siya sa Yigo na iyon. Kailan pa siya nagkaroon ng kalarong lalaki? Ang natatandaan niya lang noong five years old siya ay ang kanyang mga pinsan na kinse anyos na rin katulad niya ngayon.
***
Nakagawian na ni Pennee na bago pumasok sa klase ay bumibisita muna siya sa isang opisina katabi ng faculty building. The office was actually called Students’ Help Club. It was a club she established last year when she was in grade nine. She was a student representative, anyway. At ngayong nasa grade ten na siya ay patuloy pa rin itong sinusuportahan. Thanks to her parents who were the major sponsors of the said club. At sila rin ang inspirasyon ni Pennee na tulungan ang mga kapwa niya estudyante. Afterall, they were the owners of the biggest charity institution in Manila—maybe in the whole country.
Opening the door, Pennee nodded and smiled at the man in button-down shirt sitting on the swivel chair. “Good morning, Sir Carlos.”

Umangat ang mukha ng matandang guro sa itaas ng monitor ng desktop computer nito. Nakangiti rin ito ngunit may bahagyang pagkagulat. “Good morning din, Penelope. Teka, bakit narito ka? May exam kayo, ‘di ba?”

“May forty-five minutes pa naman po ako, kaya okay lang na dumito muna ako. May kukunin din po kasi akong folder ng potential scholars kasi balak ko pong magpa-update ng list sa registrar’s office mamaya.”

“Ah, gano’n ba? Very well, madaragdagan na naman ang matutulungan ng parents mo. Talagang hulog sila ng langit sa Alta Gracia University,” he said proudly.

“Kayo rin naman po, Sir Carlos. Malaki po ang naitutulong ninyo dito sa club. Kung hindi dahil sa guidance ninyo, mahihirapan pong patakbuhin ang club na ‘to. Marami na po kayong natulungan in terms of moral support. Kayo po ang lagi nilang takbuhan kaya mahal nila kayo na parang pangalawang tatay.”

The guidance counselor smiled sadly. “You don’t need to thank me, hija. Trabaho ko naman ito. I hope, sana matulungan ko rin ang sarili kong…” He paused. Mayamaya’y huminga nang ubod-lalim. “By the way, nag-transfer pala ang anak ko rito. At baka maging classmate mo pa siya.”

Natigilan si Pennee sa pagbabasa ng papel habang nakaupo sa couch. “Talaga po, Sir? What’s her name?”

“She’s Scarlet,” maiksi nitong tugon at biglang yumuko.

“I’m excited to meet her,” Pennee whispered while skimming through the names on the paper. Batid niyang magkakasundo sila. She was thinking that Scarlet might be as kind as her father.

***

Habang naglalakad sa pasilyo ay patingin-tingin si Pennee sa kanyang relos. She only got eighteen minutes left. Kung maaari nga ay mag-teleport na siya papunta sa kanilang classroom upang hindi mahuli. Nagbilin pa naman ang kanilang guro kahapon na eksaktong alas-otso ay isasarado ang pinto. At ang maiwan sa labas ay awtomatikong gagawaran ng markang itlog. Her nerves were shivering in panic just by thinking of that.

“Palabasin n’yo ako rito!”

Pennee halted in front of the hallway leading to the comfort room. Sino ba naman ang hindi makakarinig sa umaalingawngaw na tinig na iyon? She looked around. Siya lang pala ang naroon dahil nasa kaniya-kaniyang mga klase na ang lahat. Lalo tuloy naninindig ang kanyang mga balahibo. She felt like committing a big sin upon being out of the class during an exam day.

“Maawa ako sa akin! May exam pa ako kaya buksan n’yo ang pinto!”

“At bakit ko naman gagawin ang sinasabi mo? Matapos mo akong tapunan ng juice? You ruined my blouse, kaya pagbabayaran mo ang ginawa mo!”

Hindi na nakatiis si Pennee at pumihit siya sa direksyon ng banyo. Doon ay nakita niyang nagsisitawanan ang isang grupo ng mga estudyante sa labas ng pinto. Tatlo sa kanila ay bahagyang pamilyar sa kanya dahil nakikita na niya ang mga ito mula pa noong grade seven. Pero ang isa sa kanila na mas matangkad, naka-clip ang bangs, at maraming suot na porselas, ang hindi niya talaga kilala.

Lumapit pa siya nang ilang metro. “Anong ginagawa n’yo diyan? Sinong nasa loob?”

Huminto sa tawanan ang grupo ng mga babae. As they lose the smile, they began shooting sharp stare at her that could slice the heavy air.

Lumapit ang babae na ngayon lang niya nakita. Crossing her arms over her chest, the girl stood in front of her, scanning her from head down to shoes. “Back off. Kung ayaw mong madamay dito.” Mahina ang tinig nito ngunit may diin.
“What?” Pennee raised a brow. Nang muling sumigaw ang tao sa loob ng banyo ay muli siyang naalerto. “Okay lang ba kayo? Nag-detain kayo ng babae sa loob ng banyo?”

“So?” the fierce girl asked in a higher tone. “May kasalanan siya sa akin. Nakikita mo naman, ‘di ba? Dinumihan niya ang blouse ko. Kaya kung ayaw mong pag-initan kita, umalis ka sa harapan ko!”

“Sinong tinakot mo? Bakit, ikaw ba ang may-ari ng school na ‘to para mang-harass ka?” Pennee snapped. Hindi niya pinansin ang pamumula ng mukha ng babae. Balewala rin sa kanya na sikuhin ito at hawiin na parang dayami ang tatlo pang babae na nakaharang. “Tumabi nga kayo!”

When she opened the door, the sight of a terrified girl welcomed her. Lalong nanikip ang kanyang dibdib dahil nalaman niyang kaklase pala niya ito.
“Sige na, Tala. Lumabas ka na.” She tipped her chin towards the corridor.

Napayakap ang kaklase niya sa kanya. "Oh, thank you, Pennee. Pero sabay na tayo!"

"Mauna ka na at kakausapin ko lang sila saglit," Pennee said while patting her classmate's back.

"S-sige. Bilisan mo lang, okay?" Matapos magpasalamat ay tumakbo palayo si Tala na tila may tinatakasang sunog.

Pennee, on the other hand, was still facing the comfort room as she approached the unfamiliar girl. “Siguro transferee ka rito, miss. Ngayon lang kasi kita nakita. Pero sorry, kailangan kitang dalhin sa guidance counselor. Hindi kasi uso sa school na ito na kapag may kagalit ay ikinukulong sa banyo."

“No way! At wala akong pakialam. Pero dahil pinakawalan mo siya, ikaw ang magbabayad sa kasalanan ng engot na ‘yon!”

“H-huh?”

Pennee was about to turn her head to the girl when suddenly, somebody pushed her into the comfort room. “Anong—” Pagharap niya sa pinto ay sarado na ito. “Hey!” She tried to twist the doorknob. Sa kasamaang palad ay kandado na ito. Biglang binalot ng takot ang kanyang puso.
"This can't be. May exam pa ako ngayon!"

Chapter 3

“Buksan n’yo ‘to!” Salitan ang mga braso ni Penelope sa pagpukpok sa makapal na pinto ng comfort room. “Ano ba! Hindi ako puwedeng magtagal dito. May exam pa ako kaya buksan n’yo ang pinto, pasaway kayo!”

Kung gaano katinis ang boses niya na halos pumunit na sa kanyang lalamunan ay ganoon naman kalakas ang tawanan ng mga babae sa kabilang bahagi ng pinto. Halata sa mga ito na nasisiyahan sa kanyang kalagayan.

“Huwag mong sabihin na hindi kita binalaan,” pahalakhak na sabi ng babae sa kabila. “I told you to get away, pero hindi ka nakinig. Nakialam ka pa rin kaya ‘yan ang napapala ng mga katulad mong masyadong pabida!”

Disturbing laughters vibrated through the door. Samantalang si Pennee naman ay napaatras nang ilang hakbang sa pinto. Mangiyak-ngiyak siyang sumulyap sa kanyang relos at lalong dumagundong ang kanyang puso nang makitang walong minuto na lang bago ang takdang oras ng kanyang klase—ng kanyang exam. Kung hindi niya ito makukuha, katapusan na niya. Mabuti sana kung maluwag ang kanilang professor. Ang problema’y isa ito sa pinakamabagsik na guro sa kanilang unibersidad.

What will I do? I am so dead! Hindi ako puwedeng bumagsak. Ano na lang ang sasabihin nina Mommy at Daddy?

Nagpahid siya ng mga luha at bumaling sa mga bintana. Tumakbo siya rito at dumungaw. She gulped hard. Ang mga bintana na lamang sana ang tanging lagusan palabas ng banyo, ngunit batid niyang hindi siya mabubuhay kapag doon dumaan dahil nasa 3rd floor sila.

Oh, Lord, please help me!

She sprinted back towards the door. Desperada na kung desperada, pero wala siyang ibang naisip kundi ang makiusap sa mga babaeng iyon na tila ipinaglihi ng kanilang mga magulang sa mga kontrabida sa telebisyon.

“O-okay… s-sorry na.” Dinig niya ang pagpiyok sa kanyang tinig. Kahit batid niyang nakakandado ito ay pinipihit pa rin niya ang doorknob. “Kasalanan ko na. Hindi ako dapat nakikialam sa inyo, kaya please… let me out of here.”

“Sorry is not enough, poor girl,” saad ng babae sa kabila. “You need to do something for me para patawarin kita. Is that okay with you?”

“At ano naman ‘yon?” Pennee squeaked like a mouse. Goodness gracious, hindi siya makapaniwala na sa pinakamahalagang araw ng kanyang buhay ay nakikipag-bargain siya sa isang witch! “Sabihin mo na, para makalabas na ako rito!” Muli siyang sumulyap sa kanyang orasan. Nanlaki ang kanyang mga mata nang mamataan na limang minuto na lang. Pikit-mata siyang napahampas sa pinto. “Fine, I’ll do anything you say. Basta palabasin n’yo na ako!”

“Open that door.”

Makailang beses na kumurap-kurap si Pennee nang makarinig ng ibang boses mula sa labas ng pinto. It wasn’t one of the girls. It wasn’t even a female voice. Buo at malalim ang tinig na iyon na wari’y sumasadsad sa lalamunan.

“Ang sabi ko, buksan ninyo ang pinto na ‘yan!” the male voice ordered. Lalong lumakas ang authority nito dahil sa timbre at diin.

“Eh, ‘di ikaw ang magbukas kung gusto mo!”

“Let’s go, Scarlet. Balikan na lang natin siya.”

“Oo nga. Tara na at baka tayo naman ang bumagsak!”

“Fine, let’s go!”

Dinig ni Pennee ang papalayong mga tinig na may bahid ng pagkataranta. Ilang saglit pa at napasinghap siya nang bumukas ang pinto. Inihayag nito ang isang matangkad na lalaki.

“Are you okay, miss?”

Dahil kapantay lamang ng kanyang mukha ang malapad nitong dibdib, dahan-dahang tumingala si Pennee. Ilang segundo rin siyang natulala dahil hindi maikakaila na may itsura ito—eyes were brown and gazed like a fierce warrior, hair was short and messy. His jawline was wide and strong. Nagkamali siya. Hindi lang ito may itsura kundi ubod nang guwapo. Parang isa ito sa mga modelo ng signature shirts na nakikita niya sa billboards.

“Why aren’t you speaking? Hindi ka naman siguro mute dahil narinig pa nga kitang sumisigaw kanina.”

Pennee blinked again, pulling herself back to reality. “H-huh?”

“Okay ka lang ba?” This time, the stranger guy didn’t wait for her to respond, dahil napansin nito ang namumulang mga palad ng dalagita. “Oh, no. Miss, I think we should go to the clinic. Namamaga ang mga kamay mo.”

W-what?” Dahan-dahang bumaba ang paningin ni Pennee sa magkahawak nilang mga kamay. Doon niya napansing namumula ang mga palad niya na tila kamatis. Gayunman, hindi siya nakakaramdam ng kirot dahil mas pansin niya ang pagkakalapat ng kanilang mga kamay. Her hands just fitted so right in his large hands.

“Come with me. Dadalhin kita sa clinic at baka may pilay na ang mga kamay mo. Ire-report ko na rin ang mga estudyanteng iyon na nang-goodtime sa’yo.”

Pennee gasped when the strange young man grabbed her arm. Doon din siya tila natauhan.

Clinic? Hindi. Kung may dapat akong puntahan ngayon, hindi iyon sa clinic kundi sa klase ko!

Nakakailang hakbang na sila palabas ng pasilyong iyon nang hilain ni Pennee ang braso sa lalaki. Dahil sa pagtataka ay kunot-noo itong napahinto at bumaling sa kanya. “Why did you stop? Hindi ka rin ba makalakad? Gusto mo bang kargahin na lang kita?”

“No!” Pennee cried as she stepped back.

“No? What do you mean no?”

Mabilis na umiling-iling ang dalagita. “I… I need to go!”

“Okay. But wait, what’s your name again?”

Pennee sprinted like a cheetah away from him. Goodness, three minutes na lang at katapusan na ng kanyang mundo! Pakiramdam niya’y may bomba na sasabog kapag hindi siya nakaabot sa takdang oras.

Fifty seconds left, at tanaw na niya ang kanilang classroom. Pero sa pagkakataong ito, mas mukhang finish line ng marathon ang tingin niya rito kaysa sa pinto nito.

Lalo pa niyang binilisan ang pagtakbo nang tumambad ang malaking pigura ng kanilang propesor. Natanaw na siya nito at pinanliliitan pa siya ng mga mata. Ngunit imbes na hintayin siya ay humawak na ito sa doorknob ng pinto upang isara ang classroom para sa pagsisimula ng exam.

“Ma’am, sandali po!”

“You are too early for the next class, Penelope Sanches.”

The next thing she knew, sarado na ang pinto ngunit nakaupo na rin siya sa kanyang puwesto. Abot-abot ang kanyang paghinga habang pinapahid ang butil-butil na pawis sa kanyang noo. Ngayon lang siya tumakbo na tila si Tasmanian Devil. Pero nagpapasalamat pa rin siya at nakaabot sa takdang oras.

Tumikhim ang guro at inilapag sa unang row ang bundle ng test papers. “Get one and pass to your left. Once na may papel na kayo, puwede nang sagutan ‘yan at bawal na magsalita, understood?”

Humihingal pa rin si Pennee nang kalabitin siya ng kanyang katabi. Nang lingunin siya nito ay iniaabot ang test questionnaire.

“Uy, saan ka ba nanggaling, Pennee? Bakit ang tagal mo, samantalang nakita kita na maaga namang pumasok, ah. Marami bang ipinagawa si Sir Carlos?” Pabulong ang pagkakatanong niya ngunit madiin.

Pasimpleng sumulyap si Pennee sa propesor, saka siya bumulong pabalik sa katabi. Inilapit pa niya ang mukha sa tainga nito. “Mahabang kuwento, Dolly. Mamaya ko na sasabihin sa ‘yo pagkatapos ng klase,” she whispered under her breath. Bumuka ang bibig ni Dolly upang magtanong pero inagapan niya ito nang magsenyas siya ng quiet, sabay, “Shhh…”

Marahang tumango na lang si Dolly at yumuko na rin sa sarili niyang papel.

Kahit ilang minuto na ang nakararaan ay mabilis pa rin ang tibok ng puso ni Pennee. Hindi ito dahil sa mga tanong sa exam. In fact, wala pa siyang nadaraanan na hindi niya alam sagutin. Ngunit tila ligalig pa rin siya hanggang ngayon ay dahil sumasagi pa rin sa isip niya ang nangyari kanina.

Paano na lang kung hindi ako nakaabot? Sino ba kasi ang babaeng iyon na napaka-bully? At sino naman ang lalaking iyon na nag-serve as superhero ko?

Tumigil sa huling katanungan ang kanyang atensyon. She was sorry because she walked away from him without thanking him properly, samantalang kung hindi dahil sa lalaking iyon ay hindi na siya makakapag-exam.

Sana ay makita ko pa siya. Pero paano? Hindi naman siya mukhang estudyante rito.

After solving the equation in the second page of her paper, saka nag-flash sa kanyang isipan ang suot ng lalaking nagligtas sa kanya. May logo ng Alta Gracia University ang polo nito. Pero kulay itim ang damit. So, it means… it means dito rin siya nag-aaral pero… pero nasa college na siya. Hindi siya maaaring magkamali, since his chest was the first thing she noticed. Naroon sa parteng iyon ang logo ng college department ng kanilang unibersidad.

Ano naman kaya ang ginagawa niya sa high school building? Nagkibit-balikat na lang siya sa sariling tanong. Ang mahalaga ay naroon ito sa pagkakataong kinakailangan niya. Ngunit hindi pa rin niya maiwasang mamangha sa itsura nito. Kahit seryoso ang mukha ay napakaguwapo. At kahit iyon ang unang beses nilang magkita, pakiramdam niya’y may koneksyon sila sa isa’t isa. He looked familiar. So familiar.

“Uy, Pennee, bakit ngumingiti ka riyan?” pabulong na tanong ni Dolly. “Ang hirap-hirap ng exam tapos masaya ka pa? Sana all, nadadalian.”

Pasimpleng kumiling si Pennee sa katabi. Her eyes were wide, cheeks were red. Hindi niya ma-imagine ang itsura niya habang iniisip ang lalaking iyon. Paniguradong mukha siyang tanga.

“Ano ka ba, ang hirap kaya ng exam,” aniya at mabilis na yumuko sa papel niya. Mahirap na kung mahuhuli sila ng propesor at mapalabas nang wala sa oras. Ayaw niyang mabalewala ang pagtatanggol sa kanya ng estrangherong tagapagligtas niya.

Ano ba ‘yan? Bakit hindi ko na siya makalimutan? She sighed and shook her head. Tila hirap na hirap siyang sagutan ang questionnaire. Pero ang totoo ay nagko-compute na siya ng solution sa ikatlong katanungan sa pangatlong pahina. Hanggang sa makalipas ang sampung minuto ay tumayo na siya upang ilapag sa mesa ng propesor ang kanyang papel.

“Finished na po ako, Ma’am.”

Pinahapyawan ng guro ang papel ni Pennee, saka tumango ito. Hindi na nabibigla ang kanilang propesor dahil kadalasan ay siya talaga ang isa sa mga unang nagpapasa ng papel.

“Good. Sige, you may get back to your seat. Pero hindi ka pa rin puwedeng magsalita at humawak ng cellphone,” paalala nito at inayos ang makapal na salamin.

“Okay po. Excuse me po, Ma’am.” Tumango siya sa guro at bumalik na sa kanyang upuan.

Tatapik-tapik lang siya sa kanyang desk habang naghihintay ng oras. Ramdam niyang sumusulyap sa kanya si Dolly ngunit hindi niya ito nililingon, hindi dahil sa ayaw niyang pagsuspetsahan sila ng guro, kundi naglalaro pa rin sa isipan niya ang imahen ng lalaking iyon.

Naroon pa rin kaya siya? aniya sa sarili habang ang kanyang mga daliri ay patuloy sa pagtapik sa kanyang desk, animo’y may invincible na piano na nakapatong sa kanyang desk at kanyang tinutugtog. Imposible. Hindi naman siya tatayo sa tapat ng banyo habambuhay. I’m sure, wala na siya ro’n.

Nang tumunog ang bell at lumabas ang guro ay saka nakahinga nang maluwag si Pennee. Sa wakas ay nakaraos siya sa huling exam. Makakauwi na rin siya nang maaga at maghahanda para sa pagdating ng kanyang ninong at ninang. She was thrilled to imagine the gifts they were about to give her.

Akmang tatayo siya nang tapikin ni Dolly ang balikat niya. “Uy, sandali, Pennee. May utang ka pa sa ‘kin.”

She tilted her head and frowned. “Kailan ako umutang sa ‘yo?”

Natatawang inilapit pa lalo ni Dolly ang upuan niya kay Pennee. “‘Yong mahabang kuwento na binanggit mo kanina, nakalimutan mo na ba?”

Pennee pressed her lips tight together. Then she laughed awkwardly. “Naalala mo pa pala ‘yon?”

“Oo kaya. Nakakaintriga ka kasi,” ani Dolly at inilapit na ang mukha sa kanya. Sa sobrang lapit ay mabibilang na ni Pennee lahat ng mga nunal nito sa noo at pisngi. “So, ano na? Bakit na-late ka na parang hinabol ng aso? Ano ba talaga ang nangyari kanina.”

Pennee blinked twice and said, “May nagkulong sa akin sa banyo.”

Dolly’s jaw dropped. “Wait, what? Sino’ng nagkulong sa ‘yo? Bakit? At paano ka nakalabas?”

Sasagot na sana si Pennee nang biglang may bumato sa kanyang ulo. Hindi ito masakit dahil nilamukos na papel lang. Ngunit namula pa rin siya sa pagkairita. Why would someone do that inside their class?

Mabilis niyang pinulot ang bola ng papel sa sahig at tumayo sa kanyang kinauupuan. “Okay, sino ang bumato sa akin?” mahinahon niyang tanong habang iginagala ang paningin sa klase. Ang iba sa mga ito ay nakalabas na ng silid pero may mga naiwan pa rin dahil abala sa pakikipagkuwentuhan. Ang iba nga’y napalingon pa sa kanya.

“Sinong bumato sa akin? Hindi ba kayo marunong magtapon sa trashcan?”

“Ako. May problema ba?”

Pennee glanced over her shoulder towards the source of the response. Ilang segundo niyang tinitigan ang grupo ng mga babae na nakaupo sa dulong row. Nang makilala niya’y nabitiwan pa ang hawak na bola ng papel. “I-ikaw?”

Nagpalipat-lipat ang paningin ni Dolly kay Pennee at sa mga babaeng nagtatawanan sa huling helera ng mga upuan. “Kilala mo na pala siya, Pennee? Bagong transfer siya rito. At sabi ni Ma’am, anak daw siya ng guidance counselor, si Sir Carlos.”

Pennee raised her head and took a deep breath. “Oo, kilala ko siya. Siya lang naman ang nagkulong sa akin sa banyo.”