Browse stories

Eyes Of Destiny

Language: fil

Naging inosente ka na ba minsan pagdating sa pag-ibig? Minsan ba sa buhay mo, naranasan mo nang umibig nang walang kasiguraduhan? Dahil sa salitang 'pag-ibig' ay wala kang kaalam alam? Kadalasan nating nararamdaman ang matinding pag-ibig kapag ito'y unang beses sa ating pandama. Ngunit 'di natin minsan inaasahan na ang unang beses na sarap sa pakiramdam na ito ay mapapalitan ng pait at pagsisisi sa dulo. Hindi nga naman natin alam ang hinaharap 'ika nga. Hindi natin alam na lahat ay pwedeng mangyari kahit sa loob lamang ng maikling panahon. Ang dating saya ay pwedeng mapalitan ng…

Available chapters

  1. Chapter 1
  2. Chapter 2
  3. Chapter 3

Chapter 1

It's already five in the afternoon when I arrived here in Seoul South Korea. People in the airport, was automatically moved their eyes on me when my feet landed in their country. They ran to my direction, trying to approach me but good thing that I have ten body guards to block them.

A small smile plastered on my lips as I walked. Cameras and recorders was all focus on me. Hindi nalang ako magugulat kung marami na namang mga litrato ang kumalat mamaya sa social media tungkol sa arrival ko.

It took a half of hour before we finally reached our van. It's really hard to pass the paparazzi and fans that trying to approach me.

Nang makasakay sa Van ay doon na ako nakaramdam ng pagod. We went straight to the hotel that my manager booked yesterday for us. I have ten body guards and one personal assistant to accompany me. My manager was already arrived yesterday and was on the booked hotel now.

My phone vibrate and I immediately get it on my bag. I smiled when I read his name on the screen.

"Hello?" I answered.

"Hi. You already arrived?"

"Yeah, a half of hour from now."

"I see. I just called to get an update from you. Well, it seems that you're tired."

Napangiti ako kahit 'di niya naman nakikita. "Yeah haha. I didn't expect a lot of people and paparazzi on the airport when I arrived. It's kinda hard to get out of there."

I heard him smoothly laugh.  "You must not forget that you're in a spotlight now. Everything you does and everywhere you go, they'll always blocking your way to approach you."

"Yeah haha. Mahirap pala pag-sikat."

We didn't talk that much. He forbid a goodbye before he hang up. Sakto namang huminto ang sasakyan, tanda na nasa harap ng kami ng hotel. The one of my guards opened the door for me and I fight the urge to gasp when I first saw the big cameras pointing in my direction. I can also see the big banners with my name on it as the people screams on my name.

Geez, I'm not informed on this! We hide it actually from the netizens that today is my arrival but it didn't worked as what I seeing now. Oh well, I should used to this.

In my five years on this industry, I still amazed and shocked at the same time whenever I go out and people come near me to approach me.

I slightly tilt my head. I can feel a lot of eyes on me. It can make me feel anxious but I can manage it now. Unlike on my first time.

Hindi na nakasunod pa papasok ang mga tao nang makarating ako sa loob ng hotel. The hotel guards blocked them saying that they are not allowed inside. I can see sadness in their face but I fight the urge to approach them all. I'm once at their position. I'm once a fan after all.

My manager approached me wearing his apologetic smile on his face. His name is Danico. Danico in the morning and Danica in the night. He's a gay but I trust him. He's my manager for four years from now. He became a friend of mine as the time passed by.

"Sorry, I didn't informed you." bungad niya.

"No, it's okay." I answered as I smiled at him. "What's the number of my hotel room, by the way?"

"Uh, 36th floor. Room 201."

We didn't talked as we walked towards the elevator. Silence still our ambiance as we reached our floor.

"Rest well, Salve." Danico said.

"Yeah, ikaw rin—kayo rin. Hana, rest well okay? We'll surely busy tomorrow." kausap ko sa assistant ko.

She just giggle and wink at me. "Sure, madam! Kayo rin!"

I just nod at them before I entered my room. Hana is my personal assistant for two years. I thought that I don't need one but I suddenly realized that it's really hard for me to fixed my things on my own especially when I'm on a rush.

I took my heels off before I jump on the bed. I reached my bag that I put beside me and get my phone. I opened my messenger and request a video call for Leean.

"What the—IDOOOOOL!!!"

I immediately turn the volume down as I heard her screams, teasing me. Uh, this brat.

"The hell Leean?! You're too loud!"

I reached my ear phones on my bag and put it in on my ears.

"Sesh, don't the hell the hell me ah! Baka makalimutan kong sikat kang bruha ka!" I can see her wearing her white uniform which is suits her well.

"Whatever. Anyway, may duty ka?" I asked. Dumapa ako sa kama.

"Mamayang seven pa, actually."

"Seven pa? Eh six palang ah? Bihis na bihis kana d'yan!"

She just rolled her eyes on me. "Duh! 'Wag ako Salve ha?! I have plans!"

Mahina akong natawa. "Oh? May date kayo ni Jade? Na naka-uniform ka?"

"Shut up! Nagkasundo kami na maagang pumasok para magkasama kami! Parehas kasi ang oras ng duty namin!"

Napailing nalang ako. I can see happiness in her eyes. I can't believe na umabot sila nang ganito katagal ng bi niyang partner. I thought that  their relationship back then was  temporarily just what like they said, but they still into each other now. And take note, happily.

I sighed. I'm actually proud at them. They are now in taking the same path together. Leean was now on her last year in med school, while Jade is following her. What a perfect relationship.

"I see." nasabi ko nalang. She was about to put a lip gloss on her lips when she immediately put it back.

"I remember, day off pala ngayon ni Camille! Wait, invite natin!" then she tapped something on her phone.

It took minutes before the latter accept the request video call.

"Istorbo!" agad na bungad niya sa amin. She's wearing an eye glasses with her sleppy eyes throw on the screen on her phone.

"Gaga! Tulog ka tapos naka-open ang data mo! Ikaw na maraming load!" Leean hissed to her as she continues putting lip gloss on her lips.

"Gaga ka rin natulugan ko eh! Oh? Bakit? Anong kailangan mong bruha ka't nang-iistorbo ka?!"

I just stay silent.

"Wala naman! Na-miss kalang namin—ano, may angal?! Bruhang 'to, career na career ang pagiging writer!"

"Pake mo! Kumikita ako dito eh!"

I laughed. Nangunot ang noo ni Camille nang marinig ang pagtawa ko. Until her eyes slowly big and a small 'o' formed on her mouth.

I laughed. "Camille-ssi annyeong!" I even waved my right hand on her.

"Anak ng...Kwagooooo!!!"

Napasimangot ako. "Don't call me that!"

"Hoy! Ilang buwan na tayong 'di nagkikita ah! Marami ka nang i-ku-kuwento sa akin! Bruha ka!"

I laughed. "I miss you too!"

Nakita kong ngumisi ito. "Nice. Balita ko nasa Korea ka? At may gaganapin kang shooting d'yan?"

"Yeah, one week ako dito, I guess."

"Pasalubong namin ah?" Leean shouted.

"Oo nga, pasalubong namin! Kahit si Jimin nalang ang dalhin mo para sa 'kin." patukoy niya sa K-pop Idol.

"Gaga! 'Di ko mababalot 'yun 'no!"

"Edi bitbitin mo nalang!"

"Whatever!"

"Grabe, Salve! Astig ng mga stolen shots mo sa airport at sa harap ng hotel oh!" singit ni Leean.

Itinapat niya ang isa pa niyang cellphone sa harap namin. I gasped when I saw my stolen pictures!

"Kalat na agad!"

"Oh My—ang pangit ko do'n!"

My pictures was all stolen! There was a photo that I'm walking in the airport and when I entered the van. Even in the front of the hotel I have pictures!

"Why seemed so schock, bebs? Seriously? You've been like that for five years! You should used to it!" Camille said.

"I just can't believe it." naiiling na sagot ko.

We just talked and laugh in an hour. After that call, we forbid a goodbye to each other and promised to call again when we get some time.

I yawn. I think, I'm having a jetlag now. I was about to close my eyes when my phone beeped. I lazily get it on my side.

It's an unregistered number. I frowned when I read the message.

From: 09*********

You can't escape me. We're just getting started, honey. See you tomorrow.

That's the message. I'm trying so hard to figure where's the message came from but my head is just like a wheel, spinning like a hell. I feel dizzy, hell.

My phone vibrate again and as I checked the message, I can feel my world stop.

From: 09*********

It's me, Jin.

I immediately put down my phone. I stared at the wall blankly. I can feel nothing. But my mind keep thinking the past that makes me irritated.

Oh, that brat.

Chapter 2

"Ate may tumatawag!" boses iyon ni Aldrin, nakababata kong kapatid.

"Ate ano ba?!" tignan mo 'to, makasigaw wagas.

Agad akong bumaba at kinuha ang cellphone kong naiwan ko nga pala sa ibabaw ng mesa sa kusina.

"Nakakairita ang ring tone mo," aniya nang makababa ako.

"Pake mo?" umirap lang ang tukmol at naglakad pataas.

"Hello?"

"Naligo kana?" nakagat ko ang pang ibabang labi ko dahil sa bungad ni Camille, kaibigan ko.

"H-hindi pa hehe,"

"Ano ba 'yan! Bilisan mo, papunta na 'ko." pagkatapos ay pinatay niya na ang tawag.

Agad naman akong umakyat papunta sa kwarto ko at naligo. Maya maya pa'y narinig ko na naman ang boses ni Aldrin.

"Hoy Ate! Nandito na si Camille!"

Kung ilalarawan ko si Aldrin, isa siyang batang walang modo at palaging pinag sukluban ng langit kung umasta. Walang araw na hindi nagkakaroon ng digmaan sa pagitan namin.

"Hoy Ate—"

"SANDALE!!!"

Ang lakas niya talagang makasira ng umaga!

Nang matapos kong ayusin ang aking sarili ay agad akong bumaba. Wala si Camille sa sala kaya malamang ay nasa labas siya ng gate naghihintay.

"Ma, una na 'ko!" sigaw ko sa labas ng bahay.

"'Di ka rinig no'n lol!"

"Langyaka, lumayas ka na nga!" inis na sabi ko kay Aldrin bago buksan ang gate.

Sa aming dalawa ako palagi ang talo. Nakakairita lang!

"Aga aga ang lakas ng boses mo," puna ni Camille bago ako sumakay sa likod niya.

"Lakas makapanira ng araw e,"

Sa aming tatlong magkakaibigan ay si Camille ang matanda kaya siya ang may kakayahang makapag pundar ng sasakyan kagaya nitong motor. Kaming dalawa naman ni Leean ay pawang mga minor pa. Next year pa ang legality age namin.

Kung tutuusin ay pwede naman akong mag bike ang kaso ay ayaw nila Mama. Takaw disgrasya daw kasi ang cute na si ako. Kaya ang ending ay si Aldrin lang ang binilhan.

Ediwao.

Sa may bukana ng village ang bahay nila Leean, palabas, kaya siya ang huli naming susunduin. Parang ano kasi 'yan e, nasa unahan sila Leean, sa bandang gitna naman ako at sa bandang huli naman sila Camille. Ang astig lang ng arrangement ng mga bahay namin hehe.

Malayo palang ay tanaw na namin si Leean na nakaupo sa may waiting shed at mukhang inip na inip na. Pero hindi halata kasi syempre maganda siya.

Sanaol maganda..

"Ang tagal niyo naman!" bumusangot ang maganda niyang mukha bago lumapit sa gawi namin. Bumaba muna ako dahil sa gitna ang pwesto niya.

"Itanong mo d'yan sa isa! Ang tagal kumilos!"

"Sorry naman, tao lang." natatawang ani ko. Nang umandar ang motor ay daldalan na kami nang daldalan at usually, topic namin ang BTS.

"Alam niyo bang ang gwapo gwapo ni Jungkook do'n?! My god! Pakisakal ako please hahaha!" sigaw ko para marinig nila.

"Oo na gwapo pero mas hot do'n si Jimin 'no?! Ideal man talaga!" banat naman ni Camille.

Hanggang sa makarating kami sa parkingan ng mga sasakyan sa school at daldalan pa rin kami ng daldalan.

"Balita ko nga maraming transferee ngayon eh!" nagulat naman ako sa sinabing 'yon ni Leean.

"Ha? Eh dalawang linggo nang nagsisimula ang klase ah?" dalawang linggo nang nagsisimula ang klase at pangatlo na ngayon kaya bakit may transferee pa? Pa-special lang? VIP?

"Aba malay ko! Balita ko may mga kapit kaya madaling nakapasok." muling saysay ni Leean.

"Eh saan ka naman nakabalita? Chismosa ka na ngayon ah?" napaiwas ng tingin si Leean sa simabing iyon ni Camille.

Totoo naman kasing hindi chismosa si Leean. Kami palagi ang tiga hatid ng mga balita sa kaniya kaya nagtataka rin ako kung saan siya nakasagap.

"N-narinig ko lang, ba't ba?"

"Haha narinig nga ba?" halos sabay pa kami ni Camille. Inirapan niya lang kami at nauna na siyang naglakad papasok.

Nang makarating kami sa loob ng room ay wala pa rin ang prof kaya umupo na kami sa kaniya kaniya naming pwesto.

Minuto ang lumipas ay natanaw na namin ang cool naming advicer na si Sir Richard. Babatiin sana namin siya kaso nagulat kami nang biglang pumasok ang Dean I principal kasunod niya kaya napayuko agad kami.

"Good morning Dean!" sabay sabay naming bati.

Nang mag-angat ako ng tingin ay...

OMG!!

Syet, ang gandang tanawin!

Nang mag angat ako ng tingin ay isang pares ng kulay tsokolateng mata ang tumambad sa 'kin. Nakatingin din ito sa 'kin na parang sinusuri ang mukha ko o mas tamang sabihing sa mata ko lang.

Grabe naman, ngayon lang ba siya nakakita ng ganitong size ng mga mata?

Medyo may kalakihan kasi ang mata ko pero bumawi naman sa pilik mata at kilay. Oh 'di ba? Hehe.

Naputol lang ang makapigil hininga naming titigan nang magsalita si Dean.

"Good morning too students. Ahm, I'm here to remind you our upcoming event which is the Sports Fest."

Naghiyawan naman ang mga kaklase ko pero nakatuon lang ang paningin ko sa lalaking nakatayo katabi ng Dean.

Matangkad.

Maputi.

Matangos ang ilong.

Magandang uri ng mga mata.

'Yung buhok niya parang hindi niya ginugupitan dahil messy ito pero syet lang ang hot niya sa part na 'yun!

Tapos 'y-yung lips niya...ang pula! OMG daig pa ang aken!!

"Listen, I'm expecting your full participation and cooperation, is it clear?"

"Yes Dean!" sagot naman ng klase.

"Oh, anyways, this man standing beside me is my nephew. Kyler Jin Caloste."

Kyler Jin...

Ang hot ng pangalan niya hehe..

" Good morning.."

Ang lamig at ang lalim ng boses niya, shocks! Parang koreano lang!

Feeling ko nanlamig ang kalamnan ko nang magtama na naman ang mga mata namin. Nag iwas ako ng tingin pero agad ko ding ibinalik pero syet lang, nakatingin pa rin siya sa 'kin!

Para akong sasabog, mabuti nalang at nagpaalam na si Dean kaya naputol ang makapigil hininga naming titigan.

Para akong nabunutan dun, jusko!

Nagsimula ang klase at para lang akong nakalitaw sa ere sa kaiisip sa nangyari kanina.

Nakipagtitigan ba talaga ako?

Pero syet lang, brown ba talaga ang mga mata niya?!

Hays, para tuloy akong ewan sa kakaisip. Pero ano ba talaga ang problema no'n? Kung makatitig eh parang pinag-aaralan ang mata ko.

Hanggang sa mag break na ay wala akong may naintindihan sa mga lectures. Naglalakad kami ngayong tatlo papunta sa cafeteria at nang makaupo kami ay si Camille ang unang nagsalita.

"Hoy, Salve! Ano 'yung kanina ha? Nakita ko 'yon!"

"Ako rin, nakita ko! Grabe ang eksena ah?" sabat ni Leean.

Hindi ako nakasagot kasi maging ako ay hindi rin alam kung bakit gano'n ang eksena namin nong Kyler kanina.

"Hoy Gondaya!"

"A-ano?"

"Hala, nasapul kana agad ni Kupido?" tanong ni Camille na ikinataka ko. Minsan kasi itong si Camille, maraming hugot sa buhay na pati mga malalalim na salita ay nauungkat. Pati ako nahawa na sa 'nauungkat' na 'yan eh!

"Baka na-love at first sight na 'yan. Magkano pusta mo?" tanong ni Leean.

Ano daw? Love at first sight?! Engot, ako? Baka nga..

"Isang libo sa 'kin. Sigurado akong isang buwan pa bago siya ma-notice."

"Isang libo din akin pero hula ko mga isang linggo lang 'yan. Magtiwala lang tayo sa karisma ng Gondaya."

"Mga walangya kayo! Pinagpustahan niyo pa talaga ako ha?!" tumawa lang ang mga tukmol.

"'Wag mo kaming intindihin! Ang intindihin mo, kung paano ka mapapansin ni—ano nga bang name no'n?"

"Kyler Jin Caloste," agad kong sagot na ikina-OA ng dalawa.

"Naks, tinamaan talaga oh!"

"Tumigil nga kayo!" tinawanan lang nila ako. Silang dalawa ang nagtungo sa counter kaya naiwan akong mag-isa sa table.

'Yung feeling na parang may nakamasid sa 'yo? Nararamdaman ko 'yan ngayon eh. Pasimple kong nilibot ang paningin ko at sa kabilang side ng cafeteria nakita ko si Joshua na kumaway pa sa 'kin. Ngumiti naman agad ako sa kaniya. Naglakad siya palapit sa gawi ko bitbit ang tray ng pagkain niya.

"Hi," bati niya.

"Para kang tanga haha!" Paano kasi ang pormal niya masyado, parang hindi loko loko.

"Naka-order kana?" tanong niya at naupo sa pwesto ni Leean, kaharap ko.

"Oo, ando'n kela Camille." tumango naman siya.

Napaiwas ako ng tingin dahil nakatingin lang siya sa 'kin habang nakangiti. Creepy.

"Itigil mo nga 'yan! Naiilang ako!"

"Bakit parang..."

"Parang?"

"Mas lumalaki ang mga mata mo?"

"Walang hiya! Umalis ka nga sa harap ko!"

Buyset na 'to.

"Joke lang haha! Okay lang 'yan, maganda naman pilikmata at kilay mo eh."

"Wala akong barya kung mambuburaot ka Hermodo!" kunyareng inis na sabi ko.

"Grabe ka naman. Pinupuri ka na nga't lahat madamot ka pa rin." napairap nalang ako.

"Hoy, pwesto ko 'yan! Alis!" bugaw ni Leean sa kaniya na sinabayan pa ng pagwasiwas ng kamay na animo'y langaw.

"Hindi ako langaw, gagi 'to." umalis siya sa upuan ni Leean at nanghatak ng iba.

"Anong kailangan mo Hermodo?" tanong ni Camille.

"Grabe ka naman sa 'kin! Hindi ba pwedeng lumapit kahit walang kailangan?"

"Hindi,"

Nagsimula na kaming kumain. Sa bawat pagsubo ko ay naiilang ako dahil panay ang tingin sa 'kin ni Joshua. Isa nalang talaga bibigwasan ko na 'to eh!

"Itigil mo nga kakatingin mo sa 'kin Joshua! Nakakailang ka eh!" 

"Witwiw!" tinignan ko nang masama si Camille dahil sa nang-aasar na tingin niya sa 'kin.

"Feeling mo naman!" umirap lang ako sa kaniya at nagpatuloy sa pagkain.

Nang matapos kaming mag break ay agad na kaming bumalik sa room namin. Agad din namang nagpaalam si Joshua. Ka batch lang din namin siya pero nasa ibang major siya.

Wala namang may nangyaring interesente sa buong tanghaling lumipas. Nag-klase lang kami pagkatapos nag lunch. Sumabay din sa 'min si Joshua.

"Ate Camille!" napatingin kami sa pinto ng room nang may pumasok na babaeng sa hula ko ay first year.

"Bakit?"

"Pinapatawag po kayo sa SSC office!"

"Ahsge, thanks!"

Tumayo si Camille at Leean sa kinauupuan nila at sinukbit ang bag sa balikat.

"Oh, pa'no ba 'yan Salve? Una na muna kami. 'Wag kang uuwi hangga't hindi pa kami dumadating ha? Tatamaan ka talaga sa 'kin. Marami pa namang tarantado d'yan sa kalsada—"

"Aish! Umalis ka na nga! Nanenermon ka pa eh!" kunyaring inis na sabi ko.

"Aba, sumasagot kana ah? Kaya mo na bang pakainin ang sarili mo ha, Gondaya?" namewang pa ang bruha.

"Pfft para kang tanga!" nagtawanan ang iba naming mga kaklase kaya natatawa rin ako. Minsan kasi parang timang 'tong si Camille eh.

"Halika na nga, para kang abnoy d'yan!" inis na sabi ni Leean at nauna nang maglakad palabas. Kung natatakot ako kay Camille pag naiinis, mas lalo naman kay Leean! Aba, nakakatakot kaya magalit 'yun kaya agad na sumunod si Camille sa kaniya.

Nang magsimula ang klase sa hapon ay ibinalita sa 'min ang isang balitang nagpa badtrip sa 'kin.

Get your clubs now..

Kelangang may mapili na kaming club ngayon. As in ngayon na! Wala kaming pasok hanggang mamayang 5 dahil ilalaan daw 'yun para sa clubbings.

Kairita naman oh!

Mayroon naman akong choice kaso lang parang ayuko talaga! Pero may magagawa pa ba ang cute na katulad ko? Kaya ngayon, naglalakad ako papunta sa music club room.

Pipihitin ko palang sana ang door knob nang biglang may nagsalitang tao sa likod ko.

"Just as I thought."

"Ano?"

"I expected na dito ka talaga pupunta." nakangiting aniya.

"As if naman kasi may choice ako." medyo inis na sabi ko. Tuluyan ko nang binuksan ang pinto at nakasunod naman sa 'kin si Joshua habang naglalakad ako papasok.

Mm, malawak. Nasabi ko sa isip ko nang tuluyan na akong makapasok sa loob.
May mangilan ngilan na ding mga estudyante sa loob at naniningin tingin sa mga instruments na naka set up sa iba't ibang bahagi ng kwarto. May mini stage din sa unahan, para siguro sa auditions. Pero kapansin pansin ang isang desk na nasa baba ng stage. Bukod tangi ito syempre dahil ito lang naman ang nakikita kong desk dito. Puro kasi mga upuan ang nakalagay at karamihan ay may nakatapat na instrumento.

Umupo kami ni Joshua sa tapat ng naka set na iba ibang klase ng mga gitara. Magaganda ang uri ng mga gitara at halatang mamahalin. Parang ang hirap hawakan.

Maya maya lang ay may mangilan ngilan nang pumapasok pero kapansin pansin ang hagikhikan nila na animo'y kinikilig. Tsk, nevermind.

Nang mapatingin ako sa gawi ng pinto ay para akong natulala at napunta sa dulo solar system. Tumama ang paningin ko sa mala tsokolateng mga mata at hindi ito maalis doon. Heto na naman ang sistema kong parang natatarantang ewan. Para akong magkakaroon ng kombulsyon!

Masasabi kong iba talaga ang karisma ng isang..

Kyler Jin Caloste.

Naglakad ito palapit sa desk confidently. Taas noo at walang lingon. Parang kawal lang sa Lireo.

"Good afternoon." para akong nanlamig sa boses niya. Baka nga pwede na akong magpalamig ng chocolate eh.

Pero bakit nga ba nandito 'to?! Hindi kaya..

"I'm the new president of this club as you know."

Ah akala ko naman sinusundan niya ako. Pero bakit naman niya ako susundan? Tsk, pero ano? Siya na ang new preside—WHAT?!

Siya ang new president?!

Hell no!!

Meaning, palagi ko na siyang makikita like araw araw? OMG lang.

"Salve.." napatingin ako kay Joshua.

"B-bakit?"

"Hindi pa tayo nakakapagpalista." oo nga naman, pero syet! 'Wag niyang sabihing pupunta kami sa desk—parang mag cocolapsed na ako no'n.

"H-halika na, palista na tayo.." akmang tatayo na ako nang hawakan niya ang braso ko at pilit na pinaupo.

"Ako na, maupo ka nalang." tumango naman ako pero may kung ano sa 'king nakaramdam ng panghihinayang.

Nakita ko ang isang babaeng may inabot na folder kay Kyler bago tuluyang makalapit sa Joshua sa kaniya.

Pinagmasdan ko lang si Kyler na seryosong nakikipag usap na parang mga kliyente niya ang kaharap niya. Napaka formal niya kung kumilos.

Pero bakit kahit gano'n ay ang gwapo niya pa ring tignan?

Hays.

Nang makabalik si Joshua ay ngumiti siya sa 'kin. Gagantihan ko sana siya ng ngiti nang biglang magsalita si Kyler.

"I heard about the band of seniors so we need to prepare. May I know who's the former members?" tanong niya at nagsimula namang magsalita ang iba.

Lima ang miyembro ng banda at tatlo do'n ay wala na dito dahil graduated na. Kaya ang sabi nitong gwapong si Kyler ay magka-conduct daw siya ng audition.

Guitarist at dalawang vocalist nalang ang kailangan. Kailangang lahat kami ay mag-audition. Kainis naman.

"Exciting.." dinig kong sabi ni Joshua.

"Buti kapa na-eexcite.."

"Bakit ikaw, hindi?"

"Halata ba?" ngumiwi naman siya sa sagot ko.

"Mag audition ka as vocalist, papasa ka panigurado." seryosong sabi niya.

"Sa tingin mo?"

"Oo naman! Maghahanda pa ako ng payong!"

"Walang hiya!" tignan mo 'to, 'di ko alam kung pinapalakas ba niya ang loob ko o ano.

Marunong naman talaga akong kumanta. Since bata palang ako ay kumakanta na ako, wala nga lang akong lakas ng loob. Kumakanta naman talaga ako pagpinipilit eh, ayuko lang talagang maging miyembro ng banda.

Minuto ang lumipas at nagsimula na nga ang audition kuno. Dahil wala akong choice ay nagpalista ako sa vocalist.

"Magaling ka na naman nang kumanta kaya no need na magpalista,"nakangiting sabi sa 'kin ni Rena, isa rin sa mga ka-batch ko.

"Para sa'n pa ang audition kung gano'n?" natatawang ani ko. Natawa naman siya at inasar niya pa ako kay Joshua bago ako umupo ulit sa pwesto ko. Malayo pa naman ang turn ko.

Sana lang talaga maging matiwasay ang audition na 'to..

Chapter 3

Nakaupo lang ako at parang 'di mapakali na ewan. Habang lumulipas ang oras ay palapit nang palapit ang turno ko. Ramdam ko na talaga, langya!

Feeling ko natatae na 'ko!

"Okay kalang?" tanong ni Joshua.

"Ah oo hehe. Natetense lang ako," nagulat ako nang bigla siya umusod padikit sa 'kin at hinaplos ang likod ko.

Nagulat pa ako sa una pero unti unti ring kumalma. May silbi din naman pala kahit papa'no 'tong Joshua na 'to.

Hindi pa rin siya tumitigil sa paghimas sa likod ko. Ako naman ay napatingin sa unahan—syet!

Nagtama na naman ang paningin namin ni Kyler pero saglit lang dahil agad niyang itinuon ang atensyon niya sa nagpperform sa stage. Pero syete lang, para akong natataranta na ewan.

"S-salamat.." ani ko kay Joshua.

"Okay kana ba? Effective ba? Hahaha"

"Oo nalang hehe,"

Nang tawagin ang pangalan ko ay halos magkanda tapilok pa ako sa kaba. Paano ba eh parang nanginginig yata ang kalamnan ko. Pagpili nga ng kantang kakantahin ko ay wala pa si isip ko eh.

Langya!

Nang tuluyan na akong maka akyat sa mini stage ay nanginginig na hinawakan ko ang mike.

Ano bang kakantahin ko?

Sa isip ay nagbilang muna ako bago magsimula.

"Natapos na ang lahat...nandito pa rin ako...Heto nakatulala...sa mundo...sa mundo...'Di mo naiisip...'di mo nakikita...Mga pangarap ko...para sa 'yo...para sa 'yo..."

"Ohh...oh...oh...oh...Hindi ko maisip...kung wala ka...Ohh...oh...oh...oh...sa buhay ko..."

Huminga muna ako nang malalim bago tuluyang tahakin ang pangalawang parte ng kanta. Kahit papa'no ay kumakalma na ako. Na-tetense lang talaga ako kapag tumitingin ako sa mga taong nakaharap sa 'kin. Lalong lalo na sa nilalang na komportableng nakaupo habang naka de kwatro. Ramdam kong nakatingin ito sa 'kin kaya hindi ako nag-aangat ng tingin.

Nang matapos ang kanta ay para akong binunutan ng tinik. Nakahinga na ako ng normal bagama't may munting kaba pa dahil sa palakpakan nila.

Nang bumaba na ako ng stage ay sinalubong agad ako ni Joshua, may hawak itong gitara.

"Ang galing!" natatawang umirap ako sa kaniya. May mangilan ngilan ding bumati sa 'kin at simple ko namang nginingitian.

Naubos ang oras na iyon lang ang ginawa. Nang matapos mag-audition si Joshua sa guitarist ay lumabas na kami. Ililibre niya daw ako. Nang magpaalam naman si Joshua sa bagong presidente ay liningon lang siya nito at hindi binigyan ng tugon.

Suplado.

"Ice cream?" tanong niya kaya agaran naman akong tumango.

"'Yung ube ah?" tumango lang siya at agad na nagtungo sa counter.

Nang mapatingin ako sa entrance ng cafeteria ay muntik nang malaglag ang panga ko sa nakita.

Tagaktak ang pawis ngunit taas noong naglakad papunta sa counter si Kyler. Nadaanan niya pa ako kaya pasimple kong inamoy ang pabango niya.

Ang bango niya..

Bumili siya ng tubig at agad na nilagok iyon. Habang lumalagok ng tubig ay hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa adams apple niyang nagtataas baba dahil sa paglunok.

Syete, ang hot niya!

Nakatingin din sa gawi niya si Joshua pero kung uminom 'tong isa ay parang siya lang ang tao sa loob nitong cafeteria. Naubos niya ang laman ng tubig ng mineral water sa loob ng isang lagukan lang.

Grabe!

Hanggang sa paglagay niya ng pera sa ibabaw ay nakatunghay pa rin ako. Hindi ko kasi mapigilan eh! Langya, kasi naman..napaka-hot niya sa ginagawa niya!

Nagtama ang mga mata namin nang maglakad siya papunta sa pinto. Agad naman akong nag-iwas ng tingin dahil pakiramdam ko ay mababasa niya ang iniisip ko kahi imposible naman.

"Oh.." inabot sa 'kin ni Joshua ang ube cream line kaya agad ko 'yung inabot at binuksan pagkatapos ay agad akong sumakwit.

Parang nagutom ako bigla.

"Dahan dahan lang uy!" hindi ko pinansin ang sinabi ni Joshua sa halip ay mas lalo ko pang binilisan ang subo ko.

Hindi pa rin mawala sa isip ko ang magandang tanawin kanina lang. Kasalanan ni Kyler 'to eh! Bakit ba kasi pawisan siya kahit may air-conditioned naman ang room? Tsk, kainis ang hot niya talaga! Tapos naalala ko na naman ang pagtaas baba ng adams apple niya! Syet lang, paano pa ako makakatulog nito?

"Salve..."

Malamang pa ay mapapanigipan ko pa 'yun! Kapag kasi  may isiping tumatambay sa isipan ko ay napapanigipan ko. Kaya mainam siguro kung ngayon palang ay magp-pray na ako ng 'Dear guardian angel, please guide me' dahil baka mas masahol pa do'n ang mapanigipan ko.

"Salve? Wala nang laman.."

"H-ha?"

"Anong kinakain mo?"

"I-ice cream.."

"Ah talaga ba?" napatingin naman ako sa hawak ko at wala na palang laman.

Pahiyajpeg.

"Masarap? Masarap ba ang hangin?" ibinato ko sa kaniya ang cup ng cream line pero nasalo lang ng loko.

Kaasar.

"Ano ba kasing iniisip mo't lutang ka?"

"Pake mo?" umarte siyang animo'y nasasaktan.

"Grabe ka naman manakit ng damdamin!"

"Neknek mo Hermodo!" tumawa lang ang loko.

Maya maya lang ay bumalik kami sa clubroom. Wala din naman kasi akong kasama sa room kasi lahat ng mga kaklase ko ay nasa kaniya kaniyang club na sinalihan. Si Joshua naman ay gano'n din ang eksena.

Pagdating namin do'n ay gano'n pa rin ang ganap. May kumakanta sa mini stage at naroon sa unahan at kampante lang na nakaupo si Kyler habang nakamasid. Dahil sa busy ang lahat ay hindi nila napansin ang pagpasok namin.

"Salve..."

"Mm?" tinignan ko siya at may hawak na siyang gitara ngayon. Mukhang alam ko na.

"Kanta ka, ako kakaskas.." napangiti naman ako at agad na sumunod sa kaniya sa isang sulok. Malawak ang clubroom kaya maraming space. At siguradong hindi kami gaanong maririnig dahil nasa pinakadulo na kami.

"Anong kanta ba?" tanong ko. Kapwa kami umupo sa sahig, parang tabla lang ang sahig pero mamahalin. Makintab din at malinis tignan.

"Ahm..." Nag isip muna siya saglit at saka siya nagsimulang kumaskas. "Ito nalang.."

Tumango naman ako at inihanda ang aking sarili.

Fallin' out, fallin' in

Nothing sure in this world no, no

Breakin' out, breakin' in

Never knowin' what lies ahead

We can really never tell it all no, no, no

Say goodbye, say hello

To a lover or friend

Sometimes we could never understand

Why some things begin then just end

We can really never tell it all no, no, no

But ohh, can't you see

That no matter what happens

Life goes on and on

So oh baby, please smile

'Cause I'm always around you

And I'll make you see how beautiful

Life is for you and me

Take a little time baby

See the butterflies' colors

Listen to the birds that were sent

To sing for me and you

Can you feel me?

This is such a wonderful place to be

Even  if there is pain now

Everything would be alright

For as long as the world still turns

There will be night and day

Can you hear me?

There's a rainbow always after the rain

Kinanta namin ang kanta hanggang sa matapos. Minsan nga natatawa pa ako dahil minsan ay maling string ang nakakaskas niya. Pero masaya naman at nag-enjoy ako ng husto. Ganito naman talaga kami pag kaming dalawa lang ang magkasama, kakanta ako at siya ang magkakaskas ng gitara. Minsan na din niya akong tinuruang maggitara no'ng minsang dalhin niya ang gitara niya sa school noong junior high pa lamang kami.

Nang sumapit ang uwian ay nagkita na kami nila Camille at Leean sa gate. Kagaya ng nakagawian ay sabay sabay rin kaming nakauwi. Kapansin pansin lang ang pananahimik nilang dalawa pero pinabayaan ko nalang dahil baka mga pagod sila. Pabor din naman sa 'kin 'yun dahil malaya akong makakapagmuni-muni sa mga nangyari ngayong umaga.

Napailing ako nang biglang sumagi sa isipan ko ang mukha ni Kyler habang umiinom ng tubig kanina sa cafeteria. May gano'ng klase pa palang nilalang sa mundo? Akala ko kasi puro bakla na ang mga gwapo sa buong bansa eh.

Hays, ang gwapo niya talaga syet!

Kahit hindi ko na makamit si Jungkook, pwede na siguro ang isang Kyler.

....

"Aga tayo bukas ah?" tumango nalang ako sa sinabing iyon ni Camille katapos kong bumaba sa motor niya.

"May problema ba?"

"Meron. Bakit ba kasi ang hot niyang uminom ng tubig? Pucha, umiinom palang 'yun ah?"

"H-ha?" napakurap ako at agad na napatakip sa bibig nang marealize na nasabi ko pala ng malakas ang dapat na sa isip ko lang.

Syete, buko!

"Ano ba 'yang mga sinasabi mo Gonday—"

"W-wala! Ang hot mo ngayon sabi ko! S-sige bye!" agad kong isinara ang gate at iniwan siya sa labas.

Sinilip ko ang labas at nakita kong humarurot na siya paalis. Tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko ito.

(1 message received)

Camillepotpot:

Mag-uusap tayo bukas Gondaya..

Patay!

Pumasok na ako sa kabahayan matapos kong basahin ang mala death threat na message ni Camille. Bumungad agad sa 'kin ang nakabusangot kong kapatid na malayo palang ay masama na ang tingin sa 'kin.

"Tusukin ko mata mo!" banta ko pero mas lalo lang niyang tinaliman ang tingin niya sa 'kin.

Abnormal..

" Maghugas kana daw sabi ni Mama!"

Inilapag ko ang bag ko sa sofa matapos kong hubarin ang sapatos ko. Namewang akong humarap sa kaniya. Syempre, palaban ang mga army 'no!

"Aba, aba! Sa 'yo inutos tapos ipapasa mo sa 'kin?! Ang ganda ng technique mo!"

"Sa 'yo inutos hindi sa 'kin gagi!"

"Sus, neknek mo Pedring! Alam ko na 'yang mga style mo, luma na 'yan lol!"

"Eh sa 'yo nga inutos eh! Nalulutang kana talaga sa kaka-bts mo, mga biot naman!"

Aba'y walang hiya, sinali ba naman mga asawa ko!

" H-hoy, sumusobra kana ah! Hindi na 'ko natutuwa sa 'yo.." ready na sana akong habulin siya ng tsenelas ko nang biglang bumaba si Mama galing sa taas.

Hukom na hukom! Langya!

"Anong ingay 'yan?! Ikaw, Aldrin! 'Di ba pinaghuhugas kita ng mga pinggan do'n?!"

Napangiti nalang ako at pasimpleng binelatan ang walang hiya kong kapatid. Sabi nang sa 'kin ang huling halakhak eh hahahahaha—

"Ikaw, Salve! Ibili mo nga ako ng ice cream! Naubusan na ng stocks!" busangot na tinanggap ko ang perang abot ni Mama. Narinig ko pa ang nang aasar na tawa ng kapatid kong tukmol.

Nagbihis muna ako saglit bago ako lumabas. Nakapantulog lang akong pajama tapos T-shirt. Sa kanto lang naman kasi, may mini mart kasi d'yan na pagmamay-ari ng isa sa mga naging ka-batch kong lalaki.

"Hi, Salve!" siya agad ang bumungad sa 'kin pagkapasok ko palang.

"Annyeong!" pakikisama ko. Hindi  kasi ako komportable kapag kaharap ko siya eh. Siya kasi 'yung tipong mausisa at asar talo.

"Wala kang kasama?" tanong niya.

"Ako lang." dumiretso ako sa lalagyan ng mga ice-cream at hinanap ang flavor na ube. Parehas kasi kami ng flavor ni Mama eh.

"Ah gano'n ba? Gusto mo ihatid na kita pauwi?"

'Di pa nga ako nakakabili pinapauwi na agad ako..

" Ah...salamat pero kaya ko naman.."

Kinalkal ko na nang kinalkal ang lalagyan ng mga ice cream pero wala akong makitang ube flavor na creamline.

"Ah, Gab!" tawag ko sa batchmate ko.

"Yes, ganda?"

"Wala na ba kayong ube flavor ng creamline?" Nakapagtataka lang kasing ubos na eh ako lang naman kasi ang madalas bumili non dito.

"Ah ano kasi, may lalaking bagong lipat d'yan sa tapat. Palagi siyang bumibili ng ice cream na ube rin ang flavor."

Bwisit naman oh!

Ang ayaw ko pa naman sa lahat ay may kaagaw ako pagdating sa paborito kong pagkain.

"May kaagaw kana sa ube flavor haha!" hindi nalang ako umimik at napabuntong hininga nalang.

Nagtatalo ang isip ko kung ano ang idadahilan kay Mama. Hays, bakit ba kasi ube rin ang favorite flavor ng lalaking bagong lipat na 'yon?! Nakakainis naman eh!

Nang pumasok ako sa bahay ay para akong lanta. Alam ko kasing maba-bad mood na naman si Mama dahil hindi siya makakakain ng ube ice cream ngayong gabi. Pero patas lang naman kami, hindi rin ako makakakain. Buysit talaga ang bagong lipat! Siguraduhin niya talagang gwapo siya—

Napailing nalang ako nang bigla na namang dumaan sa isip ko ang gwapong mukha ni Kyler.

"Ma!"

"Asan na ang ice cream ko?" nakita ko si Mama na nakaupo sa sofa habang nakalahad ang isang kamay sa 'kin.

Hays, wala naman akong choice kundi sabihin ang totoo. Mabait kasi akong bata hihihi.

"Kasi Ma—"

"I'm home!"

Savior.

"Papa!" nanakbo agad ako at humalik sa pisngi niya. Nakita kong may dala siyang ice cream kaya napahagikhik ako. Ligtas na ako sa hukuman.

Nang sumapit ang dinner ay magana kaming dumalo sa hapag. Nag-kwentuhan kami tungkol sa iba't ibang bagay. Nag asaran din.

"Eh kayong dalawa? Nag-aaway na naman ba kayo?" nakataas ang isang kilay na tanong ni Papa habang nakatingin sa aming dalawa ng tukmol kong kapatid.

"Oo, kanina. Narinig ko na namang nagsisigawan ang mga 'yan sa sala. Nagtatalo na naman siguro."

Napatingin ako kay Aldrin dahil agad itong umapela. "Eh, kasi Pa, itong si Salv—Ate ay adik na adik na sa BTS eh mga bakla naman 'yun!"

Ayy, ang walang hiya!

" H-hoy, hindi naman 'yan ang pinag-awayan natin kanina ah?"

"Eh, sa totoo naman eh. Mga bakla talaga 'yang kinakaadikan mo!"

Bakit ba ang hilig niyang topic ang BTS?!

" Hindi sila bakla 'no! Ikaw yata ang adik eh!"

"Enough. Awat na, awat na!" saway ni Papa.

"Teka Pa, eto pa! Sabi pa ni Ate ay mga asawa niya daw 'yun!"

Masasapak ko na talaga ang hinayupak na 'to! Timpi pa! Timpi!

" Totoo ba 'yun Salve?" ayy ano ba 'yan?! Sasabihin ko bang mga asawa ko 'yun? Eh, kapag hindi naman ay parang tinatalikuran ko na ang pagiging army ko! Ang hirap namang mag-desisyon!

"T-totoo po, Pa. Mga asawa ko po talaga 'yun."

"Linahat mo?!" nanlalaking mga matang tanong ni Papa.

OMG!

Dapat ko pa bang sabihin kung paano ko sila pinagsabay lahat?!

"O-opo Pa...wala eh, na-fall silang lahat sa 'kin.."

"HINDI PWEDE!" napaatras ako sa biglang sigaw ni Papa. Pati sila Mama ay napatayo rin sa gulat.

"'WAG SI BABY TAEHYUNG!!"

Napangiwi nalang ako. Nakalimutan kong magka-vibes nga pala kami ni Papa.

....

Masaya akong pumasok sa school kinabukasan. Bukod sa nakakain ako ng ube creamline kagabi ay talagang maganda ang gising ko. Kaya kahit mga kakilala ko lang na estudyante ay binabati ko.

"Ako ba ang nakapagpaganda ng mood mo?" ngingiti ngiting tanong ni Joshua nang makasalubong ko siya sa bukana ng cafeteria.

"'Wag kang epal, Hermodo ah? Nasisira ang magandang mood ko."

"Sus, napaginipan mo siguro ako kagabi kaya good mood ka ngayon!" aabutin ko na sana ang kwelyo niya nang bigla nalang siyang tumakbo palayo.

Pumasok na ako sa cafeteria at pumunta sa counter. Bumili ako ng creamline na ube flavor. Binuksan ko agad 'yun dahil natatakam ako hehe. Susubo na sana ako nang matanaw kong pumasok sa entrance si Kyler.

Grabe naman, muntik ko nang maisubo ang kutsara!

Hanggang dito sa kinatatayuan ko ay abot pa ang halimuyak ng pabango niya. Ang fresh niya ring tignan sa uniform niyang suot. Halos lahat ay napapatingin sa pagpasok niya na animo'y isa siyang artista.

Tsk, bakit ba kasi ang gwapo niya?!

Dumiretso siya sa counter at may sinabi dito. Hindi ko ito marinig dahil medyo may kalayuan ako sa kanila. Pero partida, abot pa dito ang bango niya!

Nakita kong nangunot ang noo niya at napabuntong hininga. Akma siyang lilingon sa gawi ko kaya agad akong tumagilid sabay subo.

Kainis naman, muntik na 'kong mahuling nakamasid sa kaniya!

Pinakiramdaman ko ang presensya niya at ramdam kong nakatingin siya sa 'kin. Dahil naiilang na ako ay lumabas nalang ako.

Dahil maaga pa naman ay tumambay na muna ako sa upuan na nasa gilid gilid. May mga upuan kasi na gawa sa bato na nakalagay sa gilid gilid ng daan. Parang pag umupo ka dito ay pinagmamasdan mo ang mga estudyanteng pumapasok at lumalabas ng paaralan.

Susubo na sana ako nang maramdaman kong wala na pala akong hawak. Teka, nasaan na ang ice cream ko?! Sinipat sipat ko pa sa inuupuan ko dahil baka naipit ko lang kahit imposible naman pero wala talaga!

Langya, 'yung pagkain ko!

Magbubundak na sana ako nang makita ko ang isang matangkad na lalaking nakatalikod sa gawi ko. Hawak niya sa isa niyang kamay ang ice cream habang nakataas ito nang kalahati.

"A pay for bothering the precious me..."

Wtf?!

Then, inisang laklak niya ang ice cream ko!