Browse stories

My secret husband is a Mafia boss

Language: fil

Zyjin Fortabella isang mafia boss na masungit, minsan mabait. Magiging secret husband ng isang maid, anong mangyayari sa dalawa. Magkaka inlove-an kaya sila o hindi? Kaya naman basahin mo kung gusto mong malaman.

Available chapters

  1. Chapter 1
  2. Chapter 2
  3. Chapter 3

Chapter 1

Ilang trabaho na ang in a-apply-an ko pero hanggang ngayon, hindi pa rin ako matanggap. Ano bang kailangan kong gawin? Nang may makita akong wanted sales lady,  lumapit ako sa tindera para tanungin kung available pa ba ang trabahong nakapaskil.

"Hellow po!" bati ko sa babaeng med'yo may edad na. Ngumiti ako rito at nagpa-cute malay mo 'di ba? Matanggap ako dahil sa ka-cute-an ko. Just kidding, haha napapa-english tuloy ako.

"Ano’ ng kailangan mo, Ms?" tanong nito sa 'kin, ngumiti ako ng todo rito.

"Available pa ho ba ang trabahong ito?" tanong ko at tinuro ang nakapaskil. Sana talaga makapasok na ako, kahit maliit lang sahod dito basta magkatrabaho na 'ko. Baka 'pag hindi pa ako nakahanap nang trabaho, baka pati ang bar papasukin ko na. Magkaroon lang ng trabaho, pero ayoko naman n'on.

"Ay 'yan ba? Pasensiya na, may nakuha na kami para sa trabahong 'yan. Hindi ko lang naalis!" sabi nito at tinanggal ang nakapaskil. Napabuntong hininga na lang ako, ang malas ko naman. Nagpasalamat ako at umalis na lang, kahit pagod na ang paa ko. Ayos lang basta makahanap nang trabaho. Sana talaga makahanap na ako dahil marami- rami narin akong utang, renta pa sa bahay. T'yak akong magbubunganga na naman ang landlady ko, 'pag 'di  pa ako nakapagbayad. Napangiti ako ng may makita ulit akong wanted tindera, sana naman makapasok na ako. Lumapit na ako at nagtanong sa taong na sa tindahan.

"Hello po, available pa ba ang trabahong 'to?" tanong ko rito. Tumayo naman ito at napakamot sa ulo.

"May nakuha na kami eh, pasensiya na!" sabi nito, napabuntong hininga ulit ako. Kapag minamalas ka nga naman. Hayst!

"Okey po, salamat po!" sabi ko at umalis na. Naglakad ulit ako at nagbabakasaling may makita pang ibang trabaho. Pagod na pagod na ang paa ko.

"Ahhhhhhh!"  sigaw ko dahil pagod na ako kakahanap nang trabaho, pero wala akong mahanap. Gosh! Wala ba talaga akong suwerte para dito?

"Kaya mo 'to gurl, tiwala lang makakahanap ka rin!" kinakausap ko na ang sarili ko, para kaseng kunting lakad ko na lang susuko na ang katawan ko. Wala pa akong kain, wala rin akong pangbili nang makakain.

Huminga ako ng malalim, at pilit naniwala sa sarili na makakahanap rin. Kahit anong trabaho basta marangal. Tinignan ko ang wallet ko at bente pesos na lang pera ko. Paano na? Kulang pa ito sa Jeep pauwe ng bahay. Ang layo na kase nang napuntahan ko. Gosh! Nag lalakad akong parang baliw dahil sa pagod na akong mag lakad. Ang malas naman nang buhay ko kaylan kaya ako su-suwertehin? Naglalakad ako biglang muntik na akong matapilok kase naputol ang kawad ng tsenilas ko shit, bakit ngayon pa? Wala pa akong pambili eh ano pa bang kamalasan ang magaganap sa 'kin? Habang nag lalakad pa rin ako bigla naman may dumaan na humaharurot na sasakyan. Tapos sakto pa na may putik sa kalsada, kaya ito para na akong taong grasa kase puro putik na buong katawan ko. Jusko po! Bakit ang malas ko ngayong araw? Hayst bakit kase ako inalis ng matandang 'yon sa resto na pinag tatrabahuhan ko? Nabasag ko lang naman 'yong baso? Tapos gan'on na 'yon? Papaalisin na ako? Habang nag da-drama ako may nakita akong karatula na wanted maid. Wow! Ang laki ng bahay. Bahay pa ba ito o—h mansion? Sobrang laki kase eh parang ang hirap linisin n'yan.  Nag doorbell na ako, may lumabas naman na isang matanda na halatang  mong mataray,  ngumiti ako dito.

"Ano’ng kailangan nila?" tanong nito sa ‘kin at tinaasan ako ng kilay at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Grabe naman makatingin sa ‘kin, parang gusto akong kainin ng buhay.

"A—h e--h mag-apply po sana ako bilang maid!" nahihiya kong sabi, kase naman paanong hindi ka mahihiya kong ang buong katawan mo puro putik. Kumunot naman ang noo nito. Tapos biglang nag sungit sa 'kin. Ang sungit!

"Ikaw? Mag-apply ka ng maid? Sarili mo nga hindi mo malinis. Hala sige umalis ka na! Baka makita ka pa ng boss namin, allergic 'yon sa panget at madumi!" sabi nito at pumasok na sa loob. Grabe naman si ate makalait ah? Dahil parang wala naman akong suwerte ngayong araw, bukas na lang ulit. Hayts lakad na naman pauwe, nang makarating ako sa  apartment na in-uupahan ko nadatnan ko naman si aling  Utot, ang baho naman ng pangalan n'ya? Bakit ba 'yon ang naisip na i-pangalan sa kan'ya? Bakit kaya nandito s'ya? Hayts!  Huwag naman sana ngayon, wala pa akong pera. Kailangan ba sabay sabay ang kamalasan sa buhay ko? Arggg! T'yak akong sisingilin n'ya ako ng renta. Ilang buwan na kase akong puro paki-usap, paano kase ilang buwan na akong walang trabaho.

"Hello po, Aling Utot! Ano po bang masamang  hangin ang nagdala sa inyo at naparito kayo?" tanong ko. Tinignan ako nito at nagpamaypayan pa.

"Anong masamang hangin ha? Dalawang  buwan ka nang hindi nakakabayad ng upa? Ano may balak ka pa ba magbayad?" pagtataray nito sa'kin. Yuck badbreath s'ya amoy utot. Sabi kona eh, hindi naman pupunta 'yan dito kung walang kailangan.

“Aling Utot puwede po ba huminahon kayo?” ani ko at pinakalama s'ya high blood kase 'yan lagi eh. “Wala pa kase akong pera! Hehe..." Ani ko sabay kamot sa ulo. Napangiti ako ng pilit, habang nag kakamot ng batok. Wala talaga kase akong pangbayad, kun'di lang med'yo mabait si Aling Utot. T'yak akong sa kalsada na akong naglalagi ngayon.

"E--de lumayas kana dito! Para mapaupahan ko na ito sa iba!" masungit na sabi n'ya. Agad naman akong nagmakaawa sa kan'ya, wala akong matitirahan 'pag pinalayas n'ya ako. Baka sa kalsada talaga ako pulutin nito.

"Aling Utot, give me 2 weeks? Para makaipon ng pera!" pagmamakaawa ko sa kan'ya. Lakas ng loob ko humiling nang two weeks, bahala na si Lord, sana lang makahanap na ako ng trabaho, kahit anong trabaho basta matino.

"Hala sige! Siguraduhin mo 'yan! Pagbibigyan pa kita ngayon, pero kapag hindi ka pa nakabayad sa sinabi mong two weeks! Talagang itatapon ko na 'yang mga damit mo!" sabi nito at umalis na hayst salamat naman. Pumasok ako sa loob at naglinis ng katawan at pagkatapos humiga na sa kama ko. Parang gusto ko nang ma-iyak dahil sa dami kong kamalasan ngayong araw hayst. Sana naman bukas suwertehin na ako. Ilang araw na rin kase akong naghahanap nang trabaho, pero wala  talaga.


Maaga akong nagising kase maglalakad ulit ako para makahanap nang trabaho, dahil  naubus kahapon ang pera ko. Mabuti may stock pa akong mga pagkain. Mama, Papa bakit kase iniwan n'yo agad ako eh? Kaya itong maganda n'yong anak nahihirapan hayts! Kun 'di lang sana nila ako iniwan ng maaga, sana hindi ako ganito ngayon. Nakakapagod na maghanap nang trabaho pero kailangan, dahil kun 'di ako mag ta-trabaho? Wala akong kakainin. Parang ako na ang Reyna ng kamalasan, hayt! Pakatapos ko kumain nagpahinga lang ako saglit at nag-umpisa nang mag-pinetensiya. Hay na 'ko! Wala pa'ng mahal na araw eh nag pi-pinitensya na agad ako. Habang naglalakad ako may nakita akong karatula sa isang bahay. Yes! Baka puwde na 'yon! Kumatok ako at may lumabas naman agad na isang katulong mayor doma yata ito rito. Base sa suot nitong uniporme.

"Ano’ng kailangan n'yo?" tanong ng matanda sa 'kin, ngumiti ako at nagtanong.

"Ahmm...  Ano po kase mag apply sana ako!"

"Anong a-apply-an mo? Pasensiya na wala nang bakante!" sabi n'ya na kinakunot ng noo ko seryoso? Huwag n'yang sabihin, may nauna na sa'kin? Na naman lagi na lang bang ganito?

"A---yan po kase o--h!" turo ko sa karatula. Napakamot naman ako sa ulo ko.

"Ay a---yan ba? Na 'ko pasensiya na! Hindi ko natanggal kahapon!" sabi n'ya at tinanggal ang karatula, kaya naman umalis na lang ako. Walang hiya naman paasa, parang 'yong ka-chat mo? Pinakilig ka lang pero hindi ka jinowa. 'Di ba, ' di ba? Huwag mona ipagkaila, hindi ko naman ipagsasabi choss. Hay ang malas ko pa rin talaga. Naii-stress na talaga ang magandang si ako. Dahil hindi pa rin ako makahanap nang trabaho. Muli ulit akong nag lakad para maghanap. Parang awa mo na Lord, bigyan mo naman ako nang trabaho. Baka pag hindi pa ako nakahanap nang trabaho, tuluyan ng masira ang kagandahan ko sa sobrang stress. Kailangan ko na sigurong ihanda ang sarili ko at masanay matulog sa kaldasa. "Ano ba naman ito, 'di ba? Walang hiya!" kanta ko habang naglalakad. Bakit kase kagandahan lang ang ibinigay sa 'kin Gosh!

"Piftttt...

Nagulat naman ako ng may sasakyang biglang napa-preno. Hindi ko pala namalayan na wala na ako sa gilid. Lutang na lutang na kase ang isip ko.

"Hoy! Kung gusto mong magpakamatay? Huwag rito! Pakalat kalat, para kang siraulo!" sigaw ng taong nakasakay sa kotse. Tapos pinaharurut na ang sasakyan. Anong sabi n'ya ako sira ulo at baliw? Ang ganda ko naman para maging gan'on, at na sa katinuan pa naman ako para isipin n'yang magpapakamatay ako.  Ang yabang ng lalaking 'yon, anong akala n'ya? Guwapo s’ya? Gurang na kaya s'ya tss.

____

Pang limang apply ko na ito pero wala pa rin talaga , minamalas pa rin ako. Kuminang naman ang mga mata ko, nang  may nakita akong isang resto may nakalagay sa karatula na wanted waitress. Sana last kana please lang! Pumasok ako sa resto at nagtanong kung saan ang office ng may-ari, sinabi naman nila ito. Kaya hinanap ko, mas'yado raw silang busy para samahan ako. Wow lang 'di ba? Tch. Nang mahanap ko ang sinasabing office ng may ari agad akong kumatok.

*Tok Tok tok*

"Come in!" sagot sa loob kaya pumasok ako. Wow ang lamig naman, sarap siguro matulog rito. Napaka-ignoranti ko, sorry naman.

"Anong kailangan nila?" tanong ng babaeng may-ari ng resto. Tumingin ito sa'kin, kaya ngumiti ako. Para yatang mas maganda s'ya kaysa sa 'kin.

"Ah kase po available pa ba 'yong wanted waitress?" tanong ko. Sana naman talaga matanggap na ako, lagi na lang kase akong pinapaasa parang 'yong crush ko, pinakilig lang ako pero hanggang kaibigan lang pala. Paasa s'ya. Nanggigil talaga ako sa kaniya, napakayabang n'on. Pasalamat s'ya guwapo s'ya dati, ngayon hindi na kase masama ugali n'ya tss.

"Na'ko pasensiya na late ka na. Kakatapos ko lang interviewhin ang kaninang nag-apply. Wala na kaming bakante!" sabi n'ya tsk, wala na ba talagang matino akong a-apply-an? Lagi na lang not available. Lagi na lang ako pina-paasa? Bakit ganito laging binibigay n'ya umaasa na lang lagi ako. Katulad ng ex ko, kala ko kami na, umasa lang pala ako, manloloko pala tss. Napapahugot na 'ko, habang nag e-emote ako rito bigla na lang may bumusina. Hindi ko  pala namalayan na malapit na'ko sa gitna ng kalsada. The fuck I'm so stupid. Buti alam mo 'yon self? Tanga ka talaga. Ito na naman tayo e--h, pangalawa na ito ha!

"Miss! Kung magpapakamatay ka! D'on ka sa puno magbigti! Para mamatay ka talaga! Buwisit paharang-harang ka! Kalsada 'to? 'Di bahay n'yo! Baliw!" sabi nito sa 'kin, a—bat? Ang kapal ng mukha nito ah? Tinignan ko ang 'pag mu-mukha ng lalaking muntik nang makabangga sa'kin. "O---hh shit! Shocks! Malalaglag panty ko ang guwapo n'ya gosh!" sabi ko sa isip ko, pero naalala ko sinabihan pala ako nitong baliw. Kanina pa ako napagkakamalang baliw ah? Ang ganda ko naman para maging baliw tss.

"Hoy umalis ka na d'yan. You're so stupid!" sabi nito sa ‘kin. Ano? Ako? Tanga?  Guwapo lang s'ya, pero 'yong ugali n'ya kaseng gaspang ng liha na panglinis ng kaldero. Buwisit s'ya si Mama at Papa, nga hindi ako sinasabihan ng tanga-tanga. Tapos sasabihan n'ya ako nang gan'on? Wala s'yang karapatan.

"A---h? Ako tanga? Ikaw nga guwapo sana, ang gaspang naman ng ugali!"  sabi ko at  kumuha nang maliit na bato at binato s'ya. Boom! Sapul sa ulo at saka ako tumakbo. Ano s'ya ngayon? Ginalit n'ya ang isang magandang katulad ko, kaya tama lang sa kan'ya 'yon. Bwisit na lalaking 'yon, ang yabang. Napaka-arogante, pero ang guwapo n'ya talaga. Pero hindi ko s'ya type ang panget ng ugali eh tss. Nag lakad ulit ako, kung minamalas ka nga naman ngayon. Dalawang beses pa nilait nang mga walang hiyang katulad nila, ang isang katulad kong maganda. Nakakagigil sila, sa ganda kong 'to? Pagkakamalan lang akong baliw? Baka sila ang baliw letche sila! Habang nag lalakad ako, may mga tao ng nakatingin sa 'kin. Ano kayang problema nila? Alam kong maganda ako pero hindi ako artista tss. Inirapan ko sila at saka nagpatuloy mag lakad. Pakanta-kanta ako habang naglalakad nang bigla akong napahinto at napatili. Bakit kase may tae ng aso dito. Natapakan ko tuloy. Narinig ko ang iba na pinagtawanan ako. Mga walang hiya! Pagtawanan pa ako. Pa-ika, ika naman akong nag lakad. Ika nga nila kapag nakaapak ka ng tae para ka talagang mapipilay. Nang may makita akong kanal, mukha naman malinis kaya agad na akong nag hugas ng paa. Hindi ko kayang tumagal pa sa tsinelas ko ang tae. "Kadiri talaga argh!" nang matapos ako mag hugas, agad na akong naglakad ulit. Salamat naman at wala na ang tae.

Chapter 2

Oo nga pala hindi pa ako nakakapagpakilala sa dami kong iniisip. Ako pala si magandang si ako na bumagsak sa lupa wasak ang mukha. Biro lang, ako si Haraline Montimayor 23 years old. Hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral, bakit? Kase iniwan na agad ako nila Mama at Papa, kaya ito mag-isa kong binubuhay ang sarili. Kahit mahirap kakayanin ko, kase maganda ako choss. Para na talaga akong mababaliw kakahanap nang matatrabahuhan para mabuhay lang ubos na kase ang ipon ko. Tapos iniisip ko pa ang ipang-baabayad ko sa renta ko sa bahay, shit. Saan kaya ako makakakuha nang pambayad ? Apply kaya ako sa bar? Tapos sasayaw ako sa gitna ng stage, malaki kita doon sigurado? Ayoko nga masama 'yon. Habang nag lalakad ako kinakausap ko na ang sarili, para na talaga akong baliw. Sino ba namang hindi mababaliw? Kung ang dami-dami mong iniisip? Habang nag lalakad ako may napansin akong sobrang laking bahay, ang ganda kung magnakaw kaya ako d'yan? T'yak marami akong makukuhang pera d'yan. Argh masama naman 'yon e--h, kung mang holdap ako pag may lumabas sa gate. Hindi rin puwede, "Ano ba 'yang utak mo Haraline? Ang dumi? Kung ano-ano iniisip gosh!"  kausap ko sa sarili ko, kailangan ko na yata mag palinis ng utak, kaso wala akong pera. Pagtapat ko sa gate ng isang malaking bahay, biglang may lumabas na Matanda. Nakakagulat naman s'ya.

"Ikaw ba hija ang mag a-apply?" tanong nito sa ‘kin, halata mong mabait s'ya. Ngumiti ako sa kaniya, kase naman hindi ko alam ang sinasabi n'ya?

"A--hh ano ho?" wala akong ma-sabi dahil, paano ako mag a-apply kung wala namang nakapaskil dito sa labas.

"Sabi ko kung ikaw na ba, ang mag a-apply?" napangiti ako sa kan'ya kahit wala talaga akong alam sa sinasabi n'ya.

"A--hhh o--h ho! Ako nga po! Ano po bang magiging trabaho ko?" masayang tanong ko. Ayos na rin, kung sino man ang inaantay nilang mag a-apply? Pasensiya ka na lang. Kailangan na kailangan ko talaga nang trabaho.

"Magiging katulong ka, iyan oh! Nakikita mo?" sabi nito sa ‘kin at tinuro ang karatula hindi ko pala napansin kase namangha ako sa bahay na ito. Ang ganda eh, balang araw mag kakaganyan riin ako.

"Hehehe… Hindi ko po nakita..." Ani ko na lang at napakamot sa batok. Ang tanga ko talaga, naghahanap ako nang trabaho tapos hindi ko manlang ito napansin. Sana lang keri ng ganda ko ang maging isang katulong. Pero ayos na siguro 'yon at least may trabaho Kaysa naman wala. Ang totoo kase hindi ko pa nararanasan maging isang maid.

"Pumasok ka at ipapaliwanag ko sa'yo ang lahat!" aniya at kusang bumukas ang gate, pagkatapos naglakad kami papasok at nakita kong sobrang ganda. Meron pang swimming pool at garden rito sa harapan. Pumasok naman kami sa isang malaking pinto pagpasok ko, halos tumulo ang laway ko sa ganda. Ang ganda para kang  na sa isang palasyo, tapos ang mga gamit pa mamahalin, parang nakakatakot hawakan. Mayroon din silang mga chandelier, ang kintab pa ng kanilang sahig. Ito pa ang pinagtataka ko? Ang daming men in black dito, buong bahay yata mayroon na naka-itim tapos may mga dala pang mga baril. Nakakatakot naman dito tapos, ang dami pang katulong ba't ang daming katulong dito? Sabagay magtataka pa ba ako? Halatang sobrang yaman ng taong nakatira rito. May pogi kaya dito, sana meron. Choss!

"Hija? Nakikinig ka ba?" tanong nito sa 'kin, kanina pa pala s'ya nag papaliwanag. Tapos hindi pala ako nakikinig, namangha kase ako sa bahay na 'to, ang lamig lamig pa kahit hindi ako nakikinig sumagot na lang ako ng "Oo!" baka kase magalit s'ya.

"Stay in ka dito ayos lang ba sa'yo? Ang gagawin mo rito, maglinis ng bahay, mag laundry etc!" sabi nito.

"Opo kaya ko po, sanay po ako sa gawaing bahay!" sagot ko, at nilibot ulit ang paningin sa paligid. Parang ang hirap maglinis rito, nakakatakot baka makabasag, pero salamat na rin at magkakatrabahaho na ako.

"Pero bukas ka na mag umpisa dahil wala pa ang boss namin rito. Mamaya pa ang balik n'on galing trabaho. Maaga kang pumunta rito bukas hija, ayos lang ba sa'yo?" tanong nito sa'kin.

"Ayos lang po sa ‘kin, Manang! Pero kase ano e--h--  pinutol ko ang sasabihin ko, kase nahihiya akong magsabi. Pero kakapalan ko na ang mukha ko.

"Ano 'yon hija, may kailangan ka ba?" tanong nito sa 'kin.  Huminga mo na ako nang malalim bago, nagsalita. "Kaya mo 'yan Haraline, para sa ekonomiya!" natawa naman ako sa pinag-iisip ko.

"Manang kase ano e--h-- putol ko sa sasabihin ko. Kahit kaylan talaga hindi makapal mukha ko. Hindi naman kase akong lumaking walang hiya, pero kase kailangan ko kaya "Kaya ko 'to!"

"Ano nga 'yon hija? Magsabi ka lang!" huminga ulit ako nang malalim bago nagsalita. Bakit ba kase ang mahiyain ko? Biro lang ang totoo. May  kalahating mahiyain ako at kalahating walang hiya.

"Puwede po bang umutang nang kahit 200 pesos, wala po kase akong pera pamasahe pauwe. Pagod na po ako, kanina pa kase ako naglalakad para maghanap nang trabaho!" sabi ko. Ngumiti naman ako ng tipid kay Manang. Nakakahiya talaga. “Promise po babayaran ko kapag may pera na ako!” pahabol ko pa.

"Ay? ‘Yon lang ba, ang kailangan mo? O--h ito 500 pesos sa'yo na iyan, hindi mo na kailangan bayaran. Gamitin mo na rin pamasahe, para bukas pagpunta mo rito!" sabi n'ya at inabot sa ‘kin ang pera galing sa kan'yang bulsa. Talagang ibibigay n'ya sa'kin ang 500 pesos na ito? Ang galante naman ni Manang? Ayos lang naman sa 'kin kahit 200 pesos, kasya na 'yon pamasahe ko pauwe at papunta rito.

"Hala! Nakakahiya talaga Manang, ang laki naman po nito!" ngumiti lang ito sa'kin.

"Naku hija, 'wag ka mahiya! Good luck sa'yo bukas, sana ay tanggapin ka ng boss namin!" sabi nito. Kung gan'on, kailangan pa akong interviewhin ng boss na sinasabi ni Manang bago ako makapasok rito? Sana mabait ang taong 'yon.

"Maraming salamat po Manang!" sabi ko dito ngumiti ito sa 'kin at nagpaalam na rin ako.  Lumabas na ako sa bahay hinatid n'ya ako sa gate, kaya bago s'ya pumasok sa loob nagpasalamat ulit ako. Sana makapasok na ako bukas para makapagtrabaho na ako at mabayaran ko na ang renta ko. Sino kaya ang boss nila? Mabait kaya s'ya? Sana guwapo, hindi matandang gurang. Hehe…



____
Naglakad na lang ako pauwe, kase sayang din ang pamasahe. Pinangbili ko na lang ng pagkain. Pagkarating ko sa bahay, agad na akong nagbihis at nag-shower para makapagpahinga. Pagkatapos sumalampak ako sa kama at napatingin sa kisame. Sa wakas may trabaho na ako, ang kailangan na lang matanggap ako ng boss na sinasabi ni Manang. Sana mabait at hindi masungit lalo nang huwag naman sanang manyak. Kung ano ano nang iniisip ko hindi ko pa nga nakikilala ang tao. Pero kinakabahan talaga ako para bukas bahala na, makatulog na nga.

____
Maaga akong nagising dahil ayokong ma-late sa usapan. Ginawa ko na ang morning routine ko at pagkatapos kumain na ako bago umalis. Sumakay na lang ako ng Jeep papunta sa malaking bahay na iyon. Pagbaba ko sa Jeep agad na akong nag-doorbell, kinakabahan talaga ako pero keri ko ito. Lumabas naman si Manang kaya agad ko itong binati.

"Good morning, Manang!" bati ko rito.

"Magandang umaga rin sa'yo hija! Mabuti at maaga ka? Pumasok ka na at bilisan dahil masamang pinaghihintay ang boss namin!" Pumasok na s'ya at sumunod ako sa kan'ya papunta sa loob ng bahay.

"Butler ihatid mo nga ang batang ito kay boss! S'ya ang mag-a-apply bilang maid!" utos nito sa butler raw kuno, pero in-fairness ang guwapo n'ya. Enebe baka puwedeng mag-apply bilang gf n'ya? Kung ganito ba naman ka-guwapo ang mga tao dito, hindi na ako aalis. Ngumiti ako kay butler tapos dedma lang ako. Ay ang sungit naman ng taong ito. Gosh, ang guwapo n'ya talaga mapapa-sa'kin ka rin.

"K!" tipid na sagot nito at naglakad na, ang sungit naman ng taong ito. Pasalamat s'ya guwapo s'ya, pero iyan gusto ko sa lalaki masungit at walang paki-alam sa mga magagandang katulad ko. Sumunod na ako sa kan'ya, lakad takbo na ang ginawa ko para masundan lang s'ya.

"Hoy kuya maghintay ka naman, ang bilis mo maglakad nakakapagod!" lumingon ito sa'kin, shit ang guwapo n'ya. Para akong matutunaw ng tignan n'ya ako. Ang singkit nang mga mata n'ya, tapos ang pula ng labi n'ya. Ang sarap halikan enebe!

"Don't staring at me. Bilisan mo may mga gagawin pa ako tss!" masungit na sabi nito. Ang sungit talaga pero ang cute nang boses n'ya nakaka-inlove. Para yatang gusto ko nang gahasain itong si butler eh. Siguro ang hot n'ya 'pag hinubaran ko s'ya, halata naman kase sa mga malalaki n'yang braso. Napakagat labi naman ako sa mga iniisip ko.

"Tch flirty girl!" rinig kong sabi nito. Kaya naman nagising ako kakapantasiya, kase ang guwapo talaga eh. Nang lumakad s'ya sumunod na ako hanggang sa makasakay kami sa elevator. Nakaisip naman ako nang kalokohan, habang nandito kami sa loob dumikit ako sa kan'ya.

"Lumayo ka nga sa'kin!" masungit na sabi nito at lumayo nang bahagya sa'kin. Pero mas lumapit ako sa kaniya at pinisil ang puwet n'ya. Nakita kong napalunok s'ya sa ginawa ko. Tumingin naman ito sa'kin nang matalim.

"Dintansya or ambulansiya?" seryosong sabi nito kaya napalayo ako. Halata kaseng hindi s'ya nag bibiro. Napangiti na lang ako nang tipid sa kan'ya, nakakahiya ang pinaggagawa ko. "Gaga ka talaga Haraline. Pero ang lambot ng puwet n'ya. Gosh!" napakagat labi naman ako sa hiya, nakita kong napalunok ito. Sino kaseng hindi maakit sa'kin ang ganda ko kaya at sexy pa, pero virgin pa ako.

"Kuya anong pangalan mo?" tanong ko rito, sana naman sabihin n'ya para ma-add ko s'ya sa facebook. Inirapan lang ako nito at hindi pinansin ang sungit naman.

"Kuya guwapo ka sana kaso masungit ka!" sabi ko sa kan'ya, abat inirapan lang ako. Bakla siguro s'ya? Huwag naman sana, crush ko pa naman s'ya.

"Kuya bakla ka ba?" tanong ko sa kanya kaya napatingin s'ya sa'kin nang masama. yare baka mag buga na ito ng apoy sa galit. Pero kahit galit s'ya ang guwapo pa rin nito. Hot na nga s'ya? naging hot pa s'ya lalo.

"Hehehe... Sabi ko nga hindi ka bakla, Barbie lang!" lalong sumama ang tingin n'ya sa'kin, sobrang seryoso naman nito. Parang gusto na akong lamunin ng buhay eh. May girlfriend kaya s'ya?

"May girlfriend ka ba?"tanong ko. Pasensiya na kayo ganito talaga ako pag may guwapo akong natitipuhan. Nagiging walang hiya ako. Nang bumukas ang elevator agad na kaming bumaba. Nakakainis naman kahit isang tanong ko walang sinagot. Mapapa- sa'kin karin butler.

"Nandito na tayo!" pagtapat namin sa isang itim na pinto kumatok na s'ya. Kinabahan naman ako bigla. "Kalma lang, kaya mo ito!" huminga ako nang malalim sa sobrang ka ba, nanlalamig na rin ang mga kamay ko.

"Come in!" sabi sa loob at kusang bumukas ang pinto. Napakapit naman ako sa damit ni Mr sungit sa sobrang kaba.

"Pumasok ka na!" sabi nito. Huwag n'yang sabihing ako lang papasok mag isa?

"Hindi mo ako sasamahan sa loob?" tanong ko rito. Natatakot talaga ako baka kase hindi mabait ang na sa loob.

"No!" matipid na sagot nito. Nakasimangot naman ako akala ko makakasama ko pa s'ya hanggang mamaya, pasensiya na na-love at first sight ata ako sa kan'ya.

"Eh sige na samahan mo na ako sa loob!" sabi ko. Ang totoo kase natatakot ako baka kung ano gawin sa'kin ng taong na sa loob. Ang arti naman nang taong ito, isang magandang babae na nag-aaya sa kan'ya ayaw pa pumayag tss.

"Tsk. Miss! Alam mo ang daldal mo para kang puwet ng manok. Ang landi landi mo pa, mahiya ka naman, ang panget mo!" sabi nito at umalis na. Ako parang puwet ng manok aba't grabe naman s'ya. Saka malandi raw ako? S'ya lang naman nilandi ko, ang guwapo kase n'ya. Pero sinabihan pa rin n'ya ako nang malandi, nakakainis s'ya. Pero hindi ko kayang magalit sa isang katulad n'yang guwapo. Huminga mo na ako nang malalim, kase sobra na akong kinakabahan sana talaga mabait ang taong ito. Hindi ko na alam kung ilang beses ako huminga nang malalim sa sobrang kaba. Sana talaga matanggap ako kailangan ko talaga nang trabaho. "Lord please sana matanggap ako, para may pangbayad na ako ng renta!" dasal ko at muling huminga nang malalim.

Chapter 3

Huminga ulit ako nang malalim, sobra talaga akong kinakabahan. Nang makaipon nang lakas nang loob, pumasok na ako. Pag pasok ko namangha ako kase ang ganda nang office ng boss ko, ang astig nang office n'ya. Ang amoy dito napakabango, halata mong lalaki ang naglalagi dito kase amoy na amoy mo ang pabango nang lalaki. Nag masid ako sa palagid, black and white ang kulay nang office n'ya, ang ganda bagay na bagay sa lalaki. Kinabahan naman ako nang may makita akong isang lalaki, nakatalikod sa'kin med'yo madilim pa sa parti n'ya. Sana hindi matandang ukluban ang maging boss ko, sana kasing guwapo ni kuyang butter.

"Ms. Haraline Montimayor!" nagulat naman ako nang mag salita ito. Ang ganda nang boses n'ya, napaka- husky. Halata mong guwapo s'ya sa boses palang, kinabahan ako namg unti unti itong humarap sa'kin. Natulala naman ako, dahil isa nga s'yang guwapong nilalang mas guwapo pa s'ya kay butler. Ang ganda ng mga mata nito, abo ang kulay nito bumagay pa dito ang mahaba n'yang pilik mata pati na ang kaniyang makapal na kilay. Shit napakaguwapo n'ya, puwede na siguro akong mamatay kase para s'yang isang anghel na bumaba sa lupa. Tapos ang pula pa nang labi nito, parang ang sarap halikan.

"Ms. Haraline Montimayor, ikaw na ba ang pinadala dito para maging asawa ko?"

"Oo mahal ko!$ sabi ko at lumapit ako sa kaniya, hinawakan ko ang guwapo n'yang mukha at hahalikan na sana ako nang magising ako sa katotohanan. Nanaginip lang pala ako gosh.

"Tss. Ms. Montimayor please close your fucking mouth! Baka tumulo pa ang mabaho mong laway  sa office ko mag ka virus pa dito!" masungit na sabi n'ya. Ano daw? Nag toothbrush naman ako kanina ah. Arti at ang sungit n'ya, para s'yang babae tss.

"Sit down!" sabi n'ya kaya mabilis akong umupo. Natulala naman ako nang magkatinginan kami, kase sobrang guwapo n'ya talaga. Pag nagka-anak siguro kami guwapo rin at maganda.

"Ilan ba gusto mong anak baby?" tanong nito sa'kin.

"Kahit ilan baby, kahit sampung dosena pa!" sabi nito at napapikit ako nilapit nito ang mukha n'ya sa'kin. Tapos bigla ulit ako nagising sa katotohanan na, nag papantasiya lang ako. Bakit kase sobrang guwapo nang nilalang na ito?

"Don't fucking stare at me, kung hindi ka makikinig sa mga sinasabi ko. Get fucking out ugly woman! Arrg." Sigaw nito sa'kin, kaya ito gising na gising na talaga ako sa katotohanan na guwapo at mukhang anghel lang s'ya pero hindi s'ya mabait tss. "Shit naman kase Haraline, ang landi mo. Ayan nagalit tuloy!" tumayo ako at napakamot sa ulo.

"Tanggap na ba ako sir?" tanong ko, lakas din nang loob ko. Nagawa ko pa talagang magtanong. Ngumiti ako nang pilit sa kan'ya, kase sumama ang tingin nito sa'kin. Umalis ito sa puwesto n'ya at lumapit nang dahan dahan sa'kin. Ang sama nang tingin nito, kaya umatras ako habang lumalapit s'ya sa'kin. Sobra naman akong kinabahan baka kase kung anong gawin n'ya sa'kin, pero ayos lang guwapo naman s'ya huwag lang n'ya ako biglain, birhen pa kase ako. Nang wala na akong maatrasan, ramdam kona ang lamig nang pader. Halos, mawala na ako sa sarili ko nang ma-corner ako nito. Inilagay nito ang kamay sa taas nang ulo ko. Nakakulong na ako sa bisig n'ya ngayon. Nilapit naman nito ang mukha n'ya sa'kin, napapikit na lang ako tapos ngumuso. Siguro gusto n'ya akong halikan.

"Get out, huwag mona ulit ipapakita ang mukha mo sa'kin. Ugly woman!" sabi nito, kaya napamulat ako. Nakangisi ito, bago lumayo sa'kin, napapikit naman ako dahil sobrang nakakahiya ang ginawa ko. Napaka assuming ko, tumalikod na ako at hiyang hiya sa pinaggagawa ko shit ka Haraline. Bumaba ako at nakasalubong ko si manang.

"Anong nangyari?" tanong ni manang. Paano ko ba sasabihin na, buwisit na buwisit sa'kin ang taong iyon. Napangiti ako ng pilit kay manang.

"Wala po! Maayos naman po, manang!"  pagsisinungalin ko. Malamang hindi ko puwedeng sabihin na, natulala ako kanina habang kinakausap niya ako tapos nagalit s'ya sa'kin tapos, na-corner n'ya ako at sinabing huwag nang ipakita ang pagmumukha ko sa kan'ya.

"Mabuti naman nakalabas ka pa nang buhay." sabi ni manang. Mabuti talaga, nakalabas pa ako nang buhay. Ano kayang ibig-sabihin ni manang sa sinabi n'ya?

"Ano pong ibig n'yong sabihin?" tanong ko.

"Wala huwag monang isipin, bilisan mo at tulungan mo'kong mag luto!" sabi n'ya sa'kin at lumakad na kaya sumunod na lang ako. Pero, hindi pa ako tinatanggap nang taong iyon. Bahala na nga. Ang daming mga maid na nakatingin sa'kin hindi naman ako artista. Alam kong maganda talaga ako, pero huwag na nilang ipahalata.

Nag luto lang kami nang sinigang Adobo, Chicken Carry at iba pa. Sobrang daming ulam na pinaluto sa amin. Ganto ba talaga dito, parang pyesta lagi?

"Manang ano pong pangalan ni young master?" tanong ko kay manang. Habang nag sasandok kami nang mga ulam at kanin na ilalapag sa lamesa.

"Hindi ba n'ya sinabi sayo ang pangalan n'ya? Zyjin Akira Fortabella!" ang ganda nang pangalan n'ya, pero hindi nang ugali n'ya.

"Mabait po ba s'ya?" Tinanong mo pa talaga haraline eh, kanina lang sobrang sungit na n'ya sa'yo at sinigawan at nilait ka pa.

"Mabait naman 'yon kaso masungit lang. Huwag kang mag kakamali, iyon ang ayaw na ayaw n'ya sa lahat. Kung baga tatanga tanga!" straigth to the point na sabi ni manang. Grabe naman s'ya, ayaw n'yang may nagkakamali. Bakit hindi ba s'ya nag kakamali? Lahat naman nang tao nagkakamali. Kahit ang isang magandang katulad ko ay nagkakamali rin.

Pag katapos namin mag ayos nang pagkain nag hanay-hanay ang mga katulong sa gilid, kaya naki hanay narin ako. Kailangan ba talaga ito, kapag mayaman ang amo mo?

"Bago ka dito?" tanong ng katabi ko. Maputi s'ya maganda rin naman. Pero syempre mas maganda parin ako. Pasensiya na ganito talaga ako, sabi kase nila panget ka man sa iba basta maniwala ka lang sa sarili mo na maganda ka.

"Oo!"  ngumiti ito sa'kin, kaya ngumiti narin ako nang tipid.

"I'm Kadilyn and you?" pabulong na tanong nito. Bakit naman s'ya nabulong, bawal din ba maingay rito?

"Haraline." sagot ko.

"Nice meeting you Haraline. Ang ganda mo sobra." sabi nito. Binola pa ako, pero alam ko naman iyon matagal na.

"Mambobola..." Mahinang sabi ko.

"Hindi ah, pero ito masasabi ko sa'yo isang paalala narin. Mag ingat ka sa young master." sabi nito sa'kin. Kumunot ang noo ko, bakit naman kailangan ko mag ingat sa young master?

"Bakit naman?" tanong ko.

"Wala, nari'yan na si young master umayos ka nang tayo!" sabi nito sa'kin. Napa-ayos ako nang tayo nag bow sila ng dumaan si young master. Pero ako lang hindi nag bow kaya hinila ako ni Kadilyn kaya napayuko ako.

"Pinapahamak mo sarili mo..."  Bulong ni Kadilyn sa'kin. Ngumiti lang ako nang tipid, malay ko ba? Hindi konaman alam na kailangan mag bow kapag dadaan ang young master. Nagulat naman ako nang bigla sumigaw ang young master.

"Stupid, you're fired!" biglang sabi ni young Master nang matapunan ito nang orange juice. Ang babae kase ang nag salin nang juice sa baso ng Young Master. Nakita kong umiyak na ang babae habang lumalabas nang bahay. Ang sama naman nang ugali ng ugali n'ya, nag kamali lang nang kaunti tatangalin na kaagad. Galit na tumayo ang Young Master sa upuan at umalis sa harap nang hapagkainan. Nang may mga dumating na kalalakihan.

___
May mga dumating na kalalakihan kaya, nag-bow ulit ang mga katulong. Pero ako hindi yumukod, kaya kitang-kita ko ang lalaki na binato ko noong nakaraan araw. Holy sh*t, bakit nandito s'ya? Anong ginawa ng isang mayabang na katulad niya rito? Napalunok naman ako at napayuko bigla nang napatingin ito sa'kin. Sana hindi ako makilala ng taong ito.

"Mga kaibigan 'yan ni sir." sabi ni Kadilyn, umupo sila at kumain na. Ako naman sobrang kinakabahan pa rin, ang malas nga naman. Talagang dito ko pa makikita ang isang aroganteng kagaya n'ya. Akalain mo nga naman kaibigan pala ng Young Master ang taong ito tss. Sayang s'ya guwapo pa naman, ang gaspang lang ng ugali.

"Alam ba n'yong sobrang natatawa ako dito kay Dansen, akalain mong isang babae lang ang bumato sa kan'ya noong nakaraang araw. Hindi pa kinaya, ang bakla n'ya!" sabi ng isang lalaki at tumawa sila nang sabay sabay. Ako naman nanginig ang mga kamay at nanlamig. Alam kong ako ang tinutukoy ng mga lalaking ito.

"Hahah kawawa ka naman, isang babae lang ang babato sa'yo dapat hindi muna pinatakas napakabakla mo!" pang aasar ng isang lalaki. Guwapo rin s'ya, pero mas guwapo parin ang young master. Wala na talaga mas gu-guwapo kay Young Master, kaso ang panget ng ugali.

"Kapag nagkita ulit kami ng babaeng 'yon, sisiguraduhin kong makakaganti ako sa kaniya. Kahit babae s'ya, papatulan ko s'ya, papatayin ko talaga s'ya. Tandang tanda kopa ang panget na mukha nang babaeng iyon!" galit na sabi nito at bigla itong napatingin sa'kin at ngumisi pa ito. Kumabog naman nang sobra ang dibdib ko, sobrang kinakabahan na ako dahil baka totohanin ng taong ito ang mga sinabi n'ya. "Ano ba naman kaseng pinagagawa mo Haraline. Paano na lang kung totohanin ng taong ito ang sinabi n'yang papatayin ka. E--de mababawasan ng maganda sa mundo..." Mahinang bulong ko.

"Uy anong binubulong-bulong mo?" tanong ni Kadilyn. Tumingin naman ako sa kan'ya at ngumiti nang tipid.

"Wala," sagot ko.

"Gan'on ba? Okey." sabi lang nito at ngumiti sa'kin.

"Napakasama mo naman, babae pa rin 'yon. Dapat ang babae binubugbog sa kama!" sabi ng isang lalaki. Guwapo sana s'ya pero sa sinabi n'ya at sa itsura n'ya halata mong manyak s'ya.

"Gago ka talaga, huwag kang gan'yan pre dapat ang babae nire-respeto. Kase kung hindi dahil sa kanila wala tayo sa mundo!" sabi ng isang lalaki, napangiti ako dahil guwapo na s'ya mabait pa.

"Wala akong paki-alam sa mga babae, para sa akin isa lang silang puppet na puwedeng paglaruan sa kama!" sabi pa ng mukhang manyak na ito tss. Napailing naman ako dahil wala s'yang respeto sa mga babae tss. Kung puwede lang sapakin ko ang lalaking ito para magising s'ya at matutong rumespeto.

"Pre hindi puppets, ang mga babae tandaan mo. Tandaan mo rin na may mama ka, at babae rin s'ya!"

"Oh tama na iyan, kumain na lang tayo!" sabi ng isang lalaki, guwapo at mukhang mabait rin. Kumain lang sila, habang nagtatawanan at nagku-kuwentuhan.

"Natatawa talaga ako, kapag naalala ko noong nanood tayo ng horror movie. Naihi n'on sa takot si Mikey!" pang-aasar nila tapos nagtawanan pa.

"Hoy hindi ah, grabe kayo sa'kin!"

"Totoo naman!"

"Itong si Makey naman lagi na lang busted sa nililigaw n'ya, grabe talaga ang malas n'ya!"

"Palibhasa ikaw hindi ka marunong manligaw!"

"Guwapo kase ako kaya hindi ko na kailangan manligaw, sila na mismo lumalapit sa'kin para kainin ko sila!”

"Hayup ka talaga!"

"Huy tangina mo, ang yabang mo mas guwapo naman ako sa'yo!" sabi ng taong binato ko. Kapag nakikita ko talaga s'ya natatakot ako, baka talaga patayin ako nito sh*t.

"Mas guwapo ako!"

Nagkukuwentuhan, nagtatalo, nagpapayabangan iyan lang mga narinig ko sa kanila hanggang matapos silang kumain. Nakahinga na ako nang maluwag nang tumaas na sila. Kami naman ni Kadilyn nagligpit na ng pinagkainan. Kami na rin ang naghugas ng pinagkainan.

"Haraline, mag-ingat ka sa mga kaibigan ng Young Master. Akala mo simple lang sila, pero mga delikadong tao sila!” sabi ni Kadilyn, habang naghuhugas kami.

"Bakit anong meron sa kanila?" kunot noong tanong ko.

"Basta binabalaan lang kita, pero kay Young Master ka talaga mag-ingat!" sabi nito. Natatakot na ako, kase bakit anong meron bakit kailangan kong mag-ingat. Pero hayaan na nga, hindi keri nang ganda ko ang magpaka-stress tss. Baka maaga akong pumangit.

"Bakit pala parang kinakabahan ka kanina?"

"A--h eh--eh wala naman!" med'yo utal na sabi ko. Anong gusto n'yong sabihin ko? Na ang tanga ko kase binato ko ang isa sa kaibigan ng Young Master. Baka isumbong ako n'on tapos mapaalis ako rito. Ede wala na akong trabaho back to zero na naman ako, baka talagang sa kalsada na ako nito matulog.

"Wala ba talaga?"

"Oo nga, wala nga!" sabi ko pa. Maghihingi na lang ako ng sorry, sa lalaking iyon. Kahit nilait-lait n'ya ako, ayokong mapaalis sa trabaho ko dahil doon. Saka hindi ko naman alam, kasalanan naman n'ya kase mas'yado s'yang aroganteng lalaki. Huminga ako nang malalim kase naman kinakabahan ako.

"Hindi kita pipilitin kung ayaw mo magkuwento, pero kung may nagawa ka sa isa sa kanila. T'yak akong magsusumbong 'yon kay Young Master at baka mapaalis ka rito!" seryosong sabi nito. Napalunok ako, ito na nga ba sinasabi ko, huwag naman sana. Hindi ko kayang matulog sa kalye kase hindi pa talaga ako nakakabayad ng renta.

"Ah e--h totoo?"

"I'm just kidding. Ang seryoso mo naman, kinabahan ka no--h! Actually mababait naman sila pero mag-ingat ka pa rin dahil hindi lahat ng mabait, mabait talaga." sabi nito at nagpunas na ng kamay, gano'n rin ako dahil tapos na kami maghugas.

"Uy nagbibiro lang talaga ako, huwag mo mas'yadong seryosohin mga sinabi ko! Tara na gawin na na'tin sunod na gawain na'tin!" sabi nito. Ngumiti ako at tumango, pinakalma ko ang sarili ko."Relax lang Haraline, humingi ka na lang ng sorry!" sabi ko sa isip ko. "Huwag na, kase kasalanan naman n'ya!" sabi nang isang side ng utak ko. Nagtalo pa nga ang mga utak ko, pero hayst bahala na. Pumunta na kami sa susunod naming gagawin.