Browse stories

The CEO Ways to Love that Siga girl

Language: fil

Drew Cast is a Filipino-American . At the age of 27, he is already the CEO of their family company. He has everything, Looks and power. A business magnate and a chic magnet. They called him a playboy and a jetsitter,because a lot of girls are linked to him but he was never been in a serious relationship . But he is not a cold-hearted man. He is Down to earth, Kind and a Humorous one. He will met the siga girl named, Isabeau. With a boyish behavior but with a pretty face and a great body. Sa una palang nilang pagkikita nasabi na niya sa sarili niya na hindi niya type ito, dahil sa…

Available chapters

  1. Chapter 1
  2. Chapter 2
  3. Chapter 3

Chapter 1

ISABEAU

Naabutan ko si Lolo sa bahay nang hindi mapakali sa higaan niya. Hinihingal pa siya at may hawak siyang pamaypay. Kaya nagtaka ako.

"Lo' bakit po?" tanong ko sa kanya. Nilapitan ko siya at tinuro niya sa akin ang electric fan.

Hindi gumagana iyon. Bakit kaya? Tinignan ko ang saksakan, okay naman, pati na rin ang fuse.

Lumabas ako at nagtanong sa kapitbahay.

"Aling Elsa! brown out po ba?" tanong ko nang makalapit sa pinto nila.

"Naku Isay, naputulan kayo ng kuryente kanina. Sinabihan ko nga iyong naningil na hintayin ka, kaso hindi sila nagpapatawad eh," mahabang wika ni aling Elsa.

Nainis talaga ako sa narinig.

"Aling Elsa pwedi bang diyan muna si Lolo, pupunta muna po ako doon sa opisina ng kuryente," paalam ko.

"Sige Isay," pagsang-ayon niya.

Kadarating ko lang kasi galing sa pinagtatrabuhan kong karenderya. Cook ako roon slash waitress. Kaya hindi ko alam na naputulan na pala kami ng kuryente. Imbes na pangbayad kasi sa kuryente ay puro sa gamot ni Lolo napupunta ang kinikita ko. Malalim akong napabuntong-hininga.

Agad kong inalalayan si Lolo papunta kina aling Elsa dala ang electric fan niya.

Hindi na kasi siya pweding mainitan dahil aatakihin siya ng hika. May sakit na kasi sa baga si Lolo. Kaming dalawa na lang sa buhay kaya nagkakayod ako na makapagtrabaho para kumita ng sapat sa gamot at pagkain naming dalawa.

Pagkahatid ko kay lolo sa bahay ni Aling Elsa agad akong sumakay ng mountain bike ko at tumungo sa opisina ng bayaran ng kuryente.

Pagpasok na pagpasok ko agad akong suminghal. Sorry sila nababadtrip talaga ako eh.

"Miss ano ba naman kayo! Bakit niyo kami pinutulan ng kuryente?" singhal ko doon sa babae,at pinalo-palo ko pa ang sementong table ng cashier.

Nagtinginan sa amin ang mga tao sa loob ng opisinang iyon. Pero wala akong pakialam sa kanilang lahat.

"Wait sandali lang po miss hinay-hinay lang, wag po kayong mag-i-eskandalo dito, ano pong pangalan?" mahinahon niyang saway sa akin.

"Roberto Montano!" singhal ko pa rin.

"Wait lang titignan ko." Tumingin siya sa monitor ng computer niya bago ako binalingan.

"Ah miss naputulan kayo ng kuryente kasi five bill na po kayong hindi nakapagbayad ng kuryente," paliwanag ng babae.

"Kahit na ilan pa 'yan, hindi dapat ninyo pinutol agad, paano kung namatay ang lolo ko dahil walang electric fan!" Sana wag naman po, taimtim kong panalangin.

"Juskoo naman kayo! Wala kayong patawad, magbabayad naman ako. Oh ito! Asikasuhin ninyo ngayon din ha!" malakas kung sabi sa kanya at inabot ang perang dapat pambili ko ng bigas at gamot ni Lolo ngayon.

"Sandali lang miss, may nakapila pa po."

"Ano? kailang—" naputol ang sasabihin ko dapat nang may nagsalita ng spokening dollar.

"Miss Beautiful, where's Danielle?" English na sabi no'ng baritonong boses na iyon. Nangunot ang noo ko at agad na tinignan kung sino iyon. Aba! Ang tangkad! Dibdib pa lang ang nakikita ko at ang umbok ng mga iyon.

Umangat pa ang tingin ko sa mukha niya. Lumingon siya sa akin. Blonde ang buhok, asul na mga mata, napakatangos ng ilong at maninipis na labi at napakapula ng mga iyon.

Binasa pa niya ng laway ang mga labing iyon. Kaya napalunok ako. Para akong nauhaw.

"Hey! What's wrong? May dumi ba ako sa mukha?" nakangising pukaw niya sa 'kin. Kaya napatanga ako.

Kala ko, English talaga magsalita. Mag-ri-ready na sana ako ng panyo kung sakaling dumugo ang ilong ko.

Lumingon ako doon sa cashier. Ayun tulala rin.

"Miss ano na? Kailangan ko na ngayon maibalik ang kuryente sa bahay!" inis ko nang pukaw sa babae.

Kaso doon siya sa foreigner nakatingin. Tsk!

"S-sir nasa opisina niya tatawagin ko lang po," sabi pa no'ng cashier na kumikinang ang mata na nakatunghay doon sa lalaking foreigner at nilagay pa sa likod ng tenga ang hibla ng buhok. Juskoo ang landiii!

"Okay thank you." Nakangiting tugon no'ng lalaki at kumindat pa, ayun tuloy parang bulateng nalagyan ng asin ang babae.

"Hoy! Ako ang unang nagrereklamo dito tapos ito agad ang aasikasuhin mo porket ba English to magsalita tapos gwapo, ganyan ka na?! Irereklamo ko itong opisina niyo!" singhal ko pa rin doon sa babae habang tinuturo ang kano.

Sinamaan niya ako ng tingin at pumasok na sa loob ng opisina. Bumaling ako sa kano.

"Hoy ikaw din ha! Masyado kang papansin ano, ginagamit mo pa yang itsura mo para lang masunod ang kailangan mo!" inis kong sabi doon sa tisoy.

Kinunutan niya ako ng noo at ngumisi sa akin.

"Are you talking to me?" Tanong niya at tinuro ang sarili niya.

Aba antipatiko!

"Oo!" malakas na sagot ko at tumango.

Nalukot ang mukha niya. "You're so noisy, can you please, speak in a low voice, I think lalabas ako sa opisinang ito, bingi na ako," reklamo niya sa akin.

Aba-aba namimilosopo pa.

Ibubuka ko na sana ang bibig ko nang lumabas na si Pareng Dan.

"Oh what's happening here?" tanong niya na nagpalipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ng kano.

Agad akong nagsalita.

"Kasi pare, pinutulan kami ng kuryente ng walang pasabi. Alam mo naman na may sakit si Lolo 'di ba at nasa karenderya ako," malumanay kong paliwanag sa kanya.

"Gano'n ba? I'm sorry Pare kadarating ko lang din kasi galing cebu eh, kung nandito siguro ako, napagsabihan ko sila na huwag kayong putulan dahil alam ko naman ang sitwasyon ninyo," sabi niya sa'kin at inakbayan ako.

Namula yata ako sa ginawa niyang pag-akbay sa akin. Ang bango kasi niya. At saka ano kaya ang amoy ko ngayon? Naku! baka amoy araw! Bwesit!

Crush ko kasi si Danielle since elementary. Childhood friend ko siya. Ang gwapo niya kasi at mabait din. Mayaman sila dahil pag-aari nila ang electric cooperative na ito at marami pang iba. Kaso nga lang habulin ng mga chiqs. Pero tropa ko siya hanggang ngayon. Ang layo namin sa isa't-isa 'di ba?

Nakita kong tumingin sa amin iyong foreigner na nakakunot-noo. Nahiya ako bigla.

"A-ah sige na Dan, uuwi na ako. Aasikasuhin ko pa kasi si Lolo ," mahinahon kong paalam.

Tinapik ko ang kamay niya sa balikat ko. Inalis niya naman iyon at humarap sa akin.

"Sige na, agad akong magpapadala ng tauhan para mabalik ang kuryente ng bahay niyo." Nakangiti niyang sabi at pinisil ang magkabila kong pisngi gamit ang dalawang kamay niya.

Tumango ako sa kanya at sumimangot.

Ngumiti siya."Your so cute!"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Tigilan mo nga ako Dan! Sige na uwi na ako!" kunwari inis kong sabi.

Sinulyapan ko muna si kano bago ako naglakad palabas, parang feeling ko kasi masyado na akong napapahiya roon.

Ipinagkakanulo kasi ako ng pisngi ko, si Dan kasi!

Narinig ko pa ang mahinang tawa ni Dan pero tuluyan na akong umalis doon.

DREW

Masyadong hyper ang babaeng iyon!

Kitang-kita ko ang kasiyahan sa mukha ni Danielle nang umalis iyong babae. Masyado yata siyang attached doon.

"Sino iyon? Ang hyper bro! Pero pagdating sa 'yo ang lambot." Natatawa kong saad.

"Yeah. She's Isabeau, pare. Siga, pero as you can see bro. She's very nice and pretty. And sexy also. Hindi lang mahilig mag-ayos. Kung wala lang sana akong girlfriend balak ko siyang pormahan para tumino sa pagiging babae." Natatawa niyang sabi.

Yes he's true, she's pretty kaso... kaso yung 'nice' nah! I don't know, parang laging may mic, ang lakas ng boses.

My type of girl is those who is opposite of that girl earlier. Teka, bakit ko iniisip ang bagay na iyon? I tilted my head and sighed.

"Hey, what's with you and your here?" Danielle asked me.

"I have something to tell you bro, " at pumasok na kami sa office niya para mag-usap.

****

Kinabukasan pinuntahan ko ang site ng pinapagawa kong restaurant . Wala ako ngayong meeting kaya naisipan kong pumunta ro'n.

Okay naman sa site kaya tinawagan ko muna ang Engineer niyon.

I dialed his number at nilagay ko ang cellphone ko sa tenga.

While I was talking to the engineer, I'm facing the street then I saw the girl yesterday nasa karenderya siya sa kabilang side ng street, in front of my restaurant.

She is wearing her loose shirt and faded blue jeans with a cap on his head. Pabaliktad pa ang pagkakasuot n'on. Kaya napailing na lang ako.

"Okay thank you, good job!.. You made it.. Okay I will send you something.. Okay.. Bye!" I said while smiling then I saw that girl looking at me.

So, I pretend that I was still talking on my phone but my focus is to her.

I smiled while looking at her. Hindi naman siya umaalis sa kinatatayuan niya at nakatitig lang din sa akin, tumagal din iyon, pero walang expression ang mukha niya.

I mounted a word 'your pretty huh!' I joke. Hindi ko alam kung naintindihan niya pero kumunot ang noo niya. Tapos tumingin pa siya sa likod niya.

I smirked at my thoughts. He's so cute. Parang ang sarap asarin ng isang 'to. I laughed at myself.

Nakita kong tinawag na siya sa loob kaya umalis na siya, pero tumingin pa siya ulit sa akin bago siya tuluyang pumasok sa loob ng karenderya.

Chapter 2

ISABEAU

UMUWI na ako ng bahay. Napagod ako kaya pagkatapos kong pakainin si Lolo ay humiga muna ako sa kwarto. Naisip ko iyong kanina. Hindi ko in-expect na makikita ko pa ulit ang lalaking iyon.

May kausap siya sa cellphone niya, kasi nasa tenga niya iyon, pero kung makatitig sa'kin grabi! Tapos ngumingiti pa, nakita ko tuloy ang mapuputi at pantay-pantay niyang ngipin.

May parang sinasabi siya, akala ko nga ako ang kausap niya kaya napapalingon ako sa likuran ko kung may iba, pero naalala ko may hawak siyang cellphone. Tsk! Nakakainis talaga ang lalaking iyon.

Para tuloy akong tanga doon habang nakatingin sa kanya. Baka nga ako ang tinatawanan niya eh. Bwesit na iyon, sarap suntukin! Nanggigigil ako! Grrr!

***

Lumipas ang tatlong araw, maraming tao sa karenderya na pinagtatrabahuan ko dahil nga sa mga trabahador na nasa tapat ng karenderya namin.

"Oh sir Gabriel, ano po sa inyo?" magiliw kong tanong sa engineer ng pinapatayong restaurant.

"Siyempre ang paborito kong adobo mo Isay," sagot niya.

"Sige po sandali lang."

Habang kumukuha ako ng pinggan narinig kong may dumating pa. Nagulat pa ako ng makita ko ang lalaking iyon.

Ngumiti siya sa akin.

"Isay siya ang boss namin si Sir Drew." pagpapakilala niya roon sa kano.

"Ah ganoon po ba." Tumango lang ako sa kanya. Hindi ko alam pero naiinis pa rin ako sa kanya.

"What is the best seller here?" tanong pa niya.

"Naku sir i-try niyo po itong adobo, si Isay mismo ang nagluto nito," sabat ni sir Gabriel.

"Really?" At tumingin siya sa akin ng seryoso. Hindi ko siya sinagot.

"Okay, I want adobo please and three order of rice," seryoso niyang sabi.

Naku! Parang na-concious tuloy ako sa niluto ko. At saka bakit dito siya kakain? Eh 'di ba mayaman siya? Kausap ko sa sarili ko.

Nahihiya ako, pero ako pa rin ang nag-serve sa kanya. Pagkabigay ko sa kanya ng order ay umalis agad ako. Naguusap-usap sila ng kasama niyang mga trabahador.

"Isay, sino ang gwapong iyon? Mukhang mayaman ha, pero parang ang bait, tingnan mo nakikiusap sa mga trabahador. Hindi rin maarte kasi dito pa kumain. Hala crush ko na siya!" ani Julie na namimilipit pa sa kilig. Waitres din siya dito.

Nagkibit-balikat lang ako.

Maya-maya lang tinawag ulit ako at nag order ulit ng adobo.

Nakita kong nasimot nga ang plato niya. Siya pa mismo ang nagbayad ng mga kinain ng trabahador niya.

Natuwa ako ang galanti niya, sa bagay business man. Mapera sila siyempre.

------

Kinagabihan pumunta si Danielle sa bahay, may dala siyang orange na nakasupot, para raw kay Lolo.

"Napadalaw ka pare? Anong atin?" tanong ko sa kanya ng makapasok siya.

"Ah Isay iimbitahan sana kita sa birthday ko bukas, doon lang sa bahay. Punta ka ha?"

"Ganoon ba?...hmm. Sige pare. Pupunta ako," kunwari pianag-isipan ko pang sagot. Siyempre excited ako!

"Aasahan kita ha."

"Oo, kaso anong party iyon? Maraming tao?"

"Hindi mga kaibigan ko lang at katrabaho ang pupunta ro'n."

"Mabuti naman kong gano'n, alam mo naman na mahiyain ako 'di ba?" Natatawa kong biro. Tumawa rin siya at ginulo ang buhok ko. Sinimangutan ko siya.

"Sige, aasahan kita ha. " Tumango ako at hinatid ko na siya palabas ng bahay.
Naka-kotse siya.

"Ingat!" paalam ko sa kanya.

"Salamat pare!" At umalis na siya.

***

ARAW ng birthday ni Danielle, 7pm ang start kaya pinakain ko muna si Lolo at pinainom ng gamot niya. Pagkatapos no'n, hinatid ko na siya sa kwarto niya para matulog.

"Lo, aalis muna ako ha. Pupunta lang po ako sa birthday ni Danielle, 'yong pumunta dito kagabi, " paalam ko sa kanya.

Tumango naman siya sa'kin.

Naligo ako at nagsuot ng maroon na t-shirt at pantalon.

Agad akong sumakay ng bike at tumungo sa bahay nina Dan.

Nasa labas pa lang ako, naririnig ko na ang musika sa loob.

Ngayon lang ako dadalo sa birthday niya. Hindi kasi ako pumupunta noong mga nakaraang taon kapag niyaya niya ako.

Maraming mga kotse ang nakaparada sa labas ng bahay niya, nanliit tuloy ako baka mga sosyal ang naroon.

Nagdadalawang isip man, kinapalan ko na lang ang mukha ko. Nakakahiya naman kay Dan,kung hindi ako tutuloy.

Napakaganda at napakalaki ng bahay nila. Ipinasok ko sa loob ng gate ang bike ko dahil bukas naman iyon at pinarada ko sa tabi. May nakita akong babae siguro katulong nila, basi kasi sa suot nito.

"Ma'am nandoon po sa pool area ang venue," turo niya sa akin.

"Salamat," ani ko at ngumiti.

Nakarating ako roon, marami ng tao sa isang napakahabang mesa. Mukhang mga galing sa prominenting pamilya ang ibang taong naroon at may iba ring pamilyar sa akin, mga empleyado nila.

"Pare! Thank you at dumating ka!" Napalingon ako sa tawag sa akin ni Dan."Dito kana maupo," dagdag pa niya at tinuro niya sa akin ang upuan na bakante.

Ngumiti naman ako at lumapit.

"Happy birthday Dan! P-pasensiya na wala akong regalo sa 'yo, " paumanhin ko.

"Ano ka ba, hindi na ako bata para sa ganyan, ang importante nandito ka, " nakangiti niyang saad at umakbay sa balikat ko.

Agad naman akong naupo, kasi naman ang hilig niyang mag-akbay sa akin. Naupo siya sa katabi ko.

Maya-maya lang may sinenyasan siya. Nakita ko si Drew na kadarating lang din. Nandito rin siya!

Naglakad siya palapit sa pwesto namin.

"Happy birthday bro!" bati niya kay Dan. At nag-apir silang dalawa.

"Thanks bro, kala ko hindi ka na makakapunta," ani Dan.

"Yeah I thought." Nakangisi niyang tugon at tumingin sa akin. "Hey!" aniya. Tumango lang ako sa kanya at umupo siya sa tabi ko.

Parang hindi tuloy ako makagalaw ng maayos dahil sa dalawang ito.
Pati sa pagkain ko ay hinay-hinay lang ako. Sanay kasi akong de-kamay sa bahay tapos nakataas ang isang paa sa upuan habang kumakain.

Natapos ng maayos ang kainang iyon. Napansin kong wala roon ang magulang ni Dan pero hindi na ako nagtanong.

Umalis na ang lahat pero sabi ni Dan, 'wag muna raw akong aalis. Hindi ko alam kong bakit, kaya naupo lang din ako sa bench malapit sa pool.

Chapter 3

MAYA-MAYA lang lumabas sila ni Drew sa likod bahay dala ang isang case ng alak.

"Pare, tara doon tayo sa kubo, " yaya nila. Sumunod naman agad ako sa kanila.

Inilapag nila iyon sa ibaba ng mesa at naglagay si Dan ng tatlong bote sa mesa.

"Inom tayo Isay, ngayon lang kitang nakasamang mag-Jamming, " aniya habang naglalagay naman ng pulutan ang katulong nila.

"H-hindi kasi ako umiinom, " hiya kong ani at kinamot ko ang batok ko.

"Try mo at least ngayon lang, ladies drink lang naman 'to, matamis at saka hindi nakalalasing, " sabi niya at sinang-ayunan naman ni Drew.

"Sige, pero isa lang ha." Tumango sila.

Nagusap-usap kami tungkol sa ibat-ibang mga bagay. Hindi naman ako naa-out of place kasi nakaka-relate naman ako sa kwentuhan nila. Medyo gumaan na rin ang loob ko kay Drew at komportable na akong kausap siya.

Hindi ko namalayan napapadami na pala ang nainom ko,ang tamis kasi. Lasing na yata ako, kasi panay na ang tawa ko.

Inalis ko ang close cap ko at ipinaypay sa sarili, naiinitan ako. Samantalang nandito kami sa labas at malamig ang simoy ng hangin.

Silang dalawa, parang wala lang. Gano'n pa rin.

"Alam mo ba Drew noong elementary kami, astig talaga itong si Pareng Isay. Pinahiya ba naman niya ang classmate naming si Jerson, kwenilyuhan niya sa harap ng classmates namin no'ng grade four. Ayon tuloy umiyak. Parang hindi lalaki bro! Tawang-tawang kwento ni Dan. Ako naman, tinawanan ko lang ang alaala ng kabataan ko noon.

Nakita ko naman ang pag 'O' ni Drew.
"Why did you do that?" manghang tanong niya.

"Kasi ganito 'yon, naglalakad ako no' n sa hallway nanng bigla niyang hinawi niya pataas ang palda ko, ayoko pa naman ng bastos, eh wala akong shorts noon at saka naka-panty lang ako no'ng time na 'yon at hello kitty pa ang design sa likuran, eh di napahiya ako. Ayon sa sobrang inis ko kaya nagawa ko 'yon. "

"Your unbelievable woman!" naibulalas ni Drew, tawa sila ng tawang dalawa ni Dan. Ang pupula na rin ng mga mukha nila kakatawa.

Napatigil ako, sobrang gwapo nilang dalawa sa paningin ko pero mas angat si Drew. Siguro dahil sa bughaw niyang mga mata. Hayy ano ba ang nasa isip ko? Inihilamos ko na lang ang kamay ko sa mukha. Lasing ka lang! Kastigo ko sa sarili ko.

"Si Lolo kasi, lagi akong binibilhan ng cartoon characters na panty eh ayaw ko ng ganoon. Masyadong maarte at babaeng-babae." Iling-iling kong kwento sa kanila. Napapahawak na lang silang dalawa sa tiyan kakatawa.

"Bakit hindi ka ba tunay na babae Isay?" seryosong tanong ni Dan. Matapos ang walang hanggan nilang tawa tungkol sa kalokohan ko.

"Siyempre babae pa rin naman ako, may crush nga akong lalaki eh!" pag-amin ko pa. Hindi ko na alam ang mga pinagsasabi ko, lasing na talaga ako. Nawalan na ako ng hiya.

"Whoa! Talaga lang ha? Eh sino naman?" paninigurado ni Drew.

"Oo nga! Syempre hindi ko sasabihin sa inyo ano kayo chiqs?" ani ko. Hindi sila chiqs kasi mga Oppa sila!

"Teka! Speaking of chiqs, kayo
ang dami niyong chics na dalawa, mga babaero!" singhal kong biro sa kanila. Tinawanan lang nila ako.

Natapos ang inuman naming iyon, sa akin yata ang maraming boteng naubos, sa kanila dalawa yata o tatlo. Nahihilo na rin ako ng kunti habang naglalakad. Ewan ko kung tuwid pa ang lakad ko. Agad naman akong inakbayan ni Dan at nakasunod lang sa amin si Drew.

"S-sinungaling kayong dalawa! Hindi pala nakalalasing ha? Pero bakit parang lasing na ako?" sarkastiko kong sabi.

"Sabi mo kasi, isa lang ang iinumin mo tapos iyon pala ikaw na ang nakarami sa ating tatlo." Natatawang saad ni Dan habang hinahatid niya kami palabas.

Kumalas na ako sa akbay niya at sasakay na sana ng bike, nang magsalita si Dan.

"Hoy Isay! Alam kong astig ka, pero alam ko hindi mo kayang umuwi ng ganyan," sita ni Dan sa akin.

"Sumabay ka na sa 'kin, ihahatid kita sa inyo," offer ni Drew.

"Yeah, Isay sumabay kana sa kanya." pagsang-ayon ni Dan.

Wala na akong nagawa kundi ang sumunod, nahihilo na rin kasi ako.

Ano ba 'yan Isay, ngayon ka pa lang uminom, dinamihan mo pa, para katuloy sabik sa alak. Nakakahiya ka! Kastigo ko sa sarili.

Isinakay ni Drew sa likod ng pick up niya ang bike ko at pinagbuksan niya ako ng pinto sa tabi niya.

Pagkapasok ko. Nalanghap ko agad ang bango ng kotse niya at saka ang lamig din. Umikot na siya at sumakay na sa driver seat.

Hindi ko na namalayan ang sususnod na nangyari. Nakatulog na ako.


DREW

She's so different of all the girls that I've met . Nakakatuwa siya.
Ang lakas uminom, first time niya raw pero parang hindi.

I tapped her face, to wake her up. Hindi ko kasi alam kung saan ang bahay nila. Mabuti na lang natanong ko si Dan kung saan banda.

"Isay wake up!" pukaw ko sa kanya.

"Hmmm! Ano ba natutulog ang tao eh, " tulog niyang sagot. Napangiti ako.

She's peacefully sleeping. I look at her for a while before I pinched her nose. I think it's effective kasi dumilat na siya. I smiled.

"Andito na tayo saan ang bahay mo rito Isay?" I asked.

Agad naman siyang umayos ng upo at pinusan ang mata gamit ang kamay.

Inaninag niya ang labas.

"Doon pare oh, " paos niyang sabi at tinuro niya ang isang bahay. Medyo malayo pa ng kunti. Pinaadar ko ulit ang sasakyan at hininto roon sa tinuro niya.

Pagkarating namin doon, agad akong bumaba at umikot papuntang likuran para ibaba ang mountain bike niya.

"Salamat pareng Drew ah, " she said when I gave her bike. Medyo hindi pa tuwid ang tayo niya. Kaya ako na ang nagpark no'n sa loob ng gate nila.

"Your welcome!"

"Gusto mong pumasok muna, kape tayo?" yaya niya.

I glance at my wrist watch. Its quarter to Eleven."Okay," I said immediately.

"Tara pasok ka, pagpasensyahan mo na ang bahay namin ha."

"No problem, don't mind me."

They have a small house but a concrete one and iron roof. I think it's an old but in good condition.

Pagpasok namin dumiretso kami sa kusina nila. Their things in here are minimal, I can see the difficulty of their living. I felt pity for her.

"Upo kana."

"Yah." Umupo ako sa hapag habang si Isay naman ay kumuha ng dalawang tasa at magtitimpla na ng kape.

Tinitignan ko lang ang ginagawa niya. Pagkatapos no'n lumingon siya at lumapit dala ang dalawang tasa ng kape at binigay sa akin ang isa.

"Thank you."

"Bago ka magpasalamat tikman mo muna baka panget ang lasa." Ngumiti lang siya.

Tinikman ko. Masarap. I don't know that coffee can be good like this.

"Your good huh!" puri ko.

"Weh? Apaka sinungaling! Pareho kayo ni Dan eh, sabi niyo hindi nakakalasing 'yong alak kanina."

"It's true..your coffee is good, I swear. And that drinks nakakakalasing kapag naparami ka. Look at me I'm not tipsy like you!" pang-aasar ko sa kanya at tinawanan siya.

"Oo na!" she replied and pout her lips.
Napatingin siya sa braso niya.

"Drew ano 'to? Bakit may mga rashes ako sa braso...Hala baka sa buong katawan nangangati ako." Nagpa-panick niyang sabi.

Hinawakan ko ang braso niya then I saw a rashes.

"I think it's because of the alcoholic drinks that we drank lately. 'Di ba first time mo uminom?" Tumango siya.

"Anong gagawin ko?" she asked worriedly.

"Just take a bath and you will relieve, " I said and tousled her hair.

"Sige salamat," she smiled.

Inubos ko na ang kape ko.

"Okay, by the way Isay. I have to go now. I have a work tomorrow, " paalam ko.

I stood up, and walk through the door.
Sinabayan niya rin ako palabas.

"Bye Drew, ingat ka at salamat sa paghatid," she said and waves at me ng makasakay na ako ng Pick-up.

"Salamat din sa masarap na kape. Take care!"

Tumango naman siya. At ngumiti.

I drive with a smile on my face.