Browse stories

My Love, Denicery

Language: fil

Ang pagiging tagapagmana ng kumpanya ay hindi isang biyaya para kay Denicery Marie Juaneza. Para sa kaniya, sagabal lamang ito sa pagnanais niya na maging isang journalist at fashion designer. Mabigat man sa kaniyang loob, tinanggap niya ang pagsubok na mismong mga magulang niya ang nagbigay. Sa kabila ng ideya na sinusuka siya ng kanyang sariling pamilya, lingid sa kaniyang kaalaman na may lalaking magmamahal sa kaniya nang wagas at walang pag-aalinlangan. Tunay nga ba itong pag-ibig o isang distraksyon sa kaniyang kalungkutang nararamdaman?

Available chapters

  1. Chapter 1
  2. Chapter 2
  3. Chapter 3

Chapter 1

Broke.

Hindi ko alam kung ano ginagawa ko rito sa kasal ng Ate ko. Masyado akong bitter at ayaw kong nakakakita ng mga taong naglalampungan, nagbebeso-han o 'di kaya ay masayang nagbabatian sa isa't isa.

Lahat sila masaya.

Ako lang yata ang hindi!

Wala silang karapatang sumaya kung hindi rin ako masaya! Selfish na kung selfish, pero hindi talaga patas ang lahat! Ramdam kong may favoritism!

Naniningkit ang mga mata nilang lahat kangingiti habang ako, namumugto ang mata kaiiyak kagabi.

Lecheng pag-ibig ito! Sino ba ang gumawa sa iyo at nang masakal ko nga. Ang sakit masyado!

"Denicery, bakit ba nakasimangot ka riyan?!" sigaw ni Mama sa akin nang makita ako sa may balkonahe nitong hotel.

Beach wedding ang type ng Ate ko. Good for her, natupad ang pinapangarap niyang kasal.

Mas nauna akong na-engage kaysa sa kanya pero mas mauuna pa siyang mangangako sa lalaking minamahal niya. Ang saya-saya naman.

"Nako, bata ka. Mag-ayos ka na nga ng sarili mo! Ang dugyot mo," saway na naman sa akin ni Mama saka inihagis ang isang Mint Green dress na suot din ng karamihan sa mga babaeng dadalo.

Napatingin ako sa salamin na nasa harap ko lang din.

"Itong si Mama talaga. Maayos naman ang mukha ko ah," sagot ko saka muling simangot.

Umiling-iling ang ginang. "Huwag kang magpasikat ngayon, Denice. Maganda ka pero kailangang pormal kang haharap sa mga bisita. Huwag mong ipahiya ang Ate mo!"

Lumabas na si Mama mula rito sa kwarto. Finally, I don't want her to scold me at my sister's wedding.

Tss.

I don't have any idea what it feels to be a bride. Oh, that's because my groom runaway from me at our supposedly wedding.

No whys' or whats'. No communication at all. That tragedy of my life happened one month ago.

Akala ko, lahat ng bagay kaya ko nang kontrolin sa mga palad ko. I am a successful fashion designer and a well-known journalist, ikakasal sa taong mahal ko at planadong-planado na ang lahat sa buhay ko.

Pero, hindi lahat ng plano, natutupad.

Napakaraming hadlang.

"Sissy," bungad sa akin ni Ate Dorine nang lumabas siya sa fitting room. Hinihintay ko lang siya kaya naabutan ako ni Mama na hindi nakaayos kanina.

"You look great," komento ko. "Very great."

Suot niya ang wedding gown na d-in-esign ko. Dark green naman ito at simpleng-simple lang gaya ng hiniling niya.

That is what I also want for my wedding, eh kaso naudlot. Hayun at tinakbuhan ako ng lalaking pakakasalan ko sana, sa araw ng kasal namin.

Siraulo.

Nag-propose sa akin tapos hindi sumipot sa kasal?!

"I'm happy for you," saad ko. Nginitian ako ni Ate.

"You don't look happy, Den," aniya.

I smiled, fakely.

"I said I'm happy for you, Ate Dori. I never said that I'm happy for myself," pilosopo kong sagot.

Tinawanan lang ako ng Ate ko. Akala niya ba nagbibiro ako sa sinabi ko? No! Seryoso kaya ako. Natutuwa talaga ako para sa kaniya, na finally ikakasal na siya kay Kuya Raymond na almost 7 years niyang boyfriend.

Pero, hindi ko kayang maging masaya para sa sarili ko lalo pa at nasa ganito akong event. Guaranteed, iiyak na naman ako once na magbitaw sila ng mga pangako para sa isa't isa.

Tinulungan ko pa naman ang Ate ko sa vow niya. That should be my vow eh. Lintik naman!

Nagpalit na ako ng damit. This dress really fits me well. Ang ganda rin nito. Ate Dorine's choices are really the best.

Hindi ko pa siya nakitang malugmok dahil sa mga decisions niya sa buhay. Lahat ng plano niya, natutuloy. All went in good results.

I really envied her.

Eh sa akin? Kailan nga kaya papabor ang tinatawag nilang tadhana? May magandang bagay pa kaya ang nakatadhana sa akin? Nauubusan na rin kasi ako ng pasensya sa lecheng tadhana na iyan!

Fate is really inconsiderate of my feelings.

And now, here comes the most awaited event.

Umpisa na ang kasal.

Nag-umpisa na rin sa paglalakad ang mga bisita sa aisle. Si Kuya Raymond, hinihintay sa harap si Ate Dorine. Nagpalakpakan ang lahat ng makita ang nakatatanda kong kapatid nang masilayan nila ito.

She is really a gorgeous woman.

Indeed, that's one of the reasons why Kuya Raymond had fallen inlove with her. Patuloy pa rin nilang mamahalin ang isa't isa pagtapos nito.

Nakakainggit lang talaga.

Hindi na ako nakatiis. Umalis ako sa kalagitnaan ng seremonyas. Umpisa pa lang, naiiyak na ako. Simula noong ihatid ni Papa si Ate papunta kay Kuya Raymond, nalungkot na ako kaagad.

Ako dapat ang unang makakaranas ng bagay na iyon eh! That's what I've imagined before!

Dumiretso ako sa may reception. Sobrang lungkot lang talaga.

I am too anxious that I can cry in front of my family's friends, relatives and visitors. I decided not to invite one of my friends kahit na sinabihan ako ni Ate na mag-imbita raw.

It's because I don't want to ruin everything. Kapag pinapunta ko ang mga kaibigan ko, dadamayan lang nila ako kapag umiyak ako at hindi nila mai-enjoy ang kasal, ang sceneries, ang lahat.

Lugmok na nga iyong buhay ko tapos mandaramay pa ako ng ibang tao?

"Excuse me, miss..."

Napalingon ako sa nagsalita. He's familiar, really familiar. Nang humarap ako ay nakita ko ang maamong mukha niya.

He's the receptionist who welcomed us, few days ago. He is simple, I found him very simple. I really don't like simple things or persons, because it's not interesting for me.

Well, it's because of my ex. He showered me with perfections and extraordinary things in this world. Peste siya sa buhay ko, kahit kailan!

"Y-Yes?" nauutal kong tanong dahil pinipigilan ko ang paghikbi.

Hindi sumagot ang lalaki ngunit inabot niya sa akin ang isang panyo, puting panyo.

I hate white!

It reminds me of myself, useless and simple.

Like what I've said, I hate those simple things and uh, persons.

"That's not mine, kuya," ani ko.

Natawa siya nang bahagya kaya pinaningkitan ko siya ng mga mata ko. Anong nakakatawa? Wala siyang karapatang tumawa!

"Bigay ko po sa inyo iyan," tugon niya saka ngumiti. Why is he even smiling? Why?!

"Huwag niyo pong hayaang tumulo ang luha niyo sa mata," dagdag niya pa.

Alangan namang tumulo ang luha ko sa ilong? Tanga nito.

Tinabig ko ang kamay niya at nahulog ang panyo sa hindi ko malamang lugar. Malakas kaya ang pagkakatabig ko?

"Why do you care?" masungit kong tanong. "Ano ba sa iyo kung tutulo ang mga luha ko? It's none of your business."

Tumalikod na ako at bumalik sa dalampasigan kung saan naroon ang seremonya ng kasal. I kind of felt guilty about what I've done to the guy receptionist.

Napagbuntunan ko pa tuloy siya ng mga nararamdaman kong sama ng loob.

I need to apologize to him later, after this.

Bumalik ako sa upuan at sandamakmak na sermon ang natamo ko sa Nanay ko. Buti nga at puro bulong lang iyon.

Sa kamalas-malasan ng buhay ko, naabutan ko pa ang pagpapalitan ng vows ng mag-irog. Gusto ko mang takpan ang tainga ko para hindi marinig ang mga iyon, pero ano na lang ang iisipin ng mga kamag-anak, kaibigan at bisita namin?

Na bitter ako kasi iniwanan ako sa sarili kong kasal?

"Hon, I always see myself with you," panimula ni Ate na nakapagpabalik sa akin sa wisyo.

I also see myself with my ex. Lol.

"Una pa lang tayong nagkita, minahal na kita. Maliban sa tatay ko, ikaw lang ang lalaking hinahangaan ko ng sobra. Noong bata pa ako, sabi ko sa sarili ko, magmamahal ako ng kapwa-ugali ni Papa kasi I saw how inlove he was, still and will always be with our mother."

I cried, hindi ko na mapigilan.

"And then, you came into my life. You made me realize how lucky I am. To have you, here in front of our family, exchanging our promises, forever, until our last breath."

Napayakap ako kay Mama dahil ayaw kong marinig ako ng iba na humahagulgol. Para naman akong tanga.

Dapat masaya ako kasi kasal na si Ate Dorine! Dapat masaya kasi wala na akong magiging kaaway sa bahay.

Pero bakit ganito?

"Tama na, anak," pagpapatahan sa akin ni Mama.

I heard the priest announced that Kuya Raymond at Ate Dorine is finally sharing the same surname.

"Mr. Dela Franco, you may kiss your bride," anunsyo ng pari.

Napatingin ako sa gawi nila. They look perfect with each other. I can't wait to see future 'mini Dorine' or 'mini Raymond.'

"You have us, Denice," pampalubag-loob sa akin ni Mama na para bang alam ang iniisip at nararamdaman ko sa mga oras na ito.

They don't know anything about me since that tragic wedding I had experienced-we experienced.

Mas lalong nadagdagan ang sakit sa puso ko nang makitang nandito ang mga magulang ni Oliver-my groom who runaway from our wedding.

"Congratulations, Mr. and Mrs. Dela Franco," bati ni Tita Margareth-nanay ni Oliver, nang makalapit sa kanila ang bagong mag-asawa.

Bigla namang napabaling ang tingin niya sa akin.

"It's nice to see you here, hija," aniya saka hinalikan ang pisngi ko.

I can't blame them for their son's decision. Wala rin silang alam. Hindi naman sila hadlang sa amin ni Oli. Sa katunayan, sila ang nag-push sa amin na magpakasal na.

"Our feelings are mutual, tita," tugon ko naman.

We smiled to each other, genuinely.

Nilapitan ko si Kuya Raymond na nakatingin lang kay Ate Dorine na siya namang bumabati sa malalapit nilang kaibigan.

"What's the matter, Den?" Kuya Raymond asked. Napansin niya ang nang-uusisang tingin ko sa kaniya.

"Can you do me a favor, kuya?" prangka kong tanong. Tiwala naman akong magagawa niya ang pabor ko, lalo pa't mahal niya talaga ang Ate ko.

"What favor?"

"Please, take care of my sister," bilin ko sa kaniya. "Don't let her cry, please. Kung papaiyakin mo man siya, sana sa tatlong bagay lang."

"Tatlong bagay?"

Tumango ako at sumagot, "Dito sa kasal, sa mga sorpresa mo sa kaniya sa darating pang araw at uh---"

"Hoy ano iyan?!"

Nabigla ang buong pagkatao ko nang biglang dumating si Ate Dorine. Hindi pa ako tapos sa pagbibilin kay Kuya Raymond eh.

Pabalik-balik ang tingin ng nakatatanda kong kapatid sa amin ng asawa niya.

"Anong pinagsasabi mo kay Raymond ha?" may pagbabantang tanong sa boses ni Ate. Bumaling siya kay Kuya Raymond nang hindi ako magsalita. "Pinagtataksilan mo ba ako sa araw ng kasal natin?!"

Para inisin lalo si Ate Dorine ay kumapit pa akong lalo sa braso ni Kuya Raymond.

Nang makitang umuusok na ang ilong ni Ate sa galit ay hinawakan ko siya sa balikat niya at hinarap sa akin. Ngumisi muna ako.

"Ate, huwag ka ngang praning!" bulyaw ko sa kaniya. "Hindi ko hinabol iyong nang-iwan sa akin sa altar tapos maghahabol ako sa may asawa, tapos asawa pa ng kapatid ko? Tigilan mo nga iyan, Ate!"

Natatawa pa rin ako. Bahagya kong nakalimutan ang lungkot na nadarama ko. Ang pang-aasar sa Ate ko ang nakapagpapasaya sa akin.

"Don't be too jealous, Ate. Baka iwan ka agad ni Kuya Raymond niyan at ibalik ka kaagad sa bahay natin," puna ko.

Nag-init na naman ang bumbunan ng kapatid ko. Sinaway ako ni kuya, natinag naman ako.

"Ikaw, Kuya Raymond, basta iyong bilin ko sa iyo ah! Tatlong bagay lang!"

Bahagya akong lumalakad patalikod mula sa kanila.

"Pero dalawa pa lang iyong sinasabi mo!" sigaw ng asawa ni Ate.

Aha, oo. Tatlong bagay niya lang dapat paiiyakin si Ate. Sa kasal nila ngayon, sa mga gagawin niya pang sorpresa at sa, oh, uh---kama.

Just kidding.

Basta kapag nakita na nila iyong mga supling nila na sila mismo ang naghirap gumawa.

Basta gano'n.

Ayaw kong malaman-laman na iiyak ang Ate ko dahil may ibang babae ang asawa niya. Ayaw kong maranasan na babalik siya sa bahay namin para sabihing hihiwalayan o gusto niya nang hiwalayan ang asawa niya.

I know how it hurts to be hurt by someone who we really love. My heart turns into unmagnified pieces.

Kahit magnifying glass, hindi na rin makita kung gaano ako kadurog.

Bigla ko namang naalala ang ginawa kong kagagahan doon sa receptionist. Umikot-ikot ako sa buong lugar para hanapin siya pero wala.

Iyong mga kasama niyang crew, nandito sa dalampasigan. Siya lang ang wala. How can I apologize kung wala siya rito?

I decided to come back at my sibling's wedding. Hindi pa tapos dahil hindi pa naihahagis ng bride ang bulaklak niya at hindi pa naipapasa ng groom ang garter na supposedly, ibibigay ng maswerteng lalaking makatatanggap, sa babaeng nakasalo.

"All singles please come forward," anang emcee.

Am I considered as single? Iniwanan ako sa kasal ko, oo! But, I never heard my fiancé's reason. Hindi nga ako sure kung hiwalay na ba kaming dalawa.

Am I expecting something from him?

"Hoy, Denicery! Sumali ka roon!" utos sa akin ni Papa.

Aba, ito talagang tatay ko. Alam na galing ako sa pain, heartbreak at tragedy, gusto na yatang magkaroon ng bagong mamanugangin.

Wala na akong nagawa.

Kung ang ibang babae ay nag-uunahan. Nasa likod lang ako. Ang lahat ng crew, staffs at iba pang employees ng hotel na single ay nakisali na rin.

Nilibot ko ang tingin, baka sakaling makita ko si 'Receptionist Guy.' I badly need to apologize.

Inihagis na ni Ate ang bulaklak. Wala lang akong pakialam. Malayo rin sa akin ang pagbabagsakan ng bulaklak kaya mas lalo akong nawalan ng pake.

Pero, biglang may nadapa sa harap ko. Natabig niya ang bulaklak pero hindi pa rin ako nakasalo. Ibang tao ang nakasalo at, uh-lalaki.

"Ito miss oh," abot niya sa akin ng bulaklak. Oh he's the receptionist guy!

Papaalis na siya ngunit hinawakan ko ang braso niya para naman makapag-sorry na ako sa ginawa ko.

I'm the problematic person here and I shouldn't have done something that will hurt him, I mean everyone na wala namang connection sa akin.

"Sorry, miss," aniya nang humarap muli sa akin. "Taken na ako."

Napabitaw ako sa braso niya. Wait, did I asked if he's single? WTF? Kailan ako nagtanong and who cares about his relationship status?

Akala niya ba gusto ko siya na makakuha ng garter na hawak ni Kuya Raymond? For Pete's sake ayaw ko sa sitwasyon kung nasaan ako ngayon!

Nevermind. Hindi na ako mag-aapologize. Hindi siya deserving sa sorry ko 'no!

Umupo na lang ako sa isang tabi habang hinihintay ang makakakuha ng garter.

Binibigay ko sa ibang single ang bulaklak pero ayaw nila tanggapin. Malas daw iyon. Tse, ako iyong malas.

"Our lucky guy, Mr. Ynigo Romualdez," anunsyo ng emcee.

Napairap ako. Who is this guy? Hindi ko siya kilala. I think, he's one of Kuya Raymond's friends.

Nginitian ako ng lalaki ngunit nailang din siya ng bahagya kong itaas ang dress ko.

"Puwede bang sa kamay niya na lang?" tanong ng Ynigo sa emcee at sa bagong kasal.

"It's in the tradition bro," sagot ni Kuya Raymond na parang nang-aasar pa. "You must wear it on her legs."

Napakamot ako sa batok sa angking kapilyuhan ng asawa ng Ate ko. Mukhang bumabawi siya sa pang-aasar ko kanina sa kanilang mag-asawa.

"Go ahead," pagbibigay ko ng permiso sa kaniya na ilagay na ang punyemas na garter na iyon sa hita ko.

Dahan-dahan pa talaga ang paglagay niya ah! Tsumatsansing!

Hinawakan ko ang kamay ni Mr. Romualdez para tulungan na siya sa paglalagay no'n sa hita ko.

Nagulat siya.

"Looks like magkakaroon ng bagong ikakasal next year at emcee na naman ako ng mga Juaneza," biro ng tagapagsalita.

"Lul, in your dreams. Kung ikakasal man ako, hindi na ikaw ang emcee. I hate all the words you uttered," bulong ko sa sarili.

Napatawa naman ang lalaking kaharap ko ngayon. Mukhang narinig niya ang mga binubulong-bulong ko.

Naglahad siya ng kamay sa akin.

"I am Ynigo Romualdez. Your future husband," pagpapakilala niya. At ano raw? Future husband ko? Tse!

"I'm Denicery Juaneza," sagot ko saka hinawakan ang kamay na iniabot niya sa akin. "Your future mistress."

Binitawan ko na ang kamay niya at tinalikuran siya.

Lols, why did I say na future mistress niya ako? Well, kaya lang naman kasi sumali ang karamihan sa mga babae-kahit hindi single, ay dahil sa kaniya. Kitang-kita ang panghihinayang ng mga single ladies nang hindi sila ang nakakuha ng flowers na binigay lang din sa akin.

Sa dami ng naghahabol sa kaniya rito sa Cebu pa lang, susme por santo, isang malaking biro na siya ang magiging future husband ko.

But I smiled, secretly.

Ynigo Romualdez,

My future husband.

Chapter 2

What the hell happened to me?

My head aches so much. Parang kumukulo ang tiyan ko na para bang buhay na buhay pa rin ang alak na nainom ko kagabi. Tandang-tanda ko pa ang bawat brand ng alak na nainom ko pero hindi ko matandaan ang kabuuan ng gabi ko.

Hindi ko maalala lahat nang ginawa kong kabaliwan pero hiyang-hiya talaga ako, hindi para sa iba pero para sa sarili ko. Last night was the longest night I have ever had in my life.

Pagtapos nang naranasan kong sakit, medyo nakabangon ako sa pait na binigay sa akin ng fiancé ko. First time ko ulit na magkaroon ng oras para sa sarili ko, kahit isang gabi lang.

Pansamantala kong nakalimutan ang problema.

Pero ito ngayon, paggising ko, normal na buhay lang ulit. Walang excitement. Walang ganap. Naiisip ko na naman bawat detalye ng mga bagay na kailangan kong alalahanin para makalimot.

"Good morning!"

Ayos na sana ang umaga ko pero...

Susko! Nagising ang buong kaluluwa ko nang magmulat ako ng mata at makitang may mga pandesal sa harap ko. Hindi literal na pandesal dahil nanlumo ako sa nakikita ko.

"B-Bakit ka nandito sa kwarto ko?!"

Ngumiti siya nang malawak. What did I do last freaking night? Did this man and I have made out, ourselves?

Oh no, no, no! If that is the case, well that can't be!

"Can you please answer me?!" irita kong tanong.

"Hindi mo naaalala?"

What? Anong hindi ko naaalala? Magtatanong ba ako kung naaalala ko? Dakilang tangang pogi pala ang isang ito eh!

"Get out!" sigaw ko. Mas lalo tuloy sumakit ang ulo ko sa isang ito. Nginitian niya lang ako. I really hate smiles! And gosh, why is he half-naked here at my hotel room?

Lumalapit siya sa akin at nag-uumpisang kumabog nang napakalakas ang puso ko. Hindi dahil sa kilig o ano pa mang konektado sa pag-ibig. Kinakabahan ako na baka may ibang makakita sa kaniya rito. Malisyoso't malisosya pa naman ang lahi ng pamilya ko.

"What the heck are you doing, Mr. Romualdez?"

Nginisihan niya lang ako.

I let a heavy sigh came out nang kumalabog ang pinto, sign na may ibang pumasok.

My gosh, naka-aircon ako pero bakit ang init? And have I given a thought na hahalikan ako nito ni Ynigo? Oh gosh, am I in hell now?

"Bro, bakit nakahubad ka na naman? Nasaan na naman ang uniform mo this time?"

And now, I'm confused. Magkakilala ang crew at itong si Ynigo? Sana all close sa isa't isa.

Unang kita ko pa lang kay Ynigo Romualdez, I know he's someone na madaldal, feeling close at friendly pero medyo may pagkamahiyain, medyo lang ah.

"You know each other?" sabat ko sa usapan nila saka bumangon sa kama ko.

"Oo, miss. Magkakilala kami," sagot naman ni Denver, nabasa ko ang name niya sa name plate niya as a crew. "Hotel server lang ako habang ito namang si Ynigo ay ang---"

Tinakpan agad ni Ynigo ang bibig ni Denver kaya hindi ito nakapagsalita nang maayos.

"Ang alin?" puno ng kuryosidad kong tanong.

"Alalay niya ako," sagot ni Ynigo.

Tse, alalay! Hindi ka mukhang alalay!

Tumango na lang ako kaysa mag-usisa pa. Hindi kami close at lalo namang ayaw kong makipag-close sa kaniya. I hate extroverts. Basta ayaw ko ng madaldal.

"You're finally awake," bungad ni Mama sa akin nang lumabas na ako mula sa mala-impyerno kong kwarto.

We're here at a wide-area balcony, now eating our breakfast. Nandito na ang literal na pandesal na gusto kong makita.

Umupo ako sa round table, katabi ako ni Mama at Ate Dorine na naka-bathrobe. Mukhang inistorbo ni Mama ang mag-asawa.

"Kuya Raymond, hotel crew rin iyong lalaking naglagay sa akin ng garter na nakuha niya mula sa iyo?" Pagkukunwari ko na parang hindi ko kilala ang lalaking tinutukoy ko.

"Ah, si Ynigo Romualdez?" tanong niya. Tumango ako agad. Iniiwasan kong magtunog curious sa lalaking iyon.

"Oo, hotel crew rin siya rito."

Sumubo si Kuya ng kinakain niya pero masyado nang mahina ang signal. Choppy na si Kuya.

"P-P-Pero---"

"Hoy ano ba?" sigaw ni Ate. "Kumain ka na nga lang diyan, Mr. Dela Franco. Nabibilaukan ka na kaka-explain mo kay Denice."

Kuya Raymond pouted. "Okay, Mrs. Dela Franco!"

Hindi na ako nag-abala pang magtanong ulit kay Kuya. Baka sakmalin na ako ni Ate Dorine 'pag nagkataon.

Sapat na sa akin ang malaman na hindi siya nagsisinungaling. He's one of the staff of this hotel. But he looks like, the manager or the owner.

That's only based on what I have observed last night. The way he pulled himself up in the crowd, the way he talked about something interesting and the way he dressed himself was really cool.

I guess I have wrong impression about him. I can't tell whether his a bad boy or a naughty one.

But, the thing's for sure, this will be the last time na magkikita kaming dalawa and that's good, really.

Nag-check-out na kami sa hotel. Naalala kong may naiwan akong sandals sa may reception kaya binalikan ko muna saglit.

Habang hinahalughog kung saan ko naiwan iyon ay natagpuan ko naman ang isang puting panyo na medyo marumi na ngayon.

This was the handkerchief na ibibigay sana sa akin noong receptionist guy. I decided to take this back with me, going home in Manila, as a souvenir. Another masamang ala-ala.

This handkerchief built a guilt inside me, yet, that was all my fault. Nagpadala akong muli sa emosyon ko.

Dati, masasayang ala-ala ang iniipon ko. Gaya nang sinabi ko, Oliver spoiled me with so much extraordinary things. We traveled together, we enjoyed the company of each other and we made memories that can last forever.

Memories is one of the most precious things in this world. People leave, but memories they brought will last and stays, until last breath.

"Halika na rito, Denicery Juaneza!" sigaw ni Ate Dorine. "Huwag mo na hintayin ang inaasahan mong prince charming! You can't marry a man you've just met last night."

Sinimangutan ko ang Ate ko nang makalapit ako sa van na sasakyan namin papuntang airport.

I enjoyed a lot.

Somehow, I have escaped something terrible that happened in my life a month ago.

Hindi ko gusto si Ynigo. Natuwa lang ako sa presensya at sense of humor niya. I hope we can be friends.

Add ko na lang sa Facebook kapag may time. O 'di kaya, ipa-follow ko siya sa iba't ibang social media accounts pa niya.

"Nakahanap ka na ng papalit kay Oliver?" my Dad asked while driving.

Was he really serious about that question?

"Pa," saway ni Mama sa kaniya. "Stop that. Huwag mo ngang kulitin ang anak mo tungkol diyan."

I fakely smile. Itong si Mama, parang hindi curious sa magiging sagot ko sa tanong ni Papa.

"Hindi pa po," sagot ko na lang, hindi iniisip ang bunga ng magiging sagot ko.

"E' di hahanapan kita," sagot naman ni Ate na nasa gilid ko lang ngayon, cuddling with his husband, like hope all.

"Huwag mo nga akong ibugaw," saad ko sa kaniya, then I laugh so genuinely. My sister was funny back then but she's funnier now that she's married.

Nakakabaliw ba ang kasal?

Buti na lang pala hindi natuloy ang kasal ko. Sukob din daw iyon para sa amin ni Ate. I don't believe in myths but that marriage I am planning was really a tragedy.

"Sus, kunwari ka pang ayaw," kantiyaw nila sa akin. "Sino ro'n ha? Si Ynigo Romualdez o si Paulo Constancia?"

What? Who the heck is Paulo Constancia?

"No one," maikling tugon ko. Todo tanggi na para bang may something talaga.

But, sino muna si Paulo Constancia? Kilala ko si Romualdez pero hindi ko kilala ang isa pa nilang binanggit. Don't worry self, you can search it to social media platforms. Good thing, may social media na naman.

Natigil na ang pangangantiyaw nila. Nakatulog si mama at si Ate. Busy sa pagmamaneho si Papa pero paminsan silang nag-uusap ni Kuya Raymond tungkol sa pag-aanak.

Sinalpakan ko lang ng earphone ang tainga ko at nag-umpisang hanapin si Paulo Constancia. Sa FB, sa twitter, sa Instagram! Gosh, pati sa Tinder app.

Napakaraming lumabas na results sa name niya. Pero, I did not see someone na familiar at nakita kong pumunta sa kasal ni Ate.

Never mind. Baka hinuhuli lang nila ako. Akala yata nila, gusto ko si Ynigo para sa sarili ko.

Ginising ko sina ate at mama nang makarating kami sa airport. Siguradong mahaba-habang byahe na naman ito.

"Bye guys," ani Ate habang malawak ang ngiti sa amin.

"What do you mean by saying 'Bye guys?'" tanong ko, medyo sarkastiko pa. "Hindi ba kayo sasama sa amin pauwi?"

Bitbit ko na ang mga bagahe ko. Habang hindi ko napansin na wala pa lang dalang gamit ang mag-asawa.

"Exactly, Denice," sagot ni Kuya Raymond. "We're planning to extend our vacation here at Cebu. It's relaxing, isn't it?"

Sus, ito talagang mag-asawa na ito. Gusto lang makabuo rito sa Cebu kaya hindi sasama sa amin pauwi. Takot na takot maistorbo.

"K fine, whatever, it's your choice."

My sister tapped my head.

"Be good to our parents," bilin niya. "Iwasan na ang pagiging stubborn at irritated, Denice."

"I'm better than you," pang-aasar ko. "Being a stubborn woman has nothing to do with you. Tss."

"I know, I know you can do better," pampalubag-loob ni Ate sa akin. "Take care of yourselves, guys."

Isa-isa kaming tinignan ng mag-asawa at nginitian.

"Cringe," bulong ko pero alam kong dinig nila iyon. It's true that they're unrelatable in my eyes pero hindi ko rin maitatanggi na kinikilig ako sa kanilang dalawa.

Finally, after long freaking 7 years of being in girlfriend-boyfriend relationship at tago pa, haharapin na nila ang lahat ng pagsubok ng magkasama. I'm happy for the both of them.

Natagpuan na nila ang lugar para sa isa't isa.

Humiwalay ako ng flight seat kina Mama at Papa. I wanted to cry, a lot. Lagi naman akong umiiyak, ayaw ko lang na may makakita o may makaalam.

May biglang naglapag ng panyo sa harapan ko. Nilingon ko pero hindi ko nakita ang mukha dahil naka-black sweater at black mask. Ang weird niya ah, but thanks to him, I can wipe my own tears.

Dalawang panyo na ang mayroon ako ngayon. Ang panyo na iniabot noong receptionist at itong panyo galing sa hindi kilalang estranghero. Hindi tulad ng sa receptionist, mas makulay at floral itong panyo noong estranghero.

This reminded me of someone.

Napatingin ako sa nakatatak na mga letra sa panyo.

O.D.

Wow, Oliver Dumancas?

Tatayo pa sana ako para hanapin ang nagbigay sa akin ng panyo pero sinabihan ako ng isang attendant na magt-take-off na ang eroplano.

That flights seems so long and tiring. Eh kasi naman, wala akong ginawa kung hindi ang umiyak ng umiyak nang umiyak.

Kung ikaw baleleng ay mawala

Kung ikaw baleleng, 'di na makita

Puso ko sa iyo'y maghihintay

Pagkat mahal na mahal kitang tunay.

Nang makauwi sa bahay, naabutan kong nagsasayaw si Manang Lorna at Manong Romulo sa kantang ngayon ko lang narinig.

Parang ang ganda at ang romantic.

Nahinto sila nang makita ako.

"Oh, welcome back, Den-den," bati ni Manang Lorna sa akin. "Kamusta ka naman sa byahe at sa event?"

I just smiled. Naistorbo ko pa sila.

"Ano pong kanta iyon?" tanong ko sa kanila.

"Ah, eh, iyong Baleleng ba kamo?" pagsingit ni Manong Romulo, he"s our driver. "Ang ganda, ano?"

I nodded at nagpaalam na ako sa kanilang dalawa na aakyat na sa kwarto para makapagpahinga mula sa nakakapagod na byahe.

Baleleng.

What's the meaning of that?

Grabe yata ang jetlag ko.

I hate airplanes. Nalulula ako masyado.

"Sorry miss, taken na ako."

Biglang nag-echo sa tainga ko ang sinabi ng receptionist guy na iyon. Bakit ko ba iniisip iyong sinabi niya? And why on Earth did he tell me about his relationship status? As if I care.

Pinilit ko na lang na matulog para hindi ko na maisip iyon. Nagbilang ako ng tupa, sinampal ko ang sarili ko ng ilang ulit at uminom ng gatas pero waepek.

Mas lalo lang akong nagising.

Naalala ko naman sa pagkakataong ito si Ynigo at iyong lalaking estranghero sa eroplano.

Ang weird ng pakiramdam ko.

Dati, noong magkasama pa kami ni Oliver, I never mind other guys that I have the chance to meet or to have conversations with.

Ang alam ko lang dati, si Oliver lang ang bibigyan ko ng buong atensyon ko. Na, sa kaniya lang iikot ang buong mundo ko kahit pa iharap ako sa ilang libo o milyong lalaki sa mundo.

But now? It seems like I'll do everything just to distract myself. Gagawin ko ang lahat para lang makalimutan ang sakit na binigay sa akin ni Oli, one month ago.

Kahit pa mga lalaki ang magsilbing distraction ko.

I'm too desperate and I hate myself being that kind of woman. I hate being weak or to be someone's weakness.

To be honest, kapag nakita ko ngayon si Oliver and he begs for another chance with me, of course I'll give him another chance.

How can I blame him kung hindi ko pa alam ang rason niya at hindi ko pa naririnig ang paliwanag niya about sa pag-iwan niya sa akin?

He's not the kind of man na gagawin iyon basta sa babaeng mahal niya, sa akin. He is considerate in everyone's feelings.

"Den-den?" Manang Lorna knocked.

"Come in, manang," sagot ko.

Pumasok nga siya at nginitian ako. I smiled back. May dala siyang pagkain. Almost morning na rin. And oh, may pasok pa ako mamaya.

Wala man lang akong oras na nakatulog. Kung ano-anong non-sense na bagay kasi ang pumapasok sa isip ko, hindi ako makatulog ng maayos!

"May bumabagabag ba sa iyo?"

I sighed, really deep and full of sorrow.

"Yes manang," pag-amin ko. "At hindi ko alam kung paano ko aalisin sa utak ko ang bagay na ito. I don't have any any idea how long or how could I endure this pain."

Binigyan ako ni manang ng nakikisimpatyang tingin. Ngayon niya lang akong nakitang ganito at ngayon lang din ako nagkalakas ng loob na aminin sa ibang tao at sa sarili ko na nasasaktan na ako ng sobra.

"Magpahinga ka muna, Den-den," utos sa akin ni manang. "Sasabihin ko sa papa mo na mali-late ka sa pagpasok sa kumpanya niyo mamaya."

Tumango ako.

Sana in an instant, magmahal na agad ng iba itong puso ko. Sana may iba nang umangkin nito para hindi masyadong mabigat sa loob.

Para akong may bitbit na mga bagahe na hindi ko kayang dalhin lahat. Kailangan ko ng tutulong sa akin but unluckily, sarili ko lang ang mayroon ako.

10 am nang magising ako. Buti na lang at medyo nagkaroon na ako ng pahinga bago pumasok sa trabaho.

Baka kasi bigla na lang akong himatayin sa opisina kung wala akong pahinga. May jetlag pa ako pero I think, I can manage myself this time.

Isang buwan na ang nakakaraan, self. You need to have improvements. Hindi lalaki ang magpapatakbo ng buhay mo!

"Mag-umagahan ka muna, Den," alok ni manang na umiinom ng kape. Siguradong may inihanda na naman siyang masarap na pagkain para sa akin.

Wala siyang niluto na hindi masarap.

"Si Manong Romulo po, nasaan?" tanong ko. Baka kasi sinama na naman ni papa. Walang maghahatid sa akin sa opisina kapag nagkataon.

"Ah, nandiyan lang," ani manang saka itinuro ang labas ng garahe. "Hindi siya isinama ng papa mo. May pupuntahan daw ang mga magulang mo na resort para raw sa photo journalists niyo."

"Oh, I see then," sagot ko saka sumandok ng pagkain.

Malapit na pala ang business aniversary ng company. We always celebrate another year of the company to give importance to my grandfather's hardwork noong nabubuhay pa ito.

Our company influenced me a lot, being a known journalist today and also, a fashion designer.

I picked my V-Neck white shirt and suit with black fitted pants as my uniform today. I held my company ID at mamaya ko na lang susuotin sa trabaho.

I pony-tailed my hair and applied peach colored lipstick, na si mama ang nagbigay para sana sa kasal ako.

At dahil walang naganap na kasal, gagamitin ko na lang sa trabaho ang bagay na ito.

"Ingat ka sa pagmamaneho, Romulo," bilin ni Manang Lorna sa asawa niya. Ang sweet naman nila masyado. Nahihiya ang pagiging brokenhearted girl ko.

"Mag-iingat ka rin, Den-den!" dagdag pa ni manang.

I simply looked back and smiled at her. Siya ang nag-alaga sa akin since childhood days. Hindi kami pinabayaan ng mga magulang namin at hindi rin sila madalas umalis pero may pagkakataong kailangan talaga kaming maiwan kay manang.

I'm grateful na naranasan ko ang kalinga niya.

"Kumusta ang Cebu, Denice?" usisa sa akin ni Manong Romulo habang titig din sa kaniyang dinaraanan at pagmamaneho.

"Sa awa po ng Diyos, Cebu pa rin siya," pagbibiro ko.

"Ikaw talagang bata ka!" natatawang saway ni Mang Romulo. "Kamusta ka sa Cebu?"

"Ah, maayos naman po ang lahat. Kasal na sina Kuya Raymond at Ate Dorine. Na-enjoy ko naman po kahit papaano ang lugar. Napakaganda sa Cebu," pagkikwento ko.

"May nahanap ka na ba?"

"Nahanap po?" takang tanong ko.

"Nahanap na ano...Ah basta," pambibitin niya.

I know what he wants to ask. But I dare not to answer it. Nagmaang-maangan na lang ako kasi masasaktan lang ako sa magiging kasagutan ko.

Wala naman kasing makakapantay kay Oliver, sa relasyon naming dalawa. Mas lalo namang walang makakahigit.

Hindi ko pa kasi kayang buksan o imulat ang mga mata ko para sa iba. Kung may procedure kayong alam sa paglimot, send niyo naman sa akin oh.

Pagod na akong mapagod.

Hinihingal na ako kakahabol.

Unti-unti akong nalalagas habang binubuo ko ang ibang tao. Naiwawala ko na ang sarili ko at hindi ko na alam kung saan ko pa ito pwedeng matagpuan.

Bahala na si tadhana.

Mukhang siya naman ang nagpapatakbo nitong buhay ko. Eh 'di siya na rin ang magdesisyon kung anong mas makakabuti sa akin at sa mga tao sa paligid.

Masyadong kang epal, tadhana.

Masyado kang desisyon,

At galit ako sa iyo. Galit na galit na galit.

I just can't handle.

Chapter 3

Trigger warning: includes thoughts of self-harming/ suicidal thoughts.

I am lost for words. Can't really find the words to express how I am feeling right now.

Napakaraming naging tanong ni Mang Romulo sa akin, lahat tungkol sa kasal. Naikwento ko tuloy sa kaniya ang tungkol kay Ynigo Romualdez.

Hindi ko na kasi alam ang sasabihin ko kaya naidetalye ko na yata lahat ng nangyari sa akin sa Cebu.

Iyong mga nangyari bago, habang at pagkatapos ng kasal. Kinakantiyawan tuloy niya ako ng sobrang tindi.

Sana raw hindi ko na pinakawalan pa si Romualdez. Baka siya na raw ang makakatulong sa akin. Love is the most genuine thing for me. Tapos ang gusto nila, humanap ako ng ibang lalaki para lang makalimutan si Oliver?

Hindi ko pa nga mapalaya iyong sarili ko kung saan ako galing tapos bubuo na naman ako ng panibagong kulungan? Panibagong rason ng pagiging lugmok ko? Hell, freaking no.

Sabi ko noon, noong kami pa ni Oli, okay lang na paulit-ulit kong maranasan ang sakit, pait, pagluha, at pagtangis basta siya ang kasama.

Basta ba, kaming dalawa pa rin hanggang dulo.

Kaysa naman sa bumuo ako ulit ng panibagong masasayang ala-ala kasama ang ibang tao.

I rather have bad times with him than good times when someone else, and that's true. Another punch line na hinugot sa paborito kong kanta? Hush, nevermind.

So, as I was saying,

Masasaktan at masasaktan pa rin naman ako kahit na ibang tao na ang kasama ko, kahit mag-umpisa ako ulit. Life is full of ups' and downs, conflicts are the plot twist, not the climax.

Kaya ba hindi ako umaasa na mapupunan ng isang simpleng Ynigo Romualdez, Paulo Constancia o kahit sino pa ang buhay ko.

"Huwag ka na mag-isip ng kung ano-ano, Denice," pagsingit ni Kuya Romulo sa moment ko, medyo natatawa pa rin.

Napansin niya na natulala ako matapos niyang itanong kung naka-move-on na ako sa ex kong makapal ang mukha.

How can I move on when I'm still inlove and into him?

Wow naman talaga. Lakas maka-'Man who can't be moved' ng buhay ko ah.

Inihinto ni Manong Romulo ang kotse sa tapat mismo ng company. Hindi na siya nag-park pa dahil kailangan niya pang mamili ng daily stock of foods para sa bahay.

Bago ako bumaba ng kotse ay may naisip akong tanong. Random question lang na maibabato ko rito kay Manong Romulo.

"Paano po kung hindi na kayo magkita ni Manang Lorna? Paano kung paghiwalayin kayo ng tadhana?"

Hindi ko rin alam kung bakit naisip kong itanong ang bagay na iyon. Epekto na ito ng pagiging broken.

"Katulad ng sinasabi sa kantang 'Baleleng' na narinig mo nang dumating ka sa bahay. Ang puso ko'y maghihintay pa rin sa kaniya. Kahit anong mangyari. Kahit pa nasa gitna kami ng daluyong at hindi mahanap ang isa't isa. Siya lang naman ang mahal ko kaya alam kong magtatagpong muli ang landas namin."

I heard the word 'baleleng' again. It sounds like endearment of magsing-irog.

It's so sweet to listen to.

"Tungkol naman sa tadhana na maaaring maghiwalay sa amin, wala akong ideya. Ang mahalaga, magkasama kami ngayon," dagdag pa niya.

I nodded.

"Thank you po," saad ko saka lumabas ng kotse. I don't know how to express how confused am I today lalo na sa sagot sa akin ni Mang Romulo.

Hihintayin niya pa rin daw at ng puso niya si Manang Lorna kahit pa nasa gitna sila ng isang daluyong at walang planadong daan para magkita sila ulit.

He's not considering fate as one of the hindrances to express their love for each other, but I do.

Bakit gano'n na lang ang pagsugal nila sa pag-ibig kahit na walang tiyak na patutunguhan at walang kasiguraduhan na magtatapos ang lahat sa happy ending? Na magtatapos na parang isang fairy tale scene?

Pahingi nga ako ng isang baleleng diyan, oh!

Oliver sana iyong pangalan.

Kidding, I don't want to be hurt by another Oliver.

"Welcome home, Denice!" bati agad ni Joycelyn nang makapasok ako ng kumpanya. Para siyang may alarm clock kapag darating ako. "I miss you so much!"

Ang bilis niyang makatunog at napakalakas ng radar niya kaysa sa alaga naming aso. Mas nauuna pa siyang bumati sa akin kaysa sa mga guards na nagbabantay sa labas nitong company.

"Kamusta naman ang Cebu?"

Bakit kaya Cebu lagi ang tinatanong nila kung ayos lang o kamusta ang Cebu? Wala bang makakaisip na kamustahin ako?

"Cebu pa rin," bored kong sagot gaya ng sagot ko kay Mang Romulo. Kabadtrip ang mga tao rito.

Ako iyong nandito pero iba naman ang hinahanap. Lintek na iyan.

"Gaga, I mean, anong mayroon sa Cebu? Any interesting places or persons?" pagtatama niya pero hindi ko pa rin talaga ma-gets. Ano ba talagang gusto niyang malaman tungkol sa Cebu?

Eh hate niya kaya ang pagtatravel.

Patuloy niya pa rin akong kinukulit habang papunta ako sa opisina ko. Annoying!

Susme, kung hindi ko lang siya kaibigan, siguradong nabangasan na ang mukha ng isang ito sa akin. Nauubusan ako ng pasensya at tumataas ng husto ang dugo ko sa pag-intindi sa kaniya.

"May nahanap ka na bang boylet doon?"

Tinutusok-tusok niya ang tagiliran ko, probably to annoy me.

Ugh! I hate this day. Pare-pareho lang sila ng tinatanong at wala akong balak sumagot. Interview ba ito? No comment!

"Good afternoon, Miss Denice," bati ng mga nakakasalubong kong empleyado.

Ang mga empleyado rito ang nagcomfort sa akin sa mga panahong lugmok na lugmok ako.

Inaya nila akong mag-inom at masarap talaga ang alak lalo na kapag brokenhearted ka. Mailalabas mo talaga lahat lahat!

Pati mga kinain mo, lalabas din.

Inilapag ko ang handbag ko sa gilid ng glass table at umupo sa swivel chair. Umupo naman sa wooden chair si Joyce, na nakaharap sa akin.

"Sagutin mo na ako!" aniya, nagpupumilit pa ring magkwento ako. "Bilis na!"

"Ligawan mo muna ako," pamimilosopo ko.

Napapapadyak ang loka-loka sa sahig dahil sa pagkabanas sa mga sagot ko sa kaniya.

"Ano bang ganap do'n sa Cebu, ha? Nakakita ka na ng papalit sa pwesto ni Oliver?" usisa niya na parang hindi kinokonsidera ang nararamdaman ko sa naging katanungan niya.

"Get out," malumanay kong utos. Okay na sana eh, kaso narinig ko na naman iyong pangalan na ikasasakit ng damdamin ko.

"P-Pero..."

"I said 'Get out'," malumanay pa rin na pag-uutos ko sa kaniya pero mas may awtoridad na.

We're bestfriends, yeah. But it's office hours. May trabaho kami. At isa rin ako sa mga naniniwala na hindi dapat mahaluan ng personal issues ang trabaho.

Bago ako mapunta sa pagiging head journalist ng kumpanya namin, nag-umpisa ako sa pagiging janitress 'no! Simply because, gusto ko lahat ng bagay ay pinaghihirapan ko.

Step-by-step.

Para pagdating ng araw, hindi utang na loob ang isasampal sa mukha ko ng mga magulang, kapatid at kapwa ko empleyado na nagtatrabaho rin dito.

Dapat malaman nila na nandito ako sa posisyon ko, hindi dahil anak ako ng may-ari ng kumpanya, kun'di dahil, pinagsumikapan ko lahat ng natamo ko.

I heard some knocks at the door.

"You may come in," sigaw ko. Bakit ba kasi malayo ang table ko sa may pinto nitong office ko? Hassle.

"Good afternoon, ma'am," bati ng employee na ngayon ko lang nakita. "I'm Janna, the organizer of this year's company celebration event," pagpapakilala niya.

I mouthed the letter 'O' when she introduced herself.

Itinuro ko sa kaniya ang upuan sa harap ko na inupuan kanina ni Joycelyn.

"What's the plan?" I asked then turn my gaze into my paper works. Hindi ako sanay na nakikipag eye-to-eye contact sa mga kausap ko lalo na kapag wala akong masyadong koneksyon sa plano nila.

"Mr. and Mrs. Juaneza given a thought that it should be celebrated at a resort. Ang sabi po nila sa akin, tanungin ko raw po kayo."

Bumalik ang tingin ko sa babaeng organizer pala ng event this year. Binitawan ko ang mga papel na hawak ko at sumandal sa aking kinauupuan.

May ganap pala ako rito.

"I believe, you're a great organizer," papuri ko sa kaniya.

Bigla siyang tumayo at yumuko sa may harap ko na parang nagpapasalamat. I just praised her!

Sinenyasan ko siya na umupo and I'm glad, sinunod niya naman kaagad ako. Nakakailang ang ginawa niya. I feel like she's too shy to me, or she's nervous because of my presence.

"Dahil alam kong magaling ka, I will give you all my trusts about the event, Miss Janna. Follow what Mr. and Mrs. Juaneza have ordered you," saad ko.

Yeah, I never call my parents as 'Mama' or 'Papa' once I sit in my chair as the head journalist.

"Ipakita mo na lang sa akin ang plano mo once na natapos mo na," dagdag ko pa. "I'll give your work constructive criticisms once you're done."

Ngiting-ngiti ang babae sa mga sinasabi ko sa kaniya. I think I have boost her confidence as the organizer.

Inayos ko ang mga papel ko. Kailangan ko lang bumili ng pagkain sa personal cafeteria nitong company at babalik din kaagad ako sa trabaho.

Hindi ko masyadong na-enjoy ang niluto ni Manang Lorna dahil nagmamadali na ako kanina sa pag-aayos ng sarili ko.

Besides, lunch break na naman.

Papunta na ako sa cafeteria nang biglang may bumangga sa akin!

Take note! Hindi iyon basta aksidente. Ramdam kong sinadya talaga ang bagay na iyon.

"Oh, ang bride na iniwan sa mismong kasal niya," bati sa akin ni Roxie-head officer ng photo journalism at matinding kaaway ko sa larangang ito.

Gustong-gusto niyang ino-open-up ang issue na iyon. Wala naman siyang alam. Mas bitter pa siya sa akin at sa ampalaya.

Magkaaway talaga kami.

I mean, siya lang naman ang nagtuturing sa akin bilang kakompetensiya. Eh, nasa iisang kumpanya lang naman kami nagtatrabaho at pumapasok kaya imposibleng maiwasan ko siya ng gano'n gano'n lang.

"I don't have much time talking nonsense with you, Ms. Roxie Orcales Valeria," saad ko, badtrip na rin.

"Balita ko, wala ka masyadong maisulat ngayon ah? Kulang ka ng idea o inspirations?" aniya. "Hayaan mo akong bigyan ka ng idea.

Humalakhak siya.

"Why don't you write something interesting or about yourself to catch up the media?"

Tch, I know this woman. Aasarin niya lang ako.

"Try to write about your runaway groom. I think it would be fun and interesting. Ako ang mauunang magbasa ng journalism piece na iyon once na naglabas ka ng ganoong article," pamimikon niya.

Tatalikuran ko na sana siya para hindi na lumala ang gulo sa pagitan namin pero bigla niyang hinigit ang braso ko na parang na-offend siya sa pagtalikod ko sa kaniya.

"Wow, kung talikuran mo ako parang napakarami mo ng ibubuga ah," aniya saka tinaasan ako ng drawing niyang kilay. "Kaya ka lang naman nandito dahil anak ka ng may-ari."

"Ano naman kung anak ako ng may-ari nitong pinagtatrabahuan mo? Mayroon naman talaga akong ibubuga, kumpara sa iyo," pagmamataas ko.

Isinigaw ko pa iyon para marinig ng lahat ng narito ngayon sa cafeteria. Alam nilang mortal kaming magkaaway nitong si Roxie. Iniiwasan ko na nga siya pero siya naman itong lapit ng lapit sa akin.

"Ugh! I hate you!" sigaw niya.

Magw-walk-out na siya pero bigla naman siyang bumalik para harapin akong muli. She's so bothered about me. Hindi ata siya mabubuhay kapag hindi ako nakaaway.

Hinablot niya ang kamay ko at saka pinagsasampal ang kaniyang sarili gamit iyon.

"Hoy, Roxie! Baliw ka na ba? Anong ginagawa mo?!"

Binabawi ko ang kamay ko pero mas lalo niya lang iyong hinahawakan at sinasaktan niya ang sarili niya gamit ang kamay ko.

Ano na naman kayang ganap ng isang ito?

Dahil sa sobrang pagkainis ko sa kaniya, itinulak ko na lang siya para mapalayo. Accidentally, she fell down the floor.

"Denicery Juaneza!"

Umalingawngaw ang sigaw sa buong cafeteria. Pati ako ay nagulantang sa sigaw na iyon. Nagsialisan lahat ng empleyado liban na lang sa amin ni Roxie.

"P-Pa," bulong ko. "Mr. Juaneza..."

"I'm so disappointed in you," may riin niyang sabi na dismayadong-dismayado talaga sa nakita niya. But what he saw...I have no idea. Wala akong ginawa!

"Umalis lang kaming dalawa ng mama mo, ganito na ang nangyari?" aniya. "Lagi kong sinasabi sa iyo na ihiwalay mo ang personal issues mo sa trabaho natin!"

Namuo ang luha sa mata ko. I don't want tears to fell down from my eyes lalo pa at nasa harap ko ang mga magulang ko. Papagalitan lang ako lalo ng tatay ko.

Naiiling naman si mama sa akin, she's also disappointed.

Si Roxie, hayan at nakaupo pa rin sa sahig parang tanga. Paawa effect pa siya. Kaya niya pala sinaktan ang sarili niya, dahil alam niyang parating ang mga magulang ko at makikita ang sitwasyong iyon.

Best actress of Photo Journalism Department, 2021!

Galing, awardee!

"Nasaktan ka ba hija?" alalang tanong ni papa kay Roxie saka tinulungan ito sa pagtayo. Ang bruhang Roxie tumango-tango rin at kunwaring nag-inda ng sakit ng katawan dahil 'kuno' sa ginawa ko sa kaniya.

Kung totoong ako ang nananakit sa kaniya, baka nilumpo ko pa siya. Tss, I will never lower myself para lang pumatol sa bruhang iyon!

Pinahatid ni mama si Roxie sa hospital. Really? Hospital agad? Mamamatay ba siya sa pamamagitan ng pananakit at pananampal niya sa sarili niya?!

"Let's talk seriously, Denicery," ani mama. Naubusan na ata ng lakas si papa para sermonan ako kaya si mama na lang.

Pumunta kami sa opisina ko.

Nawala ang gutom sa akin. Kakain dapat ako eh!

"Bakit?" panimula ni mama, tanong kaagad.

"Anong 'Bakit?' ma?" Ginaya ko pa ang paraan niya nang pagkakasabi no'ng salitang iyon.

"Hindi mo ba kayang ihiwalay ang nararamdaman mo sa trabaho nating ito?" aniya. "Hindi mo ba kayang magpigil?!"

"Ma, nagpigil ako!" buwelta ko, hindi na mapigilan ang pagtaas ng boses ko sa pakikipag-usap sa nanay ko.

"Nagpigil ka pero nasaktan pa rin si Roxie. Gano'n ba ang pagpipigil?

Pareho kaming nagpapataasan ng boses ni mama. Nakakainis naman kasi eh! Isa pa ang dahilang ito kung bakit hindi ako nag-oopen-up sa kanila ng mga problema ko eh.

Lahat sila, one-sided.

Ang mas masakit, laging ibang side ang pinipili nila. Lagi akong nawawala sa choices at consideration nila!

"Sorry," tanging nasabi ko. Alam kong uutusan ako ng nanay ko na kay Roxie humingi ng tawad.

Asa siya! Kahit na maglupasay pa siya sa harapan ko, hindi ako hihingi ng tawad sa kaniya! Sana ma-confine siya sa kaartehan niya.

Oo, mataas ang pride ko at hindi ko kayang lunukin ito para lang makapagpaumanhin sa tulad niya. She hurted herself, bakit ako ang kailangang humingi ng tawad!?

I walked out, avoiding my mother's sermons. Pagod na pagod na pagod na talaga ako.

Ang pisikal, emosyonal, mental pati na ang spiritual health ko, sumusuko na.

I tried calling my sister many times dahil kailangan ko ng makakausap pero hindi siya sumasagot. I tried texting my friends but no one replied. Gusto ko mang hilahin si Joyce sa kagagahan ko ngayon, natandaan ko na medyo napagtaasan ko siya ng boses kanina and I am guilty for that.

Lord! I need you!

Umiyak ako ng umiyak. Hindi ako matigil. Hindi rin nagpapaawat ang nga luhang nagbabagsakan sa mata ko. Walang patid.

Bakit ako na lang lagi? Parang sobrang dami ko ng naranasan para may madagdag pang ganito!

Para mapatahan ako kahit papaano, s-in-earch ko ang kantang paborito ko,

I'll be.

I'll be, your crying shoulder

Kaninong balikat kaya ang puwede kong masandalan ngayon?

I'll be, love's suicide

Yeah, ang pag-ibig ay totoong nakamamatay. Masasaktan mo ang sarili mo.

I'll be, better when I'm older

How old? Kailan pa ako magiging better para sa sarili ko?

I'll be, the greatest fan of your life.

Tama nga sila, kapag masaya ka, nai-enjoy mo ang kanta. Kapag malungkot o nasasaktan ka, maiintindihan mo ang nilalaman o mensahe ng kanta.

Ilang beses na akong nawawalan. Ilang beses na akong nasasaktan. Maraming beses na akong nalugmok.

Pero,

Hindi pa rin ako masanay-sanay.

Bumabalik pa rin ako sa kung saan ako nag-umpisa.

Nakapa ko ang isang panyo.

The simple white handkerchief na sa tingin ko ay makakatulong sa akin ngayon.

Ganito na lang lagi, ako ang magpupunas ng sarili kong luha. Ako ang magpapatahan sa sarili kong nagwawala. At ako rin ang iintindi sa magulo kong pag-iisip.

Paulit-ulit na lang.

My cellphone vibrated.

I received a text.

From: Mr. Juaneza, papa

You're not allowed to participate to International Fashion Designing contest as your punishment.

Wala na, tumulo na ng husto ang luha ko. Ni hindi nila ako pinakinggan. They're being inconsiderate, again.

I swear, sobrang hirap talaga ng sitwasyon ko. Parang wala akong pag-usad. Parang walang abante at puro atras lang.

Ate Dorine!

Joycelyn!

Lord!

Kailangan ko kayo. Baka kung ano na ang magawa ko sa sarili ko once na wala pa akong mapagsabihan ng nararamdaman ko.

Inabutan ako ng gabi sa isang tulay. Anong ginagawa ko rito? Tatalon na ba ako? Sign na ba ito?

Psh, gusto kong makita iyong river!

Ang lawak, feel ko tuloy tumalon.

Bahagya akong napakapit sa may bakal na harang dito sa may tulay. Kahit na sinong makakakita sa akin, iisiping magpapakamatay ako.

LOL, as if they care about my life?!

"Hoy!"

"Pst!"

Hindi ko alam kong ako iyong sinisitsitan at tinatawag kaya wala akong pake.

Kita ko na ang reflection ng tulay sa may river. Gabi na at may mga ilaw ng bangka sa paligid ng malawak na ilog.

Puwedeng-pwedeng mamangka.

Biglang may yumakap sa baywang ko at pinipilit akong ibaba mula sa may tinatayuan kong bakal.

"Are you out of your mind?!" bulyaw ng lalaki sa pagmumukha ko. Tumaas lahat ng balahibo ko sa katawan nang dahil sa kaniya.

"Don't even give a thought of harming yourself, Denicery Juaneza." Mas huminahon ang boses niya nang umiyak ako sa harapan niya.

Ito na naman ako,

Nagiging mahina na naman.

Lagi naman akong mahina pero mas nanghina ako sa taong hindi ko naman inaasahang makikita ko.

Hindi siya iyong tao na gusto kong makaalam ng nararamdaman ko ngayon pero siya iyong nandito ngayon.

May balikat na akong masasandalan.

May damit na akong matutuluan ng uhog ko.

At mayroon nang makikinig sa akin.

Sa mga kadramahan, kaek-ekan at mga hanash ko sa buhay. Magpatitiisan ko na ang isang ito. Pwede na siya.

"Thank you at nandito ka, Mr. Alalay."

'