Muling Magmamahal Dahil Sa Iyo
Language: fil
/0/26692/coverbig.jpg?v=c24d5558010f4a52894929276f16481d)
Hindi makakapayag si Janis na tuluyang mawala sa kanya ang pinakamamahal niyang si JM. Hindi niya matanggap na takot itong patuloy siyang mahalin dahil baka masaktan lang daw siya nito gaya ng ginawa ng tatay at kapatid nito na pawang babaero. Para mabawi ito, kailangan niyang patunayan na sila ang para sa isa’t isa. Kaya naman hiningi niya ang tulong ng kapatid nitong si Vermont na ubod ng babaero at walang sineseryosong babae. Umaasa siya na kapag nakita ni JM na magkasama sila ay bawiin siya nito kay Vermont. Pero mukhang mapapa-trouble ang puso niya sa piling ni Vermont. Pakiramdam…
Available chapters
Chapter 1
Magaan ang paa ng tinahak ni Janis ang daan papunta sa beach. Nasa Bahia de Aurora siya, isang resort na pag-aari ng nobyo niyang si JM o Juan Miguel de Guzman. It made her feel at home. As if she belonged there. Naroon siya para magbakasyon. Nagkakilala sila sa isang surfing competition sa naturang lugar at mula noon ay bumalik-balik na siya dahil kay JM.
Ayon kay JM ay itinayo pa iyon noong panahon ng mga Amerikano. Nakikita naman sa arkitektura ng Bahia de Aurora na parang sinaunang panahon pa iyon. Malalaki ang mga bintana na gawa sa capiz kung saan tanaw ang malawak na Pacific Ocean. Gawa sa kahoy na inukitan ang mga pinto at gawa pa sa narra ang makintab na sahig at mga muwebles. Sa halip na isang hotel o resort ay parang nasa isang bahay ka lang.
Dalawang taon ang nakakaraan nang ipamana ng lola nito na si Doña Erlinda de Guzman. Napabayaan na iyon at sira-sira. Wala na kasing nag-aasikaso at mistulang inabandona. Kaya ibinuhos ni JM ang lahat ng pera at kakayahan nito para maibalik sa dating ganda ang Bahia de Aurora. He also encouraged backpackers and even organized surfing events to help promote the resort. Hindi lang resort nito ang natulungan ng naturang surfing events kundi maging ang iba pang resort doon at ang bayan ng Aurora na nagsisimula nang makilala bilang promising tourism haven. Bahia de Aurora was his life. Kaya mahal din niya ang lugar na iyon. At kasama sa pangarap niya na doon na sila titira ni JM oras na maikasal sila at bubuo sila ng pamilya. Pakiramdam niya ay malapit na iyon.
Pinapunta siya ni JM sa Bahia de Aurora dahil may importante daw itong sasabihin sa kanya. Matindi ang hinala niyang aalukin na siya nito ng kasal. Kaya naman kuntodo paganda siya sa pagpunta doon. Gusto niya ay maganda siya sa mahalagang sandali na iyon.
Natagpuan niya si JM na nakatayo sa may beach at nakaharap sa dagat. Mukhang malalim ang iniisip nito. She took the time to study him. Napakaamo pa ng mukha nito. A face of an angel. And he also had a heart of an angel. Yes. She wanted to spend the rest of her life with him. At hindi na magbabago pa ang isip niya.
Yumakap siya sa baywang nito. Napapitlag ito at biglang lumingon sa kanya. "Nandiyan ka pala. Hindi man lang kita naramdaman."
"Kasi masyadong malalim ang iniisip mo."
"I am sorry. You look beautiful today. Nag-dress ka pa,” puno ng appreciation na sabi nito. –
"Para maiba naman. I am glad you like it." Hindi na lang niya sinabing pinaghandaan niya ang sandaling iyon. Baka makatunog ito na may ideya na siyang aalukin siya nito ng kasal. She didn't want to ruin his surprise. Kunyari ay wala siyang alam.
Isang malamlam na ngiti ang isinagot nito. "Kahit pa anong isuot mo, maganda ka pa rin sa akin."
Nanatiling malungkot ang mga mata nito. Ginagap niya ang mga kamay nito at itinodo pa ang ngiti. "Ano ba ang sasabihin mo sa aking importante? Wala ka naman sigurong problema dito sa resort, hindi ba?"
Umiling ito. "No. It's not about the resort. Come. Doon tayo sa cabana."
Malakas ang kaba sa dibdib niya nang dalhin siya nito sa cabana habang hawak ang kamay niya. Napaka-romantic ng ambiance sa loob ng cabana. Bagamat nakaharap sa dagat at parang nakikita sila ng buong mundo ay may illusion of privacy ang mismong cabana. Parang silang dalawa lang ni JM sa paraisong iyon. Perfect for a marriage proposal.
This is it! This is it! Magpo-propose na ito sa kanya. Ano kaya ang dapat niyang maging reaksiyon? Siyempre magugulat siya sa una. Kailangan bang magpakiyeme muna siya at huwag itong sagutin agad? O “yes” agad ang sasabihin niya dito at yayakapin agad ito?
Pinaupo siya nito at hinawakan ang kamay niya. “Janis, gusto kong intindihin mo ang lahat ng sasabihin ko sa iyo. Mahalaga ito sa akin.”
Sunud-sunod na tango ang ginawa niya. “Oo. Iintindihin ko ang lahat. Ano ba iyon?”
Tinitigan siya nito sa mga mata. “I am breaking up with you.”
Naglaho ang ngiti sa labi niya. “A-Ano?”
“I said I am breaking up with you,” anito at mas seryoso na ang itsura nito.
Saglit siyang natigagal habang inaanalisa ang sinabi nito. “You are breaking up with me?” Isang malakas na tawa ang pinakawalan niya. “JM, ano bang joke iyan?”
Siguro ay iyon ang pakulo nito. Kunyari ay makikipag-break ito sa kanya at paiiyakin pero bigla na lang nitong ilalabas ang engagement ring para sabihing ayaw na siya nitong maging girlfriend kundi gusto nitong maging asawa siya. Great! She knew the trick.
“O, sige. Break na tayo. Iiyak na ba ako?” nakangiti pa rin niyang tanong.
Nanatiling seryoso ang mukha ni JM. “Hindi ako nakikipagbiruan sa iyo, Janis. Gusto ko nang tapusin ang lahat sa atin.”
Hindi na niya nagawa pang tumawa sa pagkakataong ito at tuluyan na ring nag-evaporate sa isip niya ang tungkol sa pagpo-propose nito ng kasal sa kanya. Mukhang seryoso ito. Seryoso na makipag-break sa kanya. Pakiramdam niya ay nade-drain ang kaligayahan sa buong katawan niya. Break. Hindi niya inaasahan na aabot sa break up ang relasyon nila ni JM.
“A-Anong nangyari? Bakit makikipag-break ka sa akin?” tanong niya sa nanginginig na boses. She felt dreaded. “M-May kasalanan ba ako sa iyo? May ginawa ba akong mali?”
Naging busy siya sa trabaho nitong nakakaraang araw dahil natambakan siya ng trabaho nang lumuwas si JM ng Maynila at dinalaw siya noong isang buwan. Nagkulang ba siya ng pagte-text dito o pagtawag dito? Nabawasan ba ang sweetness nito. Ang sabi naman nito ay naiintindihan nito ang trabaho niya at hindi naman ito demanding na boyfriend.
Umiling ito. “Wala. Wala kang kasalanan sa akin.”
“May gusto ka bang ibahin ko sa sarili ko o gawin ko? Sabihin mo lang. Baka nahihiya ka lang sabihin sa akin. Hindi ako magagalit sa iyo. Basta huwag lang ganito.”
Ngayon lang siya nakaramdam ng masidhing takot. Matagal niyang hinintay si JM na dumating sa buhay niya. Ito ang una niyang nobyo. Hindi naman siya perpektong tao. Marami pa siyang dapat na matutunan. Kung nagkulang siya o may nagawang mali ay handa siyang bumawi dito. Handa siyang mag-adjust para lang isalba ang relasyon nila.

Chapter 2
“There is nothing wrong with you, Janis. It’s me.”
“Is there another woman?” nanginginig ang labi niyang tanong. “May nakita ka bang iba habang wala ako?” Saglit lang naman iyon pero wala siyang magagawa kung madadala ito sa tukso. Minsan ay walang matatag na lalaki sa babaeng magaling mang-akit.
“Hindi ko magagawa iyon sa iyo. There’s no other woman.”
“Is it the resort then? Gusto mong mag-focus dito at isa akong distraction? Pwede naman akong mag-adjust. Hindi ako masyadong magde-demand.”
“I just want you to stay away from me before I hurt you. Hindi ako ang lalaking para sa iyo, Janis.”
Umiling siya. Ano bang sinasabi nitong sasaktan siya nito? “I don’t understand. We are okay, JM. You are the perfect boyfriend. Masaya tayo sa isa’t isa. Wala akong mairereklamo sa iyo. Hindi ko maintindihan kung bakit iniisip mong masasaktan kita.”
“It is in my genes. Lahat ng lalaki sa pamilya ko walang ginawa kundi manakit ng babae. They are womanizers. From my grandfather to my father up to my brother. Parang sakit iyon.”
Umiling siya. “Hindi ako naniniwala na katulad ka nila.”
“Kaya nga ako umiiwas sa relasyon dahil doon. I just couldn’t stop myself from falling for you. Pero hindi ko alam kung hanggang kailan. Baka bukas-makalawa lokohin na rin kita. I can’t bear that, Janis. Kaya mas mabuti pang layuan mo na lang ako.”
“Have a little faith, JM. Ako na ang nagsasabi sa iyo na hindi ka katulad nila. Kaya mong kontrolin iyan.”
“Pinag-isipan ko na ito. I have to let you go. Ayokong matulad sa Papa ko. He was promised to marry another woman. Pero tinakasan niya at inakit pa rin niya ang nanay ko na seventeen years old pa lang. Tapos iniwan niyang buntis ang nanay ko para balikan ang nobya niyang pinangakuan niya ng kasal na buntis din. Importante ka sa akin. Ayokong mabiktima ka katulad ng mga babaeng naging biktima ng mga lalaki sa pamilya ko.”
He was trying his best to be kind to her. Pero tuluyan na siyang nakadama ng galit kay JM. Kung iyon naman pala ang problema nito sa simula pa lang, bakit hinayaan pa nitong ma-in love siya dito? Sana noong una pa lang ay hindi na nito inilapit sa kanya? Sana ay hindi na lang niya ito minahal. Ano ba ang kaibahan ng posibilidad na masaktan siya nito at lokohin kung ngyayon pa lang ay sinasaktan na siya nito?
“Alam mo kung anong problema sa iyo, JM? Duwag ka! Isa kang malaking duwag.” Dinuro niya ang dibdib nito. “Nagpapadala ka sa takot mo. Kinatatakutan mo ang isang bagay na posible namang hindi mangyari.”
Yumuko ito. “I am sorry, Janis. I guess this is goodbye. This is for the best. Sigurado ako na makakatagpo ka ng lalaking magmamahal sa iyo ng totoo.”
Gusto niyang hampasin ang guwapo nitong mukha sa sobrang sama ng loob. Pero hindi maiibsan ang sakit na nararamdaman niya. He broke up with her and he broke her heart. Makakabawi lang ito sa kanya kung sasabihin nito na gusto talaga siya nitong pakasalan at handa itong labanan ang takot nito. That they could work this out. Subalit mukhang malabong mangyari iyon. Tuluyan nang nilamon ng takot si JM at desidido na itong tapusin ang lahat sa kanila.
Tumayo siya. Ayaw niyang iwan si JM. Gusto pa niyang ayusin ang relasyon nila ngunit wala na sa puso niya na magmakaawa pa. Masyado niyang pabababain ang sarili niya.
Umalis siya ng walang sali-salita. Hindi pa tapos sa kanya ang lahat. Babalik siya sa lugar na iyon at titiyakin niyang si JM ang magmamakaawang bumalik siya dito. At titiyakin niyang pagapang itong magmamakaaawa sa kanya.
PAKIRAMDAM ni Janis ay sinisilihan siya. Nasa tapat niya ang bestfriend na si Melai at ang nobyo nitong si Nani. Twenty-seventh birthday na ni Melai at ginanap iyon sa isang resort sa Pangasinan kasama ang ilan sa malalapit nitong kaibigan at kamag-anak. Sa bar ng resort nila sine-celebrate ang gabi ng birthday nito. Sila lang ang naiwan sa table habang nagsasayaw sa dance floor ang iba.
Parang papapakin na ang mga ito ng mga langgam sa sobrang sweet. Walang pakialam ang mga ito sa nakakakita. Ganoon nga yata ang in love. Walang pakialam sa nangyayari sa paligid basta masaya. At dalawang buwan lang ang nakakaraan ay ganoon siya kasaya sa piling ni JM. Dalawang buwan na rin siyang walang boyfriend. Idinaan na lang niya sa pag-inom ng tequila sunrise ang sama ng loob.
“Babe, naiwan ko ‘yung extra battery ko sa kuwarto. Pakikuha naman sa room,” ungot ni Melai kay Nani.
“Okay, babe,” sabi ni Nani at kinintalan ng halik sa labi si Melai.
Humagikgik si Melai nang iwan sila ni Nani. “Sweet ni Nani, di ba? Lahat na lang ng gusto ko ibinibigay niya.”
“Ang swerte mo naman kay Nani. Mahal na mahal ka talaga niya. Hindi ba señorito ‘yan sa kanila? Ganyan din si JM sa akin noon. Lagi akong pinagsisilbihan,” malungkot niyang usal.
Pumalatak ito at pinisil ang balikat niya. “Makakahanap ka pa ng ibang JM sa mundo. ‘Yung hindi ka iiwan at hindi maduduwag na mahalin ka.”
Huminga siya ng malalim at umiling. “Ewan ko. Parang malabo.”
Parang manhid na ang puso niya. JM was almost perfect for her. Too good to be true. Baka mas palpak pang lalaki ang matagpuan niya sa susunod. Parang ayaw na niyang sumugal.
Dalawang buwan na mula nang mag-break sila pero parang tumigil ang mundo niya. Ayaw na niyang lumabas. Ni ayaw niyang magsaya. Pati ang nanay niya ay nag-aalala na sa kanya dahil mas gusto niyang tutukan na lang ang trabaho niya bilang translator ng iba’t ibang libro kaysa lumabas kasama ang mga kaibigan niya. Kundi pa siya pinagbantaan ni Melai na itatakwil siyang bestfriend ay hindi pa siya sasama. Wala talaga siya sa mood magsaya.
Hinihintay niya na anumang oras ay magpapakita si JM sa kanya at yayakapin siya nito. Alam niyang iyon lang ang paraan para muling umikot ang mundo niya. Subalit mukhang tuluyan na siya nitong kinalimutan. Ni hindi man lang ito nagte-text para kumustahin siya. Tuluyan na nga siya nitong tinalikuran.
Nagpalinga-linga si Melai nang makalipas ang ilang minuto ay di pa rin bumabalik si Nani. “Nasaan na si Nani? Pupuntahan ko muna at baka naligaw na iyon.”
“Pabalik na siguro iyon. Ikaw talaga di mapakali kapag nawawala si Nani sa tabi mo.”
“Sabihan mo na akong OA pero napa-paranoid ako na mawala siya sa akin.”
Tumayo ito at lalabas na ng bar nang bigla itong matigilan nang marinig ang bagong kanta. “Itong awiting ito’y iaalay sa iyo. Sintunado man ‘to. Ipinapangako sa iyo. Ang nais ko lamang kasama kang tumanda.”
Natutop ni Melai ang labi at lumingon sa stage. Si Nani ang kumakanta ng Filipino version ng Grow Old With You. Gaya niya ay hindi makapagsalita si Melai habang pinapanood ito. Bumaba sa stage si Nani at lumuhod sa harap ni Melai si Nani. Inilabas na singsing mula sa bulsa. “Melai, will you marry me?”
Hindi maiwasang mabagbag ang kalooban niya habang pinapanood ang mga ito. Parang bumalik siya sa araw kung saan inaasahan niyang magpo-propose si JM sa kanya. Sa halip na magpo-propose sa kanya ay hiniwalayan siya nito.
“Yes! Yes na yes!” sagot ni Melai at mangiyak-ngiyak na niyakap ito. Isinuot ni Nani dito ang diamond engagement ring. Maliit lang iyon pero mas mahalaga kung ano ang ibig sabihin noon. “I love you, Nani!”

Chapter 3
Alam na ni Janis kung anong pakiramdam ng mamamatay sa inggit. Iyon ang pakiramdam niya habang pinagmamasdan sina Melai at Nani na magkayakap.
Gusto rin niya ng lalaking magmamahal sa kanya, kalilimutan ang pride para sa kanya, magpo-propose ng kasal sa kanya at may pagkakataon siyang sumagot ng oo para dito. Gusto rin niyang maikasal sa simbahan at magkaroon ng mga anak. Gusto niya ng kaligayahang nararamdaman ni Melai.
“Janis,” anito at inilahad ang kamay sa kanya na may suot na diamond engagement ring. “Engaged na kami ni Nani. Hindi ako makapaniwala.”
Maluha-luha niya itong niyakap. “I am happy for you.”
She was happy for her friend and feeling sorry for herself. She wanted to feel that love again, to feel alive again. Kahit minsan lang. Gusto niyang maranasan ito. Sana…sana ay ganito rin siya kapiling si JM.
Humulagpos ang emosyong pinipigilan. Kumawala ang luhang pinipigilan niya sa loob ng dalawang buwan. Napahagulgol na lang sila ng iyak. Bakit hindi natupad ang pangarap niya? Bakit nawala sa kanya ang lalaking mahal niya nang wala siyang kalaban-laban?
“Okay ka lang?” nag-aalalang tanong ni Melai.
“Oo naman. Okay lang ako. Masaya ako dahil kahit na lagi kayong nagbabangayan ni Nani, mahal ka niya at inalok nka pa ng kasal. Huwag mong isipin na umiiyak ako dahil naghiwalay kami ni JM. I am happy for you. Hindi ako bitter. Hindi talaga.” Hindi niya alam kung ito ang kinukumbinsi niya o ang sarili niya.
He gave her a weird look. “O-kay.”
Nagpasalamat na lang siya nang hilahin si Melai ng mga pinsan nito para batiin. She felt so lonely suddenly. Binuksan niya ang bote ng wine sa ibabaw ng mesa at nagsalin sa wine glass. Inalok niya ng wine ang iba ngunit pinili ng mga ito na sumamang magsayaw sa dance floor kasama ang kanya-kanyang ka-partner ng mga ito. Muli ay mag-isa na nman siya.
Tinungga niya iyon at saka lang niya naramdaman na may kasama siya sa kalungkutan niya. Gusto niyang mag-celebrate pero sa bawat guhit ng alak sa lalamunan niya ay parang nagluluksa ang puso niya. Naubos niya ang bote ng red wine. It was not enough. Umorder siya ng bote ng vodka at inilabas iyon ng bar. Naglakad-lakad siya haggang makarating siya sa beach na walang katao-tao. Tinungga niya ang boses ng tequila. Gusto niyang maging malaya sa sakit. Uminom siya ng uminom hanggang parang lumulutang na siya.
She just wanted someone to love her. She just wanted someone to hold her. She just wanted her great love back. Gusto niyang bumalik si JM sa kanya.
“Sasamahan kita kapag di ka masaya. Bubuhatin kita pag nirayuma ka na. O kay sarap isiping kasama kang tumanda,” kanta niya sa proposal song ni Nani kay Melai. Humiga siya sa buhangin at napaiyak na tiningala ang bilyon-bilyong bituin sa langit. Umiikot ang mga ito sa paningin niya. Pakiramdam niya ay umiikot ang paningin niya habang parang tinutuya ng mga bituin. “O kay sakit isipin, mag-isa akong tatanda…”
Ayaw niya ng ganitong pakiramdam. She suddenly felt unloved. Bumalik ang insecurity niya mula sa kawalan niya ng ama. Hindi niya ito nakilala dahil iniwan silang mag-ina nang malamang buntis ang nanay niya. Itinakwil silang mag-ina ng pamilya ng nanay niya dahil isa daw itong disgrasyada. Sabay nilang nilabanan ang mundo. At walang ibang gusto ang nanay niya kundi ang makita siyang mag-asawa at magkaanak. Ayaw daw nitong tumanda siyang mag-isa.
Gaya ng nanay niya ay may iisa lang din siyang pag-ibig. Si JM iyon. Hindi na niya kayang magmahal pa ng iba. Sana ay bumalik ito sa kanya. Sana.
Isang mukha ang bumulaga sa kanya. “Janis, are you okay?”
Nahigit niya ang hininga nang bumulaga sa kanya ang guwapong mukha ng isang lalaki. Si JM! “Oh, its you!”
Pero mas madungis na version ni JM. Mas mahaba ang buhok nito. He had stubbles on his face and his jaw was squared. Hindi rin boy-next-door ang dating nito. He was more rugged. Even his voice was raspier. She could imagine his voice like his hand, touching her, caressing her. Pero hindi ito katulad ng magaang haplos ni JM sa kanya. This one is rougher, more demanding.
“Ako nga. Okay ka lang? Bakit nakahiga ka dito sa buhangin?” tanong nitong puno ng pag-aalala.
Hindi na mahalaga sa kanya kung anong itsura nito. Ang mahalaga ay nandito ito at bumalik sa kanya. Hinaplos niya ang panga nito. “I can’t believe you’re here.” Kinintalan niya ng halik ang labi nito at ang mukha nito. “Baby, I miss you so much.”
Nawalan ito ng balanse at tumumba sa ibabaw niya pero patuloy pa rin siya sa paghalik dito. Lahat ng pagkasabik at pagmamahal na naramdaman niya ay ibinuhos niya dito.
“S-Sandali, Janis. Pag-usapan muna natin ‘to.”
Inilapat niya ang hintuturo sa ibabaw ng labi nito. “Shhhh…. wala na tayong kailangang pag-usapan. Ang mahalaga nandito ka at kasama kita. Matagal kong hinintay ang pagkakataong ito na babalik ka sa akin.” Ipinasok niya ang kamay sa loob ng nakabukas nitong polo at hinaplos ang matipuno nitong katawan. “Matagal na nating gusto ito, di ba?”
Ayaw niya itong pakawalan. Pagkakataon na niya ito. Hindi siya papayag na mawala pa ito sa kanya. Akmang tututol ito nang angkinin niya ang labi nito at ikinawit niya ang binti sa hita nito para tiyaking di na ito makakatakas pa. Kung alam lang nito kung gaano siya kasama na sa wakas ay magiging sa kanya na ito. Hindi na sila maghihiwalay pa.
Bumaba ang labi niya sa leeg nito at nagkaroon ito ng pagkakataong magsalita. “Janis, makinig ka muna sa akin.”
“Make love to me. Please?” aniya at naramdaman muli ang pangingilid ng luha. Natatakot siya na sabihin na naman nitong hindi siya nito mahal. Na hindi na siya mahalaga dito. She just wanted to love him and spend the rest of her life with him. Iyon lang.
Napaungol ito at tinangka muling lumayo sa kanya. “Sweetheart, we both want that. Pero hindi natin iyon dapat gawin dito.”