The Princess Challenge
Language: fil
/0/26693/coverbig.jpg?v=5163020399654aac885145a1f2560d80)
Matapos iligtas ang mayayamang dayo sa Looban mula sa snatcher at muntik mamatay, nalaman ni Abegail na anak pala siya ng isang mayamang negosyante na si Marcel Malvarosa. Mula sa pagtira sa squatter’s area, sa isang iglap ay tumira siya sa magarbong mansion at nag-aral sa mamahaling paaralan. Pero di pala ganoon kasimple ang lahat dahil burangas pa rin daw siya at walang dala kundi gulo. Dinudungisan daw niya ang pangalan ng mga Malvarosa. To the rescue naman sa kanya si Roumel, ang kinakapatid niya na crush na crush niya. Ito daw ang titiyak na magiging prinsesa siya na maihaharap ng ama…
Available chapters
Chapter 1
Nakakapaso ang init ng araw sa balat. Tagaktak na ang pawis ng sinumang nasa labas ng bahay kahit alas nuwebe pa lang ng umaga. Nakakadagdag iyon ng hirap sa pagtutulak ng kariton na may lamang iba’t ibang kakanin at ulam. Pero di iyon alintana ni Abegail at patuloy sa pagtawag sa mga suki niya. Kailangang makabenta siya at maubos ang paninda bago mag-alas dose. Kailangan pa niyang tumulong sa maliit na kainan ng tiyahin sa kanto ng Looban kung saan sila nakatira.
Isang squatter’s area sa Taguig ang Looban - pugad ng mga adik, snatcher at mga rugby boys ng lungsod at iba-iba pang ilegal na aktibidades. Umuupa sila sa isang maliit na barong-barong doon at sapat lang ang kita nila sa pagtitinda para sa pang-araw-araw na buhay. Sa Looban na siya lumaki at natuto nang sumabak sa hirap ng buhay. Kung di siya kikilos, di siya makakakain sa araw-araw.
Sa magulong lugar na iyon siya ipinanganak at lumaki. Nanunuot din ang amoy ng Ilog Pasig na dinadala ng hangin. Subalit sanay na siya.
Tagpi-tagpi ang mga barung-barong na nakatirik sa paligid. Sa di-kalayuan ay may mga batang nagtatakbuhan. Tagpi-tagpi ang mga damit at sunog sa araw ang balat. Nakayapak pa ang ilan dahil walang pambili ng tsinelas.
Kahit paano ay mas maayos siyang tingnan sa mga iyon. Nakasuot siya ng pantalong maong na abot hanggang tuhod. May himulmol na sa dulo subalit mas presentable pa ring tingnan. Nakalilis ang manggas ng kanyang abuhing kamiseta. May nakataling bandana sa kanyang ulo upang protektahan siya sa sikat ng araw.
Napatingala siya nang biglang lumilim sa pwesto niya. “Magpayong ka, Abegail. Ayokong masira ang balat mo,” sabi ni Dado.
“Huwag mo na akong payungan, Dado. Sanay na ako sa init ng araw. Ikaw na lang ang magpayong dahil baka sisihin pa ako ng nanay mo kapag mangitim ang makinis mong balat,” pasaring niya.
Kapit-bahay niya ito at anak ni Aling Bebang, may-ari ng paupahang barung-barong sa kanilang lugar. Hamak na nakakaangat ang pamumuhay nito dahil may tindahan din ang ina nitong si Aling Bebang. Bukod pa sa nagpapautang ito ng five-six.
Hindi nito itinatagong gusto siya. Subalit hindi siya interesado dito kahit madalas siyang gawan ng pabor. Hindi niya kailangan ng lalaki sa buhay niya.
Disisais anyos siya at ulila sa ina. Namatay ang nanay niyang si Guila nang sampung taong gulang siya. Nagka-dengue ito at huli na para masagip pa nila.
Siniko siya ng binata. “Ano… kukumbinsihin ko si Mommy na sa susunod na pasukan sa public school na lang ako pag-aralin. Kung saan ka, doon na rin ako.”
“Shunga ka rin ‘no? Sa private school ka na nga iginagapang na pag-aralin ng nanay mo, lilipat ka pa sa siksikan at mainit na public school.”
“G-Gusto kasi kitang makasama.”
Tinaasan niya ito ng kilay. “Para ano? Para payungan mo ako? Para sundan-sundan mo ako na parang aso? Dado, parang sinabi mo na rin na wala kang ambisyon sa buhay.”
Naiinggit siya dito dahil siya ay walang ideya kung kakayanin pa niyang mag-aral sa senior high school. Iginapang lang siya ng tiyahing si Carol na kapatid ng nanay niya. Wala naman kasi siyang ibang kamag-anak. May anak pa ito na halos kaedad niya - si Maria Judie.
May lugawan sila sa kariton sa kanto. At para may extra pang kita ay nagluluto ng ulam at kakanin ang tiyahin niya sa umaga para ilako niya habang bakasyon. Para daw mapag-ipunan niya ang pag-aaral niya sa senior high school at sa kalauan ay sa kolehiyo.
Matalino naman siya ayon sa adviser niya. Pero laging namemeligro ang grade niya dahil di siya nakakapagpasa minsan ng requirement lalo na kapag magastos ang projects. Binabawi na lang niya sa recitation at sa exams. Pero alam niya na kung gusto niyang umabot ng kolehiyo, kailangan niyag doblehin ang pagkayod. Wala siyang makukuhang scholarship kung mababa ang grades niya.
“Ito talaga masyadong seryoso. Sumama ka naman sa amin na mag-swimming,” yaya ng kaibigan.
“Wala nga akong kapera-pera, swimming pa kaya.” Gusto nga niyang mag-ipon sa buong bakasyon pero gastos naman ang naiisip nito.
“Ililibre kita. Sige na. Para makapag-relax ka naman.”
“Ang kulit mo talaga,” aniya at umingos. “Tulungan mo na lang akong magtawag. “Turon! Banana cue! Kalamay kayo diyan!”
“Dito! Gusto ko iyan!” anang grupo ng mga kalalakihan na nakatambay sa kanto.
Nanigas ang katawan nila ni Dado nang makita ang Tukmol Gang - ang grupo ng mga adik at panggulo sa lugar nila. Laging hina-harass ng mga ito ang tao sa Looban para manghuthot o manghingi ng libre na paninda. At kapag di nagbigay, naninira ng ng gamit ang mga ito.
“Balik na lang tayo,” anang si Dado at pinigilan ang kariton niya. “Tiyak na huhuthutan ka niya kapag lumapit tayo sa kanila.”
“Huthot nila mukha nila. Mas kailangan ko ang tuition ko. Tigil-tigilan nila ako,” sabi niya at ipinagpatuloy ang pagtutulak ng kariton. Naghihintay na ang mga suki niya. May nag-text na sa kanya kanina pa kaya di niya pwedeng palampasin ang pagkakataon dahil lang sa mga talipandas ng Looban.
“S-Sa ibang eskinita na lang tayo magtinda.”
Pumiksi siya. “Kung natatakot ka, bumalik ka na lang. Kaya ko ito.” Walang siga-siga sa kanya.
“Miss, gusto ko ‘yang turon mo at banana cue. Papakyawin na namin,” anang si Jonston na dati niyang kaklase pero na-kick out sa eskwelahan matapos nakawan ng cellphone ang teacher para daw may mairegalo sa nililigawan nito.
“M-May may-ari na po ng mga ito,” sabi ni Dado at kumaway. “P-Pasensiya na.”
“Kung may may-ari na niyan, bakit pa kayo nagsisisigaw kanina?” tanong ni Ador na mukhang nilamukot na utot ang mukha. Beinte pa lang ito pero mukhang treinta na. Epekto siguro ng droga.
“B-Bibigyan na lang namin kayo. Wala naman problema. ‘Yung para sa akin na lang ang bilhin niyo,” nanginginig na sabi ni Dado. “Ilan ang gusto ninyo?”
“May pambayad ba kayo?” nakataas ang kilay na tanong ni Abegail. “Kasi kung wala kayong pambayad, pupuntahan ko na ‘yung mga taong may pambayad.”
“Magbabayad kami? Di mo ba alam na kay Ador itong eskinitang ito? Kanya ang Looban. Kaya ‘yang turon ninyo, iyan na ang bayad sa kanya. Bigya nyo kami ng tig-iisang banana cue at tigda-dalawang turon.”
“S-Sige po.” Nangangatal na kinuha ni Dado ang plastic at tong.
Pinigilan ito ni Abegail nang akmang kukuha ng turon ang kaibigan. “Sandali. Gusto ko lang linawin. Wala silang pambayad at di naman nila pag-aari itong Looban. Pare-pareho lang naman tayong squatters dito. Bakit ko sila bibigyan ng libreng pagkain? Ang lalaki ng katawan bakit di magbanat ng buto? Di na na nga nakakatulong sa lipunan, perwisyo pa. Inutil!”
“Anong sabi mo?”

Chapter 2
Kinuyom nito ang palad at akmang susuntukin siya. Pero nakatitig lang siya sa kamao nito. Di siya tuminag. Ipinakita niyang di siya nasisindak kahit na alam niyang titilapon siya sa lakas ng suntok nito. “Ador, tama na iyan! Alam mo kung ano ang mangyayari kapag gumawa ka pa ng gulo dito.”
Nagdikit ang mga labi ni Ador habang nagtitimpi sa kanya. Subalit dahan-dahan din nitong ibinaba ang kamao at tumalikod. “Tara na, mga bata.”
“Magbagong-buhay na kayo, Ador! Change is here!” kantiyaw ni Abegail sa mga ito. Para sa kanya, tapos na ang panahon na nangangaligkig ang mga tao sa takot sa grupo nito. Di lang sanay ang mga ito nang di nanggugulo.
May lumagbog at nang lumingon si Dado. “A-Akala ko masusuntok ka na. Di mo siya dapat na hinamon.”
Natatawa na lang si Kapitan Totoy nang pagtulungan nila itong itayo. “Ikaw talaga, Dado. Tiyuhin mo na nga ako pero di pa malakas ang loob mo. Bakit di ka gumaya dito kay Abegail na matapang?”
“T-Tito, h-hindi naman po ako duwag. Huwag lang katulad ni Ador. Mukha kasi siyang mangangain ng tao.”
“Alam ni Ador na di na siya pwedeng manggulo dito. Ipapatokhang na siya kapag di siya tumigil sa pagtutulak ng droga o panggugulo. Pagsisiga-sigaan na lang ang magagawa niya ngayon.”
Dati ay naghaharing-uri si Ador at ang mga tropa nito. Kung tutuusin ay tatlong taon lang naman ang tanda ng lalaki sa kanya pero bata pa lang ay naging runner na ito ng droga. Kahit sa mismong eskwelahan ay nagtutulak daw ito pero dahil menor de edad pa noon ay napapakawalan din. Bali-balita pa na mataas na opisyal ang may hawak dito. Pero mula nang bago na ang naupong presidente, kahit paano ay nawala na ang pangamba nila sa lugar nila. Di na rin makaporma sa pagtutulak ng droga si Ador dahil na rin sa banta sa buhay nito. Kaya naman di na natatakot si Abegail ngayon.
“Pero mag-iingat ka pa rin. Di mo masasabi sa panahon ngayon. Marami pa ring luko-luko,” bilin ni Kapitan at iba naman ang kinausap sa mga nakapila.
“Mabuti pa umuwi ka na, Dado. Baka himatayin ka pa dito. Magalit pa sa akin ang nanay mo at di na kami pautangin,” sabi ni Abegail dito.
“H-Hindi. Tutulungan pa kita dito. O-Okay na ako. K-Kaya ko na iyan.”
“Bahala ka diyan,” aniya at ubod nang lakas na itinulak ang kariton nang may ngiti sa labi.
“BALITA ko dumugo ang ilong ni Dado kanina dahil sa iyo,” anang pinsan ni Abegail na si Maria Judie. Nasa tindahan sila malapit sa terminal ng jeep kung saan may pwesto ang tiyahin niya. Tapos na siyang maglako at tumutulong naman sa pagbabantay ng gotohan. Alas dos pa lang ng hapon kaya walang kumakain.
“Ang kulit kasi niya. Sabi ko nga huwag nang dikit nang dikit sa akin. Nakitulak pa rin ng kariton. Wala pa kami sa kalahati, dumudugo na ang ilong. Pati tuloy ako napagalitan ng nanay niya,” naiiling niyang kwento. “Kapag di na tayo pinautang ni Aling Bebang, may konyat sa akin ang lalaking iyon.”
“Dumugo na nga ang ilong, kokonyatan mo pa. Saka ikaw, huwag kang masyadong siga at palaban. Si Ador pala kinalaban mo na naman. Muntik ka na raw patulan kanina.”
“Wala naman siyang magagawa sa akin. Ngayon pa kung kailan pwede siyang damputin ng mga pulis isang mali lang niya. Di na siya menor de edad ngayon. Kulong na siya at di na siya matutulungan ng padrino niya. Saka sino pa ba ang poprotekta sa atin kundi tayo-tayo lang.”
“Ang ibig kong sabihin, dapat maging pino ka naman sa ikinikilos mo. Dalaga ka na. Hindi maganda na mukha kang basagulera lagi.”
Nagsalubong ang kilay niya. “Kailangan ba babae mahinhin at lalaki laging brusko? Uso na ngayon ang gender equality. Di na rin kailangang ilagay sa kahon ang mga babae at lalaki. Kung gusto ng babae na maging malakas o ng lalaki na maging mahinhin tulad ni Dado, ayos lang iyon.”
“Kaya patay na patay sa iyo si Dado dahil lagi mong pinoprotektahan. Ikaw ang tagapagtanggol niya. Baligtad na ang role n’yo,” tatawa-tawang sabi ng kaibigan. “Ikaw ang prinsesang tagapagligtas niya. May ganoon pala ‘no?”
“Malalakas ang mga babae. Nagagawa nilang buhayin ang mga anak nila nang mag-isa nang walang tulong ng kahit sinong lalaki. Katulad ni Tiya Carol na nabiyuda. Katulad ni Nanay,” aniya sa mahinang boses.
Lumaki siya na nakita kung paanong magsikap ang nanay niya at tiyahin dahil walang katuwang na lalaki sa buhay ng mga ito. Walang naikwento ang nanay niya tungkol sa tatay niya kundi nangibang-bansa daw ang tatay niya at nawalan na ng komunikasyon ang mga ito. Walang pangalan sa birth certificate niya ang ama at di rin siya naghahanap.
Isa pa, natatakot siya na itatwa. Paano kung matagpuan nga niya ang tatay niya pero ayawan naman siya nito? Ilang beses na niyang napanood sa teleserye ang ganoon.
Kaya naman niyang mabuhay nang walang tatay. Minsan tinatanong siya ng pinsan kung hinahanap-hanap niya ito. Kibit-balikat lang ang sagot niya. Mahirap hanap-hanapin ang isang tao na hindi naman niya nakilala o nakasama. Ika nga sa Ingles, you can’t miss what you never had.
"Uy! May pictorial!” sabi ni Maria Judie at nag-peace sign.
"Nasaan?" tanong ni Abby at lumingon sa direksyon kung saan ito nag-pose. Hindi normal na may naglalabas ng camera o cellphone sa kanila na kilalang pugad ng mga mandurugas. Pawang mga makikisig na ninja ang mga tao doon na sa isang iglap lang ay kayang humablot ng mga gamit at parang si Flash kung tumakbo.
"Ayun o! Kinukuhanan yata tayo ng picture.”
Isang lalaki na sa palagay niya ay tatlo o apat na taon lang ang tangkad sa kanya ang nakatayo sa likuran niya. Hindi pamilyar ang mukha ng lalaki sa kanya. Naka-checkered ito na short sleeved polo na nakabukas sa harapan, maong na pantalon at may salamin sa mata. Naka-brush up ang buhok nito kaya mukhang presko itong tingnan kahit na mainit ang panahon. Mukha itong mabango. Hindi dugyutin katulad ng mga kalalakihan sa kanila. Mukha itong disente at kagalang-galang. Parang di ito bagay sa lugar nila na mukhang busabos. Animo’y isa itong mabangong bulaklak sa gitna ng dumpsite.
Inayos pa ng daliri nito ang salamin bago ipinagpatuloy ang pagpindot sa camera nito. Hindi iyon camera na maliit lang gaya ng ipinapahiram ng English teacher nila sa klase kapag may photo activity sila para sa school paper. Mamahalin ang camera na iyon. Digital SLR ang tawag doon dahil nakita niya na gamit ng taga-private school na nakalaban ng kaklase niya sa photo competition dati. Kahit yata anong pag-iigib ng tubig sa bahay-bahay o pagtitinda at pagtatahi ng basahan ang gawin niya ay di siya makakaipon pambili ng ganoong klaseng camera.
“Sino kaya sa atin ang type ni Pogi?" tanong ng pinsan.
Nagsalubong ang kilay niya nang muling tumutok sa kanya ang camera. Nakakarami na ng kuha sa kanya ang lalaki na iyon. At di siya komportable na kinukuhanan ng picture lalo na’t mukha siyang sabukot at walang ayos. Nasaan naman ang katarungan doon?
"Sandali lang." Maaskad ang lakad niyang nilapitan ang lalaki na may ina-adjust sa camera nito. "Hoy, Kuya! Ako ba ang kinukuhanan mo ng picture?"
Napanganga ito nang lingunin sya. "Ha?"

Chapter 3
Maamo ang mukha ng lalaki. Kulot ang buhok nito at parang bagay na lagyan ng halo sa ibabaw. Maliit ang mukha nito na parang kayang tabunan ng palad niya. Napansin ni Abegail na mapupungay ang mga mata nito. Matangos din ang ilong. masarap titigan ang mukha nito.
"Bingi-bingihan lang.” Guwapo sana kung di lang siya naiinis sa mga di nakakakuha kapag unang beses niyang sinabi. “Sabi ko kung kinukuhanan mo ako ng picture. Alam mo bang invasion of privacy 'yang ginagawa mo? Kumukuha ka ng picture ng walang paalam."
“Invasion of privacy?” naguguluhan nitong tanong at bakas ang pagkagulat sa mukha. Akala nito porke’t mahirap ang mga tao doon ay wala nang alam sa invasion of privacy. “Hindi naman ikaw ang kinukuhanan ko ng picture kundi ‘yung mga bata.”
At itinuro nito ang mga bata na naliligo sa isang batya na tatlong tao at limang taon. Anak ang mga iyon ng tindera sa kabilang pwesto. Dahil sa init ng panahon ay gustong magbabad ng mga ito sa tubig. Wala ring ibang mag-aalaga sa mga bata sa bahay ng mga ito sa looban kaya kasama ni Desta kapag nagtitinda.
Nagsalubong ang kilay niya nang muling kunan ng lalaki ang dalawang bata. Humarang siya agad. “Hep!”
“Ano na naman ang problema?”
"Ganoon din. Di ka pa rin nagpapaalam sa mga magulang nila. Invasion of privacy pa rin ang ginagawa mo. Sa mga bata pa.”
Lumapit sa kanila si Maria Judie. "Ano bang problema dito kay Pogi?"
"Kumukuha ng picture ng mga bata nang hindi nagpapaalam. Malay ba naman natin kung miyembro siya ng sindikato na naghu-human trafficking. 'Yung mga naglalabas ng malalaswang picture ng mga bata. Gano’n. Mga cybercrime. Uso ngayon sa internet iyon at malaki ang kinikita ng mga kasali sa ganyang klaseng negosyo at kababuyan.”
Di na bago sa kanya ang ganoong sitwasyon dahil karaniwan ay mga mahihirap na gaya nila ang target. Kaya ingat na ingat sila sa mga kumukuha kunyari ng picture lalo na sa mga bata.
"Miss,hindi ako ganoon. Gagamitin ko lang ang picture sa photo competition sa workshop na sinalihan ko. Kung gusto mo tingnan mo pa ang ID ko….”
Iwinaksi niya ang kamay. "Photo competiton pa kuno. Baka naman nagmamanman ka. Baka nangunguha ka ng bata tapos kukunin lang ninyo ang lamang-loob para ibenta sa mga mayayamang foreigner na nangangailangan ng organ transplant. Ah! Hindi naman pwede iyon."
Nanlaki ang mata ni Maria Judie. “Ano? Ibig sabihin baka kasama siya sa mga sindikato na nangwawakwak ng katawan ng bata tapos basta na lang itinatapon sa kung saan? ‘Yung sindikato na aswang pa ibinibintang ang mga kawalang-hiyaan nila?”
“Tumpak!” anang si Abby at ipiningki pa ang palad.
Galit na binalingan ni Maria Judie ang lalaki. “Ikaw…”
Akmang susugurin ito nang itinaas ng lalaki ang dalawang kamay. “Mga Miss, hindi ako masamang tao. Sa itsura kong ito.”
“Naku! ‘Yung mga guwapo at disente sila pa madalas ang mapanlinlang.” Obligasyon niya na protektahan ang mga taga-looban lalo na ang mga bata. Sa oras ng pangangailangan, sila-sila lang din ang magtutulungan. At hindi siya papayag na malamangan siya ng mga katulad ng lalaking ito.
“Babanatan ko na ba o ipapatawag ko ang mga tanod?” tanong ni Maria Judie na handa na sa aksyon.
“Roumel, what’s taking you so long?” anang isang babae na bumaba mula sa pulang kotse sa di kalayuan. “Sabi mo saglit ka lang kukuha ng picture.”
“Kasabwat ba niya ang babae na iyan?” tanong ng pinsan niya kay Abegail. Pero nawala ang kaangasan nito nang makita ang babae. “Mukhang artista siya. T-Tapos ‘yung suot niya katulad ng nakikita ko sa magazine. Branded tiyak ang mga iyan. ‘Yung sapatos niya…”
Namangha si Abegail nang mapagmasdan ang babae. Akala mo nga ay diyosa ang babae na bumaba sa lupa- mula sa mamula-mula nitong kutis, tsinitang mga mata at balingkinitang katawan. Nakasuot ito ng mint green na blouse at bulaklaking palda na hanggang tuhod. May headband pa ito na may paru-paro. Nakaangkla sa braso nito ang maliit na bag na sa hinuha niya ay mamahalin. Mukha itong manyika.
“Aiona, sabi ko naman sa iyo huwag kang lalabas ng sasakyan. Pabalik na rin naman ako,” saway ng lalaki dito na Roumel ang pangalan.
Humawak si Baby Doll sa braso ng lalaki. “What’s the problem ba? This place is scary. I can’t stay longer here.”
“Ikaw ang may gusto ng magandang picture para sa photo competition. Hindi ka masaya sa mga una nating shots. Kaya nga tayo nandito, ‘di ba?”
“Parang ayaw naman nilang pakuhanan ng picture dito. Baka nagpapabayad pa sila. Mukhang pera,” angal ng babae na nanghaba na ang nguso at pwede nang sabitan ng hanger. “Humanap na lang tayo ng iba. They look unscrupulous.”
“Miss, pinapalabas ba ninyo na nananamantala kami?” tanong niya sa babae. “Ito ngang kasama mo ang kumukuha ng picture ng walang paalam. Libre naman na magpaalam, bakit di pa magawa?”