The Amorous Intruder
Language: fil
/0/26701/coverbig.jpg?v=355c618da710438c85d0a8fe667b58b2)
Simple lang ang misyon ni Riva sa pagsugod sa bayan ng Rosario – gusto niyang pigilan ang kasal ng paborito niyang pinsang si Ernest sa kasintahan nitong gold digger na si Estrella. Ginamit lang naman ito ng babae para mabayaran ang utang ng Villa del Carmen. Pero sa kalaliman ng gabi ay isang guwapo at matipuno pero lasing na lalaki ang pumasok sa kuwarto niya at tinangka siyang halikan. At tinawag siya nitong Estrella at mahal na mahal daw siya nito. Ang lalaking ito ba ang makakatulong sa kanya para mapigilan ang kasal ng pinsan niya o ito ang lalaking liligalig sa nahihimbing niyang puso?
Available chapters
Chapter 1
“Apple, please do come. Pigilan mo ang pagpapakasal ni Kuya Ernest sa babaeng 'yon. Pera lang ang habol niya kay Kuya Ernest. You still care for him, right?" pagmamakaawa ni Riva sa ex-girlfriend ng pinsan niya. Nakasakay siya sa kotse papuntang liblib na bayan ng Rosario.
Habang biyahe ay walang tigil siya sa pagtawag sa mga naging girlfriend ni Ernest at mga babaeng interesado dito. Sa kasamaang-palad ay si Apple na ang pinakahuli sa listahan niya. At tinawagan niya ito dahil sa desperasyon. Tinanggihan na kasi siya ng iba at best wishes na lang daw sa Kuya Ernest niya.
Noong isang linggo lang ay nabasa niya ang text message nito. Nagmamakaawa itong balikan ni Ernest kahit daw maging mistress lang ito. Ito na lang ang pag-asa niya.
"Ano naman ang mapapala ko kapag pinigilan ko ang kasal niya?" tanong nito sa kabilang linya.
Bumilang siya ng sampu bago ito sagutin. Gusto niyang maubusan ng pasensiya dito. Gusto niyang isipin na nang-iinis lang ito pero sadyang mahina yata ang pick up nito. Iyon din ang rason kaya inayawan niya ito para sa pinsan niya.
"You can have him back, of course. You are still not over him, right? Chance mo na ito para bumalik siya sa iyo," pangungumbinsi niya dito.
"It's true that I still love Ernest in a way. Pero kapag napigil ko ang kasal nila at bumalik siya sa akin, ako ulit ang aawayin mo. Remember, sabi mo hindi ako bagay sa handsome and respectable cousin mo because I am a dimwit at kasing liit lang ng utak ng ipis ang utak ko. Will you take that back?"
"Okay. I am sorry for calling you a dimwit. Hindi rin kasing laki ng utak ng ipis ang utak mo."
Darn! Kailangan niyang lulunin ang lahat ng sinabi niya noon, even if she really meant those words. Ganito pala ang pakiramdam ng desperada. Kakainin niya ang sarili niyang salita para sa pinsan niya.
Isang nakakainsultong tawa ang pinakawalan nito. "You know what's the problem with you, Riva dear? You think so highly of your cousin. No one is good enough for you when it concerns him. Ernest is such a nice man. He is my most generous lover. That's why I want to wish him well on his wedding. I hope he will have a good life."
Napamaang siya. Anong sinasabi nito? Hindi ito pupunta sa Rosario? "Hindi mo ako tutulungang pigilin ang kasal nila?"
"Why should I? I am leaving for Bali with my German boyfriend. Masaya ako para kay Ernest. So good luck on your scheme. I don't want to be a part of it."
"Apple, wait. Please." She suddenly felt helpless. She didn't know what to do.
"One piece of advice, Riva. Get a life. Masyado kang obsessed sa pinsan mo. Mag-boyfriend ka kaya o makipag-date. Tatandang dalaga ka niyan. Just call me if you need help. I know a lot of men. Think about it." At pinutol nito ang tawag.
"Bitch! Bitch!" paulit-ulit niyang usal at hinampas ang manibela. Gigil niyang hinatak ang headset mula sa tainga at lalong binilisan ang pagpapatakbo ng kotse.
Naalimpungatan ang bestfriend niyang si Renzie. Ito ang kapalitan niya sa pagmamaneho sa mahabang biyaheng iyon. "Sino naman ang kaaway mo diyan?"
"Si Apple."
Umayos ito ng upo. "Tinawagan mo? Di ba sa lahat ng naging girlfriend ng Kuya Ernest mo siya ang pinaka-kinaayawan mo? Inaway mo?"
"No. I asked her to stop the wedding. Ayaw daw niya dahil may bago na siyang boyfriend at paalis na sila papuntang Bali."
"Good for her."
"At ang nakakainis pa, sabi niya makipag-date daw ako sa ibang lalaki para hindi puro si Kuya Ernest ang inaalala ko."
"May tama naman talaga siya doon. Di ka na bumabata. You should date and have fun. Malay mo may hunkilicious na magsasaka or mangingisda sa nayon na pupuntahan natin. Grab na!"
Matalim niya itong sinibat ng tingin. "Tumahimik ka na nga diyan. Hindi ka naman nakakatulong sa problema ko."
Humikab ito at inunat ang dalawang kamay. "Sino ba kasi ang nagsabing problemahin mo ang mga bagay na hindi mo naman problema?"
"Kung problema ni Kuya Ernest, problema ko rin iyon,” giit niya at huminga ng malalim.
Natural lang na alalahanin niya ang Kuya Ernest niya. Nang mamatay ang Papa niya pitong taon na ang nakakaraan ay ito na ang nag-take over sa business nila at nag-alaga sa Mama niya at sa kanila ng nakababata niyang kapatid na si Emarie. Ito na ang tumayong tatay niya at kuya. Kundi dahil sa pangangalaga nito ay baka kung saan na sila pinulot na mag-iina. Pinrotektahan sila ni Ernest mula sa mga taong gustong magsamantala sa kanila pati na ang mga gustong manligaw sa kanilang magkapatid. He was also her mentor when it comes to business. Hanggang ngayon ay iginigiya siya nito hanggang handa na siyang hawakan ang kompanyang itinayo ng namayapa niyang ama.

Chapter 2
Kaya bilang ganti ay gusto niyang magmistulang mabuting kapatid dito. Ito ang tagabantay niya mula sa mga babaeng gustong pagsamantalahan ang kabaitan nito. Guwapo ang pinsan niya at ubod pa ng bait. Very generous ito sa mga nagiging nobya. Wala namang masama kung tiyakin niya na mamahalin at aalagaan din ng babaeng pakakasalan nito ang pinsan niya. Sa kasamaang-palad ay hindi niya naidispatsa ang pinakahuling nobya nito na si Estrella. Biglaan na lang din ang desisyon ng mga ito na magpakasal sa sobrang pagkadismaya niya. Kaya nga ginagawan niya ng paraan para hindi ito mauwi sa gold digger na iyon. Di naman kaila sa kanya na ginagamit lang ni Estrella ang pinsan niya para mabayaran ang sandamakmak na utang ng pamilya nito kasama na ang Villa del Carmen. Ayon sa pinsan niya ay isa iyong malawak na hacienda. Pero dahil sa mismanagement ay nabaon sa utang.
“At bakit walang gustong tumulong sa akin na pigilan ang kasal? Akala ko ba mahal nila si Kuya Ernest."
"OA ka naman kasi, girl. Saka sino ba ang magkaka-interes na tulungan ka? Ikaw ang dahilan kung bakit nakipag-break si Ernest sa kanila."
"Kasalanan nila iyon dahil may flaws sila. At di matanggap ni Kuya ang mga iyon," depensa niya. "Ito lang si Estrella ang matindi ang kapit. Harap-harapan nang hinuhuthutan ng pera pero hindi man lang makahalata si Kuya. Siya daw ang magbabayad ng lahat ng utang ng babaeng iyon. Grabe! Walang kahihiyan."
"Mahal talaga siya ng kuya mo."
"Mahal nga siya ni Kuya. Pero mahal ba niya si Kuya o ang pera ni Kuya?"
"Hay! Palagi ka namang may isyu. Sa tanda ng kuya mo, siguro naman alam na niya ang ginagawa niya."
"Basta hindi pwedeng matuloy ang kasal." Di siya papayag na sa gold digger na iyon mauuwi ang pinsan niya. Ito lang ang pambawi niya sa pag-aalaga nito sa kanya pati sa nanay at kapatid niya. Nilingon niya ito. "Hindi ba naging crush mo din si Kuya?"
"Dati. Pero mas importante sa akin ang friendship natin. Kasi kapag ipinagpatuloy ko ang pagsinta ko sa pinsan mo, pihadong kakalbuhin mo ako. Alam mo pa flaws and weaknesses ko. Doon pa lang bagsak na agad ako."
"I will make an exemption. Ikaw na ang pumigil sa kasal nila. Please?"
"Tigilan mo na nga 'yan. Sarili mo na lang ang isipin mo."
"Pero..."
"Oy, Riva. Baka nakakalimutan mo kung nasaan tayo. Teritoryo ito ng pakakasalan ng kuya mo. Isang mali mo lang dito, kukuyugin ka ng mga tao. Kung may plano ka, wag mo akong idamay. Gusto ko pang mabuhay ng matagal."
"Anong klase kong bestfriend? Ni hindi mo ako matulungan."
"Wala na sa lugar 'yang pag-aalala mo sa kay Ernest. Hindi na siya menor de edad."
"So hahayaan ko na lang siya na magpakasal sa bampirang iyon? That woman will suck him dry. Kailangang makagawa ako ng paraan para lumabas ang tunay na kulay ng babaeng iyon bago pa man matuloy ang kasal."
"Kalimutan mo na 'yan. Tingnan mo ang magandang tanawin. Ang mga bukirin at mga kakahuyan. Appreciate the beauty around you. Nasa Rosario na tayo. Mukhang di kalayuan dito ang Villa del Carmen."
Saka lang niya napansin ang berdeng tanawin na nadadaanan nila. Maulan kasi kanina kaya maulap pero ngayon ay nagsisimula nang sumilay ang araw. Ilang beses niyang pinangarap na magbakasyon at mag-relax sa ganoong lugar. Kundi lang dahil sa bruhang Estrella na iyon ay matatahimik sana ang isip niya.
Diniinan niya ang gas at pinaspasan ang takbo. "Malayo kasi 'to sa sibilisasyon. Di ako magtataka kung may lahing mangkukulam ang Estrella na iyon at ginayuma si Kuya Ernest."
Paano ba niya mapipigilan ang kasal? Wala na siya halos tulog sa kaiisip. At di siya mapapahinga hangga’t di niya napipigil ang kasal.
"Riva, dahan-dahan lang!" tili ni Renzie at napahawak sa sandalan ng upuan. Nanlalaki ang mata nito at parang takot na takot.
Nang makita niya ang daan sa harap niya ay isang pulutong ng itik ang tumatawid sa kalsada. Mukhang hindi pansin ng nagpapastol ang paparating nilang sasakyan. "Tabi!" sigaw niya at diniinan ang busina. Diniinan din niya ang preno pero dahil madulas ang kalsada ay hindi iyon kumagat agad. Nanlaki ang mata niya dahil masasapol nila ang matandang nagpapastol ng itik. Ipinaling niya ang manibela at nakita niyang pabulusok sila sa palayan. Katapusan na yata niya.
HUMIHINGAL si Riva habang habol ang hininga niya at nakatitig sa palayan sa harap niya. Malakas na malakas ang tibok ng puso niya. Hindi pa siya patay. Hindi pa siya patay.
"Diyos ko! Huwag po Ninyo akong kunin. Hindi pa po ako sinasagot ng crush ko. Gusto ko pa pong magka-boyfriend. Ayoko pang mamatay!" palahaw ni Renzie na nakayakap sa sandalan ng kotse na parang doon nakadepende ang buhay nito.
"Renzie, buhay pa tayo," untag niya dito.
"Huwag po ninyong kunin pati ang kaibigan ko. Virgin pa po 'yan. Kahit halik di pa niya natitikman!"

Chapter 3
Niyugyog niya ang balikat nito. "Renzie, manahimik ka nga! Mabibingi ang Diyos sa sigaw mo. At malamang alam na rin ng buong bayan ang tungkol sa akin. So manahimik ka o patatahimikin kita." Ipininid nito ang bibig at tumango-tango."May masakit ba sa iyo?"
Puro iling ang isinagot nito. Saka ito humawak sa ulo at bahagyang ipinilig. "Medyo nahilo lang ako."
"Good. Okay lang din ako." Sobrang bilis lang ng tibok ng puso niya dahil akala niya ay kamatayan na niya.
Mabuti at nakasuot sila ng seatbelt kaya ligtas sila. Lumabas siya ng kotse at tiningnan kung may damage. Mukhang wala naman sira. Lumihis lang sila ng lane at tumigil na ang kotse bago pa man malaglag sa palayan.
Nilingon niya ang mga itik na iniwasan niya kanina. Nilapitan niya ang batang nagpapastol sa mga ito. “Bata, ayos ka lang ba?” tanong niya sa batang bahagya pang nahintatakutan.
Tumango ito. “O-Opo. Ayos lang po ako. Pero ang mga alaga ko po…” At tiningnan nito ang ilang itik na duguan at walang buhay. Ang ilan naman ay pipilay-pilay pa at mukhang naghihingalo na rin.
“Sino ba ang may-ari ng itik na iyan? Ako ang makikipag-usap,” pormal niyang sabi.
“Sandali po. Pupuntahan ko po si Lolo Taboy,” sabi ng bata at tinaboy ang iba pang itik na nasa kabilang gilid ng daan para makabalik sa bahay kubo sa kabilang kalsada. Mukhang nandoon ang may-ari ng itik.
Binalikan sa kotse ang bag niya at saka niya napansin na nanginginig pa rin siya. Parang bad omen yata ang mga nangyayari. Mukhang pati siya ay ipinakulam ng bruhang Estrella na iyon. Nase-sense siguro nito na ayaw niyang pakasalan nito ang Kuya Ernest niya kaya kinokontra ng kapangyarihan nito na makarating siya.
“Sino? Sino ang damokles na sumagasa sa itik ko?” anang isang matandang lalaki na tumatawid ng kalsada at may hawak na pambambo. “Mga damokles kayo! Bakit pinatay ninyo ang mga itik ko?”
Nagtago sa likuran niya si Renzie at nahintatakutan. “Naku! Mukhang di yata tayo makakaligtas diyan kay Lolo. Mukhang member pa yata iyan ng Katipunan.”
Pumiksi siya. “Lolo, pasensiya na po kayo sa abala,” mahinahon niyang sabi at sinalubong ang matanda. “Hindi naman po namin sinasadya ang nangyari sa itik ninyo. Aksidente lang po ang nangyari. Babayaran ko na lang po pati po ang mga itik na nasaktan. Pasensiya na po talaga. Magkano po ba?”
Sinenyasan nito ang babaeng nakaalalay dito na sa palagay niya ay anak nito. “Ibyang, ilan ang mga itik na napinsala? Kwentahin mo nga.”
“Pasensiya na po talaga,” sabi ni Renzie. “Nagmamadali po kami dahil papunta kami sa Villa del Carmen. Bisita po kami sa kasalan doon. Alam naman po namin na mababait ang mga tao dito sa inyo. Laking probinsiya din po ako…”
“Sampung itik ang nasagaan ninyo kaya sampung libo lahat,” anang si Ibyang.
Napanganga siya at parang nabingi sa presyong ibinigay nito. “S-Sampung libo? M-Masyado naman po yatang mahal. Sampung itik lang naman iyan.” Isang libo ang isang itik? Nakaka-order nga siya ng isang buong Peking duck sa restaurant sa Manila pero hindi umabot ng five hundred pesos ang bill niya.
“Inahin kasi ang nasagaan mo, ineng. Kasama sa babayaran mo ang iiitlog pa sana ng mga iyan at mga kiti na mapipisa. Pati ang iaanak at magiging anak pa sana ng mga kiti na iyan. Aba’y mura pa nga iyang babayaran mo,” paliwanag ni Ibyang.
Bumagsak ang panga niya. “S-Sandali po. Bakit naman po ganoon?” Kailan pa nagkaroon ng ganoong patakaran sa Pilipinas? “Saka wala po kaming ganoon kalaking pera.”
“Kung ayaw ninyong magbayad, ipapa-baranggay ko kayo. Hindi ako papayag na hindi ninyo ako mabayaran. Mga tinamaan kayo ng lintik!” sabi ni Lolo Taboy at itinaas pa ang baston.
“Grabe naman po iyan,” sabi ni Renzie. Kinalabit siya nito. “Girl, anong gagawin natin? Mukhang walang ATM dito. Wala tayong ganoon kalaking cash. Ayoko ring makaladkad sa baranggay. Tawagan mo na kaya ang Kuya Ernest mo para tulungan tayo dito?”
It was too much. She felt like she was being robbed on broad daylight. Ano ba naman itong lugar na nasuutan nila?
Maaring matulungan sila ng Kuya Ernest niya pero tiyak na kasama nito si Estrella. Baka si Estrella pa ang makipag-usap sa mga opisyales ng baranggay at sa pamilya ni Lolo Taboy. Magkakaroon pa siya ng utang na loob dito.
“Hindi. Maiwan ka dito. Hahanap ako ng ATM,” sabi niya.
Nagpapadyak ito at kumapit sa braso niya. “Huwag mo akong iwan dito. Baka iihaw nila ako ng buhay. Bakit naman kasi pagkamahal-mahal ng mga itik dito,” angal nito. “Kung may tutulong lang sa atin na makaalis dito ngayon, ibibigay ko ang buong puso’t kaluluwa ko.”
“Miss, may problema ba dito?”