A Clash With the Knight 1 and 2
Language: fil
/0/26703/coverbig.jpg?v=70383fc9dbff4820ba54dc578ab48ed1)
Lancelot “Knight” Valdrez is the most popular young adult writer in the country. Sa edad na labingpitong taong gulang, nakahakot na ito ng mahigit isang milyong follower sa social media, may sold out books, gagawing pelikula ang libro at naimbitahang mag-aral sa Bright Minds Academy, ang paaralan na ilang beses nag-reject dito. Narito na ang lahat. Pero hindi iyon ang tingin dito ni Sylvie dela Paz, ang bagong kaklase ni Lancelot. Hindi karapat-dapat ang lalaki sa Bright Minds Academy o sa kasikatang tinatamasa nito. He is not brilliant. Di niya maintindihan kung paanong naging sikat ang…
Available chapters
Chapter 1
Sinipat-sipat ni Sylvie ang viewfinder ng DSLR camera niya na naka-focus sa bintana. In-adjust niya ang setting niyon. Wala siyang tiwala sa automatic setting ng naturang camera lalo na’t mas nasanay siya sa manual na SLR camera mula pagkabata. At bago siya sumabak sa pagko-cover ng event para sa The Newsmaker, ang school paper ng Bright Minds Academy kung saan siya nag-aaral sa unang taon bilang senior high school.
Isang pribadong school kung saan nag-aaral ang mga anak mula sa mayayamang pamilya sa bansa at mga mga kabataang mahuhusay sa iba’t ibang larangan. Hindi niya masasabing “gifted” siya. May kaya ang pamilya niya pero sapat na para makapag-aral siya sa naturang paaralan. Ang bilin ng ama niya, di siya dapat na dumepende lang sa pangalan ng pamilya nila o yaman nila. Kailangang gumawa siya ng sarili niyang pangalan at gawin niya nang magaling ang lahat ng magagawa niya para gumaling pa siya. Kaya nasa headquarters na siya ng school paper maaga pa lang.
Habang abala siya sa pagkakatikot ng camera, pinagbubuti naman ng mga kasama niya sa The Newsmaker ang pagpapaganda. Kuntodo sa pag-aayos ng kilay si Ehra, ang video jock ng website at social media site ng The Newsmaker. Kilay is life ang motto nito. Habang kina-career naman ng videographer na si Thanos ang violet na lipstick nito sabay nag-pout pa sa compact mirror. Nang luminga si Sylvie sa paligid, nag-aayos din ang ibang kasama niya na babae at happy and gay.
Tinapik ni Thanos ang braso ni Ehra. “Do I look perfect?” At pinapungay pa ang mga mata nang ilapit ang mukha sa babae para lalo itong matitigan.
“Mukha kang gothic character sa kapal ng eyeliner mo at ang violet mong lipstick. Ano ba iyan?”
“This is the Gem of Hades look. Ganitong-ganito ang pagkaka-describe ni Knight sa mga prinsesa ni Hades sa Mystic High. At kapag nakita ako ni Knight, mapapansin talaga niya ako.”
Tumaas ang isang kilay ni Sylvie. Gusto na niyang magkumbulsiyon mabanggit lang ang pangalan na iyon. Si Knight ang pinakasikat na young adult writer sa bansa. Disiotso na ito at nakapagsulat ng horror story na may milyon-milyong reads sa internet, naisa-libro na pawang sold-out, at malapit nang gawing pelikula ang kwento nito. May milyon-milyon itong followers sa social media. Libo-libo agad ang comments sa isang status nito. At umuulan ng puso ang mga pictures nito na akala mo ay laging may pictorial. May angas ang dating nito pero gusto naman ng mga fans nito.
“Kilig much” ayon sa mga tagahanga nito. Pero may tumalakay ba sa mga ito tungkol sa mismong kwento? May humimay na ba sa bawat bahagi niyon para makita kung ano ang maganda o hindi sa kwento? Wala. Horror ang kwento pero nakakakilig lang ang nakikita niyang komento. Anong klaseng kalokohan iyon? Wala naman kasing maganda siyang nakikita sa kwento. Basura iyon para sa kanya. Di maganda ang pagkakasulat, may butas ang istorya at mali-mali ang grammar at spelling. Pero walang pakialam ang mga tagahanga nito na sige pa rin sa pagbili ng libro. Natunaw na ang utak sa lahat ng pinag-aralan sa school dahil sa kaguwapuhan ni Knight.
Para sa kanya, mas bagay na maging modelo na lang si Knight kaysa manunulat. Mas mabuting mag-endorso na lang ito ng produkto tutal doon naman ito magaling. Hayaan na nito ang mundo ng pagsusulat sa mas magaling sa pagsusulat.
Inilabas ni Ehra ang make up remover at flat cotton. “Clean up your face. Ako ang nasa harap ng camera kaya ako lang ang may karapatan na makakuha ng atensyon niya.”
"Emegerd! I am so flattered. Come to think of it. Ganito na nga ang itsura ko pero insecure ka pa rin sa akin? Gosh! One of the prettiest girls in school and she is threatened by moi. Ganoon ako kaganda pala. Thank you. The crown is mine."
"Shut up! Buburahin ko 'yang mukha mo," banta ni Ehra at akmang hahablutin si Thanos.
"Guys, tama na iyan,"saway ng managing editor nila na si Kitty. "Focus on the task at hand. Ayaw naman siguro ninyo na madismaya si Knight kapag nakita kayo na nagsasabunutan dahil sa kanya. That is not so classy at all. Here at Bright Minds Academy..."
"...we must uphold the high values, moral and integrity to be good citizens of the country and the world. So help me God," dugtong nila sa pagre-recite ng bahagi ng vision and mission ng paaralan. Kulang na lang ay itaas nila ang kanang kamay bilang panunumpa para lang ipakita na sinsero sila.
May mga estudyante at mga teacher sa school na matindi ang paniniwala sa vision ng paaralan kaya isinasapuso at isinasabuhay talaga ng mga ito. Palibhasa mula nursery pa lang nasa Bright Minds Academy na nag-aral ang iba sa mga ito. Habang Grade Five na nakapasok ng naturang paaralan si Sylvie. Grade Four siya nang manalo siya sa isang art competition kung saan sponsor ang may-ari ng eskwelahan. Nanalo kasi ang painting niya pati na din sa photo competition. Nagpadala ng invitation sa kanya para doon na mag-high school at gusto pa daw hasain ang talent niya. Her parents didn't want her to miss the chance. Doon niya nakilala ang namayapang nobyo na si Mark Andrew. Nursery pa lang daw ay nasa Bright Minds na ito. At kung buhay pa sana ito, ito dapat ang pinagkakaguluhan at inuulan ng papuri. Pero na itong pagkakataon para makilala sa mundo. Hindi ito kasing palad ni Knight. All his efforts and bright future gone in a puff.
"Ang putla ng blush on mo, sis. Kulayan pa natin," alok ni Thanos kay Kitty.
"Talaga ba? Salamat. Excited na akong ma-meet si Knight."
Biglang nag-fangirling ang masipag at seryoso nilang managing editor. Mukhang may Knight-virus na kumakalat sa paaralan nila at siya na lang ang di tinatamaan.
Sumilip si Sylvie sa bintana. Nasa fourth floor ang headquarters nila. Mula doon ay natanaw niya ang kulumpunan ng mga estudyante ng Bright Minds. May kasama pang elementary at junior high school. Ina-anticipate ng lahat ang pagdating ni Knight.
Nang dumalaw ang presidente ng Pilipinas niya huling beses na nakita niya ang ganito karaming mga tao na nag-aabang at sabik na sumalubong bisita. Presidente iyon ng Pilipinas. Muntik na siyang mag-collapse nang paunlakan siya ng pangulo na mag-selfie. Ipinagmalaki pa niya sa magulang ang selfie nila ng presidente. Iyon ang paborito niyang coverage. At dapat lang naman na ganoon kagarbo ang pagsalubong sa presidente.

Chapter 2
Pero para sa isang manunulat na di naman magaling para sa kanya pero ganitong klase ang pagsalubong na parang isang rockstar ang paparating o importanteng tao, ano naman ang sasabihin niya sa magulang niya kapag nangumusta? Yeah! Nasa school na rin po namin ‘yung writer ng kwento tungkol sa eskwelahan na pinto pala ng impyerno. ‘Yung nakita po ninyo sa kuwarto ko at tinanong ninyo kung bakit ine-entertain ko ang sarili ko sa kwento na mali ang grammar at spelling?
Baka mas gustuhin na lang ni Sylvie na lamunin ng lupa. No. Ni hindi nga niya maipaliwanag sa magulang niya kung paanong napasok sa eskwelahan niya ang lalaki. Pasikatan na lang ba? Paguwapuhan? Nasaan na ang high standard ng school? Samantalang napakahirap makapasa sa entrance exam dito. Di lang academic kundi kailangan may galing din silang maipakikita.
"Mukhang seryoso ka diyan," untag sa kanya ng editor-in-chief nilang si Roumel.
Matalik na kaibigan ito ni Mark Andrew. Magkalaban ang mga ito at magkaibigan. Gaya ng nobyo, nag-e-excel din ang lalaki pagdating sa literature. Habang creative writing ang expertise ni Roumel, sa mga research paper at opinion articles naman magaling ang dating nobyo. Nakasulat pa nga ito ng isang mini-thesis noong junior high school ito tungkol sa impact ng giyera at pulitika sa mga kabataang gaya ito dahilan para bigyan ito ng parangal sa Europe at makapagsalita sa harap ng United Nations leaders. Binibiro nga niya na may pagka-aktibista ito.
"Anong pakiramdam na wine-welcome nila sa school natin ang isang writer na puro loophole ang kwento at puro typo errors ang libro habang kayo ni Mark Andrew di man lang nabigyan ng hero's welcome kapag nananalo sa mga competition?" Nilingon niya ito. “Wala kayong welcoming party gaya nito samantalang kayo ang totoong nagdala ng karangalan sa school at sa bansa.”
At sa kabila ng parangal na naiwui ng mga ito, di man lang ito nakakuha ng maraming followers sa social media. Di man lang umabot ng five hundred ang likes nito. Kahit gaano kaintelehente at kapaki-pakinabang ang nagawa nito para sa maraming tao, parang walang kwenta sa mga ito.
Nagkibit-balikat si Roumel. "Maybe because we are not charming enough."
Napailing ang dalaga. "Really? Paguwapuhan na lang ba ang pasusulat ngayon? Kaya inirereklamo tayong millenials na mga sabaw tayo kasi makakita lang ng guwapo o maganda sapat na. Di na tinitingnan ang quality ng gawa."
Guwapo din naman sina Roumel at Mark Andrew. Pero intelehente ang dating ng mga ito kaysa pang-matinee idol. Mas guwapo ang mga ito para sa kanya dahil sa laman ng utak. Kapag nagsalita ang mga ito o nabasa niya ang sinusulat ng mga ito, napapanganga na lang siya sa sobrang paghanga. Gusto niya na may natututunan siya sa mga nababasa niya o sa mga nakakausap niya. At pagdating sa pagsusulat, ang mga ito ang authority. Pinag-aralan na mabuti ng mga ito ang sining ng pagsusulat hanggang mahasa ang mga ito at gumaling. At may sense ang sinasabi ng mga ito. Kaya mataas ang respeto niya sa mga ito.
Nagkibit-balikat ang lalaki. “I don’t want to sound insecure and whine about it. Kanya-kanya lang talaga ng panlasa ang tao. Kung may magkagusto sa mga isinulat ko, nagpapasalamat ako. Isa pa, mabuti na rin na maging parte ng Bright Minds Academy si Knight. Ipakita natin na may masa appeal din ang eskwelahan natin. Na di naman tayo mapagmataas. Na nire-recognize din natin ang mga unconventional ang kakayanan at nakaka-appeal sa nakararami.”
Naggiyagis ang ngipin ni Sylvie. “H-Hindi ko pa rin maintindihan. Anong taste? Anong mahirap intindihin sa laki ng diperensiya ng sulat ninyo sa isa’t isa pero siya pa rin ang pinipili ng mga tao. Ako na ang naiinsulto sa inyo at sa literatura. This is unacceptable.”
Magaan nitong tinapik ang ulo niya. “Hindi mo naman kailangang magustuhan ang gawa ni Knight para I-cover mo siya, hindi ba? Hindi mo rin siya kailangang maintindihan o kung ano ang nagustuhan ng readers niya sa kanya. It is their money and time. It is their life. Walang kaibahan iyan sa mga artista o pelikula na di naman pasado sa mga kritiko pero gusto ng marami. Kung nandito si Mark Andrew, sasabihin niya na mag-focus ka sa trabaho mo at I-welcome nang maayos si Knight. He is one of the Bright Minds now. He is one of our own. I am sure may nakitang potensyal sa kanya ang school director natin kaya siya kinuha.”
“Pero…”
Hindi na siya pinansin ng lalaki at humarap sa ibang kasamahan nila saka pumalakpak para kunin ang atensyon ng mga ito. “Team, are you ready to cover this event?”
“Yes! We are all ready, chief!” sabi ng lahat at sumaludo pa kay Roumel.
“The school wants to make this big. Thanos, ikaw ang may official video. Kitty will handle the Facebook Live.” At ibinilin ni Romuel ang kanya-kanyang assignment pati na rin ang pag-double check sa mga kailangan nila habang coverage.
“Hindi pa ready si Sylvie. Wala siyang make up,” nakangusong sabi ni Kitty.
“Hindi ko kailangang mag-make up. Di naman ako artista o model,” katwiran ni Sylvie at itinakip ang palad sa harap ng mukha.
“Di ka mapapansin ni Knight kung di ka Gandara Park,” anang si Thanos.
“Wala naman akong plano na magpapansin sa kanya. Not interested,” aniya at bahagyang umingos.
“Lampas isang taon nang wala si Mark Andrew. Wala naman sigurong masama kung mag-ayos-ayos ka na lalo’t espesyal na okasyon naman ito…” sabi ni Ehra.
Nanigas ang buong katawan niya. Isang taon? Babang-luksa? Akala ba nito ay natatapos ang sakit at makakalimutan niya ang boyfriend niya kahit mahigit isang taon na ang nakakaraan? Para saan? Para lang sa isang lalaki na di naman niya gusto?
“Mauna na ako sa baba. Marami nang tao. Kailangan ko nang makapwesto na bago pa dumating ang subject natin,” anang si Sylvie sa malamig na boses.
Kinuha niya ang aluminum na hagdan at isinukbit sa balikat. Ni di niya pinansin ang alok ni Roumel na bitbitin iyon. Kailangan niya ang hagdan sa balikat niya para maituon niya sa assignment ang atensyon niya. Wala siyang plano na alisin si Mark Andrew sa isip at puso niya.
At di siya titigil hangga’t’ di nakikilala ng marami ang gawa nito at naa-appreciate ng mga tao. Titiyakin niya na mas magiging sikat pa ito kay Knight na isang dakilang sabaw.

Chapter 3
See you in a bit, Bright Minds Academy.
Nag-post si Lance ng selfie niya habang suot sa uniform ng Bright Minds Academy habang sakay ng kotse na minamaneho ng ama. Nakasuot siya ng long sleeve white polo na may black and yellow stripped necktie. Nakapatong sa ibabaw ang black V-neck vest na may logo ng bagong paaralang papasukan. Matapos I-post sa social media account niya, sunud-sunod na ang tunog ng notification ng Facebook, Twitter at Instagram niya. Sunud-sunod na ang comment sa kanya.
“Lance, tama na iyang kakadutdot mo sa cellphone mo. May sinasabi ako sa iyo,” untag ng ama niyang si Arnulfo Valdrez.
“Ano po iyon, Papa?” tanong niya. Nasa manibela ito at personal na maghahatid sa kanya sa bagong paaralang papasukan.
“Na-review mo na ba ang school book mo at ang rules and regulation ng school? Istrikto sila lalo na sa grades. Ayokong doon ka pa magkakalat,” bilin nito at tiningnan siya sa rearview mirror.
Yumuko siya at marahang tumango. Bumaba na ang saya at pagkasabik na nararamdaman niya. “Opo, Pa. Na-review ko po,” mahina niyang usal at bumalik ang nerbiyos niya. “Masyado silang istrikto. Di ko alam kung bakit ililipat ninyo ako ng eskwelahan. Okay naman ako sa dati kong school. Maganda rin naman ang dati kong school, Pa.”
“But it is not Bright Minds Academy, Lance. Your new school is one of the top ten schools in the country. Magiging kaklase mo ang mga inaasahang future leaders and movers and shakers ng bansang ito. Imagine the network that you will have in the future.”
Parang sumikip ang necktie sa leeg ng binata at lalo siyang sinasakal. Top ten school, the future of the country, leaders and pride of joy of the Philippines - iyan ang mga salitang kakabit ng Bright Minds Academy at ng mga estudyante nito. Oo, galing siya sa isang private school pero di elitista ang mga kaklase niya. Pag-asa ng bayan ang mga gaya niya pero sapat nang pumapasa sila.
Pero ayon sa mga kakilala niya, di na siya ordinaryong estudyante ngayon. Hindi siya si Lancelot Valdrez na walang academic achievement o bangko sa basketball. Escort sa klase niya taon-taon pero di niya maitutulong iyon sa bayan.
Siya si Knight, isang sikat na manunulat ng mga pang-teenager na aklat. Nagsimula lang siya sa pagpo-post ng mga kwento sa internet. Katuwaan lang. Libangan lang niya kapag wala siyang ginagawa at gusto niyang mawala ang stress sa sermon ng ama at sa mga gawain sa paaralan. Di niya inaasahan na dadami ang readers niya. Dumami pa lalo ang tagahanga niya nang mag-post siya ng pictures sa internet.
Hanggang isang publication ang nag-alok ng kontrata sa kanya at gusto daw ilathala ang Mystic High, kwento tungkol sa isang teenager na lalaki na naligaw sa paaralan ng mga pasaway na estudyante sa bansa na may nagtatagong hiwaga. Na-sold out iyon at dalawang beses na ni-reprint pero marami pa rin ang tumatangkilik. Di pa rin siya makapaniwala sa narating ng simpleng kwento niya.
“Don’t ruin your chance on this one, Lancelot,” may kapormalang sabi ng ama. “Ilang beses ka na bang bumagsak sa exam nila noon? Hirap na hirap kang matanggap. Mabuti na lang may recommendation ang publisher mo kaya ikinonsidera ng director ng school na tanggapin ka.”
Pumitlag siya. Tanggap naman niya na di siya elitista kahit na may garments factory sila at kaya ng ama niya na bayaran ang nakakalulang tuition fee sa naturang paaralan. Pero di niya alam kung tao pa ba ang nakakasagot sa exam na ibinigay sa kanila. Parang di naman itinuro sa kanila noong junior high school. Iniisip nga niya na baka sa ibang planeta galing ang tanong - What is the toughest creature on Earth? Si Duterte dapat ng sagot niya dahil sa kamay na bakal nito. Pero wala sa choices.
What is the biggest volcanic eruption in two million years? Pinatubo ang isinagot niya pero Toba Volcano daw iyon ng Indonesia. Aba’y malay niya. Mahalin ang sariling atin.
What is Stephen Hawking’s theory on the blackhole? Hindi ko kilala si Stephen Hawking. Hindi kami close. Sino ba ang nakakakilala dito? Stephen King pa siguro dahil hilig ng daddy niya na manood ng pelikulang halaw sa libro nito.
Kaya sa halip na matuwa, mas natakot siya na pumasok sa bagong paaralan. Entrance exam pa lang, nangangatog na siya. Paano pag nakapasok na siya? Baka robot ang mga kaklase niya o mga alien.
“Arnulfo, nakaraan na ‘yang di siya nakapasa. Ang mahalaga nakapasok na siya sa Bright Minds Academy,” nakangiting sabi ng inang si Gracia. “Our son is an accomplished young man. Sino bang disisiete anyos na senior high school student ang may sold out books na, may TV interview at gagawin pang pelikula ang libro? Si Lance lang.”
Pinisil niya ang kamay ng ina. “Salamat, Ma.” Buo ang suporta nito sa kanya, sa pagsusulat niya at kahit saang paaralan niya gustong mag-aral.
“Ano bang ipinagmamalaki mo? ‘Yung libro ng anak mo tungkol sa eskwelahan ng mga engkanto, demonyo, at mga pasaway na estudyante na malayang nagagawa ang gusto nila habang nagpapasaway sa lipunan? Ano naman ang matututunan ng mga mambabasa doon? Makakatulong ba iyan sa ekonomiya ng Pilipinas? Role model ba ng kabataan ang mga character niya? Maihahalintulad ba iyan sa gawa ni Rizal?”
Bumuga si Lancelot ng hangin. Di pa nito nababasa ang gawa niya, parang basura na ang tingin nito. “Pa, chill lang po kayo. Entertainment lang po ang gawa ko. Para lang sa mga kaedad ko ang kwento kaya mahihirapan po kayong maka-relate. Saka wala pong nagbabasa ng tungkol sa pulitika sa mga kakilala ko. Masyado pa kaming bata para humalo sa problema ng mga matatanda.”