Baring His Heart
Language: fil
/0/26704/coverbig.jpg?v=bc633dce3e4c47b98bc99efa31dbceb7)
Ang bakasyon ni Justine sa Camiguin kasama sa kaibigan ay ang tanging pagkakataon niya para mailayo ang sarili sa galamay ng istrikta at mahigpit niyang lola. Ito rin ang pagkakataon niya para maging kaakit-akit na babae. Too bad, dahil doon ay nag-clash sila ng guwapo at hot as in laging mainit ang ulo na si Stefan Chung. Parang lagi itong galit sa mga babae na parang lagi itong pagsasamantalahan. Sa muli nilang paghaharap ay siya ulit si Justine – ang conservative at mabait na apo ng lola niya. At ito ang lalaking itinakdang ipakasal sa kanya ng lola niya. Isang malaking gulo kung…
Available chapters
Chapter 1
"Kailangan ba talagang tumuloy ka pa sa bakasyon na iyan, apo? Puro kasi kayo mga babae lang. Baka mamaya kung anong mangyari sa iyo," nag-aalalang sabi ni Doña Concha na mahigpit ang hawak sa braso ni Justine. Nasa labas sila ng Gate 3 ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 3. Ihinatid siya nito para sa flight niya patungong Cagayan de Oro at kalaunan ay magtutungo na sila ng mga kaibigan niya sa Camiguin sakay ng ferry. Akala niya ay ihahatid lang siya nito pero isang marubdob na drama pala ang gagawin nito. Daig pa nito ang naghatid ng OFW sa airport at di sila magkikita ng maraming taon.
"Lola, nakakahiya naman po kung ngayon pa ninyo ipapa-cancel ang biyahe namin. Last year pa po namin ito nai-set. As a matter of fact, pagka-graduate ko pa lang ng college three years ago kayo pumayag dito. Ito ang graduation gift ninyo sa akin dahil naka-graduate ako ng cum laude. This is long overdue."
Kasama niya ang mga kaibigang sina Yngrid at Dreamilyn na naging kaibigan niya noong college. Magkakasama sila sa isang org at nagkasundo-sundo kahit na magkakaiba ang kurso. Ang mga ito lang ang pumasang kaibigan niya sa pihikang panlasa ng lola niya.
Overprotective sa kanya ang lola niya dahil siya ang nag-iisa nitong apo na babae. Bukod pa doon ay wala na siyang magulang. Namatay ang nanay niya nang ipanganak siya habang di naman niya nakilala kung sino ang ama niya. Iniwan daw nito ang nanay niya nang malamang buntis ito.
Kaya naman naging mahigpit ito sa kanya. ayaw daw nitong matulad siya sa nanay niya na nagkamali sa pagpili sa lalaki. She died brokenhearted. Kaya naman hanggang ngayon ay di pa rin siya nai-in love. Parang kahit kasi pagde-date ay kailangan pa niyang makasama ang lola niya. Beinte kuwatro na siya pero hindi pa rin siya nito pinagkakatiwalaan na gumawa ng desisyon para sa sarili niya.
"Apo naman kasi. Mindanao ang Camiguin. Sabi mo kasi Bohol Sea lang ang Camiguin na iyan. Mindanao na pala iyon," mangiyak-ngiyak nitong sabi.
"At mababait po ang mga tao doon. Kayo na nga po ang kumausap sa resort na tutuluyan namin pati na rin po sa guide, di ba? Tiniyak ninyo na magiging okay lang ang bakasyon namin. Pati nga ang kilala ninyong general ng PNP sinabi na safe poi yon at walang marahas na insidente ng kahit ano. Napaka-friendly sa mga tourists. Tatlong araw lang naman po akong mawawala. Hindi po matagal iyon. Magkikita rin po tayo.” Niyakap niya ito. “Maya’t maya rin po tayong magkakatawagan. Everything will be fine.”
"Kinakabahan pa rin ako. Hindi mo maiaalis iyon sa akin."
Gusto nang tumirik ng mga mata niya. Parang di na siya makakatakas pa dito nang humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya. Halos di kasi siya nawalay sa lola niya. Ayaw nitong mawawala siya sa paningin nito. Kapag nagbabakasyon ay lagi silang magkasama. Hindi nito gusto na magpapalipas siya ng gabi sa ibang bahay. May mga bodyguards din siya noong college siya para daw matiyak na ligtas siya at walang lalaking basta-basta na lang lalapit sa kanya. Nawalan lang siya ng bodyguard nang magtrabaho na siya sa kompanya ng pamilya kung saan lola niya ang major shareholder – ang Paper Reborn. Karamihan ng mga ginagawa nilang papel ay recycled na.
Gaya ng dati ay di siya nahihiwalay sa tabi nito. Napakahabang panahon niya itong kinumbinsi na pabayaan siyang magbakasyon kasama ang mga kaibigan niyang pinagkakatiwalaan din naman nito. Nakakahiya na talaga. Twenty-six years old na siya pero daig pa niya ang elementary student na di pa pwedeng hayaang mag-isa.
Hinila ng Auntie Moira niya ang Lola Concha niya. "Mama, male-late na si Justine sa flight niya.” Ito ang nag-alaga sa kanya mula pagkabata pa lang niya. Saglit lang itong nawala para pamahalaan ang branch nila sa Amerika pero ngayon ay umuwi na para makatulong sa pamamahala ng kompanya. “Hayaan naman ninyong mag-enjoy ang apo ninyo minsan. Matanda na siya. Hayaan ninyo siyang mag-explore at makakilala ng mga boys."
Matalim itong sinibat ng tingin ni Lola Concha. "Anong makakilala ng mga lalaki? Ayokong kung saan-saan lang dumampot ng lalaki ang apo ko."
“Mama naman. Ilang taon na ang apo ninyo. Maano bang pabayaan ninyo siya na makakilala naman ng ibang mga lalaki. Iyon naman ang normal na ginagawa ng mga babaeng tulad ninyo. Tingnan naman ninyo ang apo ninyo. Baka tumandang dalaga iyan.”
Namula na ang mukha ni Donya Concha. Kinailangan na niyang gumitna o baka magkainitan lang ang tiyahin niya at lola niya. "Nagbibiro lang po si Auntie Moira, Lola. Mukha ba naman akong dadampot basta-basta ng kung sinu-sinong lalaki?" aniya at pinapungay pa ang mga mata.
"Siyempre naman ako ang pipili ng lalaking nararapat para sa iyo,” sabi nito at pinisil ang pisngi niya.
Laging sinasabi iyon ng lola niya. Gusto daw nito na perfect ang lalaking mapipili nito para sa kanya. Ayaw nito nang kung sinu-sino lang ang pakasalan niya o magiging nobyo niya. Dahil din sa pagiging overprotective nito ay natatakot siyang basta-basta makipaglapit sa mga kalalakihan. Ayaw niyang magkamali. Ayaw niyang madismaya ito sa kanya.
Sinenyasan siya ng kaibigang si Yngrid at tumuro sa wristwatch nito. Malapit na silang pagsaraduhan ng counter para sa flight nila. Hinalikan niya sa pisngi si Lola Concha. "Lola, papasok na po kami sa departure area. Baka po ma-late pa kami sa flight namin."
Niyakap siya nito nang mahigpit. "Huwag mong kakalimutan ang bilin ko."
“Opo.” Kumalas agad siya dito. “Tatandaan ko po lahat iyon.” Paano naman niya makakalimutan kung may listahan pa itong ginawa para sa kanya na ipina-recite pa nito hanggang dumugo ang ilong nbiya.
"Bye, Lola!" sabay na wika nina Yngrid at Dreamilyn at kumaway pa.
"Kayo na ang bahala sa apo ko," bilin ni Lola Concha.

Chapter 2
Mangiyak-ngiyak pa ito at nakabantay hanggang sa wakas ay makapasok na sila sa loob ng departure area para sa pag-check in ng bagahe nila.
Isang text message ang natanggap niya mula sa tiyahin niya na nakumbinsi daw nito ang lola niya na umalis na sa airport. Umaasa daw kasi ang lola niya na ma-cancel ang flight niya at naroon ito para iuwi siya.
"Whew! Akala ko di na tayo matutuloy," sabi ni Dreamilyn nang sa wakas ay mai-check in na ang bagahe at nai-release na ang boarding pass nila. "Akala ko mabubulilyaso ang bakasyon grande natin."
"Kung di natuloy iyon, makakasaksak na ako ng tao. Kailangan ko talaga ang bakasyong ito," wika ni Yngrid na biglang sumama ang mukha. Gusto nitong takasan ang mga manliligaw nito na feeling guwapo. May-ari kasi itong isang café at bukod sa pressure sa trabaho ay dagdag pasakit pa ang mga manliligaw nito na nang nakaraang araw lang ay nag-away pa sa café nito.
“Magpapalit na ako ng damit,” excited niyang sabi. Kanina pa siya naalibadbaran sa long sleeve blouse siya na may ruffles sa neckline at purple palda na hanggang sakong. Ganoon naman ang madalas niyang isuot – sa opisina, sa bahay, sa social functions.
What’s important was what’s proper. Alam niya na mukha siyang makaluma. Ayaw kasi ng lola niya na maka-attract siya ng unwanted attention. Mas mabuti na daw na mukha siyang makaluma kaysa naman mukhang pakawalang babae. Minsan na daw nitong binigyan ng laya ang nanay niya at naakit dito ang tatay niya na iresponsable. Kung may maaakit man daw na lalaki sa kanya, iyon ay dahil sa panloob niyang katangian at hindi sa panlabas niyang anyo.
But it was not her. Hindi siya makahinga. At ang panahon lang na nararamdaman niyang totoo siya ay kapag kasama niya ang mga kaibigan niya. Mas malaya ang pakiramdam niya kapag nakasuot ng modernong damit. Kapag wala siya sa paningin ng lola niya. Kapag nagagawa niya ang gusto niya.
Hindi naman siya wild na babae. She just wanted to wear nice dresses. Hindi lang niya magawa iyon kapag sila lang ng lola niya dahil mapapraning ito at baka magkasakit pa sa sama ng loob. Ayaw niyang palakihin pa nito ang isyu. Ayaw niyang isipin nito na nagrerebelde siya o walang utang na loob. Kaya naman niyang magtiis para sa lola niya. Kailangan lang niya ng ilang oras o sa pagkakataong ito ay ilang araw para makahinga.
Wala naman siyang nakikitang masama doon. Wala naman siyang sinasaktan. Napasaya niya ang lola niya. Ngayon ay pasasayahin naman niya ang sarili niya kahit na sandali.
“Heto na ang mga ipinatago mo sa akin,” sabi ni Yngrid at inabot sa kanya ang mga shopping bag. Laman noon ang dark blue chiffon dress na may polka dots. May laman din iyon na doll shoes, with matching straw hat and rattan bag.
“Isusuot ko na ito,” excited niyang sabi at pumasok sa cubicle ng restroom.
Excited siyang nagbihis. Nagkukumahog niyang pinalitan ang damit. Kanina pa siya init na init doon. Pakiramdam niya ay nakahinga ang balat niya nang maisuot ang dress. Kinalas din niya ang nakapusod na buhok.
“Maikli ang dress. Baka makitaan ka niyan,” nakataas ang kilay na sabi ni Dreamilyn. Ito ang tunay na manang. Values Education teacher ito at guidance counselor at madalas na tagasita sa mga suot nila ni Heart.
“Saktong above the knee lang, Ma’am,” depensa niya. Minsan iniisip nga niya kung baka ito ang tunay na apo ng lola niya. Effortless. Makaluma na talaga ito dahil lumaki sa mga tiyahin nitong matatandang dalaga.
“Ma’am, gusto mo i-make over din kita?” alok ni Yngrid. “You know, baka sakaling makalimutan mo si Casey at makahanap ka ng ibang lalaki. O kaya hindi ka makilala ng mga fans niyang baliw na baliw sa kanya.”
Umingos lang ito. “Never mind. Magkakape lang ako. Puntahan na lang ninyo ako sa coffee shop,” wika nito at lumabas ng restroom.
Tinampal niya ang braso ni Yngrid. “Luka-luka ka! Bakit mo pa binanggit si Casey? Buti nga sumama sa atin na magbakasyon iyan.”
Nag-peace sign ito. “Sorry naman. Mahirap mag-ayos kung may laging nakakontra. Saka siya lang kasi ang kakilala ko na brokenhearted pero ayaw pa ring mag-ayos. Di ba dapat bonggang makeover na nga siya kapag imbyerna sa love?”
Bumuntong-hininga siya. “Hayaan na muna natin siya.”
Matinding trauma at sama ng loob ang dinanas ni Dreamilyn matapos ang sekretong relasyon nito sa rockstar na si Casey Jimenez. Dahil sa pakikialam ng maraming tao ay pinili na lang ni Dreamilyn na makipaghiwalay dito. It was painful, they know. Hindi madali ang makipagrelasyon sa isang taong sikat lalo na’t kalaban ang publiko. Idagdag pang kontrabida ang tiyahin ni Dreamilyn na tutol sa relasyon ng mga ito.
“Close your eyes. Buburahin natin ang pagiging Miss Boring mo.”

Chapter 3
“PERFECT,” usal ni Justine nang mapagmasdan ang sarili sa salamin.
Parang ibang tao ang nakikita niya. Nakalugay ang mahaba niyang buhok na lagi niyang ipinupusod. Kulot-kulot iyon na umabot sa kalahati ng likod niya. Nagmukhang maliit ang mukha niya nang mawala ang salamin sa mata niya at napalitan ng contact lens. Lumaki ang mata niya dahil sa eyeliner at mascara. Napaka-alluring din ng labi niya dahil sa pink red lipstick.
Maganda rin ang fit sa kanya ng polka dots dress niya na umabot hanggang sa ibabaw ng sakong niya. At napaka-cute ng doll shoes sa paa niya. Humagikgik siya at umikot-ikot sa harap ng salamin. Parang bata siya na nadamitan upang maging isang prinsesa. She felt great. Parang nasa ibang katawan din siya nang mga oras na iyon. She felt so young and vibrant. Parang napakaaliwalas ng paligid niya.
"Little wonders make up can do. Gumanda din ang mata mo dahil sa contact lens,” wika ni Yngrid at itinabi ang make up nito.
“Okay, Cinderella. The party starts today. You have three days before midnight," sabi ni Yngrid at ipinagbukas siya ng pinto ng restroom.
Taas-noo siyang naglakad. She soaked into the looks of other guys toward her. Bakas ang paghanga sa mata ng mga ito. She had three days to look beautiful. Three days that she would cherish and treasure. Dahil sa loob ng tatlong araw na iyon ay magiging si Justine lang siya. Hindi bilang apo ni Donya Concha. She could just be herself. Just plain Justine – maganda, malaya at magagawa ang anumang gustuhin niya. Hindi niya kailangang bantayan ang kilos niya o mag-alala na may gagawin siyang kahihiyan.
Pumasok sila sa café at sinamahan si Dreamilyn na umiinom ng hot milk na in-order nito. Pakiramdam niya ay ito lang ang iinom ng gatas sa lahat ng naroon.
“Dahil diyosa ka na ngayon, I guess it is time for a dare,” suhestiyon ni Yngrid.
“Anong klaseng dare iyan?” tanong niya.
“Kunin mo ang number ng pinakaguwapong lalaki dito sa café,” sabi nito at ngumuso sa direksiyon sa gilid ng café.
Sinundan ni Justine ng tingin ang nguso ni Yngrid at dumako sa isang lalaki na naka-light blue long sleeve polo at dark brown slacks. Nakasuot din ito ng black leather shoes. Tumigil sa pagtibok ang puso niya nang mapagmasdan ang mukha nito. Nakasuklay palayo sa mukha ang buhok nito. May pagka-tsinito ang mga mata nito. Matangos ang ilong nito at mariing magkadikit ang labi nito. He looked like a hawk with his eyebrows drawn together while staring at his laptop. Kulang ang salitang guwapo para dito. He was a lot of things. Intimidating. Powerful. Authoritative. The type of man who was decisive.
"Masyado namang guwapo iyan,” usal niya. Hindi ito ang tipo ng lalaki na basta na lang niyang nalalapitan. Madalas naman ay anyo lang niya ang binabago niya para magmukhang moderna. She had never tried pursuing a man ever. Ingat siya sa mga lalaki.
“Ano bang kalokohan iyan?” tanong ni Dreamilyn na puno ng disgusto habang nakahalukipkip. “Kababae mong tao ikaw pa ang kukuha ng number ng lalaki.”
“Gender equality, my dear,” depensa naman ni Yngrid. “Kung okay lang sa mga lalaki na hingin ang numero ng mga babae, pwede na ring gawin ng mga babae iyon.”
“Paano kung may asawa na ang hihingan ninyo ng numero?” tanong ni Dreamilyn na walang balak na magpatalo sa isyu.
Binuksan niya ang camera niya at ginamit ang zoom para tingnan ang kamay ng guwapong lalaki. Mukhang smooth ang daliri nito at pantay ang kulay. Ibig sabihin ay single ito. “No ring on his finger,” wika niya.
“Hindi lahat ng lalaking walang singsing ay walang asawa,” angal ni Dreamilyn.
“Number lang naman ang kukunin niya. Hindi niya ite-text. Well, unless gusto rin ng lalaki na kunin ang number niya.” Siniko siya ni Yngrid. “Kailangang makagawa ka ng paraan para makuha ang pangalan niya at number. Kung hindi mo ito magagawa, kailan mo pa ie-experience ito? Sayang naman ang ganda mo.”
Ano nga ba naman ang ikakatakot niya? Ibang Justine siya. Hindi siya nito makikilala. Isa pa, malabo namang magkita pa silang muli. Hindi nga siya dapat matakot na tanggihan nito. She was a beautiful woman after all. Walang sinumang makakatanggi sa kanya.
Lalapit sana siya dito nang isang babae ang umupo sa tabi nito. Nakasuot ang babae ng sleeveless neon pink na dress na umabot lang hanggang kalahati ng legs nito. Halos makita na ang singit nito nang mag-dekuwatro at naghuhumiyaw ang cleavage nito sa mababang neckline. Kahit na gaano siya kaganda ay magmumukha pa rin siyang manang kapag idinikit sa babaeng iyon.
“Ayan! Naunahan ka na tuloy!” nanghihinayang na sabi ni Yngrid.
Inilahad nito ang palad sa guwapong lalaki. “Hi! I am Janine. And you are…”
Puno ng disinteres lang itong tiningnan ng guwapong lalaki at saka ibinalik ang tingin sa laptop nito. Mukhang walang balak ang sexy na babaeng sumuko. Pinagapang pa nito ang daliri sa braso ng lalaki. “Do you know how much I like corporate, no nonsense men? You turn me on.”
Binigyan ito ng bored na tingin ng lalaki. “And women who bother me while I am working turn me off. Can you pester someone else?”
Nahigit ng babae ang hininga at tumayo. “Fine. Go fuck your laptop!” At saka biglang nag-walkout dahil napahiya sa pagtataboy ng lalaki.
“Ang taray naman ni Pogi,” sabi ni Yngrid.
“Buti na lang hindi ako lumapit. Kapag nagkataon ako ang napahiya,” sabi niya at iniwas ang tingin sa lalaki. Tuluyan nang nawala ang lakas ng loob niya.
“Sige. Sa Camiguin na lang natin ituloy iyan,” sabi ni Yngrid na tumayo na matapos i-announce na boarding na ng flight nila.
Pumila sila para ipakita ang boarding pass nila. Nanlaki ang mata nina Yngrid at Dreamilyn. Parang may isinesenyas ang mga ito na di niya maintindihan. “Bakit?” tanong niya.
"Tingnan mo kung sino ang nasa likod mo,” sabi ni Dreamilyn.
Lumingon siya at tumigil sa pagtibok ang puso niya. Si Pogi. Kapag nga naman sinuswerte. Hindi ito malayo sa kanya. Parang masarap lang itong pakiramdaman sa likuran niya. Sa kabila ng suot na polo at slacks ay mukha itong matipuno. Malapad ang balikat nito. Maliit ang baywang at mukhang makisig sa suot na slacks.
"Miss, will you please move? Nakakaabala ka,"