Writerzoned
Language: fil
/0/26705/coverbig.jpg?v=21a51ec55053474a9a44c52e676dc992)
Unang pagkikita pa lang nila, daig pa nila ang naggigitgitang tectonic plates. Hindi mapapatawad ni ng dalaga si Sev nang sabihin nitong pinagkakakitaan lang mga romance novelist na gaya niya ang pag-ibig. Kahit gaano pa ito kaguwapo, di siya magpapatangay sa kulto nito ng mga di naniniwala sa pag-ibig. Sumiklab ang giyera sa pagitan nila nang laitin nito sa social media ang nobela niya nang walang basehan dahilan para ma-cyberbully siya. Pero nang masira ang laptop niya at di siya makapagsulat, si Sev ang sumagip sa kanya. And when her world fell apart, ito pa ang nagpaalala sa kanya na…
Available chapters
Chapter 1
“Buntis daw ang babaeng iyon kaya pakakasalan niya, Laia. Sooobrang sakit. Gusto ko nang mamatay,” palahaw ng kaibigan ni Laia na si Katrina. Hindi niya alam kung paano patatahanin ang kaibigan. Nasa gitna sila ng abalang coffee shop sa Quezon City at pinagtitinginan ng ibang customer doon. Pero mukhang walang pakialam ang kaibigan.
Niyakap niya ito at hinaplos ang likod. “Don’t say that. Alam ko na masakit pero huwag mo namang sabihin na sasaktan mo ang sarili mo.”
“Ibinigay ko ang lahat Topher. Ginawa ko ang lahat para lang mapasaya siya. Hindi ko nga siya pinipigilan na sumama sa barkada niya sa mga travel-travel na iyan at pinadadalhan ko pa siya ng pocket money niya kasi alam ko sakto lang ang sweldo niya. Katwiran ko kung saan siya masaya, susuportahan ko. Kahit nang magalaw niya ang babaeng iyon, pinatawad ko pa rin dahil sabi niya ako pa rin ang mahal niya.”
Kinagat niya ang pang-ibabang labi. “Iba na kasi kapag bata ang pinag-usapan. Kailangan mong intindihin na responsibilidad niya iyon bilang ama. Galing nga siya sa broken family. Di ba sabi niya sa iyo ayaw niyang maramdaman ng magiging anak niya na di buo ang pamilya niya?”
“E paano naman ang pangako niya sa akin? Nangako siya na mamamahalin niya ako. Na ako ang pakakasalan niya. Kaya nga kahit na magkaroon siya ng anak sa iba, tatanggapin ko pa rin. Sustentuhan niya, susuportahan ko pa siya. Tanggap ko naman ang lahat basta ako pa rin ang mahal niya. Pero bakit di ako ang pinili niya? Ano pa ba ang kulang sa akin?”
Yumuko siya. “I’m sorry. Wala namang kulang sa iyo. Pero wala tayong magagawa kung sa huli, iba ang gusto ni Topher. Kahit magalit ka o magmakaawa, di na siya babalik. Mas mahalaga ang responsibilidad sa kanya.”
Maaring unfair nga sa kaibigan niya ang nangyari. Gusto niyang sugurin ang pagtatadyakan si Topher sa ginawa sa kaibigan niya. Pero nakapag-usap din sila ng lalaki. Nakita niya kung gaano kasakit dito ang desisyon.
Ginagap ng kaibigan ang kamay niya. “Anong gagawin ko, Laia? Paano mawawala ang sakit nararamdaman ko?”
Pilit siyang ngumiti. “Alam mo, kailangan mo lang maging positive. Na may magagandang bagay pa na dadating sa iyo. Higit pa kay Topher. Sakto may bagong libro ako. Basahin mo. I am sure makaka-relate ka sa bidang babae.”
Inilabas niya ang bagong pocketbook at ibinigay sa kaibigan. Dinampot iyon ng kaibigan at tiningnan. “One New Love?” tanong niya.
Tumango siya. “Maganda ang feedback niyan lalo na sa mga readers na hirap na hirap mag-move on. Kaya sa palagay ko makakatulong rin ito sa iyo. Hindi ba ganoon naman tayo kahit noong bata pa tayo? Kapag malungkot tayo, nagbabasa lang tayo ng pocketbooks kasi lahat happy ending. Kahit anong hirap na pinagdadaanan ng characters, sa huli magiging masaya pa rin sila. At sa palagay ko, ganoon din ang mangyayari sa iyo. Magiging masaya ka rin kasi sobra-sobrang pagmamahal ang kaya mong ibigay. At ‘yung lalaking dadating sa iyo, mamahalin ka rin nang sobra-sobra. Higit pa kay Topher.”
Naging magkaibigan sila ni Laia noong high school. Magkaklase sila at natuklasan nila na pareho silang mahilig na magbasa ng pocketbooks. Nagkasabay kasi sila sa rentahan ng pocketbook ni Aling Sela malapit sa school. Mula noon ay naging malapit na sila sa isa’t isa. Sabay na silang pumapasok sa eskwelahan at umuuwi dahil pareho sila ng way. Magkatulong silang gumagawa ng assignments at projects. Magkakuntsaba sila sa pagpapadala ng love letters sa mga crush nila. Ito rin ang unang natuwa nang malamang honor siya at nag-push sa kanya na ituloy ang pagkuha ng Creative Writing habang sinasabi ng iba na wala siyang mapapala doon. Ito rin ang nagtulak sa kanya na magpasa ng nobela sa publication lalo na nang panahon na walang gustong maniwala na magiging published author siya.
And she did. Marami na siyang napapasayang tao at nai-inspire dahil sa sinulat niyang nobela. Kung nagawa niyang pasayahin ang ibang tao sa mga panahon na depressed ang mga ito, lalo naman ang kaibigan niya. Kahit paano ay gagaan ang mood nito oras na mabasa ang gawa niya.
“How is that book supposed to make everything alright?” tanong ng malalim na boses ng lalaki sa likuran niya.
“Excuse me?” nakataas ang kilay na tanong ni Laia at lumingon. Natigilan siya nang mapagmasdan ang guwapo at matangkad na lalaki. Sa palagay niya ay nasa 5’ 10 ito. Nakasuot ito ng navy blue short sleeve polo at maong na pantalon. Nakaahit ang isang gilid ng ulo nito at naka-combover sa isang gilid ang buhok ito na lampas ng tainga. Very sleek. Very stylish.
He looked confident. Na parang kaya nitong kumbinsihin ang kahit sino na paniwalaan ang sasabihin nito. Sino ba ang sabaterong guwapo na ito? At sino naman ito para kwestiyunin ang power ng romantic novels at masasayang ending?
“I am sorry for butting in. I’m Sev. Nandiyan lang ako sa kabilang table. Di ko maiwasang marinig ang usapan ninyo.”
“At sumabat ka naman? Alam mo ba na kabastusan iyon?” mataray niyang tanong.
“Yes. I know. Pero sa palagay ko kailangan ng tulong ng kaibigan mo. And I think, she won’t feel any better with that book.”
Humalukipkip siya. “At ano namang alam mo aber?”
“Ano naman ang mali sa pocketbook?” tanong ng kaibigan. “Magaling naman ang writer nito. Bata pa lang ganitong libro na ang binabasa ko.”
“That book is feeding you bullshit about love.”
Dinuro niya ang lalaki. “Hoy! Huwag mo ngang ma-bullshit-bullshit ang libro ko. Ang mayabang na ‘to.” Di na bago sa kanya ang mga tao na minamaliit ang romance pocketbooks lalo na kung Tagalog. Na kesyo mababang klase raw ng babasahin at kalandian ang itinuturo sa mga tao. Pero kapag tinanong mo naman, di pa naman pala nakakabasa ng pocketbooks. At ang guwapong impakto na kaharap niya ang isa sa halimbawa ng ganoong klaseng tao.
Nagkibit-balikat ang lalaki. “It is not just about the book per se. People has this notion that love is the most powerful thing. That nothing is impossible about love. Na kahit masaktan ka ngayon, makakahanap ka ulit ng magmamahal sa iyo. When in truth, that person will keep on hurting you over and over again.”

Chapter 2
Napanganga si Laia. Kung di lang tungkol sa libro niya ang inirereklamo nito, anong gusto nitong mangyari ngayon? Ipinilig niya ang ulo. “Alam mo, di namin kailangan ng opinyon mo. Pwede ka nang bumalik sa kinauupuan mo at nang maituloy na namin ang usapan ng kaibigan ko.”
Nagulat ang lalaki. Di siguro inaasahan na itataboy niya ito. “But…”
“Hihinaan namin ang pag-uusap namin para di ka maabala,” aniya at maasim na ngumiti. Kumaway siya dito. “Bye!”
“O-Okay,” anang lalaki na parang ayaw pang umalis pero tumalikod din.
“Sandali!” sabi ni Katrina at hinawakan ang braso ng lalaki. “Sev, tama?”
Marahang tumango ang lalaki. “Yes. Bakit?”
“Maupo ka muna. Gusto kong marinig ang sasabihin mo. Gusto kong malaman kung paano ko makakalimutan ang ex-boyfriend ko na ipinagpalit ako sa iba,” anang kaibigan. “Kung hindi nakakaabala sa iyo.”
“Sure. I’m happy to serve,” anang lalaki at kinuha ang upuan nito sa kabila.
“Anong ginagawa mo?” angil ni Laia kay Katrina na nagniningning ang mga mata habang sinusundan ng tingin ang lalaki. “Hindi naman natin kilala ang lalaking iyan. Baka mamaya anong gawin niyan sa atin. Paano kung budol-budol gang ‘yan o kaya scammer.”
“Scammer? Ano naman ang gagawin niya sa atin? Hihingan ko lang siya ng advice. Mabuti nga may naririnig akong opinyon mula sa ibang tao. Isipin mo na lang kung ano ang pwede kong gawin kung nabaliw ako sa ginawa sa akin ni Topher. Baka bigla ko na lang silang sugurin at manaksak ako ng tao. Saka wala siyang mai-scam sa atin. Wala naman akong ganoon kalaking pera.”
“Kahit na. Wala akong tiwala sa lalaking iyan,” sabi ni Laia at sinipat ng tingin ang lalaki na palapit sa kanya.
“Kaya ka nga nandito para bantayan ako, di ba? Gusto ko na lang talagang matapos ang lahat ng ito at maka-move on.”
“Basta kapag sa networking ang lalaking iyan o kaya mag-aalok ng insurance, ayoko nang makipag-usap,” sabi niya at humalukipkip.
Palapit na naman ang lalaki sa kanila at mas nadoble ata ang kakisigan nito. Yabang lang ‘yan. Siyempre akala niya mauuto niya kami.
Medyo masakit para sa kanya na mas pinili pa ng kaibigan niya na pakinggan ang isang mayabang na estranghero kaysa sa kanya na bestfriend nito. Pero mas pipiliin na niya na pagbigyan ang kaibigan kaysa naman maghurumentado ang kaibigan niya at di niya mapigilan. Babantayan na lang niya ito.
“Hi! Gusto n’yo ba ng cake…” alok sana ng lalaki pero pinutol ni Laia.
“Sabihin mo na ang sasabihin mo para pare-pareho na tayong maka-move on.”
“Laia!” saway ng kaibigan sa kanya. “She’s Laia and I’m Katrina.”
Kinamayan nito ang lalaki. Siniko siya nito dahil inaalok din ng lalaki ang kamay sa kanya. Napilitan siyang kamayan ito. It was rough. Very manly. How about the rest of his body?
Tumikim ang lalaki. “Miss, ang kamay ko baka gusto mo nang bitawan.”
“S-Sorry,” usal niya at dali-daling binitawan. Baka akala nito may pagnanasa siya dito. As if naman. Guwapo rin naman ang boyfriend niyang si Donnie. Wala siyang planong magka-interest sa iba.
Tumikhim ang lalaki. “So your boyfriend left you for another girl and you want to forget everything. You don’t want to feel the pain anymore.”
“Ano bang dapat kong gawin para maka-move on? Kailangan ba ma-in love ako ulit at magbaka-sakali na siya na ang totoong magmamahal sa akin?”
Pinagsalikop ng lalaki ang kamay. “Forget about love. Love is a lie.”
“A-Anong sinasabi mo?” naniningkit ang matang tanong ni Laia.
“Love is just an illusion. Ibinebenta sa atin ng mga pelikula, teleserye at romantic books. Isinasaksak sa utak natin na in love tayo para lang ma-validate ang isang relasyon o angkinin ang isang tao.”
“Seryoso? Paanong naging ilusyon ang ang love?” tanong ni Katrina na halos histerikal na. “Mahal ako ni Topher at mahal ko rin siya. Ilang beses na naming napatunayan iyon. Marami na kaming naisakripisyo para sa isa’t isa. Alam ko sa puso ko na mahal niya ako.”
“And look where love got you. Hindi ba kahit mahal ka niya, ipinagpalit ka rin niya sa iba? Bakit ka niya iniwan at pinili niya ang babaeng hindi niya mahal? Iyan ba ang pagmamahal na panghahawakan mo? Hindi ba wala ka rin namang napala? Paanong naging pagmamahal iyon? You are a fool if you think love is a wonderful thing when your heart is full of bitterness and hatred in the end.”
Biglang humikbi si Katrina at sinapo ang didbib. “I-Ibig bang sabihin hindi talaga ako mahal ni Topher?”
“No. Hindi mo kasalanan at di niya kasalanan. Dahil di nga totoo ang love,” paglilinaw ng lalaki. “Biktima lang kayo ng isang ilusyon.”
“Pwede ba tigilan mo na ‘yang kanegahan tungkol sa love? Inaano ka ba ng love? Nasaktan ka siguro dati at iniwan ng girlfriend mo kaya ka ganyan. Kung bitter ka, huwag kang mandamay ng ibang tao,” kontra ni Laia dito.
Pumaling ang lalaki sa kanya at itinutok ang mga mata sa kanya at ang buo nitong atensyon. Parang mandirigma ito na hindi siya uurunga. “I am just telling the truth. Kung di ka nagmahal noong una pa lang, di ka masasaktan. You see, ‘yang love na iyan marami nang pinayamang tao kasama na ‘yung writer ng romantic pocketbooks na ipinababasa mo sa kaibigan mo. But is all crap and lies. Why believe a fiction…”

Chapter 3
“Hoy! Hindi basta fiction lang ‘yang mga libro na iyan. Maraming napapasayang tao iyan at totoong may true love. Hindi iyon fiction.”
Grabe naman kung magsalita ang lalaking ito. Napakababa ba ng tingin nito sa mga bagay na may kinalaman sa pag-ibig? Mas malala pa ito sa mga nagsasabi na baduy ang romance novels. At nang mga oras na iyon, gustong-gusto na niya itong tirisin.
Pagak na tumawa ang lalaki. “Miss Love Expert, stop living in this fantasy world. Wake up. Mas mataas ang lipad ng ilusyon mo, mas masakit ang bagsak mo kapag nakaharap ka na sa katotohanan. Kapag nasaktan ka rin katulad ng kaibigan mo, I am sure isusumpa mo rin ang pag-ibig na iyan.”
Umiling siya. “Not likely to happen. Kahit pa masaktan ako, hindi ako magpapaka-nega katulad mo. Masarap pa rin ang pakiramdam ng ma-in love. At bawat tao may nakatakda para mamahalin siya forever.”
“Yes. Love is like a drug. It gives you a certain kind of high. Akala mo lumilipad ka sa saya at mababaliw ka. Kaya nga nagsasama-samam ang mga chemicals sa katawan mo dahil diyan. But it fades. Sa dinami-dami ng mga naghihiwalay sa mundo, di ko alam kung bakit paniwalang-paniwala pa kayo sa love.”
“Paano naman ang pagmamahal sa kapwa mo o tulad ng magulang sa anak?” tanong ni Katrina.
“That is natural. May lukso na ng dugo. But romantic love? Nah!” At iwinaksi ng lalaki ang kamay. “Sasaktan mo lang ang sarili mo. Katulad mo ngayon.”
“Ano bang gusto mong mangyari sa kaibigan ko? Maging bitter sa love habambuhay at maging old maid na lang?” tanong ni Laia sa lalaki.
“Single and fabulous is the better term. Pwede naman siyang maging single nang hindi bitter sa love. She can be realistic. Pwede siyang pumasok sa isang relasyon kahit na walang love pero nae-enjoy nila ang company ng isa’t isa,” paliwanag ng lalaki.
“Paano ka magiging masaya nang walang love? Paano ka papasok sa isang relasyon nang walang love?” tanong ng kaibigan. “Hindi ba parang mas masakit iyon.”
“Mahal mo ang sarili mo, hindi ba?” Tumango ang kaibigan niya. “Then do everything that makes you happy. Pwede mong ma-enjoy ang company ng iba nang walang expectations. Kahit na umalis ang isang tao, di ka masasaktan dahil di ka naman niya mahal. No promises. No expectations. It is good while it lasts,” sabi ng lalaki at sumimsim ng kape.
“I-Ibig sabihin pwede akong maghanap ng iba pero di ko siya mahal? Pwede akong umalis nang ganoon na lang? Hindi ko maintindihan…”
Pinutol ni Sev ang sasabihin ng kaibigan. “I wish I could answer your questions but I have another appointment in Makati. I think it would be better if you will read this book.” Isang libro na kulay puti ang pabalat ang ibinigay nito sa kaibigan. “Lahat ng tanong mo, masasagot ng librong iyan.”
“No To Love?” basa ni Laia sa librong bigay ng lalaki.
“Read it. Basahin rin ng kaibigan mo. I am sure mas makikita niya ang totoong pagmamahal sa sarili kapag nabasa niya iyan,” anang lalaki.
“Bakit naman ako magbabasa ng libro na iyan? Malamang puro pagka-bitter lang ang alam niyan. Kalokohan! Wala ka bang puso?” angil ni Laia kay Sev.
Sinapo ng lalaki ang dibdib. “My heart is still in place and beating. It is not weak and foolish and very much happy. So don’t worry about me, Miss. Nabubuhay na ako sa mundo ng realidad. Mas mag-alala ka para sa sarili mo dahil baka iniisip mo nasa fairy tale world ka pa rin at nagbabasa ng fairy tale books na di naman totoong nag-e-exist.” At inginuso ng lalaki ang pocketbooks niya.
“At talagang…”
Akmang tatayo siya para makipag-away sa lalaki pero di na niya nagawa dahil kinamayan ito ng kaibigan. “Thank you talaga dito. S-Sana makita pa ulit kita.”
“Hopefully. I want to see your progress. And you, Miss…”
“Bye!” sabi agad niya at kinawayan ito bilang pagtataboy.
“See you around.” At sumaludo pa ang lalaki sa kanya.
Naggiyagis ang ngipin ni Laia habang tinitingnan ang lalaki palayo. Inagaw niya ang libro sa kaibigan. “Itapon mo na io. Wala namang magandang sinabi ang lalaking iyon. Wala daw love. Parang miyembro ng kulto.” Hindi ito magandang impluwensiya sa kaibigan niya. Sino ba ito para sabihing di totoo ang love?
Binawi ng kaibigan ang libro sa kanya. “Baka nga tama siya.”
“Ano?” bulalas siya.
“Kung walang love, di ako masasaktan nang ganito. Di ko kailangang magsakripisyo para kay Topher. Di ko kailangang magpakatanga. Ie-enjoy ko lang na magkasama kami pero di ako magagalit kahit na isang daang babae pa ang mabuntis niya at iwan niya ako.”
“Don’t be a love cynic, Katrina. Magmamahal ka ulit. Basahin mo itong pocketbooks…”
“Itabi mo na lang iyan. Ito ang babasahin ko,” sabi nito at binuklat-buklat ang libro na bigay ng intrimitidong lalaki.
“Pero ito ang mga bagong release ko na novels,” malungkot niyang usal. Ito ang inaasahan niyang unang makaka-appreciate sa kanya.
Parang wala itong narinig at inilagay ang libro na No To Love sa loob ng bag nito. “Tara! Umuwi na tayo. Gusto ko nang simulan na magbasa.”
Nang mga oras na iyon, pakiramdam ni Laia na isa siyang basahan na isinantabi na lang. Si Katrina ang inaasahan niyang unang makaka-appreciate sa gawa niya pero parang mas gusto pa nitong paniwalaan ang sinabi ng isang estranghero. Wala na bang silbi kahit ang pagkakaibigan man lang nila?
“Huwag ka nang magtampo. In a few days, makaka-recover din ako,” sabi ng kaibigan niya at umabrisyete sa kanya. “Who you na sa akin ‘yang Topher na iyan. Wala na akong pakialam. Iyon naman ang importante, di ba?”
Pilit siyang ngumiti at tumango. “Oo naman. Iyon ang importante.”