The Yaya Of My Little Princess
Language: fil
/0/26719/coverbig.jpg?v=4793678311fc41e69cf781c076c51f0f)
Namasukan si Krista bilang yaya sa isang napakagandang bata. Hindi niya aakalain na napakasungit pala ng daddy nito na si Sir Jandro. Pero take note! Super hunk at single daddy. Kaso may rule ito, na dapat hindi siya magkagusto rito. Magagawa niya kaya iyon? Kung minahal niya na nga ito? Kahit pa ang sungit-sungit nito sa kanya.
Available chapters
Chapter 1
"'Pa! Please lumaban ka na man oh," hilam sa luha kong sambit.
Nakahiga siya sa matinding karamdaman.
Parang hindi niya ako naririnig. Tinatawag niya si Mama na namatay na two years ago pa.
"'Wag mo naman kaming iwan, hindi ko na kakayanin pa kung pati ikaw mawala pa sa amin,'Pa! Paano na kami ng mga kapatid ko?" Iyak ako nang iyak habang tinitignan siyang nahihirapan. Sobrang sakit sa dibdib.
Pero nalagutan pa rin siya ng hininga. Nagdasal ako ng maraming beses na 'wag siyang kunin sa amin pero binawi pa rin siya sa amin ng diyos. Parang tumigil ang mundo ko. Parang hindi na ako makahinga at sumisikip ang dibdib ko.
"PAPA! HINDI KO KAYA!" sigaw ko.
Bigla akong napabangon sa pagkakatulog. Panaginip lang pala! Umiiyak na naman ako habang natutulog.
Pinunasan ko ang luhang lumandas sa aking pisngi. Tagaktak rin ang pawis ko sa aking noo. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako nakakapag-move on sa pagkawala ni mama at papa.
Naupo ako sa kama. Tiningnan ko ang oras sa bedside table 1:15 A.M. pa lang.
Napagdesisyunan ko munang lumabas ng kwarto para uminom ng tubig sa kusina.
Naglakad ako papunta doon at nagsalin ng tubig sa baso at inisang lagok lang iyon. Pagkatapos kong uminom, ay may nakita akong bulto ng lalaki na nakatungo sa counter island. Naaaninag ko siya dahil sa ilaw mula sa labas ng bintana. Naka-off ang ilaw sa kusina kaya 'di ko makita kung sino.
Bigla akong kinabahan, baka may nakapasok dito sa loob ng bahay! Kahit kinabahan man ay tinatagan ko ang aking loob. Dali-dali kong binuksan ang ilaw at nagulat sa nakita.
Si sir Jandro lang pala. Nakahinga ako ng maluwag. Naka office suit pa siya. White long-sleeved na linuwagan na ang necktie, slacks at naka-black shoes pa. May hawak siyang baso na wala ng laman at bote ng alak na nakahiga na sa table.
Pagod na pagod siguro siya sa trabaho, pero bakit siya umiinom? At saka madaling araw na ah? Hayy, naku talaga 'tong si sir.
Lumapit ako sa kanya at kinuha ko ang bote ng alak at nilagay ko sa ibaba. "Sir," tawag ko sa kanya habang niyuyugyog ang balikat niya.
"Sir, doon na lang po kayo sa sofa matulog. Baka sumakit po iyang leeg mo." Paliwanag ko sa kanya, kahit hindi ko alam kong naririnig niya ako.
"Hmmmm..." ungol niya. Pero hindi man lang nagmulat ng mga mata. Kaya kinuha ko sa kamay niya ang hawak niyang baso at nilapag sa table tapos nilagay ko ang braso niya sa balikat ko para alalayan sana siyang makatayo at maglakad. Kaso sobrang bigat.
"Sir, gumising ka naman oh, hindi ko po kayo kaya," sabi ko sa kanya habang tinatapik ko ang pisngi niya.
Nagising naman siya at tumingin sa akin. Namumungay ang mata niyang nakatunghay sa akin at medyo mapula pa iyon, siguro dahil lasing siya. Tumayo na siya at inalaayan ko siya hanggang sa maabot namin ang sala at pinahiga ko siya sa sofa.
Parang mababalian ako ng buto dahil sa kanya. Sobrang bigat, eh ang liit ko pa naman. Naupo ako saglit sa sahig para magpahinga ng kaunti. Huminga ako ng malalim para payapain ang dibdib kong parang nahahapo sa pag-alalay ko sa kanya.
Pakalipas ng ilang minuto ay tumayo na ako at dali-daling kumuha ng maliit na planggana na may maligamgam na tubig at bimpo.
Pinuntahan ko si Sir. Pinigaan ko ang bimpo at sinimulang punasan ang pisngi niya para mahimasmasan siya. Naalala ko kasi na ganito ang ginagawa ni mama dati kay papa kapag lasing siya noong maliliit pa kami ng mga kapatid ko.
Tinanggal ko ang pagkakabotones ng polo niya at inalis ang sapatos niya. Sinimulan ko ng punasan ang leeg at dibdib niya, kahit amoy alak siya, ang bango niya pa rin. Napaka payapa rin ng mukha niya, sobrang gwapo habang natutulog. Kapag gising kasi siya lagi na lang masungit pero gwapo pa rin naman. Napangiti ako.
Napalunok ako ng mapadako ang tingin ko sa labi niyang nakaawang, mapupula iyon at parang nag-aanyayang halikan. Lumunok ulit ako. Dumako rin ang tingin ko sa katawan niyang alaga sa gym. Para akong nauhaw sa nakikita ko. Nag-sign of the cross ako, para linawan ang isip ko na hindi ako magkasala kay sir.
Nagulat pa ako at nanlaki ang mata ko ng hawakan ni sir ang palapulsuhan ko na may hawak na bimpo. Tumingin ako sa kanya.
Nagising siya, pero ang hindi ko inaasahang gawin niya ay ang paghawak niya sa likod ng ulo ko at dinikit ang labi niya sa labi ko. Para akong naistatwa sa ginawa niya. Parang nanginig na rin ang kamay ko. Gumagalaw ang labi niya. Tumututol ang isip ko pero parang wala akong lakas na itulak siya.
Masarap ang halik niya, dahil ngayon lang ako nakatikim ng halik, nalalasahan ko pa ang alak sa labi niya. Pero parang mas lalo akong nag-iinit dahil do'n. Napapikit na lang ako ng maamoy ko ang mabango niyang hininga.
Namalayan ko na lang na nakapatong na ako kay Sir. Hindi ko na kilala ang sarili ko, dahil masyado na akong nalalasing sa mga halik niya. Napasinghap pa ako nang maglakbay ang mainit niyang kamay na masarap na humahaplos sa katawan ko.
Kinagat niya ang pang ibaba kong labi kaya naibuka ko ang labi ko. Nagkaroon siya ng pagkakataon na ipasok ang kanyang dila sa aking bibig. Matamis iyon. Parang ginagalugad niya ang loob ng bibig ko. Tumutugon na rin ako sa mainit niyang halik at parang kay dali kong matuto. Tumagal din iyon ng ilang sandali nang bigla siyang tumigil.
Tinignan ko siya. Nakapikit na ang mata niya. Tinulugan na niya ako at mahinang naghihilik ang mokong na ito sa ilalim ko. Nagnakaw lang ng halik sa akin hindi pa niya alam. Nasaan ang hustisya 'di ba? Masarap, pero kailangan niyang panagutan ang labi ko. Huhu!
Ngayon natitigan ko na siya ng malapitan, sobrang payapa ng mukha niya. Napahawak na lang ako sa labi kong nahalikan niya. Ang saya ko!

Chapter 2
CHAPTER 1
KRISTA
Kailangan kong maghanap ng trabaho para sa kinabukasan ng dalawa kong kapatid. Ako ang panganay sa aming tatlo kaya ako na ang magsisilbing magulang sa kanilang dalawa. Bente dos anyos ako ngayon, ang pangalawa kong kapatid si Krishna ay disiseis anyos at bunso naming lalaki si Kristof, katorse anyos. Pareho silang nag-aaral sa high-school kaya kailangan kong magsikap na makapagtapos sila ng pag-aaral para sa magandang kinabukasan nila.
High school lang ang natapos ko,dahil hindi na kasi ako nakapag-college kasi namatay si Mama. Napagpasyahan ko nang tulungan na si Papa sa paglalako ng mais sa aming lugar sa probinsya. Pero ngayong wala na rin si Papa ay napagpasyahan ko nang tumungo dito sa maynila para sa mataas na sweldo.
Lahat kakayanin ko para sa kanilang dalawa.
"Ineng ito na 'yong address ng bahay na nakalakip diyan sa papel na hawak mo," sabi ni manong tricycle driver na nasa kwarenta na siguro ang edad.
"Ganoon ho ba manong, magkano po?" tanong ko sa kanya.
"Bente lang sa 'yo ineng." Nakangiting sagot ni manong. Natuwa ako sa narinig.
"Naku! Maraming Salamat po manong ha ang bait niyo po!" Nakangiti kong sabi, malayo kasi ang byenahe namin ni manong pero kaunti lang hiningi niya.
"Walang ano man Ineng, galing ka pa bang probinsya?" tanong niya.
"Opo eh, ngayon lang po ako nakapunta dito sa maynila."
"Ah ganoon ba, sige mag iingat ka ha!" paalam ni manong. Ngumiti ako sa kanya.
Bumaba na ako at kumaway kay manong.
Nag-doorbell ako sa bahay kung saan ako itinigil ni manong, naghintay ako ng limang minuto bago bumukas iyon. Linuwa ng malaking gate ang isang may edad na, na babae na nasa singkwenta na siguro ang edad.
"Magandang araw po, ako po si Krista iyong kinuha ni tiya Selma na magbabantay ng bata," magiliw kong bati sa kanya.
Tinaasan niya ako ng kilay.
"Sige kung ganoon, pumasok ka na, " mataray niyang sabi pero walang emosyon ang mukha. Linakihan niya ang siwang ng malaking gate at pumasok naman ako.
Sobrang namangha ako sa ganda at sobrang laki ng bahay. Ang ganda rin ng garden nila.
Giniya niya ako papasok sa loob ng salas. Nang makaupo ako sa black na sofa, inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Puti at gray ang kulay ng pintura ng bahay. Ang mga gamit ay ganoon din. Sobrang ganda lalo na ang malaking chandelier sa gitna ng salas. Para iyong mga brilyante na kumikinang.
"Sumunod ka sa akin," sabi no'ng babaeng nagbukas sa akin ng gate.
Kaya napatayo agad ako kasi mukhang masungit ang babae. Parang nagme-menopause. Natawa ako sa naisip.
Umakyat kami ng hagdanan at nakarating kami sa isang kwarto na may pink na pintura. Ang daming barbie dolls at stuff toys sa loob.
"Siya si Kianna ang aalagaan mong bata. Dalawang taon pa lang siya pero matalino iyang bata. Medyo mapili iyan sa nagbabantay sa kanya, kaya ikaw ang bahala kung mapaamo mo siya, " sabi niya sa akin na tinuro ang batang tulog sa malaking crib.
Tumango ako habang nakatingin sa batang payapang natutulog.
Napakagandang bata. Brown at curly ang buhok. Mauumbok ang pisngi, mahahabang pilik mata at kissable lips. Na-excite tuloy akong alagaan ang ganito kagandang bata.
"Siya nga pala ako si Amalia. Pagdating ni Sir Jandro mamayang gabi, kakausapin ka niya tungkol sa pag-aalaga mo kay Kianna," sabi niya na walang ekspresyon ang mukha.
"Okay po ate Amalia." Nakangiti kong ani. Akmang aalis na siya ng kwarto ng may naisip akong itanong sa kanya.
"Teka po, pwedi pong magtanong? Nasaan po ba ang Mommy ni Kianna?" habol kong tanong.
"Wala na siyang Mommy, at saka 'wag kang chismosa ha!" masungit niyang sabi. Para nagtanong lang ang sungit naman. Ani ko sa sarili.
"Ah ganoon po ba," malungkot akong tumingin kay baby Kianna.
Kawawa naman ng baby na ito. Katulad ko,wala na rin siyang Mama.
Napagpasyahan ko ng tumayo. Nagligpit ako ng kunti sa kwarto niya at inilibot ang paningin ko sa loob niyon na sobrang daming laruan at libro.
Malaki ang kwarto niya, parang kalahati na ng laki nito ang bahay namin sa probinsiya.
Napaisip ako. Bakit kaya ang mayayaman, iniiwan nila ang baby nila sa isang kwarto ng walang kasama? Sa amin kasi tabi-tabi lahat matulog kasi ganoon kami sa bahay noong nabubuhay pa ang mga magulang ko. Nagkibit-balikat na lang ako sa naisip.
Tulog pa naman siya kaya napagpasyahan kong ilagay muna ang gamit ko sa magiging kwarto ko.
Bumaba ako at hinanap si ate Amalia. Tatanungin ko siya kung saan ang magiging kwarto ko.
Naabutan ko siya sa sala na nagpupunas ng mga figurines na naroon.
Tumikhim ako kaya lumingon naman siya sa akin.
Ngumiti ako. "Ah ate Amalia, pwedi ko bang itanong kong saan ang magiging kwarto ko? Para mailagay ko na po ang mga gamit ko, " wika ko.
Umismid siya at itinigil ang ginagawa.
"Sumunod ka sa akin at ituturo ko sayo." Tumango lang ako at sumunod sa paglalakad niya.
Nakarating kami sa isang pasilyo na may tatlong pinto. Binuksan niya ang unang pinto.
"Ito ang magiging kwarto mo," aniya at itinuro ang binuksan niyang pinto. Pumasok ako sa loob.
"Maiwan na kita dito, may gagawin pa ako ro'n," dagdag pa niya.
"Salamat po." Tumango lang siya at umalis na palabas ng kwarto ko.
Maayos ang loob ng kwarto at may mga gamit na sa loob. May kabinet, lamesita sa tabi ng single bed at may puting kobre kama iyon at dalawang unan. May salamin sa pader at isang maliit na pintuan, siguro ito ang banyo. Napangiti ako.
Sana maging maayos ang pagtatrabaho at pagtira ko sa bahay na ito. Ani ko sa sarili.
Napagdesisyunan ko ng ilagay ang mga damit ko sa kabinet para makabalik na ako sa kwarto ni Baby Kianna, baka magising na kasi iyon.
Pagkatapos kong mailagay ang mga damit ko ay lumabas na ako ng kwartong iyon.
May nakita pa akong isang babae at nagpakilala siyang katulong din dito. Pagkatapos ng pakikipagkilala sa kanya ay naglakad na ako patungong hagdanan at umakyat patungong kwarto ni Kianna.

Chapter 3
Tumayo ako sa kinauupuan ko ng makitang gumalaw si baby Kianna.
Nakaupo na siya sa kanyang crib habang nagpupungas ng mga mata gamit ang maliliit niyang daliri.
"Hi baby Kianna! Ako na ngayon ang bago mong yaya!" bulalas ko sa kanya, ngumiti ako sa kanya at lumapit.
Tumayo siya at humawak sa railings ng kanyang crib.
"Mommy!" Tawag niya sa akin. Kaya dali-dali ko siyang kinarga. Nanggigil talaga ako sa kanya. Super cute!
"No baby, I'm not your mommy. Pero sure ako, kasing ganda ko ang mommy mo." Natatawa kong sabi.
Hinawakan niya ang pisngi ko. Naipikit ko ang aking mata. Para akong kinomfort ng haplos niya.
"Halika na baby punta na tayo sa baba, kailangan mo ng kumain, yehey!" Panggaganyak ko sa kanya.
She clap her hand gleefully.
Kung magkakaanak ako sana ganito ka-cute. Sabi ko sa sarili ko habang tinitignan si baby Kianna.
Pakarating namin sa kitchen.
"Baby let's wash your hands first before you eat ha." Hinugasan ko na ang kamay niya.
"Wash...wash," kanta ni Kianna.
"Yes baby wash, para malinis ang kamay."
Linagay ko siya sa highchair niya at kinuha ang steamed vegetables na niluto ni Shiela. Katulong din siya rito, siya iyong tagaluto at tagalinis ng bahay. Nakita ko siya kanina pagkatapos kong magligpit sa kwarto ko.
Nilagay ko ang mga gulay sa maliit niyang plato at nilagay sa harap niya kasama ang spoon niya.
Nakita kong umiling siya.
"No!" she shouted.
"Bakit baby? Masarap ito at saka masustansya," masigla kong ganyak sa kanya habang sinusubuan siya.
"No!" she shouted again.
Hayy paano ba ito? Anong gagawin ko para mapakain ko siya?
May naisip ako!
Ini-slice ko ang sayote ng dalawang bilog saka linagay ko ang karrots para magmukhang ilong tapos may nakita akong saging sa counter table kaya kumuha ako ng isa at ginawa kong bibig. Ayan tapos na!
"Hey baby, look at this. This is a face. May eyes, nose and mouth. Eat ka na!" masigla kong sabi.
She clap her hands. At nagsimula na siyang kumain. Pagkaubos niya ay nilagyan ko siya ng cereals sa plato niya at naubos niya rin iyon.
Kukuha na sana ako ng tubig nang makitang naroon pala si Shiela at saka si ate Amalia sa hamba ng kusina.
"Hi sa inyong dalawa!" masaya kong bati.
Tinaasan lang ako ng kilay ni Ate Amalia at saka umalis. Si Shiela naman ngumiti sa akin.
"Alam mo hindi ganyan si Kianna sa mga nakaraang yaya niya," si Shiela.
"Talaga? Bakit? Okay naman siya ah. Malambing na bata," paliwanag ko habang pinapainom ng tubig si Kianna.
"Hindi siya napapakain ng gulay o prutas. Ang galing mo magpaamo sa bata, tingnan mo napaubos mo iyong niluto ko," mahaba niyang sabi.
"At saka alam mo ang ganda mo, ano nga ulit pangalan mo?" puri niya sa akin.
"Krista ang pangalan ko. Naku! 'Wag mo naman akong biruin ng ganyan Shiela. Bibigyan kita ng limang piso niyan," biro ko pa, sabay lagay ng buhok ko papunta sa likod ng tenga. Nag-pabebe kumbaga.
Nagtawanan kaming dalawa.
"Totoo naman talaga! Asan na ang limang piso ko, ibibili ko ng gluta para gumanda rin ako," sabi pa niya.
"Naku hindi na kailangan, maganda ka na eh," ani ko.
"Salamat ha! Pangalawa ka sa nagsabing maganda ako. Si nanay at saka ikaw. Simula ngayon best friend na kita Krista ha?" nakangiti niyang sabi.
"Sige ba. Pero bakit naman? Siguro mga bulag sila noh at hindi nila makita ang kagandahan mo?" Sa katunayan maganda rin si Shiela, hindi siya kaputian pero makinis ang balat at may maamong mukha.
"Tama ka diyan Best!" pagsang-ayon niya. Nagtawan lang kaming dalawa.
JANDRO
Amalia told me that the new yaya was in the house. I fired so many yaya for my little princess, because all of them are attractive to me. Gustong-gusto nilang inaakit ako pero I don't like them. They are trash, a gold digger like the mother of my princess. Oh damn! I don't want to remember that bullshit!
It's seven o'clock . So I decided to go home early.
Pagkarating ko sa tapat ng bahay ay bumukas agad ang gate. Kasi automatic ang gate ng bahay ko. Pero kapag kotse ko lang saka iyon bumubukas, there's a CCTV installed, thats why.
Pagkapasok ko, wala si Manong Anton, ang guard namin.
Hindi ba siya pumasok? Pero walang pasabi. I thought.
Pagkababa ko ng kotse. Naglakad na ako papasok. Nakita kong nasa pinto ng bahay si Mang Anton, nasa singkwenta na siya.
Ano kayang ginagawa niya? Parang ang saya-saya ng pinapanood niya basi sa nakikita ko.
"Mang Anton," tawag ko sa kanya.
Nakita ko ang gulat sa mukha niya ng lumingon siya sa akin.
"Sir, ikaw po pala, good evening po! Pasensya na po. Babalik na po ako sa gate." Nakayoko niyang sabi.
"Ano hong tinitignan niyo diyan?" sumilip ako, then I saw my princess dancing with her...beautiful yaya.
Napatigil ako sandali at tinitigan silang dalawa. Nanood sila ng nursery Rhymes at sinasabayan ang kanta at sayaw.
"Old mc Donald had a farm E I E I O!" They sang happily. While my baby is dancing and singing too.
Pati ang yaya ay parang ang sarap tingnan. Nakakadala ang mga ngiti niya sa ginagawa niya. Naramdaman ko na lang na ngumiti ako.
Pinilig ko ang aking ulo. Tsss! Ano bang iniisip ko? Protesta ng isip ko.
Pare-pareho lang naman silang mga basura! Kaya binalingan ko si Manong Anton.
"Sandali lang ho Mang Anton!" tawag ko, kaya lumapit siya sa'kin.
"Dahil lang sa nakita niyong sumasayaw iyong bagong yaya ni Kianna, iniwan niyo na ang gate?" inis kong sabi.
"Pasensya na ho kayo sir." Nakayoko niyang paumanhin.
"Sa susunod ayoko na pong maulit ito, paano na lang kong may pumasok ng hindi niyo namamalayan?" nagpipigil sa inis kong sabi.
Hindi na siya umimik.
"Sige na, bumalik na po kayo roon." At naglakad na siya papuntang gate.
Pumasok na ako sa loob. Ganoon pa rin ang dalawa.
I cleared my throat to get their attention.
Lumingon sa'kin ang dalawa. Kianna ran towards me. I lowered down to kiss the cheek of my princess.
"Daddy!" she called me and hug me with her little arm. Nawawala ang pagod ko dahil sa kanya.
I looked up. Then I saw her new yaya smiling at me.
"Mommy!" she said pointing her yaya.
Tsk! Pati bata, tinuruan niya agad na tawagin siyang mommy. Ilusyunada!
"No baby, I'm your yaya," paliwanag niya kay Kianna na nakangiti.
Binaling niya ang tingin sa akin.
"Good evening sir!" masayang anito at lumapit sa akin. "Ako po si Krista sir, ang bagong yaya ni Kianna."
"I know. I will talk to you later," I said coldly, binigay ko sa kanya si Kianna. Then I kiss my princess before I go upstairs.