Browse stories

Long Lost

Language: fil

Maude and Rix were sent to the orphanage because their parents can't no longer feed them due to severe poverty. The two aren't biological siblings, but they love each other so much. They even promised to grow up together and raise their parents out of poverty. An incident occured in orphanage and it was burned down. When Maude was about to leave, she saw her brother who was almost surrounded by fire. She wanted to rescue him but there was no were she could go to save him, so she immediately went outside to ask for help. Maude told the mother about her brother, and the mother promised…

Available chapters

  1. Chapter 1
  2. Chapter 2
  3. Chapter 3

Chapter 1

“Ate! Tulungan mo ako!”


“Rix!”


“Ate! Please! Tulungan mo ako!”


“N...Natatakot ako, Bunso! Wala akong madadaanan! H...Hihingi ako ng tulong sa labas! Hintayin mo kami, okay? Basta, hintayin mo kami!”


“Mother! Please! Tulungan po ninyo ang kapatid ko sa loob! Iligtas po ninyo siya! Please po, Mother!”


“Huwag kang mag-alala, Maude. Maliligtas ang kapatid mo. Tutulungan siya ng mga bumbero. Pangako. Huwag ka nang umiyak.”


“Sir! May bata pa po sa loob! Tulungan ninyo siya!”


“Nabalot na ng apoy ang orphanage! Delikado na ang pumasok doon! Wala nang madadaanan!”


“P...Pero nasa loob pa po ang kapatid ko! Please po! Tulungan po ninyo siya!”


“Pasensya ka na talaga, Hija.”



____



“Labin-limang taon na pala ang lumipas,” bulong ni Maude sa hangin habang nakatitig sa malaking building ng kumpanya na puno ng bagong sasakyan sa loob. 


Ang lugar na ito ang pinagtayuan ng nasunog na orphanage na kinaroroonan nila Maude noon labinlimang taon na ang nakalipas. Pagkatapos kasi ng insidente ay may nagpatayo na ng building kaya bagong-bago na ang hitsura ng lugar. Gayunpaman, sariwa parin sa isip ni Maude na ang lugar na ito ang siyang dating kinaroroonan ng orphanage kaya tuwing napapadaan siya dito ay hindi niya maiwasang maalala ang malagim na nangyari sa nakaraan.


Sa nasunog na orphanage na ‘yon dinala sina Maude at ng kanyang kapatid na si Rix. Hirap na kasi ang magulang nila noon na buhayin pa sila kaya naisipan nilang dalhin na lamang ang magkapatid sa orphanage at kukuhanin na lang sakaling umayos na ang buhay nila ngunit gano’n naman ang nangyari sa bahay-ampunan.


Bumigat ang dibdib ni Maude dahil naalala na naman nito ang nangyari sa nakaraan. Ang kasalanang hindi niya naman intensyong gawin kaya gayon na lang ang inis niya sa sarili at kahit labinlimang taon na ang nakalipas ay hindi niya parin mapatawad ang sarili. 


Yumuko ito dahil hindi na nakayanan pa ng mga mata niya na tiisin ang mga luhang namumuo kaya tumulo na ang mga ito. 


Tumatakbo sa kanyang isipan ang mga pangyayari noon. Kung paano magmakaawa sa kanya ang nakakaawang kapatid na iligtas siya sa sunog ngunit iniwan niya lamang iyon dahil sa takot. 


Hindi naman iyon ang intensyon ni Maude. Balak niya lang humingi ng tulong sa labas ngunit ang nangyari ay pati ang mga bumbero ay naduwag nang sumugod sa apoy upang iligtas ang kapatid niya. 


Puno ng pagsisisi, inis at pighati ang puso ng dalaga. Kung hindi niya sana iniwan si Rix at gumawa siya ng paraan upang matulungan ito, sana ay buhay pa ang kapatid niya ngayon. Sana kasama niya iyon at sana hindi galit ang mga magulang niya sa kanya ngayon.


Hindi man tunay na kapatid  ni Maude si Rix ay mahal na mahal niya iyon kaso nabigo siya dahil hindi niya man lang siya nagawang iligtas. 


Napahawak ito ng madiin sa dibdib dahil sa matinding lumbay ngunit agad ding napahinto nang biglang tumunog ang kanyang cellphone na nakalagay sa bulsa ng pink jacket niya. Kinuha niya iyon at mabilis na sinagot ang tawag.


“Hello Mr. Flores?” Pinunas niya ang mga luha at inayos ang sarili.


“Ayoko sanang sabihin ito sa’yo, Maude, pero pasensya na. Wala na pala silang bakante sa kumpanya.” Nahimigan ni Maude ang awa sa boses ng matanda. Kahit pa hindi siya kita ni Maude ay ramdam niya ang pagsimangot nito sa kabilang linya.


Humugot na lang ng malalim na hininga ang dalaga. Umasa na naman ito. Akala niya ay magkakaroon na siya ng trabaho. Tila sigurado pa naman noon si Mr. Flores nang sabihin niya kay Maude ang tungkol sa bakanteng trabaho pero wala na naman pala.


Isang mapait na ngiti ang nabuo sa kanyang labi bago siya tumingin sa kawalan. “Ayos lang po. Maraming salamat po.”


“Makakahanap ka rin, Hija. Huwag ka lang mawalan ng pag-asa. Goodluck!” pagpapagaan ng matanda sa damdamin ni Maude.


“Opo. Maraming salamat po ulit.” Pinutol na nito ang tawag. Nakasimangot parin ang dalaga na ibinulsa ang selpon pati ang kamay sa bulsa ng hoodie jacket niya, pagkatapos ay muling tinignan ang malaking building bago malaya nang naglakad.


Umaga pa lang kasi at dahil sa hinihintay nito ang tawag ni Mr. Flores ay naisipan niya munang mag-jogging ngunit sa dating lugar ng orphanage naman siya dinala ng mga paa.


Minsan talaga ay nagsasawa na siya sa buhay na meron siya. Tinatanong ang sarili kung bakit lagi na lang siyang pinaglalaruan ng tadhana at tila pinarurusahan. Bakit lagi na lang siya ang natitipuhan na paglaruan? Hirap na hirap na ito pero walang magawa kun‘di ang magpatuloy para sa kanilang pangako ni Rix. Ang bigyan ng magandang buhay ang magulang nila. Ngunit dahil matagal nang wala ang kapatid niya ay siya na lamang ang tutupad no’n. Kahit sa gano’n man lang ay matuwa na sa kanya ang mga magulang niya.


“Hindi pwedeng habang buhay akong ganito. Kailangan kong tuparin ang pangako namin ni Rix nang sa gayon ay makabawi naman ako kahit kaunti,” positibo nitong bilin sa sarili saka ikinuyom ang kanang palad at siniko pababa ang hangin. Afterwards, she let out a deep sigh.


Ilang kumpanya na kasi ang sinubukan niyang pasukan ngunit lahat sa kanila ay hindi siya pasado. Nakapagtapos naman siya ng kolehiyo pero laking pagtataka niya kung bakit hindi siya natatanggap. Totoo ngang hindi lahat ng taong nakakapagtapos sa kolehiyo ay may magandang buhay. Kaya tuloy minsan napapaisip ito sa sarili, bakit pa kailangang mag-aral ng kolehiyo kung mas maganda pa ang buhay ng mga hindi nakapagtapos kaysa sa kanya?


Isang tunog mula sa cellphone niya ang nagpahinto sa kanyang paglalakad. Mabilis niya itong hinugot sa bulsa at sinagot.


“Hoy, Monde! ‘Di ba naghahanap ka ng trabaho? May sasabihin ako!” Halos mabingi na si Maude sa lakas ng sigaw ni Sarah, ang matalik niyang kaibigan mula pa lamang kolehiyo siya na ngayon ay kasama niya sa isang apartment.


“Maude nga, hindi Monde. Ano ako mamon? Sabihin mo na agad! Dali!” paghahamong sigaw ni Maude upang mabingi rin ang kaibigan.


“Meet me at the coffee shop near the company. ASAP!” Pinatay na ni Sarah ang tawag. 


Napangiwi si Maude sa biglang pagpatay ng kaibigan sa tawag. Napaisip tuloy ito kung ano na naman ba ang balak sabihin sa kanya ng kaibigan at bakit gano’n na lang ang pagmamadali niyang papuntahin si Maude.


Gayunpaman, agad nang nagpatuloy sa paglalakad ang dalaga upang mabilis itong makarating. Medyo malayo pa kasi ang coffee shop sa kinaroroonan niya pero pwede namang lakarin kahit papaano.



“OH ANO? Sabihin mo na,” pagmamadali nitong utos kay Sarah sabay upo sa bakanteng upuan sa harap ng kaibigan nang makarating ito sa coffee shop. 


Sarah is busy reading on her tablet habang ang mukha niya ay natatakpan ng kanyang hindi gaanong makapal na bangs. Hanggang balikat ang buhok nito at nakasuot din ito ng headband na kulay murang kayumanggi na siyang nakadagdag sa ganda niya.


She is a Assistant Controller at Accounting and Credits Department in RF Hotel, ang isa sa pinakasikat na 5-star hotel sa Pilipinas na maraming hotel branches at resorts sa iba’t-ibang parte ng bansa, kaya obviously she’s wearing a corporate attire which is black long sleeve turtleneck paired with gray knee-length pencil skirt. Suot niya rin ang kanyang identity card na nakadagdag pa lalo sa pagiging pormal niya.


Nang mapansin na niya si Maude ay agad niya itong sinipat. “Seriously? You came here wearing that jogging pants and jacket?”


Tumango si Maude. “Mm. Bakit, masama ba?” 


“Hindi naman sa masama but look, you’re the only one who has an outfit like that here.” Sarah gestured her hands towards the customers. Tinignan naman ni Maude ang mga iyon at tama nga ang kaibigan. Siya lang ang nakasuot ng gano’n doon. Nakaayos ang lahat samantalang siya, ni hindi pa nakakaligo. 


“Ano ngayon? At least may suot. Nakapasok naman ako dito sa coffee so hindi naman siguro bawal ang ganitong suot dito,” pagdadahilan nito saka ngumiwi. “Anyways, sabihin mo na. Nag-effort pa akong pumunta dito, ha.”


“Okay, ito na.” Inayos ni Sarah ang upo saka seryosong tumingin kay Maude. “Our CEO is looking for a new employee at HR Department. There will be a job interview tomorrow, and you must to come if you want a job. Ten o’clock in the morning. Dapat mas agahan mo pa kasi limited lang daw ang kukuhaning applicants,” paliwanag nito habang seryoso ang mukha. “And also, bring your resume.”


“Sigurado ka ba?” Duda man ay bakas naman ang tuwa sa mukha ni Maude. 


“Do I look like joking? Bakit ko sasayangin ang oras ko na pumunta dito just to kid you?” Tinaasan siya ng kilay ni Sarah. Para talagang propesyonal kung umasta ang kaibigan niya na siyang minsan kinaiinggitan ni Maude.


“Oo na. Sige na. Salamat, Sarah!” masaya nitong wika.


“No problem, Monde. See you tomorrow, goodluck!” Tumayo na ang kaibigan saka nagpaalam kay Maude. Pagkatapos ay malaya na itong umalis ng coffee shop. 


Hindi mapawi ang ngiti ni Maude habang nakatingin sa malaking kumpanya sa labas. She even squealed lightly so when she realized what she just did, she awkwardly roamed her eyes around the coffee shop. Baka lang may nakarinig sa kanya at isiping nababaliw siya. 



Nang makitang wala naman ay tumayo na siya at mabilis nang umalis sa kinauupuan. She was about to reach the doorway when she remembered the Latte which her bestie ordered for her na hindi niya pa nababawasan kahit kaunti kaya bumalik siya sa table upang kuhain ulit iyon. Sayang naman. Sabi pa naman nila na mas masarap ang libre kaysa binili mo gamit ang sariling pera. Isa pa, naisip niyang ang mahal ng kapeng iyon at wala sila sa drama upang gawin props lang ang gano’n.


Pagkalabas nito sa coffee shop ay agad na tumambad ang malaking hotel sa paningin ni Madeline. Sa kabilang kalsada man iyon ay kita parin naman niya ang mga taxi na humihinto sa labas at kalaunan ay may lumalabas namang tao at pumapasok sa loob. Perhaps a guest.


Muling bumuo ang malapad na ngiti ni Maude saka parang baliw na tinitigan ang kumpanya. “Magta-trabaho rin ako dito, soon!” she whispered.

Chapter 2

“ARE you sure you want to be one of the interviewers in hiring a new employee?” Rafael, ang kanyang secretary ay nakasunod sa kanya habang papunta sila ng interview room. 


Ngayon kasi ang interview for the hotel resources applicants sa RF Hotel kaya patungo ngayon si Raddix, ang CEO ng kumpanya sa ikalabing-anim na palapag kung nasaan ang interview room.


“Why? Do I look unsure?” seryosong tanong ni Raddix, diretso ang tingin sa daan habang inaayos ang manggas ng black blazer.


Napatikhim si Rafael dahil sa pabalik na tanong ng CEO. “I just want to clarify kung sigurado ka na talaga.” 


“What kind of answer is that? Of course, who the heck is not sure about this kind of event? Besides, I want to find a consistent employee. A person who isn’t just great at first. Lahat kasi ng nakuha ninyo last year ay walang kuwenta,” he replied straightforwardly. His voice is deep as usual.


“I see.” Rafael nodded. “But make sure na aayusin mo ang attitude mo doon,” muling bilin ng secretary.


Bahagyang napahinto si Raddix saka nagsalubong ang kilay at seryosong tinignan ang secretary. “Are you commanding me?”


“No. I’m just reminding you, Sir,” kalmadong sagot ng sekretaryo.


Workaholic, arrogant, mataas ang standards, short-tempered at strikto. That’s what the employees coded their CEO, Raddix Fajardo. They might hate him for what he is but he doesn’t give a hoot about it. He just want to do what he thinks the best for the company. And he said, if they hate him for being strict or whatsoever they coded him, they are free to hand their resignation letter. It would be a pleasure for him than accidentally hearing the murmur about him.


Inirapan nito ang sekretaryo saka nagpatuloy na ulit sa paglalakad. “I know what I’m doing. You don’t need to always remind me. Besides, I’m your boss and you’re just my employee.” 


“I know but it’s also my job to remind you  and that’s what your father ordered me to do,” paliwanag ni Rafael.


“So sino ba ang boss mo sa aming dalawa?”


“Ikaw but he is your father so I sh—” Rafael was cut off.


“Then, remain silent and just speak when I told you to do so,” seryosong sambit ng CEO.


Tumango ang secretary at hindi na muling nagsalita pa. Nasanay na ito sa ugali ng kanyang boss dahil tatlong taon na rin siyang nagta-trabaho dito. Though, anim na taon siyang nagtatrabaho sa kumpanya kasi siya rin ang secretary ng daddy ni Raddix noon.


And when Raddix turned twenty, nag-resign na ang kanyang daddy kaya siya naman ang pumalit na CEO. 


Walang balak ang daddy niya na humanap pa ng bagong secretary at gano’n din si Raddix. It will be just a waste of time. Mas mabuti nang si Rafael na lang din ang maging secretary niya dahil matagal na iyong nagta-trabaho sa kumpanya at bihasa na.


Additionally, Raddix studied college in New York with a business course kaya bihasa na ito at kaya nang magpatakbo ng kumpanya at his young age. 


“Huwag mo naman akong hilain. Saglit lang. Hindi ako masyadong makalakad!”


Muling napahinto si Raddix sa paglalakad sa narinig. Halos mabunggo pa siya ng kanyang secretary dahil sa bigla nitong paghinto.


“What’s the matter?” Rafael asked, puckering his brows due to confusion.


“Did you heard that?” Inilibot ni Raddix ang paningin sa buong corridor, hinihanap ang nagsalita.


“Ang alin?” Nagtatakang tanong ni Rafa.


“The woman who spoke,” tipid nitong sagot, still looking around. The voice he heard seemed familiar to him.


“Ah, that two girls who turned at the left corner?” Bahagyang itinaas ni Rafael ang kilay.


“What are they wearing?” Tila wala sa sariling tanong ni Raddix.


“I don’t know. Pero base sa kilos nila na nagmamadali, sa tingin ko ay applicants din sila.” Rafael shrugged. “Bakit ba?”


Napasinghap si Raddix saka umiling. “Nevermind. Let’s hurry.”


Naglakad na sila ulit at lumiko rin sa kaliwang daan para sumakay ng elevator.


As they arrived at 16th floor kung saan naroon ang interview room, lahat ng employees na nadadaanan nila ay bumabati ng good morning sa kanila. Of course, who wouldn’t be? He is the CEO.


Nang makita naman ng mga applicants si Raddix at ang secretary nito, inayos rin nila ang kanilang sarili saka bumati rin. “Good morning, Sir.” sabay-sabay sila.


As usual, Raddix just ignored them. He even rolled his eyes at them.


May ibang aplikante na palihim na sumimangot dahil sa inasta ng CEO. Ang iba naman ay tila humanga pa sa pinakita nitong kasungitan.


Without further ado, he immediately entered the interview room with his secretary and at the moment he sat down on the chair provided for him, he immediately loosened his necktie. Kaunti nga ang pasensya nito. Sa ilang minuto lang na paglalakad nila papuntang interview room, tila frustrated na siya sa hitsura kaya agad na pinaluwag ang necktie.


“Ano bang ginagawa mo? You should face the applicants with fixed necktie,” pangangaral ng secretary niya na nakatayo sa likod niya. Nagmumukha tuloy iyong body guard.


Hindi iyon pinansin ni Raddix sa halip ay agad na kinuha ang tatlong resumé saka binuklat ang mga iyon upang makapagsimula na sila. 


“I think this interview will be a waste of time again. I don’t think I can find a consistent employee to them,” he said, flipping through the pages of the three applicants’ resumé. 


He is indeed choosy when it comes to hiring an employees. Well, sino ba namang CEO ang hindi? Ang gusto lang naman nila ay ang kapakanan ng kumpanya therefore, the employees must be consistent and responsible. 


Habang tinitignan niya ang mga resumé ng tatlong aplikante ay bigla itong napahinto sa isa.


Maude Reine Valera. Napakunot-noo ito at nanatiling nakatitig sa papel. His eyes hardened and narrowed into slit as he stared intensely at the resumé. “So she’s here?” tanong nito sa sarili. 


Narinig iyon ng secretary niya kaya ikiniling nito kaunti ang ulo upang tignan din ang papel na kanina pa tinititigan ni Raddix. “Ang alin, Sir? Sinong nandito?” tsismoso nitong tanong pero hindi umimik ang boss.


Muling nagsalita si Rafael, “Sir? Hindi pa ba tayo magsisimula? I think staring at that resumé is time consuming. As what you said, ayaw mo nang nasasayang ang oras mo. Is there something wrong with her resumé?” mahaba nitong litanya saka nagtanong pero as expected, the CEO just ignored him. 


Walang ibang pagpipilian ang sekretaryo kun‘di ang tapikin ang balikat ng CEO. Nagtataka na rin kasi ang ibang interviewer kung bakit kanina pa siya nakatitig sa resumé.


“Sir,” muling usal ni Rafael pagkatapik ng balikat ni Raddix. He finally regained his sense after that.


He let out a deep sigh before he found a chance to speak, “Let’s start. Call the first three applicants now.”


Agad na sumilip sa labas si Ms. Javier at tinawag ang tatlo. Naghanda na rin ang dalawang kasama ng CEO which is the HR Manager and the Hiring Manager. Afterwards, the door slowly opened and the three applicants entered. 


As soon as Raddix lifted up his head to look at them, napahinto ito nang makita si Maude. Sinipat niya iyon mula ulo hanggang paa saka napangisi saktong tumingin din sa kanya ang dalaga.


“Tsk, pathetic,” he whispered sneeringly.

Chapter 3

AGAD na tumambad sa paningin ni Maude ang CEO na nakaupo sa pagitan ng dalawang employee. Napakaseryoso ng mukha nito na nakatingin sa resumé nila. 


Hindi rin maayos ang necktie at tanggal din ang isang butones sa collar ng damit niya. Inisip ng dalaga na pagiging walang respeto ang hitsura ng CEO. Tama bang gan’yan ang hitsura niya na haharap sa mga aplikante?


Marahang iniangat ng CEO ang kanyang ulo upang tignan sila Maude. Nang magtama ang mga mata ng dalawa ay bigla nalang kinabahan ang dalaga lalo sa pagngisi nito. What’s with him? Anong meron kay Maude at bakit bigla nalang itong ngumisi? 


Mabilis na napatingin si Maude sa sarili upang tignan kung anong meron sa kanya at bakit gano’n ang reaksyon ng CEO. Nang mapansin niyang wala namang mali sa kanya ay ibinalik ulit nito ang tingin kay Raddix.


Her heart rate suddenly increased at the moment their eyes met at the second time. Hindi alam ni Maude kung bakit bigla na lang pumasok sa isip niya ang kapatid na si Rix.


Kalaunan ay nagising ulit ang guiltiness sa puso niya dahil nang maalala nito ang kapatid ay bigla niya ring naalala ang kanyang mga kasalanan.


“Aren’t you going to sit, Ms. Valera?” Her thoughts suddenly broke when the CEO speak. Nakangisi parin itong nakatingin sa dalaga.


“Pasensya na po,” she apologized bago malayang naglakad patungo sa bakanteng upuan kung saan sa tapat ng CEO.


Using her peripherals ay napansin ni Maude na nakatingin parin ito sa kanya. Hindi kasi siya komportable kapag may mga nakatingin sa kanya habang ginagawa niya ang isang bagay. 


“Ms. Javier, remind those applicants outside not to waste their time standing and staring at me after entering this room,” utos ni Raddix kay Ms. Javier pero ang mga mata ay nakatutok parin kay Maude na nagpupunas sa upuan bago umupo na siyang mas lalong ikinangisi ni Raddix.


Biglang napalunok ang dalaga nang maisip ang ibig-sabihin ng CEO. Hindi niya naman siya tinitigan nang dahil sa gwapo ito. It is true that he is attractive pero nakatingin lang si Maude sa kanya dahil sa naalala niya ang kanyang kapatid.


“May pagkamayabang din pala ang isang ito,” she inwardly said to herself. “Kung hindi ko lang kailangan ng trabaho, lalabas na talaga ako dito,” she added.


“Okay so, I’ll be the first one to ask questions.” Tumingin saglit sa resumé ang CEO para narin siguro tignan kung sino ang una niyang tatanungin.


“I will ask you first, Ms. Torres.” Ibinaling ng CEO ang tingin sa babaeng siguro ay nasa early-30s na nasa kanan ni Maude. Tumango naman iyon.


“What do you know about us?” tanong ni Raddix, diretsong nakatingin sa mata ng aplikante.


Sandaling natahimik si Ms. Torres upang mag-isip na rin siguro ng isasagot. Ang karaniwang unang tinatanong kasi ay ‘tell me about yourself’ pero iba ang sa CEO. 


Nang makapag-isip na si Ms. Torres ay nagsimula na rin itong magsalita. 


Namangha si Maude sa sagot nito, gano’n din ang ibang nasa loob. Except the CEO. Wala iyong reaksyon. Ni pagtango man lamang. 


Pinagpatuloy na ni Raddix ang pagtatanong hanggang sa matapos si Ms. Torres. Kapagkuwa’y ibinaling na niya ang tingin sa lalaking nasa kaliwa ni Maude at ito naman ang sunod niyang tinanong. Tulad ng unang tanong niya kay Ms. Torres, iyon din ang tinanong niya sa lalaki. 


Kung gaano naman kahanga si Maude kay Ms. Torres ay mas humanga pa ito sa lalaking nasa kaliwa niya. Dire-diretso ito kung magsalita. Tila bihasang-bihasa na. Iniisip ni Maude na malamang ay pasado na iyon.


Dahil sa galing ng kanyang mga kasama ay naisip niyang malabong matanggap na siya. Wala pa itong experiences dahil nang makapagtapos siya sa college, wala pa itong napapasukang trabaho. Sinubukan niya namang mag-apply sa iba’t-ibang kumpanya pero hindi siya natatanggap dahil wala pa raw siyang experience.


Pero gano’n pa man ay hindi nito naisip na umatras. Why not try? Wala namang imposible. She has this notion na ‘may kanya-kanyang plano para sa atin’.


Her heart rate increased even more when the CEO finally diverted his gaze at her. Sa tingin niya ay siya naman ngayon ang tatanungin.


“So, Ms. Maude Reine Valera. . .” Raddix muttered. He brought his hands together on the table, forming a hand steeple with his long fingers, looking at her intently.


“Yes, sir?” Maude gulped.


“Why should we hire you?” diretsong tanong ng CEO. Nahimigan ni Maude ang pagka-sarkastiko sa boses nito at inisip niyang animo’y tinatanong siya kung bakit siya kukuhanin gayong wala pa siyang experience. She is indeed advance mag-isip.


Napakunot-noo si Maude sa tanong nito. Parehas ang unang tanong niya sa dalawa pero sa kanya ay iba?


Pero kahit na gano’n ay humugot na lang ito ng malalim na hininga bago sumagot, “I’ve only recently started my career so I can’t give you any prove or explanation that strongly encourage you to hire me, but I can promise you that if I get into this job, I will be very loyal and dedicated to my work. I will always try my best in doing my job and to make good relationship with my co-workers,” positibong sagot niya.


Napasinghap nang madiin ang CEO. Pati sa pagsinghap niya ay may bahid parin ng pagka-sarkastiko. “I already heard those phrases. People tend to promise but do nothing. They always say they’ll do their best, but they’ve never proven it. Do you think you will pass just by saying you promise and you’ll do your best?”


“Sir, people are not all the same. I’ll show you once I’m hired.” Puno ng tapang na sagot ni Maude. Sa ganitong sitwasyon talaga ay kailangan niyang maging confident despite the butterflies that keep on playing in her stomach.


Napangisi ang CEO. “You don’t have any experiences, so how can I assure that you can do your jobs well?” 


“I had an on-the-job training when I was still in college but I know that experience wasn’t enough. Though, people have the power to learn. Therefore, I can learn the job that’ll be given to me since I’m also flexible, sir.” Maude smiled warmly kahit na kabado ito. Sa totoo lang, ilang beses niya nang sinagot ‘yan sa nagdaang interviews niya kaya kabisadong-kabisado niya na. Unfortunately, hindi siya nakapasa. Sana lang ay palarin siya ngayon.


“So how do you think would your professor described you before?”


“They always say I am ambitious and versatile. Ambitious, since they said that I have a determination in achieving something and, versatile, since I can quickly adjust to different situation.” Kahit man nanginginig ang mga kamay niya ay nasagot niya parin naman nang maayos at diretso ang mga tanong ng CEO. 


“Okay.” Tumango si Raddix. He then tilted his head a bit. “So do you have something to say to me?” His eyes suddenly warped into a miserable black as he glowered at her. 


Nanlaki ang mata ni Maude. Hindi naunawaan ang sinabi ng CEO. “P...Po?”


“I mean questions.”


“Ah..Uhmm...” Biglang nablangko si Maude. Dahil do’n ay inagaw na ng kaba niya ang pagkakataon na higupin ang buo niyang sistema kaya hindi na siya nakapag-isip ng maayos na tanong. “D...Did I p...passed the interview?”


She immediately slapped herself mentally after realizing what she’d just asked. Seriously? Asking the CEO if she passed the interview? Hindi naman masama ang tinanong niya pero medyo hindi lang ito appropriate sa iba.


“Gosh! Maude, what did you just asked?” tanong nito sa sarili gamit lang ang isip sabay kagat ng pang-ibabang labi.


The CEO suddenly sniggered and shook his head. “ Seriously? Do you want me to tell you the result right now?” Walang alinlangang tumango si Madeline.


“You didn’t passed the interview,” Raddix said straightforwardly in a deadpan manner. Nanlaki ang mata ng dalawang katabi ni Raddix as well as the two applicants na kasama ni Maude.


Naestatwa naman ang dalaga sa sagot nito. Is he joking? No, hes not. Masyadong seryoso ang CEO upang magbiro.


“Are you shocked?” muli nitong tanong sa dalaga.


“H...Hindi masyado, Sir. Medyo sanay na ako, e. Pero pwede ko po bang matanong kung bakit hindi?” Pinilit ni Maude na ngumiti kaunti kahit sa loob nito ay naiiyak na siya. Oo, sanay na nga siyang ma-reject pero hindi ibig sabihin no’n ay hindi na siya masasaktan kung malamang hindi siya pasado. 


“What if I say, I didn’t like your answers? It’s too cliché. I bet you also used them in your past interviews, am I right?” Tinaasan ni Raddix ng kilay si Maude.


“A...Ah, gano’n po ba. Sige po. Salamat,” Maude said, her voice is already cracking. Napagtanto nitong ayun pala siguro ang dahilan kung bakit hindi siya nakakapasa. Hindi lang dahil wala siyang experience kun’di cliché ang mga sagot niya.


“So, wala ka na bang tatanungin?” muling tanong ni Raddix. Umiling naman si Maude. “Then you can all get out of my sight now. The company will just call you if you passed or not.” Inalis na ni Raddix ang tingin sa kanila at saka nito kinuha ang resumé ng susunod na tatlo.


Kagat-labing lumabas si Madeline sa interview room. She’s restraining herself to cry. She did her best to answer all the questions while keeping herself calm kahit pa cliché ang mga iyon like what the CEO said, pero ang ending ay hindi parin siya tanggap. Maybe that’s her fate. 


“Okay lang ‘yan, Maude. You can still find a job. Fighting!” Ms. Torres gently tapped her shoulder, cheering her up.


“Mm. Thank you po.” A fake smile plastered on her face as she nodded.


“Maybe this job isn’t for me,” she mentally said to her self.