Browse stories

Her Sweet Vengeance

Language: fil

Meet Laureign Lafitte,a very kind,sweet, lovely and innocent women who's seeking for her sweet vengeance to those people who betrayed and hurt her physically and emotionally.

Available chapters

  1. Chapter 1
  2. Chapter 2
  3. Chapter 3

Chapter 1

Malakas na sampal ang natanggap ko galing sa aking ama. Napa hawak nalang ako sa aking pisngi na sigurado akong sobrang pula na at namamaga.

“I already told you to date with Vincent!” galit na galit niyang sigaw sa akin. “You're so fucking stubborn Laureign! Ito na nga lang ang ma i a-ambag mo sa pamilya natin hindi mo pa magawa ng maayos!”

Nakayuko lamang ako habang umiiyak,nasa sahig ako at nanghihina.

They want me to date and fuck with Vincent! I don't like their idea,I'm not a slut! Vincent is a fucking rich old man that's why they want me to date him...but I won't. This time hindi ko papayagan na kontrolin nila ako,bahala na kung puro masasakit na salita at pambubuhat ng kamay ang aking matanggap ngayong gabi. Sanay naman na ang aking katawan na makatanggap ng ano mang pananakit....even physically or emotionally.

“He's so mad dahil hindi mo siya sinipot! He called me and he said,he will give you another chance to date with him...or else babawiin niya ang mga ni invest niya sa kompanya!” sinabunutan niya ang aking buhok upang matingala at makita kung gaano siya kagalit ngayon. “And mind you... he's a big catch to our company,malaki ang ni-invest niyang pera dahil sayo... because he likes you and he wants you to be his wife!.”

Nasa malaking sofa ang aking tatlong kapatid at puro nakatingin lang sa akin at nakakrus ang mga braso. Si Mommy naman ay galit din ang nakikita ko sa kanyang mga mata.

Tumingin ako pabalik sa aking mga nakakatandang kapatid para mang hingi nang tulong...pero ang nakikita ko sa kanilang mga mata ay puro galit at pagka dismaya. Mapait akong napangiti....sino ba ang aasahan ko kung hindi ang aking sarili. Simula bata palang hindi na nila ako trinatong kapamilya,mabuti pa siguro ang ibang tao na hindi ko kadugo ay nararamdaman ko pa ang pagmamahal at pag mamalasakit nila sa akin.

“Pa,ayoko pong makipag date sa matandang iyon....at ayaw ko ding maging asawa niya! He's so old for me,hindi naman malulugi ang kompanya kahit bawiin niya ang kanyang in-invest na pera—.” matapang kung sagot.

I heard my dad muttered some curses and again...he slap me. Akala ko iyon lang ang gagawin niya,pero kinaladkad niya ako papunta sa labas at pabalyang binitawan. Napa upo ako sa damuhan na may mga maliliit na bato,agad kong naramdaman ang sobrang sakit ng aking pwet dahil sa hindi magandang pagkaka upo ko.

“Useless!” nakapamewang siya ngayon at umiigting pa din ang kanyang panga. “Bakit ko pa ba kita kinupkop kung ganyan lang din naman pala ang isusukli mo sa pag-aalaga,pag papakain at pagpapa aral sayo!” sumbat niya.

Napa angat ang aking tingin sa kanya nang sinabi niyang kinupkop niya lang ako....he's lying,he just want to get rid of me.

“I'm your daughter pa! What are you sayin'?!” galit ko na ding sigaw.

Kahit sobrang sakit na ng aking katawan at gusto ko nang mahimatay ay hindi ko magawa...gusto kung malaman na nagsi sinungaling lamang siya sa akin.

“Pa,just tell her the truth. Total ay papalayasin mo na naman siya,why don't you tell that bitch who she is to our family?.” walang emosyong sabi ni Sofia na ngayon ay umismid sa akin.

“I know what to do Fia,just shut your mouth.” puno nang pag babanta ang kanyang boses.

“As what I've said,napulot ka lang namin ni Esmeralda sa tapat ng aming bahay,you're just 6 months old that time. Esmeralda is such a kind women,so that sinabi niya sa akin na kupkupin ka at alagaan...I can't resist my wife,so I give her what she want. Inalagaan,binihisan,pinalaki at pinag-aral ka namin sa pribadong paaralan....tapos simpleng hiling namin hindi mo maibigay?!” Lumapit siya sa akin at sa sobrang galit niya ay tinandyakan niya ako sa aking tiyan kaya napaigik ako sa sobrang sakit. “Now,get out of my house! I don't want to see your face here again. Akala ko pa naman ay mapapa kinabangan ka namin....sana hindi ka nalang namin kinupkop.” isang tadyak pa at umalis na ito papunta sa loob ng aming mansiyon.

Namimilipit ako sa sobrang sakit ng aking tiyan at ang namamaga kung pisngi. Wala akong paki kung sobrang basa ko na dahil sa malakas na ulan,pinilit kung idilat ang aking mga mata at tinignan silang apat na nakatingin sa akin.

I stared at my mama's eyes. “Ma,please tell me papa is lying. P-Please... I'm y-your daughter,r-right ma?” I asked her,full of hope.

She just stared at me with her cold eyes. “What Renato said earlier is all true. Hindi ka nanggaling sa akin,napulot ka lang namin sa tapat ng bahay. I'm very disappointed at you Reign,you don't deserve our family name.” umalis na ito.

Bumuhos na naman ang panibagong luha sa aking mga mata.

“Alam niyo ang lahat ng 'to,ate?.” I asked my three sisters.

Napaiwas sila nang tingin sa akin. “Yes.”

Sa narinig ay gumuho ang mundo ko...gumuho ang munti kung pag-asa,akala ko ay itatanggi nila iyon...pero hindi.

Sabay nang pag buhos ng malakas na ulan at kidlat ay ang pag lakas ng aking iyak na puno nang galit at pagkamuhi. Nanlulumo man sa mga rebilasyong narinig kanina ay mas nanaig ang umuusbong na galit sa aking puso.

They betrayed and lie to me!

Now i know why they treat me different from my other sisters. Naliwanagan na ako sa lahat,kaya pala kahit anong gawin kung mabuti ay masama pa din ako sa kanilang paningin. Na kahit anong pagsisikap kung maging top sa klase namin just to make them proud ay hindi pa ito enough para sa kanila. Kung may mga family gatherings man ay hindi nila ako isinasama,anila'y mas mabuting manatili nalang ako sa bahay at mag-aral para mas tumaas pa ang aking marka. They treat me like an animal,ako palagi ang nakaka tanggap ng sampal,tadyak o di kaya'y masasakit na salita kapag mainit ang ulo ng aking mga magulang....ako ang pinag bubuntungan nilang lahat.

Kung alam ko lang dati pa na hindi nila ako kadugo...matagal na akong lumayas sa impyerno ito. Ngayon na alam ko na ang lahat ay ang gusto ko lang gawin ay mag higanti at pabagsakin silang lahat.

Pinunasan ko ang aking pisngi at tinignan ang tatlong bruha na nasa aking harapan at natatawa akong tinignan.

“Ito ang tandaan ninyo. Babalikan ko kayo....at sa pag babalik kung iyon,hindi niyo na ako makikilala. Ibang Laureign na ang makikilala niyo,ipina pangako kung magiging matapang ako at hindi na ang dating Laureign na mahina at nagpapa-api. You will taste my sweet vengeance,I promise.” bulong ko,sapat lang na ako ang makarinig.

Pinilit kung tumayo kahit pa-ika ika. Kahit malakas ang ulan ay hindi pa din ako tumigil sa pagla lakad.  Nakalabas na ako sa aming malaking gate at nanghininang lumalakad sa kalsada,hindi ko na alintana kung saan ako dadalhin ng aking mga paa. Ang gusto ko lang ay makaalis na sa impyernong village na ito,ayaw ko nang maalala ang mga masalimuot kung karanasan nuon....ang pag mamaltrato nila sa akin na parang baboy.

Sukong suko na ako sa aking buhay,gusto ko nalang mamatay para mawala na ang sakit na aking nararamdaman sa oras na ito. Sobrang nadurog ako sa mga narinig kanina.

Humihikbi akong lumalakad,tumawid ako at walang paki-alam kung masagasaan man ako. Lakad lang ako nang lakad....hanggang sa naramdaman ko nalang na malakas akong tumilapon at nabagok ang aking ulo.

Idinilat ko ang aking mga matang gusto nang sumara. May naaninag akong lalaking nasa mid-50's na at isang babaeng nasa mid-40's. Linapitan nila ako at natatarantang hinawakan ang aking ulo.

“Oh my! Blood!” napatakip sa kanyang bibig ang babae.

“Calm down honey.” sabi naman ng lalaki,asawa niya siguro. “Just help me to carry her to our car para isugod siya sa ospital!” utos nang lalaki sa kanyang asawa na hanggang ngayon ay nanginginig dahil sa sobrang takot.

Naramdaman ko nalang na binuhat ako hanggang sa binalot ako ng kadiliman.

Chapter 2

Nag mamadali akong bumaba sa aming magarbong hagdan dahil sa sigaw ni mama kanina sa aking kuwarto. Araw ng lunes ngayon at hindi ako pwede mag pa late dahil may exam kami ngayon at nakikisabay lang ako sa aking ate Fhiona,hindi kasi ako marunong mag maneho at kahit gusto ko talagang matuto...hindi nila ako pinapayagan.

“Good morning!.” maligaya kung bati sa kanilang lahat.

Hindi nila ako pinansin at parang wala silang nadinig dahil nagpa tuloy lang sila sa pag kain ng umagahan.

Okay,napahiya ako dun.

Tumikhim si ate Sofia. “I'm done. I gotta go,bye.” at umalis na siya.

Naka upo na ako ngayon at nag sisimula na ding kumain,naka ilang subo palang ako ay tumayo na si ate Fhiona at walang pasabing umalis.

Nag madali agad akong uminom ng tubig at kumaripas nang takbo para makasabay ako kay ate.

“Ate,wait lang!.” tawag ko ngunit hindi niya ako nilingon kahit malakas na ang aking boses.

Naabutan ko din siya at sumakay na sa kanyang mamahaling kotse. Nalanghap ko kaagad ang mabango'ng amoy sa kanyang kotse,pinag halong cherry at mint.

“Ate —”

“Can you please shut your fucking mouth! You're so noisy and loud.” maldita niyang sabi at tyaka ako sinamaan ng tingin. “God! It's still early but you already ruined my day!.”

Napatikom ako sa aking bibig at nanahimik na. Ibinaling ko nalang ang aking tingin sa labas ng bintana.

Kahit sanay na ako na ganito ang trato nila sa akin ay nasasaktan pa din ako. Oo at pamilya ko sila....pero hindi ko talaga nararamdaman ang pagmamahal nila sa akin.

“Now,get out.” malamig niyang utos sabay turo sa labas.

Nandito na kami sa Toussaint International School. Agad naman akong bumaba at isinaradi agad ang pinto ng kotse,pinaharurut niya kaagad ito papuntang parking lot talaga ng school.

Pumasok na ako sa malaking gate ng TIS at binati agad ako ni manong guard.

Malaki at malawak ang TIS,malalaki ang building na nandito. Sa Bandang South ay ang Grade School,bandang West ay ang Highschool, North ay ang sa Senior Highschool at East naman ay ang College Department. May iba't ibang building din ito kagaya ng Engineering Department, Architecture Department at iba pa.

Pumunta na ako sa West side dahil nandoon ang aking classroom. I'm a Grade 10 highschool student at napa bilang ako sa Special Class dahil sa aking anking talino.

Lakad lang ako nang lakad ng may biglang bumunggo sa akin at natapon ang aking dalang mga libro.

“Hala,pa-pasensiya na.” pag hingi ko ng tawad kahit hindi naman ako ang may kasalanan.

Nag madali akong pinulot lahat ng libro na natapon,hindi ko pa din tinitignan kong sino ang naka bangga sa akin. Nakarinig na ako ng iilang tawanan sa paligid,kaya pagka tapos kong mapulot lahat ay agad na akong tumakbo papunta sa aking classroom.

“Oh? Why are you running?.” Nathalie asked.

She's my trusted friends here in our school. May nakikipag kaibigan naman sa akin pero hindi ko talaga feel ang sincerity nila. I met Nathalie when I was in grade 8,I was alone that time and may mga babaeng sumulpot sa aking harapan at binuhusan ako ng juice kung kaya't nabasa ako. Hindi naman ako lumalaban pabalik dahil ayaw ko nang away dahil paniguradong papagalitan ako ng aking mga magulang kahit hindi naman ako ang may kasalanan. So back on Nathalie,she's the one who protect me that time,binuhusan niya din ng juice ang mga babaeng nag tapon sa akin at binantaan ito. Kinaladkad niya ako papunta sa washroom at pinahiram ang extra uniform niya,at doon nag simula ang aming pagkaka kaibigan.

“Ah,I thought late...so i run.” I lied.

Pinilig niya ang kanyang ulo at tinignan akong mabuti.

“Stop it,Nath. You're making me nervous because of your stare.” lumakad na ako sa aking upuan at nilagay sa aking arm chair ang tatlo kung libro sa math, science at english.

“Are they make fun of you...again?.” she asked.

Mabilis akong umiling sa kanya. “No.”

She's not convinced. “Look,I'm telling the truth. I run here because I thought maaga si Ma'am Celine na magpapa exam ngayon.”

Ilang segundo niya pa akong tinignan bago tumango. Tahimik kaming dalawa hanggang sa dumating na ang aming Science teacher na si Ma'am Celine at nag simula na kaming mag sagot ng exam.

Madali lang naman ang mga questions kung kaya't madali ko lang din natapos. Tinignan ko ang aking mga ka-klase na hanggang ngayon ay sobrang tutok pa din sa kani-kanilang test papers,ako lang ang unang nakatapos.

Kinalabit ko ang nasa aking gilid,tumingin naman siya sa akin.

“Aren't you done?.” I asked.

Gusto ko na kasing maka-alis kaagad dahil kumakalam na ang aking sikmura,kaonti lang ang aking nakain kanina dahil sa pag mamadaling maabotan si ate.

“Not yet. The questions is kinda difficult.” at ibinalik na niya ang tingin sa test papers.

“I'll pass my test papers now,Nath. I'm hungry,my stomach is aching.” paalam ko na agad naman siyang tumango.

Nag lakad na ako papunta sa harapan ni Ma'am at ipinasa ang test papers. Sinuri niya pa ang aking mga sagot at ngumisi,nag angat siya ng tingin sa akin.

“You're indeed smart.” she praised me. “You can go now.”

“Thank you ma'am.” magalang kung sabi at kinuha ang aking bag para maka-alis na at pumuntang cafeteria.

“Cafeteria lang ako,pag natapos kana puntahan mo ako doon.” bulong ko sa aking kaibigan.

Lumabas na ako at nag tungo sa aming malawak na cafeteria. Um-order ako ng burger,fries at tyaka milktea na agad ko namang nilantakan dahil nagugutom talaga ako. Kaonti lang ang tao na nandito,most of them are college students na may vacant time.

Mag-isa lang ako at naka salampak ang earphones sa magkabila kung tainga,at masaganang kumakain habang nakikinig ng music nang may biglang umupo sa aking tapat at malamig akong tinignan.

Tinanggal ko ang aking earphones. “How may I help you,Mr.?”

Malamig pa din ang kanyang tingin at umiigting ang panga. Tinignan ko ang suot niyang uniform,he's an engineer student,ibinalik ko ang tingin sa kanyang supladong mukha. He has a deep set of eyes,thick eyebrows and a pointed nose,mapupulang labi at ang perpekto niyang panga. Sobrang neat niyang tignan dahil hindi kagaya ng ibang lalaki na may mga tattoo or piercings.

“Are you done observing me?.” finally he spoke.

Nag bawi ako nang tingin sa kanya at yumuko. “A-ano pala ang k-kailangan mo?.”

Hindi siya umimik,nakita kung may kinuha siya sa kanyang bulsa at inilahad sa akin iyon.

“You left this earlier.” he flatly said.

Tinignan ko ang kung ano man ang nahulog ko kanina,and to my surprise it's my bracelet...sobrang mahalaga iyon sa akin dahil si papa ang nag bigay sa akin niyan noong 15th birthday ko kaya sobrang ini ingat ingatan ko ito.

“Thank you!.” masaya kung saad at kinuha agad ang bracelet na nasa kamay niya pero agad niya itong binawi.

Agad akong nanlumo,akala ko pa naman ibibigay niya talaga sa akin...mukhang ma b-bully na naman ako nito bago ko makuha ang bracelet—

Natigil ako sa aking pag-iisip ng hilahin niya ang aking kanang kamay at agad niyang sinuot sa akin ang bracelet,pinag titinginan na kami ng mga tao sa paligid.

“Next time huwag kang yuyuko at lalampa lampa.” masungit niyang sabi.

Agad kung binawi ang aking kamay na nasa kanya,inangat ko ang aking tingin para matignan siya sa kanyang mga mata.

“T-Thanks.” nauutal kong sabi.

He's so intimidating,for pate's sake.

He just stared at me for a couple of minutes and then he left without any words.

Chapter 3

Dumating si Nath at umupo sa aking harapan,hindi ko siya pinansin dahil nakatitig pa din ako sa likuran nung lalaki na nag sauli sa aking bracelet.

“Hey!.” malakas niyang sigaw.

Agad nawala ang atensiyon ko sa lalaki at napangiwi sa kanyang pag sigaw.

“Sorry.” pag hingi ko nang tawag.

She rolled her eyes at me. “Why are you spacing out?”

I badly want to tell her about that mysterious guy...but I just want to keep it to myself.

So I just shrugged and didn't answer.

Uwian na naman ngayon at tuwing uwian ay mag t-taxi nalang ako pauwi. Dahil alam ko ang mga kapatid ko ay mag lalakwatsa na naman o di kaya ay pupunta sila sa club para mag party at mag-inuman. Ayaw din kasi nila akong kasama pauwi sa bahay dahil naiinis daw sila sa aking presensiya.

Naka salpak ang earphones ko sa aking tainga habang tumatawid,pumara ako ng taxi at agad sinabi sa kanya ang village namin. Si Nathalie kasi ay gusto niya sanang isabay o ihatid niya ako sa aming bahay pero magagabihan siya sa pag-uwi pag nagka taon...sobrang strict pa naman ng parents niya kung kaya't sinabi ko nalang na mag t-taxi nalang at ako'y sanay na.

Bumaba na ako sa aming village pagka tapos kung mag bayad ni manong driver at nagpa salamat. Nag lakad ako dahil hindi p'wede papasukin sa loob ng village namin ang mga taxi kahit nakatira pa sa mismong village ang sakay nito.

Ilang minutong lakaran lang naman ay naka dating na ako sa amin,pinag buksan agad ako ni Manong Fedil para maka pasok na sa bahay. Walang tao ngayon dahil nandoon sila mama at papa sa kompanya namin which is the LEWIS GROUP OF COMPANY (LGC). Ang mga ate ko naman ay paniguradong mamaya na iyong mga alas otso uuwi kung hindi sila pumunta sa bar,or mamaya pang madaling araw ang uwi nila pag nag b-bar sila. Ako naman ay dumiretsyo lang sa aking maliit na kuwarto at inilapag ang aking bag sa mini sofa't nag tanggal ng pang itaas na suot,ang natira nalang ay ang aking brallete. Humiga ako sa kama at pumikit.

“Miss Laureign,bumaba na daw ho kayo sabi ng mama mo.” nagising ako sa katok galing sa labas.

It's Manang Sitah,our mayor doma. She's very kind to me,mas nararamdaman ko pang parang Ina ko na ito kung mag-alaga sa akin pag wala ang mga magulang ko.

Humikap muna ako at tumayo na para pag buksan ng pintuan si manang.

“Pasensiya na po,naka tulog ako. Paki sabi po na maliligo lang ako at bababa na din pagka tapos.” mahinhin kong sagot at tumango naman siya.

“Oh sige hija,basta't dalian mo lang at medyo hindi maganda ang templa ng papa mo ngayon.” bilin niya bago umalis.

Naligo agad ako at nag bihis ng pang tulog,kahit kinakabahan ay bumaba kaagad ako para kumain ng hapunan. Papunta palang ako sa dining namin ay tudo na ang kalabog ng aking puso dahil sa kaba. Pag ganito kasing hindi maganda ang templa nila ay ako at ako lage ang pinag bubuntungan nang kanilang galit.

Pagka rating ko sa dining ay agad akong umupo,at yumuko para hindi mag tama ang paningin namin ni papa na nasa gitna.

“Bakit sobrang tagal mong bumaba! You really want us to wait huh.” dad said angrily.

Napa pikit ako dahil sa kanyang malakas na sigaw.

“I'm taking a shower pa,I'm s-sorry.”

“Taking a shower...baka kamo nakikipag lampungan ka sa boyfriend mo sa telepono!.” pag-akusa niya.

Agad akong napa-angat ng tingin at umiling. “I don't have a boyfriend pa,I know you won't like it. And I don't want to have one....I'll just focus on my acads so that one day y'all be proud of me.” I whispered the last sentence.

I saw his jaw clenched. “Aba't sumasagot ka pa! Is that what you've learned in your class? So disrespectful!”

I just let him scold me,hindi naman ako lumalaban pag pinapagalitan...hindi ako katulad ng mga kapatid ko na talagang malalakas ang loob na sagot-sagutin ang aming magulang.

Nag patuloy siya sa kanyang pag s-sermon sa akin hanggang sa awatin na siya ni mama.

“Augustin enough. Nasa harap tayo ng hapag at ganyan ka,manners please.” she said softly at agad namang kumalma ang kanina lang nangangalaiti kung ama. “Laureign,sana man lang ay hindi ka muna naligo para maka kain na tayo kaagad. Your papa is tired and he wants to eat dinner first before he go to sleep,tapos sobrang bagal mo.” strikta niyang sabi.

Humingi ako ng tawad sa kanilang dalawa,hindi umimik si papa. Sinabi nalang ni mama na kumain na at para makapag pahinga na sila.

Pagka tapos kumain ay nag volunteer akong mag hugas ng pinggan,ayaw sana akong payagan ni manang but i insist.

“It's okay manang,I insist po. Besides I don't have much homeworks to do....so I'll do the dishes for now.” I winked at her.

Mahina niya akong kinurot sa aking tagiliran. “Ikaw talagang bata ka,baka pagalitan ako nila ma'am at sir pag nakita nilang ikaw ang nanghuhugas.”

Nag simula na akong mag sabon at sinagot si manang na nasa aking likod at tinitignan lang ako.

“Don't worry manang,natutulog na sila ngayon. Pagod sila galing sa kompanya kaya maaga din silang magpapa hinga.” I said matter of fact.

Narinig ko lang ang kanyang malakas na buntong hininga,pinag patuloy ko naman ang aking pang huhugas nang may narinig akong mga boses galing sa aming silid tanggapan.

Kumunot ang noo ko at agad hinarap si manang dahil tapos ko naman nang sabonan ang mga ginamit namin kanina.

“Mukhang may mga bisita ang kapatid mo.” manang said.

“Well yeah,I guess so.” at ibinalik ko na ang atensiyon sa lababo para mag banlaw.

“Oh siya,maiwan na muna kita at pupuntahan ko lang sila at baka may kailangan.” paalam niya.

Nakatalikod man ay tumango ako.

Sigurado akong mag-iinuman na naman sila sa sala o kung hindi kaya ay sa may swimming pool namin. Ganyan naman sila ate,inaaya nila ang kanilang mga classmates or kakilala para mag party sa bahay. Hindi naman sila pinapa galitan nila mama kaya kung sino-sino nalang ang nakaka pasok sa bahay.

“Excuse me miss,do you know where the glass is?.” muntik na akong atakihin sa puso ng may nag salita at sobrang pamilyar na boses galing sa aking likuran.

Hinarap ko siya at agad nanlaki ang aking mga mata nang makita ko kung sino ang kaharap ko ngayon! It's him! The guy that i met earlier at the cafeteria,siya din yong masungit ma lalaking nag sauli sa aking bracelet.

Napa tagal ata ang tingin ko sa kanya kaya nag salita ulit siya.

“Bingi ka ba?” malamig niyang saad.

Napanganga ako at tinignan siya ng matalim.

“I'm not!” medyo tumaas ang aking boses,at huli na ng ma realize ko iyon. “Oh my,I'm s-sorry....I didn't mean t-to raised m-my v-voice,I'm s-sorry.”

I heard him sighed and he come closer to me then he left my chin up and meet his gaze.

“Just answer my question. I'm really thirsty.” binitawan na niya ang aking baba.

Nataranta naman akong kumuha ng baso galing sa kabinet,buti nalang at pinagpala ako sa tangkad kung kaya't hindi ako nahirapang abusin niyon. Agad ko naman itong ibinigay sa kanya at tinanggap niya naman ito at binuksan ang malaki namin ref para kumuha ng tubig at nag salin doon.

Napalunok ako habang tinitignan siyang umiinom ng tubig,gumagalaw pa ang kanyang Adams apple.

Gusto ko pa sana siyang titigan ngunit pinigilan ko ang aking sarili at ibinalik nalang ang atensiyon sa pag babanlaw ng baso,nang matapos ko ito ay nag punas ako ng kamay para matuyo at laking gulat ko nandoon pa din ang lalaki sa aking likuran at naka hilig ang kanyang likod sa kilid ng upuan.

Seryoso niya akong tinitignan kaya napa iwas ako ng tingin at pumunta sa ref para kumuha ng chocolates at chuckie dahil aakyat na ako sa itaas para gawin ang assignment ko para bukas.

Naramdaman ko pa din ang mapanuri niyang tingin sa aking likuran at nagiging uncomfortable na ako,sobrang bilis din nang pintig ng aking puso.

Akmang aalis na ako para maiwan siya doon ng nag salita siya.

“Are you Phiona's little sister?.” he asked in a monotone.

“Yes.”

Tumango lang siya at naka pamulsa pa din akong tinitignan,ngumuso ako at yumuko habang hawak pa din ang chocolates at chuckie sa aking dalawang kamay.

“If you have nothing to ask, then...I leave now.” mahina kung sabi,takot baka sigawan niya na naman ako.

Hindi pa din siya nag salita kung kaya't hudyat ko na iyon para umalis,ngunit pinigilan niya ako at naramdaman ko nalang ang kanyang magaspang na kamay na nakahawak sa aking siko. Ngumiti ako nang pilit at tumingin sa kanyang gawi.

“Yes?.”

“What is your name?”

Hindi talaga ako komportable na makipag kilala,pero para matapos na ito ay sasagutin ko nalang siya.

“I'm Laureign Lafitte.”

Nakita kong ngumiti siya at nag lahad ng kanyang kamay.

“Duke Javier,nice to meet you.” nakipag shake hands nalang din ako sa kanya at agad ko itong binawi.

“Maiwan ko na po kayo.” paalam ko at tumalikod na.

Nadaanan ko sila ate sa sala kasama ang batalyon niyang tropa,nag-iinuman sila at nag sasayawan. Tinawag ako sa isa sa mga tropa niya pero umiling lang ako at nagpa tuloy na sa aking pag lalakad para pumunta sa aking kuwarto.