Browse stories

The Ghost Of An Egyptian Princess

Language: fil

A story of a young billionaire who's focus is to taste every type of women, waste his money for parties and all the luxuries he wants; and yet, fell in love with the ghost of an Egyptian princess that is destined to leave him behind.

Available chapters

  1. Chapter 1
  2. Chapter 2
  3. Chapter 3

Chapter 1

RUAN'S P.O.V

I am a rich guy. Probably, richer than Bill Gates. I, Ruan Dela Merced, a handsome and rich bachelor, who's appeal is cannot be resisted by any of the lady I'll desire to own. Living in a world of money, cars, women, and... moan?

Sh*t!

Mabilis akong napabalikwas ng bangon.

Headache...

Nasapo ko ang ulo ko nang maramdaman ko na pumipintig ito sa sakit.

Where am I?

Agad kong iginala ang paningin ko sa kabuuan ng lugar kung nasaan ako.

And yeah, I'm in my entertainment room--- wasted.

Nakasalampak ako ngayon sa sahig kung saan nagkalat ang mga bote ng alak na wala nang laman. The same dirty floor kung saan ako nakatulog.

Damn!

I rake my hair in disgust.

What the hell did I do again?!

Lulugu- lugong tumayo ako at tatalikod na sana kung hindi ko lang narinig ulit 'yung mga ungol na dahilan kung bakit ako naalimpungatan kanina.

Argh, that moan!

Saan ba kasi nanggagaling 'yon? Wala naman akong matandaan na---

Nanlaki ang mga mata ko nang mapansin ko na bukas 'yung big screen na nasa loob lang din ng kwartong 'to at 'yung video na nagpe- play doon.

That was exactly a p*rn movie!

At doon nanggagaling 'yung mga ungol na kanina ko pa naririnig!

Damn it!

Don't tell me, ako ang nakaiwan nito? I can't even remember na nanood ako n'yan kagabi.

''Magandang umaga!''

Gulat na napalingon ako sa likuran ko.

Only to see a girl wearing a... well, an Egyptian costume?

Nagtatakang tiningnan ko s'ya mula ulo hanggang paa.

Perfect eyebrows, long and thick eye lashes, deep set of round eyes with hazel nut lenses, good pointed nose, sexy lips... Ang ganda...

Pero... paano s'ya nakapasok dito? I don't even know her!

''E- excuse me?'' nagtataka pa ring tanong ko sa kanya. ''Do I know you?''

''Ikaw lang ang makakasagot sa sarili mong katanungan.'' simpleng sagot n'ya.

Huh?

''I do not have any idea kung sinu- sino 'yung mga taong kilala mo.'' nakangising sabi n'ya. ''That's why, ikaw lang ang makakapagsabi kung kilala mo nga ba ako o hindi.''

Humugot ako ng isang malalim na hininga.

Kakagising ko lang, 'tapos makikipagsagutan ako ng gan'to sa babaeng parang napakalalim mag isip at hindi ko naman kilala?

''So, kilala mo ba ako? Oo... or, hindi?'' sabi n'ya ulit.

I look at her impatiently.

''Fine.'' sabi ko. ''I don't know you.''

''Alam ko.'' What the...? Kanina, sabi n'ya ako lang 'yung nakakaalam sa mga taong kilala ko? 'Tapos ngayon, sasabihin n'ya naman na alam n'ya na hindi ko s'ya kilala? May saltik ba 'tong isang 'to? ''Alam ko na hindi mo ako kilala.''

And how did she know?

''Kaya ka nga nagtataka kung bakit at paano ako nakapasok dito, 'di ba?''

Napamaang ako.

''Woah! Are you a mind reader? Bakit---?''

''Ako nga pala si Ariadne.'' putol n'ya sa sasabihin ko. ''Sa nagdaang kabihasnan, ako si Prinsesa Ariadne.''

Wait... what?! Nagdaang kabihasnan? Prinsesa Ariadne?

''Hay, nako! Sabi ko na nga ba. eh. Hindi ka naniniwala sa akin, 'no?'' sabi n'ya ulit bigla.

''You want me to believe you, huh?'' inis na sabi ko. ''May hangover ako, oo. Pero hindi ako bangag. Umiinom ako pero hindi ako nagda- drugs.''

''Did I told you that?'' parang napipikon nang tanong n'ya. ''Hindi mo naman na kailangan na magpakabangag o mag- take ng drugs para maniwala ka sa akin, eh. Just believe and that's it.''

Napailing na lang ako.

I don't have any time for this kind of joke. My concern is... 'Yung screen!

Tumingin ako doon bago ko binalik ang tingin ko sa babae.

Nakatingin s'ya sa screen...

Fvck.

''D- don't tell me, ikaw 'yung nagbukas n'yan?!'' sabi ko.

''Ako nga.'' sabi n'ya naman na dahilan ng pagnganga ko. ''Now, papatayin mo ba 'yan para makapagpakilala na ako? O hahayaan mo na lang 'yan--- papanoorin mo habang may kasama kang babae na hindi mo pa nakikilala dito sa bahay mo?''

''Teka nga,'' sabi ko ulit at hinawakan ang braso n'ya. ''Ikaw 'yung nagbukas n'yan, 'di ba? Bakit hindi ikaw 'yung magpatay ngayon?''

She let out a deep, bored sigh.

''Fine.'' she said as she pinpoint the screen and... that suddenly became black out!

Sh*t!

How did that happen?

''P- paano... P- paano mo... n- nagawa 'yon?'' shocked na tanong ko.

''Magic!'' parang batang sabi n'ya.

''Huh?'' nasabi ko na lang.

Ano ba kasing kalokohan 'to?

Kanina, s'ya daw si Prinsesa Ariadne na nanggaling pa sa... sa ano nga 'yon? Sa nagdaang kabihasnan! 'Tapos ngayon, biglang may magic na?

''Hays. Ruan, Ruan, Ruan. Nagtataka ka na naman.'' biglang sabi n'ya ulit. ''Ayaw mo muna kasi ako hayaang magpakilala, eh.''

Huminga ako ng malalim.

Tss. Kung anumang kalokohan 'to, sasakyan ko na lang. Para mapalayas ko na 'tong babaeng 'to pagkatapos.

Maganda nga, mukhang may saltik naman.

''Fine. Who are you again?''

Naglakad s'ya paikot sa akin.

''Gaya ng sabi ko kanina, ang pangalan ko ay Ariadne. Mula pa ako sa nagdaang kabihasnan.'' pagpapakilala n'ya. ''Ako ang kaisa- isang anak nina Reyna Riyanon at Haring Radino. Mga tapat silang pinuno ng Ancient Egypt na minsan na ring binulag ng sobrang paghahangad sa kayamanan. Mga mapagmahal na magulang na binulag rin ng sobrang paghahangad ng ikabubuti ng kanilang anak...''

Napansin ko na unti- unting tumulo ang mga butil ng luha mula sa mga mata n'ya.

''W- what do you mean?'' tanong ko sa halos pabulong na boses.

She let out again, a deep sigh.

''Ipinagkasundo nila ang kaisa- isa nilang anak sa isang lalaki na hindi nito nakikila. Isang lalaki na mula pa sa Gresya.'' sagot n'ya.

''At ikaw 'yung nag iisa nilang anak, right?''

Tumango s'ya bilang sagot.

''Pilit nila akong pinakasal sa lalaking 'yon. Hindi man lang nila inisip 'yung nararamdaman ko.'' Ngumiti s'ya ng mapait. ''No'ng mga panahon na 'yon, ang anak nila ay may iba nang lalaki na minamahal. Si Rano. Isang tapat na mandirigma ng Sumora. Isang lalaki na kailanman ay hindi naglaan sa kanya ng kaunting atensyon.''

''So, you mean na one sided love ka?'' natatawang komento ko. ''Cool.''

''Hanggang sa dumating ang isang trahedya. Napaslang ang lalaking taga- Gresya. At tulad ng naaayon sa tradisyon, ang asawa ng paraon na namaalam ay isasama sa pyramid na magiging himlayan nito... ginusto man o hindi.'' pagpapatuloy n'ya.

''At nalibing ka kasama ng asawa mo?''

Tumango s'ya.

Ayokong maniwala sa mga sinasabi n'ya pero...

''P- paano ka nakarating dito?'' kinakabahang tanong ko. ''I- I mean... You're from Ancient Egypt, right? And you're b- buried.''

ARIADNE'S P.O.V

''Paano ka nakarating dito?'' tanong ni Ruan pagkatapos ko magkwento. ''I- I mean... You're from Ancient Egypt, right? And you're b- buried.''

Paano nga ba?

Paano ko na kwento sa kanya ang mga komplikadong bagay na tulad nito? Paano ko hinayaan na muling mabuksan ang sugat ng kahapon? Paano ko nagawang saktan muli ang sarili ko?

''Ariadne?''

Napakurap- kurap ako bago tumingin sa kanya.

''A- ano...'' Nilunok ko muna ang tila harang sa lalamunan ko. ''Nakalabas ako nang sumailalim ang pyramid sa isang pag- aaral. Ito ang naging susi para makalabas ako. Para makalaya ako.''

Makalaya... Kahit panandalian lang... Dahil sa patuloy na pag- usad ng kabihasnan sa kasalukuyan... Ang pagkakabukas ng pinto nito ang naging dahilan para makalaya ako... At ang napipintong pagsasara din nito ang magiging dahilan para makulong akong muli sa kalbaryo at ala- ala ng pangit na nakaraan...

''Hindi ka ba hahanapin sa inyo?'' tanong n'ya na naging dahilan para matawa ako bigla.

Umiling ako.

''Wala na sila.''

Hindi s'ya nagsalita.

Ako naman ay nanatili lang na nakatitig sa kanya.

''Maybe... it would be better if you'll change your clothes? Masyado kasing takaw pansin, eh.'' sabi n'ya mayamaya. ''Tsaka... paano ka pala natuto kung paano magsalita ng Tagalog at English kung galing ka sa Ancient Egypt?''

Ngumiti ako ng tipid.

''Una, ikaw lang ang nakakakita sa akin. Secondly, bilang isang multo, kasama na sa mga kaya kong gawin ang pagsasalita ng ibang lengguwahe sa modernong panahon, depende sa bansa at lugar ako mapunta.''

Dahan- dahang nanlaki ang mga mata n'ya as he blurted the words, ''Multo ka?!''

Chapter 2

RUAN'S P.O.V

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari.

''Multo ka?!'' gulat na tanong ko kay Ariadne matapos kong marinig ang mga sinabi n'ya.

Tumango naman s'ya.

Sh*t. I can't believe this! Ako, nakakakita ng multo?!

Crap!

''Pero 'wag kang mag- alala! Wala naman akong gagawing masama sa'yo, eh.'' sabi n'ya. ''Just please, hayaan mo lang muna akong mag- stay dito. Hindi naman ako magpapakita sa'yo, eh. Promise!''

Napaisip ako.

Wala pang isang oras mula nang magising ako sa sahig ng magulo at makalat kong entertainment room pero sobrang dami na ng mga nangyari.

''Ruan---''

''Saglit, nag- iisip ako! Tss.'' putol ko sa sasabihin n'ya.

Tinaasan n'ya ako ng kilay.

''Nagdadalawang isip ka pa, huh? Sa ganda kong 'to? If I know, gusto mo rin naman na nandito ako. You're a flirty cassanova, remember? Gusto mo na palaging may nakikita at nakakasamang magagandang babae na kagaya ko---''

''Oo, mahilig ako sa magaganda at sexy na babae. Pero hindi ako t@nga para patulan pati ang multong kagaya mo.''

''OMG, nasaktan ako.'' OA at sarkastikong sabi n'ya. ''As if naman, 'no? Kahit mabuhay pa ko ulit, never din akong papatol sa'yo. Babaero.''

''Multo.'' asik ko naman.

''Womanizer! Timer! Manlolok---''

''Woah! Babaero ako pero hindi ako manloloko!''

Tumawa s'ya.

''Babaero ka pero hindi ka manloloko? How come?''

Oo nga, 'no? How come nga?

''E- eh... basta! 'Wag ka na lang umangal kung gusto mong payagan kita na mag- stay dito!''

Nanlaki ang mga mata n'ya.

''So... pumapayag ka na na dito muna ako?!'' masayang sabi n'ya.

''No.'' walang emosyong saad ko.

''Eh... pero pumayag ka na kaninaaaaa!!!''

Hindi ko alam pero natatawa ako sa mga inaasal n'ya.

She has this character na mysterious, malalim mag- isip, at dramatic. At the same time, may pagka- childish din s'ya, iyakin, at... well, nakakatawa.

''Papayag ako na mag- stay ka dito pero may mga kondisyon ako na kailangan mong sundin banag nandito ka.''

Kumunot ang noo n'ya.

''Spill it out then. Para makaligo ka na. Ang baho mo na, eh. Tsk.''

Aba't... Ngayon na nga lang ako nakakita ng multo, 'yung reklamador pa. Awesome! Tss.

''Almost everyday, may party na nangyayari dito sa bahay. Of course, maraming tao. Mostly, babae. 'Wag na 'wag na 'wag kang magpapakita sa kahit na sino. 'Wag ka ring gagawa ng kahit anong gulo. Maliwanag?''

''Matanda ka na ba? O sadyang makakalimutin ka lang? I already told you na ikaw lang 'yung nakakakita sa akin.''

''But you can touch things, right?''

Tumingin s'ya sa taas na parang nag- iisip.

''Hmm... yes.'' sabi n'ya mayamaya at tumawa. ''Pero 'wag kang mag- alala 'cause I'll behave.''

Tumangu- tango ako.

''Good. That's the first condition.'' nasisiyahang sabi ko.

''May kasunod pa?!''

Tinaasan ko s'ya ng kilay.

''May angal ka?'' nakangising tanong ko.

''Huh? Angal? Wala! Haha. Wala! Tuloy mo na! Excited na nga akong marinig 'yung mga kondisyon mo na hanggang isang daan pa yata, eh. Haha.'' sabi n'ya bigla.

Hindi s'ya marunong magsinungaling. So cute. BWAHAHAHA!

''Okay, as for the second condition... Ayokong may papakialaman ka na kahit ano sa mga gamit na nandito.''

Ako naman ang tinaasan n'ya ng kilay.

''Mukha ba akong pakialamera?''

Napapangiting umiling ako.

''Nagsasabi lang.''

''Eh, bakit ngingiti- ngiti ka d'yan?!'' halatang pikon na tanong n'ya.

Hindi ako sumagot at tumawa na lang.

''Third condition---''

''Nagtatanong ako. Sagutin mo muna 'yon!'' utos n'ya.

Sinamaan ko s'ya ng tingin.

''Sige. Sasagutin ko 'yang tanong mo pero aalis ka na pagkatapos no'n.''

Nanlaki ulit ang mga mata n'ya.

''Third condition. Lapag mo na, bilis!''

Hindi ko na napigilan na matawa.

Ang cute n'ya talaga! HAHAHAHA!

''You said it yourself na cassanova ako, 'di ba? Hindi ko naman ide- deny 'yon---''

''Ay, wow. Proud.''

Tumingin ako sa kanya.

''May sinasabi ka?'' tanong ko sa nagbabantang tinig.

''Huh? Wala! Sabi ko, ang gwapo mo.'' defensive na sagot n'ya.

Napailing na lang ako.

''So, as I was saying, being a cassanova, natural na lang na may dalhin akong babae sa kwarto ko, o sa kahit saang lugar dito sa bahay ko. Ikaw na lang 'yung umiwas, okay? And don't you dare to ruin my s*x life---''

''Bastos!'' namumulang sigaw n'ya.

''So, you're playing innocent, huh?'' pang- aasar ko. ''May asawa ka na, 'di ba---''

''Oo, may asawa na ako! Pero no'ng panahon namin, hindi gan'yan kabastos ang---''

''Pfft.'' pagpipigil ko ng pagtawa ulit. ''Will you please stop saying ''no'ng panahon namin''? Nagmumukha kang matanda masyado, eh. Mukha lang naman tayong magkaedad.''

Inirapan n'ya ako.

''Dami mong alam.'' asik n'ya.

Huminga ako ng malalim at tumingin sa kanya.

''Now, I'm going. Maliligo na ako and I'll be off to work by eight a.m. Uuwi ako ng four p.m. 'Tapos---''

'''Seems like I'm your wife and you're reminding me of what you're into.''

I take a look at her face. She's smiling. 'Yung ngiti n'ya na... nang aasar?

''Dami mo ring alam.'' panggagaya ko na lang sa sinabi n'ya kanina. ''Maliligo na ako. 'Wag na 'wag kang magtatangka na silipan ako---''

''Excuse me? Ako pa talaga, huh?!'' malakas na sabi n'ya.

Namumula pa rin s'ya. BWAHAHAHA! ''Maligo ka na lang. Ang baho mo na, eh.''

Naglakad na ako paalis sa harapan ni Ariadne.

What a lucky--- no, a crazy day it is. Yeah, crazy. But crazy in a good way.

ARIADNE'S P.O.V

Halos isang oras pa lang wala si Ruan pero wala na akong magawa dito sa napakalaki n'yang bahay.

Boring.

Naglakad lakad ako sa kabuuan ng bahay n'ya. Sobrang laki nito. Literal na mansyon.

Good thing na multo na ako. Meaning, hindi na ako nakakaramdam ng pagod.

Napahinto ako sa paggala dahil may biglang bumulabog sa utak ko.

Bakit nga ba kasi sa sobrang dami ng tao na pwede kong pagpakitaan, bakit sa lalaki pa? Bakit kay Ruan pa?

Pabagsak akong humiga sa malaking kama na nasa kwartong napuntahan ko.

Well, I already knew him for almost three months now.

Una ko s'yang nakita sa isang sementeryo. He's visiting a grave of a person named ''Clara Dela Merced''. His mother, perhaps? O baka lola n'ya.

I saw him there and he was crying that time.

Simula no'n, sinubaybayan ko na s'ya.

At doon ko napatunayan na ang Ruan na nakita ko sa sementeryo, ay ibang- iba sa Ruan na kilala ng maraming tao sa mundo na ginagalawan n'ya.

Ruan Dela Merced is known for being a heartless cassanova. A high class billionaire. Pero sa likod nito, walang nakakaalam at nakakakita sa totoong katauhan n'ya.

And yes, I've been here for almost three months also. Hindi lang ako nagpapakita sa kanya kaya hindi n'ya alam ang tungkol sa akin. Pero ako? Nakita ko na ang buong routine n'ya sa araw- araw.

Maraming beses ko nang nakita kung gaano s'ya magsaya ng sobra sa tuwing may party dito sa bahay n'ya. Sino nga ba namang lalaki ang hindi magiging masaya kung napapalibutan ka ng yaman, mga alak, at mga babae. Lahat naman siguro ng lalaki ngayon sa panahon na 'to ay gusto ng gano'n. Nakikita ko rin kung paano s'ya makipaglandian sa kahit sinong babaeng magustuhan n'ya. Pero nakikita ko rin kung gaano s'ya kalungkot at kawala sa sarili tuwing mag- isa na lang s'ya...

Right here and right now, I already made my decision.

Gagamitin ko ang mga panahon ng pananatili ko dito para baguhin si Ruan. I'll make sure that I'll make him a better version of himself.

Napangiti ako.

Tama, 'yun ang dapat kong gawin.

I let out a sigh of relief.

Bumangon ako at tatayo na sana nang may mapansin akong picture frame sa mismong gilid ng kamang inuupuan ko.

Wait... si... s- si Ruan 'to, ah?

Mabilis at kinakabahang inilibot ko ang paningin ko sa paligid.

''Waaahhh!!!'' sigaw ko nang ma- realize ang kabaliwan na nagawa ko.

NASA KWARTO AKO NI RUANNNN!!!!

Chapter 3

ARIADNE'S P.O.V

Na- break ko na 'yung isang rule ni Ruan! Baka mahalata n'ya na pumasok ako sa kwarto n'ya! 'Tapos paalisin n'ya ako bigla! Huhu!

Pero... inayos ko naman 'yung kama n'ya bago ako umalis doon, eh!

Tsaka, waaaahhh!!! Humiga ako sa kama kung saan s'ya gumagawa ng kung anong kababalaghan kasama 'yung kung sinu- sinong babae na gustuhin n'ya! Omoooo!!!

Yuuucckkk!!!

So disgusting! Arghhh!

Napapitlag ako nang may marinig akong busina ng kotse na nanggagaling sa labas ng bahay ni Ruan.

Nand'yan na s'ya!

Dali- dali akong naglaho papunta sa kwarto kanina kung saan ako unang nagpakita sa kanya.

Magpe- pretend na lang ako na hindi ako umalis dito!

Ayoko magsinungaling pero... huhu! Kailangan, eh! Sana lang talaga hindi n'ya mahalata. Or else... Lagot na.

''There you are! Kanina pa kita hinahanap, eh. Nand'yan ka lang pala.''

Napasigaw ako ng malakas dahil sa gulat.

Pero napahinto din ako nang marinig kong tumawa si Ruan.

''Akala ko, multo lang ang may kakayahang manggulat ng tao. Kaya din pala ng tao na manggulat ng multo. BWAHAHAHA!''

'''W- wag ka ngang tumawa. W- wala namang nakakatawa, eh.'' nahihiyang saway ko sa kanya.

Huminto naman s'ya agad pero nanatili pa rin ang matamis na ngiti sa mga labi n'ya.

''Kanina pa kasi kita hinahanap, eh.'' sabi n'ya.

''Miss mo ako?''

Napatakip ako sa bibig ko.

Bakit ko sinabi 'yon?! Huhu!

Tumawa na naman s'ya.

''You really is so cute!''

Natahimik ako ulit.

Pakiramdam ko ay biglang nag- init ang mga pisngi ko.

Bakit gan'toooo??!!!

Gosh, self. Don't tell me, you're affected by the presence and charisma of that pervert cassanova?!

''U- uhm... K- kumain ka na?'' pag- iiba ko sa usapan.

Tanong na ni hindi ko alam kung saan ko pinulot. Ano ba naman kasing pakealam ko kung kumain na s'ya o hindi pa, 'di ba?

''Pagluluto mo ba ako?'' nakangiti n'yang tanong.

Napangiti na rin ako kahit hindi ko alam kung bakit.

''Bakit hindi?'' pagbibiro ko. ''Ano ba'ng gusto mong kainin?''

Ngumisi s'ya.

''Ikaw.''

Nanlaki ang mga mata ko.

''Ruan...! 'Wag mo sabihin na... a- aswang ka?!'' kinikilabutang sabi ko. ''H- hindi mo ako makakain! B- baka nakakalimutan mo na multo na ako!''

For the third time, he laugh. AGAIN.

Arghhh! Kanina pa s'yaaaa!!!

''Silly. Akala ko, kapag multo, alam lahat. Slow ka rin pala. BWAHAHAHA!'' pang- aasar n'ya.

''Alam mo? Ang dami mong akala.'' inis na sabi ko.

''Akala is much better than paratang---''

''Oo na!'' pasigaw na putol ko sa sasabihin n'ya. ''Pwede ba? Maghanda ka na lang. May party ka mamaya, 'di ba?''

Kumunot ang noo n'ya.

''How---''

''Paano ko nalaman? Like what I've said earlier, alam ko lahat.''

''Pfft.''

Tinapik ko ang noo ko.

Tumawa ka na naman. Lagot ka na talaga sa akin.

''Alam mo lahat? You sure? Eh, bakit hindi mo alam 'yung meaning ng ikaw 'yung gusto kong kain---''

''Sige lang. Ituloy mo. Makakapatay ako ng ''Ruan Dela Merced'' 'yung pangalan.'' banta ko.

Umiling na lang s'ya.

''By the way, I just came by para ipaalala 'yung conditions na sinabi ko kanina.''

Conditions...

Waaahhhhhh!!! 'Yung mga kondisyon n'ya na nilabag ko na! Huhuuu!

Sana talaga, hindi n'ya mapansin---

''Ariadne? Okay ka lang?'' tanong n'ya bigla.

''H- huh?''

''Pfft. Sabog.''

Tinaasan ko s'ya ng kilay.

''Sabog? Ano'ng sumabog?'' takang tanong ko.

Tumawa lang s'ya.

''Nothing.'' sabi n'ya pa. ''Alis muna ako. Just stay here, okay? Kung nagugutom ka---''

''Multo ako.''

''Sabi ko nga. Basta kapag may kailangan ka---''

''Multo nga ako.''

''Hays. Silly ghost. Kung nahahawakan lang kita, nahalikan na kita kanina pa.''

RUAN'S P.O.V

Kasalukuyan akong nagsha- shower nang maalala ko 'yung sinabi ko kay Ariadne kanina.

Did I told her na hahalikan ko s'ya?

Damn!

Bigla akong nakaramdam ng kakaiba.

What the... Bakit ako nagkakagan'to sa kanya knowing na multo s'ya?!

Binilisan ko na lang maligo para makapagbihis na. 'Cause like what Ariadne said, I'll going to throw a big party later tonight. Well, araw- araw naman, eh.

Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako agad mula sa CR.

Hindi pa ako nakakapagbihis at tanging tuwalya lang ang nagtatakip sa hubad kong katawan ay bigla nang lumitaw si Ariadne sa harapan ko.

Automatic na napasigaw s'ya. Ako naman ay gulat na napamura.

''Sh*t, Ariadne! What are you doing here?!'' gulat na sabi ko.

''A- ano... K- kasi---''

'''Di ba, may agreement tayo na hindi ka pupunta dito?'' putol ko sa sasabihin n'ya.

Humarap ako sa kanya pero nakatalikod naman s'ya sa akin.

''K- kasi... 'yung... 'yung t- telepono sa... s- sa sala mo... t- tumutunog. M- may---''

''May tumatawag sa akin?''

Tumango s'ya.

Huminga ako ng malalim.

''They can wait. Hindi mo na kailangang pumunta pa dito at labagin 'yung mga kondisyon ko---''

''Papalayasin mo na ako?''

Tumingin ako sa kanya.

Nakatalikod pa rin s'ya.

''Multo ka na, 'di ba?'' sabi ko.

''O- oo.''

''Then why are you doing this? I mean, pwede kang mag stay dito nang hindi ko nalalaman. You can make yourself invisible and stay here for as long as you want.''

Unti- unti s'yang humarap sa akin. 'Yun nga lang, nakayuko naman s'ya.

Hindi ko tuloy makita 'yung reaksyon n'ya. Tss. But her voice says that she's not okay. She's sad.

''K- kasi... A- ayoko ng gano'n. I- I mean... 'd- di ba para na akong n- nagnanakaw kapag ginawa ko 'yon? K- kaya ayoko.'' nauutal na sabi n'ya. She let out a deep sigh. ''K- kaya kung papalayasin mo na ako, d- do it now. A- at 'wag kang m- mag- alala kasi... h- hindi ako maglalaho para lang makapanatili dito. P- pangako---''

''No. You can stay here and forget about those lame conditions. Mula ngayon, ituring mo na 'to bilang sarili mong bahay. Feel at home.''

Bigla s'yang tumingin sa akin.

''S- sigurado ka ba?'' halatang gulat na tanong n'ya.

I smiled.

''Yes.''

Unti- unti s'yang napangiti.

Then I saw a tear drop on her cheek.

''Oh? Bakit ka umiiyak? Kung kailan pumayag na ako---''

''M- masaya lang ako.'' sabi n'ya at ngumiti ulit. ''S- salamat.''

''Wala 'yon.''

Hindi ko napigilan na matawa dahil sa kalokohang naisip ko.

''B- bakit ka tumatawa?'' nakangusong tanong n'ya.

''H- huh? HAHAHAHA! A- ano... Basta! HAHAHAHA!''

''U- uhm... A- alis na ako. M- magbihis ka na. A- at 'yung tumatawag sa'yo---''

''Don't worry, sasagutin ko 'yon mamaya.''

Ngumiti lang s'ya at bigla nang naglaho sa paningin ko.

Napailing na lang ako.

I can't still believe na nakakakita at nakakakausap ako ng multo. At pinatira ko pa talaga s'ya dito, huh? HAHAHAHA! I must be really out of my mind. But one thing is sure, masaya ako na nakilala ko si Ariadne.

Mahirap mang paniwalaan, at kahit ako, hindi ko rin maintindihan, kung paanong as isang Ruan Dela Merced na walang alam sa buhay kundi ang mambabae at maglustay ng pera ay gumaan ang pakiramdam sa isang multong babae na tulad ni Ariadne.