When Butterflies Appear
Language: fil
/0/26767/coverbig.jpg?v=48f937c46c904d8288ee7cdd585b4e62)
Dillon is nothing special, just your regular high school boy with average life, just dreaming to have peaceful days in front of him but all of these change when Sylvia Perez, the girl with the ability to see if someone's going to die, appears one day. Now, he's involved with her secrets, will they uncover the mystery revolving Sylvia?
Available chapters
Chapter 1
"Ang lakas ng ulan." Wika ko habang nakalabas ang kamay ko sa payong at dinadama ang bawat patak ng ulan.
Do you have that feeling? That particular feeling that you don't think something ground breaking will happen? You just expect that your day will go on just like any other day you experienced in your entire life?
Nagtuloy tuloy ako sa paglalakad kasabay ang ibang tao na naglalakad din sa ilalim ng ulan.
Yeah, me too. I expected today would be like my average days.
Sa paglalakad ko, nakabunggo ako ng isang lalaki na nagmamadaling lumalakad pa-alis at nakatalukbong ang suitcase na hawak niya sa kaniyang ulo.
"Sorr-" Magsosorry sana ako kaso nakalayo na. Napabuntong hininga na lang ako.
Tumigil ako sa may bus stop para makasilong at maghintay ng sasakyan pa-uwi.
Napatingin ako sa kabilang side ng kalye at nakita ko ang isang babae na may lavender na buhok, nakaputing damit at may dalang maleta. Nakatingin siya sa langit at nakatulala.
Nakatayo lang siya mag-isa roon at nakatitig lang sa taas. Walang pake kung mabasa siya ng ulan.
But I was wrong. That day was actually the start of everything unexpected in my life. Unimaginable and unexplainable things.
Habang nakatayo siya, may dumating na dalawang lalaki.
"Hoy ganda, need mo ba ng tulong?"
Lumingon ang babae sa gawi nila.
"Mag-isa ka ba? Gusto mong sumama sa amin?" Tinitigan siya ng mga ito mula ulo hanggang paa.
"Oo nga, kami na bahala sayo."
Lumapit ang lalaking naka-sunglasses sa babae at sinubukan siyang akbayan pero hinampas niya ang braso paalis.
"Oh! Naughty si miss!"
Nakangising pahayag ng lalaking nakasunglasses habang minamasahe ang kamay niyang nahampas.
"Huwag ka naman ganyan miss, gusto lang namin tumulong sayo..." Dagdag pa ng lalaking kasama ng nakaglasses.
Kumunot ang noo ko. "Ginugulo nila si ate."
Umalis ako sa kinatatayuan ko at tumakbo palapit sa pwesto ng babae at dalawang lalaki. Pagkalapit ko, agad kong tinapat ang payong ko sa babae.
Kitang kita ko ang pagtataka sa mukha ng babae dahil sa ginawa ko.
Ngumiti ako nang malaki. "Nandito ka lang pala! Kanina pa kita hinahanap!" Wika ko na parang magkakilala kami kahit hindi naman.
Kinuha ko ang maleta niya. "Kanina ka pa hinihintay ni mama. Tara, uwi na tayo!" Dagdag ko.
Nakangiti pa rin ako tapos tinignan ko naman ang dalawang lalaki sa magkabilang gilid niyang pinagmamasdan kami.
"May kailangan ba kayo sa kapatid ko?" Kunwari curious ako.
"A-Ah wala!"
"O-Oo nga--tara na!"
Tapos tumakbo na sila paalis. Ako naman parang nabunutan ng tinik.
"Sorry kung umarte ako na kapatid kita, mukha kasing kinukulit ka nila eh." Wika ko tapos binaba ang maleta niya.
"It's okay." Monotone niyang sagot.
"Bakit nakatayo ka lang dito? Wala ka pang payong." Tanong ko. Baka magkalagnat siya niyan. Mahirap pa naman magkasakit ngayon.
"Naghihintay akong taxi." Sagot niya.
"Oh! Bago ka siguro dito. Hindi kasi nagsasakay ang mga sasakyan sa kinatatayuan mo."
"Oh."
Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa. Basang basa siya. Kanina pa siguro siya naghihinatay dito.
"Pwede akong tumawag ng taxi kung gusto mo." Alok ko.
Umiling siya. "That will be unnecessary. I don't want to trouble you."
"Naku okay lang! I insist. Oh heto." Inabot ko sa kaniya ang payong ko at tumakbo pabalik kung saan ako nanggaling kanina. Pumara ako ng taxi at ilang tawag ko lang ay may umandar na palapit sa akin.
Natuwa naman ako kaya masaya kong tinawag iyong babae palapit sa pwesto ko. Sumunod naman siya.
"Ito na!" Masaya kong pagpapakita sa kaniya ng taxi.
"Thanks..."
Binuhat niya ang maleta niya at pinasok sa taxi. Binalik niya rin ang payong ko. Pasakay na sana siya kaso parang may nakakuha ng tingin niya. Napatingin siya sa bandang kaliwa namin, napatingin din tuloy ako.
Nakatingin siya sa banda ng mga nagpapamigay ng flyers at nagtitinda ng mga tusok tusok.
"An accident huh?" Bulong niya na pinagtaka ko.
Ano raw?
Hindi nagtagal, pumasok na siya sa taxi at sinara ang pinto ng sasakyan pero tinignan niya ako sa nakabukas na bintana.
"What is your name?" Tanong niya.
"Ako?" Tinuro ko ang sarili ko. "Dillon. Dillon Castillo po."
"Kapag nagkita tayo ulit, I will repay you."
"Naku no need!" Wika ko. Hindi niya naman ako kailangan bayaran.
Hindi siya nagsalita at tinitigan lang ako. Napatitig din tuloy ako sa kaniya at doon ko napansin na may golden eyes pala siya.
It's mesmerizing.
Like it's pulling you towards them and looking deep down at your being.
Very allurring...
Very beautiful...
"Bye."
Napapikit pikit ako. Hala natulala pala ako sa kaniya! Nakakahiya!
"A-Ah bye!"
Hindi na siya humarap sa akin kaya hindi ko na nakita ang mata niya. Pagkatapos, umandar na ang taxi paalis, leaving me all alone.
I didn't know it at that time but she was actually the catalyst for events that was about to happen.

Chapter 2
Dillon's P.O.V
"Nanood ba kayong balita?"
"Hindi, bakit gurl?"
"Gurl, may na-aksidente daw sa kalye kahapon. Nasagasaan ng truck ang mga nagpapamigay ng flyers at nagtitinda ng tusok tusok."
"Serious? Grabe kawawa naman."
“Oo nga eh. Dead on arrival daw sila nang dinala sa hospital.”
As usual, maingay ang classroom namin dahil sa mga tsismis at kwentuhan ng mga kaklase ko. Ako naman, naka-upo sa gilid, ginagawa ang assignment na nakalimutan kong gawin kagabi. Hindi naman ako tamad. Nakalimutan ko lang na due ito ngayon.
Promise, hindi talaga ako tamad.
Habang nagsusulat ako sa desk, biglang umulan ng basura sa ulunan ko at nagkalat ito sa paligid ko.
Teka anong nangyayari? Bakit umuulan ng basura?
"Oops sorry! Hindi ko sinasadya, akala ko kasi basurahan ka."
Napatingala ako sa kaklase kong si Brian Gonzales na may hawak na dustpan at kasama ang dalawa niyang alipore—I mean kaibigan.
Ah...sila na naman.
"Wahahahaha!"
"Nice one dude!" Tapos naghigh-five silang tatlo.
"A-Ahahaha it's okay. Ahaha..." Pinilit ko rin tumawa at isa-isa tinanggal ang mga pirasong basurang naiwan sa buhok ko at ang mga nalaglag sa binti ko.
Yeah, this is fine. This is normal. Nagbibiro lang sila. Tama, nagbibiro lang. Wala naman nasaktan eh. Haha, no big deal...
Wala naman reaction ang iba kong kaklase. Pinapanood lang nila ako at nagtatawanan. Ibig sabihin, wala lang ito. Hindi ko dapat pansinin...
Tinuloy ko ang pagpupulot at nang maipon ko, tinapon ko ito sa basurahan na nakalagay sa gilid ng classroom.
Yeah just smile. Just smile, everything is okay. Everything is fine.
Pagkatapos ko magtapon, sakto naman dumating homeroom teacher namin na si Mr. Bahaghari kaya bumalik kaming lahat sa upuan namin.
"Bago tayo magsimula, gusto kong sabihin sa inyo na may bago tayong transferee." Panimula ng teacher namin. "Pwede ka ng pumasok."
Lahat kami ay napalingon sa pinto at pumasok ang isang babaeng naka-uniform, may lavender hair na naka-ipit sa gilid at nakapatong sa balikat niya at syempre ang nangibabaw ay ang kulay ginto niyang mata.
"Sylvia Perez. Nice to meet you." Walang tono niyang pagpapakilala.
Nanlaki naman ang mga mata ko. Siya iyon! Siya iyong babae kahapon!
"Class, treat her nicely."
"OPO!" Sabay sabay naming sagot.
"You can sit at the back, Ms. Perez." Tinuro ni Mr. Bahaghari ang bakanteng upuan sa likod at doon pumunta ang bago naming kaklase na si Sylvia.
Nakasunod ang tingin ko sa kaniya hanggang umupo siya.
She's here. She's actually here.
"Castillo."
"Yes sir!?" Napatayo ako mula sa kinauupuan ko sa gulat.
"Ikaw ang Class President tama?"
"Opo."
"Ikaw magtour kay Ms. Perez kapag libre ka."
"Po? Ah sige po." Ako ba talaga dapat?
"Oh sige pwede ka ng umupo. Hindi naman kita pinapatayo." Nagtawanan ang mga kaklase ko after sabihin iyan ni sir Bahaghari.
Nahihiya naman akong umupo. Sorry na, nabigla lang kasi ako.
Pagkatapos napalingon ako sa pwesto ni Sylvia at laking gulat ko nakatitig din siya saakin pero inalis niya rin agad ang tingin niya.
Naalala niya kaya ako?
***
"Grabe, sikat agad siya." Na-ibulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa kumpulan ng mga estudyante sa pwesto ni Sylvia.
Kapag sinabi kong kumpulan, kumpulan talaga. Babae at lalaki, parehas nakakumpol sa kaniya.
Well hindi ko naman sila masisisi, may aura si Sylvia na parang hinahatak ka niya papunta sa kaniya.
"Sylvia name mo tama? Ang ganda mo naman!"
"Gurl, ano skincare mo? Ang kinis ng skin mo!"
"Ano number mo? Pwede makipagfriends?"
"May boyfriend ka na ba?"
Puro sila tanong sa kaniya pero si Sylvia, hindi siya kumikibo. Nakatahimik lang siya, parang walang balak kumausap.
Habang pinapanood ko ang nangyayari, nakaramdam ako ng isang maliit na bagay na tumama sa gilid ko. Napahawak ako sa pwestong tinamaan tsaka napalingon para hanapin kung saan nagmula ang nambato sa akin.
Bumungad agad ang mukha nila Brian na nakangisi habang may pinaglalaruang nakabilog na papel.
“Bilan mo kaming lunch, Prez. The usual ha?” Utos niya sa akin.
“Eh? Pero wala akong pera ngayon…” Mahina kong sagot. Sakto lang ang dala kong pera para sa kailangan ko ngayong araw. Hindi ko mabibili ang mga gusto nila tulad noon.
“So problema namin iyon? Gawan mo paraan! Mang-umit ka diyan kung kailangan.” Inis na pahayag ni Brian sabay bato sa akin ng papel at tumama ito sa ulo ko.
“B-Bigyan niyo na lang akong pambayad ngayon…kahit bayad lang doon sa mga utang niyo noon.” Nanginginig at kanda-utal ko pang-suggestion pero nakita kong lalong nalukot sa inis ang mukha ni Brian.
“Anong bayad!? Bibili ka o sisipain kita—”
“Dillon.” Naputol ang sinasabi ni Brian dahil may pumagitna sa pag-uusap namin. Tiningala ko ang taong tumawag sa pangalan ko at nakita ko ang mukha ni Sylvia.
"Eh?" Takang taka kong react habang nakatingala kay Sylvia na nakatayo sa harapan ko ngayon.
Anong ginagawa niya sa harap ng desk ko?
"Let's go."
"Huh?" Anong kailangan niya sa akin?
"You're supposed to show me around."
Ay oo nga pala! "Ah right!” Mapapatayo na sana ako after pero naalala kong may pinapagawa sa akin si Brian.
“Uhm…” Anong gagawin ko? Gagawin ko ba ang sinabi ni Brian or ang utos ng teacher ko?
“Sylvia Perez, right?” Tumayo si Brian mula sa upuan niya at lumapit sa amin.
“Brian Gonzales.” Tapos nagpakilala siya at inabot ang kaniyang kamay pero hindi siya kinamayan ni Sylvia, tinitigan lang siya nang malamig.
Mukhang naramdaman ito ni Brian kaya binaba niya ang kamay niya, kunwari hindi napahiya.
“Tahimik ka pala pero Ms. Sylvia, hindi ka kasi malilibot ni Dillon ngayon. May pinapagawa ako sa kaniya eh.” Saad ni Brian at ang tono niya ay magalang. Tonong kahit kailan hindi niya ginamit sa akin.
“I don’t care.” Diretsong sagot ni Sylvia kaya pare-parehas kami nabigla sa pagka-straight-to-the-point niya.
“H-Ha? Hindi mo ba narinig sinabi ko? Ang sabi ko may pinapagawa ako kay—”
“I heard and I still don’t care so, if you will excuse us.” At nagsimulang magwalk out si Sylvia after.
Awkward na rin akong sumunod sa kaniya, just taking advantage sa pagkagulat ni Brian. Humabol ako sa paglakad niya at nang maabutan ko siya agad ako nagpasalamat.
“Salamat—”
“So where are you taking me?” Pinutol ni Sylvia ang pasasalamat ko. Noong una ko siyang na-meet, hindi ko masyado napansin pero ang sungit niya pala! Nakakatakot!
"Sa ano...hmm..." Tinignan ko ang paligid kung saan ko pwedeng itotour si Sylvia.
"Ah yeah clinic!" Naisip ko na malapit nga pala saamin ang school clinic.
Naglakad ako diretso doon at huminto sa harap ng pinto na may sign na CLINIC. Tapos humarap ako kay Sylvia at nagpaliwanag.
"I-Ito ang clinic namin. Hindi siya kalayuan sa classroom kaya kung masama pakiramdam mo, pwede ka agad makapunta dito."
"I see." Maikli niyang sagot.
"Pretty convenient noh? Haha..." Hindi siya sumagot. Nakakatakot po talaga siya. Parang gusto ko ng bumalik sa classroom pero ayoko naman din bumalik sa room.
"To the next one! Ha...ha." Wala akong magagawa, titiisin ko na ito hangganv dulo!
Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad.
"Black huh?"
"Huh?" Napalingon ako sa kasama ko kasi for sure may sinabi siya kaso hindi ko narinig.
"No, nothing. Let's continue." Siya na ang na-unang lumakad kaya humabol ako sa kaniya.
"Ang susunod naman ay--"
Hindi ko pa napansin noong panahon na iyon pero may iba na palang nakikita si Sylvia saakin.
.
.
.
.
.
"Yep...sa tingin ko iyon na lahat." Nakangiti kong wika kay Sylvia pagkatapos ng tour namin.
"Sana natandaan mo pero kung hindi, pwede mo namang itanong sa akin ulit."
Nginitian ko siya pero si Sylvia nakatitig lang sa akin. No emotions sa mukha niya. Lalo tuloy ako na-awkward-an.
"May something ba sa mukha ko? Kanina ka pa kasi nakatitig..." Nahihiya pero polite kong wika.
"No, nothing. Tapos na ba tayo? Gusto ko na bumalik sa klase."
"Ah sige tara, balik na tayo sa klase." Pag-aya ko tapos nagsimula na kaming bumalik sa classroom.
Nauna akong maglakad, syempre ako rin naunang pumasok sa room pero pagpasok na pagpasok ko, bigla ako napatid.
"Ahh!" Aray!
"Pfffft! Sorry! Ang liit mo kasi, hindi kita nakita!" Wika ni Brian habang nagpipigil ng tawa.
Ah...pinatid niya ako.
"Bwahaha mukha siyang timang!" Tapos nagtawanan silang magkakaibigan.
"Haha...yeah nakakatawa...haha..." Tumayo ako mula sa pagkakatumba at pinilit tumawa kasama nila kahit hiyang hiya ako na pinagtitinginan ako ng mga kaklase namin, pati si Sylvia, tahimik na nanonood.
This is fine. They are just playing around Dillon.
***
"Hay salamat makaka-uwi na." Wika ko pagkalabas na pagkalabas ko sa building namin.
Hindi na ako makapaghintay na maka-uwi at magpahinga.
"Meow~" Napalingon agad ako sa gilid at nakita ko ang isang orange na pusa.
Si mingming! Madalas nandito ang pusa na iyan sa school. Mula pa noong first year ako, nandito na siya at kapag may pera ako, pinapakain ko siya. On my hard days, siya nga ang lagi kong napagku-kwentuhan kahit alam kong hindi siya sasagot.
Lumuhod ako. "Tara mingming, dito, dito dali!"
Lumapit naman sa akin ang pusa tapos hinaplos haplos ko sa ulo. "Ang bait mo talaga."
"Meow~"
Patuloy ko siya hinaplos haplos pero bigla tumayo ang dalawa niyang tenga at nagmamadaling tumakbo paalis.
Ay baki--
And that moment, naramdaman ko nabasa ang buong katawan ko ng tubig.
"Wha--" Tumingala agad ako kasi sa taas nanggaling ang tubig at iyon, nakita ko si Brian sa bintana na tumatawa kasama ang mga kaibigan niya habang may hawak na timba.
"Sorry! Hindi ko alam na nandyan ka!" Nakangising sigaw ni Brian saakin. Tawang tawa naman siyang pinalo ng kaibigan niya.
"Ang talino mo talaga Brian!"
Hindi siya pinansin ni Brian, naka-titig pa rin ito sa akin. "Sa tingin ko kailangan mo magpalit, ginamit kasi ng janitor itong tubig."
Ngumiti naman ako. "Okay lang! Pa-uwi naman na ako, sa bahay na ako magpapalit!"
"Oh buti naman! Sige bye Dillon!" Tapos kumaway siya saakin.
"Pfft! Ano kayo? Friends?"
“Ang lupit ng ganti mo ha.”
"Shh!"
Tapos umalis na sila sa tapat ng bintana at hindi ko na sila narinig. Doon bumagsak ang ngiti ko. Unti-unting bumibigat ang dibdib ko sa nangyayari sa akin.
This is fine, Dillon. Huwag kang umiyak, hindi ka naman nasaktan. Naglalaro lang sila tsaka wala namang nasaktang iba. You can deal with this.
"Tama, kaya ko ito." Huminga ako ng malalim tapos ngumiti. Kaya ko ito!
"Are you really just going to laugh it off?"
Napa-angat ako ng ulo dahil may nagsalita sa likuran ko. Humarap ako sa nagsasalita at nakita ko si Sylvia.
"Ikaw lang pala! Pa-uwi ka na ba? Sige, ingat ka--"
"Ikaw dapat ang mag-ingat. They're outright bullying you." Putol niya.
Agad naman ako umiling. "Naku hindi! They're just playing around! We're friends!"
"Then, are you enjoying your friends’ 'playing around'?" Seryoso niyang tanong, emphasizing the word friends at playing around.
For some reason parang bumigat ang dibdib ko sa sinabi niya. Anong feeling ito?
Napayuko ako. "Ahh...ano..." At Napasara ng kamao.
"Seems not." Komento niya dahil sa hindi ko pagsagot ng diretso.
"Let me tell you this." Lumakad siya palapit sa akin.
"You look pathetic."
Parang sinaksak ako sa puso nang marinig ko iyon.
"You're gonna die pathetic. Bakit hindi ka lumaban para hindi naman masayang ang natitira mong oras?"
"Bakit makapagsalita ka parang mamatay na ako..." Masakit na nga sinasabi niya, ganyan pa tono niya.
"Because you are." Sagot niya na ikinagulat ko at pinagtaka.
"You're gonna die soon. Someone will kill you." Pagtutuloy niya.
"Anong ibig mong sabihi--Wait!" Bago ko pa matuloy ang sasabihin ko, umalis na si Sylvia at na-iwan akong mag-isa dito.
I'm...going to die?

Chapter 3
"Reyna, mababa na naman score mo sa chapter test." Pahayag ni sir Bahaghari sa kaklase kong si Reyna Diaz, ang muse ng aming room; pagkatapos niya ibigay ang papel nito.
"Sir, nahihirapan po kasi ako sa subject eh. Can you turo-turo me sir?" Pagpapa-cute ni Reyna na tinawanan ng mga kaklase ko.
“Kayo lang po kasi ang pinakamabait na teacher dito. Pretty please, Sir?” At nag-beautiful eyes pa ang kaklase ko sa guro naming napapa-iling na lang.
"Hay naku, hija. Sige, mamaya pa-iwan ka. Tuturuan kita ulit para hindi ka na bumagsak."
"Yehey!"
Kahit may katuwaang nangyayari between sa mga kaklase ko at sa guro namin, hindi nito nakuha ang atensyon ng utak ko. Ang sinabi ni Sylvia ang bumubulabog.
Seryoso ba si Sylvia? Mamatay talaga ako? Tapos may papatay pa sa akin?
Paano niya naman nalaman iyon? Teka, nagbibiro ba siya? Kasi sa totoo lang hindi nakakatuwa ang sinabi niya sa akin.
Tsaka bakit siya magsasabi nang ganon sa akin? May ginawa ba akong mali sa kaniya? Aughh! Kinikilibutan ako kapag inaalala ko! Kailangan ko mag-isip ng iba! Pero naalala ko pa rin! Waahhh what to do!? What to do!?
"Sir! May sakit yata si Dillon."
Nawala agad ang iniisip ko dahil sa nagsalita. Napalingon ako sa likod at nakita ko si Brian na nakataas ang kamay habang ka-usap ang teacher namin.
Napalingon naman sa akin ang teacher namin. "Masama ba pakiramdam mo? Gusto mo pumunta ng clinic?"
"Ay hindi po sir, okay lang po a--"
"NAKU sir mukhang kailangan talagang pumunta sa clinic ni Dillon." Sumabat si Brian kaya hindi ko natapos ang sinasabi ko. Mukha ba talaga akong may sakit?
"Oh sige. Excuse ka na sa klase ko." Wika saakin ng teacher tapos tumingin siya kay Brian. "Gonzales, samahan mo siya sa clinic."
"Okay sir!"
"T-Teka sandali--" Wala naman akong sakit!
Bago pa ako makakontra, hinila ako ni Brian paalis ng room. Kanda dapa pa nga ako sa hallway habang hinihila niya ako.
"Brian, ayos lang ako. Hindi mo na ako kailangan samahan sa clinic." Wika ko pero hindi niya ako pinansin. Tuloy tuloy siya paglalakad.
Malapit na kami sa clinic, akala ko hihinto kami doon pero hindi siya tumigil sa paglalakad hanggang sa malagpasan na namin.
"Nalagpasan na natin iyong clinic." Puna ko.
"Hindi tayo pupunta sa clinic."
"Ha? Edi saan tayo pupunta?" Naguguluhan kong tanong. Ang alam ko pinagpaalam niyang sa clinic ang punta, bakit bigla sa iba?
"Gusto ka makita ni bossing."
Kumunot ang noo ko. "Bossing?" Sinong bossing? Wait, don’t tell me.
Imahe ng isang tao ang pumasok sa isipan ko na pwedeng konektado sa salitang bossing. Pinagpawisan ako ng malamig at takot ang pumalibot sa puso ko. Siya ang pupuntahan namin!?
“N-No! W-Wait!”
Hindi niya na ako pinakinggan kundi binilisan niya pa ang paglalakad niya habang ako hila hila niya lang.
Ayaw ko man pero wala akong nagawa kundi sumunod na lang hanggang makalabas kami ng building at pagkatapos, pumunta kami sa secluded na lugar sa school.
Pagkakita ko pa lang ng lugar, nasigurado kong siya nga ang pupuntahan namin and I don’t like it.
Amoy agad ng usok ng sigarilyo maamoy pagpunta namin. Hindi na kataka-taka kasi puro estudyanteng naninigarilyo ang nandito. Ito ang laging tambayan ng mga estudyanteng ayaw pumasok at gusto lang gawin ang gusto nila.
"Ito na siya bossing." Patulak akong binitiwan ni Brian kaya muntik pa akong matumba.
"Aba nandito na pala ang class President natin!" Wika ng lalaking may malaking katawan, kalbo at naninigarilyo.
Boses niya pa lang, nanginig na buong laman ko lalo na nang makita ko ang itsura niya. Ang itsura ng leader nila Brian, si Aldo Magsaysay: ang kilabot ng buong school at faculty. Pati ang mga guro takot at iniiwasan siya.
"A-Anong kailangan niyo?" Pinipilit kong lunukin ang takot ko pero failed. Lumalabas pa rin.
"Wala ako sa klase kahapon pero narinig kong may transferee daw tayo. Sobrang ganda, parang celebrity at palaban. Sinungitan pa si Brian." Tinapon niya ang sigarilyo niya at tinapakan ito habang kinaka-usap ako.
"Narinig ko rin na close daw kayo. Ikaw lang daw ang kinaka-usap niya."
Pinagpawisan naman ako sa sinabi niya. Bakit siya nagtatanong about kay Sylvia? "Hindi...nagkausap lang kami kasi inutusan ako ni sir Bahaghari na i-tour siya."
"Talaga ba? Edi close nga kayo."
Pinatong niya ang braso niya sa balikat ko at inakbayan ako kaya lalo ako pinagpawisan ng malamig. This is not good.
"Ipakilala mo nga ako. Oh di kaya, invite mo siya dito para makapag-bonding kami." Nakangiti niyang utos sa akin.
Napalunok naman ako. May balak siya, may balak siyang masama kay Sylvia! "Mukhang hindi siya papayag... Hindi niya naman kayo kilala."
"Kaya nga ipapakilala mo ako eh!"
"Hindi ko nga lang sure kung gusto ka niya makilala..." Bulong ko. Pangit kasi si Aldo tapos maganda si Sylvia. Mukhang hindi siya papansinin. Ako nga hindi niya rin halos ka-usapin nang nag-tour kami.
"Ano?" Seryoso at matalim na tanong sa akin ni Aldo kaya agad kong iniba ang sinabi ko.
"A-Ang ibig kong sabihin hindi ko naman pwedeng lapitan siya na akala mo friends kami kahit hindi. Tsaka ang cold niya, hindi nga niya ako gaano kinakausap." Totoo naman diba?
Pinasok ni Aldo ang hinliliit niya sa tenga niya at parang nililinis niya ito. "Ikaw ang class Prez diba? Kaya mo na iyan."
"Kaso..." Napayuko ako. Ayokong gawin. Kapag ginawa ko, panigurado may mangyayaring masama at ayaw kong maganap iyon.
"Hindi ka naman tatanggi diba? Friends tayo diba? Ang magkaibigan, nagtutulungan!"
"Pero..." Ayoko talagang gawin
"Kung nagdadalawang isip ka pa rin, edi wala akong magagawa kundi..." Hinigpitan niya ang pagpulupot ng braso niya sa leeg ko tapos kaniyang pinakita ang box ng sigarilyo at nilukot ito gamit ang kamao niya.
Pakiramdam ko nawalan ako ng kulay sa mukha.
I-Iyan ba mangyayari sa akin?
"O-Okay! Okay gagawin ko!" Ayoko pang mamatay!
"Now that's our boy! Maasahan ka talaga namin!" Masayang masaya na wika ni Aldo habang ako, pilit lang tumatawa.
"Oh ito gagawin mo--" Tapos binulong sa akin ni Aldo ang dapat kong gawin.