Browse stories

Don't play with me, Doctor

Language: fil

In a family it is inevitable that someone will deviate in the footsteps of being an entrepreneur. Kj Dela Vega is the only man in their Dela Vega clan to deviate from the footsteps of his family by being a businessman and he preferred his dream of becoming a medicine student from Saint Mary Heart University and because Kj choice his dream, his parents pressure that he would have to maintain his highest grades as a dean's lister from his university. So he did everything just to keep his high grades until one day he met a woman studying from Little Star University a woman who was naughty,…

Available chapters

  1. Chapter 1
  2. Chapter 2
  3. Chapter 3

Chapter 1

"Mag-ingat po lagi kayo, Nay. Ingatan niyo po ang kalusugan niyo."

Nakangiti kong paalala sa aking pasyente na Nanay. Nakatayo akong pinagmamasdan itong papalabas ng ospital. Kapag may nakikita akong nahihirapan na pasyenteng lumabas ay lumalapit ako at tinutulungan sila.

"Tapos na duty mo?" Tanong sa akin ni Mary isa sa mga kapwa ko doktora.

"Yes," nakangiti kong sagot dito. Excited na akong makauwi. "Makakapag pahinga na rin ako kahit papaano," dagdag ko pang saad.

Nakakapagod ang magduty ng 2 ng umaga hanggang 12 ng madaling araw. Mahigit 8 oras yata ang tinagal ko sa loob ng operating room. Dahil dagsa ang mga pasyente na kailangan operahan. Tapos binisita ko pa ang aking mga ibang pasyente.

"Kumain ka na?" Tanong sa akin ni Lorraine ang isa ko pang kapwa doktora.

Kagaya ko ay may hawak hawak din itong medical result ng mga pasyente namin. Kailangan kasi namin icheck ang mga medical result ng mga pasyente namin. Kailangan namin masiguro na maayos sila at unti-unting gumagaling.

Nakangiti naman akong umiling dito bilang sagot. "Tara! Kain? Libre ko?!" Dagdag na niya pa. Aya niya sa aming dalawa ni Mary.

"Hindi na. kayo na lang dalawa ni Mary. Kailangan ko na kasing umuwi." Tanggi ko kay Lorraine.

"Hmm... Ganun ba? Sabagay may aalagaan ka nga pala." Tumango tangong saad ni Lorraine sa 'kin.

Iniwan ko na silang dalawa at sabay sakay sa elevator para pumunta sa fifth floor ko kung saan ang aking opisina. Pagkabukas ng elevator lumabas ako agad at naglakad papuntang office ko.

Hinubad ko ang suot suot kong laboratory coat na laging suot ng mga doktor. Nagpalit na rin ako ng aking damit at sapatos. Ang sakit kasi sa paa ang heels na suot suot ko. Lalo na't ang tagal kong suot ito. Ang sakit sa paa.

Pagkatapos kong ayusin ang office ko at ang sarili ay agad din akong bumaba para makapag-out na. Pagkatapos pumunta na rin akong parking lot.

"What the h*ck?!" Inis ko saad sabay hampas ng manibela ng kotse ko. Bakit ngayon pa? Ayaw mag start ng kotse ko dahil naubusan ako ng gas. Sh*t! Nakalimutan kong magpagas.

Lumabas na ako sa aking kotse. Wala rin naman akong magagawa dahil malayo ang gasolinahan dito. Bakit kasi nakalimutan kong magpakarga kanina? Ang malas naman, oh! Wala pa naman akong panggas ngayon. Dahil ang dami kong kailangan pang pag gastusin. Kailangan ko rin mag-ipon.

Pumara ako ng taxi dahil hindi naman aandar ang kotse ko kapag walang gas kaya no choice ako kundi mag taxi pauwi. Bumaba ako sa tapat ng bahay ng aking kaibigan na si Samantha.

"Oh, bakit ngayon ka lang? Madaling araw na, ah." Tanong ng kaibigan ko pagkabukas ng pinto ng bahay niya.

"Sorry, ngayon lang natapos duty ko, eh. Nasaan siya?" Tanong ko dito.

"Bakit ganyan suot mo? Ang pangit ng outfit mo!" Singhal niya sa akin.

Inirapan ko na lang siya. Kaysa pansinin ang panlalait niya sa aking suot. Gumanda lang ang pananamit niya at lalaitin na niya ako.

Itinuon ko na lang ang aking sarili sa paghahanap sa hinahanap kong tao. sa aking munting prinsipe. Pagod ako. Magdamag ba namang nasa trabaho at nag-over time pa. Kaya wala akong lakas para makipagtalo sa kaniya.

Dumiretso na lamang ako sa kwarto niya. Dahil alam kong nandoon ang hinahanap ko. Wala kasi ito sa sala kaya alam kong naroon ang hinahanap ko. Nakita ko ring may mga kalat na mga laruan na sasakyan at bukas ang TV.

"Mama!"

Agad akong napangiti at mabilis na lumapit dito para yakapin ito ng mahigpit. Napaupo ako para magpantay kaming dalawa. Nakasuot siya ng spongebob na paborito niyang cartoon.

"Uuwi na ba tayo, Mama?" Tanong ng aking prinsipe. Ang napaka gwapo kong prinsipe.

"Yes, pwede na tayong gumala at manood ng paborito mong spongebob " nakangiti kong saad dito sabay ayos ng buhok niya na gulong-gulo.

Pero nawala ang aking ngiti ng makakota ng hindi kaaya-aya sa aking paningin na nasisiguro akong pakana ito ni Samantha. "Samantha! Pinakain mo na naman ba siya ng candy at titserya?!"

"What! Hindi, ah." Tanggi niyang sagot sa tanong ko.

Tinignan ko siya ng masama nagsisinungaling pa, eh. Huling huli naman na! Nakita ko kasing may mga balat ng candy at titserya dito sa kwarto at may amos pa ang aking prinsipe.

"Okey." Napabuntong-hininga ito at pumikit pa ng marahan. "Pinatikim ko lang naman siya."

"Pinatikim? Sigurado ka?" At dahil sa tanong ko ay naalabi siya.

Napairap na lamang ako at sabay dampot ng gamit at laruan na nakakalat. Para ilagay sa maliit na bag. Kinuha ng prinsipe ko ang maliit niyang bag at siya ang nagsakbit nito sa kaniyang likuran. Nang matapos kong ligpitin at ayusin ang kalat lumingon ako kay Samantha. Para magpaalam ng uuwi na kami.


"Samantha, thank you! Cis, say goodbye to tita Samantha." Kumaway ito kay Samantha sabay buhat niya sa anak ko at naglakad papuntang pinto.

"Ingat kayo, ah. Bye baby!" Lumapit ito sa akin para halikan si Cis sa pisngi. "Wala ka namang duty bukas 'di ba?" Baling nito sa akin. Umiling ako sa kaniya sabay sinyas na aalis na kami. "Ingat kayo."

Kapag may duty ako dito ko palagi kong iniwan siya sa Tita Samantha niya o kaya naman ay sa iba ko pang kaibigan. Pero malimit na si Samantha ang nagbabantay at nag-aalaga kay Cis kapag busy ako.

"Mama bibili mo po ba ako ng maraming laruan?" Nakangiting tanong sa akin ni Cis.

"Yes, maraming maraming laruan ang ibibili ko sayo anak." Ngumiti rin ako pabalik dito.

Halos isang araw lang ako nakapag pahinga ng maayos at nakasama si Cis. Pagkatapos non ay pinunta ko na kay Samantha. Dahil may medical mission kaming pupuntahan.

At sa palagay ko ay magtatagal kami doon sa pupuntahan namin. Mas malimit ako sa trabaho kesa makasama ang prinsipe ko.

"Hi, Dra. Buenaventura! Good morning!" Bati sa akin ni Lorraine ng makita niya ako. "Bakit ngayon ka lang? Late ka ng pumasok, ah?"

Ako kasi ang pinakalate na nakapag logbook na kakapasok lang na doktora. At late na rin akong nakapunta sa ospital namin.

"Oh, bakit ganyan naman itsura mo?" Tanong ko kay Mary.

"Parang ang sungit at isnobero ng doktor na kasama natin sa medical mission. Biruin mo! Kinausap na nga siya ng isang magandang dilag na katulag ko, eh. Nakuha pa ako no'n na hindi man lang ako tinignan o pinansin. Sayang ang gwapo pa naman niya. Kaso masungit at isnobsero," nakangusong saad ni Mary habang naglalakad kami papunta sa airport.

Napailing na lang ako at hanggang sa makarating kami sa airport ay nagkukwentuhan ang dalawa. At lumilingon lingon pa ang dalawa sa paligid na parang may hinahanap. Ako naman ay nagtataka sa akto nitong dalawa.

Nagtatawanan ang dalawa at animoy kinikilig pa. Kaya napangunot ang noo ko dahil sa inaasta nila. Ano bang meron ngayon?

"Hoy! Bakit kayo tumatawa jan na parang tanga at kinikilig pa kayo?" Takang tanong ko sa dalawa.

"Eh, kasi ano. Yung pinaka gwapong doktor ang magiging kasama natin mamaya sa pagsakay sa van papunta sa pupuntahan nating medical mission. Ang swerte natin, ah. Siya ang pinakagwapo at hot sa lahat na doktor na makakasama natin sa medical mission," kinikilig na saad ni Lorraine. Habang kinakagat ang labi niya.

Hindi ko alam kung sino ang doktor na kasama namin sa medical mission na gagawin namin. Wala akong ideya dahil hindi ko naman binasa ang folder na binigay sa akin. Doon kasi nakalagay kung sino ang mga kasama sa medical mission na gagawin namin.

"Weh! Totoo?" Curious kong tanong. Iba kasi kiligin ang dalawa, eh. Kaya nacurious ako.

"Oo! Hindi mo ba binasa ang folder na binigay sayo? May picture at pangalan doon kung sino ang mga kasama sa pag medical mission natin, ah," sabi ni Mary.

"Ang swerte natin, Roseanne! Biruin mo! Ipinagdadasal ko palang kanina na sana ay may gwapo tayong kasama sa pagmedical mission eh, tinupad agad. My ghad!" saad ni Lorraine na may kasamamg tili pa.

Hindi na ako umimik pa at pumasok na lang ng tuluyan sa eroplanong sasakyan namin. Nagpatuloy ang dalawa sa pag-uusap. Dumiretso na lamang ako sa dulo gusto kong mapag-isa at tahimik. Dahil gusto kong matulog kulang tulog ko kaya inaantok pa ako.

"Roseanne! My ghad mahihimatay na yata ako," kinikilig na saad ni Mary sabay batok sa akin.

"Aray! Bakit ba?! Ano ba yun, ha?" Taka kong tanong dito. Kailan talaga kapag kikiligin ay may haling hampas? Required ba 'yon?

"Nandito na yung doktor na makakasama natin sa van mamaya. Kinausap niya kasi ako. Hindi mo ba nakita?" Tanong niya.

"T*nga! Ako ang kinausap niya. Asumerang babaeng 'to." Pakikipagtalo ni Lorraine kay Mary.

Napairap na lang ako sa inasta nilang dalawa. Parang mga baliw. Umupo na ako ng tuluyan sa upuang napili ko.

Nang umupo na ako. Kagaya nila Mary at Lorraine ay kinikilig rin ang mga kasama naming babae na kapwa nurse at doktor ko. Ganon na ba kagwapo ang doktor na makakasama namin sa medical mission? Kaya ganyan na lang sila kiligin.

"Hello! Good morning, everyone! Is there nothing missing? Is there nothing to wait for? Is it complete?" Narinig kong tanong ng isang baritonong boses ng isang lalaki.

Natigilan ako sa narinig kong boses na napaka pamilyar sa pandinig ko. Para akong naging bato sa kinauupuan ko. Pakiramdam ko nanginginig ang buong katawan ko.

"Nandito na ba ang hinihintay natin na si... Dra. Buenaventura?" Tanong pang muli nito.

"Yes, Dr. nandito na po. Naroon siya sa dulo nakaupo na," sagot ng isang kasamahan namin.

"S-sino ang makakasama natin sa medical mission?" Kinakabahan kong tanong kay Lorraine.

"Si Dr. Dela Vega at iba pang mga doktor mula sa ibang ospital," sagot nito sabay hagikgik nito.

Dela Vega? Tama ba yung narinig ko? Dela Vega? Alam kong maraming magkaka apelyido sa mundo. Kaya nasisiguro akong hindi siya iyon. Maraming Dela Vega sa mundo. Hindi lang naman siya ang Dela Vega sa mundo.

"Ano ang buong pangalan niya?" Ulit kong tanong. Gusto kong makasiguro na hindi talaga siya iyon. Hindi ako ready na makita siya.

"Hmm... hindi ko alam ang full name niya Dra. Buenaventura pero ayon sa mga narinig ko ang buong pangalan niya ay Dr. Kalix James Dela Vega po." Napalunok ako ng sunod sunod sa sinabi niya.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Sa palagay ko hindi ko magagawa ang medical mission ko ng maayos. Bumibigat ang pakiramdam ko at hindi na ako mapakali. Ni hindi ko na rin alam ang sinasabi ng nag-aanounce sa speaker ng eroplanong sinasakyan namin.

"Roseanne, umayos ka na ng upo lilipad na raw ang eroplano," bulong na saad ni Lorraine. Hindi na ako sumagot at umayos na ng upo.

Pakiramdam ko nanunuyo ang aking lalamunan at nanginginig ang buong katawan. Habang nakaupo hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi naman mainit dito sa eroplano pero pakiramdam ko naiinitan ako.

Pwede bang umatras ako? Ayaw ko ng sumama sa pupuntahan namin. Ayoko siyang makita dahil hindi ako handang makita siya.

"All of you sit down properly and the plane will fly. Enjoy our flight on our medical mission." Rinig kong paalala sa kasamahan namin.

Sh*t! Napapikit ako. Siya yun. Siya ang nagsalitang yun.

Mawawalan na yata ako ng malay. Naninikit ang aking dibdib na para bang nahihirapan akong huminga.

Nandito siya! Nandito talaga siya. At hindi ako maaaring magkamali dahil nandito talaga siya.

Halo halo ang nararamdaman ko kaba, saya, sakit, galit, naiiyak at naguguluhan.

Nandito ang taong mahal ko.

Nandito ang ama ng anak ko.

At makakasama ko siya sa medical mission.

Chapter 2

"Bilisan mo namang kumilos d'yan, Roseanne!" iritang saad ng kaibigan ko sa akin.

Bumuntong hininga ako habang nag-aayos ng mga gamit ko nakakailanganin ko sa pagpasok ko. Buti na lang at wala akong duty ngayon dahil kung meron ay mabibigatan na naman ako sa dadalhin kong mga gamit.

Pinagmamasdan ako ng kaibigan ko habang nag-aayos ng gamit kanina pa siya nakatayo diyan sa pintuan ng kwarto at kanina pa siya tapos mag bihis at maghanda ng gamit niya. Hinihintay na lang niya ako napakainipin pa naman nitong babaeng ito.

Siya si Samantha kaibigan ko at kasama sa condong tinitirhan ko. Hindi na yata kami naghiwalay nitong babaeng ito.

Simula ng magkakilala kami ng kinder, eh. Magkasama na kami lagi nito at hanggang ngayong college na kami ay magkasama pa rin! Nasa iisang university kaming dalawa. Anim kaming magkakaibigan kaso nasa ibang university ang apat. Kung saan sila nag-aaral.

Inis kong binalingan ng tingin ang kaibigan ko. Bakit niya ba ako pinagmamadali? May date ba siya? O may kikitain sa university namin? May hindi ba siya sinasabi sa akin?

"Bakit ba nagmamadali ka d'yan? May date ka ba?! Ang aga-aga pa minamadali mo 'ko sa ginagawa ko! Mamaya niyan eh may makalimutan akong ilagay sa backpack ko!" iritang saad ko dito.

Tumayo siya ng tuwid at inayos ang backpack niyang nakasakbit na sa kanyang likuran at may hawak hawak na project niya.

"Bahala ka d'yan! Kailangan ko pang ipasa ang ginawa kong project na plates ngayong umaga," saad niya sabay talikod hudyat na iiwan na niya talaga ako.

Natataranta namang dinampot ko ang backpack ko at suklay para ayusin ang buhok ko na hanggang ngayon ay hindi ko pa pala naaayos simula ng ayusin ko ang gamit ko.

"Kinakabahan ka, noh?" Tanong ni Samantha ng maabutan ko siyang pasakay na ng elevator. Para pumunta ng parking lot. Iyon kasi ang service namin pagpasok sa araw araw sa aming university.

Nakangiti akong umiling sa kanya bilang sagot pero ang totoo ay sobrang kinakabahan ako. Nalalapit na kasi ang pagseseminar sa amin at exam at ang alam ko ay mahigpit at istrikto ang mga magseseminar sa amin.

Kaunting mali mo lang ay pagsasabihan ka na o pagagalitan at maaari rin mawala ang scholar ko kapag hindi ko na ipasa ang kursong kinuha ko. Isa akong scholarship sa pinapasukan kong university at kinakabahan akong mawala ang pagka scholar ko.

"Tss! Huwag ka ng magdeny pa. Alam ko kung kailan ka kinakabahan at kung kailan hindi," umiiling niyang saad sa akin. Ngumiti na lamang ako sa kanya.

Nasa second year college na kaming dalawa at ganun din ang apat kong kaibigan kaso iba iba nga lang ang kursong kinuha naming anim. At mahigit 4 years and 4 months na akong nag-aaral dito sa Little Star University. At ang masasabi ko lang ay napakahirap.

Napakahirap maging isang college student dahil kinakailangan mong makisama sa mga iba't ibang kaklase mo sa bawat subject na meron ka. At kailangan mo ring makisama sa mga professor na iba-iba rin kada subject. Hindi ko nga alam kong paano ako nakakasurvive sa sitwasyon kong ito.

Mabuti na lang at sa mga ibang subject ko ay kaklase ko ang mga ibang naging kaklase ko noon. Kaya kapag may hindi ako naiintindihan masyado ay nagpapatulong ako sa mga ito. Hindi naman kasi ako matalino na kagaya ng iba, noh. Hindi rin naman ako bobo na kagaya ng iba. Charot lang!

Slight lang naman akong matalino at slight lang din naman akong bobo. Hehe. Basta alam mo yun. Yung parang sakto lang talaga ang IQ mo para maintindihan ang mga lesson.

"Ahh! Oo, nga pala pagkatapos ng klase mo ng hapon wala ka naman ng klase diba non? At duty?" Tanong bigla ng kaibigan ko ng makarating kami sa aming university. "At wala na rin akong masyadong gagawin nitong hapon na ito. Kaya pwede na akong uminom o kaya ay gumala," dagdag nito.

Natigilan ako sa sinabi niya at dahan dahan ko siyang nilingon ng marinig ko ang pinakamahiwaga sa aking pandinig.

"Inom? Gala? Saan naman?" Tanong ko dito.

"Sa paboritong bar nila Ellaine at Kierra. Sa Pop Star Park."

Nagsalubong agad ang kilay ko ng sabihin niya kung saang bar mag-iinom. Bakit naman doon? Wala na bang ibang pwedeng pag-inuman namin? Ang mamahal kaya ng alak doon.

Tss! Iba na talaga kapag big time. Napakagastusera talaga ng dalawang babaeng iyon kahit kailan. Basta pagdating sa inuman si Ellaine at Kierra ang sponsor namin jan.

Sila kasi ang medyo galanti sa aming anim. Afford nila ang alak na mamahalin na gusto nilang tikman o inumin. Hindi ko naman maitatangging masarap nga naman kapag mahal ang alak at masarap rin uminom kaso nga lang masama ang epekto nito sa kalusugan kapag nasobrahan ka kakinom.

"Bakit naman doon? Wala na bang iba? Ang layo atsaka ang mamahal kaya ng mga inumin doon, ah!" iritang saad ko.

"Ewan ko. Sa dalawa nating kaibigan. Ang sabi nila sa akin ay mas maganda daw doon dahil maraming gwapo at marami din daw pwedeng landiin doon. At saka ilang araw na din tayong hindi nag-iinuman na magkakasamang magkakaibigan, noh! At ilang araw na din akong hindi nadidiligan, noh! Hindi naman masama kung humarot ako kahit papaano," malanding saad niya sa akin.

Napailing ako at inikot ko ang paningin ko dahil sa sinabi niya at sa paraan ng pagsasalita niya. Aminado din naman akong malandi pero slight lang. Hindi yung kagaya sa mga kaibigan kong inaraw araw yata.

Napailing ako at inikot ko ang paningin ko dahil sa sinabi niya at sa paraan ng pagsasalita niya. Aminado din naman akong malandi pero slight lang. Hindi yung kagaya sa mga kaibigan kong inaraw-araw yata.

"'Tsaka huwag ka na magreklamo d'yan! Dahil sagot na nilang dalawa ang gastos, noh! Pinairal mo na naman ang pagkakuripot mong babae ka!" Singhal niya sa akin.

Kuripot agad? Hindi ba pwedeng nagtitipid lang ako? Hindi kaya ako kagaya nilang kasing yaman o may kaya ang pamilya sa buhay. Nasa gitna lang naman ako ng mayaman at sobrang hirap.

Yes! Ako talaga ang pinaka kuripot sa aming anim. Hindi ko naman itatanggi. Dahil totoo naman. Hindi na ako nagsalita pa dahil talo lang ako sa kaniya kapag nagtalo pa kami.

Nang makapasok na kami ng gate ng university ay naghiwalay na kaming dalawa ni Samantha magkahiwalay kami ng building. Architecture kasi ang kurso niya at ako naman ay medisina kaya naman magkaiba talaga kami ng building.

Dumating ang hapon at tapos na ang klase ko. Nakakapagod ang ganitong araw araw ang ginagawa. Pero masaya naman dahil kahit nakakapagod at nakakastress sa mga subject ay nag-eenjoy ako.

Dumertso ako sa canteen namin para bumili ng paborito kong ice cream na cookies n cream. Pagkatapos ay pumunta ako sa tambayan ko kung saan maaari akong makalanghap ng sariwang hangin ang aming garden. Doon ako madalas pumunta o tumambay.

"Tapos na klase mo?" Tanong ng isang nilalang hindi ko na ito liningon dahil alam ko naman na ang aking kaibigan lang ito.

Alam niya kung saan ako madalas dito sa aming university. Kaya madali lang niya akong mahanap kapag hindi niya ako nakita sa aming building. Dito ako malimit tumambay sa garden.

"Hmm," tanging sagot ko dito habang patuloy sa pagkain ng sorbetes ko.

"Kamusta araw? Nakakapagod maging architect student," saad ni Samantha sabay buntong hininga.

Sino ba ang hindi nakakaramdam ng pagod kapag college? At stress? Lahat naman siguro ay nararamdaman ng mga college student iyon.

"Ano sa palagay mo?" Masungit kong tanong. Ayaw ko kasi sa lahat yung guguluhin ako habang kumakain ako ng pagkain.

"Ang sungit mo, ah. Moody? Meron ka, noh? Parang nagtatanong lang, eh," mataray niyang saad sakin.

Siya ang pinaka close ko sa aming magkakaibigan. Madalas ganito ang tratuhan namin pero magkasundo kami.

"Tara na! Susunduin pa natin sila Aaliyah at Franchesca sa university nila. Baka matraffic tayo kung magtatagal pa tayo dito," saad niya.

Nangunot ang noo ko. Wala ba silang sasakyan? Ang alam ko bawat kaibigan ko may kanya-kanyang sasakyan, eh. Ako lang ang wala. Eh?! Bakit naman magpapasundo pa sila?

"Bakit? Bakit natin sila susunduin? Edi mapapalayo pa tayo niyan. Sayang gas, noh! Napaka-gastusera niyo talagang lima! Matuto nga kayong magtipid kahit minsan man lang. Sayang ang mga perang pinaghihirapan nila Tita at Tito. Jusko po!" Stres na stress kong saad dito kay Samantha pero tinawanan lang niya ako hanggang sa makasakay kami ng sasakyan niya.

Sa pagkakaalam ko ako ang bunso sa aming magkakaibigan na anim pero kung makapagsalita ako eh daig pa na ako ang nanay nila o nakakatandang kapatid. Hindi pinansin ni Samantha ang mga sermon ko sa kaniya hanggang sa masundo namin ang dalawa naming kaibigan nasa iisang university din sila. Magkasama sila doong dalawa.

"Hoy! Ano ba nakikinig ba kayo, ha?!" Singhal ko sa dalawa kong kaibigan.

"Ano ba naman yan, Roseanne! Baka pwedeng itikom mo ang bibig mo? Nakakarindi na kasi, yan!" Singhal pabalik sa akin ni Aaliyah.

"Oo nga, Roseanne! Ang sakit sa tainga yang marinig ang boses! Baka naman pwedeng tumahimik ka kahit papaano? Kung ano ang ikinaingay mo yun naman ang ikinatahimik mo kapag may ipapakilala kaming lalandiin mo!" Singhal din sa akin ni Franchesca. Grabe hindi talaga ako mananalo sa mga kaibigan ko.

"Hindi talaga sayo bagay na maging doktora in the future. Alam mo kung ano? Bagay talaga sayo ang maging abogado masyado kang madada, eh," natatawang saad ni Samantha. Sige pag tulungan niyo ako. Napairap na lang ako.

"Hoy! Kayong dalawa. Balita ko may hinaharot kayo. Doon sa university niyo. Ano kamusta? Heaven ba?" Tanong ko dito sa dalawa si Aaliyah at Franchesca.

"Eh, ano pa nga ba, Roseanne. Natural heaven nadiligan pechay ko, eh," taas noong saad sa akin ni Aaliyah.

Tss! Ano pa nga ba aasahan ko dito sa babaeng ito. Napapailing saad ko sa isip ko. Lumingon ako kay Franchesca ng hindi ito sumagot sa tanong ko.

"Hahaha! Huwag mo ng tanungin yan, Roseanne. Naghost siya ng hinaharot niya," natatawang saad ni Aaliyah kaya natawa ako ng malakas ganon din si Samantha. Di nga? Si Franchesca na ghost? Parang napaka impossible naman yata yun?

"Ayyy, weh! Totoo ba? Hahaha!" Tawa ko sa harap ng Franchesca. Hindi ako makapaniwala na ghost siya. Parang ito yata ang unang beses na maghost siya ng hinaharot niya.

"Nang-aasar ka ba?" Inis na tanong sa akin ni Franchesca kaya napatigil ako sa tawa ko ng pagkalakas lakas. Pati sila Samantha ay napatigil sa nakakatawa. Eh kasi naman hindi ako makapaniwala na naghost siya. "Tss! Mamaya ka sa akin kapag lasing ka. Hahanapan kita ng haharutin mo mamaya. Ang lakas pa naman ng loob mo kapag lasing ka. Ang balita ko kay Ellaine eh doon madalas ang mga taga Saint Mary Heart University," saad niyang nakangisi sa akin. Napalunok ako sa sinabi niya.

"Ayyy, ayaw ko ng taga SMHU. Mayayaman ang mga iyon ayaw ko ng mga mayayaman. Kapag kasi mga mayayaman manloloko ang mga yan." Tanggi ko kaagad. Tinignan niya ako ng may ekspresyon na gulat at pagtataka.

"Hoy! Wag kang choosy, Roseanne. Ayaw mo yun. Kapag nakapag-asawa ka ng mayaman eh, 'di hindi ka na maghihirap pa in the future. Hayahay na ang buhay mo! Pwede ka ng hindi magtrabaho. 'Tsaka ang sinasabi ko lang ay landiin mo lang at hindi yung parang gusto mong maging forever ang lalandiin ko. Hoy! Sa panahon ngayon wala ng matinong mga lalaki. Lahat sila nagloloko. Pwera nalang kung makahanap ka ng isang matino pero napaka imposibleng makahanap ka!" Singhal niya sa akin.

Siya ang pinaka bitter sa aming magkakaibigan. Hindi daw siya naniniwalang may forever dito sa mundo. Hindi daw siya naniniwala na nag-eexist iyon sa mundong ginagalawan niya. Syempre hindi ko siya masisisi kung iyon ang paniniwala niya.

Nagtalo pa kaming dalawa ni Franchesca tungkol sa mga lalaki. Hanggang sa hindi namin namalayan na nakarating na pala mami sa Pop Star Park. Ganito kami kapag magkakasama laging nagbabangayan na akala mo ay parang magkakapatid kaming nagtatalo sa isang bagay. Pero maasahan naman siya kapag may pinagdadaanan kang problema sa buhay. Nandiyan siya para damayan ka.

Ang Pop Star Park na pupuntahan namin ay parang isang parke lamang. Pero maraming mga nagtitinda dito ng kahit ano. Marami kang mabibili dito. Malapit ang university dito nila Ellaine kaya maraming mga student na taga SMHU dito. Kapag vacant yata nila o kapav tapos na ang klase nila ay dito yata karamihan tumatambay ang mga taga SMHU. Kaya dagsa ang mga estudyante ngayon dito.

Sa pagkakaalam ko tatlong beses lamang ako nakapunta dito para uminom. Dahil madalas kami nag-iinom ng mga kaibigan ko sa mga condo naming anim. Hindi ko nga alam ay bakit bigla na lang nag-aya si Ellaine na dito uminom. 'Tsaka lamang kami lumalabas ng ganito kung si Ellaine at Kierra ang nag-aayang uminom. Sila kasi ang sponsor namin sa alak na hindi namin afford.

Nagjacket kaming apat. Dahil sa pagkakaalam namin, eh, bawal ang naka uniform ditong pumunta lalo na't may pasok pa ng mga ganitong oras. Lagi kaming nagdadala ng jacket kapag pumapasok kami sa school.

Ganun din sila Franchesca at Aaliyah. Halos lahat kaming magkakaibigan ay hobby na namin ang magdala ng jacket kapag papasok kami. Gawain na namin ito simula ng magkakilala kami mula kindergarten, elementary, senior high at hanggang nag college kaming anim.

Nang makapasok kami sa Pop Star Park nakita namin agad ang dalawa naming kaibigan na sila Ellaine at Kierra sa isang lamesa sa hindi kalayuan. May alak na rin sa lamesa at may mga pagkain na din. Tapos na siguro sila sa gawain nila kaya nag-aaya na silang mag-inom o baka wala na silang gagawin na project at assignment.

"Ang tagal niyong pumunta dito, ah. Traffic?" Tanong ni Ellaine ng nakarating kami sa lamesa kung nasaan sila.

"Oo, traffic papunta doon sa university nila Aaliyah kaya natagalan kami," sagot sa kanya ni Samantha.

"Bakit ang dami nyo yatang inorder na alak? G*gi! Ano ito? San Mig Light?" Tanong ko ng makaupo kaming apat nila Samantha.

Akala ko pa naman ay makakatikim na ako ng mamahalin na alak. Si Ellaine at Kierra kasi talaga ang bumibili ng mga ininom namin. Sila ang gumagastos.

"Huwag ka ng chossy Ms. Kuri." Natayawang pang-aasar sa akin ni Kierra.

Kaya napangiwi ako sa sinabi niya. Paki ba nila kung kuripot ako? Hindi ko na sila pinansin at walang pasabing dinampot ko ang San Mig Light. No choice eh.

May mga iba pang alak na inorder sila Kierra at Ellaine hindi ko alam kung anong klaseng alak ang mga binili nila ang tanging alam ko lang sa mga binili ay yung San Mig Light at Gin Bar.

Hindi naman kasi ako manginginom kaya hindi ko alam ang pangalan ng ibang alak na nasa lamesa namin ngayon. Nagkwekwentuhan na sila tungkol sa lalaki. Sa mga lalaking naharot nila o yung natitipuhan nila sa university na pinapasukan naming anim.

"Hoy! Franchesca, sabi mo may pogi kang hinaharot. Binibida mo nga iyon sa gc natin. Ano na? Magkwento ka naman kung anong nangyari sa inyo ng pogi na sinasabi mo sa amin sa group chat," biglang saad ni Ellaine kaya nabuga ko ang iniinom kong alak sabay tawa ng malakas.

Ganon din ang ginawa ni Samantha at Aaliyah tumawa kami ng malakas. Kaya naman tinignan kami nila Kierra at Ellaine na nagtataka. Hindi pa nga pala nila alam ang nangyari kay Franchesca.

"Bakit tumatawa kayo? May nakakatawa ba sa tinanong ko?" Nagtatakang tanong sa amin ni Ellaine. Kaya lalo kaming natawa ng malakas. Wala kaming paki kung tinitignan na kami ng ibang taong malapit sa amin dahil sa lakas naming tumawa.

Hindi pa sana kami titigil kung hindi kami tinignan ni Franchesca ng masama na akala mo ay papatay ng tao. Iniba na lang namin ang topic dahil mukhang ayaw ipaalam ni Franchesca kala Ellaine ang nangyari sa kanya. Nag patuloy pa rin kami sa pagkukwentuhan.

"Ayy, oo, nga pala Roseanne Margaret! 'Di ba wala ka namang manliligaw? O nagugustuhan ngayon?" Tanong sa akin bigla ni Kierra.

Umiling ako bilang sagot habang hindi nakatingin sa kanya dahil nagsasalin ako ng alak sa baso ko.

"May irereto ako!" Kaya napatingin ako dito at ganon din sila Samantha.

Hindi ako nagsalita at hinihintay ang susunod niya pang sasabihin. "Para naman maranasan mong madiligan. Tingin ka sa may bandang kanan natin."

Napairap ako sa sinabi niya. Okey na sana, eh. Pero sumunod pa rin ako sa sinabi ni Kierra. Pagtingin ko sa tinuturo ay ay nakita kong isang grupo ang nakaupo sa may bandang kanan namin. Kung hindi ako nagkakamali ay nasa sampu silang lahat na lalaki. Magkakaibigan din yatang katulad namin o magkakaklase lang yata sila. Hindi ako sure.

"Sino d'yan ang irereto mo kay Roseanne? Para makilatis natin kung magaling sa kama o hindi." Natatawang tanong ni Samantha.

Napapailing na lang ako sa sinasabi nila. Mga kaibigan ko ba talaga sila? Bakit parang ako lang ang normal sa aming anim. Mga walang filter ang mga bibig nila. Jusko po!

"Yung pogi na kulay itim ang suot," sagot ni Kierra sa tanong ni Samantha. Kaya naman hinanap ng mata ko ang sinabi ni Kierra. Pero nangunot ang aking noo ng mapagtantong lahat sila ay naka itim.

"Eh, lahat naman sila nakaitim, t*nga!" Singhal at sabay batok sa kanya ni Franchesca.

"Tss! Pwede ba patapusin nyo muna kasi ako. Nakasuot siya ng sumbrero na itim!" Inis na dagdag ni Kierra.

Pasimple akong sumulyap sa sinabi niya at nang makita ko ang sinasabi ni Kierra. Tama siya pogi nga pero ang mas kaagaw ng pansin ko ang kakadating lang na lalaki. Tinitignan ko siya ng maigi habang umiinom ng alak sa baso ko.

Nakasalamin ito na itim at may pagka messy hair ang ayos ng buhok nito na bagay na bagay sa postura niya. Nakasuot siya ng long sleeve na itim at pants na itim rin. Simple lang ang pananamit niya pero nakaka agaw ng pansin.

May relo din itong suot na itim mahilig siguro siya itim na kulay o di kaya ay paborito niya itong kukay. Hanggang sa suot niyang sapatos ay kulay itim rin. Gusto ko sanang tumawa ng malakas e. Para kasi siyang dadalo ng burol. Puro itim.

Napailing na lang ako sa naisip ko at nakipag kwentuhan sa mga kaibigan ko. Pero hindi ko maiwasang lumingon ulit sa lalaking tinitignan ko kanina. Hindi ko alam kung anong meron sa kaniya at hindi ko maiwasan mapasulyap dito.

Pero natigilan ako ng may grupo ng babaeng kakarating lang ang lumapit dito. Tumayo ang lalaking kanina ko pa tinitignan para alalayin ang isang babaeng umupo sa inuupuan niya kanina.

Napaiwas ako ng tingin at napasimangot. Ano ba yan! May girlfriend pa yata siya. Sh*t! Sayang! Napapikit ako sa aking naiisip. Ano bang nangyayari sa akin?

"Hoy! Roseanne, ayos ka lang? Bakit ang sama naman yata ang tingin mo sa kabilang lamesa na tinuro ko sayo ng grupo ng mga lalaki?" Tanong ni Kierra sa akin sabay batok ng mahina.

Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Nakangunot ang aking noo at salubong ang kilay ko. Nagtataka ako sa aking expression sa aking mukha.

"Ha? Hindi, ah." Pagtanggi ko.

Hanggang sa naubos na ang inunim namin ay umuwi na kami dahil umalis na si Kierra at Ellaine na taga libre namin ng alak. Wala ng bibili ng alak kaya umuwi na lang din kaming apat.

Kinabukasan, ang aga kong gumising. Para pumasok at ipasa ang project kong ginawa. Pagkatapos ay dumaan ako sa LS ospital upang ipasa ang medical chart na kailangan kong ibigay sa head doktor.

Sumakay ako sa elevator para pumunta ng fourth floor. Doon kasi ang office ng head doktor na pupuntahan ko. Para ibigay ang medical chart. Kaso wala ang head doktor hindi raw pumasok kaya. Wala akong dahilan para manatili dito dahil hindi rin ako nakaduty ngayon.

Sumakay na ako sa elevator at pasara na sana ang elevator ng merong kamay ang pumigil doon. Nang tignan ko kung sino ito ay napaawang ang aking labi at nanlalaki ang matang nakatingin sa kanya.

Hindi ako maaaring magkamali siya iyon. Siya ang tinitingnan ko sa Pop Star Park. Anong ginagawa niya dito? Bakit nandito siya? Napaatras ako ng pumasok siya. Kaya nasa unahan ko siya at ako ay nasa likuran.

Pinagmasdan ko ulit siya. Katulad kahapon ay naka all black na naman siya. Araw araw ba may dinadaluhan siyang burol? Ang gwapo niya pala sa malapitan. Nakasalamin na naman siya at nakamessy hair na naman ang ayos ng buhok niya.

Nilanghap ko ang pabango niyang umaabong sa bango. Ang bango niya. Ano kaya ang binibili niyang pabango? Nakaka adik kasing amuyin. Napaayos ako ng lumingon siya sa akin. Napapalunok akong napaiwas ng tingin sa kaniya. Naramdaman niya yatang inaamoy ko siya at pinagmamasdan siya.

Nang bumukas ang elevator ay agad akong lumabas. Lumabas rin ito. At parang sinusundan niya ako. Tss! Roseanne, huwag kang mag-assume baka papauwi na rin siya kaya huwag kang mag-ilusyon!

Napahinto siya ng may isang babae na huminto sa harapan niya. Siya yung babaeng inalalayan niya kahapon umupo. Bakit nandito sila? Paki mo ba Roseanne kung nandito sila?

Dahil sa kagustuhan kong malaman ang pinag-uusapan nilang dalawa ay binagalan ko ang paglalakad. Alam kong para akong tanga pero hindi ko maintindihan ang sarili ko.

"Dr. Dela Vega tapos na duty mo? Uuwi ka na?" Tanong ng babae dito. Hindi ko na hinintay pang sumagot si Mr. Pop Star Park. Hindi na ako nakinig pa dahil baka makahalata sila na nakikinig ako sa kanila.

Doktor? Doktor siya? Duty? Dito siya nakaduty? Sa LS ospital? Sa ospital ng university namin.

Dela Vega pala ang apelyido niya. Bagay sa kaniya, ah. Ang lakas ng dating. Ang cool!

Chapter 3

Kinabukasan, maaga akong gumising na naman dahil sa ngayon ay may duty ako sa LS ospital ng university namin. Kung saan ako nag-aaral bilang isang medisina.

Tulog pa ang kaibigan kong si Samantha ng umalis ako sa condo naming dalawa. Magkasama kasi kaming dalawa sa condo at magkasama rin kami sa iisang university kung saan kami nag-aaral. Hindi na talaga siya nahiwalay sa akin.

"Good morning, Dra. Buenaventura! Ang aga natin, ah? 6:30 palang, oh! 'Di ba mga 8 ang duty mo diba?" Tanong ng isa kong kapwa medisina rin.

"Ahh... Wala bibisitahin ko kasi yung mga naging pasyente ko. Good morning rin!" naiilang saad ko dito. Pero nginitian at binati ko din siya pabalik sabay nagpatuloy ako sa paglalakad.

Ang totoo niyan eh mamaya pa talaga ang duty ko pero nagbabakasakali kasi akong makita ulit si Dr. Dela Vega na iyon dito. Kaya maaga akong pumasok. Kaso parang wala.

Ano kaya ang buo niyang pangalan? Siguro maganda pangalan no'n. Apelyido palang kasi ang lakas na ng dating at ang cool!

Saan kaya siya nag-aaral? Imposible kasing sa Little Star University rin siya nag-aaral, eh. Iyan ang pinapasukan naming university ni Samantha. Hindi ko kasi siya nakikita sa LSU dito lang sa ospital ng LS ko siya nakita.

"Hoy, Roseanne! Sino hinahanap mo?" Curious na tanong ni Mary ang kaibigan ko dito sa LS hospital. Sa LSU rin siya nag-aaral kaklase ko sa medisina.

"H-ha?" Nauutal kong tanong.

"Kanina ka pa kasi palingon lingon. Para ka kasing may hinahanap. Sino ba hinahanap mo? At kanina ka pa parang tangang palingon lingon." Curious ring tanong ni Lorraine. Isa ko pang kaibigan dito at kaklase sa medisina.

"W-wala akong hinahanap, a-ah." Nauutal kong saad sa kanila.

Sh*t! Kanina pa pala akong parang tanga sa ginagawa ko hindi ko alam. Bakit ko kasi hinahanap ang lalaking iyon? Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Nalilito ako.

"Ang aga mong pumasok, ah! Mga 8 pa duty mo, eh. Magsabi ka nga ng totoo. Sino hinahanap mo?" Seryosong tanong nilang dalawa. At naniningkit pang nakatingin sa akin na parang inoobserbahan ako.

"W-wala talaga... Kaya ako maagang pumasok para bisitahin ang mga pasyente natin." Pagtatanggol ko sa sarili ko.

Tumango tango naman sila na parang hindi pa sila kumbinsido sa sagot ko sa kanila. Hindi na lang ako nagsalita pa at baka mahalata talaga nila na may hinahanap ako. Sila naman ay nagpatuloy silang dalawa sa daldalan nila.

"Nabalitaan niyo ba?" Maya maya ay tanong ni Lorraine.

"Ang alin?" Curious naming tanong dalawa ni Mary dito.

"May nagduty daw dito kahapon na mga gwapo galing sa ibang university," kinikilig na saad ni Lorraine.

"Sayang nga, eh! Hindi ko man lang sila nakita dahil nasa mga pasyente ako magdamag at binibisita sila," nanghihinayang na saad ni Lorraine.

"Aww! Sayang nga hindi kasi ako nakaduty kahapon, eh. Ikaw Roseanne? Nakita ko ba? 'Di ba pumunta ka dito kahapon para ipasa ang medical result sa head doktor?" Tanong sa akin ni Mary.

"Ahh... H-hindi eh. Hindi ko naman kilala ang mga ibang nakaduty dito kaya hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niyo," sagot ko sa tanong niya. Tumango naman si Mary sa akin.

Hindi kaya... Yung Dela Vega at ang babae kahapon na nakita ko ay galing sa ibang university na nagduty dito? Bago kasi ang mukha nila sa akin eh. At ngayon ko lang nakita sila dito.

"Hindi ko alam ang mga pangalan nila, eh, pero ang mas matunog kahapon na apilyedo ay Dela Vega. Siya raw ang pinakagwapo sa mga nakaduty dito kahapon." Hagikgik ni Lorraine.

Napalunok ako. So tama nga ang hinala ko. Saan kaya siyang university nag-aaral? Wahh sayang naman hindi ko siya nakita magdamag kahapon. Nakaduty kaya ulit siya dito? Sana magduty siya ulit dito. Gusto ko siyang makita at makasamang makaduty.

Napailing na lang ako sa sinasabi ko sa aking isip. Parang ang lakas ng tama ko doon. Hindi ko naman maitatanggi na gwapo nga siya. At parang gusto ko na yung lalaking nakita ko sa Pop Star Park.

Nagpaalam na ako sa kanila para puntahan na ang pasyente ko at tignan ang kalagayan nila. At hanggang sa natapos ko ang duty ko. Hindi ko nakita si Dr. Dela Vega. Sayang naman ang pag-eefort kong pumasok ng maaga tapos hindi ko pala siya makikita.

Nagpaalam muna ako kala Lorraine at Mary bago ako mag-out. Nakabusangot akong naglalakad palabas ng ospital. Habang naglalakad ako ay kumukulog. Napapapikit tuloy ako habang nagpapatuloy sa paglalakad.

Takot kasi ako sa kulog. Huminto ako sa waiting shed para maghintay ng jeep na masasakyan ko pauwi. Uulan pa yata wala akong dalang payong ngayon hindi ko na dinala dahil kanina naman ay maganda ang panahon.

Tsk! Ano ba naman yang ulan na 'yan. Kapag lagi kong dala ang payong ko hindi naman umuulan tapos ngayong hindi ngayon naman uulan. Hindi ko talaga maintindihan ang panahon, eh. Ang gulo-gulo! Hindi ko tuloy alam kung may galit ba ang panahon sa akin o sadyang nagkataon lang.

Ilang minuto akong naghihintay sa waiting shed ng masasakyan. Hanggang sa mag-umpisa ng umulan. Naabutan na ako ng ulan kakahintay ng masasakyan. Mahirap pa namang sumakay kapag umuulan.

Umisog ako sa kinauupuan ko dahil umaampyas ang tubig ulan sa inuupuan ko kaya umaatras ako ng umatras hanggang sa may nadanggil akong isang matigas na bagay.

Agad-agad akong lumingon dito para humingi ng paumanhin. Hindi ko naman alam na may kasama pala akong nakaupo dito.

"S-so-" Hindi ko natapos ang pag-uumanhin ko ng makilala kung sino ito.

Natigilan ako saglit at nanlalaki ang matang pinagmasdan ang mukha niya. Sh*t! Ang kinis at ang puti. Ano bang sabon ang gamit niya? At magamit rin nakakainggit kasi ang skin niya. Walang katigyawat-tigyawat. Napapasana all ka na lang.

Bumaba ang paningin ko sa damit niya at usual ay itim na naman lahat. Araw araw ba may dinadaluhan siyang burol?

Siya yung kanina ko pang hinihintay sa LS ospital... Si Dr. Dela Vega. Nagduty ba siya dito? Bakit hindi ko siya nakita?

"Are you okay?" Maikling tanong niya.

Tinatanong niya ba ako? Ako ba kausap niya? Lumingon pa ako sa gilid ko baka kasi iba ang kausap niya. Mahirap ng mag-ilusyon na ako ang kinakausap niya. Baka mapahiya lang ako.

Nang lumingon ako sa gilid ko ay wala namang taong nakaupo dito. Lumingon din ako sa gilid niya baka kasi may tao doon pero wala rin. Lumingon rin ako sa harapan pero wala ring tao. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. May nakakatawa ba?

"A-ako ba kinakausap mo?" Tanong ko. Aba mahirap ng mag-ilusyon pero hindi naman siguro masama isipin na ako talaga ang kinakausap niya.

Ngunit tinaasan niya lang ako ng kilay at inirapan ako. Lumaki ang mata ko sa ginawa niya. I-inirapan niya ba ako? At tinaasan ng kilay? Tinalo niya pa ako. Hindi niya sinagot ang tanong ko. Ang sungit, ah.

"Do you see anyone else here?" Tanong nito. Umiling ako agad sa kaniya. "So naturally I'm talking to you and no one else," bigla niyang saad. Nagugulat akong napalingon dito. Bigla-bigla na lang kasi siyang nagsasalita at masungit pa.

"S-soryy naman... M-malay ko bang ako pala ang kinakausap mo," nakanguso kong saad dito. Totoo naman, eh. Malay ko bang ako pala ang kinakausap niya.

"Tss!" Singhal niya sabay iwas ng tingin.

Ano ba yan! Ang sungit niya. Sayang ang gwapo pa naman. Kaso ang sungit. Pero imbis na makaramdam ng inis sa kaniya kabaliktaran ang nararamdaman ko natutuwa at kinikilig ako kapag nag susungit siya.

Baliw na yata ako dito sa lalaking ito. Imbis na tumayo ako at mag-umpisang maglakad na pauwi nanatili akong nakaupo. Bakit ba? Gusto ko pa kasi siyang makasama at makita at gusto ko rin siya kausapin.

Pero ang sungit niya kasi. At wala akong maisip na sasabihin sa kanya. Nanatili rin siyang nakaupo habang pinagmamasdan ang ulan na hanggang ngayon ay hindi pa tumitila.

Sa sobrang hindi ko na kinaya ang katahimikan sa pagitan namin ay nagsalita na ako. Sayang naman eh. Baka hindi ulit maulit.

"Taga LSU ka ba?" Tanong ko sa kanya. Kahit alam ko naman na hindi siya doon nag-aaral.

Umiling siya bilang sagot niya sa tanong ko. Ano ba yan! Masungit na nga tamad pang sumagot. Mahirap bang magsalita?

Kung hindi siya taga LSU. Saan kaya siyang university nag-aaral?

"SMHU," biglang saad niya.

Napalunok ako dahil doon. Saint Mary Heart University doon din siya nag-aaral sa university nila Ellaine? I-ibig sabihin galanti rin siya. Mga mayayaman kasi ang nag-aaral doon. Mas galanti sa university na pinapasukan ko.

"LSU?" Tanong niya ng mamutawi na naman ang katahimikan.

"Oo," sagot ko sa tanong niya.

"Medicine?" Tanong niya ulit. Paano niya nalaman?

"Oo," sagot ko ulit.

"Can I court you?"

"Oo," mabilis kong sagot pero ng marealize ko kung ano ang tinanong nya ay napatingin ako sa kanya. "H-ha?"

"Neurologist?" Tanong niya ulit. Napailing na lang ako baka mali lang ang pagkakarinig ko.

"H-hindi," agad kong sagot sa kaniya. Wala akong alam doon pagdating sa neurologist. Hindi ko alam kung paano mag-opera doon. "Eh, ikaw? Neurologist ka?" Ako naman ang nagtanong sa kaniya. Gusto ko kasi mapahaba ang usapan namin.

"Yes," sagot niya. Namamangha akong tumingin sa kaniya. Wow! Hindi ko alam na neurologist siya. Sa pagkakaalam ko iyon kasi ang mahirap na part na operahan ng isang doktor. Hindi ko sure.

"Wow! Neurologist ka pala. Ang galing!" Para akong batang manghang mangha sa isang cartoon o pelikulang napanood. "Cardiologist kasi ako, eh," saad ko dito.

"Roseanne?! Bakit nandito ka pa? Akala ko umuwi ka na?" Nagulat ako ng may biglang tumawag sa aking pangalan.

Napatayo ako sa kinauupuan ko nang makita ang kaibigan kong si Samantha napapalapit sa akin na may pagtataka.

"Halah!" Nanlalaki ang matang nakatingin kay Dr. Dela Vega si Samantha. Hindi niya yatang inaasahan na makita ang lalaking katabi ko na nakita namin sa Pop Star Park.

Napatingin ako sa katabi ko. Nakataas ang kilay niyang nakatingin kay Samantha. Nagtataka siguro bakit ganun na lang ang asta nito.

"Ikaw. I-ikaw 'yong sa Pop Star Park." Hindi makapaniwalang saad ni Samantha dito.

Nakangunot namang tumango na lang si Dela Vega dito sa kaibigan ko. May itatanong pa sana ang kaibigan ko ng may humintong sasakyan sa tapat namin at tinawag si Dela Vega ng babaeng sakay sa kotse.

"Yong babaeng kasama niya kahapon at sa Pop Star Park. Ang tumawag sa kanya. Girlfriend niya yata iyon. Hindi na kami binigyan ng tingin ni Dela Vega at lumapit na lang sa kotseng huminto sa tapat namin at sumakay doon.

"Oh?! Bakit ganyan mukha mo? Para kang pinagsakluban ng langit at lupa. Kaya pala hindi mo sinasagot ang text at tawag ko dahil may hinaharot ka pala. Ang landi mo naman, sis!" Pang-aakusa niya sa akin.

"Alam mo ang epal mo!" Singhal ko sa kanya.

Napairap na lang ako sa kawalan. Ang epal niya. Kung hindi siya umepal edi sana alam ko na ang pangalan niya ngayon at kung saang university siya nag-aaral. Papansin. Bakit kasi may mga kaibigan tayong mga ganito?

Sayang ang pagkakataon. Baka hindi na maulit iyon 'no. Nakasimangot akong sumama sa kaniya habang naglalakad papuntang sasakyan niya. Hanggang sa makauwi kami ay ang sama ng loob ko sa kaibigan ko. Ang epal epal kasi.

Pagkauwi naming dalawa hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa sinabi ng kaibigan kong si Ellaine. Kung matutuwa ba ako o maeexcite. Pero pareho niyan ang nararamdaman ko ngayon.

Hindi ko mapigilan ang sarili kong matuwa at maexcite. At hinihiling na sana ay umaga na ulit para makita ko ulit siya at makausap. Nag-aaya kasi si Ellaine na puntahan daw namin sila sa university nila at sunduin daw silang dalawa ni Kierra para makabonding daw kaming anim ulit.

Maaga akong gumising ulit. Kinabukasan, dahil kailangan ako sa LS ospital. Sigurado akong marami na namang case na cardiologist na pasyente kaya pinatawag ako at maaga akong pinapasok. Mapapagod na naman siguro ako.

Nagpaalam na ako kay Samantha bago ako umalis ng condo namin. Kagaya ko ay busy rin siya sa plates niya. Malapit na kasi ang finals kaya kailangan namin pag-igihan ang pag-aaral.

At tapusin ang mga project na kailangan namin tapusin at ipasa. Nang makarating ako LS ospital tama nga ang hinala ko marami ngayong case ng cardiologist na pasyente.

Hindi ko na chineck kung nandito na ba sila Lorraine at Mary dahil dumiretso na ako agad sa operating room. Pagod na pagod ang araw na ito. Ganito pala kapag gusto mong maging doktor o nurse.

Nakakapagod lalo na kapag dagsa ang pasyente at kailangan mo pang bisitahin ang mga naging pasyente mo. Kailangan mong masiguro na maayos na ang mga lagay nila at gumagaling ng unti-unti.

Sumapit ang hapon at tapos na ang duty ko. Hindi ko nakita sila Lorraine at Mary mag hapon. Baka hindi sila nakaduty ngayon o tapos na ang duty nila. Hindi ko kasi alam kung kailan sila nagduduty.

Pagkalabas ko nakita ko ang sasakyan ni Samantha na naghihintay sa alin para makapunta na kami ng university nila Ellaine parang nawala ang pagod ko ng maalalang pupunta nga pala kami doon. Excited akong sumakay sa sasakyan ni Samantha dahil excited akong makita si Dela Vega.

"Excited na excited, ah?" Nakangising tanong ng kaibigan kong si Franchesca. Nandito pala ang babaeng ito at si Aaliyah. Hindi ko alam na sinundo na naman pala ni Samantha ang mga ito.

"Excited kasi siyang makita si Mr. Pop Star Park," pang-aasar na saad ni Samantha.

Kaya napangunot ang dalawa kong kaibigan at mukhang hindi maintindihan ang sinabi ni Samantha.

"Sinong Mr. Pop Star Park?" Tanong nila Aaliyah.

"Siya tanungin nyo hindi ko kasi alam ang pangalan ng hinaharot ng kaibigan natin. Patahimik tahimik sa isang tabi itong babaeng ito meron na palang hinaharot hindi man lang nagsasabi." Pang-aakusa ni Samantha sa'kin.

"Ayyy... ganyanan na pala Roseanne, ah. Serkertuhan na," sabi ni Franchesca.

"Tss! Ang harot mo! Hindi mo man lang sinasabi sa amin para matulungan ka naming lima. At para mabigyan ka namin ng payo kung paano humalik sa isang guy," malanding saad ni Aaliyah.

Napairap na lang ako sa mga sinasabi nila. Kaya ayaw kong sabihin sa kanila, eh o ipaalam man lang. Kasi ganyan ang sasabihin nila sa akin.

Mga walang katuturan at walang kwenta ang sasabihin nila sa akin. Puro sex lang naman ang sasabihin nila sa akin. At kung paano daw humarot sa isang lalaki.

At dahil sa kanila nalaman ko ang mga hindi ko dapat nalalaman. Na wala ang kainosentehan ko ng simula ng makilala ko sila at makasama. Kung titignan mo kami ay mukha kaming inosente pero nasa loob ang kulo naming anim.

Hindi nga lang ako malala na hindi katulad ni Franchesca siya ang mas malala sa aming anim. Ang aga naming makarating sa Saint Mary Heart University.

"Dito lang ba tayo sa labas ng university nila?" Tanong ko.

"Ang harot mo!" Singhal sa akin ng tatlo. Napapikit at napairap ako sa ginawa nilang pagsinghal. At saka binuhay ulit ni Samantha ang makina at nagdrive papasok sa university.

Nagpark si Samantha na parkingan ng mga sasakyan. At sabay-sabay kaming bumaba katulad ulit ng palagi naming gawain ay nagjacket ulit kami. Mga 4 pm pa ang labas nila Kierra at Ellaine pero mga 2 PM palang nandito na kami. Wala na kasi kaming gagawin kaya napaaga kaming apat rito.

Namamangha akong napatingin sa paligid. Ang laki pala nitong university na pinapasukan nilang dalawa ni Kierra at Ellaine. Ito ang una kong punta sa university nila at sobrang lawak nito. Mas malawak pa ito kaysa sa university na pinapasukan ko.

"Halah! Mga sis... Nasan na tayo?" Tanong ni Franchesca.

"Sis, ano ka ba? Alien? Kakapanganak mo lang ba ngayon? Natural nasa ibang bansa tayo. Look puro iba't ibang lahi ang mga nandito, oh," sagot sa kanya ni Samantha.

Puro kasi iba't ibang lahi ang nakikita namin dito. At halatang ngang mayayaman ang mga nandito. Mga sosyal. At hindi na rin namin alam. Kung nasaan kami.

Naliligaw na kami dito sa loob ng university. Nang mapagod kami kakalakad ay napagdesisyunan na lang naming apat na umupo sa parang tambayan o garden yata ng university.

"Nakakaloka ang daming pogi at mukhang mayayaman pa yata." Hagikgik ni Franchesca. "Roseanne tingan ka sa kaliwa natin. Ang yummy ng isang guy na kulay blue ang mata." Malanding dagdag pang saad ni Franchesca sa akin.

"Oo nga, Roseanne. Mukhang magaling pang humalik." Sawsaw pa ni Aaliyah.

"Ayy tama kayo jan, sis! Hindi lang sa paghalik mukhang magaling din sa kama." Bulong sa akin ni Samantha.

"Ano ba! Huwag niyo nga akong guluhin. Wala akong pakialam d'ya.. May hinahanap akong mas gwapo d'yan!" Inis kong singhal sa kanila sabay batok. Umandar na naman ang pagkakaloka loka nilang tatlo.

"Ang sakit no'n, ah. Bakit sigurado ka bang dito rin siya nag-aaral, ha?" Singhal sa akin pabalik ni Samantha.

"Huwag kang umasa sis na makikita mo siya dito," sabi ni Aaliyah.

"Ang dami-dami kayang university kaya posibleng makita mo ang hinahanap mo." Singit ni Franchesca.

Hindi ko pinansin ang mga sinasabi nila. At nagpatuloy ako sa paglilibot ng paningin ko. Hindi naman masamang mag-assume na baka makita ko siya dito. Na baka dito siya nag-aaral. Eh, yun ang sabi niya sa'kin kahapon ng makausap ko siya.

Hindi naman siguro siya sinungaling, diba? Maya maya lang ay bigla na lang tumunog ang bell hudyat na tapos na ang klase o uwian na. At ang kaninang kaunti lang ang mga students na naglalakad ngayon ay dagsa na.

Lumaki ang mata ko ng makita ko ang kanina ko pang hinahanap. Na kanina ko pang pinagdadasal na sana ay makita ko siya.

"Kyahh! Ayun siya, oh!" Pinag hahampas ko ang mga kaibigan ko sa sobrang tuwang nararamdaman ko.

Nakita ko siyang naglalakad. Habang may hawak hawak na libro. Nakasuot siya ng salamin at magulo ang buhok. Pero kahit na ganon ay ang gwapo pa rin niyang tignan. As usual itim na naman ang buong damit niyang suot. May mga kasama siyang lalaki na nakita ko rin sa Pop Star Park mga kaibigan niya yata.

Nagsalubong ang kilay ko ng makita ang babaeng nakita ko rin sa Pop Star Park na kasama ni Dela Vega. Magkasama na naman sila! Nakasimangot akong pinagmamasdan silang dalawa. Hindi ko maitatangging nakakaramdam ako ng lungkot sa tuwing nakikita kong magkasama sila.

"Hoy babaita ka! Kanina ka pa namin tinatawag. Nandito na si Ellaine at Kierra!" Sigaw sa akin ni Franchesca. Kaya napalingon ako sa kanila. Napatayo ako at kinuha na ang gamit ko. Napalingon kami ng may sumigaw ng malakas.

"MGA SISSSSSSSSSSS!" Hindi na namin huhulain kung sino ang sumigaw na iyon. Dahil si Kierra lang naman ang malakas at matinis sumigaw sa aming anim.

Napatigil at napalingon tuloy ang mga ibang student sa amin. Napaiwas at nahihiya tuloy kaming lima ng tingin dito sa ginawa ni Kierra.

"Hi, Kierra!" Bati ng kasama ni Dela Vega kay Kierra. Kilala nila ang kaibigan ko? Magkaibigan ba sila?

"Uyyy, hello, Shawn!" Bati pabalik ni Kierra dito sa Shawn.

"Ano? Samama ba kayo? Mag-iinuman kasi kami ng mga friends ko sa condo ko. Ano game?" Walang hiyang pang-aalok ng lalaki na kaibigan ni Dela Vega sa kaibigan ko dito.

Napaawang ang labi ko sa pang-aaya nito sa kaibigan ko. Eh! Ibang klase talaga ang mga tao ngayong henerasyong ito. Pa simpleng da moves da moves rin sa kaibigan ko, eh. Bilib na talaga ako sa skill nitong lalaking ito kapag napatino niya si Kierra.

"Oo, naman!" Sang-ayon agad bi Kierra. Sabay tingin sa amin. "Tara mga sis, ano?"

Akala ko ba kami kami lang magkakaibigan? Bakit may kasamang iba? Sumagot naman ang mga kaibigan ko pwera lang sa akin.

Kaya napatingin naman ang mga kaibigan ko at yung lalaking nang-aaya sa amin. Nakatingin din sa akin si Dela Vega na parang hinihintay rin ang sagot ko.

Aayaw pa ba ako? Sasama ba ako? Tumango na lang ako. Magpapabebe ba naman ako. Syempre hindi na noh! Gusto kong makasama at makita si Dela Vega, eh.

"Una na ako," biglang saad ni Dela Vega kaya napatingin lahat kami dito. "Pass ako, kayo na lang," dagdag niya pa. Habang nakatingin ito sa libro at may hawak hawak na medical result.

Sayang! Nakakainis naman nitong lalaking ito. Akala ko pa naman makakasama ko na siyang makainuman. Ang sungit niya! At ang killjoy niya pa.

Hanggang sa makarating kami sa sasakyan ni Samantha ay nakabusangot ako. Nasa iisang sasakyan lang kaming lahat. Malaki naman ang sasakyan ni Samantha kaya kasya kaming anim.

"Oh my ghad! Oh my ghad! Dalaga ka na, Roseanne. Dalagang dalaga ka na Roseanne Margaret Buenaventura!" Tiling saad ni Ellaine.

"Totoo ba 'yan? G-gusto mo yung kaibigan ng kinausap ako kanina?" Hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Kierra.

Inis ko silang tinignan dalawa ni Ellaine. Kanina pa sila ganyan ng ganyan. Simula ng nalaman na may gusto ako sa kaibigan na kinausap ni Kierra kanina.

Ang daldal kasi ni Samantha kaya nalaman nila. Alam kong madaldal ang isang ito katulad ko kaya naiinis ko sa kanya. Lahat ng alam sinasabi sa grupo. Wala siyang pinapalampas kapag may nalaman siya idadaldal niya ito agad sa grupo.

"Slight lang naman," sagot ko sa tanong ni Kierra.

"Well, I'm happy for you, Roseanne. Kaso hindi yata siya pupunta. Sayang naman." Tinignan ko siya ng masama kaya napatawa naman sila Samantha sa reaksyon ko. Nakanina pa silang nang-aasar. At napipikon na ako.

"Dapat nga talaga natin iinom yan, Roseanne. Hahaha! sa tagal nating magkasama at magkakilala eh ngayon ka lang nagkagusto sa isang lalaki ng ganyan kaharot," natatawang saad ni Ellaine. Kaya napatingin ako sa kanya ng masama. Kaninang kanina pa silang limang nang-aasar sa akin.

"Alam mo bang kasali siya sa Dean's List si Dr. Dela Vega o mas dapat kong itawag sa nagugustuhan mo ay Kalix James Dela Vega short for Kalix o Lix. Kahit alin doon ay titawag sa kaniya, pero ang karamihan ay Kalix. Masungit na doktor at plus gwapo pala ang type mo, Roseanne! Ikaw, ha!" Pang-aasar pa ni Kierra.

"Ang harot mo, Roseanne! Sabi mo ayaw mo sa mayayaman. Itong babaeng ito marupok sa doktor na masungit at gwapong lalaki." Pang-aasar sa akin ni Franchesca.

Inirapan ko na lang sila. Ang lakas mang-asar. Pero wow! Ang ang ganda ng buong pangalan niya. Ang lakas ng dating. 'Kalix James Dela Vega' bagay na bagay sa kanya ang pangalan niya.

So tama nga ang narinig kong doktor siya. Doktor siya bilang isang neurologist. Isa din siyang medicine student katulad ko. Future 'Dr. Kalix James Dela Vega' astig!