Browse stories

The Promises

Language: fil

What if mag karoon ka nang karanasang hindi mo inaasahan. Paano kung sa isang pag kakamali lang magbago na lahat,paano kung ang isang maganda,perpekto at masayang buhay na Meron ka ay bigla nalang maglaho na parang Bula dahil sa mangyayari? Lulutasin mopa ba ang misteryong o ito? O hihintayin mo nalang ang kamatayan mo?

Available chapters

  1. Chapter 1
  2. Chapter 2
  3. Chapter 3

Chapter 1

Sa loob nang napaka lawak na kagubatan ay may Isang buong pamilyang naninirahan.

Pamilyang animo'y hindi nag eexist dahil daig pa ang Daga kung magtago.

At sa loob nang pamilyang ito ay punong puno nang misteryong bagay.

______________

"Erwin!"

Nakangiting tawag ko sa aking manliligaw na agad naman netong kinalingon,masaya akong sumalubong sakanya at agad siyang hinampas sa braso na kinadaing naman neto.

"Akala ko naman Good morning kiss ang ibibigay mo sakin,hampas lang pala" Ani niya at inirapan ako, tinawanan ko naman siya at nang gigigil na niyakap ang braso niya na hindi na nito kinagulat.

Marahil siguro ay nasanay na siyang ganito ako.

"Rosen distance" Bulong nito kaya nakanguso akong lumayo at inirapan siya.

"Alam mo ikaw naiinis ako sayo" agad ko Naman siyang tinignan at taas kilay ang binigay ko sakanya na kinailing iling naman niya.

"Naiinis ako sayo kasi sobrang sweet mo sakin, pakiramdam ko tuloy pinapaasa molang ako" Bulong niya na agad ko namang kinanganga.

Hindi ko siya makapaniwalang tinignan at nang makabawi nako ay agad akong pumasan sa likod niya at pinag hahampas siya.

"Ikaw sira ulo ka!"

"Hoy masakit hahahha,hoy baba!" Pag aawat niya sakin habang pilit hinuhuli ang mga kamay ko, nakanguso naman akong huminto sa kakahampas sakanya at malumanay siyang tinignan.

"Bakit mo naman naisip na pina-paasa Kita?" Mahinang tanong ko at hinawakan ang mukha niya.

"Kasi hindi mopa ako sinasagot tapos ganito kana"

"Ayaw mobang ganito ako sayo?" Tanong ko na agad naman niyang kinailing.

"Gusto,pero para kasing ang hirap"Nahihirapan na Saad niya at nag iwas nang tingin sakin.

"Ano Namang mahirap dun?"

"Gusto ko kasi Bago Tayo gumanto may label muna Tayo,ang laswa tignan na ganito tayo tapos Hindi mo pa naman ako sinasagot" May bahid na lunggkot na Saad niya na agad ko namang kinatawa nang mahina.

"Kung ganon.."

"Edi Sinasagot na kita"



______________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________

Chapter 2

Narito ako ngayon sa may palengke habang kasama ang Lola ko,namimili kami ng pagkain naming mamayang gabi.
Sabi konga wag nang sumama dahil hapon na pero nag pumilit parin siya.


"Ano pong gusto niyong ulamin Lola?" Tanong ko sakanya habang nag titingin-tingin sa bawat sulok,may karne ng baboy,manok at meron din namang mga sariwang isda at gulay.




"Mag pinakbet nalang tayo apo,at tiyaka Galunggong" Nakangiting sagot niya na agad ko namang tinanguan,magkasama kaming pumunta sa bilihan nang gulay at dahil may naka repak naman na ay hindi na ako nahirapang mamili.

Sunod kong pinuntahan ang mga nagtitinda ng isda at namimili nang sariwang pwedeng ilahok sa ulam namin.


"May titignan lang ako dun ah Rosen" Ani niya sabay turo sa isang bilihan na napapalibutan Ng mga kasing edad niya.

Makikipag marites kalang Lola eh hahahahaha...







"Sige lola,may bibilin pa naman po ako" Ani ko at natawa naman ako ng mabilis pa siya sa asking nawala sa harap ko at pumunta sa mga kaibigan niya.





"Ate magkano po Isang kilo ng Galunggong?"

"Anong klaseng Galunggong ba neh?" Tanong niya habang matamang nakatingin sakin.


"Etong lalaki po" Turo ko at Isa isang kumuha.


"90 nalang sayo iha" Napangiti naman ako sa sinabi niya at natutuwang kumuha ng isda,nang matapos ko iyon ay agad akong nagbayad sakanya at akmang aalis na ng kusa din akong napahinto dahil sa sinabi niya.


"Mag iingat ka Rosen" Mahinang Saad niya na kinalaki ng mata ko.

"P-Paano niyo po nalaman ang pangalan ko?" Gulat na tanong ko habang hindi makapaniwalang nakatingin sakanya.



"Hindi na mahalaga kung paano,ang mahalaga mag ingat ka... maraming masamang bagay ang mangyayari sayo"

"Gaya po ng ano?"

"Hindi kona sasabihin,hahayaan kitang malutas ang sarili mong kapalaran"

Hindi ko man sabihin alam kong kinilabutan at natakot ako sa mga sinabi niya,mabilis pa tuloy sa Pusa akong umalis dahil hindi ko talaga alam kung Anong sinasabi niya.


"Ayyyyy!"  Gulat na sigaw ko ng bigla nalang ako matumba dahil sa lakas ng pagkakabunggo sakin,agad akong napatingin sa pader Este sa lalaking nakabunggo sakin at masama siyang tinignan.


"Pasensya na" Ani niya at agad akong inalalayan sa pagtayo,inis ko namang tinanggal ang kamay niya sa pag kakahawak sakin at mukhang nagulat eto sa Ginawa kong pag kurot sakanya.




"A-Aray ko naman!"





"Bakit ba kasi hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo?!ang sakit non ah!" Sigaw ko sa Mukha niya at Wala akong pakealam kung pag tinginan na kami ng mga tao ngayon,Wala akong pake Basta mabungangaan kolang siya satisfied nako.



Aba ansakit kaya non.





"Sorry nanga eh,may kasalanan kadin naman" Bulong niya na kinalaki ng mata ko.




"Anong may kasalanan?Sino bang Hindi naka tingin sa dinadaanan ha?!?" Mapaghamong tanong ko at namewang sa harap niya.




"Bakit? Nakatingin kadin ba SA dinadaanan mo?" Tanong niya Pabalik at nilapit ang Mukha niya sakin.



"Basta ikaw ang may kasalanan!"




"Okay,Sabi mo eh" Nakangising Saad niya at nilagay ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng tenga ko,agad ko namang pinalo ang kamay niya at naiinis na umalis sa harap niya.




"Anong nangyari sayo?sino yun?"


Agad na tanong ni Lola ng masalubong ko siya, napanguso nalang ako at agad na umakla sa braso niya na kinatawa naman Neto.



"Grabe ka makasigaw kanina ah" Pang aasar ni Lola na kinairap ko nalang.





"Paano Kasi Lola,ang yabang nung lalaking yun..akala mo naman ang gwapo eh mukha din namang hiniwa ng Karne ng baboy"




"Gwapo naman ah...mukhang ka edad molang din" Nakangiti pang Saad niya na mas kinanguso ko,niyaya ko nalang siyang umuwi at laking pasalamat ko nalang ng hindi kona makasalubong ang mayabang,nakakainis,antipako,mukhang kulugo na lalaking yun.





Nang makarating kami sa bahay ay agad akong pumunta sa Kusina para makaiwas sa pang aasar ng baliw kong lola,sinimulan konang ihanda ang mga gagamitin ko at kusa nalang din akong napahinto habang inaalala ang mga sinabi nung matandang babae kanina.




Wala naman talaga akong planong pansinin payun pero hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit kahit iniiwasan ko naman siya ay kusa parin itong pumapasok sa utak ko.






May mangyayari ngabang masama?




Bakit sakin?




At anong mangyayari?







________________





"Lola kakain napo" Mahinang tawag ko sakanya pero sapat nayun para marinig niya,agad naman siyang pumunta sa kusina namin at inilingan ko nalang siya ng makitang tutulong pa siya sakin mag hain sa mesa.




"Parang matamlay ka apo?may bumabagabag ba sayo?" Tanong niya na mahina ko nalang kinailing.




"Wala po Lola,pagod lang po siguro" Pag sisinungaling ko at sinimulan na siyang ipaglagay ng pagkain.


Hindi naman na nagsalita si Lola pero palihim kong napapansin ang mga tingin niyang mapanuri sakin.





Kilala mo talaga ako Lola.




Si Lola ang nag alaga sakin Simula pagkabata ko,17 palang daw kasi ay nabuntis na si Mama at yung tatay ko naman ay 18.



Hindi daw ako pinanagutan ng ama ko habang ang Ina ko naman ko ay gusto akong ipalaglag Ng mga oras nayun,sobra daw nagalit nuon si Lola at umabot pa sa puntong hindi niya kinibo si Mama.



At nang malaman naman niyang ipapalaglag daw ako ay agad niya itong kinausap at sinabing buhayin.
At Heto nga ako ngayon,buhay na buhay habang walang mga magulang.


Hindi na nag pakita sakin si Papa at si mama naman ay nag Asawa na ng iba sa manila.


Naalala ko nananaman ang mga huling salitang binitawan niya sakin Bago siya sumama sa Bago niyang kinikilala.




"Isa kalang malaking pagkakamali Rosen!"


"Isa kang malas...parehas kayo ng tatay mo,MALAS KAYO SA BUHAY KO!"







"Bakit ka umiiyak?" Agad akong napatingin Kay Lola ng sabihin niya yun at malungkot ko nalang siyang nginitian ng mapansin kong umiiyak nanga ako.


"La..Minsan ba,nakita moko bilang isang pagkakamali?" Tanong ko na agad naman niyang kinagulat.



"A-Apo ano bang sinasabi mo? siyempre hindi!"





"Pero bakit si Mama at Papa,bakit hindi nila ako matanggap?bakit Sabi nila pagkakamali lang ako?"Umiiyak na tanong ko na agad naman niyang kinailing.



"Lola nagsisisi kabang binuhay moko?"Patuloy parin ako sa pag tatanong na agad naman niyang kinailing.



"A-Apo San moba nakukuha yang mga tanong mo nayan?"Makinig ka saking mabuti Rosen......mahalaga ka sakin,Mahal ka ni Lola......oo Hindi ka matanggap ng mga magulang mo pero si Lola tanggap na tanggap Kita,Mahal na mahal kita apo" Umiiyak narin siya habang inaabot ako.




"Lola kasalanan kobang nabuhay ako?"



"Hindi Rosen, Hindi ka kasalanan Kasi Isa kang regalo"




"Pero bakit si Mama?bakit parang dirint diri siya sakin?" Humihikbing tanong ko habang pilit na humahanap ng sagot sa tanong ko.




"Hindi Pa nakikita ni Melba ang halaga mo Rosen,pero ako...ako nakikita ko ang tunay na halaga mo,mahalaga ka sakin apo kaya please wag kanang mag tanong dahil nasasaktan si Lola" Patuloy parin siya sa pag iyak na agad Kong kinatayo.

Agad Kong lumapit sakanya at mahigpit siyang niyakap na mas kinaiyak ko, patuloy akong nag sosorry sakanya sa mga pagtatanong na ginawa ko at kagaya ng dati...maluwag niyang tinaggap ang mga salita ko.





"Mahal na mahal din kita Lola,Wag moko iiwan ah"




"Hindi Kita iiwan apo" Sagot niya at pinisil ang kamay ko.





Matapos naming kumain ay pinauna Kona si Lola papunta sa kwarto namin habang ako naman ay niligpit ang mga kinainan namin.





Habang nag huhugas ako ng Mga Plato ay may bigla nalang gumalaw sa labas ng pinto, dahan dahan naman akong lumapit duon at tinignan kung ano iyon.



Hindi ako pwedeng magkamali.....alam Kong may tumawid.






"Sinong nandiyan?" Pasigaw na tanong ko habang patuloy paring ineenspeksyon ang paligid.



"May tao ba diyan?"



"Hayop?"


"Engkanto?"


"Manananggal?""

"Tiktik?"

"Aswang?"

"O baka naman albularyo?"



Sunod sunod na tanong ko pero Walang sumagot, pakiramdam ko nag tindigan ang mga balahibo ko nang may gumalaw malapit sa basurahan namin.

Madilim Kasi ang Lugar nayun at natatakot na talaga kooooooo.


Lolaaaaaaaaaa.






"Hoy sino kaba?Mag balak kabang rape-in ako?kung ganon Wala kang mapapala sakin!WALA AKONG KIKI!" Sigaw ko kahit na ang totoo ay nangangatog nako sa Takot.!







Mukha Kang tanga Rosen!








"Kung Isa kamang multo!SA NGALAN NI SAN PEDRO TINATAWAG KO ANG KANIYANG MANOK PARA IKA'Y PIGILAN SA MASAMANG BALAK MO SAKIN"





"K-KUNG ENGKANTO KA MAN! TABI-TABI PO!"









"Jusko Rosen Ano bang ginagawa mo diyan at bakit ka sigaw ng sigaw!" Agad akong napatingin ng sumigaw ang Lola ko at nang Makita ko Siya nakasimangot siyang nakatingin sakin at mukhang nag tataka kung Anong ginagawa ko







"Lola diyan kalang!Brilyante ng lupa sinasamo Kita!Masamang nilalang o engkanto payan,paki puksa now na HUHUHUUHU" Sigaw ko at nang may tumunog nanaman ay agad akong tumakbo Kay Lola at hinila siya papasok sa bahay.








"Ano bang ginagawa mo Rosen Mei?Bakit ka namumutla diyan?" Tanong niya habang inaalog alog ako.





"L-Lola may multo ata sa labas, engkanto o rapist?"





"Ano?!" Naguguluhang tanong niya at akmang lalabas nang hilahin ko siya pabalik.







"Hayaan mong tignan ko" Nakangiting Ani niya na kinailing iling ko.






"Lola wag!baka ikaw ang rape-in nun o kaya baka ikaw ang ma engkanto!" Nanlalaking matang Saad ko sakanya pero tinawanan niya lang ako.







"Hayaan mona ako" nakangising Saad niya at agad akong iniwan, nakatingin lang ako sakanya at napahawak ako sa bibig ko ng bigla nalang mawala si Lola sa dilim.






"Lolaaaaa!" Natatakot na sigaw ko at akmang lalabas ng bahay ng bigla siyang pumasok.







"Ikaw talaga Rosen Mei!"








"Pusa lang to oh!"













Whut?!PUSA?!









_____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Chapter 3

Rosen!"





"Lol-a-ano hong ginagawa niyo dito?" Nanlalaking matang tanong ko habang nakatingin sa nanay ko,nakita kong nag tatalo sila ni Lola at base sa tono ng Lola ko ay parang ayaw niya akong palabasin.







"M-Mama anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko ulit sabay tingin sa Asawa niya.







"Sasama ka samin..Saamin kana titira Rosen" Matigas na sambit niya at akmang hahawak sakin ng bigla akong umatras, umiling iling ako sakanya.







"Ayoko ho"






"Sasama ka samin sa ayaw at sa gusto mo Rosen!" Mahihimigan ang galit sa boses niya dahilan para mas Lalo akong mapa atras.





"Huwag Jane!Huwag mong kunin sakin ang apo ko!" Umiiyak na sigaw ni Lola habang nag mamakaawa sa nanay ko.





"Hindi ako sasama sayo" Malamig na sambit ko at iwinaksi ang kamay niya dahilan para sumama ang tingin niya sakin.








"Ano pabang inaarte arte mong Bata ka?!Pag nasakin ka gaganda ang buhay mo!pinapahirapan molang ang Lola mo dito eh!"







"Eh ikaw?!ano bang ginagawa mo Dito?Wow ma kung umarte ka parang walang nangyari ah....parang hindi mo hiniling na sana mamatay nalang ako para Wala nang malas sa buhay mo!" Sigaw ko din sakanya,agad akong tumakbo palapit Kay Lola at agad siyang niyakap dahilan para mas lalong magalit si mama.






Hindi ko hahayaang ilayo moko sa Lola ko.








"Sasama ka sakin Rosen!Bobby hawakan moyang batang yan...kukuha lang ako ng ilang gamit niya"






"Bitawan moko!Hindi ako sasama sainyo!" Sigaw ko habang pilit na kumakawala sa hawak ng Asawa niya, ramdam ko ang bawat diin ng hawak niya sakin dahilan para mAhina akong mapadaing.








"Nasasaktan ang apo ko!Bitawan mo siya!" Sigaw ni Lola habang pinapalo Palo ang kamay niya.








"Manahimik nga kayo!at ikaw bata ka huwag kang maarte dahil kung tutuusin ayaw din naman kitang makasama sa iisang bahay!" Sigaw niya at inalog ako dahilan para mas Lalo akong mapaiyak.









"B-Bitawan moko"







"Tara na Bobby" Ani ni mama habang dala dala ang ilang damit ko,agad naman akong hinila nung bobby at Bago pa man kami makalabas ay sinipa kona siya at agad na tumakbo palapit kay Lola.








"Bwisit kang Bata ka!papahirapan mo talaga ako eh ano!" Ani Mama at sinabunutan ako.







"Nasasaktan ang Bata Jane!"










"Huwag kang mangialam Ma!Ako ang Ina neto kaya karapatan kong putulin ang sungay niya!"







"Bitawan moko!Wala kanang karapatan sakin Mama!Wala na!"





"Manahimik ka!" Sigaw niya habang pilit akong hinihila palabas,kahit masakit na ang anit ko ay buong pwersa akong kumawala sakanya at galit na galit siyang tinignan.








"Huwag na huwag mong sasabihin sakin na ikaw ang may karapatan!Na ikaw ang Ina ko! Dahil kahit Bali baligtarin ko man ang Mundo Hindi ka naging mabuting Ina sakin!"Sigaw ko habang dinuduro siya na kinalaki ng mata niya.








"Iniwanan moko nuon!Bakit ka bumabalik ngayon?!ano ba talagang Plano mo mama?!"








"Bakit Hindi ka mag salita?!" Hamon ko sakanya na masama netong kinatingin sakin.








"Jane anak itigil mona to!Hayaan Mona sakin ang apo ko!Hindi ako makakapayag na ibenta mo siya!" Sigaw ni Lola na kinabigla ko.








"I-Ibebenta Moko?!" Nanginginig na tanong ko habang hindi makapaniwalang nakatingin sakanya.







"Anong klaseng Ina ka!ANONG KLASENG TAO KA?!NAPAKA WALANG KWENTA MO!"





*PAKKK*










"Inggrata!"Singhal niya at mahigpit na hinawakan ang panga ko.







"Wala kang karapatang sabihan akong walang kwenta!Dahil unang una sa lahat anak lang kita at ako ang may karapatang mag desisyon kung anong gagawin ko sayo" Malamig na Ani niya habang mahigpit na hawak ang panga ko.










"Kung ganon....Sana hindi nalang ikaw ang naging Ina ko"Galit na Ani ko sakanya at mahinang hinampas ang kamay niya.









"Nakikiusap ako sainyo Mama,umalis na kayo at huwag na kayong mag papakita sakin kahit kailan"







"Ros-






"Umalis kana hanggat may natitira pa akong katiting na pag galang sayo"Matigas na sambit ko at tinalikuran siya.










"Hindi mo pwedeng gawin sakin to Rosen!"








"Kung ikaw may karapatan kontrolin ang buhay ko, Siguro naman may karapatan akong tablahin lahat ng Plano mo, Diba?Mama"









"Napaka walang kwenta mo talagang Anak Rosen,pag sisisihan moto balang Araw!pag sisisihan mong ginanito moko!" Sigaw niya din pabalik dahilan ng Mariin kong pag pikit.










"Pinag sisisihan kong naging Ina kita".








"Umalis na kayo Bago pa ako mag patawag ng barangay" Banta ko at mataman silang tinignan,agad Kong kinuha ang cellphone ko at nag panggap na may dinadial dahilan para mabilis silang umalis.





Nag iwan panga ng salita sakin si Mama eh.









Hihintayin kong mag makaawa ka sakin Rosen,at kapag dumating ang oras nayun sisiguraduhin kong mag hihirap ka muna bago kita tanggapin.












Matapos niyang sabihin yun ay agad din silang nawala dahilan ng pag iyak ko,dahan dahan akong napasalampak sa sahig at parang batang humagulgol ng iyak,agad naman akong dinaluhan ni Lola at paulit ulit na humingi ng pasensya dahil sa ginawa ni Mama.









"Lola napaka sama niya,talagang ibebenta niya pa ako" Umiiyak na sambit ko Habang nakayakap sakanya.







"Iba na talaga ang takbo ng utak ng batang iyon,hindi ko akalain na pag tatangkaan ka niyang kunin at Ilayo sakin" Galit na sambit niya na mas Lalo kong kinaiyak.








"Lola nakiki usap ako sayo,huwag na huwag mokong ibibigay Kay mama"









"Shhh kahit kailan hinding Hindi ka makukuha sakin ng Mama mo" Bulong niya at hinalikan ang noo ko.








"La,masama ba akong anak dahil nilabanan ko si Mama?"










"Sa mata ng ibang tao masama yun Rosen,pero alam ko namang napilitan kalang gawin yun dahil hindi mona kinakaya ang ginagawa at sinasabi ng mama mo" Ani niya.










"La,hindi ba talaga ako matututunang mahalin ni Mama?"








"Hindi ko alam Rosen,Pero alam kong kahit papano ay may puwang ka sa puso ng mama mo...natabunan lang siguro yun ng galit niya sa papa mo" Bulong niya na kinatango tango ko nalang.







Ilang minuto Rin kaming ganun ni Lola at matapos nga ng ilang minuto ay nag paalam muna ako sakanyang mag papahangin lang sa labas.







Pumayag naman eto pero umuwi din daw ako kaagad dahil baka daw bumalik sila Mama at tuluyan nakong kunin sakanya.









Nag mamadali akong tumakbo palabas at nang makarating ako sa Tulay ay agad akong sumigaw dun at nilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko.










"Kinamumuhian Kita Mama!" Umiiyak na sigaw ko at unti unting Tumingin sa tubig sa ibaba,kitang kita ko ang paglandas ng luha sa mata ko at kahit anong gawin kong pigil dun ay kusa padin siyang tumutulo.









"Panyo?" Agad akong napatingin sa nag Sabi nun at nagulat ako ng may katabi na akong lalaki,nakangiti siya sakin habang may nakalahad sa kamay niyang dilaw na panyo.








"Kunin Mona" Nakangiting Ani niya at pilit na inaabot sakin ang panyo niya,marahan ko namang kinuha yun pero Hindi kopa din inaalis ang tingin ko sakanya.








"Alam kong may galit kapa sakin dahil sa pag bangga ko sayo pero pwede bang kalimutan Mona yun?" Natatawang tanong niya at tinitigan ako, tumango nalang ako sakanya at marahang umupo sa may Bakal na Daanan, sumunod naman siya sakin at Hindi ko nalang pinansin ang pag upo niya sa tabi ko.







"Bakit ka umiiyak?" Tanong niya na agad kinasama ng tingin ko.






"Ohhh wag kang magalit,gusto kolang malaman dahil alam kong gagaan ang loob mo kapag nakalabas yan,at tiyaka diba...masarap daw may kwento sa stranger dahil sila Hindi ka nila huhusgahan,Kasi nga Hindi ka nila kilala" mahabang Ani niya habang malawak paring nakangiti sakin.








"Ang dami mong sinabi" pang babara ko at inirapan siya.









"Share kolang" Natawa nalang ako SA sinabi niya at sa bahagyang pag peace sign neto.










" Si Mama kasi" Panimula ko habang Nakatingin sa Ilog.







"Hmmm"








"Kinukuha niya ako"






"Ayaw mo sumama?" Tanong niya na kinailing ko.







"Alam ng Diyos kung gaano ko siya gustong makasama,pero hindi Naman SA paraan niya"Ani ko at hindi naman siya nag salita.








"Ibebenta niya ko" Ramdam ko nanaman ang paninikip ng dibdib ko habang sinasabi koyun sakanya,mataman ko siyang tinignan pero nakatingin lang siya sakin at mukhang hinihintay ang sunod kong sasabihin.








"Mahal na mahal ko ang mama ko pero hindi ko alam kung bakit niya ako ginaganito!"









"Alam ko namang pag kakamali lang ako dahil maaga siyang nabuntis at alam koding nagagalit lang siya sakin dahil Hindi siya pinanagutan ni Papa"








"Pero bakit kailangan ako ang mag bayad?" Humihikbing tanong ko habang pinupunasan ang Mukha ko.










"Hindi ko naman kasalanan yun eh"









"Hindi ka pagkakamali" Pag sasalita niya habang matamang nakatingin sa mga mata ko.









"Alam kong komplikado ang pamilyang kinabibilangan mo pero Sana wag mong sisihin ang sarili mo"








"Napaka Ganda mo para maging kasalanan" Ani niya na kinakalabog ng puso ko.









"Nambola kapa"










"Alam moba,malayo din ako sa pamilya ko, komplikado din ang pamilyang kinabibilangan ko,at dahil nga magulo sila... pinili ko nalang lumayo" Pag kekwento niya.










"Nginitian molang ang problema" Saad niya at malawak akong nginitian,nagulat ako ng hawakan niya Ang mukha ko at pilit akong pinapangiti dahilan para mAhina akong matawa.









"Huwag monang banatin ang Mukha ko,nginginiti nako" Saad ko at matamis siyang nginitian.








"Mas maganda ka kapag nakangiti" Mahinang Ani niya at nilagay sa likod ng tenga ko ang ilang hibla ng buhok ko.









"We're friends right?" Tanong niya habang nakatingin sakin, marahan naman akong tumango sakanya at siyempre Ayan nanaman ang malawak niyang ngisi.







Etong taong to pinag lihi ata sa sobrang kasiyahan.












"I'm Erwin"






"I'm Rosen"



















_____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
<3