Browse stories

When Sunrise Strikes At The Gasoline Station

Language: fil

Gas station at 6 AM. The setting of Aude and Gage's indelible bridge of beginning. Beginning of their entangled but valuable gaseous affection. *** Audrey Hathor Regdon is a lazy but hardworking highschool teenager. And because his father was not on her and her mother's side, she started side working on a gasoline station. Then one day, early in the morning while working, one of the cars who are buying gasoline at the station, suddenly backseat window slid open, and there a boy with an annoying look told her that she's so noisy. Who knows that it was actually the beggining of their…

Available chapters

  1. Chapter 1
  2. Chapter 2
  3. Chapter 3

Chapter 1

"Keep rolling your eyes, girl, maybe you will find a brain back there."

Mas lalong umikot ang mata ko dahil sa sinabi niya. Ba't kasi may pa-project project pa ang tandang 'yon? Itatapon lang rin naman nila pagkatapos ng portfolio day.

Napangisi ako nang may biglang ideyang pumasok sa isip ko. Tumaas ang kilay niya dahil sa biglang pagbabago ng mukha ko.

"What?" Tanong niya.

Mas lumaki ang ngisi ko at mas nilapit ko pa ang mukha ko sa screen. Mapansin niya sana na mas magandang ideya 'to.

"Pa'no kung…" I trailed that made her intrigued more. I twinkled my eyes a lot of times that made her brows turned up. "Ikaw na lang ang maggawa ng project ko?"

She scoffed unbelievably. "How dare you!" Nakangiwi niyang sigaw na nagpapikit sa 'kin. Her black curly hair moved swiftly when she adjusted her seat pissedly.

Ang tinis ng boses niya!

Napakrus ako ng braso at binigyan siya ng pekeng malungkot at miserbleng mukha na mas lalong nagpaasim ng mukha niya.

"Sige na, Fern, may gagawin pa 'ko mamaya kaya siguradong hindi ko maaasikaso ang project na 'yon," Pagpapaawa ko. Napaismid naman siya. "Ba't kasi bukas na ang deadline na 'yon…" I murmured.

"Tanong mo kay Ma'am, 'wag sa 'kin." Maarte niyang saad at inirapan ako.

Inirapan ko naman siya pabalik at napahalumbaba. Malapit nang masira ang araw ko. Sana nga lang malaki ang sweldo ngayong araw na ibibigay sa 'kin. Sayang lang ang paggising ko ng maaga.

Napaayos ako ng pagkakaupo at mabilis kong kinawayan si Fern na mula pa pagkabata ang kaibigan ko na. Tumaranta naman siya.

"Sige na, bukas na lang, magkikita pa naman tayo—" she cut me off by yelling.

"Teka lang, Audrey! Seryoso ako! Kung ayaw mong bumalik sa pagiging Grade 12, pwes magsipag ka!" Malakas niyang sermon.

Napaikot ang mata ko. "Oo na," naiinis kong saad. "Feeling nanay 'to…" I mumbled that made her nose hole larger.

"Kung i-fro-frontstab mo man ako, 'wag mong iparinig!"

Nginitian ko siya ng pagkatamis-tamis bago nagmamadaling tinapos ang video call. Nakangisi akong nagpalit ng damit na puting t-shirt at itim na shorts bago lumabas ng kwarto para makapunta na sa pinag-aabalahan ko kada madaling araw.

"Ma! Alis na 'ko!" Malakas kong pagpaalam kay Mama.

Nagmamadali naman siyang lumabas mula sa kwarto niya habang nakatuwalya pa. "Sige, mag-iingat ka!" May nakalagay pang toothbrush sa ngipin.

Mukhang maaga ang pagpunta niya sa paaralan niya, ah. Guro kasi siya sa elementary school sa kabilang bayan.

Mag-isang magulang si Mama sa 'kin dahil no'ng ilang buwan pa lang daw ako sa tiyan niya, ikakasal na pala si Papa. Kaya simula no'ng bata pa lang ako, si Mama lang ang nagpalaki sa 'kin.

Ang pagiging guro niya ang naging tulay para makakain kami ng tatlong beses kada araw kaya 'yon ang palagi kong pinasasalamatan kahit minsan nagbubulakbol ako sa pag-aaral.

I'm always grateful for having my Mother by my side even though she's already left by my Father.

Nagmamadali naman ako lumabas ng bahay at tumungo ang pinagkakaabalahan ko kada umaga.

The gasoline station.

"Gwapong umaga, Kuya Igme!" Bati ko kay Kuya na bente-singkong taong gulang. Siya ang pansamantalang nagpapatakbo ng gasoline station na 'to.

Nginitian niya ako ng maliit at tinanguan bago magpatuloy sa pag-operate ng gas machine.

Kaya siya ang nag-aasikaso dito, dahil ang sabi niya ay nasa Manila pa daw ang may-ari nito. Siya daw muna ang pinaasikaso dito dahil baka ilang buwan pa ang abutin bago bumalik ang may-ari.

Dito ako nakakuha ng pera kapag may gustong akong mabili. Sa pamamagitan ng pagtulong dito kada madaling araw at bago mag gabi.

Worth it naman dahil kada pagkatapos ng trabaho kada araw, binibigyan ako ng maliit na sweldo. Minsan 100, minsan naman, kalahati lang no'n. Worth parin 'yon dahil araw-araw naman akong pumupunta dito.

"Ano ako ngayon, cashier o operator ng gas?!" I loudly inquired while wiping the cashier's glass wall from the outside.

Tinuro niya ang loob ng cashier room bago magpatuloy sa pag-aayos ng bombilya na tabi lang ng machine. Nasira 'yan kagabi dahil may isang tricycle na aksidente 'yang nabunggo dahil sa dami ng mga motor na gustong magpa-gasolina.

Mga agresibo talaga ang mga matatandang taga dito sa Luton. Buti na lang hindi pa 'ko matanda, pero... Napangisi ako. Agresibo rin ako.

Dahil sa mga pinag-iisip ay hindi ko napansin na nadulas na pala ako sa pagsubukang pag-abot ng sobrang taas na parte ng glass wall. Ang ending, bagsak ang pwet ko sa sahig. Gumawa iyon ng malakas na tunog na mas lalong nagpangiwi sa 'kin.

Sobrang sakit pero… Kailan pa nagka-tubig ang sementadong sahig na 'to?

Bago pa 'ko malunod sa tanong na 'yon, parang ninja akong bumalik sa pagkakatayo, tinaas ko pa ang kamay sabay baba nito para pag-pagin ang pwet at paa ko na nadumihan at nabasa.

Buti na lang itim 'to.

Napatigil ako sa pag-pagpag nang maramdaman ko ang mga tingin ni Kuya Igme. Dahan-dahan akong lumingon sa kaniya at kasalukuyan siyang nakatigil sa paggalaw habang maliit ang matang nanunuod sa 'kin.

Base sa reaksyon niya, siguro iniisip niyang weirdo ako. Ha! 'Wag siyang mag-alala, hindi siya nag-iisa sa pag-isip no'n.

Dahan-dahan akong ngumiti ng malaki, 'yong labas giligid, at nag-peace sign. May you think in peace, Kuya.

Napailing siya at binalik ang tingin sa bombilya. "Babae ba talaga siya?" He murmured.

I smirked and got back from wiping the glass wall. Don't worry, I'm a girl, just half ninja.

Isang oras akong nanatili do'n gaya ng ginagawa ko araw-araw, isang oras sa umaga na mula ala-sais hanggang ala-siyete. Pagkatapos, ay bumalik ako sa bahay para maligo at maghanda para pumasok.

Ilang oras rin ang klase at mag-isa akong sweepers no'ng hapon kaya natagalan pa ng konti. Buti na lang at tinulungan ako ni Fern nang ma-realize niyang babalik ulit ako sa gas station.

Pinaalala niya pa ulit ang project na deadline bukas kaya mas lalo akong tumaranta. Agad naman akong kumalma ng konti nang pumasok sa isip ko na ang sweldo ko na lang sa gas station ang ibibili ko ng requirements para hindi ko na kailangang humingi kay Mama.

Pagka-uwi ko ng bahay ay lagpas ala-singko na kaya nagmamadali akong nagbihis.

Palaging bandang ala-sais ng gabi si Mama nakakauwi kaya kailangan kong palaging isara ang pinto.

Sabay rin naman kaming uuwi mamaya.

Nagsuot ako ng dark green jogging pants at puting t-shirt na maliit na sa 'kin kaya nagmukhang crop top. Wala naman akong choice dahil sa sabado pa kami maglalaba ni Mama. Ipinusod ko rin ang lagpas balikat kong buhok na kulay jet black na siyang namana ko daw kay Papa.

Halos takbuhin ko na ang daan papuntang gas station na walking distance lang rin naman para hindi madali. Napahinga ako ng maluwag nang makitang hindi naman gano'n kahaba ang pila ng mga nagpapa gasolina.

Nang makarating na ako sa tabi ni Kuya Igme ay halos patayin na niya ako gamit ng titig dahil sa sobrang late. Idinahilan ko na lang na tatlong beses akong nadapa papunta dito kaya natagalan kahit... hindi naman gano'n 'yon para hindi na humaba ang usapan.

Ako ang pina-operate niya ng machine kaya naging ganado ako kahit na stress ang pagiging ninja ko dahil sa pagtakbo.

Maraming tricycle at motor driver ang sumisingit kaya nairita ako ng konti. Konti lang talaga—Dyos ko nanggigigil ako!

"Manong Remi! Umayos kayo kung ayaw niyong hindi mabigyan ng gasolina!" Singhal ko kay Manong Remi na siyang pasimuno ng singitan ngayon.

Napakamot naman siya sa ulo niya at tinanguan ako bago i-maneho ang tricycle papuntang huli ng linya. Syempre gagawin niya 'yon dahil alam naman niyang seryoso ako sa sinigaw ko.

No'ng nakaraang buwan, nangyari rin ang ganitong singitan. Aba't nakita ko kung sino ang tarantadong pasimuno no'n kaya sininghalan ko 'yon ng paulit-ulit, pero ang loko ay hindi nagpatinag at gusto talagang maunang mabigyan ng isang gallon ng gas kaya ang nangyari, tubig ang nilagay ko sa gallon at 'yon ang ibinigay ko sa kaniya. At ayon… tumahimik na.

Mula no'n, wala namang umulit pang sumingit dahil ikinalat 'yon ni Manong Remi—ang hari ng mga tsimoso dito sa Luton. Pero parang bumaliktad 'ata ang mundo, siya naman ang sumisingit na 'yon.

Mukhang sideline niya 'to. Taga-singit.

Napaismid ako do'n at nagpatuloy sa pagbibigay ng mga gas na binibili nila.

Para sa ibang lugar, nakakahiya kung puro piso-piso ang ibinabayad sa binibili nila pero hindi dapat sila nagpapakain ng hiya na 'yon, dahil sila at sila pa rin ang bumibili hindi ang mga nagbebenta.

They shouldn't be ashamed of buying using coins, because what should be more important, is they will pay the exact amount. Walang labis, pwedeng kulang.

No'ng nagsimula akong magtrabaho dito, pansin kong hindi tumatanggap ng sobrang bayad si Kuya Igme. When I asked him why, he said that that's what the owner of the station reminded him.

That he can accept not enough money, but… he should never accept too much money that paid to him. In short, hindi siya tatanggap ng sobrang bayad.

Tinanong ko rin sa kaniya kung bakit gano'n pero ang tanging sagot lang niya ay kibit-balikat dahil siya mismo ay hindi rin alam ang sagot.

Napabalik ako sa realidad nang iwagayway ni Manong Remi ang kamay niya sa harapan ng mukha ko. Saka rin ang pagdating ng itim na magarang kotse para magpagasolina. Gumawa iyon ng malakas na tunog.

Pinasadahan ko muna ng tingin ang kotse na 'yon at napangisi. Halatang bago lang, ah!

Agad kong binalik ang tingin kay Manong Remi ngumiti ng malaki sa kaniya bago nagmamadaling kumuha mula sa likod ng gas machine ng isang gallon na naglalaman ng worth 50 pesos gasoline.

Matagal nang dito nagpapagasolina si Manong at laging 50 pesos ang binibili niya. Nasanay na ako no'n kaya hindi na niya kailangang ipaalam sa 'kin kung ilan ang bibilhin niya.

Bitbit ko sa kaliwa kong kamay ay gallon at ginamit ko naman ang kanan kong kamay para punasan ang namumuo kong pawis sa noo.

Hindi naman ako nandiri sa pawis na 'to dahil para sa 'kin, ang pawis ay hindi simbolo ng maduming tubig mula sa sarili, dahil simbolo ito ng paghihirap.

Kung pinapahalagahan mo ang paghihirap, kapag maramdaman mo na ang pawis mo, saka mo iisipin na ito na ang resulta ng pagiging masipag mo.

So, I don't easily get disgusted by sweat.

"Mag-isip isip po tayo, Manong, ah!" Pagbitaw kong ibinigay sa kaniya ang gallon at agad naman niya itong tinanggap.

Kinailangan niya pang humangad ng konti dahil mas mataas pa 'ko kaysa sa kaniya kahit medyo may edad na siya.

"Bakit?" Nagtatakang niyang tanong at inilagay ang gallon sa loob ng tricycle niya bago ibalik ang tingin sa 'kin para hintayin ang sagot ko.

I smirked. "Baka kasi sa tyan mapunta ang gas na binili dahil sa pagiging sobrang tsismoso." I muttered, still with a smirk and put my hands on my waist.

Napatawa siya ng malakas at napakamot sa ulo. Hindi pa ba niya na-realize na kalbo siya?

"Hindi 'yan, Hathor!" Malakas niyang pagtanggi. Napasimangot ako nang ginamit na naman niya ang pangalawa kong pangalan.

As usual, 'yan ang pangganti niya sa akin. Alam kasi niyang mawawala ako sa mood kapag may tumawag sa 'kin gamit ng pangalawa kong pangalan.

Mas lumakas ang pagtawa niya nang mapansin amg reaksyon. Napahawak pa siya sa tiyan, feel na feel ang natitira niyang oras para tumawa.

Napakrus ako ng braso at pabirong inirapan si Manong. Buti na lang na kahit anong sabihin ko sa kaniya ay mukhang hindi naman niya 'yon sine-seryoso.

Napatingin ako sa itim na kotse nang maramdama ko ang pagtitig sa akin ng kung sino. Akala ko si Kuya Igme 'yon dahil nando'n siya sa tabi ng kotse, nilalagay ang gas machine hose sa lagayan ng gas ng kotse, pero kumunot ang nuo ko nang makitang nakatalikod naman siya mula sa 'kin kaya nahinuha kong hindi siya ang kanina pang nakatingin sa akin.

Ramdam ko pa rin ang titig na 'yon kay nilibot ko ang tingin sa banda ng itim na kotse. Tumigil ang mata ko sa bintana ng backseat.

Pakiramdam ko ay sandaling tumigil ang oras habang nakatingin ako do'n. Bumilis ang tibok ng puso ko sa hindi ko malamang dahilan.

Ba't pakiramdam ko... may katitigan ako ngayon?

Ilang segundo akong nakakatitig do'n, rinaramdam kung may katitigan ba talaga ako ngayon at… saka nakumpirma ang konklusyon na 'yon nang… biglang bumukas ng konti ang pinto na para bang nasandalan ang handle, pero tumaas ang dalawa kong kilay nang agad rin naman iyong binalik sa pagkakasara ng maayos.

Napaiwas ako ng tingin do'n at nginitian ng pilit si Manong, nagtataka pa rin sa nakatitig ko at kung bakit… hindi pa rin nawawala ang mabilis na tibok ng puso ko.

Inunahan pa 'ko sa karera.

"Unahin niyo ang sarili niyo kaysa sa pangalan ko," Pansamantala kong iniwas sa isipan ang taong nasa back seat ng itim na kotse na 'yon.

"Mas intindihin niyo muna ang kung anong i-tsi-tsismis niyo bukas! Meron na ba kayong nakalap na impormasyon tungkol kay Marites sa kabilang baryo?"

Parang dismayado siyang umiling. "Wala pa, kasalukuyan pa rin akong nagtatanong sa mga kakilala ko mula do'n kung nakipag-sabunutan ba talaga si Marites, at alam mo ba?" Lumapit siya ng konti sa akin para bumulong.

Sinakyan niya talaga ang biro ko.

"Ano po, Manong?"

Bumulong siya sa maliit na boses. "Hindi pala siya ang kabit. Siya pala ang totoong asawa—"

Agad akong napailing at sininghalan siya ng malakas. "Pagdating talaga sa tsismis—"

Ako naman ngayon ang napatigil sa pagsasalita, pero hindi sa pamamagitan ng tsimsis ni Manong Remi, kundi sa biglang pagbukas ng bintana mula sa itim na kotse na nasa backseat na siyang kanina ko pa sinusulyapan.

Pareho kaming napalingon do'n at habang nagsla-slide pababa ang bintana, dahan-dahan naming nakita ang lalaking may buhok na kulay chestnut, mahabang itim na pilikmata na may matang kulay bronze na kasalukuyang matalim na nakatitig sa amin, matangos na ilong, at mapulang manipis na labi.

Agad nagtama ang mga mata namin na nagpatalon ng puso ko. Saglit kumalma ang mga kilay niya at sa oras na 'yon, pakiramdam ko, saglit tumigil ang oras, hindi nga lang literal.

Ilang segundo kaming nagkatitigan, hindi kumukurap pero agad siyang umiwas ng tingin nang inipit ko ang labi ko, mukhang 'yon ang nagpagising sa aming dalawa

Nakakunot na naman ang noo niyang humarap sa harapan ng kotse nila at pinag-krus ang braso.

"Ingay…" Naiirita niyang bulong na hindi nakatakas sa malakas kong pandinig.

G-gago.

Kita ko sa peripheral vision ko ang pagkuha ni Kuya Igme ng hose mula sa butas at sumaludo sa driver nang kotseng sinasakyan no'ng gagong lalaking 'yon.

Rinig ko ang pagkausap ng nasa driver seat ng itim na kotse. "Garege! Ibalik mo na ang pagkakasarado ng bintana, sayang ang aircon."

Saglit akong sinulyapan no'ng chestnut-hair na lalaki na nagpalunok sa 'kin bago na niya isara ang bintana at saka tuluyang umalis ang kotse.

Nakatingin pa rin ako do'n kahit nawala na 'yon sa paningin ko. Napahawak ako sa dibdib sabay sandal sa machine na nasa gilid ko.

Gago 'yon, ah!

Chapter 2

Chapter 1

"Ginawa mo ba ang project mo, o nangulangot ka lang d'yan buong araw?"

Napahawak ako sa dibdib at nagpeke ng iyak pero agad ko 'yon tinigil nang sinamaan niya ako ng tingin habang inaayos ang pagkakahiga sa kama ko.

Swerto 'to, ah!

Nagkibit-balikat ako. "Syempre gagawin ko pa lang ngayon—"

Nanlaki ang mata niya at napahampas sa kama ko. Hindi nga lang 'yon gumawa ng tunog kaya hindi ako nagulat. "Ano?! Ngayon mo pa lang gagawin?! Mamaya na 'yan kailangang ipasa!"

Napabuntong hininga ako ng malakas, sumandal sa upuan, at kri-nus ang braso. "Oo na, gagawin ko nga ngayon 'di ba?" Inirapan niya ako dahil sa sinabi ko. "Napagod ako kahapon sa gasolinahan at tinamad na akong kumilos."

"Ang sabihin mo, tamad ka lang talaga. Gawin mo na ngayon!"

Napaismid ako sa pagiging dragon pero kahit gano'n, ginawa ko pa din ang projekto. Isa iyong artwork sa illustration board, kailangang lang magdrawing ng mga planeta na malapit sa earth.

Alam ko naman ang mga planeta at kung ano ang itsura ng kada-isa, ang problema lang, para akong pinanganak na walang talento kay pagkatapos ko gawin ang project, pagpakita ko no'n kay Fern. Agad siyang sumigaw na parang nakakita ng kung anong mali sa paningin niya.

"Ano 'yan?!" Parang hindi makapaniwala na sigaw niya sa 'kin.

Napakurap-kurap ako at sinulyapan ang project kong mga planeta—hindi ko nga lang alam planeta ba talaga 'to.

Tama ba ang pagkakagawa ko?

"Project?" Patanong kong sagot.

She scoffed. "Alam ko, but this doesn't look like a solar system!" Sinuri niya ang buo kong drawing at napangiwi.

Kumunot ang nuo ko. "Hindi talaga, illustration board kaya 'to…"

"Wag mo 'kong pilosopohin! Ang pangit n'yan!"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Kaibigan ba talaga kita?"

"I am," malakas niyang aniya. "But it's my duty, as a friend, to tell you that you suck at this."

Padabog akong tumayo at nagmamadaling tinago ang lapis at mga pastel crayon sa lagayan bago kunin sa kaniya ang drawing kong pangit daw.

"Anong gagawin mo ngayon?"

Hindi ko siya pinansin at agad tinungo ang kusina kung saan si Mama nagsusulat para sa records ng klase niya.

"Ma!" Agad naman siyang lumingon sa 'kin. Padabog kong ipinatong ang illustration board sa mesa at agad naman niya itong tinignan. "Ano sa tingin niyo?"

Her nose wrinkled at the sight. "Ano ba 'yan, siguro pinanganak ka lang talaga na mahilig manigaw," umiiling niyang saad at binalik ang tingin sa sariling gamit. Napanguso ako. Bumulong ulit si Mama. "Nagmukhang pang-grade 1 na drawing ang ginawa mo…"

"Ma!"

Binigyan niya ako ng inosenteng tingin. "Bakit? Totoo naman, ah."

Akala ko, sila lang ang magbibigay ng ganyang feedback, pero mukhang nagkakamali ako, gano'n rin ang sinabi ng mga guro na nakakita ng drawing ko sa high school. Tuloy, tawang-tawa si Fern sa 'kin habang papunta kami sa canteen.

"Sabi ko naman sa 'yo, Aude. Dapat ilang araw mo 'yon inasikaso para hindi ka tiklop sa huli." Tawang-tawa niyang saad na mas lalong nag-pabwisit sa 'kin.

Inirapan ko siya at nagpatuloy sa paglakad. "At least nagpasa ako 'di ba? Kahit mukhang drawing pa 'yan ng hayop, mas importanteng may pinasa kaysa sa wala." Malakas kong saad.

Napailing siya at inikot ang mata. "Bahala ka,"

Pagkarating namin sa canteen. Nagkwentuhan lang kami ng kung ano-ano na may kasamang panlalait—oo, ganyan talaga kami.

"Nakita mo ba kahapon si bruhang Isabell at ang kaniyang alalay na si Mila? Mukhang hindi pa nakalabas mula sa sariling sumpa at hindi na nagpakita." Sambit ko habang ngumunguya ng cheese stick.

Tinanggal ko nga lang ang sauce dahil mukhang nasobrahan rin sa love life at nasobrahan rin ang paglagay ng mayonnaise ang kung sino man ang gumawa nito.

"Baka nag-iisip pa ng ira-ratrat sa 'tin." Pagsang-ayon niya.

Pagkatapos, nagpaalam rin agad kami sa isa't isa dahil magkaiba kami ng klase, buti nga at magkatabi naman kami ng room kaya madali namin mahahanap ang isa't isa.

Nang matapos ang napakaboring at huling klase para sa araw na 'to, agad akong minessage ni Fern na magkita na lang kami sa gate dahil may inutos pa daw sa kaniya ang adviser niya.

Ilang minuto akong naghintay sa gate bago siya tuluyang makarating do'n. Hinihingal pa ang gaga at parang maarteng sumandal sa dingding ng gate.

Bigla siyang ngumit-ngit sa inis pagkatapos ng ilang segundo. "Nanggigigil talaga ako. Muntikan na akong i-assign na maging class president, wala naman akong alam tungkol do'n."

Napangisi ako. "Kumalma ka na, muntikan lang naman…"

Inirapan niya ako at sa wakas, niyaya na niya akong pumunta sa bilihan ng street foods. "Libre mo?"

Lumaki ang butas ng ilong niya. "Badtrip na nga ako, nagpapalibre ka pa." Madiin niyang saad na nagpatawa sa 'kin ng malakas.

"Edi ikaw na ang badtrip, Fern. Buti na lang happy trip ako." Nakangisi kong sambit. Mas tumawa ako nang inambahan niya ako ng sabunot pero inunahan ko siya.

"Tara na nga!"

Pagkarating namin sa bilihan ng mga fishball, agad rin kaming bumili at do'n 'yon kinain. Buti na lang at konti lang ang bumibili kaya pwedeng tumambay dito. Mabait naman ang tindero kaya hindi kami mahihirapan.

"Any plans tomorrow? Sabado naman, ah!"

Nagkibit-balikat ako at kinain ng sabay ang dalawang kikiam. Nagsalita pa ako habang punong-puno ang bibig. "Ewan ko, tinatamad ako…"

Napaismid siya at kinagat ang isaw. "Palagi ka namang tamad, sa pag-gasolina ka lang aktibo."

Ako naman ngayon ang napaismid. "At least may sweldo!"

Agad kaming nagsi-tahimik nang may dumating na dalawang matataas na lalaki. Mukhang bibili rin.

Agad naman kaming umisog ni Fern para bigyan sila ng espasyo. "Ang gwapo, Aude!" Kinikilig na bulong sa 'kin ng katabi ko na nagpaikot ng mata ko pero agad rin itong naningkit nang may mapansin sa isa sa dalawang lalaki.

Bakit parang… pamilyar siya? Nang siguro maramdaman no'ng lalaking chestnut ang buhok ang pagtitig ko, sinalubong niya ito na nagpatigil sa 'kin sa paglunok ng fishball sa bibig.

T-tang… ina. Ito 'yong gago kahapon, ah!

Napatigil rin siya nang mukhang makilala rin ako at pinangkitan rin ako ng mata. Para kaming tanga na nagcha-chinese eyes contest.

Ang pinagkaiba lang, mas mukhang chinese talaga 'yong sa kaniya. Bilog talaga kasi ang mata ko kaya parang pinipilit ko ngayon ang pagliit.

"Bili na, Gage!" Pag-udyok sa kaniya ng kasama niyang itim na itim ang buhok at may nunal sa gilid ng ilong.

Para namang natauhan ang tinatawag niyang Gage na gago at mabilis niyang iniwas ang tingin sa 'kin. Napangisi ako dahil parang nahuli siya sa isang sala.

After a day, nagkita ulit kami. This must be a destiny, a worse destiny.

Nang mapansin ng katabi ko ang ngisi ko sa labi, kinunutan niya ako ng noo. "Para kang baliw…" she blurted out.

Hindi pa rin nawawala ang ngisi ko dahil parang naiilang ang gagong Gage sa matang nakatitig sa kaniya. Pati tuloy ang tindero ay napansin ang pagiging ilang niya at tinanong kung okay lang siya.

"Bakit naman ako hindi magiging okay, just tell that girl to shut her eyes from me because she's freaking me out." Aniya.

Napailing ako habang nakangisi pa rin. Inglishero pala ang gago. Binigyan naman ako ng humihingi ng tawag na tingin ng kasama niya pero hindi ko 'yon pinansin.

Hindi pa rin siya matapos tapos sa pagkuha ng bibilhin niya kaya pasimple akong lumapit sa kaniya at kunwaring tutusok lang ng fishball kahit gusto ko siyang mas lalo lang mailang.

Hehe. Kalalaking tao, ilang sa mga magagandang dyosa na katulad ko.

Ramdam ko ang nagtatakang titig sa 'kin ni Fern dahil malamang nagtataka siya na bibili ulit ako kahit sinabi ko sa kaniya kanina na tapos na 'ko.

Ang tunog ng mga dumadaang transportasyon at ng mantika ang tanging nariring namin kaya may pumasok sa isip ko.

"Ininsulto akong maingay, pero mas masakit pa naman sa tenga ang tunog ng mantika…"

He stopped from moving and scoffed. "Probably because we have different ears," sarkastiko niyang sabi at alam kong rinig rin 'yon ng kasama namin. "And my ears hates tones from girls who have enormous mouth."

Sinasabi niya bang malaki ang bunganga ko? Mas makakatulong naman ang gano'n ang bunganga, ah! Marami ang makakain.

Ramdam ko ang mariin niyang titig sa 'kin habang sinawsaw ko ang fishball sa maanghang na sauce bago ko 'yon kainin sa harap niya. Kita ko ang paglunok niya na nagpangiti sa 'kin ng malaki.

Umiwas siya ng tingin at ngayon ko lang binigyan ng pansin ang uniporme nila. Kaparehas ng sa paaralan namin.

Pareho pala kami ng pinapasokan ng gago pero ang pag-insulto niya sa amin ni Manong Remi ay hindi rin naman tinuro sa 'kin.

Sumingit sa usapan ang kasama niyang nagtataka pa rin ang tingin sa 'min. "Pre, dito ka na kakain? Masakit na lalamunan, bibili lang ako ng maiinu—"

"No, let's go."

Pinatili ko ang reaksyon ko nang tinignan ako ni Gage ng ilang segundo bago sila umalis. Nang makaalis sila ay napahinga ng maluwag si Fern at bigla akong hinawakan sa balikat.

"What was that?! Kilala niyo ba ang isa't isa? Ano ang ibig sabihin ng mga pinagsasabi niyong dalawa?"

Napabuntong hininga ako ng maliit at inalis ang pagkakahawak niya sa balikat ko bago kunin ang tumbler ko sa bag.

Pagkatapos kong uminom ay hinarap ko ang katabi kong atat na atat sa sagot ko.

I grinned. "Ewan ko, baka may gusto 'yon sa 'kin…"

Habang naglalakad na kami paalis, hindi pa rin niya ako tinigilan do'n. "Sigurado ka?! Pa'no mo nasabi, eh mukhang ngayon lang naman natin sila nakasalubong?"

"Alam ko." Mahina kong saad.

Her forehead crumpled. "Ano ba talaga?"

Nang makarating na kami sa sakayan ng tricycle, agad rin akong nagpaalam sa kaniya para hindi na siya makapagtanong pa.

Sampong minuto lang ang biyahe pauwing bahay mula sa high school namin kaya hindi ako mabo-bored. Pagkauwi, agad akong nagbihis ng pambahay at tumungo sa gasoline station.

Cashier naman ako ngayong araw kaya sobrang boring sa loob ng cashier room. Sa loob ng isang oras, napapahikab ako kada limang minuto at titignan ang orasan.

Nakakamiss ang higaan.

Kaya naman nang matapos ang duty ko ngayong araw, magiliw akong nagpaalam kay Kuya Igme na siyang tinanguan lang ako at pinagpatuloy na ang pagwalis ang likuran ng estasyon.

Pagkasimula ng klase namin ngayong taon, saka rin ako nagsimulang magtrabaho dito para makadagdag sa munting gastusin sa bahay at pambaon na rin sa klase dahil hindi naman kasi ako umuuwi kada tanghalian para kumain sa bahay. Bawas lang 'yon sa pera at saka… sa paaralang trina-trabahuan si Mama kumain no'n.

Pagkauwi ko ng bahay ay siya ring pagdating ni Mama. Mukha nga siyang excited dahil malaki ang ngiti niya, may sabay pang kembot na nagpakunot ng noo ko.

"Ano nang nangyari sa 'yo, Ma? May maloko ka bang estudyante at tuluyan ka nang nawala sa tamang pag-iisip?" Malakas kong tanong at pinagpatuloy ang pagwawalis.

Napaikot ang mata ko nang hindi man lang niya inintindi ang sinabi ko at nagpatuloy pa sa pagkembot habang nilalagay ang bag sa ibabaw ng mesa. May nalalaman pa siyang pakanta-kanta diyan, mali naman ang lyrics.

"Ey, macarena, macarena, macarena! Na—ano ulit 'yon, na ba? Ah, basta, macarena, macarena!"

Napaismid ako at napailing pero hindi maiwasang mapangiti. Minsan lang si Mama maging masaya, sobra siyang nahihirapan sa pagpalaki ng barumbadong katulad ko ng mag-isa, minsan ko na lang siya makitang masaya.

Palagi niyang inaabala ang sarili sa trabaho at kahit hindi niya sabihin sa 'kin ang dahilan, alam kong gusto niya lang kalimutan ang ama ko.

Sana nga lang, masaya na si Papa sa pamilya niya, kahit may iniwan siyang dalawa.

Pilit kong pinasigla ang mukha ko at hinarap ulit si Mama pagkatapos kong magwalis. "Sabihin niya na nga po ang dahilan ng pakembot-kembot niyo!" Malakas kong sabi sa kaniya.

Tumawa siya ng mahina at tinaas-baba ang kilay niya sa 'kin. "Simula bukas, mag-tututor na ako kada sabado at linggo! Masasarap na pagkain na ang makakain natin kada tanghalian at may maipapangbayad na tayo sa kuryente."

Napangiti ako sa sinabi niya pero agad rin iyon nawala na parang bula nang may biglang pumasok sa isip ko. Nginitian ko siya ng pilit. "Ah gano'n ba? Sige, gagawin ko lang ang assignment ko—"

"Tutulungan mo 'ko sa tutor ko, okay naman sa 'yo na ikaw ang taga-check 'di ba? At saka, assignment ba talaga ang palusot mo? Eh, hindi ka nga nag-assignment. Kung mangyayari man 'yon, alam kong isang beses lang kada buwan." Mahaba niyang salaysay habang nakapameywang.

Napakamot ako sa ulo at nagpilit ng tawa. "Tama nga po kayo 'don,"

Tumango-tango siya at hinubad ang sapatos habang nakawak sa sandalan ng upuan. "Syempre, mother knows best."

Hindi ko na pinansin ang sinabi niya at malalim na ini-magine ang sarili bilang student teacher—pero, wala talaga akong ma-imagine na gano'n.

Pagkatapos ng ilang segundong pagkatulala. Napailing ako sabay suntok ng sarili.

Mas matalino pa nga 'ata ang mga bata kaysa sa 'kin na Grade 11 na. 'Sensya na, bobo lang.

Agad kaming kumain ng tanghalian pero nakangiwi ako buong oras na 'yon dahil hindi ko talaga maisip na ako ang magche-check simula bukas.

Baka mas lalo akong mahilo kapag ma-realize kong mas magandang bumalik ako sa elementary—pero syempre, hindi 'yon pwedeng mangyari. Pagtatawanan lang ako ni Fern imbes na i-comfort. Gaga rin 'yon.

Para akong lantang gulay na humiga sa kama pagkatapos ng hapunan at walang ganang kinuha ang telepeno mula sa ibabaw ng unan. Agad kong sinagot ang tawag ni Fern dahil halos palagi naman na siya ang tumatawag sa 'kin dahil palagi rin akong walang load.

"Bakit?" Walang ganang kong bungad. Kahit hindi ko siya nakikita, alam kong gusto niya akong sabunutan.

"How dare you to greet a Fern Marsh on a call like that!" Maarte niyang sigaw.

Napaikot ang mata ko at napabuntong hininga ng malakas. "Malas ba talaga dahil naging kaibigan kita?" Mahina kong tanong.

She sighed heavily. "Years of friendship, and I still don't know."

Napatawa ako ng malakas dahil para kaming tanga na nag-uusap ng walang patutunguhan.

"But seriously, Aude, any problem? Like about your Mom, school tasks or maybe… about love life."

Napaismid ako. "Kailan pa naging parte ng buhay ko ang pagmamahal etchos na 'yan? Well, expect sa pagmamahal ko kay Mama…"

She laughed. "Anong kailan? Love life is always part of one's life! Kahit hindi tungkol sa boyfriend thingy!"

"Alam ko," parang bulong kong sabi. Napaayos ako ng pagkakahiga. "Pero ibalik natin sa topic, hindi kagaya ng ex mong hindi bumal—"

Sumigaw siya ng pagtututol kaya napangisi ako. Agad rin akong napasimangot. "Nagpapatulong si Mama sa tutoring class niya na simula na bukas!"

Nagsimula na siyang tumawa pagkatapos ko 'yon isigaw. Rinig ko pa ang paulit-ulit niyang paghinga ng malalim dahil hindi pa rin niya matigil ang pagtawa. "S-seryoso?!" Tumawa na naman siya ng malakas na mas lalong nagpasimangot sa 'kin.

Bentang-benta, ah.

Ilang segundo pa ang hinintay ko bago siya tuluyang kumalma pero kahit gano'n, alam kong nakangisi siya ngayon.

Kaibigan ko ba talaga 'to? Mas masaya pa siyang mahihirapan ako.

"Pa'no ba 'yan, Aude. Mas makakasama mo ang mga bata ng mas madalas kaysa sa gasolina." Aniya. "'Wag ka pa ring makampante, sasabihin ko kay Papa na ipa-tutor si Phoebe sa Mama mo para mas lalo ka lang mahirapan." Tumawa siya na parang demonyo.

Napanga-nga ako dahil sa huling sinabi niya. "'Wag mong susubukan, Fern!" Madiin kong babala pero binalewala lang niya 'yon at mas lumakas pa ang pagtawa.

Ida-dagdag pa talaga ang kapatid niyang inosente pero wild naman ang mga pinagsasabi. Hindi ko 'yon kakayanin.

Dahil sa inis ay pinatay ko ang tawag pero hindi talaga ako tinigilan ng Gaga, tinext pa talaga ako.

Fern:

Inis ka na ba? Gusto mong dagdagan ko pa? Marami naman akong pinsan hahaha

Gumulong ako sa kama para kunin ang kumot sa tabi ng unan at ginamit iyon sa sarili dahil parang lumamig naman ang temperatura. Napailing ako nang may maalala.

Ba't ko nakalimutang prone calamity ang lugar namin? Malamang may paparating na malakas na ulan.

Me:

Subukan mo talaga.

Fern:

Whatever. Naalala ko ang kaninang sinasabi mong baka may gusto sa 'yo, kilala mo ba 'yon? At 'wag mong subukang iwasan ulit ang tanong na 'to. Baka lang kilala mo rin ang kasama ng lalaking tinutukoy mo.

Me:

Kulit. Sabing hindi ko 'yon kilalang dalawa. Ba't hindi mo sila tanungin mismo, tutal matapang ka naman, 'di ba?

Fern:

Matapang ako, but this isn't the right time to prove that. I need to be softie, even just for once. Rawr.

Parang gusto kong sumuka. Softie? Talaga lang, ha?

Me:

Softie your face. Eh no'ng mga bata pa lang tayo at may bagyo, enjoy mo pa no'n ang pag swimming sa ilalim ng kama.

Fern:

How dare you to remind me that again! To fire back, pa'no mo nasabing may gusto sa 'yo ang kaninang chestnut ang kulay ng buhok? Feelingera ka, 'no?!

Napatigil ako do'n. Pabagsak kong binitawan ang telepono sa kama at tumitig sa kisame.

Ba't ko nga ba sinabi na baka may gusto sa 'kin ang lalaking 'yon? Biro ko lang naman at kusa lang 'yon lumabas sa bibig ko, hindi ko naman alam na se-seryosohin niya 'yon.

Kinuha ko ulit ang telepono at nag-type ng reply.

Me:

Wala lang. Hula ko lang, at bakit ba? Wala namang mali sa paghula ko, ah!

Fern:

Kahit malayo sa mukha mo ang pagiging manghuhula, medyo tama ka d'yan. Because why does that guy look uncomfortable kanina, when in fact, you're just watching him, right?

Chapter 3

Chapter 2

"Nakikinig ka ba?" Pigil inis kong tanong.

Napaigtad ang malditang pinsan ko na nakatira lang sa tapat ng bahay namin. Inikot niya pa ang mata na para bang hindi siya siyam na gulang.

Sarap kutusin.

"Ang alin?" Pagtataray niya.

Nilapitan ko siya sa poste at inambahan ng batok. Napaatras naman siya ng konti at nang ma-realize na hindi ko naman siya babatukin ay bumalik siya sa pagkakasandal sa poste na para bang mas matanda pa siya sa 'kin.

Napaismid ako. Sarap isumbong sa Mama niya. Alam ko namang pag-iyak ang magiging resulta sa kaniya.

"Magtu-tutor ka o hindi?!" Hindi siya sumagot kaya mas lalo lang ako nagtimpi. "Thea, sinusubukan kong magkaroon tayo ng seryosong usapan!"

Tinaas niya ang dalawa niyang kilay. "At sinusubukan ko rin 'yang iwasan…"

Aba't.

"Halika ka nga!" Padabog ko siyang hinigit papasok sa bahay nilang gaya ng sa 'min, semento ang dingding at yero ang bubong.

"'Wag mo kong isumbong!"

"Talagang isusumbong kita!" Singhal ko sa kanya.

Nang marating namin ang kusina kung saan si Aunte Rasol na nagluluto ng adobo ay binigyan niya kami ng nagtatakang tingin kaya agad ko siyang kinausap.

"Aunte, ayaw magpa-tutor ang anak niyong marunong nang magtaas ng kilay!" Malakas kong sumbong na nagpailing kay Thea sa hindi pagsang-ayon.

Napangiti ako ng tagumpay nang kinunutan ng noo ni Aunte ang anak niya. "Bakit ayaw mo?"

Ngumuso si Thea. "Wala naman akong matututunan do'n." Mahina niyang saad na nagpalaki ng mata ko.

Mas pinalaki ko ang mata sa kaniya. "Iniinsulto mo ba ang Aunte Liezel mo sa harap ng dyosa niyang anak?!" Hindi makapaniwala kong tanong sa kaniya.

Napakamot siya sa ulo at lumapit sa Mama niya para yakapin ang bewang nito. Patago akong napaismid dahil alam ko namang nagpapatanggol lang ito.

"Ma, ayaw ko!"

Napailing si Aunte at nagpatuloy sa pagluto habang hindi tinatanggal ang pagkakayakap sa kaniya ng anak niyang masama ang tingin sa 'kin.

"Audrey, sabihin mo sa Mama mo na isali siya. Para naman mabawas-bawasan ang tumutubong sungay sa ulo…"

At dahil isa rin akong maloko, binigyan ko ang pinsan ko ng mala-demonyong ngisi na agad nagpamuo ng luha sa mga mata niyang kulay asul na nakuha niya sa Lolo namin.

Iiyak pa 'to, ah!

Agad rin akong nagpaalam kay Aunte bago pa magsimulang humagolgol ang maldita. At hindi nga ako nagkamali, pagkatapak ko pa lang sa bahay ay rinig ko na ang malalakas niyang hagulgol at pagsaway sa kaniya ng Mama niya.

Napailing ako bago pumasok sa kwarto para maligo. Alas siyete na ng umaga at mamayang alas nuwebe magsisimula ang tutor ni Mama.

Hindi ko alam kung marami ba ang pupunta dito o konti lang, pero sana naman ang marami-rami para mas marami rin ang madagdag sa gastusin ni Mama.

Ang alam ko, 50 pesos per student kada araw, kaya kung marami sila, edi syempre maraming pera.

Ayaw ko talagang tumulong dito dahil wala namang silbi ang utak ko. Tamad rin ako at iba pang mga negatibong pang-kilos ang nararamdaman ko pero naiisip ko pa lang kung ano ang magiging kapalit kapag hindi ko sinunod ang utos ni Mama, naiisip ko na… baka layas ang resulta no'n.

At saka, may answer key naman na ibibigay si Mama para alam ko kung alin ang i-tse-tsek ko, hindi ko na kailangang gumamit ng malalim na utak do'n.

Pagkatapos kong maligo ay agad akong nagbihis ng itim na jogging pants at maluwag na dilaw na t-shirt. Sinuklay ko lang ang buhok ko dahil basa pa naman 'yon.

"Ma! Tingin niyo, marami ang pupunta?" Tanong ko habang nagsusuklay.

Inayos niya muna ang mesang paggagamitan ng tutor bago ako balingan ng tingin.

"Marami o konti, at least meron."

Naupo ako sa upuan naming bamboo bago magpatuloy sa pagsuklay.

May naggulo ba ng buhok ko at sobrang tigas isuklay?

"Sigurado kang meron?" Nanghihinala kong tanong sa kaniya.

Sinamaan niya ako ng tingin. "Sigurado."

Napaismid ako pero agad rin akong napaayos ng pagkakaupo ng mas lalo lang niya akong samaan ng tingin.

Sensya na po! Ayaw ko lang masayang ang sinuot kong damit ngayon kung wala namang pupunta dito!

Hindi na ulit ako ng nagtanong pa at baka tuluyan na niya talagang i-totoo ang iniisip kong paglayas.

Wala akong karton na panghigaan sa kalye.

Laglag balikat akong naghintay sa pagpasok ng maliit na tao at agad napataas ang mukha ko nang may pumasok na! Pero muling nalaglag ang buo kong pagkatao nang makilala 'yon.

Ang maldita kong pinsan.

"Oh, akala ko ba ayaw mo?" Bungad ko sa kaniya.

Hindi niya ako pinansin at tinungo ang pwesto ni Mama para magmano. Pagkatapos, agad siyang umupo sa aking tabi at kumapit sa braso ko. Napangisi ako nang ma-realize ko kung bakit dikit ng dikit 'to.

Takot 'ata 'to sa iba.

Sinuklay-suklay ko na lang ang buhok niya para naman malibang ako at hindi siya magtaray.

Maaahit ko lang ang kilay niya.

Nakasuot siya ng maong na shorts at croptop na kulay pula. Isang tingin ko pa lang do'n ay alam ko nang ang kapit-bahay namin ang nagbigay sa kaniya no'n. Pareho ba naman silang may taste sa panunuot.

Napalingon ako sa labas ng bahay nang makarinig ako ng tunog ng sasakyan. Niligon ko si Mama na kasalukuyang nakangiti ng malaki habang kumakaway sa labas.

Kumunot ang noo ko sa pagtataka. "Ate Aude," bulong na pagtawag ni Thea sa 'kin.

Agad ko siyang nilingon at binigyan ng nagtatakang tingin. "Bakit?"

Ngumuso siya. "Tingin niyo, may babae bang pupunta dito?"

Hindi sigurado akong tumango. "Sa tingin ko meron…" 'yong kapatid ni Fern. Hindi nga lang ako sure dahil baka gi-nood job lang ako ng bruha.

Masasabunot ko siya kapag hindi niya itupad ang sinabi niya.

Mahinang tumango ang pinsan ko at binalingan ng tingin si Mama na may kausap sa pinto.

Hindi nagtagal, may kasama siya pagpasok. Isang batang lalaki na nakasuot ng itim na pants, puting t-shirt, at may kulay brown na buhok at bronze na mata. Kumunot ang noo ko dahil pakiramdam ko, pamilyar ang mata na 'yon.

Pinaupo siya ni Mama sa isa sa mga upuan bago tinawag ang pinsan ko para ipaupo rin do'n. Nanatiling tahimik ang batang lalaki habang nililibot ang tingin sa sala namin.

Ako ang nahihiya dahil sa mga drawing ni Thea sa dingding. Hindi ko dapat makalimutang ikutos siya mamaya.

Si Mama ang nagputol ng katahimikan. "Ano nga ulit ang full name mo, Ley?"

Inipit no'ng batang nangangalang Ley ang kaniyang labi bago sagutin si Mama. "R-ridley Gregory Ortega po, Ma'am…"

Napatango-tango si Mama habang ako ay nanatili siyang sinusuri. Gano'n nga rin ang ginagawa ng pinsan ko. Pero pamilyar talaga siya. Hindi ko nga lang alam kung bakit.

Ang kaniyang kilay ay pang-maldito pero kabaliktaran ang kilos niya. Tahimik at magalang.

Nang maramdaman ni Ley ang titig namin ng pinsan ko sa kaniya, naiilang niyang pinagpalit-palit ang tingin sa amin. Nakayuko siya ng konti habang nilalaro ang gilid ng mesa.

Nginitian ko siya ng malaki para naman kahit papano ay hindi niya kami layasan sa hiya. Bawas pera 'yon.

Hindi nagtagal, may narinig kaming tunog ng kakatigil lang na motor kaya do'n tumigil ang mata namin.

Napaikot ang mata ko nang makilala ang unang bumaba do'n na para bang sasabak sa fashion show dahil naka low heels pa talaga.

Ang bruha kasama ang wild niyang nakakabatang kapatid.

Ngumiti silang dalawa ng pagkatamis-tamis sa 'kin pero alam kong ang kay Phoebe lang ang puro.

"Ate Aude!" Matamis na bati ni Phoebe sa 'kin na siyang tinanguan ko lang.

Nakasuot siya ng puting dress kaya alam kong si Fern ang nagpasuot sa kaniya no'n. And speaking of her, nagmamadaling tumabi sa 'kin ang bruha at ikinawit ang kaniyang braso sa 'kin gaya ng ginawa ni Thea kanina.

"Hindi mo man lang ba ako ngingitian?!" Parang tanga niyang tanong.

Napaikot ang mata ko at sinamaan siya ng tingin. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa at ngitian ng peke. "Magpapa-tutor ka rin pala? Hindi ko alam na mas mababa pala ang ang IQ mo kaysa sa 'kin…"

Mahina niyang hingit ang buhok ko at inirapan ako. "Gaga, mukha ba ako may matututunan kahit magaling ang nagtuturo? Did you already forget that the two of us are the last rankers during our elementary graduation? Loosen up, Aude. 'Wag mong hahayaang tuluyan nang lamunin ang utak mo ng gasolina."

Napalabi ako. "Daming satsat, hindi ka naman magiging matalino dahil lang diyan…" mahina kong bulong na alam kong narinig naman niya.

"At least pareho tayong bobo."

Napatigil ang usapan namin nang may dumating pang tao. Isang batang kaedad lang siguro no'ng si Ley, at isang lalaking mukhang kaedad lang namin—o baka mas matanda pa?

"Magandang umaga po." Bati no'ng mas matanda kay Mama.

"Oh! Buti na lang at dumating rin kayo!" Tarantang niyaya ni Mama ang bata para ipaupo rin.

Ramdam ko ang pagkurot ni Fern sa bewang ko na nagpaighik sa 'kin sa sakit. Sinamaan ko siya ng tingin pero nasa lalaki lang ang atensyon niya, nakangisi pa ang gaga.

"Asan nga ulit ang banyo niyo? Magre-retouch lang ako." Maharot niyang bulong.

Napaikot ang mata ko bago ituro ang direksiyon ng banyo namin. Nagmamadali naman siya tumakbo papunta ro'n habang binubuksan ang sling bag niya.

Napailing ako bago inayos ang maliit na unan na nakalagay sa upuan. Bakit nga ba ako may kaibigang katulad niya?

Nanlaki ang mata ko nang sinenyasan ako ni Mama na lumapit sa kaniya kaya napalingon rin sa 'kin ang lalaking mature ang mukha.

Mabagal akong naglakad papunta sa kanila pero hindi ko pa nararating ay agad akong hinawakan ni Mama sa braso para hindi na ako magtagal.

Napasimangot ako at tinanggal ang pagkakahawak niya do'n. Lumipat naman ang kamay niya papuntang balikat ko at inakbayan ako, nakaharap sa lalaki.

"Eto nga pala ang anak ko, si Audrey!" Sabi ni Mama.

Awkward akong ngumiti sa lalaki na nakangiti rin pala sa amin.

Ina-arrange marriage ba ako ni Mama? Pero siyempre alam kong charot lang 'yon. Wala kaya kaming pera para sa etchos na 'yon.

"Lowe, po." Pagpapakilala niya habang hindi pa rin nabubura ang ngiti.

Ang gaan ng awra niya, parang ulap na walang itim na senyas ng pag-ulan.

Maputi siya na nababagay sa itim na itim niyang buhok. Parang lahat ng kapangyarihan ng liwanang ay itinapon sa kaniya. Sobrang gaan ng ngiti at atmosphere niya.

Parang gusto kong tumira do'n—charot.

"Una na po ako. Anong oras po ba si Luis pwedeng kunin?" Tanong niya habang nakamulsa.

Napadiin ang pakakahawak ni Mama sa 'kin na para bang ngayon niya lang naalala na nandito itong si Lowe para sa kapatid niya, hindi para sa iniisip kong arrange etchos.

"Oo nga pala!" Patago akong napaikot dahil sa ka-hyperan ni Mama. "Mga eleven o'clock, pwede mo na siyang sunduin no'n."

Napatango si Lowe. "Sige po," aniya. "Una na po ako."

Binigyan niya muna kami ng maliit na ngiti bago tuluyang umalis sakay sa motor na may isa pang babaeng nakasakay.

Sayang, siguro girlfriend.

Dalawang beses kong sinulyapan si Fern na laglag ang balikat na nakatingin sa nilabasan ni Lowe. Makapal pa ang lipstick ng gaga.

"Ba't hindi mo pinatagal ng konti?" Lantang gulay niyang tanong at naupo sa upuan.

Nagkibit-balikat ako. "May karapatan pala ako do'n?" Walang pakialam kong tanong pabalik na mas lalong nagpa-bad trip sa kaniya.

Sinamaan niya ako ng tingin bago inirapan. Tinawag na rin ako ni Mama para makapagsimula na sa tutor dahil mukhang wala namang ibang dadating.

Dalawang oras rin akong nakaupo sa isa sa mga upuan kasama ang mga bata.

Nagmumukha akong repeater nito.

Pansin ko ang pagkakaiba nilang tatlo habang nagtse-tsek. Kilala ko na ang pinsan ko, maldita at sa babae lang nakikipag-usap, kung makikipag-usap naman siya sa dalawang lalaki, may halong pagtataray ang boses.

Si Phoebe naman ay masayahin, at palaging nakangiti. Nakikipag-usap naman siya sa dalawang lalaki kaya lang... kay Thea ang bagsak niya dahil hindi siya tinitigilan no'ng maldita sa paulit-ulit na paghiram ni Thea ng pink na correction tape ni Phoebe.

Buti na lang at hindi naman naiirita ang kadugo ni Fern. Magkaiba 'ata ng pinaglihian at kabaliktaran ang ugali ng dalawa.

Si Luis naman ay palaging nakangiti gaya ng kaninang lalaki na kuya niya pala. Tahimik siyang nakikipag-usap kay Ley na classmate niya pala.

Tahimik lang sila habang ang lakas naman ng pag-uusap ng dalawang future chismosa.

Si Ley, tahimik, may pagka-mahiyain, mabait, at mailang. Kapag kinakausap siya ni Phoebe ay nagtatagal muna bago niya ito sagutin pabalik, hindi gaya kay Luis na agad niyang kakausapin pabalik.

Tumatagal ang titig ko sa kaniya dahil pilit kong inaalala kung sino ba talaga ang kamukha niya.

Sino nga 'yon?

Palagi naman akong mapapadabog kapag makikita ko ang mapang-asar na tawa at tingin ng gaga sa 'kin. Ini-enjoy niya talaga ang paghihirap ko dito.

Pagkatapos ng dalawang oras, pagkasabing pagkasabi pa lang ni Mama na tapos na kami ay agad akong napahikab ng malakas, hindi inintindi kung ga'no 'yon kalakas at kung hindi ba ako nakapagsipilyo kanina.

Sinamaam ako ni Mama ng tingin na nagpangiti sa 'kin ng malaki sa mga bata. Inikutan lang ako ng mata ng pinsan ko habang rinig ko ang halahapak na pagtawa ni Fern.

Lintik lang ang may paki!

Agad kong tinungo ang mahabang bamboo naming upuan at humiga do'n ng panglalaking pwesto. Napahinga ako ng maluwag at mas fi-neel ang paghiga.

Bahala na sila, tapos na ang silbi ko dito.

Maganda pa ang pag-iisip isip ko nang sinira 'yon ni Mama.

"Aude, ligpitan mo ang mga answer sheets!" Utos ni Mama mula sa kusina, mukhang magluluto na ng pang-hapunan.

Agad nabura ang ngiti ko sa labi at napakurap-kurap. Nakabusangot ang mukha ko sa kaniya dahil maingay na nga ang apat, ako pa ang magliligpit.

"'Maya na!"

Ramdam ko ang sunod-sunod na pagkalabit sa 'kin ni Fern. Akala ko ba nag-ccp 'to?!

Naiirita ko siyang binalingan ng tingin pero kumunot ang noo ko sa pagtataka nang malalaki ang mata niyang nakatingin sa labas.

"Problema mo, Fern?"

Sandali niya akong sinulyapan at nginuso ang malaking bintana namin kaya padabog akong tumingin do'n. Napaawang ang bibig ko nang makita ko na kung ano ang ini-ngunguso niya.

T-tangina… siya na naman?!

Napatayo ako mula sa pagkakahiga at minarcha ang pintuan. Ngayon, mas malapit ko na siyang nakikita kaya hindi ito basta-bastang hallucination.

Anong ginagawa ng gago dito?!

Prente pa siyang nakatayo sa harap ng itim nilang kotse habang iniikot ang susi sa kamay. Nakasuot siya ng brown maong shorts, itim na hoodie at tsinelas. Magulo rin ang buhok niya na parang kakagising lang.

Nang maramdaman niyang may taong nakatayo sa pinto namin ay agad niya akong binalingan ng tingin. Kita ko ang pagdaan ng gulat sa mukha niya pero agad rin 'yon napalitan ng pagkailang dahil sa sobrang sama ng tingin ko sa kaniya.

"Anong ginagawa mo dito?" Madiin kong tanong sa kaniya na nagpasandal sa kaniya sa kotse niya.

Tinaas niya ng konti ang kamay niya sa 'kin. "H-hey, girl who act like a boy, alam ko ang tingin na 'yan. I didn't come here for you. I didn't even know that you live here. Don't assume—"

Anong tinawag niya sa akin? Girl who act like a boy?!

"Tangina mo," pagputol ko kaniya. Kumunot ang noo niya. "Assumera na kung assumera. Anong ginagawa mo dito?"

Kita ko ang saglit niyang pagsulyap sa bintana pero agad rin niya iyong ibinalik sa 'kin. "Did you just curse me?" Hindi makapaniwala niyang tanong na nagpaismid sa akin.

As if ngayon lang siya nakakilala ng babaeng ganito.

"Palamura na kung palamura. Uulitin ko sa pangatlong beses, anong ginagawa mo dito?" Mas madiin kong tanong na magpalunok sa kaniya.

Alam kong madilim na ang mukha ko, pero wala akong paki. Ang ayaw ko ngayon ay ang makasalubong ng gago, lalo na't ngalay ang kamay ko sa pag-tsek. Baka masuntok ko siya para ma-relax 'yon.

Mas lalong nagkasalubong ang kilay niya nang pinatunog ko na ang kamao ko. Lalapit na sana ako sa kaniya pero napatigil ako nang biglang sumigaw ang pinsan ko mula sa loob.

"Aunte Liezel! Si Ate Aude susuntukin ang Kuya ni Ley!"

Tangina.