Browse stories

Let's meet at 6:20 PM

Language: fil

A girl who's suffering a severe disease, and a boy that's slowly losing his sight. As the sunset crosses their paths, love will eventually grow. Every 6:20 PM, as promises slipped through their mouths. Promises that they'll be together, in sickness until they completely recover. But, will they able to survive and fight together if their days are both numbered? Is there a happy ending?

Available chapters

  1. Chapter 1
  2. Chapter 2
  3. Chapter 3

Chapter 1

Life isn't measured how long it is. Life is too short to cut those priceless moments, but it's life. Whether we like it or not, our fate in the end decides.

Love conquer everything, love that makes our whole life memorable. But love ruins, love gives pain— an excruciating pain.


***


Darkness, all I can see is darkness. My hands and my whole body's trembling. I can't see anything.

“Tinuveil,” I heard someone is sobbing beside me, her voice sounds familiar but I don't know who she is. Rinig na rinig ko ang mahina niyang paghikbi na sinasabayan nang paghaplos sa ulo ko.

“The operation went successful.” My mind filled with a confusion hearing voices without seeing anything.

Am I blind?

But why I doesn't remember anything?

“He'll forget some memories, pero babalik pa naman. Naapektuhan lang ang utak niya ng nagkalat na cancer cells. But all in all, I'm glad that the patient recovers quickly.” After hearing such, I feel like drowning into a deep ocean. Parang may humihila sa akin pababa nang malaman ang dahilan kung bakit hindi ako makakita sa ngayon.

I tried to reach for my face and I felt that it is covered with a bandage.

Why? What happened? Why do I feel this sudden emptiness in my heart? I must be happy even though I can't remember anything about this so called operation. Bakit parang may kulang?

But I calmed myself, maybe when I'm fully healed I'll finally feed my curiosity. Dahil meron sa loob-loob ko na may hinahanap, pakiramdam ko ay hindi ako kumpleto.


***


Days passed and slowly I feel better. Except a dream that always haunt me everytime I close my eyes.

A beautiful view of sunset and... A familiar girl.

“Anak, gising ka na. Nandito na si Doc, finally gagaling ka na nang tuluyan.” I heard her sobs.

I don't know but I felt something strange, I should be happy right?

I closed my eyes when the doctor slowly remove the bandage in my eyes. It took minutes when I can finally sense a light, but I remain my eyes closed.

It's a different kind of feeling, it feels like I'm stuck in a long slumber and now I finally woke up.

I followed the light and turned my head on my left side where the light is coming from.

I slowly opened my eyes, my vision is blurry, but I can see different colors, colors of—

A sunset, a beautiful sunset.

A smile crept on my lips as I looked outside the window. The doctor beside me didn't say a thing and he just did let me look everywhere I want.

My brows furrowed when I saw a girl riding a bike. Her long hair is dancing with the wind. She looked so happy looking at the wonderful view. Biglang nag-iba yung pakiramdam ko at parang gusto ko siyang lapitan.

I keep my eye on her as she stopped her bike and looked at the view. Sa paraan kung paano siya masiglang bumaba sa bike at tumakbo sa mabulaklak na lugar ang nakakuha ng atensyon ko.

I don't know but my heartbeat raced and I feel like it's thumping so hard when she suddenly looked at my direction.

My vision is slowly getting better as she waved her hand so I simply waved back. That simple gesture made me smile genuinely, alam kong kilala ko siya. Ang masakit lang ay wala akong mahanap na ala-ala sa utak ko kung sino nga ba siya.

“Anak?” I saw a woman standing beside me and recognize her as my mother.

“Maayos na ba ang pakiramdam mo?” she asked so I just nodded in response.

I looked outside once again but I didn't see any traces of the girl. Only I could see is a garden full of flowers and a familiar tree house in a huge narra tree beside a small lake.

A tear escaped from my eyes, and I don't even know why.

“Anak.” My mother immediately hugged me. I don't know why I'm feeling this, but one thing is for sure, it has something to do with the girl I saw a while ago.

***

I felt the cold breeze of wind embrace me for the first time that my mother let me go out for a walk, it's been a week but I still need to protect my eyes from any infection so I wear my eyeglasses.

My mouth formed an 'o' when my eyes landed on a mesmerizing view. I feel amused by the setting sun and its ray on my face.

Bigla na lang akong nanlamig at parang gusto ko umiyak nang makita ang isang bisekleta. Why am I feeling this way?

My head started to ache when flow of memories rushed to my mind. The scenery, the familiar laughs, two persons talking, a monitor that keeps on beeping— no, it can't be!

I ran as fast as I could until I got home. Diretso ako sa kwarto ko at kinuha ang isang sulat. My mother gave me this letter the day that my sight gets better. At first I don't care about it, but now I feel like I'm dying just to read what's written inside.

I hurriedly come back to the place, the sunset is slowly turning into perfect fascinating view.

My tears began to fall. Naninikip ang dibdib ko habang hawak ang isang nakatuping sulat.

Hindi dapat ako nakararamdam nito kasi hindi ko naman alam kung bakit, pero mayroon sa loob ko na gustong-gusto umiyak dahil sa matinding kawalan.

Mariin kong ipinikit ang mata ko nang bumuhos ang napakaraming luha.

And then there I saw a girl, a girl who's always present in my dream. Her smiles and the way she talks, the way she laughed and how beautiful her smile is with her dimples on the corner of her cheeks makes me feel complete. But why does it seem that I don't feel that thing again?

I opened my eyes and stare at the paper that I'm holding, It's a cream colored paper with some flower accessories filled with glitters, the effort can be seen while looking at it.

My tears are steaming down my face but I still managed to smile.

My hands are trembling and my eyes are blurry because of tears as I opened the letter.

My heart thumps so fast and I can't even say a thing. My feet were stucked on the ground and my peripheral view keeps on roaming around trying to find someone.

I looked up and wiped my tears away.

Ano ba 'tong nararamdaman ko?

Hindi ko maituloy man lang ang pagbabasa sa takot na lamunin na naman ng sakit. Dumapo ang tingin ko sa wristwatch ko—6:19 PM.

Hindi ko alam pero parang hindi ako mapakali, pinagpapawisan ako ng malamig at nanginginig sa hindi maipaliwanag na dahilan.

Tila tumigil ang pag-ikot ng mundo ko, tuloy-tuloy ang daloy ng mga alaala na nagpasakit sa ulo ko.

My tears streamed down my face again, but this time I cried hard.

I now remember everything...

I looked at my watch and bitterly smiled as I read the words written outside the folded paper.

6:20 PM— I burst into tears while looking at the orange sky. A sunset. The witness of our undying love.

The letter written in cursive form, It's really her.


Us every 6:20 PM
—love, Leana.


With my blurry eyesight, I looked at the sky and said,

“We're here. Like what we've promised, 6:20 PM. Let's meet again.”


***

Chapter 2

Chapter 1—Racing heartbeat

Nothing is better when you finally found an exit to your predicament.

***

"Sandya! Saan ka na naman pupunta!" Narinig kong sigaw ni mama mula sa loob ng inuupahan naming bahay.

"You already know where am I going, Mom!" Natatawa-tawang sigaw ko pabalik habang inaayos ang kadena ng bisikleta.

Nasapo ko na lang ang noo ko nang mapagtanto na flat ang gulong ng bike. Halos maiyak na lang ako nang makitang 6:05 na ng hapon, hindi ako maaaring mahuli ng dating.

Isa na lang ang pumasok sa isip ko, halos liparin ko na ang bahay ng kaibigan kong si Ouranos para lang makahiram ng bike. Madalas ako sa kanila kaya paniguradong papayagan ako no'n.

"Hoy, Planeta! Pahiram ako ng bike ah!" Pagdungaw ko pa lang sa pinto ay nakita ko na siyang abala sa pag-practice ng violin pero hindi ko na lang pinansin at hindi ko na hinintay pa ang sagot niya. Dali-dali akong tumakbo sa kanilang bakuran at naabutan ang bagong bili niyang bike. Napangisi ako, matagal-tagal ko rin itong magagamit. Mala demonyo akong mahinang natawa.

Pagkasakay na pagkasakay ko ay dali-dali na kaagad akong nagpedal habang pabulusok ang bike papuntang tulay. Dinama ko ang simoy ng hangin habang pakanta-kantang tinanggal ng isang kamay ang tali ng mahaba kong buhok habang ang isang kamay ay nananatiling nakakapit sa bike para panatilihin ang balanse.

6:10 ng hapon. Mabilis ang pagpapatakbo ko habang nakangiti. Hindi ko akalaing magiging malaya akong katulad nito simula pa pagkabata ko.

Labing dalawang taong gulang pa lang ako nang ma-diagnose ako sa ospital dahil meron daw akong Leukemia.

Tandang-tanda ko pa noon kung paano ako humagulgol sa harap ni mama dahil sa takot na mamatay ng maaga.

Isang butil ng luha ang hinayaan kong umagos sa pisngi ko habang inaalala ang mga paghihirap na pinagdaan ko.

***

"Mama, anong ginagawa natin sa ospital?" takang tanong ko sa mama ko nang minsang dinala niya ako sa ospital dahil sa sobrang taas ng lagnat ko. Sanay naman akong ginagamot sa bahay kaya nakapagtataka kahit wala kaming pera ay dinala niya ako sa ospital.

"Mama, mag si-six na po ng hapon, hindi pa po tayo uuwi? Halos isang oras po ang byahe 'diba?" malungkot na sabi ko kay mama nang mapansin ang orasan na nakasabit sa dingding sa may likuran niya. Malungkot niya lang akong nginitian at tinanggal sa pagkasabit ang orasan at pinataob iyon sa lamesa.

"Darating din ang doktor, anak," mahina niyang sabi na animo'y malapit nang umiyak.

Hindi na lang ako sumagot pa at napagdesisyunan nang matulog. Nakalulungkot nga lang na hindi ko ngayon nakita ang paglubog ng araw, gusto ko umiyak. Gano'n siguro kapag masyado mong mahal ang isang bagay, nakababaliw.

Hindi pa ako dumidilat mula sa pagkakaidlip nang makarinig ako ng hagulgol. Ang hula ko ay si nanay iyon. Gustuhin ko mang patahanin siya pero hindi ko magawa, parang may nag-uudyok sa akin na manatili lamang na nakapikit at pakinggan ang pinag-uusapan nilang dalawa ng doktor.

Halos manikip ang dibdib ko dahil sa mga salitang narinig.

"Your daughter has a Chronic Leukemia." Napadilat ako ng wala sa oras dahil sa narinig. Hindi man ako matalinong bata pero pamilyar ako sa sakit na sinabi ng doktor.

Hindi nila napansin na gising na ako kaya nanatili lang akong tahimik habang pinipigilan ang luha sa pag bagsak.

"Ano ho ba iyon, dok?" takang tanong ni mama pero halata ang takot at kaba sa boses niya. Maging ako man ay natatakot sa kung anong sabihin ng doktor.

"Leukemia is preventing white blood cells from fighting infections and cause them to multiply uncontrollably. This overgrowth can cause overcrowding of the healthy blood cells, leading to severe problems throughout the body."

Mahabang salaysay ng doktor na kahit wala akong naintindihan ay kinakabahan at masama ang kutob ko.
Hindi parin ako umiimik at hinihintay na magsalitang muli siya para sa mas malalim na pagpapaliwanag.

"Leukemia have different types, and according to her lab tests, she have a Chronic Leukemia that occurs when only some of the affected blood cells cannot function normally, causing a slower degeneration. Kumbaga, hindi pa naman malala ang sa kaso niya."

Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

"Nakamamatay po ba iyan, dok?" garalgal ang boses na tanong ni mama.

Hindi ko narinig na nagsalita ang doktor pero nakita ko kung paano mapa-upo si nanay sa upuang katabi niya malapit sa may pintuan.

"Pwede pa naman siyang gumaling hindi ba? 'di ba? Napakabata pa ng anak ko." Pakiramdam ko ay tinutusok ng napakaraming karayom ang puso ko habang nakikitang umiiyak si mama at wala man lang akong ibang magawa kundi tingnan siya.

Medyo nabuhayan naman ako ng loob nang marinig ang sagot ng doktor sa tanong kanina ni mama. Pero kaagad din iyong nawala.

"We have to undergo more tests so that we can tell you how. But for now, sad to tell you but there is still no cure for leukemia, it is only possible to treat the cancer preventing it to come back. Treatment are also based on it's range factor. It could be chemo therapy, radiation therapy, or antibiotics."

Sa bawat tanong ni mama ay siyang unti-unting dumudurog sa akin.

"Gaano po ba katagal ang pagpapagaling?"

"Treatment can last several months or even years depending on the type and severity of the condition."

Nakita kong nagdaop ang mga palad ni mama kasabay ng pag-yuko nito na animo'y nananalangin.

Ayoko man na aminin sa sarili ko pero maaring mamatay ako ng maaga. Dahil na rin sa kakapusan namin sa pera ay alam kong walang pang tustos sa akin si mama sa pagpapagamot.

Dahil sa sobrang hinanakit ay nagawa ko pang sisihin ang diyos kung bakit ako pa ang tinamaan ng sakit na 'to. Bakit kami pa na wala namang ibang ginawa kundi galangin siya?

Nakatingin lang ako kay mama habang patuloy ang pag-agos ng luha ko. Parehas kaming nagulat nang pag-angat niya ng tingin ay nagtama ang paningin namin at hindi kaagad siya nakagalaw. Maging ako ay tila nawalan ng lakas kahit man lang magsalita.

Ilang sandali pa ay naramdaman ko na lang na mahigpit ang yakap niya sa akin at patuloy ang paghagulgol.

"Gagaling ka, anak. Gagawin ni mama ang lahat. Huh?" sabi niya sa pagitan ng pag-iyak.

"Mama, mamamatay po ba ako kaagad? Pano na po kita mapagagawan ng napakalaking bahay nito at paano pa po ako manood ng sunset araw-araw? Mama, natatakot po ako. Ayoko pang mamatay, mama ang bata ko pa po..." Patuloy na sabi ko pero hindi siya sumagot at hinagod lang ang likuran ko.

Nagdaan ang mga araw at palagi na lamang akong nakakulong sa bahay at iniiwasang magpagod dahil baka makapalala pa iyon sa sakit ko. Nakuntento na lang akong tinatanaw mula sa bintana ang paglubog ng araw.

Hanggang sa umabot ng ilang taon at medyo umayos ang pakiramdam ko, natapos na rin ang chemotherapy sessions ko at maaari na raw akong bumalik sa normal kong buhay.

Isa iyon sa pinaka masasayang araw ng buhay ko, nang malaman kong maayos na ang kalagayan ko, maaari ko na ulit magawa ang mga nakagawian ko dati.

Inaamin ko na sobrang hirap ng pinagdaanan ko sa loob ng tatlong taon. Pero maganda naman ang naging resulta.

Unti-unti na ring tumutubo ang buhok ko na nalagas sa kasagsagan ng pagpapagaling ko noon. Sabi ko pa nga sa sarili ko, hindi ko iiksian ang buhok ko dahil susulitin ko ang mga nakalipas na panahong naka-beanie lang ako dahil nakakahiya sa mga tao sa labas na makita akong walang buhok.

Kaya ngayon ay hanggang hita ko na ang buhok ko at medyo may pagka-kulot. Nagtaka rin ako dahil sa mabilis na pagtubo nito pero hinayaan ko na lang dahil mas ikinatuwa ko pa nga iyon.

***

Nabalik ako sa reyalidad at napapangiti habang inaalala lahat ng hirap na pinagdaanan ko sa loob ng ilang taon at kung paano ko nalampasan ‘yon.

Sumulyap ako sa wrist watch ko at napansing 6:18 na ng hapon. Mas binilisan ko ang pagpapatakbo at pinunasan ang natuyong luha sa mga mata ko ng bigla akong nakarinig ng isang nakabibinging busina. Agad kong idinilat ang mata ko at napagtanto na may kotseng babangga sa akin. Buti na lang ay marunong ako mag-bike at nailiko ko kaagad.

Nagtamo ako ng galos sa siko’t tuhod at halos gusto ko na lang lamunin ng lupa dahil hindi na ako makakaabot ng 6:20 ng hapon sa tambayan ko. Hindi ako makatayo kaagad at ininda pa ang sakit ng pagkakatumba mula sa bisikleta.

Tumingin ako sa relong pang-bisig ko at napapikit ng mariin bago tumingala para tingnan sana ang papalubog na araw nang iba ang makita ko sa aking pagdilat.

Isang lalakeng nakalahad sa akin ang kamay at parang naiinis pa dahil hindi ko iyon kinukuha.

Imbes na kunin ay tinapik ko iyon at tumayo ako mag-isa kahit na nahihirapan ako, pagkatapos at inayos ko ang bisekleta bago lumingon sa kanya na blangko ang ekspresyon na nakatingin saakin.

Nakasuot siya ng isang salamin—nerdy glasses.

Napangiwi ako dahil hindi ko kaagad nagustuhan ang unang impression sa kanya. Dumagdag pa ng humingi siya ng tawad na parang labag sa loob.

Humalukipkip ako sabay irap bago nagsalita, "Anong sorry? Magagamot ba ng sorry mo itong mga galos ko? Ikaw nga itong wala sa linya kung magpatakbo."

"Sorry, should I bring you to the hospital to treat your wounds, then?"

Nanliit naman ang mata ko dahil sa kayabangan niya. Akala mo kung sino, porket mayaman.

"Ang yabang mo ah!" asik ko sabay hablot ng salamin niya.

Medyo may katangkaran siya sa akin kaya kailangan ko pang bahagyang tumalon para maabot ang mukha niya.

Pagkatanggal ko ng salamin ay napapikit siya ng mariin. Pinagmasdan ko naman ang anyo ng mukha niya, hindi maipagkakaila na may angkin siyang kagwapuhan. Sakto lang ang taba ng pisngi niya na halatang sagana sa pagkain. Pero ipinagsawalang bahala ko iyon at tumitig sakanya ng may galit sa mga mata.

Eksaktong pagdilat niya at tingin saakin ay siyang pagbali ko ng salamin niya bago nagsalita, "Makabibili ka pa naman ng bago, hindi ba? Mayaman ka naman. Mayabang ka nga eh." Nakangising sabi ko bago napatango-tango.

Agad na naglaho ang ngisi ko nang mapansing hindi na normal ang pagpikit niya ng mariin, makikita sa ekspresyon niya na nasasaktan siya.

Kumabog ng malakas ang dibdib ko dahil baka kung ano na ang nangyayari sa kanya.

Lumapit ako ng bahagya at tatanungin pa lang sana siya nang bigla siyang matumba at mabuti ay nasalo ko kaagad. Kasalanan ko 'to. Sana hindi ko na lang kinuha ang salamin niya, malay ko bang ganito pala ang pwedeng mangyari.

Tatawag pa lang ako ng tulong ng mabigla ako nang hawakan niya ang kamay ko at pisilin iyon ng mariin na tila humihingi ng suporta.

6:20 PM, Nakilala ko ang unang lalaking nagpatibok ng mabilis sa puso ko. Ang lalaking ngayon ay mahigpit na nakadaop ang palad sa akin.

***

Chapter 3

Chapter 02—His predicament


Don't judge a book by its cover, everything depends on the content and the character itself.


***

"Ano ba kasing nangyayari sa'yo?" hindi mapakaling sabi ko habang kagat ang daliri at palakad-lakad sa paanan ng lalaking ngayon ay nakahiga sa damuhan.

Hindi ko naman alam ang gagawin dahil wala naman akong masyadong experience sa mga ganito. Kanina ko pa siya ginigising pero wala talaga. Inaamin ko na kasalanan ko 'to, malay ko bang mahihimatay siya dahil lang sa pagtanggal ko ng salamin sa kanya. Mabilis ang tibok ng puso ko kaya nilapitan ko siya at nag-aalalang tumitig sa kanya.

Sa mga oras na 'to, kahit na hindi ko alam ang gagawin ay nababaling parin ang atensyon ko sa itsura niya. Hindi maipagkakailang pogi at paniguradong habulin ng mga dalaga. Dumagdag pa na mayaman siya kaya maganda ang kutis at kulay ng balat niya. Kakaiba mula sa mga lalakeng parati ko na lang nakikita dito sa probinsiya namin.

Halos mabaliw na ako sa kaiisip kung ano ba ang dapat kong gawin nang may makita akong dalawang lalaking papalapit sa aming direksyon. Bigla akong nabuhayan ng loob dahil sa wakas ay may nakita na akong maaaring hingian ng tulong dahil sa katangahang nagawa ko.

Itinaas ko ang kamay ko para makuha ko ang atensyon nila na kaagad ko namang pinagsisihan. Halatang lasing ang mga ito at may dala pa ngang bote ang isa. Bigla naman silang napangisi nang makita ako.

Masama ang kutob ko sa unti-unti nilang paglapit sa akin. Nagsimula na akong kabahan dahil kung ano man ang katarantaduhan na nasa isip ng mga adik na 'to ay siguradong wala akong laban. Base sa mapupula nitong mga mata ay halatang gumagamit ito ng illegal na droga.

Unti-unti silang lumapit sa akin kaya napahawak ako ng mahigpit sa laylayan ng damit ko. Lumingon ako sa paligid para makahanap ng kung anumang bagay na magagamit ko kung sakali mang may balak nga silang gawing masama sa akin.

Nanghihina akong napaatras ng ilang dipa na lang ang layo nila. Hindi ko man lang maigalaw ang mga paa ko na sobra kong ikinainis.

Napatingin ako ulit sa nakahigang lalaki na nahimatay kanina at kita ko parin na tila mahimbing siyang natutulog. Napapikit ako ng mariin nang balak ko sanang tumakbo ay kaharap ko na pala ang puno ng narra.

Wala na akong matatakbuhan at wala na akong kawala.

"Kuya, h-hindi ko na po kailangan ng tulong. Nakatulog lang po ata yang lalaking yan." Kinakabahan at nauutal kong sabi ng dumukwang ang isang lalaki sa akin habang ang isa naman ay nakatayo sa paanan ng binata na nakabunggo ko kanina at nakatingin sa direksyon namin.

"Ah, gano'n ba?" Nakangising ani ng lalaki na nasa harap ko habang marahang hinahaplos ang mahaba kong buhok.

Lalong umuusbong ang takot sa dibdib ko at ilang sandali pa ay para na itong sasabog. Napapikit na lang ako at napaatras. Naramdaman ko ang marahas na pagtama ng likod ko sa punong kahoy at ang pagbagsak ng mga luha ko nang mariin niyang hawakan ang baba ko. Pilit ko mang inilalayo ang mukha ko pero mas idinidiin niya pa lalo ang kamay niya at pakiramdam ko ay masusugat ito dahil sa diin ng kuko niya sa pisngi ko.

Tuloy-tuloy na dumausdos ang luha ko at ipinikit ang mata nang lumapit pa siya lalo at pinilit na iniharap ang mukha ko sa kanya.

Ilang sandali pa ay biglang lumuwag ang kamay na nakahawak sa baba ko kaya ako napamulat.

Nakita kong nakabulagta na ang lalaki sa harapan ko. Bigla naman akong nabunutan ng tinik sa lalamunan dahil may pagkakataon na akong makatakas.

Bago pa man ako makapagsalita ay may kamay na humablot sa braso ko at nagkulong sa akin sa mga bisig niya. Naramdaman ko na lang na umiiyak na pala ako sa balikat ng lalaking nagligtas sa akin. Ang lalaking nahimatay dahil sa kagagawan ko kanina.

Nang humiwalay ako sa yakap ay pilit akong ngumiti. Nakita kong binitawan niya ang sanga ng punong kahoy na hawak niya na sigurong ginamit upang mailigtas ako. Lumayo ako ng bahagya dahil sa hiyang nararamdaman. May kung ano sa loob ko na gustong humingi ng tawad pero hindi ko magawang maibuka ang bibig ko.

Pag-angat ko ng tingin ay nakita kong nakalahad ang kamay niya sa akin bago nagsalita,

"Nyx," simpleng aniya na nagpakunot sa noo ko.

Kalaunan ay napagtanto ko rin na nagpapakilala pala siya kaya inabot ko ang kamay niya. Pero bago ko pa man masabi ang pangalan ko ay nagulat ako dahil sa bigla niyang pagsasalita.

"Hospital, I need to go to the hospital," sa sinabi niyang iyon ay hindi na ako nag atubili pa at kaagad ko nang iniakbay ang braso niya sa balikat ko.

Kaya naman siguro naming lakarin dahil malapit lang naman ang ospital na alam ko, ospital kung saan din ako namalagi noon. Hindi naman na siya tumutol pa at naramdaman ko ang pagbigat ng pagkakaakbay niya, senyales na nahihirapan siya sa paglalakad.

"Guide my way please, m-my eyes.. It's getting b-blurry," bulong niya sa akin.

"Fine, close your eyes. I'll serve as your sight."

Sinunod niya naman ang sinabi ko kaya dire-diretso na kaming naglakad papunta sa ospital.

Malayo pa lang ay tila bumibigat na ang hakbang ko sa hindi maipaliwanag na dahilan. Parang may kung anong bigat sa pakiramdam ang unti-unting nabuhay at bumalik sa isip ko.

Pagtapak pa lamang sa pinto ay nanlamig na ako. Ramdam ko rin ang pamumuong muli ng mga luha sa mata ko.

Nakita ko naman ang punong tagabantay na katulad ko rin ay nakatingin siya sa akin ng hindi makapaniwala.

Lumingon ako sa paligid at tila naging sariwa sa akin lahat ng pinagdaanan ko noong nasa kasagsagan ako ng pagpapagaling. Nandoon yung takot na baka mas lumala ang sakit at mamatay na lang bigla, at ang panalangin na sana makatakas na sa selda ng paghihirap.

Nahagip ng mata ko ang isang malaking litrato na nakasabit sa dingding ng bahay ospital. Litrato iyon ng mga bata na may iba't ibang karamdaman at kasali na ako doon. Naalala ko parin ang unti-unti naming panghihina at ang iba pa ay namatay dahil hindi na kinaya ng katawan.

Buhay na buhay pa rin ang bahay ospital na tinatawag na "Rainheart Paradise" at naaalala ko pa ang alamat ng titulo ng ospital na ito batay na rin kay Ma'am Nanny, ang punong tagapangalaga.

"This hospital is called paradise, where a lot of tears shed and fall like a rain from the sky, a rain that make every heart melt. The hospital of hope, the hospital of cure, the hospital where love conquers the most. This is our Paradise. Our "Rainheart Paradise".

Nasa paligid pa rin ang palaruan at ang sapa na gawa ng tao na nilalagyan lang ng tubig para magmukhang totoo. Kakaiba ang ospital na ito sa iba dahil hindi puti ang dingding, bagkus punong-puno ito ng iba’t ibang kulay at mga paintings ng magagandang view dito sa lugar namin. Para bang gusto nilang iparanas na nasa labas lamang ang nandito.

Nagsilbi na din itong tunay na bahay dahil ang bawat nandito ay nagtuturingang isang buong pamilya.

Hindi ko man lang namalayan na pinupunasan na pala ng lalaking naka akbay sa akin ang luhang dumadausdos sa pisngi ko gamit ang panyo.

Ilang sandali pa ay nabitawan niya ang panyo kasabay ng pagkawala niya ulit ng malay. Buti na lang ay may umalalay kaagad na mga nurse kaya nadala kaagad siya sa isang silid. Tinanong pa nila ako kung bakit dito ko dinala pero wala man lang akong naisagot at nakatitig lang sa kawalan.

Nanatili akong nakatayo at pinagmamasdan ang paligid nang makarinig ako ng pamilyar na boses na tumawag sa pangalan ko.

"Sandya! Araw!" Parang natunaw ang puso ko nang makita ang isang petite na babae na tumatakbo papalapit sa kinatatayuan ko.

"H-helen?" Naiiyak at mahina kong sabi at sinalubong ang yakap niya.

"Ang tagal na kitang hindi nakita. I'm so happy for you," sincere na sabi niya pero halata ang lungkot sa tono nito.

"Bakit, Helen? Ikaw kamusta ang kalagayan mo?" Pilit ko na lang siniglahan ang boses ko para makatulong sa pagpapagaan ng paligid.

"Halika, tambay muna tayo sa garden? Na miss kita, Araw ko." Napangiti ako bago sumama sa kanya papunta sa garden kung saan kami madalas noon.

Kasalukuyan kaming nakaupo sa isang bench habang nakalingkis ang braso niya sa akin na palagi niyang ginagawa.

Na-miss ko na rin ang babaeng ito dahil sa katagalan. At masaya akong nagkita ulit kami.

"Alam mo, malapit na akong mamatay." Plastic siyang tumawa habang pinunasan ang luha na siyang nakapagpalamig sa buong sistema ko. Napatingin ako sa kanya nang hindi makapaniwala. Hindi ko alam ang sasabihin dahil walang salitang pumapasok sa utak ko.

Kusa ko na lang siyang niyakap at nakisabay sa paghagulhol niya.

Halos magkasabay kaming pumasok dito sa ospital at palagi rin kaming magkasabay sa lahat, kaming dalawa ang sabay na lumaban at sa kasamaang palad ay ako ang nakalabas samantalang siya ay naririto parin.

Parang gusto ko na lang sapakin ang sarili ko dahil hindi ko man lang naisip na masyado akong maswerte dahil gumaling pa ako kumpara sa mga nandito, nananatili paring nabubuhay nang walang kasiguraduhan kung magtatagal pa ba sa mundo.

"'Wag kang mawalan ng pagasa, gagaling ka pa ‘no!" Pilit kong pinagagaan ang pakiramdam niya pero sadyang mababaw ang mga luha ko at niyakap ko siya ulit.

Hindi ko aakalaing aabot kami sa ganito. Sa puntong kailangan naming magpaalam sa isa't isa. Ang nakakalungkot lang ay kahit na buhay pa naman ang isang tao pero nililimitahan na kaagad nila ang mga pagkakataon na makapamuhay ito ng normal.

Bakit ba ganito ang tadhana, kung sino pa ang siyang mabubuti, sila pa ang nahihirapan. Bakit pa kailangan na mangyari ang lahat ng ito? Bakit ang kaibigan ko pa?

"Helen naman eh, tutuparin pa nga natin ang mga pangarap natin di'ba? Makakahanap ka rin ng heart donor. Tiwala lang." Hinawakan ko ng mahigpit ang mga kamay niya kasabay ng muling pag-agos ng luha sa mga mata ko.

"Helen, isa ka sa taong nagbigay sa akin ng lakas dati. Alam kong matatag ka at hindi kaagad na sumusuko, malalampasan mo rin 'to, nandito lang ako palagi. Basta lagi mong tatandaan na hindi ka nag-iisa, palagi mong nasa tabi ang diyos, magdasal lang tayo at panigurado na tutuparin niya ang hiling natin at may darating na pag-asa. Malakas tayong pareho hindi ba?"

"Naalala mo pa ba, noong una tayong nagkita dito. Inaway mo pa nga ako noon kasi sabi mo, ang weak ko kasi ang bilis kong sumuko. Sabi mo sa akin dati na pray lang parati at tutuparin ni god ang wish natin, hindi ba?"

"Naaalala ko rin no'ng mga panahon na nalagay sa alanganin ang buhay ko, palagi kang nasa tabi ko."

"Ikaw ang taong sumusuporta sa akin sa lahat. Ikaw yung taong pinagkakatiwalaan ko ng lubos."

"Ikaw yung nagsilbing liwanag ko sa dilim. Ikaw yung nagbigay sa akin ng tali para makaangat muli."

"Ikaw yung bestfriend ko na hindi ako hinahayaan na maging malungkot. Yung bestfriend na kilalang-kilala ko na hindi kaagad sumusuko."

"Ang bestfriend ko na pinakamamahal ko." Niyakap ko siya ng mahigpit, sobrang higpit.

"You'll always be my partner in crime. My lovely sunset." Mahinang sambit ko sa gitna ng yakap namin.

Tiningnan ko siya ng diretso at hinawakan ang magkabilang pisngi habang pinupunasan ang mga luha sa mukha niya. Labing anim na taon pa lamang ang kaibigan ko at napakaganda niya. Taglay niya ang mga katangiang sobra kong hinahangaan.

Ilang sandali pa ay kumalma na siya at natanaw ko sa likuran niya si Nyx. Ang lalaking dinala ko dito kani-kanina lang. Binitawan ko si Helen at kagaya ko ay tumingin siya sa likuran niya. Binigyan ako ni Helen ng isang makahulugang tingin at ngumiti ng malapad sabay pisil sa palad ko na kaagad niya namang binitawan. Niyakap niya pa ulit ako bago umalis. Nanatili lang akong tahimik habang papalapit si Nyx at umupo sa bakanteng upuan sa katabi ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at hindi ako makahinga ng maayos. Hindi ko alam kung dahil ba 'to sa kaba, hiya o guilt.

"Thank you for bringing me here." Panimula niya.

"Sorry din pala." Alanganin kong dugtong bago lumingon sa kanya at kaagad ding nag-iwas dahil nakatitig din siya sa akin ng seryoso.

"It's okay. Ahm, what's your name?"

"Sandya Leana. You can call me whatever you want. It depends kung magugustuhan ko."

"Silly, I'm just asking for a small answer." Napairap na lang ako bago palihim na ngumiti.

"Maybe you still need my handkerchief? You can use it to wipe your tears. Don't worry I don't mind."

Ngumiti na lang ako bago umiling. Sapat na ang ginawa niya kanina para maibsan yung pag-iyak ko.

"Ah, maari ko bang matanong kung bakit ka nahimatay kanina?" Alanganing tanong ko.

"I don't know." Kibit-balikat na sagot niya kaya napatango-tango na lang ako.

Pero nagulat ako at nakaramdam na lang din ng awa nang marinig ang mga sumunod na sinabi niya.

"I have an eye cancer also called as Retinoblastoma, and it's getting worse."

***