Browse stories

When It Hurts

Language: fil

Description: LAGARDIA ISLAND SERIES 1 Handa ka na bang masaktan ulit? Handa ka bang sumubok sa pagmamahalan kahit ito ay isang pag papanggap lamang? This is pain story of Marco and Clara. What if magkataon na ikaw ang magpanggap na Girlfriend ni Marco. And in the end, wala kang napala? Kase nagkabalikan sila ng ex niya? Kaya mo ba? Marco Xian Lopez. Isang Lawyer na mula sa Lagardia Island University. He is cold person, kaya mapapansin na hindi siya nakikipag usap minsan sa ibang tao at parang walang pake-alam sa mga bumabati sa kaniya o tumatawag. Pero may mabuti siyang pagkatao, ni…

Available chapters

  1. Chapter 1
  2. Chapter 2
  3. Chapter 3

Chapter 1

Author Note

Maligayang bati sa pagbisita dito sa Lagardia Island. Masaya ako at nandito kayo at malugod ko na din kayong tinatanggap!

This is Collaboration Series... The LAGARDIA ISLAND SERIES. 16 na manunulat ang aking inimbitahan upang makilahok at maki-isa sa pag gawa ng Series na ito. May kaniya-kaniya kaming istorya at maari niyo din itong basahin at suportahan.

Napa sa akin ang Series 1 at ito ay ang When It Hurts. Sa istoryang ito ay matatalakay, mababasa at masasaksihan kung paano nga ba mag mahal ng tunay? Kung paano ma dim masaktan dahil mahal mo ang isang tao.

Clara, siya lang naman ang babaeng nag panggap bilang isang girlfriend ni Attorney Marco o mas kilala bilang Attorner Lopez. Nagkataon ang bagay na iyon dahil aksidenteng nakapunta ang Ex ni Marco na si Beatrice kasama ang kaniyang Ina sa Coffee Shop niya.

Magiging masakit ang kwentong ito, pero hindi naman mawawala ang kilig.


PAALALA:

[Ang istoryang ito ay gawa lamang sa piksyon/fiction at walang makatotohanan.]

[Kung may napapansin man kayong may kulang na letra o di kaya ay maling salita/spelling pati na din sa grammar ay pag pasensyahan nyo na lamang ako.]

[Ito ay hindi ko basta-basta kopya sa ibang istorya na naririto din sa wattpad. Sapagkat ang istoryang ito ay aking pinag isipan at pinag-planuhan.]

[Kung kayo man ay naguguluhan, maaari niyong i-comment at kung saang parte ito. Minsan ay sumasagot ako sa mga katanungan at kung hindi ko naman ito napansin o nakita ay pag pasensyahan nyo na ako.]

Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, songs, places, events and incidents are either products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

***

PALAGIARISM IS A CRIME


Your votes, comments and follow are highly appreciated! Thank you so much!


When It Hurts
SERIES 1

Chapter 2

Prologue

Clara POV:

***

"KUYA, kanina pa tayong umiikot ng umiikot dito! Dadating pa ba yang sinasabi mong liligawan mo?" Kanina pa kaming nandito sa may tapat ng Architect Building, umikot na kami ng umikot dito sa may puno, kanina pa din akong naiinip.

May ipapakilala daw kase sa akin si Kuya na nililigawan niya. Hindi ko ba alam ang balak ng kapatid ko at may balak pang ipakilala sa akin. May trabaho pa naman din ako ngayon sa Coffee Shop.

"Oo dadating yun, antayin lang nating bumaba dyan sa building." Walang gana akong tumango. Kanina pa talaga ako nag aalanganin at nabo-boring.

Ayaw ko pa naman na maabutan ako ni Attorney Marco at pagalitan ako kase wala ako sa trabaho. "Hays." Bumuntong hininga nalang ako saka sumandal sa pader.

Lagi ko talagang iniisip ang trabaho ko, lalo na at ang damot mag bigay ng pera ni Kuya. He also strict, hindi ko alam kung strikto ba o baka lang naman na tinuturuan niya ako kung paano kumita ng pera at mamuhay mag isa. Nasanay na din kase ako na lagi ko siyang kasama.

"Attorney Marco... Ginagawa mo dito?" Rinig ko mula dito ang boses ni Kuya.

Dahan-dahan kong ibinaling ang tingin sa kaniya, nahagip ng aking paningin ang may ari ng Coffee Shop na pinag tra-trabahuhan ko.

"Sh*t!" Pagmumura ko ngunit bulong lang ito, baka mapakinggan pa ni Attorney Marco. Agad akong yumuko at nagkunwari na college student na tambay dito sa baba ng Architect Building.

"Kinausap ko lang si Dean. Ikaw ba?" Boses palang talaga ni Attorney Marco, nakakatakot na. Ang lalim ng boses niya at ang lamig.

Pero cold person naman talaga siya...

"May inaantay lang, kasama ko nga pala ang ka--" Agad kong tinakpan ang bibig ni Kuya, inikot ko ang sarili ko at nanatiling nakaharap si Kuya kay Attorney Marco, ako naman ay nakatalikod sa kanila habang taklob ko ang bibig ni Kuya.

"Kuya gago ka talaga! Boss ko yan sa Coffee Shop tapos pag nalaman niyang ako ito, lagot ako sa trabaho ko! Kaya shh ka lang, don't noticed me." Bulong ko.

"Wag na kayo magbulungan d'yan. Rinig ko din naman..."
Napa-ayos ako ng tayo dahil sa gulat. Bumilis lalo ang pintig ng aking puso at ngumiti na nag aalanganin kay Attorney Marco. Patay...

"Ow, H-Hello A-Attorney M-Marco, hehe. Ginagawa nyo pala dito?" Nahihiya kong tanong. Tila'y sasabog na ang puso ko dahil sa bilis ng pagtibok nito.

Tumingala ako at hinagip ang muka ni Attorney Marco. Nanatili iyong blanko at walang emosyon na ipinapakita. Hindi siya nakatingin sa akin at halatang kay Kuya iyon nakatama. Paano ba naman ako makikita? Eh hanggang dibdib lang naman ako ng lalaking ito!

"Bakit wala ka sa trabaho?" Malamig nitong tanong, saka ngumisi, dahan-dahan pa niyang ibinaba ang tingin sa akin.

Mas lalo akong kinabahan at natakot sa, para siyang lion na mangangain. Gustohin ko nalang na mag pakain sa lupa, ngayon din. "Let me explain, hehe. First of all, gusto ko talagang pumasok sa trabaho dahil... I know you, you are always in Coffee Shop kaya naman ay alam kong mapapansin mo na wala ako doon at absent. Second! Ang kuya kong kaibigan mo... Isinama ako dito, hindi ko ba alam kung kalokohan ito o tunay? Well, I'm a good sister." Umakto pa akong parang bossy sa kaniya.

Wala siyang imik at inilipat ulit ang tingin kay Kuya. Si Kuya naman ay tumatawa pa habang nakikipag eye to eye contact kay Attorney Marco.

"Susunod ako sa'yo, Attorney. P-Promise!" Tumango nalang siya habang nakatalikod at naglalakad patungo sa way ng parking lot.

Nakahinga ako ng maluwag, agad na inilipat ang tingin kay Kuya. Sinamaan ko siya ng tingin at natatakot siyang lumalayo sa akin.

"KUYAAAAAAAAAAAAAAA!" Inis ko siyang hinabol. Nag ikotan lang kami sa may puno, pero tumigil na din kami nung mag labasan na ang mga Architect student.

"Marisol!" Tawag ni Kuya, lumingon naman ang isang magandang babae saka ngumiti. Lumapit siya sa direksyon namin kasunod niya lang din ang dalawa pa niyang kaibigan.

"Hello." Masaya niyang bati sa amin.

Medyo matangkad din siya sa akin ng kaunti, makinis din ang balat niya, may matangos na ilong at magandang mata. Siya ba yung nililigawan ni Kuya?

"Marisol, kapatid ko nga pala. Si Clara." Pagpapakilala ni Kuya.

Tumingin sa akin si Marisol na may ngiti sa labi. Muka naman siyang mabait at magalang, kagaya ko lang din. Para ko siyang kambal. "Hello, Clara. Nice to meet you. Hehehe! Matagal ka ng kinu-kwento sa akin ni Kuya Clark mo at maganda ka nga sa personal." Ani n'ya.

"Ow, thanks! So? Nakita ko na at nakilala ko na siya, Kuya! Una na ako, may trabaho pa ako!" Nahuli na ang lahat bago pa niya ako mapigilan, alam ko namang patitigil pa niya ako doon at pachi-chikahin kay Marisol.

Pagkalabas ko pa lang ng gate ay hindi ko inaasahan na nag aabang pala doon si Attorney Lopez.

Wait ako ba ang inaantay? O baka naman ibang tao? Lapitan ko nga...

"Attorney Marco!" Tawag ko, napalingon naman siya bago inayos ang suot niyang salamin.

Nasa harap na niya ako. Nanatiling nakatikom ang bibig niya at walang nais sabihin. Nakatingin sa akin ang nakamamatay nitong tingin, itinaas niya din ang isa niyang kilay. Senyas na iyon na nagtatanong siya ng BAKIT?

"Akala ko po nauna na kayo sa coffee shop?" Tanong ko.

"May inaantay pa ako." Sagot niya bago ibinaling ang tingin sa malayo.

"Sino, Attorney?" Muli kong tanong. Inilipat ko din ang tingin ko sa direksyon na tinititigan din ni Attorney Marco, baka sakaling nandoon sa way na 'yon ang inaantay niya.

"Ikaw." Napapikit ako ng ilang beses ng sabihin niya iyon. Hindi ko inasahan na ako pala ang inaantay ng lalaking ito.

"Bakit nyo ako inantay, Attorney? Type mo ako 'no? Na'ko wala talaga akong balak mag boyfriend lalo na pag katulad niyong strikto at cold. Baka hanggang 1 days lang tayo... parang load na 1 day for FB." Sabat ko. Pero nanatili ang muka niya sa blanko kaya nakakaasar lang.

Huminga siya ng malalim at naamoy ko ang mabango niyang hininga, sino ba naman ang hindi maka-amoy no'n? Eh sa lakas ng pag hinga niya, feeling ko tuloy parang lilipadin pati ako.

"Colgate ang brand ng Colgate n'yo, ano?" Pag bitaw ko ng salitang iyon ay parang may napansin akong mali. Pagtingin ko din sa muka ni Boss ay naging nagtataka ito.

"Toothpaste, correction." Pagtatama niya.

Natawa naman ako na may kaunting kahihiyan. Kahit kailan talaga ang gulo ng utak ko, kailan kaya ito maia-ayos? Tumigil ako sa tawa nung naging normal na ulit siya.

***

"So? Bakit niyo nga ako inantay?" Pangungulit ko sa kaniya. Nais ko kaseng malaman kung bakit niya akoinantay, baka kase may meaning na yun o sadyang type lang ako nito?

Ngayon ay nakasakay na ako sa shotgun seat at patungo na kami sa Coffee Shop niya. Hindi niya ako sinagot, nanatili lang ang tingin n'ya sa daan. Nais ko man malaman ang sagot sa katanungan ko, pero sa awra palang ng lalaking ito ay parang wala ng silbi iyon. Kaya umupo nalang ako ng ayos at ibinaling ang atensyon sa panunuod sa nagdadaanang sasakyan mula dito sa bintana ng kotse.

Nabalot kami ng katahimikan. Nagsisilbing ingay nalang ang bukas na aircon na naglalabas ng malamig na hangin. Malapit lang ang ang Coffe Shop kaya madali kaming nakarating dito.

Bumaba ako ng sasakyan at gano'n din si Attorney. Bumuntong hininga ako bago lumakad at pumasok sa loob.

"Back to your work now." Mabilis niyang sabi bago pumunta sa isang table at humila ng upuan na nakasukdol.

Pumunta na ako sa counter at kinuha ang nakasabit na apron pati ang cap. Napatingin ako kay Blake na abala sa pag gawa ng creamy iced coffee, dapat ay ako ang gumagawa noon ngunit wala ako kanina kaya hindi ko nagawa.

"Ako na d'yan, Blake." Ani ko.

Napalingon siya sa akin saka tumango. Inabot sa akin ang cup hawak niya at pinatay ang coffee machine. Tumabi siya para makadaan ako, pinagpatuloy ko lang ang ginagawa niya at nung mapuno ang cup ay pinatay ko na din ang coffee machine.

Binasa ko ang isang sticky note na nakalagay sa ibabaw ng counter. Nakasulat doon kung ano pa ang order. Yumuko ako para kumuha ng tatlong malalaking chocolate cookies saka nilagay sa plate.

"Kaninong order ito?" Tanong ko muli kay Blake.

"Kay Attorney," Sagot niya. Napaisip agad ako ng malalim, paano naman kaya naka-order ang lalaking iyon e... kakarating lang namin? "Nag message siya kanina sa akin habang nasa school siya. Dalhin mo na yan at wag ng mag isip ng kung ano-ano."

Tumango ako. Nagmadali akong lumabas ng counter at pinuntahan ang table ni Attornet Marco. Ibinaba ko sa table niya ang cup ng coffee at yung plato na may cookies. Nakatuon ang atensyon niya sa laptop kaya hindi niya ako napansin.

"Attorney, ito na po ang order niyo." Tumunghay siya at nagtama ang tingin naming dalawa.

"Thank you." Malamig niyang sabi at muling ibinaba ang tingin sa laptop. He always busy huh.

Walang gana akong bumalik sa counter. Ilang saglit ay may pumasok ng costumer, mukang mayaman at mag ina. Napalingon din ako sa gawi ni Attorney Marco nung mapansin kong napalingon din siya. Gulat na gulat pa nga siya, hindi ko alam kung bakit. Alam ko naman na minsan lang siya magulat dahil blank face lang ang kadalasan niyang pinapakita sa lahat ng tao.

Agad siyang napatayo at tumungo sa direksyon ko. Nagtama ulit ang tingin namin, para siyang may tinataguan at halata din ito sa kaniyang mga mata.

"Clara..." tawag niya sa akin at saka pumasok sa loob ng counter.

"Bakit, Attorney?"

"Let's make a lie," Tinaasan ko siya ng isang kilay. Sabi niya dati na hindi siya gumagawa ng kasinungalingan pero ngayon? Gagawa siya? At pati ako damay? "Please pretend to be my girlfriend..." Dagdag niya.

Nanlaki ang mga mata ko, nalaglag nalang din ang panga ko sa sinabi niya. PRETEND TO BE MY GIRLFRIEND? Bobo ba siya? Hindi agad makapag sink in sa utak ko ang sinabi niya. Para tuloy akong binuhasan ng malamig na tubig at hindi maka-imik o maka-ibo dito.

Madali niyang hinubad ang cap ko pati ang apron. "Be formal and I need you now. Sumakay ka lang sa aking sasabihin. Don't make mistakes!" Mariin niyang sabi. Tumango nalang ako nalang ulit ako ng wala sa pagkatao.

Huminga siya ng malalim at tumingin sa akin. Kita ko din sa mapupungay niyang mata na kailangan niya talaga ako at humihingi ng saklolo. Wala akong choice, baka sampahan pa ako ng kaso nito na hindi pagsunod sa kaniya.

Hinawakan niya ang kamay ko. Kahit sa pag hawak niya ay nanlalamig ako. Lumabas kami sa counter at muling tumungo sa table niya, umupo lang ako ng ayos, siya naman ay pinatay ang laptop at tumitig sa akin. Napalingon naman ako sa gilid ko ng maramdaman ko ang presensya ng isang tao.

"Oh. Hello, Marco." Nakangiting bati nung babae na medyo may katandaan na din. Siya yung babaeng kakapasok lang dito sa Coffee Shop, minsan ko na din siyang makita dito pero hindi ko kilala.

"Hello, Tita." Bati naman ni Marco at nagkangitian pa sila.

Para lang akong tangang naka-upo dito. Medyo kinakabahan ako sa magaganap pati na din sa sinabi kanina sa akin ng lalaking ito.

Ibinaba nung babae ang tingin sa akin. Saka nagbago ang ekspresyon ng muka. Naging parang mataray ito na hindi ko din mawari. "Who is this girl? Your Secretaty? Maid? Or something?" Sunod-sunod na tanong nung babae na may pagturo pa sa muka ko.

Grabe naman kung maka-maid sa akin, muka ba akong utusan? Sarap sanang sabatan kaso mas umiiral ang pagiging magalang at mabait ko.

"No, Tita. She is my girlfriend." Paglilinaw ni Attorney. Hindi ko na tuloy alam ang gagawin ko. Mas lalo akong naiilang. Ramdam ko din ang pagtaas ng dugo sa aking pisngi, nahihiya akong ipakita kay Attorney na kinikilig ako sa kaniya.

Tumingin sa akin si Attorney sabay ngiti. "Ah- Yes, I'm his Girlfriend po." Nahihiya kong sabi...

---

Chapter 3

***

Clara POV:

"NAKAKAINIS talaga, Zyia! Wag mo munang babanggitin ang salitang PRETENDING!" Inis kong sabi. Katabi ko lang si Zyia habang kumakain ng chips, nasa may isang bench kami at tamang tambay lang dito.

"Okay-okay, easy ka lang d'yan. Pero nakaka-inggit ka! Ang aga mong mag boyfriend at isa pang lawyer. HAHAHA! Pero if Girlfriend ka nga at pinilit ka, pwedeng ikaw ang maging batas sa inyong dalawa. Once na magreklamo ka pwedeng matanggalan 'yan ng lisensya. HAHAHA!" Ani Zyia.

Inirapan ko lang siya. Binaling ko ang tingin ko sa mga taong dumadaan, karamihan na sa dumadaan ay mga 4th year high school student.

"Pero kinakabahan ako, Zyia. Hindi ako ready sa relationship and you know that. What should I do now? Mag papanggap nalang ba ako na maging girlfriend ni Attorney Marco? Hanggang sa magbalikan sila ng ex niya o hanggang sa mawala na yung feeling ng ex niya sa kaniya."

Kinuwento na din ni Attorney Marco ang tungkol sa nangyari. Wala na daw siyang malapitan na iba, kaya ako yung pinilit niyang maging Girlfriend niya. Pero magiging komplikado kung hindi kami magsasama, baka din kase magkita sila ng pamilya ng ex niya. Hindi ko nalaman ang iba pang detalye tungkol sa past nila. Ayaw na ding makipag-usap ni Attorney Marco kaya natigilan ang pag sasabi niya sa akin.

Inilipat ko ulit ang tingin ko kay Zyia. Tumigil siya sa pagkain ng chips para makapag salita ng maayos ang bunganga niya. "Ang gulo nga ng nangyari sa inyo. Bilang kaibigan mo, tutulungan kita d'yan. Actually expert ako tungkol sa love-love na 'yan, ako pa ba? E 20+ na ang naging ex ko simula elementary. Trust me!" Natatawa akong hindi sa sinabi niya.

Ang hirap paniwalaan ng lahat. Parang gusto kong lumipat sa ibang planeta na kung saan ako lang pati ang mga alien. Ang dami ko ng problema, sa school, self problem, tapos dumagdag pa si Attorney marco.

Hanggang ngayon ay pinag iisipan ko pa kung lilipat ba ako sa dorm ni Attorney. Binigyan niya lang ako ng 1 day para makapag isip, hindi ko alam kung makakapag isip ako ng one day lang. Dapat mamaya ay mag message na din ako sa kaniya kung lilipat ba ako sa dorm niya o siya ang lilipat sa dorm namin ni kuya.

Napapikit nalang ako ng mariin. Bumuntong hininga na din ako, para maka hinga ako ng maluwag, para kaseng sumisikip ang dibdib ko pag iniisip ko ang mga problema ko. "Hindi ko alam sa'yo, Zyia. Isa ka ding magulo, hays." Tumawa lang siya sa sinabi ko at nagpatuloy sa pag nguya ng chips.

***

"Ms. Hernandez, ayos ka lang ba? Kanina ka pang tulala diyan. Are you still listening in my lesson?" Magalang na tanong sa akin ng Teacher ko sa History.

Tumingin ako sa kaniya saka ngumiti. "Yes Ma'am."

Inaantay ko nalang matapos ang History Class na ito. Ito na kase ang last class namin at pwede ng mag uwian. Kailangan ko pang dumeretso sa Coffee Shop para mag trabaho.

Nakinig na ako sa pinapaliwanag ni Ma'am, kahit hindi ko ito naiintindihan. The bell was ring, at minadali ko ang pag aayos ng aking gamit na nakaka-kalat sa ibabaw ng table ko. Sinuot ko na ang bag ko at saka tumayo.

"Clara!" Tawag sa akin ni Zyia. Agad ko siyang nilingon, palapit pa lang siya sa akin at nandito ako sa may malapit sa pinto, inaantay lang siya.

"Hmm?" Walang gana akong tumingin sa kaniya.

"Are you going to Coffee Shop?" Tumango ako. "Okay, nais ko din pumunta doon kaya sabay na tayo." Dagdag pa niya bago hinalbot ang braso ko at niyapos iyon.

Nagsimula na kaming maglakad hanggang sa nakarating na kami dito sa baba ng building, dumaan lang kami sa hallway at nakarating na din sa may gate.

May natatanaw ako mula dito na isang pamilyar na tao para sa akin. Siya ba si Anita? Yung Nanay ni Beatrice? W-Wait... bakit siya nandito? Ang pag kaka-alam ko, college student na si Beatrice? At wala na siyang anak na nag aaral sa high scool.

Natatakot akong lumabas ng gate pero pilit akong hinahatak ni Zyia. Nagtagpo ang mga mata namin, agad kong ibinaling ang tingin sa ibang direksyon. Nahihiya ako at natatakot sa kaniya.

"Clara!"

Sh*t! napamura nalang talaga ko ng marinig ko ang boses ni Anita na tawag ang aking ngalan. Natatakot ang lumingon sa kaniya, si Zyia naman ay nagtataka kung sino ang babaeng tumawag sa akin.

"Yes po?" Formal kong tanong. Ngumiti akong ntatakot, baka kase may gawin siya o itanong tungkol sa amin ni Attorney Marco.

"Saan ang tungo mo ngayon?"

Hindi ako makasagot sa kaniya. Nasa isip ko na ang sagot ngunit hindi mailabas ng aking labi, tila ay may pumipigil dito.

"In my dorm Tita, right Babe?" Nakakagulat ang pagsulpot ni Attorney MArco, hindi ko ito inaasahan.

Napangiti ako ng wala sa oras. "Yes." Maikli kong sagot, bago ko ibinaling ang tingin kay Zyia.

"Ow, nandito ka din pala, Marco. At sinusundo mo din pala ang girlfriend mo. It was nice." Nakangiting sabi ni Anita kay Attorney Marco.

"Clara... Mukang sa dorm ang tungo n'yo, hindi na ako sasabay. Una na ako, ingat." Bulong naman sa akin ni Zyia, mukang pati siya ay natatakot.

Napabuntong hininga nalang ako. Nawala ako sa huwisyo dahil sa nagaganap. Ayaw ko ng ganito dahil hindi pa ako handa at hindi din ako sanay.

"So we need to go home na, Tita." Ani Attorney.

Wala ding nagawa si Anita at tumango nalang kay Attorney Marco. Hinawakan ni Attorney ang kamay ko at hinila papunta sa kotse niya doon sa may gilid ng kalsada.

"Are you okay?" Malamig niyang tanong.

Tumango naman ako ng walang gana. Napagod siguro ako sa school at sa kung ano-anong kaganapan. Nais ko ng mag pahinga.

"Ang tahimik mo..." Dagdag pa niya bago ako pinagbuksan ng pinto ng kotse.

Pag pasok namin ng kotse ay wala ng umimik sa amin, nanatiling tahimik ang byahe namin. Ayaw ko munang makipag usap dahil pagod ako, at gusto ko lang ay ang matulog.


Marco POV:

NANDITO ako ngayon sa dorm nina Clark, kinuha ko lang ang bagahe ni Clara. Tinanong ko din ang kuya Clark niya kung pwede kong itira ang kapatid niya sa dorm ko.

Hindi pa din alam ni Clark ang nangyari, wala muna din akong balak na sabihin ito. At mukang hindi pa din sinasabi ni Clara ang nagaganap.

"I trusted you, Attorney Marco. Alagaan mo ng mabuti si Clara." Paalala niya. Tumango ako bago ngumiti. Nagpaalam na din ako, ayaw kong humaba pa ang usapan naming dalawa baka mabanggit ko ang problemang naidulot ko kay Clara.

Bumalik na ako sa loob ng kotse. Nananatili pa ding tulog si Clara. Inilagay ko ang bagahe niya sa likod, pumasok na din ako sa driver seat at pinaandar ang kotse.

Buti nalang talaga at naisipan kong sunduin sa school si Clara, baka mahuli pa kami ni Tita Anita. Alam kong magaling siya humuli ng problema, pero... Mali ang kinaharap niyang tao, mas magaling ako kesa sa kaniya, hindi ko pababayaan na mahuli niya ang problema ko.

Buong byahe kong inisip kung anong susunod na hakbang ni Tita Anita, tanging iniisip ko ay baka humingi na siya ng tulong sa ibang tao na hindi ko kilala, para lang mahuli ang tinatago ko.

Buong angkan nila ay nais akong ipakasal kay Beatrice, para na din iyon sa kompanya nila. Ngunit dumating ang araw na naghiwalay kami ni Beatrice, nasawa ako sa ugaling ipinapakita niya sa akin, hindi gano'n ang nais kong babae.

Nauna akong bumaba sa kotse ng makarating na ako sa tapat ng building, binuksan ko ng dahan-dahan ang pinto ng shotgun seat kung saan nakaupo si Clara, ayaw kong maabala ang tulog niya. Inalis ko ang seatbelt niya, saka ko unti-unting binuhat ang katawan niya.

Dala-dala ko siya hanggang makarating ako sa Dorm ko, ibinaba ko siya sa isang kama. At muli din akong bumalik sa baba para kuhanin ang bahage niya pati ang case ko.

RING~

Agad kong kinapa ang phone ko sa aking bulsa, sinagot ko ang tawag. Si Ate kase ang natawag.

"Hello?"

[May nabalitaan ako kay Tita Anita... You have a girlfriend na? Bakit hindi mo sinabi sa akin!?] Mataas ang tono ng pananalita niya, galit 'to.

"And?" Walang gana kong sagot.

Kinuha ko na ang bagahe at sinarado ang kotse.

[Tsk! You need to go back here in our house. Sasabihin ko din ito kay, Papa!]

"Ok."

Pinatay ko na ang tawag, wala namang silbi ang pag tawag niya. Sumakay na ako sa elevator at inantay na makataas ito.

Pumasok na ulit ako sa Dorm, pero nanatili ang tingin ko sa Phone at abalang nag e-email kay Attorney Kit.

"Awww..." napahawak ako sa ulo ko. May matigas na bagay ang tumama dito.

"Bakit ako nandito!?" Sigaw ni Clara. alit na galit ang muka at may hawak na walis tambo.

"Hmm? Matulog kana," Pagpapalusot ko. pero hinarangan niya ako, kunot noo akong tiningnan at saka akmang ihahampas ulit sa akin ang walis, pero pinigilan ko. "Stop, please?"

"Hindi pa ako nakakapag desisyon sa nais mo. Pero bakit nandito na agad ako?" Tanong niya ulit. Ibinaba niya ang tingin sa dala kong bagahe. "And that is my bag! Bakit dala mo!? Stupid!"

Umiling nalang ako sa kaniya at naglakad patungo sa sala. Ramdam kong nakasunod lang siya sa akin, hindi ko nalang nilingon may hawak kaseng walis baka mahampas ako.

"Hindi mo talaga ako sasagutin huh!?" Muli niya akong hinampas sa ulo. Mas kumirot ito kesa kanina, napawak ako sa ulo ko at napahilot.

"I decided for you... ako na ang nag desisyon. Para na din ito sa kaligtasan mo." Sabat ko. Tumigil na din siya at naging normal ulit ang mood, she is so crazy and naughty...

---