Browse stories

My Brother is Annoying

Language: fil

Temper and Tammy is like a typical siblings who always fight and tease each other. Bangayan dito bangayan doon, asaran dito asaran doon ganyan ang magkapatid na Severo. Walang araw na hindi sila nag aaway at nagbabangayan. Walang araw na hindi inaasar ni Temper ang bunsong kapatid na si Tammy na tila ba hindi makukumpleto ang araw niya kapag hindi niya ito napaiyak dahil sa sobrang pagkainis sa kanya. Si Temper Zico Severo ay basagulero, bagsak ang grades, walang modo at arogante. Kabaliktaran siya ng kapatid niyang masipag mag aral, matalino at marespeto hindi nga lang masyadong…

Available chapters

  1. Chapter 1
  2. Chapter 2
  3. Chapter 3

Chapter 1

Chapter 1.

"Basagin mo pagmumukha niyan! siguraduhin mong basag 'yan, kundi mukha mo babasagin ko." Utos ko kay Art.

"G*go!" Sagot niya habang walang tigil ang pagsapak sa lalaking kaaway namin.

Umupo ako sa damuhan at pinunasan ang dugo mula sa pumutok kong labi. Weak pala nitong putangina leader nila akalain mo 'yon, isang sapak tulog na. Puro yabang kasi wala naman binatbat.

"Sa susunod, kilalanin mo kung sinong babanggain niyo! Inutil." Sinipa ni Art ang lalaking nakaratay sa damuhan katabi nito ang mga bobong kasamahan niya.

lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko.

"Pumutok labi mo tol." Tinuro ni Art ang bibig ko.

"Alam ko, gago."

Tumayo ako at pinagpagan ang damit ko na puro damo at mantsa ng putik, ganon din ang kay Art.

"Tara na."

Nauna akong naglakad.

Napansin kong hindi nakasunod si Art sa akin kaya nilingon ko siya. Hawak ni Mrs. Lampara ang tainga niya. Sh*t.

"Kapag minamalas ka nga naman." Bulong ko, Siguradong sa detention ang bagsak namin ngayon.

"Tem, tak---" Hindi natuloy ni Art ang sinasabi dahil piningot siya na Mrs, lampara.

Natawa ako nang mag sisigaw si Art, Puro pasa ang mukha niya, tanga tanga kasi makipag suntukan. Sinenyasan ako ni mrs. Lampara na lumapit sa kaniya.

Gusto ko tumawa dahil sa kilay, pinigilan ko lang.

"Come here Mr, Severo." Sabi nito habang kinakaway kaway ang kamay, ano ma'am feeling nasa Ms. universe?

Yumuko ako nang makaharap sa kaniya.

"Kayong dalawa!" Hinawakan niya ang tainga ko at malakas na pinihit. "Hindi ba talaga kayo mag titino?!"

Napapikit ako sa sakit nang pag pihit niya. May araw ka din sa akin.

"Go to my office." Utos nito, nagtinginan kami ni Art at natawa.

"Lakad, Dalian niyo!

Naunang siyang naglakad sumunod kami ni Art, habang papunta sa office ni mrs, Lampara pinag titinginan kami ng mga babae. Alam ko naman kung bakit dahil mukha kaming mga dugyot sa itsura namin.

"Ang dumi natin." Bulong ni Art.

Hindi ako sumagot at naglakad nalang pagdating sa office sinimulan na niya kaming sermonan. Nakayuko lang kami ni Art at nagpipigil ng tawa, siniko niya ako kaya nilingon ko siya. Tumawa si Art at tatawa sana ako nang biglang marinig ang pagsara ng pinto.

"Ma'am, Heto na po yung textbook ng grade seven." Pamilyar ang boses na 'yon.

"Tem, kapatid mo." Bulong ni Art, inangat ko ang ulo ko.

Sabi na. Si Tammy bunso kong kapatid, ang matalino at masipag na kapatid ko. Nagtama ang mga mata naming dalawa matalim niya ako tinignan at sinenyasan na isusumbong kay mommy.

Bumaba ang mata niya sa polo kong puno ng putik.

"Hey, sis." Kinawayan ko siya.

Hindi niya ako pinansin, tumingin nalang ulit kay Mrs, Lampara mukhang lampara.

Suplada ng kapatid ko feeling maganda. bumuntong hininga ako at nginitian siya kahit hindi siya nakatingin sa akin.

Siniko ako ni Art.

"Bakit?" Mahinang bulong ko.

"Lumaking maganda si Tammy, pinalaki mo siya ng tama."

Napakurap kurap ako at sa sinabi niya.

"Maganda yang yagit na 'yan? Sigurado ka tol?" Nagpipigil na tawa na sabi ko.

"Oo, magka mukha kayo." Manghang manghang sabi nya.

"Tanga, malamang."

Hindi ko nalang pinansin ang sinabi ni Art at binalik ko ang mata ko kay Tammy. Nakatayo siya sa gilid ni Mrs, Lampara habang si Mrs, lampara ay may sinusulat sa text book na dinala ni Tammy kanina.

Tinitigan kong mabuti ang kapatid ko, mula mata ilong at bibig. Hindi naman siya maganda bulag yata 'tong si Art. At hindi kami mag kamukha ang pangit niya talaga.

Bumaba ang mata ko sa leeg niya. Medyo nagtagal ang tingin ko doon sa hindi ko malaman na dahilan.

Kumunot ang noo ko sa nakita. Nakabukas ang dalawang butones ng uniform nya at nakikita ko na ang kulay pink niyang baby bra. Kahit naman flatchested siya walang pwedeng makakita sa maliit niyang boobs.

Nahihiya ako para sa kapatid ko sobra pangit kaya minsan ayokong siyang dumidikit siya sa'kin.

Tumayo ako nag angat nang tingin sa akin si Art.

"Saan ka pupunta?"

Lumapit ako kay Tammy, nagulat siya nang bigla ko siyang iharap sa akin.

"Luh! Anong ginagawa mo!?" Kabadong tanong niya, matalim ko siyang.

"Temper! Maupo ka." Utos ni Mrs, Lampara.

Mas lumapit pa ako kay Tam, hinawakan ko ang kwelyo ng uniform niya, sa gulat ay hinawi niya ang kamay ko. Nakaramdam akong ng inis sa ginawa niyang iyon.

"Kuya!" May diin sabi niya.

"Bakit mo hinawi ang kamay ko?!"

"Huh? Bakit hindi ano bang ginagawa mo?!"

"Temper!" Si Mrs. Lampara, hindi ko siya pinansin.

"Wait lang ma'am, kapatid ko kasi ito, tignan mo oh! Borless na." I said.

Ibinutones ko nalang ang ang uniform niya na hindi nakasara. Isang beses ko pa siyang matalim na tinignan. Inirapan niya ako at bumaba ang mata sa dibdib. Bumalik na ako sa pwesto kanina at inis na umupo siniko ako ni Art.

Wala kang utang na loob, bata!

"Ang pangit na nga burara pa sa katawan." Bulong ko.

"Pareho lang kayo." Si Art.

"Na burara?"

"Na panget."

"Gagstok."

TAMMY SEVERO:

Matalim kong tinignan si Kuya at si Kuya Art.

"Ano naman ginawa mo at pinarusahan kayo?" Tanong ko kay kuya Temper.

Inirapan niya ako at hindi sumagot. Okay lang sanang magsuplado kung gwapo ka kaya lang hindi naman gwapo si kuya Temper para mag suplado ng ganyan.

Umirap din ako at kay Art nalang nagtanong lumapit ako sa tabi ni Art. Naglalakad na kami ngayon pabalik sa kanya kanya naming room.

Si kuya Temper ay grade ten na at ako naman ay grade eight. Kabaliktaran ako kuya ni Temper. Masipag at matalino ako at siya naman ay basag ulo, sira ulo, walang ulo. Joke lang yung walang ulo. Basta pasaway siya at mahilig sa gulo.

"Nakipag away kami." Proud pa na sagot niya.

"Bakit?" Tanong ko.

Pagdating ko kanina sa office ni Mrs. Lampara para ihatid ang mga textbook ng grade seven na inutos sa akin. Naabutan ko may dalawang lalaki na naka upo. Marumi ang uniform, puro putik at puro damo.

Ang akala ko nga magsasaka sila.

Naglakad ako palapit kay Mrs. Lampara at inabot ang textbook. Nadako ang mga mata ko sa dalawang lalaking naka upo at naka yuko. Hula ko pinapagalitan sila.

Napansin ko ang kwintas na nakasabit sa leeg ng isang lalaki. Kaya nalaman kong si kuya Temper pala 'yon. May pasa siya sa labi at puro putik ang damit niya.

Naku! Lagot ka kay mommy mamaya! Palibhasa hindi ikaw ang naglalaba kaya okay lang sa'yo na mag mukhang putik 'yang damit mo. Nakakainis ka talaga kuya Temper tumatanda ka ng paurong!

"Hoy chanak, huwag ka ngang sumabay sa amin." Singhal ni kuya Temper at tinulak ako siya ang tumabi kay kuya Art.

Sinimangutan ko siya.

Umirap ako at hindi siya pinansin. Si Kuya Art kahit pasaway ay medyo mabait naman siya. Marespeto hindi katulad nitong bwesit kong kapatid.

"Aba! Huwag mo akong iniirapan kuya mo pa din ako! Doon ka chupi ang pangit mo." Sumisenyas pa siya na para akong isang aso.

Alam na alam talaga niya kung paano sirain ang araw ko. Katulad ng mga normal na mag kapatid hindi kami mag kasundo ni kuya Temper. Lahat pinag aawayan namin, as in lahat.

Panonood ng tv pinag aawayan namin.

Sige nga sinong hindi maasar sa gagawin niya. Iyong kinikilig kana dahil mag kikiss na iyong bida sa pinapanood mong kdrama tapos bigla nalang niyang ililipat sa basketball. O' diba nakakainis yung ganon.

Ultimong pagkain pinag aawayan namin. Katulad nalang kaninang umaga. Wala si mommy dahil maaga siyang papasok sa trabaho kaya walang magluluto sa breakfast namin kung hindi ako o kaya naman ay si kuya Temper.

So ayon nag presinta siya na siya na ang magluluto ng breakfast naming dalawa. Syempre tuwang tuwa naman ako dahil mabait siya ngayon pero may masama pala siyang plano.

"Kuya! Ayoko ng bawang sa fried rice please huwag mong lagyan." Sabi ko, hindi siya sumagot at inirapan lang ako.

"Kuya!" Tawag ko, lumingon sya."yung corned beef pwedeng wag mong lagyan ng sibuyas, please." Pinagdikit ko ang palad.

"Masusunod kamahalan." Ngumisi sya.

Akala ko naman na gets niya ang bilin ko. Pero hindi. Iyong fried rice pinuno niya ng bawang kaya hindi ko makain. Iyong corned beef pinuno niya din ang ng sibuyas kaya hindi ko din nakain. Kaya ang kinalabasan hindi ako nag breakfast.

At hindi lang 'yon ang pinagaawayan namin. Pati cr ay pinag aawayan namin. Imagine nakalagay na sa cr ang damit ko. Bra at panty iniwan ko doon para ipaalam sa kanya na nauna ako. Lumabas lang ako sandali para kunin yung towel pero pagbalik ko nakalock na ang cr at naliligo na siya.

Okay lang naman sana kung naliligo lang siya pero hindi! May ginagawa siyang kababalaghan sa banyo kaya umaabot siya ng isang oras doon. Kaya dahil sa kanya lagi akong late.

"Isusumbong kita kay mommy." Inis na sabi ko.

Ngumisi siya at hinawakan ang braso ko at nilayo kay Art pagkatapos siya ang pumalit sa pwesto ko kanina. Nakakainis talaga 'tong lalaking ito!

"Go, samahan pa kita."

Tinaasan niya ako ng kilay. Ngumuso ako at inirapan siya.

Nagpatuloy na kami sa paglalakad. Malapit na kami sa classroom ko. Sa 'di kalayuan natanaw ko si Clark na nakatayo at kausap ang kaibigan niya.

Si Clark. Siya ang crush ko sobrang gwapo niya. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko.

Teka! Anong itsura ko ngayon? Hagard ba ako? Panget hindi pwede?! Huminto ako at kinuha ang papel sa bulsa ng palda ko na may lamang pulbo. Tumalikod ako at pinuno ng pulbo ang mukha ko naramdaman kong huminto sila kuya at nakatingin sa akin.

"Anong kaartehan 'yan, Tammy?" Sabi ni kuya, ang laki naman ng boses niya.

Kung may maganda man kay kuya iyon ay ang boses niya. kaboses yung mga voice actor sa anime ganon napaka deep.

"Hindi to kaartehan no!" Sabi ko at pinagpatuloy ang pag aayos ng pulbo sa mukha ko para pumantay.

Hindi ko alam kung pantay ba o hindi wala pa naman akong salamin. Kahit phone wala naiwan ko sa bag.

"Kuya lapit ka sa akin." Utos ko.

"Ayoko nga!"

"Sige na, sandali lang."

Lumapit sa akin si kuya Temper kaharap ko siya, ang tangkad naman ng bakulaw na ito! Paano akong makakapag salamin sa mata niya, ngumuso ako. Nakatayo siya harap ko at nakahalukipkip.

"Yuko ka pantay sa mukha ko." Utos ko, tinaasan nya ako kilay.

"Ayoko! gagawin mo nanaman salamin ang mata ko." Masungit na sabi niya.

Kainis!

"Kuya, Mag sungit ka at nag inarte kung kasing gwapo ka ni Clark, so dahil hindi ka naman kasing gwapo ni Clark huwag kang mag inarte."

"Whatever." Pag susuplado niya.

"Clark, siya ba iyong nakatayo doon?"

"Siya nga, O'diba ang gwapo."

"Hm, Gwapo nga, mas gugwapo 'yan pag binasag ko mukha niya, gusto mo ba iyon sis?" Walang emosyon niyang Sabi.

"Gusto ko 'yon tol." Sabat ni kuya Art at nagtaas pa ng kamay.

"Same vibes, apir!" Sabi ni kuya, nag apir silang dalawa ni kuya art.

Matalim kong tinignan si kuya.

"Papansin ka! Diyan kana nga." Tinalikuran ko sya at naglakad palayo. Naramdaman kong nakasunod sila sa likod ko.

Saktong nasa tapat na ako ni Clark ng biglang tawagin ni kuya Temper ang pangalan ko.

"Hey sis, Bakat yung kulay pink mong baby bra." Nagtawanan sila ni kuya Art.

Nakakahiya! Siguradong narinig 'yon ni Clark. Nakakahiya, nakakainis ka kuya Temper! Narinig kong tumawa ang isa sa mga kaibigan ni Clark.

"Subukan niyong tumawa.. Papakain ko sa inyo tong sapatos ko." Dinig kong banta ni kuya Temper.

Dahil sa kahihiyan mabilis akong tumakbo at pumasok sa room. Wala na! Na turn off na sa akin si Clark nakaka asar naman kasi yung lalaking 'yon.

Pabagsak akong umupo sa upuan ko at pinatong ang ulo sa desk. Nakakahiya yung nangyari! Nakakahiya kay Clark Sigurado akong gusto niyang tumawa kung hindi lang sila binantaan ni kuya.

Tumuwid ako ng upo.

Nakakainis naman kasi yung panget na iyon masyadong salbahe tama bang ipahiya ako. Ano naman kung baby bra ang suot ko bata pa naman ako. Siya kasi matanda na pero isip bata pa din lagot siya sa akin mamaya akala niya ba papalampasin ko 'tong ginawa niya sa'kin. No way!

Gagantihan ko siya! Hindi ako papayag na ginaganon niya ako.

"Maghintay ka lang panget ka! Gagantihan kita." Sabi ko habang masamang nakatingin sa labas ng bintana.

"Tammy! Tammy, iyong kuya mo." Humahangos na sabi Margaret.

"Napano?" Tanong ko, Kinuha ko ang suklay sa bag ko at nagsuklay. Baka kasi mapansin ako ni Clark kaya kailangan laging pretty.

"Nakikipag sapakan sa baba!" Hingal na hingal na sagot niya.

Talaga naman si panget kakahiwalay pa lang namin gumawa na ng gulo. Bahala siya sa buhay niya wala na rin naman masisira sa mukha niya dahil matagal na iyong sira. Natawa ako.

Naalala kong kausap ko pala si Marga at ang sinasabi niya nakipag away si kuya Temper blah blah blah pake ko naman diba.

"Oh? basag ba ang mukha?" Kalmadong tanong ko habang patuloy sa pagsusuklay.

"Maryoseph ka, Tammy! Bakit pa relax relax kapa diyan nakikipag away yung kuya mo doon sa field!"

Bakit ba ganyan siya mag react ? Anong magagawa ko kung pupunta ako doon. Dito nalang ako nakakapagod kayang maglakad.

"Hayaan mo si kuya Temper strong 'yan, kaya niya sarili niya. Maupo ka nga pag usapan nalang natin si Clark." Hinila ko siya paupo sa tabi ko.

"Alam-----"

"Tammy! Yung kuya mo nakikipag away na doon wala ka man lang pakialam ano ka ba!" Pinutol niya ang pagsasalita ko.

Napa kurap kurap ako. Napaka oa naman nitong si Marga, ano naman kung nakikipag sapakan si kuya Temper sa baba pangarap niya kasing maging boxer kaya hobby niyang makipag sapakan.

"O' anong gusto mong gawin ko? I cheer ko siya tapos sasabihin ko. Go kuya, go gwapo kong kuya. duh! Never kong gagawin 'yon, Marga."

"Gaga! Hindi awatin mo baka mapatay niya si Clark!"

Nalaglag ang panga ko ramdam ko iyon.

Si Clark? Ka agad akong tumayo at mabilis na tumakbo palabas ng room. Bakit si Clark ang kaaway niya ano naman laban ni Clark sa kanya ang laki ng katawan niya samantalang si Clark ay payatot lang.

Kuya nakakainis ka talaga!

Mabilis akong tumakbo hanggang sa makarating ako sa baba. Maraming studyante grade seven ang nanood break time kasi ng grade seven kaya halos sila ang nanunuod.

Hinawi ko ang mga nakaharang sa dadaanan ko. Nakitang kong pinag sasapak ni kuya Temper si Clark nanlaki ang mata ko at nakaramdaman ng inis para sa kapatid. Nakita ko si Art na nakatayo sa gilid ni kuya temper nakahalukipkip ito habang pasipol sipol na nanunuod sa kanila.

"G*go ka, Temper! Akala mo ba lahat takot sa'yo!" Sigaw ni Clark. Ngumisi si kuya at sinapak ulit si Clark sa mukha napapikit si Clark.

"Binalaan kita! Talagang matigas yang putangina bungo mo."

Malakas na sigaw ni kuya Temper. Akmang sasapakin niya ulit si Clark nang pigilan ko sya.

"Kuya tama na!" Hinawakan ko ang braso niya. Puro pasa ang mukha ni Clark at ang mga kaibigan niya.

"Oops! Game over." Si Art. "Kayo mag si balik na kayo sa mga room niyo tapos na ang palabas." Sabi ni Art sa nga nanunuod.

"Ow, Hi sis." Walang emosyong bati niya pero ang mga mata niya ay nakay Clark.

Nanatiling nakahiga si Clark. Hingal na hingal at hinang hina madumi na din ang uniform niya na parang kanina lang ay tinide sa sobrang puti.

Nakatintin ng masama si Clark kay kuya at ganon din si kuya Temper. Nagpabalik balik ang tingin ko sa kanilang dalawa.

"Ang lakas ng loob mong titigan ako." Pekeng tumawa si kuya.

"Strong siya tol." Sabat ni Art.

Isa pa tong si Art, ano bang ginawa ni Clark para saktan niya ng ganitom

Binitawan ko ang braso ni kuya Temper pupuntahan ko sana si Clark pero pinigilan niya ako. Malakas na hinatak niya ako papunta sa kaniya matalim ko siyang tinignal. Siguradong sa guidance na naman basag niya kapag hindi pa siya nag tino baka ma kick out na siya dito sa school.

"Ano bang ginawa sayo ni Clark at ginawa mo to!" Nagpipigil na sabi ko. Nagtaas siya ng kilay at pinunasan ang labi niya na may dugo.

"Kuya! Sumosobra naman yata 'yang pagiging basagulero mo!"

"Pinagtawanan ka niya." Salubong na kilay na sabi niya.

Huh? Ano daw? Kaya niya sinapak si Clark dahil pinagtawanan niya ako hindi naman ei.

"Ano naman kung pinagtawanan niya ako? ikaw nga din pinagtatawanan ako! Pero ni re-wrestling ba kita?" Gosh! nauubusan na ako ng pasensya sa panget na to.

"Ikaw naman may kasalanan kung bakit niya ako pinag tawanan." Dagdag ko, dumilim ang mukha niya.

"Ewan ko sayo, Tam." Sabi niya sabay labas ng bente sa bulsa nya at kinuha ang kamay ko tsaka iyon binuka.

Nilagay niya ang bente sa palad ko.

"Iyan bente maghanap ka ng kausap mo, pwera lang diyan sa lalaking 'yan." Sabi nya. "Tara na Art." naglakad na siya paalis sumunod naman si Art.

"Tig sampu tayo." Tinapik ni Art ang balikat ko bago umalis.

"May pares doon, libre mo ako binigay ko bente ko kay Tam."

Napanganga ako habang nakatingin sa benteng nasa palad ko. Kahit kailan wala talagang kwentang kausap yon. Bente lang kuripot hindi pa niya ginawang singkwenta para sana nakabawi na siya.

Si Clark. Mabilis ko siyang nilingon pero wala na siya nasaan na 'yon. Gusto ko pa namang mag sorry para sa ginawa ng kapatid ko sa kaniya.

-Emotionalangels.

Chapter 2

CHAPTER 2.

Bumalik na ako sa room naabutan kong pinagkakaguluhan si Clark ng mga kaklase naming babae. Nakiki chismis kung anong nangyari sa kaniya. Ngumuso ako habang naglalakad pabalik sa upuan ko.

Lumapit sa akin si Anne.

"Hoy tammy! Tignan mo ang ginawa ng kuya mong kriminal kay, Clark!" Sabi ni Anne, dinuro niya ako.

Tinignan ko si Clark sandali at binalik ang tingin kay Anne. Ito talaga yung pinaka bwesit dito sa room masyadong paki lamera. Ipabugbug ko kaya siya kay kuya para naman manahimik siya.

"Napano?" Tamad na tanong ko para ipakita sa kaniyang hindi ako intiresado. Umupo ako sa upuan ko at nilabas ang notebook ko.

"What?! Napano?" 'Di makapaniwalang tanong niya.

Tinuro niya si Clark. "Tignan mong mabuti ang mukha ni Clark, yang kriminal mong kapatid ang gumawa niyan sa kaniya! Kriminal siya!"

Oa naman sa kriminal, basagulera lang siya.

Inikot ko ang mga mata ko. Oo hindi kami magkasundo ni kuya Temper pero naiinis ako kapag sinasabihan siyang kriminal. Hindi naman siya kriminal basagulero lang siya magka iba iyon, ang oa lang nila masyado.

"Edi pakulong mo kriminal pala."

Nagtawanan ang mga lalaki naming kaklase at nagbulungbulungan naman ang mga babae.

"How dare you! Paano mo nagawang sagot sagutin ako ng ganyan! Hindi mo ba ako kilala ak----" pinutol ko sa sasabihin niya.

"Kilala kita." Peke akong ngumiti. "Ikaw si pakimerang Anne. Feeling Queen bee ka dito pero ang totoo squamy ka lang naman."

Ang tapang ko diba? Oo naman para saan pa at kapatid ko si Temper

Namumula sa galit si Anne at hindi nakakibo sa sinabi ko. Gusto ko si Clark but it doesn't mean na kakampihan ko siya.

Naiintindihan ko naman si kuya pinagtatanggol niya lang ako kaya niya ginawa iyon. Pero hindi ko naman talaga siya naiintindihan.

"Okay kana? Sige shupi kana, magpapansin kana ulit kay Clark, tutal papansin ka naman." Hilaw akong ngumiti.

Mag sasalita pa sana siya nang biglang isigaw nang isa kong lalaking kaklase na nandyan na si ma'am kaya nag si balikan na sila sa mga upuan nila.

"Lagot ka sa akin mamaya, kakalbuhin kita." Banta niya habang naglalakad pabalik sa upuan niya.

Umirap ako, bakit ako matatakot sayo duh i have back up.

"Sige lang, sabay tayong umuwi ha." Ngumiti ako't marahang kumaway.

Matalim niya akong tinignan hanggang makarating siya sa upuan niya. Kay kuya Temper nga hindi ako natatakot sayo pa ka kaya Anne Anne? isa ka lang namang fungi.

Pagkatapos ng isang oras na klase tumunog na ang bell hudyat na uwian na. kanya kanyang paganda ang mga babae at ang mga lalaking atat umuwi ay nagsilabasan na.

Tinignan ko si Anne at ang mga alipores niya. nag aayos sila ng sarili kanya kanyang lagay ng make up. Akala mo naman may mag babago sa mga pagmumukha nila.

Napailing iling nalang ako at tinuloy ang pag aayos ng gamit

Pinasok ko ang notebook, libro at ballpen sa bag. kinuha ang cellphone ko sa bulsa. Itetext ko si kuya na hintayin ako para sabay na kaming umuwi baka pala maraming back up tong si Anne ei.

Ako:
Hoy! Sabay na tayo hintayin niyo ako.

Napatingin ako kay Anne. dumaan ito sa harap ko at sinenyasan akong hihintayin ako sa labas saka nakipag tawanan sa mga alipores niyang mukhang hipon. umirap ako at pinagpatuloy nalang ginagawang pag ligpit sa mga gamit ko.

Muli akong Tumingin sa labas.

Lumabas na sila Anne sa classroom iilan nalang ang nandito ngayon. Binagalan ko ang galaw ko para matagalan pa.

inaayos ko ulit ang pagkaka salansan ng mga notebook ko kahit na maayos naman para mas matagalan ako.

Hindi pa din nagrereplay si kuya Temper.

Ano ba yan! kinakabahan ako. Hindi naman ako takot kay Anne the fungi kung siya lang. pero kung may kasama siya syempre matatakot ako dahil pagtutulungan nila ako. Si kuya nalang talaga ang pag asa ko para mabuhay.

Lumapit sa akin si Mark.

"Severo natatakot kana ba?" Sabi niya.

"Bakit ako matatakot?" Taas noong sagot ko.

"Ang tapang mo talaga, nag iisa ka lang naman."

Natawa ako. ako? matapang oo naman! Matapang ako kung nasa likod ko si kuya Temper. Pero pag wala siya hindi! jusmeyo ang payat ko lang anong laban ko kung sakaling pag tulungan nila ako.

"Ow, Matatakot ba? Oo naman! dapat nga akong matatakot kay Anne." Sabi ko at ginalaw ang mga daliri ko. "Sinong namang hindi matatakot sa mangkukulam." Hulahakhak ako. pero sa totoo lang kinakabahan na talaga ako.

"Nice. Ang tapang lumabas kana hinihintay kana namin." Sabi niya bago lumabas ng room.

Namin ba ang sinabi niya? ibig sabihin kasama siya at marami sila? Patay! Anong gagawin ko? katapusan ko na ba.

Mabilis kong dinampot ang cellphone ko at tinext si kuya.

Ako:
Kuya nasaan ka? Hintayin niyo ko ni kuya Art huwag muna kayong umalis. : (

Nanginginig ang daliri ko habang hinihintay ang reply niya. Hindi nagtagal nag reply na si kuya Temper.

Tempered Glass:
Mauna kana.

Napakurap kurap ako habang binabasa ang reply ni kuya. Mauna na ako? Hindi pwede natatakot akong mabugbog ng mga yon. Mabilis pa sa magician ang akong nag reply.

Ako:
Hala ka kuya! hindi pwede, nasaan kaba? Hintayin nyo ako.

TEMPER POV:

"Balik tayong school." Tumayo ako at dinampot ang bag ko sa gilid

"Kakarating lang natin." Sabi ni Art.

Nag text si Tammy ngayon ngayon lang. sinabi niyang hintayin namin siyang umuwi. Malakas ang kutob ko na may mangyayari sa pasaway na iyon.

"Aalis na kayo Tem?" Tanong ni Isaac. Isa sa mga kalaro namin ng Billiards.

Hindi kami pumasok ni Art sa last subject namin. Nag cutting kami at dito dumiretsyo sa bilyaran.

Tumango ako. "Susunduin ko pa si Tammy." Sabi ko at tumingin ako sa suot ko.

Anak ng puting tupa nakarating ako dito ng ganito ang suot ko? ang dugyot.

Tumingin ako kay Art. "May extra shirt ka ba dyan?"

"Mukha bang meron? Minsan nakakabobo mga tanong mo pre." Sagot niya.

"Tem, Art." Hinagis sa akin ni Isaac ang isang black na tshirt. "hiramin nyo muna, ang dudugyot ng mga itsura nyo."

"Salamat tol!" Sabi ko at nakipag highfive.

"Lamat." Si Art.

Hindi na din kami nagtagal ni Art sa bilyaran ni Isaac. habang naglalakad pabalik sa school tumunog ang cellphone ko sa bulsa. Kinuha ko yon at tinignan ang text galing kay tammy.

Panget:
Kuyaaaaaaa! Hindi ba talaga kayo makakabalik dito sa school?

Hindi ko nireplyan si Tammy medyo malayo pa kami at hindi talaga maganda ang kutob ko. Kung maglalakad kami matatagalan kami.

"Bakit tayo babalik sa school?"

"Mag aaral tayo ulit."

"Tangina Pre, umayos ka nga."

"Nakaka bobo kasi tanong mo."

Huminto ako at tinignan isa isa ang mga jeep na dumaan kung saan ang punta nito. Kapag minamalas ka nga naman walang jeep na dadaan sa school at traffic pa. Anak ng pating!

"Anong oras na?" Tanong ko ng hindi tumingin kay Art.

"Ala singko na."

Bumuntong hininga ako. Napatingin ako sa motor na huminto sa harap namin.

"Tem? bakit nandito kayo?" Sabi ni Jetro.

Naka sakay siya sa motor niya. Mukhang may natitira pa naman akong swerte.

"Jet, pahiram muna niyan." Tinuro ko ang motor niya. "Emergency lang." Dagdag ko.

Nag isip si Jetro sandali bago bumaba at iabot sa akin ang susi.

"Sige, ibalik mo ng buo iyan." Tinapik niya ang balikat ko at
tumango.

"Oo! Libre kita next time, salamat!" Sabi ko tumango si Jetro.

Sumakay na ako sa motor. Nilingon ko si Art nakatayo lang siya at nakatingin sa kung saan.

"Art tara!" Sabi ko. ininstart ko na ang makina. nanatiling nakatayo at nakatingin sa akin si Art. Bobo talaga!

"Sasama ako?" Sabi niya at tinuro pa ang sarili niya.

"Tangina ka! Na iistress ako sayong kupal ka. Tara na!" Utas ko.

Sumakay na si Art sa likod. mabilis kong pinaharurot ang sasakyan kahit traffic panay ang lusot ko kung saan pwedeng lumusot.

"Pupunta na tayo sa heaven! Heaven."

Parang tangang sabi ni Art, abnormal. hindi ko siya pinansin at nag drive nalang.

Hininto ko ang motor sa labas ng gate ng school mabilis akong bumaba walang buhay namang bumaba si Art.

"Hindi tayo nakarating sa heaven." Matamlay na sabi niya.

Hindi naman kami ng nag take ng marijuana pero parang sabog siya.

"Tang-na umayos ka nga!"

Naglakad na ako papasok sa school saktong walang guard kaya nakapasok kami. Mabilis akong tumakbo papunta sa room ni Tammy nakasunod lang sa akin si Art. Pagdating namin doon wala ng tao at naka lock na ang pinto.

Malakas na sinipa ko ang pinto dahil sa inis. Pinagloloko ba ako ng batang yon, kinagat ko ang labi ko at sumandal sa pader.

"Si Tammy ba?" Tumingin ako sa kaniya. "Nakita ko siya kanina sa labas." Sabi nito.

Kinagat ko ang lagi ko at napa iling iling nalang. Nauubusan na talaga ako ng pasensya dito kay Art.

"Tang." mumurahin ko dapat siya. "Bakit hindi mo sinabi sakin, tang-na Art!"

"Malay ko bang si Tammy pala hinahanap mo." Inosenteng sagot niya.

Kinalma ko ang sarili ko.

"Tangina mo talaga! Siya lang mag isa?"

"Hindi. hinarang siya ng limang babae at tatlong lalaki, hindi ko alam na may tropa pala si Tammy."

Limang babae at tatlong lalaki. Alam ko kung anong gagawin nila.

"Tara." Tinapik ko ang balikat niya.

Malalaking hakbang ang ginawa ko papunta sa bakanteng lote 'di kalayuan dito sa school. Sa limang taon ko sa school na to alam ko na ang pag iisip ng mga studyante dahil gawain ko din yon. Mahilig silang abangan ang kaaway nila sa labas dadalhin sa loteng yon' para doon saktan. Ang weak naman kung ako gagawa non sa public para cool.

Pagdating namin don naabutan namin ang limang babae at tatlong lalaki. Nakita ko din si Tammy na sinasabunutan ng babaeng mukhang singkamas sa sobrang puti pero hindi naman maganda.

Hindi ako lumapit. sumandal ako sa pader habang pinapanood sila.

"Kapatid mo Tem, tara." Lalapit sana si Art.

Pinigilan ko siya. "Huwag. hayaan mo siya matigas ulo niya kaya hayaan mo siya." Kalmadong sabi ko.

"Gago! Ang dami nila, anong laban ng kapatid mo!"

Tumuwid ako ng tayo at humalukipkip. ang mga mata ko ay nanatiling nakatinginkay tammy.

Napangisi ako. Nanlilisak ang mata niya habang isa isang tinitignan ang mga kaaway. Kung matapang ka panindigan mo. Nagmatapang siya kaya kailangan niya yong panindigan.

"Away babae iyan."

"Bakit may lalaki?"

"Hindi sila lalaki kung ganon." Natawa ako.

"Sige bahala ka sa buhay mo, ang gulo mo." Sabi niya at tumabi sa akin.

"Pero subukan lang ng mga lalaking yan hawakan kahit hibla ng buhok ni Tammy, pagbabasagin ko mga bungo nila."

Nagtinginan kami ni Art.

"Get ready? Showtime!" Sabi ni Art at sabay kaming natawa.

TAMMY.

"Bitawan mo nga ako!" Pilit kong tinanggal ang kamay ni Hera na nakahawak sa buhok ko. Masamang tingin ang pinukol niya sa akin habang mas humihigpit ang pagsabunot niya sa buhok ko.

"Ayoko nga." Maarteng sabi niya at inirapan ako.

Hawak ng dalawang babaeng hindi ko kilala ang dalawang kamay ko habang sinasabunutan ako ni Hera. Nasa harapan ko naman si Anne. Naka halukipkip siya habang nang-iinsultong tinitignan ako.

"Duwag ka." Sabi ko mismo kay Anne, tumaas ang sulok ng labi nito at nagtawanan naman ang mga kaibigan niya.

Lumapit siya akin. napapikit ako sa sakit dahil humigpit ang pagsabunot ni Hera sa buhok ko at 0ag higpit din ng paghawak sa kamay ko.

"Poor Tammy." Nirolyo niya ang buhok ko habang naka tingin sa akin. "Wala ka na nga laban matapang ka pa... Saan ka kumukuha ng tapang huh?"

Feeling matapang na din naman ako bakit hindi ko pa panindigan diba?

Masama ko siyang tinignan.

"Sa lolo mo." Pabalang na sagot ko. nawala ang ngisi sa labi ni Anne at napalitan ng Inis. Natawa naman ang mga lalaking kaibigan niya.

"Kapag tinatanong Kita." Hinila niya ang buhok ko kaya napapikit ako. "Sumagot ka ng maayos, Naiintindihan mo?" Binitawan niya ang buhok ko sabay pagsampal niya sa akin ng malakas.

Ang sakit! Ramdam na ramdam ko ang hapdi sa pagsampal niya.

"So-Sorry." Matalim akong tumingin sa kanya. "Hindi ko maintindihan dahil Hindi ako nakakaintindi ng salita ng isang fungi." May idudugtong pa sana ako pero hindi na natuloy dahil sa biglang pagsampal niya ulit sa akin.

Nakakarami ka ng babae ka! Makawala lang ako dito sa mga alipores mo kakalbuhin talaga kitang impakta ka.

"Matapang Talaga." Sabat ng lalaking kaibigan niya.

"Manang mana sa kapatid niyang kriminal." Sagot ng katabi niyang mukhang balot.

"Fyi, wala naman pumatay si kuya Temper, paano siya naging kriminal? At akala niyo ba hindi ko alam takot kayo sa kaniya."

"Ano Anne." Tumingin siya sa leader nilang bibe. "Turuan na ba natin to leksyon?" Sabi niya.

Huminga ako malalim masyado ng masakit ang anit ko dahil sa pagsabunot ni Hera'ng mukhang paa sa akin. At masakit na din ang mga kamay ko dahil bumabakat ang kuko nila sa braso ko. Dagdag mo pa ang pisngi ko na dalawang beses sinampal ni Anne the Fungi.

Kasalanan talaga ni kuya Temper ito! Kung hindi siya umalis ka agad at Hinintay ako edi sana Hindi to mangyayari sa akin.

Gusto kong umiyak pero ayaw ko namang lalong mag mukhang kaawa awa sa harap ng mga to.

"Ano naman ituturo niyo sa akin math or english?" Sabat ko. Sabay sabay silang tumingin sa akin. "No thanks, matalino na kasi ako baka kayo pa ang turuan ko."

"Pilosopo ka huh!" Inis na sabi ng isa pang lalaki na mukhang mangga dahil sa haba ng baba nya.

"Kanino pa ba mag mamana." Peke akong ngumiti.

"Papatulan na kita." Akmang lalapit siya sa akin at sasapalin ako.

Masama ko siyang tinignan. "Bading ka? Bakla lang ang pumapatol sa babae so bading ka?" Mas nainis sya sa sinabi ko.

Isa isa kong silang tinignan ng masama. Malay mo naman makuha sila sa tingin.

"Anong tinitingin mo?" Pasigaw na tanong nung lalaking mukha balot na tinubuan ng mukha.

"May kamukha ka." Peke akong ngumiti.

Siniko siya ng katabi niya. napangiti naman si balot. Hindi ko alam ang mga pangalan nila kaya lagyan nalang natin ng code name.

"Alam ko na kung sinong kamukha ko, pero sige sino." Humalukipkip ito.

"Sikat to, sikat na sikat." Sabi ko na ikangiti nya.

"Sino?"

"Mukha kang balot!" Peke akong tumawa nawala naman ang ngiti sa labi nito. "O' Hindi ba sikat yon lahat nakakakila-----" Hindi natuloy ang sasabihin ko dahil sa biglang pag lapit niya sa akin at akmang sasampalin ako.

Napapikit ako, narinig ko ang tawa ng mga kaibigan niya. Sa laki ng kamay nito siguradong mamahid ang mukha ko kapag sinampal niya ako.

"Ang tapang naman ng mga Grade 8 ngayon. Hindi ba Art?" Boses ni kuya Temper.

Para akong nabunutan ng Tinik sa dibdib dahil narinig ko ang boses niya. Salamat naman at dumating sya kahit medyo late.

"Oo." Sagot ni kuya Art. "Naalala ko noong Grade 8 tayo sumasali pa tayo sa Fanwar ni yaya Dub at pastillas girl." Sabi ni Art. natawa ako sa sinabi niya.

"Ikaw pala Temper." Matigas na sabi ni Balot boy kay kuya Temper pero halata naman ang takot sa boses nito.

"Hi fans." Kumaway si kuya kay balot boy.

Papapikit ako masakit na talaga ang anit ko. At ang braso ko. Nakita kong lumapit si Kuya Temper Kay Anne tsaka Ito inakbayan.

"Singkamas ka ba?" Tanong ni Kuya Temper namula ang pisngi ni Anne the Fungi habang nakatingin sa kapatid ko.

Tumingin naman ako kay Kuya Art na sinenyasan Si Hera na bitawan ako.

Dahan dahan lumuwag ang hawak ng dalawa sa kamay ko at binitawan naman ni Hera ang buhok ko.

"Very good!"

Nag Thumbs up si Art At ngumuti pero pinalitan nya yon ng middle Finger nya.

"Bakit?" Bumaling ang mata ko kay Anne. naka Akbay parin sa kanya si kuya.

Hinaplos ni Kuya Temper Ang pisngi ni Anne. "Dahil gusto kita." Sabi niya kasabay ang pag halik nito sa pisngi ni Anne.

Huh? Anong connect?

Namula ng Husto si Anne at natulala siya pati ang mga kaibigan niya.

Tumingin si kuya Temper sa dalawang lalaki na kasamahan ni Anne.

"Bibigyan ko kayo ng pagkakataon na tumakas." Sabi ni kuya habang palakad lakad. "Kapag may naabutan ako sa isa sa inyo pagkatapos kong magbilang hanggang sampu, mag dasal kana dahil sa Hospital ang bagsak mo." Isa isa niyang tinignan ang mga kaibigan ni Anne.

Natahimik naman ito at nag tinginan.

"Game." Tinaas niya ang kamay nya. " One, Two Three Four Five." Bilang niya habang palakad palakad nanatiling nakatayo sila.

"Kung ako sa inyo tatakbo na ako. Naalala ko noong nag away kami ni Temper isang buwan ako sa hospital." Sabi ni kuya Art.

"Six, seven." Pagtutuloy ni kuya.

Pagdating sa eight ay bigla nalang silang nag takbukhan. Hinila ni Hera si Anne paalis dahil hanggang ngayon ay tulala parin ito.

-Emotionalangels.

Chapter 3

CHAPTER 3.

TEMPER:

"Totoo bang nag away kayo ni kuya, Tapos na ospital ka?"

Tanong ni Tammy kay Art. Nag taas ako ng kilay habang nakatingin sa pisngi niyang namumula. Pangit na nga mas lalo pang pumangit.

Tumawa si Art. "Hindi nagbibiro lang ako, ganon ba ako ka weak sa paningin mo, Tammy." Ginulo niya ang buhok ni Tammy.

Tinignan ko mula ulo hanggang paa si Tammy wala naman siyang sugat o pasa magulo lang ang buhok niya at iyong pisngi niyang namumula.

"Hindi! mas strong ka nga kesa kay kuya." Tumingin siya sa akin at inirapan ako.

"Narinig mo 'yon, Tem. Sa kapatid mo mismo na nanggaling." Sabi ni Art, sinamaan ko siya tingin.

"Tammy huwag mo ng uulitin iyon, paano kung hindi kami dumating?"

"Pero kuya sila naman nagsimula!"

"Paano? Ano bang ginawa nila sayo Tammy?"

Pinakinggan ko lang ang usapan nila.

"Si Anne kasi sinabihin niyang kriminal si kuya Temper kaya nainis ako sinagot ko siya. Hindi ko naman alam na aabangan nila ako."

Napahinto ako, kaya siya napa away dahil pinag tanggol niya ako. Hindi ko iyon inaasahan.

"Tara na." Yaya ko at naunang naglakad, hindi pa ako nakakalayo tinawag na ako ni Tammy.

"Kuya!" Tawag niya.

Nilingon ko siya.

"Ano?"

"Hindi ako makalakad." Nakangusong sabi nito. "Natapilok kasi ako kanina kaya hindi ako makapag lakad ng maayos."

Tinignan ko ang paa niya. Medyo namumula ito bakit hindi ko iyon nakita kanina.

"Anong gusto mong gawin ko?" Medyo iritado kong tanong. Tangina naman kasi Naiihi na ako.

"Piggy backride." Binuka niya ang dalawang braso niya at sinenyasan ako na lumapit sa kaniya.

"Kaartehan mo Tammy kaya mo na 'yan!"

Ngumuso siya at tumingin kay Art.

"Kuya Art, Ikaw nalang wala kasing kwenta yung kapatid ko." Sabi niya habang nakatingin ng masama sa akin.

Humalukipkip ako at pinanuod sila.

"Tigilan mo 'yang kaartehan mo, Halikana!"

Ngumuso siya. "Hindi naman ako nag iinarte! Masakit nga talaga saka kasalanan mo naman ito. Kung hinintay mo ako kanina pauwi hindi iyon mangyayari!" Sigaw niya.

Masama kaming nagkatinginan.

"Sige na Tem, Ako nalang." Sabat ni Art.

"Buti pa si Kuya Art Mabait." Sabi nito pero sa akin parin nakatingin. "Yung isa dyan saksakan ng sama ng ugali hindi naman gwapo." Pang iinsulto niya.

Naglakad ako palapit sa kaniya at yumuko.

Nilingon ko siya. "Sakay na."

Halos bumagsak ako sa lupa dahil sa biglang pagsakay niya sa likod ko. Fuck!

"Yes!" Tili niya. "Ikaw talaga kuya pa feeling cold hearted Brother ka pa Pero mahal na mahal mo naman ako. Ayieeeeeeee! Tara na! Lets go!"

"Tumahimik ka nga." Singhal ko.

Kaya ayaw na ayaw kong ginagawa ito.

"Ang bigat! Huwag ka na nga kumain na marami." Tumayo na ako, pasan pasan ko siya. "Tara na Art." Tumango si Art at sumunod na.

"Ayoko nga! Ang sarap kayang kumain. Lalo na kapag hindi ikaw ang nagluluto."

Napapikit ako dahil hinigpitan niya ang pagkakayakap sa leeg ko. Sinasakal niya na ako.

"Sarap na sarap ka sa luto ko."

Tumawa siya sakto pa sa tainga ko. Kaasar talaga tong babaeng ito.

"Hindi kaya Feeling ka!"

"Hindi ka ba makakapagsalita ng hindi sumisigaw."

"Hindi!" Sigaw niya.

"Isa pa Tammy ilalaglag kita!" Banta ko. Umaayos ito at niluwagan ang pagkakasakal sa leeg ko.

"Hindi na. Sorry na kuya Tempered glass."

Hindi na ako sumagot para hindi na din siya magsalita. Napansin kong tumahimik siya at nakarinig ako ng mahinang hilik.

"Tulog na siya pre." Sabi ni Art.

Tumango ako at nagpatuloy sa paglalakad.

"Bakit hindi mo siya pinaganti doon sa mukhang singkamas na sumampal sa kaniya. Nakadalawang sampal siya sa kapatid mo okay lang sayo iyon."

Binalingan ko si Art. Hindi iyon okay sa akin. Nang makita ko siyang sinampal nang babaeng singkamas nagalit ako. Nagalit ako ng sobra pero hindi ako pwedeng mangialam.

"Kailan ko hindi ginanti si Tammy." Tumingin ako kay Art. Nag isip ito.

"Kailan?" Tanong niya.

Inaayos ko ang pag pasan kay Tammy bago sumagot.

"Wala, Alam mo 'yan." Sagot ko.

Bilang kuya responsibilidad ko ang alagaan at bantayan siya mula sa malayo. Kailangan niyang madapa ng madapa para tumatag.

Noong bata si Tammy lagi siyang Binubully dahil payat siyang Bata at sobrang liit. Sakitin din ito at tahimik, medyo weird ang itsura niya dahil sobrang payat niya kaya naging tampulan ito ng tukso. Kung walang kaya ang pamilya siguradong patay ja siya.

Hindi siya matapang dati ngayon lang naman siya nagmamatapang pero mahina parin.

Hanggang sa lumaki kami ni Tammy at nagiging okay na siya. Lumalaki na ang katawan niya at nagiging madaldal na pero marami parin itong nakaka away.

Nagiging matapang lang siya dahil sakin. Dahil alam niya na lagi akong nasa likod niya at handa siyang ipagtanggol. Pero ayokong maging ganon siya, ayokong i normalize nalang niya ang pakikipag away.

Kapag pag may nang away sa kaniya hindi ako papayag hindi siya makaganti. Kung hindi man siya ang maka ganti ako ang gumagawa niyon.

"Anong balak mo?"

Sumiksik si Tammy sa leeg ko kaya tumatama ang hininga niya sa akin.

"Ilang Sampal?"

"Dalawa."

"Kung ganon, Sampung sampal ang kapalit."

Tumawa si Art kaya nakitawa nadin ako.

"Paanong yung mga lalaki?" Tumingin sa akin si Art.

Sinenyasan ko siya. Nakuha ang ibig kong sabihin.

Ako lang ang pwedeng mang away sa kapatid ko. Ako lang pwedeng mang asar sa kaniya. Pero ang saktan siya ng iba ay hindi ako makakapayag.

Parang ganito lang yan.

Awayin ko ang kapatid ko its okay, pero awayin mo ang kapatid ko, its not okay world war three na yon.

"Dito na ako tol, una na ako." Paalam ni Art. Tumango ako bilang sagot.

"Ingat."

Tumango siya at sumakay na sa Jeep. hindi na namin kailangan sumakay ni Tammy Dahil malapit na din naman kami sa subdivision kung saan kami nakatira.

"Hoy! Gising." Inalog alog ko siya.

Bahagyang siyang umungol.

"Hm, umaga na ba? Kuya ayoko ng bawang sa Fried rice huwag mong lagyan. Kapag nilagyan mo yan hindi ko lalabhan ang damit mo."

Tulog ba siya o gising?

"Siraulo."

Masakit na ang likod ko dahil sa bigat niya at dahil alam ko namang gising na siya. Walang pasabing binaba ko siya na ikinagulat niya.

"Ouch! Kuya bakit mo ako nilaglag?!" Galit siyang Humarap sa akin.

Tapang tapang ang liit liit naman.

"Bakit hindi? Ang bigat mo."

Naiinsultong tumawa siya habang pinapay payan ang sarili.

Lagi niyang ginagawa 'yan, feeling nasa Korean novela.

"Ha! Hindi ako makapaniwala na nagawa mo iyon." Nakapamewang na sabi ni Tammy.

Walang emosyon ko siyang tinignan. Minsan naiinis talaga ako sa babaeng ito. Hindi pala minsan madalas lalo na kapag ganyan siya.

"Edi huwag kang maniwala."

Bago pa siya tumalak na naman naglakad na ako at iniwan siya mabilis naman itong sumunod sa akin.

"Isusumbong kita kay Mommy mamaya." pananakot niya sa akin.

Bumaba ang mata ko sa kamay niyang nakahawak sa laylayan ng T-shirt ko.

"Magsumbong ka, natakot ako."

"Talaga! Ang panget mo!"

Umirap ako at tinanggal ang kamay niya sa laylayan ng damit ko.

"May nakita ako kanina."

Sinasabayan niya lang ako sa paglalakad. Pagdating sa tapat ng subdivision tinanguan ko ang guard kaya binuksan niya ang gate. Pumasok na kami ni Tammy sa loob at naglakad ulit papunta sa bahay. Gabi na pero hindi naman madilim Dahil may ilaw naman sa mga poste.

"Anong nakita mo kanina? Kuya Tempered Glass?"

Nagulat ako sa bigla niyang pagsulpot sa harap ko.

"Baka maiyak ka lang kapag sinabi ko." Tumingin ako sa kaniya. Matalim niyang sinalubong ang tingin ko.

"Ano yon!" Sigaw niya.

"Huwag mo sabi akong sigawan!" Tinakpan ko ang bibig niya. Pilit niyang tinanggal ang kamay ko sa bibig niya.

"Hmm! Hmmm janshnehsjwjwayya."

Tinanggal ko ang kamay kong punong puno ng laway. Puta kadiri!

"Talaga naman, Tammy! ang dugyot mo." Pinunas ko ang kamay ko sa damit niya. Tumawa siya ng malakas.

"So ano ba iyong nakita mo kanina?" Tanong ni Tammy habang nakayuko at nakatingin sa baba.

Magsasalita na sana ako pero bigla siyang humarap sa akin at sumimangot.

"Ang sakit nang pisngi ko namumula ba?" Tanong niya.

Tinignan ko ang pisngi niya. Namumula nga ganon ba kalakas sumampal ang babaeng iyon.

"Wala ka man lang reaction?! Nasampal kaya ako."

"Alam ko, nakita ko."

Umawang ang bibig niya at napa kurap kurap.

"Nakita mo? Ibig sabihin nandoon ka tapos hinayaan mo lang ako sampalin at pagtulungan nila! Wala ka talagang kwenta kuya Temper."

Pinunasan niya ang mata niya. Umiiyak siya? Ang late naman ng reaction niya kanina pa siya nasampal ngayon lang siya naiyak.

"Late reaction." Napa iling iling ako.

"Ang sama mo talaga!" Umiiyak na sabi niya.

Ayokong umiiyak si Tammy hindi dahil Mabait akong kapatid, kung hindi Dahil ang sakit niya sa tainga at sa ulo.

"Bukas, ihanda mo iyang mga kamay mo."

Pinunasan niya ang luha niya gamit ang damit niya. Tumingin siya sakin.

"Bakit?"

"Sasampalin mo yung babaeng mukhang singkamas." Ngumisi ako. Ngumiti siya at yumakap sa akin.

"Wuaahhh! Talaga? Baback up-an mo ako?" Tuwang tuwang sabi nito. tumango ako.

"Omg! Kuya Tempered Glass na touch ako, sa sobrang saya ko baka mahalikan na kita."

"Tumahimik ka ingay mo."

Tumawa ito at nag thumbs up. "Opo!"

"Teka! Ano nga pala yung nakita mo kanina?"

"Living Turon."

Nagtatakang Tumingin siya sa akin.

"Ha? Living Turon?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

Tumango ako. umaktong nag iisip siya.

"Hindi ko gets, pero ano?"

Kinuha ko ang cellphone sa bulsa, hinanap ko ang picture niya kanina na kinuhanan ko.

Tinapat ko ang cellphone ko sa mukha niya.

"The living turon." Nagpipigil tawang sabi ko.

Nawala ang ngiti sa labi ni Tammy at matalim akong tinignan saka biglang sinakal.

Siya ang nasa picture. Naka suot sa kaniya ang tuwalya. Lingid sa kaalaman niya na kinuhanan ko siya ng picture kanina nakakatawa kasi ang itsura niya.

TAMMY POV.

"Anong sabi mo? Living turon ako e ikaw naman mukha kang mushroom na tinubuan ng mukha! Diyan kana nga ang panget mo!" Sigaw ko sa kanya at nag martsa paalis.

Living turon ako? Ha! Talaga lang huh palibhasa hindi niya alam na maganda ang babaeng flatchested.

"Hey living turon, hintayin mo ako." Sigaw ni kuya Temper sa likod.

Hindi ko siya pinansin at nag patuloy nalang sa paglakad. Ano naman kung flatchested ako e' thirteen years old palang naman ako syempre patubo pa lang yung boobs ko kaya ganon. Palibhasa nasanay siya sa mga kaklase niya na malalaki ang hinaharap.

Pagdating sa bahay mabilis akong tumakbo papasok sa kwarto. Wala pa si Mommy siguro mag oovertime iyon sa Hospital.

Nilock ko ang pinto at inis na umupo sa kama bumaba ang mata ko sa dibdib ko na sobrang patag ngumuso ako habang tinitignan yon.

Huwag kang mag alala boobsy lalaki ka din sa tamang panahon.

"Living Turon mag luto kana." Boses ni kuya Temper sa labas.

Alam kong papunta na siya sa kwarto niya ngayon dahil mag katabi lang naman ang kwarto naming dalawa. Bahala siya diyan hindi ako magluluto.

Umirap ako at tinanggal ang uniform ko saka ko ito hinagis sa kama.

Naglakad ako papunta sa closet naghanap ako ng damit.

Bumalik ako sa kama at humiga dinampot ko ang cellphone ko sa gilid. Nag log in ako sa facebook account ko. Bumungad sa akin ang picture ni kuya Temper kuya Art at Clark. Ito iyong kanina na pinagsasapak ni kuya Temper si Clark. Sabi na nga ba at kakalat ito.

Kawawa naman si Clark.

Nagpatuloy pa ako sa pag iiscroll hanggang sa may biglang lumabas na bagong picture sa newsfeed ko.

Anne Buenafe tagged Temper Zico Severo in a post.
I have crush on you. ♡

Ow sh*t! alam ba ito ni Kuya? Si Anne the fungi may crush kay kuya Temper napakurap kurap ako. Talaga may nagkaka gusto pa pala sa panget na iyon?

Tinignan ko ang isa isa ang mga comment binasa ko iyon isa isa at masasabi kong wala 'yong kwenta. Nakita kong nag comment si kuya Art one second ago.

Art Sandoval commented on Anne Buenafe Post.
@Temper Zico Severo Pre na love na first Sight sayo, AyiEeee!

Temper Zico Severo commented on Anne Buenafe post.
@Anne Buenafe, Hi babygirl cRuXx dHin Khita

Ang jeje niya.

Feel na feel kuya? Crush mo din pala yang Anne the fungi na iyan kaya pala hindi mo ako pinag tanggol kanina. At ito pang si kuya Art talagang naki sali pa nakakainis.

Anne Buenafe replied to Temper Zico Severo.
@Temper Zico Severo, Really?

Temper Zico Severo replied to Anne Buenafe.
Yes.

Malandi talaga itong si kuya Temper kahit kailan! Hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong nainis kaya binlock ko siya pati si kuya Art. Ang haharot tama bang makipag harutan sa Kaaway ng kapatid niya in public wala talagang isip 'tong si kuya Temper.

Pabagsak kong binaba ang cellphone ko sa kama. Tumayo ako sinuot ang tsinelas ko at naglakad palabas ng kwarto sakto namang sabay kaming lumabas ni kuya Temper.

Inirapan ko siya at naglakad na pababa nakita ko namang nag kamot siya ng ulo.

"Sis, Binlock mo ba ako?" Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni kuya Temper sa gilid ko kaya na out of balance ako.

Mabuti nalang at nahawakan ni Kuya ang bewang ko kaya hindi ako naglaglag pababa sa hagdan.

"Lampa mo talaga." Sabi ni kuya.

Inirapan ko siya at tumuwid ng tayo. Nagpatuloy na ako sa pagbaba hanggang sa makababa kami.

"Oo! Malandi ka kasi."

Naglakad ako papunta sa sala at pagbagsak ng umupo sa sofa .kinuha ko ang remote ng tv at binuksan ito nilagay ko iyon sa kdrama channel.

"Paanong malandi?" Tumabi siya sa akin.

Kinuha niya ang unan sa gilid at pinatong sa ito sa hita niya tsaka niya tinungkod ang siko niya. tinungkod niya ang baba niya sa kamay habang nakatingin sa akin.

Masamang tingin'g binalingan ko siya.

"Basta malandi ka 'yon na 'yon! Magluto kana." Umirap ako.

"Labhan mo yung Uniform ko." Bilin niya.

Tumayo siya at naglakad papunta sa kusina ako naman nanuod nalang ulit ng tv.

Wala kaming kasambahay dito sa bahay dahil ayaw ni mommy may trust issue kasi siya kaya hindi siya nagtitiwala sa mga tao. Kaya kaming dalawa lang ni kuya ang kumikilos dito sa bahay.

Siya ang taga luto at ako naman ang taga laba ng mga damit ko at damit ni kuya. Minsan kumuha kami ng helper na maglilinis at maglalaba pero twice a week lang iyon.

May mga oras o araw na magkasundo kaming dalawa pero madalas talaga hindi. Pa iba iba kasi ang ugali ni Kuya Temper madalas maloko sya tapos bigla nalang mag iiba at magsusungit na naman kaya hindi kami nag kakasundo.

-Emotionalangels